CHAPTER 63

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 63

@KayptainRB

Her P.O.V

MATAGAL bago kami nakabalik. May nakita pa kasing kakilala si Delo at nag-usap sila sandali nun hanggang sa tumagal ng tumagal. Di naman ako nag-aalala kasi feel ko safe ako sa kanila.

Pagdating naman namin sa apartment ni Delo. Patay na ang ibang ilaw maliban sa sala at dun namin nakita si Clow na nakahiga. Natutulog?

"Oyy...tulog na pala ang seloso!" Sabi ni Delo.

"Pano na tayo makakapag-movie marathon?" He asked me.

"Tayo na lang," sagot ko.

"Sige. Wait ka lang dyan. Half-bath muna ako naiinitan na ako kanina pa."

Tinanguan ko lang siya at pumasok na siya sa kwarto niya.

Naiwan ako ditong nakatayo. Tiningnan ko ulit sila Clow na ngayon at natutulog ng mahimbing. Kita ko pa rin ang mga pasa niya. Kita sa mukha niya ang pagod at iba pa.

Siguro nakatulog na lang siya sa tagal namin. Di ko namalayan na unti-unti na pala akong nakalapit sa kanya. Umupo ako sa sahig at tinitigan siya.

Hirap pala ng sitwasyon mo ngayon?

"Clow..." Mahinang tawag ko. Hinaplos ko ang pisngi niya.

Bakit ba ako nagiging ganito? Pano kung magising yan?

Tell me...what is it? Nang malaman ko at titingnan ko kung matutulungan ba kita. Sabi kasi ni Delo may posibilidad na malaki ang magagawa ko dun at mapipigilan ko yun.

Ano ba yun?

"Ang alin?" Gulat akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakakunot ang noong nakatingin sa'kin.

Bakit hindi ko napansin? Dahil ba nakayuko ako at hindi ko alam na gising na pala siya?

"Ang alin?" Tanong ko din.

"Tanong mo? Sabi mo ano ba yun? May dapat ba ako ng sabihin na gusto mong malaman?"

Tumango lang ako.

Bago pa ulit ako makatingin sa kanya nakita ko nang lumuha siya.

W-Why?

"D-di ko na kaya By..." Umiiyak niyang sabing nakatingin sa'kin,"..ipapakasal nila ako kay... D-Demi!"

Napamaang akong napabalik ang paningin sa kanya.

"A-Ayaw ko...ayaw k-ko. Mag-kaibigan kayo bakit siya pa?"

"Kung ganun yan ba? Hmmm...okay lang naman sa'kin. Siguro naman iimbitahin mo pa rin ako?"

"By naman..." Ayan na naman ang mga luhang yan Clow.

"G-Gusto kong...gusto kong pigilan mo yun."

"Pano?! Hindi ako si God para pigilan yun, Clow. Wala na akong kasalanan kung in-arrange marriage ka man kay Demi. Wala na akong magagawa dyan," nag-taas ako ng tingin at tumayo.

Humarap ako sa kanya.

"Kapag naging tayo ulit..." Nakapikit niyang sabi,"..siguro naman pwede kong sabihin kela Mom hindi na kailangan ng kasal na gusto nila dahil...sasabihin kong papakasal na tayo. Tayo na lang ang magpakasal—"

"Buang! Sira ka...ako? Ako magpapakasal sa'yo. Hoy! Bata pa ako wala—"

"Palabas lang naman yun para...di na nila ituloy. By, next month na daw." Bumukas ang mata niya at nagtama ang paningin namin. Mas lalo pa siyang umiyak.

"A-Ayoko pang matali lalo na at kaibigan mo yun..."

"Eh ano naman? Alangan naman ako ang itali mo sa'yo..."

"Mas gugustuhin ko yun dahil mahal kita..." Di pa rin ako sanay marinig ang mga salitang yun sa kanya.

"Sige sabihin na nating di mo mahal si Demi sa ngayon kasi ako pa mahal mo!" Kinilig man di ko pinahalata,"..sabihin din mating pwedeng ma-develop pa ang feelings mo kapag tumagal na kayo at lalo na kapag may mga anak—"

"By!"

"Ano tama diba? Maganda din si Demi, swerte mo na. Maganda nga siya pero mas maganda pa rin ako."

Umiling siya.

"By..."

"Ano? Clow wala na akong magagawa dyan. Wala na tayo isa pa kung yan ang plano ng tadhana mangyayari at ibig sabihin nun di tayo pwede. Di tayo para sa isa't isa. PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANA!"

"HINDI! Ikaw lang ikaw lang and gusto ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay at alam kong mangyayari yun. Kahit na ano pang plano ng tadhana na yan lalagpasan ko at hahanap ng paraan. Ikaw lang ang makasama By ikaw lang mahal na mahal kita di mo ba yun alam?!"

"I don't know."

"I love you..." Patuloy siyang umiiyak sa harap ko.

"I know."

Lumaki ng bahagya ang mata niya.

"Please, tayo na ulit. Bawiin mo yung sinabi mo, MAHAL."

Dumagundong ng malakas ang dibdib ko.

M-Mahal?

Ano daw ulit?

Hindi ako makahinga ng maayos. I need you baby air.

"B-Bakit ko naman babawiin?"

"Kasi...kasi gusto kong tayo na u-ulit," yumuko siya matapos nun.

I took a deep sigh. Then,
"Sino bang may sabing naghiwalay tayo...?"

Napaangat siya ng tingin,"..sinong may sabi? Di ko matandaan na nakipag-break na pala ako sa'yo? Kelan at saan?"

Di siya nakapagsalita at nanatiling nakatingala sa'kin.

"You think I'm serious about that?" I said,"..no, I'm not, Clow!"

"Ako'y sayo at ika'y akin..." Matigas ko pang sabi nakatitig sa mga mata niya. Nasasalamin ko ang sarili ko habang nakatayo,"..tandaan mo sasabihin ko. MY.HEART.IS.OFFICIALLY.YOURS. NA.ILOVEYOU!" Dagdag ko.

"B-By?"




@KayptainRB

02-19-21—isinulat ko.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro