CHAPTER 62

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 62

@KayptainRB

Her P.O.V

NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko na bumaba mula sa bike. Hinarap ko ang building sa harap namin.

Ano tong lugar na to?

Kung condo? Parang hindi naman pang-sosyal. Simple lang.
Kung apartment—

"Wait? Is this an apartment?"

"Oo." Rinig kong sagot niya.

"Dito ka nakatira? I think—"

"Dito muna ako pansamantalang tumutuloy."

"What?! And why is that?"

Umiling lang siya,"..basta!"

"Tara?" Yaya niya.

Hawak na niya si Blan. Ang bike ko?

"Wag kang mag-alala. Safe ang bike mo dyan," lumakad na siya.

Sa takot kong maiwan ay sumunod na lang din ako sa kanya.

May nadadaanan kaming mga tao. Binabati ng kasama ko. Napapatingin ang mga ito sa'kin tapos sa suot ko.

Ngayon ko lang pala ulit naalala. Nakasuot ako ng maikling shorts tapos naka-sando pa. Geez!

Wala sa sariling napahawak ako sa kanya naiilang ako sa mga titig nila.

Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito. Hinila niya ako at huminto kami sa isang pinto. May nakadikit na picture na "WELCOME". Pfft.

Pinihit niya ito at,"..teka? Sandali...baka naman anong meron dyan?"

"Wala. Don't worry I'm here."

"Fuckky ko sa'yo."

"Pasok ka na. Sige ka maiiwan ka dyan. Maraming mga lasing dyan na pagala-gala baka—"

"Tabi nga dyan!" Umuna na akong pumasok. Grr lasing?

"Walang hiya ka! Dinala mo ako sa lugar na to?"

"Andito ako okay? Wala ka bang tiwala sa'kin?" He asked.

"Wala," pero ang totoo meron.

Ibinaba niya si Blan at hinayaan itong maglakad. Kukunin ko na sana kaso tumakbo na sa kung saan.

Hinayaan ko na lang mukhang di naman yun makakalabas.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Gagamutin nga muna kita bago ihatid pauwi."

Umalis siya sa harap ko at umupo sa isang sofa. Simple lang ang meron dito. Maganda ang pagkaka-arrange ng mga gamit. Sa kanya ba talaga to?

"Upo ka muna," tinapik niya ang katabi niyang upuan.

ASA!

Di ko siya sinunod at sa isang upuan ako umupo. Malayo sa kanya.

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhh..." Nagulat ako sa sigaw na yun.

"May aso! May aso! May aso! Pano nakapasok ang aso dito????!!!!" Nakita kong may tumatakbong lalaki papunta dito sa'min. Nakasuot pa siya ng apron at hinahabol siya ni... Blan?

"Gh²! Gh²! Ilayo mo ang aso na yan baka kagatin ako aaaahhh..." Tumuntong ito sa upuan. Ang OA naman!

"Ikaw ba nagpapasok niyan? San galing ang aso na yan?!! Ilabas mo baka kagatin ako..." Patuloy pa rin siya sa pagsasalita at ako titig na titig sa lalaking OA ngayon.

Sino yan?

"Hahaha," di ko na napigilan ang tawa ko.

Napatingin naman sila sa'kin,"..ooopps!"

"Sino ka? Aaaaahhhh multo multoooo..." Ayan na naman siya. Tinuro niya ako habang OA na nakahawak kay Clow.

Patuloy pa ring tumatahol si Blan sa kanya.

Tumayo ako,"..sinong multo?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw—"

"Tahimik ka nga, Dimasimpan!"

"Gh² naman," nagpupunas pa siya sa mga mata niya.

Wait—? Umiyak talaga siya?

"Sino yan?" Sumeryoso ito.

Nakaupo na kami ngayon ng seryoso kaharap ko sila.

"Wag mo sabihin Gh² na itinanan mo yan at may nangyari na sa inyo? Sa bata niyan, patay ka talaga. Wag mo din sabihing isasama natin siya dito hoy hoy hoy baka masali ako dyan, ah? Patay kayo. Ambabata niyo pa para magsama at kung may nabuo nga ano na ano?"

Sinamaan lang siya ng tingin ni Clow.

"Pero wag akong kalimutan. Willing akong maging ninong kahit anong mangyari. Gh² ninong ako ah?" Kinindatan niya pa si Clow.

"Tumigil ka nga!" Tumayo si Clow at umalis saglit. Nailang naman ako sa mapanuring titig niya,"..may nangyari ba sa inyo, Miss?"

"Wag mong sagutin yan." Hay! Buti nakabalik na siya.

May dala siyang maliit na box at tumabi sa'kin.

"Tingnan mo sa pagmamadali niyo nakasuot pa siya ng ganyang damit. Wala ka talagang kwenta, Gh². Ang panget mong mag-plano. Palpak!"

"Naka-shorts tapos witwew ang sexy...kaya nga lang itinanan mo!" Patuloy lang nito sa pagsasalita.

Nakita kong binuksan ni Clow ang box. Kit pala yun.

Iniharap niya ako ng konti. Aayaw sana ako kasi pinilt ako at sinimulan na.

"Oh? Look, nasugatan pa. Nadapa kayo kanina noh?"

"Tahimik ka na Dimasimpan," sabi ni Clow busy sa paggamot.

"Hindi naman kasi talaga tama ang—"

"Una sa lahat hindi kami nagtanan. Pangalawa, walang nangyari sa'min. Pangatlo, tigilan mo kami sa bunganga mo, parang babae kung makaasta. Pang-apat, kung magiging totoo man sinabi mo na may nabuo nga. Oo naman sure magiging ninong ka sa anak nam— Arayyy..."

Kinurot ko siya ng malakas sa tagiliran. Kainis! Ano bang pinagsasabi niya. Buang siya!

"Ano bang sinasabi mo?!" I hissed.

"Siya kasi," turo niya dun sa lalaki.

"So, sino nga tong babaeng to Gh²?!" Tanong ulit nung lalaki.

Napatingin naman ako sa kanya at nagtitigan kami ng ilang minuto. Curious siya?

"She's By. My girlfriend—"

"No. We're not! Kakahiwalay ko lang sa kanya!" Napa-'o' naman ang bibig nung tinawag ni Clow na Dimasimpan.

"Tologo?" O na O pa rin ang bibig niya.

Sa isang iglap ang lapit na niya sa mukha ko. A-Ah?

"Kung ganun ikaw si By? Aaahh...kaya pala?" Tatango-tango pa siya. Akma na siyang yayakap sa'kin kaya lang buti naitulak agad siya ni Clow sa dibdib.

"A-Anong kaya p-pala?" Mautal-utal ko ng tanong.

"Basta!"

Di pa rin siya mapigil at bigla na namang tumabi sa tabi ko.

"Simula ngayon. Crush na din kita, wala namang kaso diba? Wala na kayo ni Gh² kaya crush na kita."

Ano daw?

Inakbayan niya ako at bumulong ng,"..sabayan mo na muna ako."

Di ko na siya sinagot. Di ko gets pero parang gets ko din.

"Get off your filthy hands on her, Dimasimpan!"

He just chuckled. Eh? Ano bang nangyayari ngayon? Sobrang sama ng tingin ni Clow sa katabi ko.

"Akin siya!"

"Chill! Chill Gh² hahahaha!" Lumayo ito at umalis.

"Wag mong pansinin yun. Baliw yun!" Sabi niya di ko pinakinggan sa halip tiningnan ko ang ginagawa niya.

Tapos na siya aa paggamot ng tuhod ko,"..may iba ka pa bang sugat?"

Umiling ako,"..sinungaling! Eh ano to?" Kinuha niya siko ko at pinakita.

Di na niya ako pinagreklamo pa. Ginamot niya ulit kahit ayaw ko.

"Crush, halika kain na tayo. May naluto along ulam I know magugustuhan mo to," napatingin ako sa lalaking kalalabas lang galing kusina. Ayan na naman siya ngiting-ngiti.

Papatayuin na niya sana ako kasi pinigilan na naman ako nitong katabi kong sira.

"Mamaya na ginagamot ko pa siya! Susunod lang kami, wag kang magulo Dimasimpan!" Anito habang naka-focus sa pagagamot.

"Hindi na maya na yan. Alam kong gutom na si crush ko," kinindatan pa ako. Alam ko ang meaning nun.

Buang talaga!

"Akin na," binawi ko ang kamay ko at tumayo na.

Sumunod ako kay...Dimasimpan daw? Pinakawalan ko si Blan mula sa pagkakakarga ko...at tumakbo yun kay Dimasimpan.

"Aaaaaahhhh..." Ayan na naman siya. OA masyado.

"May aso! May asooooo!" Naghahanap siya ng mapagpapatungan kaso wala. Susugod na sana siya sa'kin para magpalaban kaya lang hinarangan ulit siya ni...Clow?

Pa-seacut lolo niyo!

"Para kang bakla!"

"Ang asoooo ilayo mo baka makagat ako," napatawa ako ng mahina sa sinabi niya. OA.

"Hindi nangangagat si Blan. Tsaka isa pa wala kang dapat ikabahala naturukan namin siya ng anti-rabies kaya wala yan. Friendly siya, inaasar ka lang talaga niyan," Panay kasi ang tahol ni Blan sa kanya.

"Kahit na...ayaw ko pa rin. Takot ako," lumapit siya sa'kin at dikit na dikit pa. Di ko magawang mailang dahil natutuwa ako sa kanya kaya ganun.

Kumain kami at si Dimasimpan ay nakapatong ang paa sa upuan. Takot maabot ni Blan. Inaasar nga talaga siya ni Blan. Ang taong matatakutin ay siya pa ang mas lalong tinatakot. Pfft.

Uuwi na sana ako kasi sabi nila gabi na at pwede bang mag-stay na lang daw muna ako dito. Okay lang naman sa'kin, tatawag na lang ako sa bahay para ipaalam.

"Wait—? Ilan ba kwarto dito?" Tanong ko.

"One. Two." Bilang ni Dimasimpan ipinakita niya pa kamay niya,"..dalawa! Sa'kin ang isa tapos kay Gh² ang isa pa."

"Oh? San ako matutulog kung dito niyo ako papatulugin? Don't tell me?"

"Don't tell me talaga dahil sasabihin ko sayo to na ngayong gabi may makakatabi ka talaga sa'min ngayon. Pili ka lang kung gusto mo ako edi okay hihihi," tawa niya pa.

"Pwede ding si Gh²!"

"No way!"

Napatingin ako kay Clow na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. Andito pa rin kami sa kusina pareho kaming nakaupo nitong si Dimasipan si Clow ang nag-volunteer na maghugas.

"Ano bang sinasabi niyo. Syempre magtatabi talaga kami—"

"No!" Putol ko sa kanya. Nakikisali pa di naman kasali. Maghugas na lang kaya siya dyan.

"Hindi ako magtatabi ng lalaki hanggat dalaga pa ako!"

"Ayyy...sanaols!" Dimasimpan.

Sa huli sinabi ko sa kanila na papayag akong dito muna basta akin ang isang kwarto wala akong makakatabi. Bahala na sila kung san sila matulog. Fuckyy ko ba sa kanila?

Napagpasyahan ni Dimasimpan na mag-movie muna kami. Wala siyang nabiling snacks kaya labas daw muna kami. Kailangan daw may bumili ng pagkain sa malapit na store dun sa baba.

"Kami na bibili," sabi ni Clow. Kami daw'ng dalawa.

"No! Kami na dito ka na lang. Maglinis ka para malinis na pagdating namin ni Crush!"

"Dimasimpan?" Tutol na ani ni Clow.

Naaliw talaga ako sa kanilang dalawa. Kaya di na ako masyadong nakakapagsalita.

Magkaano-ano nga ulit sila?

"Kami na. Don't worry iingatan ko si crush. Ipagtatanggol ko siya sa lahat ng magtatangka sa kanya. I'm her superdelo!"

Kami na nga ang lumabas at siya Clow ay iniwan para maglinis daw. Kakatawa hahaha yun marunong maglinis? Mukha nun!

"Dimasimpan ba talaga pangalan mo?" Basag ko sa katahimikan.

Naglalakad na kami ngayon palabas. Di na ako naiilang dahil pinagbihis nila ako ng pajama at malaking T-shirt. Sexy ko daw baka bigla akong hilahin at alam na. Natakot ako sa sinabi nila kaya sinuot ko na din ang pinapasuot nila.

Mga gentlemen!

"Hindi. Delo Dimasimpan full name ko. Name ko Delo half-muslim," ngiti niya sa'kin.

"Oooo..."

May alam kaya siya kung napano yun si Clow? Bakit may mga pasa siya sa mukha?

"Bakit may pasa si Clow—"

"Ah...yun ba. Mahabang kwento I can tell you if you want to know."

"Kung pwede," mahina kong sagot. Curios ako at gusto kong malaman. Para may alam naman ako kahit konti.

Sinabi nga niya ang nangyari. Nalaman ko na ang Dad ni Clow ang may gawa nun at kung bakit siya nandito sa apartment ni Delo. Parang itinakwil na daw yun daw ang sabi ni Clow sa kanya.

"Pero may isa pa sana ako ng gustong sabihin kaso...mukhang si Clow na dapat ang magsabi sa'yo nun. Importente yun at kailangan mong malaman yun sa lalong madaling panahon. Naaawa na ako sa kanya please By tulungan mo siya. Mahal ka niya..." Mahina na ang huli at di ko na narinig may dumaang kotse kasi na ang lakas makaharurot.

"San ba?"

Tutulungan daw? San ba?

"Ask him." Simpleng sagot niya.





@KayptainRB

02-19-21—isinulat ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro