VI. Sayonara, Ava

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

23rd of August 

Lalaine Neferet's

"Shaylin", napatingin si Shay sa akin, nagsinyales ako sakanya na kailangan namin maagaw ang papel na hawak ni Alecx, "Pabayaan na muna natin ang Four Aces, malalaman lang naman 'yan agad ni Ava", sabi ni Shay. Okay, ikaw muna ang masusunod sa ngayon, dahil alam ko may exprience ka pagdating dito habang ako naman wala. 

Hindi ko alam na ang Four Aces ay nagkakatrayduran. 

~*~

"Balita ko babalik na si Zoe sa school, gusto ko rin sana makapunta sa libing ni Sylvia" sabi na Shay habang andito kami sa Mcdo, kumakain, may Mcdo kasi loob ng campus, meron rin Yellow Cab, Jollibee, etc. "Mabuti naman, para kumpleto na tayong tatlo", sabi ko with joy, namiss ko rin si Zoe, iba pa rin sa feeling pag hindi kami kumpleto. Malapit na mag 1:30, patapos na rin kami kumain, kailangan namin bumalik sa classroom para maglinis, lalo na't wala pa kami ni Shay naitutulong hahahaha. 

"Mga bes, hindi niyo pa alam ang balita?", may isang grupo nagtsi-tsismisan sa likod ko, "Hindi pa bes, hindi pa naman 'yan alam, malamang", sarcastic na sabi nung isa niyang kaibigan, "May nagsuicide nanaman", nagulat ako sa sinabi niya, napatigil ako sa pagsubo ko ng pagkain. Ito na ata ang pangatlong biktima? 

"Kaninang 12:15 nangyari, sa gym siya nagpabigti, napalibutan nanaman ng mga estudyante, mamaya pa darating ang mga pulis, pero ito ang mas grabe", iba talaga pag tsismosa, "Ano 'yun, bes?", lahat sila naging curious, pati na rin ako. 

"Ang nagsuicide ay isa sa Four Aces", nagulat ang lahat, narinig rin ito ni Shay, dahil napatigil ito sa kinakain niya at ako naman napalingon sa grupo nagtsi-tsismisan. What the hell? Paano 'yan nangyari? 

 "What?! Tara! Tingnan natin!", yaya ng isa nilang kaibigan, pagkalabas nila sa Mcdo, sumunod na kaming dalawa ni Shaylin. Habang lumalakad ng mabilis papuntang Gym, napansin namin mas rumarami ang mga tao nito, nagtatakbuhan, at nag-tawag pa ng mga kasama, dahil dito napatakbo kaming dalawa. Magkaka-appendicitis ako nito, bagong kain, tatakbo na agad. Pagkarating namin sa Gym, mula dito sa entrance, makikita mo na ang babaeng 'yun ay nakabigti sa pinakataas na ceiling, paano masasabi na suicide 'yan? Almost 20 ft ang distance nito sa sahig. 

"Angelie. . ." sabi ng katabi kong babae, pagtingin ko sina Ava! Andito ang tatlo, Ava, Ash at Alexcia, hindi makapaniwala sa nangyari at napabuhos sila ng luha, nakikita ko sa mga mata ni Ava ang matinding galit "Hindi ko po papatawarin ang may kakagawan nito, papatayin kita", napakadiin nitong sabi. Ang problema ko ngayon ay paano ko makukuha ang next clue? Alam ko may clue sa katawan ni Angelie, hintayin ko nalang ata dumating ang mga pulis. 

Mas dumami ang mga tao sa loob, umalis ako sa crowd, naiwan ko si Shaylin sa loob ng Gym, grabe ang init, hindi ko akalain na may namatay na sa Apollo, kahit pala ang section namin ay hindi na "safe"

May dumaan sa kaliwa ko, isang lalake nakaitim na hood, ito rin ang nakita ko sa lobby! Sigurado ako na ito 'yun, dahil bigla tumaas ang balahibo ko, nakaramdam ako ng lamig at parang tumigil ang mundo ko nang dumaan siya, pagkalingon ko, bigla nalang siya nawala, umalis ako sa loob ng Gym at sinundan siya. 

Nakaabot ako sa storeroom, sa likod ng Gym, andito siya! Very suspicious looking man.  Hahabulin ko na sana kaso may iniwan na letter, sinadyang hinulog ito sa sahig, kaya ako napatigil sa pagtakbo di dahil sakanya, kundi sa iniwan niyang letter. 

Hindi ito ang next clue, kundi ang papel na nakapunit sa notebook ni Ava!

"I'm going to kill you", sabi ko sa nakahoodie na patuloy pa rin sa paglalakad niya, hanggan sa hindi ko na siya masilayan pa dahil pumunta ito sa madilim na lugar. Paano ito nakapunta sakanya? Paano siya nakapasok sa loob ng classroom namin at pinunit ito without me noticing?  The last thing I knew, na kay Alexcia ito, at ngayon, nakaabot sakanya? Now, everything is so clear to me.  

"TABI!", isang lakaki palapit sa akin, pamilyar ang mukha nito, niyakap ako nito at ginilid sa isang puno at sakto may kutsilyo kakatusok lang sa pader, kung hindi ako niligtas nitong lalaki, ako ang matutusok ng kustilyo na yan, at nagtapon ito ng tatlong matulis na bagay, pwede tawagin sa 'Spikes' (Ginagamit ng mga ninjas, napapanood ko ito sa palabas na Naruto, hindi ko alam na totoo lang ang Spikes) patungo sa direksiyon kung saan nanggaling ang kustilyo, at nakita namin  na may gumalaw na puno, sa bandang dahon nito. 

"Bakit umalis na?", sabi nitong lalake at tiningnan ako nito ng masama pagkatapos, "Ano ginagawa mo dito?! Dapat hindi ka nag-iisa, Miss! Lalo na sa hindi mataong lugar! Malay mo ikaw ang isunod nila!", sinigawan ako nito, galit na galit. "S-sorry, hindi ko alam", nautal ako dahil kung hindi siya dumating, tapos na ang buhay ko, "Kailangan na natin umalis, hindi tayo ligtas dito, lalo na't nasa tagong lugar pa tayo", pagkasabi ng lalaki, agad niya kinuha ang kaliwang kamay ko at tumakbo, tumingin ako sa sakanya, nakatingin siya kung saan nakatusok ang kutsilyo, hanggan sa nasa harap kami ng Gym, hingal na hingal ako, hindi ako sanay magtakbo lalo na't malayo ito. 

"Okay ka lang?", tanong nito sa akin, habang nauapo ako sa mga damo, syempre, pagod kakatakbo, at bigla ka nalang hinila ng isang taong hindi mo kilala.

"Oo, okay lang, salamat", at hanggan ngayon hingal na hingal pa rin ako. 

"Gusto mo kunan kita ng tubig?", ani nito. 

"Wag, wag na, hindi naman kailangan", grabe, ang bait niya, umupo ito sa tabi ko. 

"Bakit ka pala nasa likod ng Gym?" tanong niya sa'kin. 

"May hinahanap lang ako, pero salamat ulit, ah?", sabi ko. Oo nga pala, andito sa'kin yung papel. Thank goodness. 

"I'm Connor Gray, Hephaestus, by the way, ikaw?", sabay abot ng kanyang kamay, "Lalaine, Apollo", at nagshake-hands kami. 

"Sige, Lalaine, mauna na ako, may gagawin pa ako", sabi ni Connor. "Sige", tumayo na rin ako at papasok na sana sa loob ng Gym, kakarating lang ng mga pulis, binaba nila ang bangkay, agad ako lumapit, kaso, "Miss, bawal po lumapit ang mga estudyante, so please, doon ka muna sa likod ng crossing line", sabi ng pulis, "Pero-", "Baka gusto mo, miss, madamay?" Ha? Ano ang pinagsasabi nitong pulis? Paano ko na makukuha yung next clue? Hindi na ako nagmatigas ng ulo, bumalik ako sa crowd. "Ito ba, Lalaine, ang hanap mo?", sabi ni Shay sabay taas ng isang papel, YUNG NEXT CLUE! Paano niya nakuha? Pero nevermind, mabuti siya ang nakakuha nito "Mabuti nalang nakuha mo, Shay. Tara, umalis na tayo, hindi tayo kailangan dito", sabi ko sakanya. Lahat ng tao nakapalibot sa akin, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi, kung may alam talaga sila sa pangyayari, bakit hindi nalang ibuga ang totoo?

Dumiretsyo muna kaming dalawa sa dorm namin, dahil andoon lahat ang mga clues. Hindi namin gusto tumakas sa cleaning duties namin. 

Binasa namin ang pinakaunang clue hanggan sa bagong clue:

"The person who lives by hope will die by despair" 

"But he who dies in despair has lives his whole life in vain"

"Can't escape as I drown in my suicide nightmares - my Felo de se"

"Shall and Will eliminate WAWAQAIAIKIIIM, before it eliminate us"

I don't get it, anong WAWAQAIAIKIIIM? Tao ba 'to? Is this dangerous? A destructible creature? Nilabas ko naman ang isang papel, ang papel na nakapunit sa notebook ni Ava. 

It's blank. Sino naman may gustong kumuha nito, eh wala naman ngang laman? Pero teka, may naalala ako sa WAWAQAIAIKIIIM, nabasa ko ito sa notebook ni Ava at 12th Septembr ang due date nito. May mangyayari ba sa September 12? O baka ito na ang simula ng Felo de se? Alam ko hindi niyo naiintindihan ang sinasabi ko, pero magegets niyo rin. Baka etong WAWAQAIAIKIIIM ang parang bomb, let's say, an atomic bomb that would destroy everyone. Tama ba ako?

"Shay, any ideas?", tanong ko nito sabay bigay sakanya ng mga papel, kasama na rin ang napunit na papel. "I have none, wala akong clue, maybe, the next clue will give a huge hint at may malalaman na rin tayong information", sabi ni Shay, may point rin siya, sana makuha naman agad ang next clue, "Paano mo pala ito nakuha?", nakakapagtaka rin, eh. "Nung una hinanap kita, hindi ko alam kung saan ka nagpunta, as soon as dumating ang mga pulis, at pagkababa ng bangkay, nakadikit ito sa braso ni Angelie, kinuha ko agad habang hindi pa nagiimbestiga ang mga ito", iba talaga si Shay, ito ata ang advantage bilang isang Renzoku-satsujinhan, iniidolo ko si Shay, pero alam ko delikado rin maging isang retired killer. Tinago namin ni Shay ang mga clues sa dati, at binulsa ko naman ang papel na ibabalik ko mamaya kay Ava. 

Nang may kumatok sa dorm namin, "Pasok", sabi ko. 

"Hi, guys!", it's been a while since Zoe left, "I heard your mumbling outside, kaya pinuntahan ko kayo agad. So how are you, guys?", umupo ito sa harapan namin, napaka-energetic nanaman niya, as her usual self. "Kakarating mo lang?", tanong ni Shaylin. "Yup, hindi ko pa nga naayos ang bagahe ko, eh", sabi ni Zoe in a happy voice, "Wait, bakit ang seryoso niyong dalawa?", tanong nito sa amin ni Shay, nagtataka, "Hindi mo ba nabalitaan? Patay na si Angelie", yung ngiti ni Zoe sa mukha ay napagulat siya, hindi siya makapaniwala sa nasabi ko.

"Si Angelie?! Ng Four Aces?! Paano?!", kakarating lang ni Zoe, bad news agad ang nalalaman niya. "Hindi nga rin namin alam, sabi daw nag-suicide siya, nagpabigti sa Gym, pero mukhang hindi naman, kagaya lang sa nangyari kay Sylvia", sabi ko, napatahimik si Zoe, nalungkot sa nabalitaan niya, "Hala, may utang pa naman ako sakanya", sabi nito, gago talaga 'tong kaibigan ko. 

"Kung kailan malapit na ang Festival, doon maraming namamatay", sabi ni Zoe at napabuntong hininga. Aba, ano naman ang kinalaman ni Zoe tungkol sa Festival? Ako lang ba ang hindi nakakaalam tungkol dito?

Baka itong festival na ay para sa mga killers? Para magpatay ng mga estudyante? Hindi ito pagdiwang ng Ancient Germanic Tribe? Ngayon lang 'to nangyari, baka may connection ang festival sa mga nangyayari?!

Ewan, hindi pa ako sigurado kung, unless kung may mahanap akong pruweba.

May naramdaman akong 'vibration' galing sa kama na inuupuan namin ni Shaylin, nilabas ang cellphone niya, at pagkatapos niya ito basahin, sabi, "Kailangan na natin bumalik sa classroom. Magpapa-meeting daw si Ava", bihira lang magpa-meeting si Ava, depende kung kailangan talaga, pero tulad ng mga minor events such as Sport Fest and competitions. Yes, 'minor' lang 'yan para sakanya.

Pagkapasok namin sa classroom, lahat ng kaklase namin ay andidito na, lima ang bakanteng upuan-sa akin, kay Shay, Zoe, Ava at Angelie. "Since, everyone is here. I would to make an announcement. Since the Festival is already near, at sa nangyari kanina, mas lalo ako naging busy at maraming gagawin. I'm not be able to handle you, Apollo, until the Festival ends. So, napagdesisyon ko na magkaroon ng Temporary Head Chief and klase natin, and that would be Lalaine", nagulat ang lahat sa sinabi ng Head Chief namin, especially me. 

"Bakit hindi nalang si Alexcia? She's the Assistant Head Chief, right?", sabi ng isa kong kaklase.

"Bakit ikaw pa ang magdesisyon? Why don't we vote instead?", sabi naman nung nasa unahan. 

So, ayaw nila ako maging Head Chief nila? Am I that unreliable to them? Tsaka tama namang ang mga kaklase ko, bakit hindi nalang yung Assistant Head Chief ang maging Head Chief? Siguro dahil sa nangyari? 

Alam na ata ni Ava ang totoo, na si Alexcia ang 'traydor' sakanila.

Trust issues nga naman.

"Tumahimik kayong lahat!", at tumahimik naman sila parang tuta. Mabuti pa ang mga kaklase ko, sumusunod sa mga utos at sa mga sinsabi ni Ava, habang sa akin naman, halatang hindi, kahit pilitin ko pa. "Ako ang Head Chief, ako ang masusunod! At napagdesisyonan ko na rin, marami pa akong gagawin. So please, guys, wag kayo maging sanhi ng sakit ng ulo ni Lalaine, lahat tayo magtulungan, okay? Please understand the situation, what I'm really trying to say", makaawang sabi ni Ava. She's exhausted, lalo na't nalaman niya patay na ang isa niyang kaibigan. 

"Opo, Ava", as they all chorused.

"Good. So,  Lalaine, come here in front", tinaasan ko ito ng kilay, balak ba ako nito pahiyain sa harap nila? At tinaasan rin ako nito ng kilay. "God", sabi ko at pumunta ako sa unahan.

"So class, I honor thee, the new Head Chief of Apollo, Lalaine Neferet", at nagpalakpakan ang mga kaklase ko, hindi ako nasasayahan sa nangyayari. "That's all guys! Back to work! This classroom needs to be clean right away!", sabi ni Ava at umalis na, naiwan ako sa unahan nakatayo na parang tuta, bago pa isarado ni Ava ang pintuan, kinindatan ako nito at sabay sabi ng 

"Sayonara"

Ano ang ibig niyang sabihin? Pag kasarado nito ng pintuan, kumilos ako agad, umalis ako sa kinatatayuan ko, upang buksan ang pintuan, pagtingin ko, walang Ava naglalakad sa corridors, walang tao ni isa, bakit napakamisteryoso mong tao, Ava? Especially the students here in Hermanitch, all of them are. May naramdaman akong isang napakamalamig na hangin, dumaan ito sa akin, nag-dapo sa aking balat at tumaas ang aking balahibo, may napansin akong dumaan na isang shadow, hindi ko gaano nakita ito dahil sobrang bilis dumaan sa harap ko. Sinrado ko na ang pintuan dahil sa takot.


~*~

Ava Grace Peyton's

"Hindi ko inaasahan na maaga mo akong pupuntahan dito. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?", sabi ni nito, habang nakaupo ako sa harap niya habang siya naman ay may binabasa isang libro, "Opo, sir. Isang sign na po sa'kin na pumunta dito pagkatapos mawalan ako ng isang kaibigan tsaka napagdesisyunan ko na rin, sir, umalis sa secion namin. May bagong Head Chief na ang Apollo", sabi ko. "At sino naman 'yun?", tanong niya habang patuloy pa rin sa pagbabasa sa kanyang libro, "Si Lalaine Neferet", napatigil siya sa sinabi ko at tiningnan ako nito. 

"Bakit sa lahat ng tao, siya pa ang napili mo? Wala pa siyang experience bilang isang Head Chief, Ava. Mamatay lahat ng kaklase mo dahil sa risky mong desisyon. Nababaliw ka na ba?", kahit si sir, hindi ako maintindihan sa nagawa kong desisyon katulad ng mga kaklase ko. "Sir, I trust Lalaine, we all know that she already have an experience, very brutal and savage than Shaylin, right?", as I explained to him. 

"Depende kung ibababalik na natin ang memories niya, at ngayon, kaya mo iniwan agad ang Apollo, dahil kilala ka na ng Felo-de-se, at alam na nila ang tungkol kay Lalaine, sino na ang magpoprotekta sakanya?", nakonsensya ako sa nagawa ko, dapat hindi ko nalang sinadya iniwan ang notebook sa canteen, lalo na't may nakapulot nang iba, at napagpasa-pasahan pa 'tong  kung sinu-sino, at nahawak pa ito ng isang member ng Felo-de-se. 

Hindi ako ang karapat-dapat maging miyembro nitong grupo. 

"Ako, sir", isang lalakeng pumasok sa lab na hindi lamang kumatok, "GMRC, Ethan, GMRC", sabi ko. "Sorry na, Ava hahahaha. Grabe ang seryoso niyo namang lahat", sabi nitong gago at umupo sa tabi ko, "Ethan? Hindi ka puwede ang magbantay kay Lalaine! Lalo na't ikaw ang Head Chief ng Hephaestus! Hindi pwede mawala ni isang estudyante galing sa section mo, alam mo yan di'ba?", whooo, galit na si sir, ganito pala siya kaseryoso pagdating kay Lalaine. 

"Sir, kung hindi mo lang alam na nababantay ko siya ngayon, kagaya nung nahulog niya ang notebook ni Ava sa puno, pasalamat ka Ava, ako ang nakapulot nun", so that time, binabantayan niya pala si Lalaine? I know you're just pushing your limits, Ethan. Hindi ka pwedeng mamatay, mas marami kang magagawa sa grupong ito, unlike me.

"Hay, sige, ikaw na muna Ethan ang magbabantay sakanya, once may nakahanap akong pampalit sa'yo, wag ka nang aangal sa desisyon ko", sabi ni sir. "Opo", we both said in chorus. 

"Sige na, gawin niyo na ang mga pinapagawa ko, mag-iingat kayong dalawa", ani ni sir Luigi

"Nakahanda na ang lahat, hihintayin ko nalang ang pagdating ni Sebastian", sabi ni sir at umalis na kami sa lab, hindi kami nagpapansinan ng mga ka-miyembro ko labas ng lab dahil alam namin mapaghahalataan kami, nagsipuntahan na kaming dalawa sa aming destinasyon. Ang task ko ngayon, ay patayin ang isa sa mga threat, dito sa paaralan, life and death ang pinaguusapan sa mission ko. Kahit papano, may nagawa akong tama at may napatay ako isang 
Felo-de-se. Humanda ka sakin, Mr. Gray. 


~*~

Lalaine Neferet's

At last, at natapos rin kami sa paglilinis, lahat ng kaklase ko ay pagod na pagod at binalik ang mga upuan sa dating posisyon. "Great job, Apollo!", sabi ko at tiningnan lang ako ng mga kaklase ko. Oh, what the fucking hell, ayaw ko na maging trying hard, ayaw ko maging lider-lideran sa klaseng ito. Sana bumalik agad si Ava, dahil hindi ko talaga ito ginusto. 

"Lalaine, Zoe, kain tayo?", nag-yaya si Shaylin, kumain kami sa canteen, at sumunod naman kami sakanya, tamang-tama, nagugutom na rin ang tyan ko. Nakahanap rin kami ng upuan, at sabi ni Shay, ililibre niya daw kami ni Zoe, isang way rin pag-selebra ang pag-balik ni Zoe, kaya pumunta na ito sa food stall habang kami ni Zoe ang naiwan sa lamesa, nang may dumating na lalake, at umupo na kung saan nakaupo si Shaylin, "Hi, Lalaine. Hi, Zoe", kilala niya rin si Zoe? Syempre, lahat naman na Hermans kilala si Zoe, dahil kaibigan rin ito ni Vayne. 

"Hello, Connor", matigas na sabi ni Zoe, dahil naka-grin ang kanyang ngipin. "Magkakilala pala kayo?", sabi ni Zoe, saaming dalaw ani Connor, dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo. "Well, haha, oo, kani-kanina lang, eh", at napa"Ah", nalang si Zoe sa sinabi ko, "Diba Zoe, ikaw yung nakita ko kanina sa Gym? Nag-'hi' ako sa'yo, pero hindi mo ako pinansin kasi nagmamadali ka, hahahha", sabi ni Connor, kanina sa Gym? Pagkakaalam ko, kaarating lang ni Zoe, nung oras na nasa dorm kami ni Shay. Tiningnan ko lang si Zoe, napatingin ito sa akin at iniwasan ang tingin ko. 

Why did you fucking lie, Zoe? 

"I was just joking hahahaha", at tumawa nanaman si Connor, sa sobrang saya niya napalo niya pa si Zoe sa balikat. "Pwede ba, Connor? Kung wala ka namang sasbaihin sa amin, umalis ka nalang, dahil nagsasayang lang kami ng oras sa'yo", bakit napaka-cold mo naman Zoe, sakanya? Dahil ba tama ang sinabi niya? Binubuking ka sa'kin ni Connor, pero ginawang "Joke" lang ito, jokes are half true. 

"Uh, kuya, nakaupo ka po sa upuan ko", at last, nakarating na rin si Shay, may dalang tray puno ng pagkain. "Ay, sorry po", sabi ni Connor, at lumipat naman sa bakanteng upuan sa lamesa namin,.

"Actually, meron akong sasabihin, gusto ko lang mag-ingat kayo sa darating na transferee student sa klase niyo. Hindi niyo siya kilala, dahil marami siyang balak sa school natin", naging seryoso ang boses ni Connor nang sabihin niya 'yan, nakikita ko sa mata niya, isang flame na umaapoy. "Yun lang hahahaha, kayo lang namana ng nakakaalam, eh. Sige bye", at tuluyan nang umalis ang gago

Transferee sa section namin? Oh, I can't wait

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro