Kabanata 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 17

Years


Everything about that night slipped on my mind. Tuwing mag-isa ko na lang naiisip iyon dahil sa kalagayan ni Aria. At iniiwasan man ni Tito at Tita na makipagtalo sa kanya, madalas pa rin iyon. Ayaw na ni Tita at Tito na bumalik siya sa Altagracia samantalang iyon naman ang gusto niya.

"Pasensiya na, Daniel. Nasa Bacolod kami, e. Paki sabi na lang kay Ate Gen," I heard her once while I was bringing her dinner in her room.

Hindi na naman siya kumain dahil sa pagtatalo nila. Uuwi na kami patungong Altagracia dalawang araw mula ngayon. Gusto ni Tita na maiwan muna siya rito kaya lang ayaw ni Aria. I agreed to my Tita, though. May ospital sa Altagracia at sa ibang mga lugar malapit dito pero narito ang family doctor niya. Mas maganda nga'ng dito na muna siya.

My eyes widened. Katawagan niya si Daniel?

Mahigit isang buwan na kami rito sa Bacolod at hindi ko pa naitatanong sa kanya kung sino ang ama ng dinadala niya. Hindi rin naman tinatanong ni Tita at Tito at may pakiramdam akong kilala na nila kaya ganoon.

Hindi kaya si Daniel? Pero wala naman ito sa Altagracia. Ang alam ko sa Silliman ito nag-aaral. Ganoon din si Juan. Kaya sino maaari ang naging boyfriend ni Aria na hindi ko kilala. Ate Gen? Ate ni Alvaro? Ano kayang meron.

"Nandito na ang dinner mo," sabay lapag ko sa lamesa.

Pasalampak siyang naupo sa kama niya. Namumugto pa ang mga mata dahil sa away nila ni Tita kanina. Tinapon niya ang cellphone sa gitna ng kama.

"Si Daniel ang kausap mo?"

She then glared at me. I got a feeling that she's thinking of what I'm thinking. Hindi ko lang din maiwasan. Lagi naman siyang vocal sa boyfriend niya. Nitong nakaraan, wala. Kaya hindi ako makapaniwalang buntis siya. I diverted my question.

"At... ate Magenta?"

"May salo salo lang sa mga Santander. Baka raw gusto mo makita si Kuring. Tinanggihan ko na kasi nandito tayo sa Bacolod."

My eyes widened at the mention of Kuring's name. Salo salo sa mga Santander?! My heart pounded. I remember my date with Angelo and Alvaro with his friends. Hindi ko alam kung naroon pa ba siya pero malapit na magsimula ang pasukan, baka aalis na rin para sa PMA.

"Uuwi ako kasama mo," si Aria.

I set aside my own predicament and looked at my cousin. Naupo ako sa kama niya. Umiling ako.

"Aria, tingin ko tama sina Tita. Dapat dito ka na lang kasi mas madali kang alagaan dito-"

"Ayoko!"

This is really weird. Noong bago pa sila sa Altagracia, panay ang lait niya sa lugar dahil probinsiya. Pero dahil maayos naman ang bahay namin at nagkaroon siya ng maraming kaibigan, nagustuhan niya na rin iyon. But I always thought she still liked Bacolod better.

"Pero mas okay kasi na dito ka, Aria-"

"Mommy just wants me out of Alltagracia dahil ayaw niyang makilala ng dinadala ko ang tatay niya. You should help me, Yohan."

Hindi ko ipinahalata ang gulat ko. "S-Sino ba ang ama ng dinadala mo, kung ganoon?"

Ayaw niyang sabihin. Tumayo siya at tinalikuran ako. I bit my lower lip.

"Aria... I don't think that is Tita's reason. Tingin ko gusto ko lang niyang maalagaan ng mabuti. Maybe... maybe the father of your child can just visit here. He would understand it and he would want you to be alright-"

"No, Yohan! Hindi mo naiintindihan!"

"I just think that you should stay here. Iyon lang naman ang gusto ni Tita."

"Hindi!" she shouted at me. "Gusto niya akong ilayo roon dahil hindi niya matanggap! Hindi niya matanggap na si Romulo ang ama ng anak ko!"

Hindi ko alam kung ilang oras akong natulala at natahimik sa gulat sa sinabi ni Aria. She cried and I hugged her but I couldn't say anything anymore. How could it be? The popular Aria...

I am not judging Romulo. Pero kilala ko si Aria at alam ko na iritado siya rito, halos mandiri. At si Romulo, baka pa ayaw niya rin kay Aria dahil sa attitude at sa tungo sa kanya. Is this real? I can't believe.

"He's just a sweeper in your home. Hindi matanggap ni Mommy iyon kaya ilalayo niya ako sa kanya."

Hindi ako makapaniwala. Hindi na ako nagkumento. I don't think my questions would help right now.

Wala akong nagawa para kay Aria. Hindi papayag si Tita at Tito na umalis siya sa bahay nila sa Bacolod. I was even scolded for being selfish. Lalo na nang sinubukan kong kumbinsihin si Tita na isama na namin si Aria. Nasali pa ako sa galit niya.

"It's because of your azucarera! Ngayon, nasira na ang kinabukasan ng anak namin! Kung hindi kami lumipat sa Altagracia para tulungan ka sa Azucarera na 'yan, hindi na sana 'to nangyari kay Aria!"

"I'm sorry, Tita..." sambit ko at niyakap na lang siya nang umiyak.

Kinumbinsi ko si Aria na kakausapin ko si Romulo pag-uwi. Noong una, nagalit siya sa akin dahil wala akong nagawa. Pero kalaunan, alam niyang pareho na kaming walang magawa kaya nakiusap na lang siya sa akin.

Iyon ang nasa isip ko habang nasa biyahe. Pauwi na kami at wala sa sarili akong nakatingin sa labas nang dumaan ang sasakyan sa mga Santander.

Nakita ko si Alvaro at ang kanyang pamilya sa labas. Naroon si Ate Gen.

Napaahon ako sa inuupuan ko at naalala ang tawag na natanggap ni Aria noong nakaraan. Naisip ko ang pag-imbita sa kanya sa salo salo.

Maybe it waas the little confidence that I've gained, or the problems that I was now facing, I got a bit braver.

"Manong, pasensiya na. Alam kong kadarating lang natin. Puwede po bang bumalik tayo ng kaunti at gusto ko pong bumisita sa mga Santander," sabi ko.

Dala ang isang bag ng pagkain at ilan pang kakailanganin kay Kuring, pumasok ulit ako sa sasakyan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas nang loob na pumunta sa kanila, sa ilang taon kong paulit-ulit na pagdaan.

I expected to see him. After all, I saw him a while ago. Hindi ko maipagpaliban ang araw na iyon dahil baka bukas o makalawa, umalis na siya patungong PMA.

Bumaba ako sa sasakyan at tahimik na ang bahay. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag na dala. Dinig na dinig ko na ang ingay ng puso ko habang unti-unti akong lumapit sa kanila.

Walang bakod ang bahay nila. Tanging mga halaman lang na hinilera. It's also the only home in that area, near our land.

Si Kuring ang unang natanaw ko. Ang nanay ni Alvaro, nasa mga halamanan at nag-aayos. Tinawag ko si Kuring at nang lumapit siya, naibsan ang kaba ko.

I lifted him up. That's when Alvaro's mother saw me. Umayos siya sa pagkakatayo at diretso na ang tingin sa akin.

"Hi, Kuring. I missed you," sabi ko at ngumiti sa pusang matagal ko nang hindi nayayakap.

Sinamantala ko iyon. Binaba ko ang bag na dala at niyakap siya ng mahigpit. He still looked well tended. Mabango rin kaya hula ko kaliligo lang.

"Anong atin?" Tita Ana's voice echoed.

Napabaling ako sa kanya. The years of trying to interact people, I have learned a few things. Ngumiti ako.

"Magandang umaga po, Tita. Uh... bumisita lang po ako kay... Kuring. At... may dala po akong mga pagkain niya."

Ni hindi ko alam kung naaalala niya ba ako. Kung pagbabasehan sa tono niya na parang galit, mukhang hindi. At hindi ko rin alam kung alam niya bang pusa ko si Kuring.

"Si Yohan po, ito-"

"Alam ko."

Natahimik ng kaunti. Mas lalo akong kinabahan pero nagsikap ako. Nakatayo siya at nakatingin sa akin.

"Kadaraan lang po kasi namin galing Bacolod. Nakita ko kasi kanina na nandito sina Ate Gen... at Alvaro sa labas kaya naisipan ko-"

"Anong kailangan mo kay Alvaro?" she sounded so hostile.

Kinagat ko ang labi ko. Nag-aaral akong makipag-usap pero hindi ko alam paano kung mukhang iritado ang kausap ko.

"Ah, magpapasalamat lang po sana ako-"

"Alam mo ba ang nangyari kay Alonzo Salvaterra?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman doon sa ginagawa ko rito.

"Nasa huling taon si Alvaro sa PMA. Ayaw kong magaya siya kay Alonzo dahil lang sa'yo. Bata ka pa at mamili ka ng iba. Alam kong may gusto ka sa anak ko."

Hindi ako nakasagot. I remember Tita Anacita as someone friendly to me. Not this hostile old woman she is.

"Hindi naman po ganoon ang iniisip ko, Tita-"

"At huwag kang pumunta rito ng basta-basta dahil hindi ko pa nakakalimutang ang ginawa ng ama mo sa amin!" her voice broke.

I swallowed hard. I stopped again because I don't know what she's talking about. Umiling ako.

"Hindi ko po alam-"

She snorted. "Ganyan ang ugali ng mga Valiente! Magaling magkunwari!"

"Hindi ko po talaga alam, Tita-"

"Hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit kami umalis sa inyo?"

My lips trembled. I really didn't think so much about this.

"Inagaw ng ama mo ang lupain namin. Pinangakuan niya si Carmelo na tutulungang magpatayo ng isang azucarera, pero ano ang ginagawa niya? Inagaw niya ang lupa namin! At nang sinubukang magreklamo, pinaalis kami sa azucarera!"

"Hindi ko po alam..." nangilid ang luha sa mga mata ko.

Alam kong may mga anomalya sa pagpapalakad ni Daddy sa azucarera pero hindi ko inasahan na ganito kalala.

"Kaya huwag ka nang bumalik dito sa amin! Hindi pa ba sapat sa'yo na sinira n'yo ang buhay namin? Kinailangan ng mga anak kong magtrabaho sa murang edad!"

Lumabas sa bahay ang isang matandang lalaki. It's Tito Carmelo. He's old and couldn't walk straight. Nagulat siya nang nakita ako at lalo na sa panggagalaiti ng asawa.

"Nagkasakit sa puso ang ama nila dahil sa kagagawan n'yo! Kaya huwag ka nang babalik dito! Hindi pa ba sapat sa'yo ang ginawa n'yo at ipapahamak mo pa ang anak ko?!"

"Hindi ko po alam. P-Pasensiya na po. G-Gagawan ko po ng paraan. Pasensiya na!"

"Anong nangyayari, Ana?" sabay lapit ng matandang ginoo sa kay Tita Ana.

Yumuko ako, tuloy-tuloy ang patak ng mga luha.

"At ginagawa mo pang rason ang pusa na 'yan para bumisita!"

"Pasensiya na po..." nanghihina kong sinabi at binaba na si Kuring. "H-Hindi na po ako babalik. At... susubukan ko pong ibalik sa inyo... ang lupain."

Nang tinalikuran ko ang mag-asawa, hindi na rin naman ako sinugod o pinagsalitaan ng masama ni Tita Ana. Pumasok ako sa sasakyan at hindi na tiningnan pa ang bahay ng mga Santander.

I cried so hard but I went immediately to my Tita's study. I have to know. Totoo ba ang sinabi ni Tita Ana? Maraming anommalya si Daddy at kung totoo iyon, puwede ba naming gawan ng paraan.

"Ano?" iritadong tingin ni Tita nang pumasok ako.

Kakapunas ko lang sa mga luha ko.

"Tita, totoo bang inagaw ni Dad ang lupain ng mga Santander?"

She groaned when she realized what I was talking about. "Alam mong maraming anomalya si Kuya Enrique. Ano sa tingin mo, Yohan?"

"Kung ganoon, puwede po ba nating gawan ng paraan-"

"Naglilinis pa ako sa mga dati at mas importanteng anomalyang ginawa niya! At may problema ako ngayon!! Tapos dadagdagan mo pa ng ganyang problema ang trabaho ko?!"

I closed my eyes tightly.

"Mag-aral kang mabuti at huwag kang gagaya kay Aria! Iyon ang gagawin mo, Yohan! At nang sa ganoon, makaalis na rin kami rito at ikaw na ang mag-isang mamahala sa buwisit na azucarera'ng ito!" she screamed with so much frustration.

That was it. Hindi ko makausap ng matino si Tita dahil sa galit niya. Inintindi ko iyon dahil alam kong may problema nga siyang kinakaharap.

Nakausap ko rin si Romulo sa school nang nagpasukan at sa totoo lang, kahit noong umamin na ito, hindi pa rin ako makapaniwala. He is their batch's running for summa cum laude. He is a consistent honor student, isang bagay na ayaw ni Aria. Hindi nga lang ito ang panahon para tanungin ko kung paano nangyari ito.

"Salamat. Mas mabuti nga na doon na lang muna siya para mas maasikaso siya."

My eyes grew sharp at him. What does he mean by that. He smiled at me when he noticed.

"Bibisitahin ko siya linggo linggo."

"Ayaw ni Aria 'yon. Natatakot siya na malaman ni Tita at Tito. Hindi ka papapasukin sa kanila... at sabi niya... unahin mo ang pag-aaral mo."

"Ang sabihin mo sa kanya, hindi ako makakapag-aral kung hindi ko masiguradong maayos lang siya."

Natigilan ako. Ngumiti ulit si Romulo. Inayos niya ang luma at itim na eye glasses. Magulo ang buhok at habang tumatagal, na nakakausap ko siya ng ganito, at naririnig ko ang pag-aalala niya kay Aria... parang... naiintindihan ko na ng kaunti.

But this is me. Aria isn't like me.

"Sisiguraduhin ko munang maayos siya. Hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko, Yohan. Lalo na ngayon..." he trailed off meaningfully.

Napatingin kami sa ilang dumadaang estudyante na nang-uusisa sa kausap ko.

Alam na ng buong campus na buntis si Aria pero ang tsismis ay taga Bacolod ang ama. Lalo na dahil nasa Bacolod siya ngayon. At medyo nagulat din ako na tahimik lang si Romulo. I feel like he's somehow protecting Aria... and my family.

It is not shameful for me. But for my Tita and Tito, he is a mere worker. He's poor and Aria is a rich princess from the city. This is a disgrace for them.

"Romulo, masaya ako na ganito ang tungo mo kay Aria. At... masaya ako na pananagutan mo siya."

He chuckled. "Mahal ko si Aria, Yohan. Hindi mo na kailangang alalahanin iyan."

I smiled. "Kung kailangan n'yo ng tulong, huwag kayong mag atubiling lumapit sa akin."

Sa pag-uusap na iyon, nagtampo si Angelo sa akin. Akala niya si Romulo ang gusto ko. Hindi ko ma-explain sa kanya kung ano ang pinag-usapan namin ni Romulo dahil pribado kaya mas lalo siyang nagtampo.

Wwe drifted away on grade eleven but I still had many friends. It grew and grew more. I had problems but the friendship and the boys kept them off of my mind.

I was in grade twelve when Angelo pursued me again. He was my first boyfriend.

Pero nang nalaman niya na sa Silliman ko gustong mag-aral ng kolehiyo, nagalit ulit siya sa akin dahilan ng paghihiwalay.

I was nervous on the first day of school as a college business student. Pero hindi naging mahirap magkaroon ng kaibigan.

Mahigit dalawang taon na si Aria sa Bacolod. Inilihim niya ang pagkikita nila ni Romulo. Hindi pa rin alam ng Tita at Tito ko iyon. We still constantly communicate, though. Believe it or not, she is still my love, friendship, and relationship guru.

Nagkaroon ako ng boyfriend noong first year college ko. A spoiled rich kid from Dumaguete. Nakahiwalay din kami dahil naghuli kong nambabae. I didn't cry. I was even excited to tell Aria about it so we could laugh it off. Iyon nga ang nangyari.

On second year and third year college, I have one boyfriend for each level. Sa second year, nasabi ni Aria na hiwalayan ko na dahil may ugaling hindi niya nagustuhan. Iyong sa third year naman, hiniwalayan ko dahil nagseryoso sa eskuwela.

My boyfriend on fourth year college was the perfect fit for me. Kaya lang, ilang beses niya akong niyaya at nagbabanta na hihiwalayan na ako dahil hindi ako pumapayag. I know exactly what to do. But surprisingly, Aria's advice was to ditch him. Iyon nga ang ginawa ko pero hindi ako makapaniwala na iyon din ang tingin niya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa akin, Yohan? Easy girl?!" Iritado niyang sigaw samantalang tumatawa ako.

I don't think I could be blamed, though. I've known her for years... but then again... maybe I didn't know her fully.

Lumago ang azucarera at sa wakas, napagtoonan na ni Tita at Tito ang request ko. At dahil lagpas eighteen na, makakapirma na ako sa mga malalaki at crucial na desisyon tulad ng pagbabalik ng mga inagaw na lupa ni Daddy.

Aria made peace with her parents but they are still not happy with Romulo. Sa apo lang sila natutuwa. Gusto ni Aria na sa Altagracia mamuhay, isang bagay na ikinagulat ko. Ayaw naman ni Tita at Tito kaya medyo may alitan pa sila ngayon.

On my trips to Manila to meet with my Tita and Tito for the many transactions, I sometimes see people from Altagraia. It's nice to see someone from home in a foreign place. Kahit na hindi naman ako close sa kanila sa Altagracia, sa Manila ay nagagawa na naming mag-usap at maging malapit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro