V. Ava's Notebook

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

22nd day of August, Wednesday

Lalaine Neferet's

                    Shay look weird as the two of us eating our snacks at the canteen, furious, malalim ata ang iniisip nito, like something's bothering her. Yung kanina ba? Dapat masanay siya kasi she used to be a killer.  "Hey, guys!", our class President, Ava Grace Peyton,  Apollo's Head Chief, kung tawagin ng iba, dahil Apollo ang section namin, nilagay niya ang dala niyang book binder and her black pocket notebook sa lamesa at umupo siya sa harap ko, katabi ni Shaylin. Let me tell you about Ava's phyiscal apperance and her characteristics, she's 5'4 tall, she always bring a black pocket notebook with her, she has a wavy burgundy colored hair, and has a piercing on her left tragus ear, with a diamond skull. And as the Head Chief of Apollo, she's very responsible and reliable, all Head Chiefs have an exhausting work everyday after school, that's why my classmates respects her a lor. 

                  "About the Festival of Germanic Tribe, gusto ko malaman kung mayroon kayong suggestions, ayoko kasi gumaya sa ibang sections and other grade levels na Cafe, isang theater play, horror house, wedding booth, ayoko maging common yung atin kasi we're the Apollo, duh", hindi ko alam na ganito pala makipag-usap si Ava, mala-Vayne, "I don't know, Ava, I have nothing, ikaw, Shay?" sabi ko, "Nah", 'yan lang ang nasabi niya, hindi talaga interesado sa topic. "Oh, c'mon, guys, I know meron kayo diyan, kahit weird 'yan, tatanggapin ko, seryoso, Sa September 1 na ang festival", nagmamakaawa na si Ava, mayroon akong naisip, siguro dahil pera ang habol ko sa ngayong festival, tsaka, ang lapit na pala., "Wait, I got one", sabi ko, at napangiti si Ava sa sinabi ko, "Ano kaya kung magkaroon tayo ng dojo sa classroom natin, pipili ang mga visitors kung sino ang pipiliin nilang opponent, but first they should pay a dollar, kung hindi nanalo yung customer, este visitor, hindi na niya mababawi yung pera, pero kung nanalo siya against sa napili niyang opponent, doble yung pera na ibinigay niya, ano sa tingin mo?", yan talaga ang nasa isip ko, umabot ng minuto ang katahimikan dahil iniisip talaga ni Ava ng mabuti kung maganda ang sinuggest ko.

                  "Hmm, okay naman, I like it, pipili sila sa tatlo, kung sino ang kakalabanin nila, at sila magdedecide kung anong weapon ang gagamitin nila, pero syempre, nakasuot sila ng clothing protector . . . .Okay, okay, maganda 'yan! At gagamitin natin 'yung pera para sa outing natin, this would be hit big time! Thank you Lalaine!", masayang sabi ni Ava at hinawakan ang kamay ko, "See you after classes, I'll be expecting that the two of you will be helping para sa booth natin, ha?" sabi ni Ava, sa sobrang excitement niya, dali-dali niya kinuha yung book binder at tumakbo palabas ng canteen, kaso naiwan niya ang itim na pocket notebook sa lamesa. "Naiwan ni Ava, oh", sabi ni Shaylin, kinuha ko ito at nilagay sa loob ng bag ko, "Naku talaga si Ava, baka sa sobrang stress, marmai siyang mawawalang gamit", natawa si Shaylin sa sinabi ko. Wala kaming gagawin ngayong araw, dahil lahat ng class officers may meeting sa Social Hall, kasama ang mga teachers, talagang pinaghahandaan nila ng bongga ang Festival. 

             10:40 a.m, balak namin ni Shaylin bumalik sa classoom namin para tumulong sa general cleaning, utos ni Ava, para may ginagawa rin daw kami, naglalakad kami sa ramp papuntang third floor, nang may tumawag kay Shaylin, isang estudyante ng Grade 10, kasama sa birthday party ni Vayne, Erin Bates, "Ms. Shaylin Lynberg, tawag ka po ni Prof. Luigi", ang formal naman, "Sige, papunta na ako", sabi naman ni Shaylin, kanina pa 'tong seryoso, hays. "Susunod ako, Lalaine, mauuna ka na, magagalit si Ava", sabi naman ni Shaylin sa'kin, "Uh, yeah", yan nalang ang nasabi ko, dumiretsyo na ako sa classroom namin mag-isa, at nang makapasok na ako sa room namin, nilagay ko yung bag ko sa upuan na nakagilid, malapit ito sa bintana. Naka-off yung mga aircon at nakabukas ang mga bintana, grabe ang alikabok, kaya nag-hanap ako ng hangin sa labas ng binatana. Pinagmasdan ko lang ang mga bundok at ang field, hanggan sa na-curious ako sa pocket notebook ni Ava, kung bakit niya ito dala. Sisilip lang naman, eh, hindi ko ipapakielam ang privacy niya, kinuha ko yung notebook sa bag ko, at bumalik ako sa dati kong posisyon na nakasandal sa wall at ang upper body ko nasa labas ng bintana. Pagkabukas ko ng notebook, maaamoy mo ang bango nito, scented pala ang mga papel nito. Ang makikita mo sa first page ng notebook niya, ay notes and reminders, tulad ng:

September 1 - booth!!!

5:30 am - meeting with the councilors

8:00 am - FOODS <3 SUPPLY hihi

10:00 am - preparing our booth, opening

11:00 a.m - welcoming of  GUESTS, tsk

1:30 pm - rest, of course, kailangan ko magpahinga, duh

3:00 pm - the ambush

What? Ambush? Stressed na talaga si Ava, hahahahaha, kung anu-ano nalang ang pinagsusulat

5:00 pm - This is it part 1!

7:00 pm - the Ritual

9:00 pm - bonfire assembly

11:00 pm - fireworks! Boogsh! Boom!

12:00 pm - rest, syempre, kaming officers ang maglilinis, huhu

September 2

2:00 am -  the meet up

3:00 am - plano, plano, plano

5:00 am - taking my medicine pills

5:30 am - meeting with the councilors

Pag flip ko sa page 2, punit. Medyo weird ang schedule niya at talaga wala siyang pahinga? Grabe talaga ang responbilities bilang isang Head Chief, at sa mga sumusunod na pages, puro scribbles lang naman ang andito, may doodle ng isang bungo, tapos may cross pa, bawat flip ko ng page, mas lalo nagiging weird ang mga scribbles, naging knife na malaki na drawing, parang quinque, at at gamit na niyang ballpen ay pula. Ang next page naman ay mga numbers at words. Are these codes? Or wala lang?

Eto ang nakalagay sa second to the last page:

✔IIQACAMIK

✔AQAMIAEIEIWMCA

✔IMOAAWOEAK

KOAJJQAWWACIIM - 22nd August

QAWAIIAECKA - 29th August

EAWICMACIQIWKICAKMQAA - 5th September

WAWAQAIAIKIIIM - 12th September

Sign by: Vigenère 


Okay, ano 'to? Hindi ko ito gets, weird words, yung iba naka-check na tapos yung iba, may due date? Ito si KOAJJQAWWACIIM, ngayon ang due date nito, ano ba kasi ito? Naguguluhan ako. Bakit ko ba ito pinoproblema?Tsaka naman si Vigenère? Sosyal ng name, ha? Hay. I should not let perturb myself with this. Tss. 

I was about to close this notebook, nang may napansin ako sa lower-right ng last page. 

What the hell is the meaning of this?

Bakit may ganito siya? Binasa ko ito para malaman ko na hindi ako nananaginip lang:


Eliminate Felo-de-se "


May kinalalaman ba siya sa Felo-de-se? Or baka si Ava ang nagpatay kay Sylvia at sa estudyante sa lobby? Sa sobrang gulat ko sa pangyayari, nabitawan ko ang notebook, at bumagsak ito sa isang malaking puno. 

Shit.

Tumakbo ako palabas ng classroom, nabigla ang mga kaklase ko dahil sa actions ko, tinawag nila ako pero hindi ko sila pinansin, what concerns me more is that fucking Felo-de-se, maybe may connection lahat ang mga nakalagay sa notebook niya, the code, those inappropriate letters, that weird symbol, due dates, her schedule and her checklist, especially her doodles and scribbles in her notebook! Everything is connected! I just have to decode everything after I find that fckng notebook. At hanggan sa nakaabot ako sa field, I'm sure nasa branches ang notebook na 'yon, dahil nabagsak siya sa taas ng puno, sana hindi ako mahulog dito. 

Nagsimula na akong umakyat sa puno, hindi naman gaano kahirap umakyat dahil matibay ang mga branches nito, hinanap ko bawat sulok ng branch nito, kaso wala. "Aray", ang sakit sa leeg, kakatingala, umupo muna ako ng mabuti, dahil napagod ako kaka-balance para hindi ako mahulog, in-estimate ko kung saan talagang parte nahulog ang notebook. Tama, dapat nahulog 'yon kung saan ako nakaupo ngayon, kailangan ko na 'yon mahanap bago mahanap pa ng iba. O baka may nakakuha na?


"Looking for this?", shit.


I heard a man's voice on the ground and I can clearly see his face, he's not from our building dahil isa siyang Grade 10 student. "Let me introduce myself to you, I'm Ethan Lucas, Hephaestus' Head Chief", Hephaestus? Galing siya sa star section, the best section ng Grade 10. Bakit naman siya andito? Ano naman ang gagawin niya dito? 

Tumalon ako galing sa puno, 6ft ang agwat nito sa sahig, mabuti hindi ako nawalan ng balance pagkatalon ko, dahil nakakahiya, kaharap ko ang Head Chief ng Hephaestus, "You're a very suspicious man, Ethan", sabi ko sa pinakaseryosong boses, dahil hindi talaga ako nagbibiro lalo na pagdating sa Felo-de-se.

Alam ko may alam siya.


~*~

Shaylin Lynberg's

"Are you sure, Shaylin, sa desisyon mo? For the sake of Hermanitch Academy?" huling tanong ni Sir Luigi sa'kin habang naglalagay ng black gloves, nasa lab ako ni sir ngayon, nakahiga sa surgical bed, habang nasa tabi ko si Erin Bates, nakasurgical mask katulad ni sir Luigi, at may hawak na 7 inches long na injection, "Of course, sir, pinaghirapan mo 'to simula niligtas mo ako noong first year pa ako, matagal mo na 'to pinagplanuhan, kaya ayaw ko palagpasin pa at magsayang ng oras lalo na't malapit na ang festival", sabi ko. Hindi ko alam na ito pala ang dahilan ng lahat, kung bakit ako tinulungan ni sir Luigi, kung bakit niya ako pinasok sa Apollo, dahil kailangan ako ng Hermanitch Academy. 

"I apologize, Shaylin, from removing your memories about the past, to keep you safe and the other inspirit members, kung alam lang nila na I've been securing their lives to live longer. And now, it's the time, ibalik ang memories mo, malaman ang totoo, the hidden secrets and chained treasures. We are created to release the sinister of this place we call 'home'", explain ni sir sir Luigi sa aming dalawa ni Erin, unti-unti ko sinarado ang mata ko, at saka ako ininjection ni Erin sa left arm, kung saan ang banda ang aking pulso, tiningnan ko si sir Luigi palapit sa akin may dalang dalawang mukhang plantsa (hindi ko alam ang tawag dito. Sorry) at nawalan ako ng malay. 


"CLEAR! CLEAR! CLEAR!", tanging boses lang ni sir Luigi ang narinig ko na akala ko mamatay na ako. At last, nabuklat ko rin ang aking mga mata at naging stable ulit ang aking heartbeat, nakahinga rin ako ng maluwag. Parang wala naman nangyari, parang wala namang nagbago, ha! Bumangon na ako sa hinihigaan ko, hanggan sa bigla ako natumba, napaupo ako habang hawak ko ang ulo ko ng aking dalawang kamay, dahil sa sakit, para akong tinutusok ng maraming karayom, iniipit ang ulo ko hanggan sa dumugo, napasigaw ako sa sakit.

"I can't believe the medicine's aftershock is already affecting your brain system. Here, drink this", sabi ni sir nang pinaabot niya ako ng isang capsule at tubig, ininom ko ito agad at pagkalipas ng ilang minuto, nawala rin ang sakit, sa wakas, hiningal ako, diputa. 

"Sir, ano 'yon? Bakit sa'kin lang 'yon nangyari?" tanong ko kay sir Luigi, habang tinatanggal niya ang mga gloves niya, habang nag-aayos na rin ng gamit si Erin, nilapag ko ang baso sa sahig, katabi ko ito.

 "Normal lang 'yan, siguro maya-maya, makukuha mo na ang lost memories mo, pero hindi na 'yan aapekto sa sakit ng ulo mo", sabi ni sir. Inayos ko na ang sarili ko, nilagay ko ang baso sa lababo at bago ako umalis sa lab, nginitian ako ni sir Luigi at Erin Bates at sabay sabi ng:

"Shaylin Lynberg, we pronounce you as the FOURTH Inspirit"


~*~

Lalaine Neferet's

"So Ethan, ano ang kinalaman mo sa Felo-de-se? Ha?", tanong ko sakanya habang nakacrossed arms. "Ikaw dapat ang tanungin ko n'yan, bakit mo 'to hinahanap? Paano 'to nakapunta sa'yo?", seryoso rin siya, bawat binibitaw niyang salita natatamaan ako, parang may pinapahiwatig siya, "Naiwan 'yan ng kaibigan ko, isasauli ko sakanya pag nakita ko siya, initiendes?", hindi ako marunong maki-one-on-one, hindi ako marunong mangbanat, patay ako dito. "Naiwan ng kabigan mo? Baka kinuha mo, ha? Sino ka ba para mapunta 'to sayo?", para siyang ewan, inaano ba kita, ha? "Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin? Na naiwan nga lang 'yan ng kaibigan ko, ang head chief namin, so pwede ba? Pakibalik na niyan saakin dahil alam ko hahanap-hanapin niya 'yan", sabi ko, wala na akong oras makipagdebate dito, dahil alam kong hindi ako mananalo, "Sino ka ba para ibigay ko 'to sa'yo? Ako na ang magbibigay sakanya. Excuse me", at nagsimula na siyang mag-lakad palayo sa'kin, wala talagang repesto 'tong lalaki na 'to! Kahit Head Chief ka ng Hephaestus, wala akong pakielam! Manners please! 

"Lalaine Neferet, Apollo, ayoko sa lahat sa mga lalake na hindi ginagalang ang mga babae", tumigil siya sa paglalakad at sabi, "Lalaine?", aba, namangha ang gago. Ano ngayon kung Lalaine nga ang pangalan ko? "Ha! Sige, oh!", hinagis niya ang notebook mabuti naman at nasalo ko, "Dahil alam mo na Lalaine ang nakasulat diyan,  bawal i-mention yan na Felo-felo, dahil hindi mo alam ang mga tao dito, pwede patayin ka o kidnapin ka, intiendes?", at ginaya pa talaga ang 'intiendes'ko,  kung magsalita itong Ethan, mas babae pa sa babae. "Alam mo bang yan ang pumatay sa kaibigan ko? Ha, Ethan?", may kutob talaga ako na parte ito ng Felo-de-se, "Alam mo bang 'yan ang pumatay sa magulang ko? Ha, Lalaine?", or not. Nabigla ako sa sinabi niya, then he just smirked at me and left. Hindi ko lama na ganito kabrutal ang mga Felo-de-se, siguro nga hindi talaga siya mamamtay tao, pati na rin si Ava, kaya pala "Eliminate" ang nakalagay doon. 

Ano ang koneksyon ni Ava kay Ethan? 

Hindi ko alam na lahat ng estudyante ng Hermanitch Academy may tinatagong sikreto, may tinatagong baho, bakit hindi ko 'yan alam? Bakit halos lahat nag-aaral dito alam na mangyayari 'to? Ako lang ba ang hindi aware? Bumalik na ako sa classroom dahil malapit na mag-12, kakain pa kami ni Shaylin sa labas. Speaking of Shaylin, I almost forgot her! Sana andoon na siya sa classroom. 

Pagkapasok ko sa classroom namin, inaayos nila ang kani-kanilang gamit dahil paalis na rin sila, pero halata naman sa nakikita ko na hindi pa sila tapos maglinis, ganun ba kadumi ang classroom namin? "Lalaine, tara! Ginugutom na ako", sabi ni Shaylin pagkapasok niya sa room at sakto pumasok rin si Ava. 

"Teka, Shay", sabi ko, inayos ko ang aking gamit at inabot ko agad ang notebook ni Ava, "Nakalimutan mo sa canteen", nagulat siya, syempre, dahil alam ko na ang mga nakasulat dito, depende kung magkukunwari siya na hindi ko 'to binuksan, "Mabuti nalang ikaw ang nakakuha. Jusko, napakaimportante nito sa'kin, wala na kasi akong soft copy nito", at sabay yakap ni Ava sa notebook niya, "Thank you", sabi niya at nginitian ko lang siya. Kinuha ko na ang aking bag at nilapitan si Shaylin, "Bakit ka ba tinagalan?", tanong ko sakanya sa mahinahong boses, "Dami kasing pinagawa sa'kin ni sir para sa Festival", sabi nito. "Bakit ikaw lang ang inutusan?" tinanong ko siya in a sarcasm voice, alam kong close sila ni sir Luigi pero may nahahalata na akong sakanilang dalawa, "Member ako Sci-Tech, diba? Lahat kami naglinis ng lab pati ng clinic", okay, may point naman siya wala na akong oras sakanya makipagtalo. 

"LALAINE!", nagulat kaming dalawa ni Shay nang tawagin ni Ava ang pangalan ko, as I faced her, she looks frightened and mad, hawak niya ang notebook niya at nabitawan ito nakabukas, sa page na kung saan yung punit. "ANO GINAWA MO SA NOTEBOOK KO?!", napa-"Huh?" nalang ako sa sinabi niya, ano ibig niyang sabihin? Wala naman akong ginawa. "Ano pinagsasabi mo, Ava?", tanong ni Shaylin, kahit si Shay, gulong-gulo rin, "Umamin ka nga, Lalaine! Nasaan ang pinunit mong papel?!", sa sobrang galit ni Ava, pulang-pula na ang mukha niya, nakakatakot siyang tingnan, tsaka yung papel na nasa notebook niya? Jusko, kung makapaghinala naman 'to wagas! "Ava, nang mabuksan ko 'yan, ganyan na ang itsura niyan, bakit ko naman pupunitin? Sino ba ako para punitin 'yan?", sana maintindihan niya ang point ko kahit galit na galit na siya. Napahawak nalan siya sa noo niya at napaupo sa sahig, "Paano na 'to, kailangan ko 'yun", mabuti nalang, pinigil niya ang sarili sa galit at napakalma rin. Gaano ba kaimportante ang papel na 'yun?

"Bago ako lumapit sainyo kanina sa canteen, buo pa ang mga pahina na 'yan. Sigurado ka ba talaga Lalaine, wala kang ginawa dito? O may nakahawak na iba?", may nakahawak? Meron, si Ethan, kaso, paano naman mapupunit ni Ethan 'yan, eh alam ko nang punit na? 

O baka, bago ko siya ikuha sa bag, habang nagpapahangin ako sa labas ng bintana, may nakielam na? Hindi ko alam na may traydor sa section namin

"Sa tingin ko, ang may kagagawan niyan ay kaklase natin", sabi ko. Kasi tingnan niyo, walang pumapasok sa room namin  except ang mga Apollo lang, sigurado ako na kaklase namin ang may kagagawan nito. "Paano mo man nasabi yan, Lalaine?", tanong ni Ava, "Lahat kasi ng Apollo, busy maglinis ng room, gayundin ang iba pang sections, tsaka malalaman naman natin kung sino ang papasok at pumasok sa room natin galing sa ibang section or grade levels, diba?", explain ko sakanya.

"Ano pinagsasabi niyong dalawa? Ano meron sa notebook? Importante ba 'yan?", i-eexplain ko nalang mamaya kay Shay ang lahat, pero dapat-Teka! 

Oo nga!

Importante ang pahina na 'yon dahil tungkol ito sa Felo-de-se. Ang taong 'yon may alam sa Felo-de-se! Either parte ito o pinagtatakpan ang sikreto.

Nagtinginan kaming dalawa ni Ava nang may pumasok nalang sa room namin. "Ava, ang tagal mo naman, kanina ka pa namin hinihintay sa baba", sabi ni Alexcia, ang bestfriend ni Ava, Assistant Head Chief ng Apollo at kaklase namin. Apat sila magkakaibigan, kung magkakasama ito, Four Aces ang tawag sakanila ng karamihan, dahil lahat ng pangalan nila ay nagsisimula sa letter A. Si Angelie, ang secretary ng Apollo, si Ash naman ang Treasurer ng Apollo, si Alexcia ang assistant head chief at si Ava naman ang head Chief. "Mamayang hapon nalang tayo mag-usap", sabi ni Ava at umalis na.


Pinagmasdan ko lang ang dalawang magkakaibigan paalis sa room namin.


May napansin ako kay Alexcia.


May hawak siyang papel, at halatang pinunit lang ito galing sa notebook.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro