VII. Ambuscade & Prowess

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

28th of August

Lalaine Neferet's

Now, everyone is preparing for this year's festival, the Germanic Tribe, and as what Ava said, gagawin namin ang suggestion ko. Ang magiging tatlong opponents ng mga visitors ay sina Shaylin, because of her unbelievable physical strength, Eli Jayce, the President of Taekwondo Club and Riley, a retired delinquent. And the weapons we'll be using are, kinds of swords and knives, boxing gloves, nunchunks, and many more. Everyone is excited, hindi dahil sa booth namin kundi dahil sa pera, nagpaplano na sila kung saan kami mag-oouting. Sa Island ba nina Vayne or sa labas ng Pilipinas, pero wag na tayo mag-expect muna. 

"Hey, Lalaine", may umakbay sa kaliwang balikat ko habang nagdidikit ako ng mga posters dito sa corridor, si Connor, ano nanaman ang kailangan niya? 

"What's up, Connor?", sabi ko sakanya na patuloy pa rin ako sa pagdidikit ng mga posters, ayaw talaga nito madikit sa pader, nagsasayang lang ako ng bala ng gun tacker, pinabayaan ko lang ito nakaakbay sa akin, aalis lang naman ito, eh. 

"Wala lang, nakita kita. Grabe ata ang trabaho mo lalo na't Head Chief ka pa, no? Gusto mo tulungan kita. Tingnan mo, ang hirap idikit, hindi naman kasi 'yan ganyan", sige ikaw na ang magaling. 

Binigay ko sakanya ang poster at ang gun tacker, pagkalagay niya ng poster sa pader, dalawang bala lang ang nagamit niya habang ako naman ay mga lima o pito. "See? Ganun kadali", sabi ni Connor, naiinis ako sakanya dahil nagmamagaling, eh. Simula nakilala ko 'to, palagi na ako kinakausap, parang nangdidistorbo ba. 

"Wala ba kayong ginagawa?", tanong ko. "Tapos na kami magprepare para sa booth namin at maglagay ng posters, well, that's Hephaestus for you", at kinindatan ako ng gago. Ew.

"Samahan mo ako sa gate entrance", para maglagay ng mga posters, "Sige, wait, tapusin ko lang 'to", sabi niya,, may mga oras rin na masaya siyang kasama at masasabi ka na 'mabuti nalang at nakilala ko 'to'. Pagkatapos namin mag-lagay sa gate entrance, pumunta naman kami sa fast food chain at naghand out ng batch of flyers, para tuwing may papasok na costumer, ibibigay nila ito, and lastly, our last destination, sa Gymnasium. These last 3 posters, dinikit namin sa main entrance and we're done!

"Thank you sa pagtulong, Connor", I said while holding he's left hand, because without him, bukas pa ako nito matatapos. "No problem, tsaka wala naman akong ginagawa, eh", sabi nito. "So, let's go?", yaya ko. 

"Tara", sabi niya habang pinapaikot ang handle ng gun tacker sa mga fingers niya. Dumaan kami sa soccer field, wala namang tao dito, busy lahat sa paghahanda. 

Hanggan sa hinila ako ni Connor palapit sa katawan niya, at may naramdaman ako na isang bagay dumaan sakin, full speed! "What the hell?", sabi koat tumingin sa puno, isang bullet na muntik ako matamaan! Mahehead shot ako nito!

"Looks like someone wants to play", seryosong sabi ni Connor, nagpakita sa amin, isang lalake, may hawak na baril, nakaitim na face mask, at nakasuot ng P.E uniform. Hinila naman ako ni Connor sa likod niya at sabi, "Dito ka lang sa likod ko, wag na wag kang lalapit sakanila. One false move, mamatay ka. Okay, Lalaine?", bakit ang kalmado niya sa ganitong sitwasyon, sinasabi niya 'yan na parang wala lang sakanya ito. But either way, I know I'm safe. 

"O-opo".

Sumugod ang lalakeng nakamask, at nilabas naman ni Connor ang kanyang pocket knife. All this time, may dala pala siyang knife? Lahat ng binabaril ni kuya na nakaface mask, hinahangaran ni Connor gamit ang kutsilyo niya, dahil gusto akong barilin nitong kuya. Hanggan sa natalsik ni Connor ang hawak na baril ni kuya at natanggal niya ang mask nito. 

Yes, magaling si Connor, magaling. 

Tumingin si kuya nakamask sa akin, nakangisi. Creepy.

"Huh?", may humablot sa'kin at sinaksak ako sa likod. Napatingin si Connor sa direksyon, na-distarct sa kanilang laban at nabitawan ang hawak niyang pocket knife, tumakbo ito palapit sa akin, ngunit, nagulat ang lahat sa ginawa ko. Yes, lahat, kasama yung dalawang naka mask.

Naalis ko ang kutsilyo sa tagiliran ko habang hawak ko ang kamay ng nag-saksak sa'kin. Tinaas ko ito at sinaksak siya sa noo. Tumalsik at bumuhos ang dugo sa uniporme ko. Aaminin ko, I've never this kind of pleasure after how many years! It's like, gusto ko pa mag-patay ng tao and go rampage. Naiwan ako dito nakatulala sa kawawang estudyante na subukan ako nitong patayin, kawawa. 

"Lalaine!", nagising ako nang tawagin ni Connor ang pangalan ko, muntik ko na makalimutan ang mga pangyayari dahil sa malalim kong pag-iisip. 

"Connor!", hinagis ko ang kutsilyo na ginamit ko at mabuti naman nasalo niya, hinawakan niya ang ulo nitong kuya at sinaksak sa leeg, napakalinis ang ginawa niya, di katulad sa'kin, nadumihan pa ako. 

Hay, para siyang panaginip. First time ito nangyari sa'kin, at first time kong makapatay ng tao. Ang problema namin ngayon, paano namin matatago ang mga bangkay? Makukulong na ba kami? 

"God, I didn't expect that", sabi ni Connor at umupo ito sa mga damo, hingal na hingal, tumabi naman ako sakanya, "Me either", sabi ko. We didn't expect to be ambushed here at the soccer field, what a great timing, na walang tao at the same time. 

"Wait! Diba nasaksak ka?", Ha? Nasaksak? Ay! Oo pala! Napahawak ako sa tagiliran ko, "Ah, shit", ngayon ko lang naramdaman ang sakit, patuloy pa rin ang pagbuhos ng dugo ko, my hands are now covered by blood, para akong bata na naglalaro ng pinta. Tinanggal niya ang suot niyang blazer, pinunit, at tinali sa bewang ko. 

"Tanga ka ba? Bakit mo pinunit?", sabi ko kanya, "I have many spare of clothes at my dorm, so I pwede ako mag-punit ng damit as long as kailangan ko, okay? Wag ka nang maingay, idadala kita sa magaling na manggagamot", sabi ni Connor, habang tinatali ng mabuti ang napunit na tela sa bewang ko. "Sa clinic?", tanong ko sakanya. 

"Are you dumb? Magtatawag nanaman ng pulis at magkakagulo ulit ang Hermanitch dahil nasaksak ka, at magkakalat nanaman itong balita sa loob ng campus. May kilala ako", tinulungan niya ako tumayo pagkatapos niya 'yan sabihin. I wrapped my left hand on his neck, while my right hand on my side. Anytime, this cloth will be soaked in blood, at magsisimula na ito tumulo, kaya sana, itong sinasabi ni Connor, na may kilala siya ay malapit lang dito sa soccer field. 

Pero, teka lang, "Paano yung mga bangkay?", tanong ko sakanya, "Ako na bahala, wag ka na mag-ingay dahil mas lalong bubuhos 'yan, papaunta na ang mga kaibigan ko. Sa ngayon, 'wag ka na muna magsasabi kung kanino sa nangyari, lalo na sa dalawa mong kaibigan, baka pagkamalan ka na 'killer'", wala na akong nasabi pa, dahil nanghihina na ako. Parang ayaw ko na maglakad, hanggan sa napabitaw ako sa pagkapit kay Connor at napaupo ako sa sahig, tumutulo na ang dugo ko. 

"Sumakay ka sa likod ko", even at this situation, he still orders me like a puppy, but I have no choice. As soon as nakapatong na ako sa likod niya, hinawakan niya ng mabuti ang paa ko para hindi talaga ako mahulog, "Last favor, Lalaine, pwede ibigay mo muna ang natitirang lakas mo para nakakapit ka ng mabuti sa leeg ko? I'm doing this for your sake, anyway", sige, Connor, 'wag ka na diyan magsat-sat at bilisan mo na dahil anytime, mahihimatay ako dahil sa blood loss. 

Nakaabot kami sa likod ng dorm building, at dumaan sa exit gate, may shortcut pala papunta sa boy's dorm, iniwasan niya ang mga daanan kung saan may dadaan na tao o may taong nakatambay, talagang mapapamangha ka sa galing niya. Bawal pumasok ang mga babae sa boy's dorm. Oh well, wala naman nakakita, eh. 

And at last, andito na kami, sa room 266-Hephaestus. 

"Paul!", bigla pagbukas ni Connor ng pintuan, nagising ang natutulog na Paul, nilock ni Connor ang pinutan at inilagay ako sa kama katabi ng kama ni Paul, "Connor? What the fuck? What are you doing here? You almost gave me a heart attack!", sabi ni Paul, galit na galit. "Yeah, whatever. I need your help", sabi ni Connor kay Paul, mukhang hindi napansin ni Paul na may sugatan dito sa kwarto, ah. 

"My friend is injured", pagkasabi niyan ni Connor, tumingin ang Paul sa akin, gulat na gulat, talagang hindi niya ako napansin. 

"Why did you bring her here? For the last time, Connor, I'm not a  fucking doctor! And what if anyone sees you bring a girl here? We're fucking dead meat!", puta 'tong Paul, at ini-english niya pa si Connor. Hello! May mamamatay na dito! "Last na talaga ito, Paul, promise", sabi ni Connor, at tinaas niya pa ang kanan niyang kamay. 

"C-connor, shit", mas lalo ako nanghina dahil nagsalita ako. Hindi ko na maramdaman ang katawan ko, as soon as I recovered, makukuha mo talaga ang gusto mo, Paul. 

At bigla nalang ako nakaramdam ng hilo, hanggan sa napapikit nalang ako. 

Everything went black.


~*~

"See? She's still alive, 'wag kasi maging OA, Connor, it's just a minor wound", nagising ako sa ingay ng dalawa. "Now, she's awake", sabi ni Paul, napaupo ako sa kama, hanggan ngayon nanghihina pa rin ako. "At ngayon, ang problema ko, paano ko mapapalitan ang bed sheet, mapapatay ako ni Ethan", nagtatagalog rin pala ang puta, tsaka Ethan? Ang Head Chief ng Hephaestus? Nasa kwarto ako ni Ethan?

"Connor, what the hell happened?", tanong ni Paul habang tinitingnan ng masama si Connor, "We've been ambushed by two masked people at the soccer field", explain ni Connor, "Eh, bakit sa soccer field pa kayo dumaan? Wala ngang tao, diba? Of all places, bakit doon pa?", teka, tama si Paul, ngayon, marami nanaman akong iniisip, kaso ewan, ang sakit pa ng ulo ko. "Eh, pakielam mo ba? Doon ang shortcut papunta sa school building", may point rin naman si Connor, dapat nasa classroom na ako ngayon, kailangan ako ng mga kaklase ko. 

"And the rest?", tanong ni Paul, "Wag mo na alamin", seryosong sabi ni Connor, umabot pala kami ng tatlong oras dito, tiningnan ko ang tinahi ni Paul sa tagirilan ko. "Wag mo na galawin, baka maputol mo pa ang sinulid at mag-buka 'yan", sabi ni Paul, "Anyway, bro, salamat ULIT, you're a life savior.", sabay tapik ni Connor sa balikat ni Paul.  

"It's already 4 am, the corridors will be crowded soon", paalala ni Paul sa amin, kailangan na naming umalis dito, lalo na't hindi pa kami nagtanghalian. "That's why we have windows", ani ni Connor. Oh please, Connor, kakagaling ko lang, as in kakagaling ko lang. "Are you nuts?!", sigaw ni Paul, "You're fucking crazy, Connor", dugtong nito. "Oh, c'mon, nasa second floor lang tayo, mababa lang 'to, tsaka ito rin ang shortcut papunta sa Gym's locker room, she needs to change", sabay turo naman ni Connor sa akin, napabuntong hininga si Paul, dahil wala siyang magagawa. 

"Dali na, umalis na kayo dito, papalitan ko pa ang bed sheet, don't ever come back again, you hear that, Connor?", sabi ni Paul kay Connor habang binubuksan ang bintana, malakas na hangin ang pumasok sa kwarto. "Aye, Captain", at tumalon na si Connor. 

"Thank you, Paul", sabi ko, naramdaman niya man ata ang pagiging sincere ko, seryoso, isa siyang malaking tulong sa akin. Ngumiti lang ito at saka ako tumalon. 

The heck? Sabi ni Connor, mababa lang? Bakit ang tagal ko umabot as lapag?

At sa nasalo ako ni Connor, "Tara, bilisan natin, samahan kita sa Gym", hindi na ako nagsalita dahil nagmamadali kami. This guy, grabe ang nagawa niya para sa akin, hindi ko alam kung bakit naman ako nito tinutulungan, hindi ko akalain na people like him still exists, because we're living in a cruel world. 

At last, nakaabot rin kami sa Gym, may mga tao rin sa loob, pero hindi naman nila ako napansin pumasok sa locker room at ni-lock ito, habang si Connor naman ay naghihintay sa labas. Naghilamos lang ako saglit dahil amoy malansa na ako, napahawak ako sa tagiliran ko. Infairness, magaling magtahi si Paul, ang linis ng ginawa niya, parang nag-merge ang dalawa kong skin. Nagpalit na rin ako sa malinis na uniform. Ha, all my clothes are covered by blood, my blouse, blazer, skirt, even my socks. 

Shit, I don't have a clean pair of socks with me. Hindi naman ata mukhang awkward na walang medyas, diba? Nilagay ko ang uniporme ko sa isang garbage bag, dinoble ko ang pagplastic nito, para hindi mangamoy at umalis na rin ako sa locker room. Napansin ko na malinis rin ang suot ni Connor, nag-hiram ba ito kay Paul? 

"May alam ka ba kung saan ko ito puwede itapon?", tanong ko kay Paul. Sabi niya siya na daw ang bahala, at tinapon ito sa tambakan ng mga basurahan sa likod ng school premises. At bumalik na rin kami sa classroom namin. As I've it said before, iba ang building ng mga Grade 10 sa aming building, because they are more special than the lower grade levels.

"Where have you been? Hinahanap ka namin!", sabi ni Zoe, galit na galit, kasama si Shaylin. "I've been handing out some flyers, at dinikit ko ang ang mga poster natin, tinapos ko na ngayon, dahil bukas marami pa akong gagawin", palusot ko sakanila, "Yeah, we know you have issues pag dating sa mga posters", at tumawa si Zoe, "Well, as a Head Chief of course, nagiging busy ka na for the preparation of the festival", mabuti naman at naintindihan ni Shaylin ang role ko, "Pero, ano nanagyari sa medyas mo?", napatingin si Zoe sa paa ko pagkatapos na sabihin 'yan ni Shay. "The freshmen accidentally spilled their drink on my socks", hindi ako nagpapahalata sakanila na nagsisinungaling talaga ako. At ayun naniwala naman sila. 

Pero nakakakonsensya rin, na magsinungaling sa mga bestfriends mo.



29th of August

Eto na ang last day na mag-lelesson ang mga subject teachers namin for this August, dahil pagkatapos ng festival, mage-exam na, mismo. Pumasok na ang aming adviser, sir Luigi for our homeroom session this morning. "Good morning, sir", as we all stand up, "Good morning class, you may now be seated", ani ni sir, "Thank you, sir",  sabi naming lahat. Nakita ko si sir nakangisi, for the first time, kaya naiwan ako nakatayo, may kakaiba nanaman sakanya. "Lalaine, you may now be seated", ulit nito with mention pa ng pangalan ko, "Ay, sorry sir", at agad ako umupo, may mangyayari ba?

"To inform you class that Ava Grace Peyton will not be joining us today and the remaining days until the Festival ended due to activities at the Supreme Government", kaya pala umalis si Ava, para maging SSG? Kaya pala, gusto niya umangat lalo. Good for her. "And I congratulate, Lalaine, for being the new Head Chief of my class and making our booth successful, I hope all of you, Apollos, will be enjoying the Festival, and earn money for our outing this sembreak", at nagsihiyawan ang mga kaklase ko, dahil hindi Festival ang pinkahihintay nila, kundi ang outing. 

"Okay, okay, please be quiet. I'll be expecting all of you to cooperate well and show your good behavior to our welcoming visitors", kahit saan magpunta si sir Luigi, palagi siya nakalab coat para malaman ng lahat na isa siyang science teacher (chemistry, biology, and physics) at dapat igalang. 

"Tulad ngayon, we have a transferee"

Ha? Nabigla kaming lahat sa sinabi ni sir. May bago kaming kaklase? Magse-second grading na at ngayon lang naisipan magtransfer? Galing, ah? "Tulungan niyo siya sa lessons at gagawin dito sa loob ng classroom natin. Galing siya sa isang State University, kaya dapat igalang rin natin siya at ituring natin bilang isang pamilya, okay?", sabi ni sir, "Okay, sir", sagot naman ng mga kaklase ko.

Eto na ba ang sinasabi ni Connor? Na dapat mag-ingat kami sa bago naming kaklase? 

Pumasok na rin ito, may dalang gun tacker? Bakit naman 'to may dalang gun tacker? Nagpapatawa ba siya? 

Nagtilian ang mga babae, dahil sobrang gwapo nito. Matangkad, maporma sakanya tingnan ang unifrom namin, medyo mahaba ang buhok niya, maputi, at makikita mo naman sakanya na inosente siyang tao dahil palagi ito nakangiti. 

"Please introduce yourself", sabi ni sir dito sa aming bagong kaklase.

"Hello, classmates, I am Caleb Gabriel Sebastian, from State University, hope we get along well", at ngumiti nanaman habang ang mga babae ang nagtitilian. "Okay, Caleb, you may now sit down to that unoccupied chair, behind Lalaine Neferet", turo ni sir sakanya. Dito nakaupo si Ava, sa likod ko. 

Bago ito dumaan sa akin, nilagay niya ang dala niyang gun tacker sa desk ko at umupo na ito sa likod ko, aanuhin ko 'to? 

"Naiwan mo kahapon sa soccer field"

Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Ano ginagawa niya a soccer field? Baka ito ang may gustong pumatay sa akin? Imposible, pinatay na namin ni Connor. O baka, ito ang back-up nila? 

Dito magsisimula ang buhay ko sa peligro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro