Kabanata 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kabanata 18

Checkpoint


I sipped on my iced tea as I watched the people come and go. Kadarating ko lang dito sa Maynila at may pupuntahang isang conference tungkol sa mga bagong teknolohiya sa sugar milling.

Nagsikap akong panatilihin ang mga magagandang dulot ni Dad sa azucarera. Iyon ay ang walang tapon sa buong tubo, galing sa juice nito hanggang sa katawan at dahon.

Pinapalago ko na ang paper industry na kasisimula lang ni Tita noong tumayo siyang kahalili roon. Now, I am venturing on textile.

Maaga ako roon para sa isa pang meeting sana sa animal shelter and rehabilitation. Recently kasi, nagtayo ako ng ganoon sa Altagracia. I will fund it but I will try my best to find a way to make it stand on its own.

Aria is helping me out on the paper-products. Ipagpapatuloy niya ang nasimulan ni Tita. Kaya may panahon na akong abalahin ang sarili sa shelter. I want it doubled as hospital, that way it can earn. I have vet trainees around. May nililigawan nga lang talaga ako para maging main vet doon.

The years have been fruitful and peaceful, mula nang tumayo ako bilang tagapamahala sa azucarera. Utang ko kay Tita lahat iyon. I am so grateful for her work. Correcting the anomalies, though some she didn't agree with me. Mas business minded siya kaysa sa righteous. Ayos lang sa akin para ma katimbang naman sa mga ideya.

"Sorry, I'm late," si Soren.

"Maaga lang talaga ako," sabi ko sabay ngiti.

"I expected you to bring Chantal. Wala ba?" sabay ngisi ko.

Ngumisi rin siya. "I already told you, Yohan."

Noong college ako at lagi ako pumupunta ng Manila, minsan kong nameet si Chantal. I was very surprised on our first meeting because she's with a child. Ang unang pumasok sa isipan ko ay na... anak niya iyon.

The child had this air in him that reminded me of a familiar person. Maybe Leandro. I'm not sure.

Lumabas kaming dalawa. Kasama ang bata. I told her about Aria who got pregnant. Babae ang anak ni Aria, lalaki naman ang kay Chantal. It was hard for them. Pinalayas sila ni Tito Luis sa Altagracia at nararamdaman kong may galit siya sa mga del Real.

Tito Luis was indirectly the reason why Carlos Castanier is dead. Iyon ang paniniwala ni Chantal. Mahal na mahal niya ang tatay niya. I understand because I loved my father, too. He wasn't perfect.

Hindi ko na tinanong kung sino ang ama ng anak ni Chantal. I feel like it's inappropriate and too nosy. Inisip ko na lang na si Soren dahil sumunod ito sa kanila, lumayas sa pamilya niya.

So why would someone spend that much time on pursuing Chantal Castanier if not for a child, right?

Nagbuntonghininga ako at nginitian si Soren. "Nasabi mo na ba sa kanya ang offer ko?"

Soren was mean to me back in highschool. Pero somehow, nag mature na rin naman siya ngayon. At ayon sa kanya, lambing niya lang iyon sa akin.

"Sagutin mo muna ang tanong ko sa cellphone?" hamon niya.

I smiled mischievously at him.

Nitong nakaraang taon, lagi siyang nagpaparamdam ng motibo sa akin. It's funny how some of my bullies then courted me in highschool. Siyempre basted sila. Pero matanda na kami ngayon at nakita kong maayos naman si Soren.

"Wala na kayo noong boyfriend mo? Sabi sa'yo babaero 'yon, e."

"It takes one to know one?" I fired.

Tumawa siya. "Paano mo na sabi?"

I sighed. "Hindi ba kayo uuwi sa kasal ni Aria at Romulo?"

He smiled. "Uuwi."

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Gusto ko iyon pero hindi ko inasahan!

He then groaned. "Alam mo namang kinukumbinsi ako ni Papa na tumakbong Vice mayor sa lugar na 'yon."

Tumawa ako pero hindi matanggal sa isipan ko si Chantal. "Pati si Chantal?"

"Pinag-iisipan niya na. Naroon kasi si Leandro, 'di ba? Kaya baka sumunod na siya."

Napapalakpak ako sa tuwa. Siya ang gusto kong maging vet doon!

"Sinabi ko sa kanyang name your price, ah. Sagot mo?"

Tumawa ako. "Thank you so much!"

That trip was pretty much very productive dahil sa mga balita ni Soren. Kaya lang, inaasar niya ako sa panliligaw niya.

He isn't the father of Chantal's child. Umalis lang siya sa kanila dahil galit siya sa ama niyang may anomalya ring ginagawa sa lalawigan. HIs family is involved in illegal things and he hated it.

Wala raw siyang mapuntahan kaya mag-isa niyang itinaguyod ang sarili. At habang nag-aaral si Chantal, doon sila nakapagkita. He was comforted with their friendship. All of it, I understand. Somehow, I get them because I've been there.

Ramdam na ramdam ko ang excitement ni Aria para sa kasal niya. She's very hands on. Lahat ng desisyon dumadaan sa kanya.

Nakapag ipon na ng pera si Romulo. Ipagpapatayo sana nila iyon ng bahay pero pinigilan ko. I told them that the money could be invested and a house is a dead one.

Lalo na dahil puwede naman silang sa mansiyon muna tumira habang nag-iipon ulit para roon. Hindi gusto ni Romulo iyon at isa sa naging pinakamalaking away nila ni Aria.

Mabuti na lang at kalaunan, nakumbinsi niya ito. Romulo is earning and if we invest his money into a building in the center of this town, baka pa dumoble kalaunan ang naipon niyang pera. It paid off. Kaya ngayon, ikakasal na sila at ang bahay naman ang sunod na pag-iipunan na.

Sa simbahan ang kasal. At sa mansiyon ang reception. Hindi pa rin ganoon ka masaya sina Tita at Tito pero wala na silang magagawa.

Pinagmamasdan ko si Aria na pinangungunahan ang pag-aayos ng mga lamesa at decoration sa bakuran. Parang kailanlang, natatanaw ko pa iyong bakuran habang naglalaro si Kuring.

Si Kuring.

After that incident in Alvaro's house, I didn't see Kuring anymore. It's been years and I have started to think that he's dead by now. The thought of it always brought tears in my eyes. I loved him so much. I miss him.

"Tapos mo na ba?" tanong niya nang lumapit sa akin.

Pinagmamasdan namin ang anak niyang nagtatakbo sa gitna ng pagdarausan.

I glared at her because her words were very meaningful. "Aria..."

She laughed. "Ako na ang nagbigay sa kanila, okay? Iyong sa iba, sa mga del Real... ganoon?"

I sighed. "Ibibigay ko pa lang."

"Ibigay mo na agad! Alam mo namang linggo lang ang pagitan ng kasal namin ni Chayo. Baka malimutan niya."

"Oo. Pupunta ako ngayon."

"Okay. Pumunta ka na!" utos niya.

Tinanggap ko ang mga invitation na ipapamigay ko. Ch-in-eck ko isa-isa.

"Wala nga riyan ang sa mga Santander! Ibinigay ko na, okay?" aniya at tama naman iyon.

Kabado ako, sa totoo lang. But given that the reception will be here, I doubt if they will show up. Wala na si Alvaro sa kanila. Tanging ang matatandang magulang niya na lang. Minsan, umuuwi si Ate Gen at Kuya Gilbert, kasama ang pamilya nila. Pero sa ilang taon ko rito, hindi ko na ulit nakita si Alvaro.

I tapped the invitations with my hand and nodded. Nagpasya na na umalis na para ipamigay sa mga kilalang tao, tulad ng mayor, at ilan pang mga may negosyo sa lugar.

Pinalabas ko ang BMW X3 ko sa mansion at tumulak na. Nauna ako sa malalayo dahil tingin ko mas convenient iyon.

Nagulat ako nang pag-abot ko sa mga Osorio, naroon na si Soren.

"Nakauwi ka na pala!" sabi ko nang siya ang tumanggap.

"Oo. Sabi sa'yo, eh." He winked.

Tumawa ako.

"May pupuntahan ka pa?"

"Oo. Mamimigay ng invitation."

"Samahan na kita?"

Nagulat ako pero hindi na rin naman masama. "Ikaw bahala. Wala ka bang gagawin?"

I didn't regret it. Soren is fun to be with. Nasa front seat siya habang nagmamaneho ako.

"Ba't ba hindi si Aria ang naghahatid nito?"

"Hay naku. Alam mo naman 'yon."

Tumawa siya. "Is she still bullying you?"

"Nope. Pero maarte pa rin."

Tinawanan niya iyon. Natahimik siya nang nakita ang sunod na pupuntahan. Halos tatlumpong minuto na kaming paikot ikot. Susunod ang sa mga Alcazar. Natahimik din tuloy ako.

There's a checkpoint near it. Sa kalsada na malapit sa azucarera namin, kung nasaan ang bahay ng mga Alcazar.

Mabilis ang patakbo ko dahil madalas namang dumaan doon. Sanay na ako.

Kaya lang, bago ako makapag slow down, may napansin ako sa mga nakatayo na army doon.

Tatlong liko para sa tatlong harang sa check point ang gagawin. May isang pamilyar na nakatalikod na army ang natanaw ko. Nagtagal sa kanya ang tingin ko.

I slowed down too late but I tried to manage it. Napatingin ang nakatalikod na army sa paparating na sasakyan at doon ko tuluyang nakalimutan ang gagawin sa sasakyan.

I made the first swerve fine but the second struggled because of my poor driving skills at the moment. Tumama ang nguso ng sasakyan ko sa harang. Hindi naman malakas dahil nakapag slow down na at nakapag break din pero tumigil ako.

"Are you okay?" si Soren dahil sa nangyari.

Hindi ako nakabawi. Tingin ko iyon ang dasal ko... na sana huwag na nga akong makabawi.

Diing diin ang pikit ko. Nakahawak din sa manibela ng sobrang diin dahil sa kaba, hindi lang para sa pagkakabangga kundi sa dahilan ng nangyari.

A while ago, when I saw the army, it was normal. May tinitigan nga lang akong nakatalikod. Nagbabasa ito ng papel na ibinigay ng isa pang army sa tabi ng checkpoint.

Because I didn't slow down, he turned to look at my car and I saw...

I wish I was wrong. It's impossible, right?!

May kumatok sa window ko.

"Ako na ang kakausap, Yohan," si Soren.

Halos nalimutan ko na sakay ko siya. Umiling ako.

"Hindi na. Kasalanan ko naman."

Nilingon ko ang kumatok at nakitang hindi naman ito pamilyar kaya nagbuntonghininga ako. Baka guni-guni ko lang iyon.

Binaba ko ang salamin at pagkababa, doon ko nakumpirma ang natanaw ko kanina!

Alvaro is in his BDA. He's tall, mature, and breathtaking. He was already really good looking when we were young, when he was traning he became more handsome. Right now, boy I don't know. Mas mahaba na ang buhok kumpara noong training pa siya, he also had a commanding air.

I think my jaw was dropped not just because of shock but because of his physique and face. Nasa likod siya ng mga nasa checkpoint. May papel na hawak at may kausap pero nasa akin ang mga mata.

"Yohan Valiente," nagsalita si Soren na para bang pass na ang pangalan ko.

I opened my wallet with trembling hands. I don't want to abuse the power of my name so I know what to do. Nahulog ko pa ang wallet ko sa baba.

"Valiente po?" the army asked.

Nangapa pa ako sa ilalim para sa wallet ko. I have ditched my eyeglasses a long time ago and started using contacts on my last year in college. A year ago, I had lasik. Kaya malinaw na ang mga mata ko ngayon pero sa pangangapa, 'di ko mahanap ang wallet!

When I finally found it, I emerged a bit sweaty and heart beating so fast.

"Okay na po," sabi ng army dahil siguro sa sinabi ni Soren.

"Hindi. Patingin ng lisensiya," Alvaro's deep voice echoed.

My eyes widened. Nagmamadali akong kunin ang license ko pero sa panginginig, hindi ko makuha agad.

"Alvaro?!" si Soren na nasa tabi ko nga pala.

Alvaro crouched a bit and saw Soren. Nanginginig ng kaunti ang kamay ko na inabot sa kanya ang lisensiya.

Kumunot ang noo niya at tinanggap iyon.

"Nakauwi ka rin pala?"

Tumango si Alvaro. "Musta, Soren?"

Tumawa si Soren. "Eto, ayos lang. Kakauwi ko lang din. Para sa kasal ni Aria. Ikaw ba?"

"Dito na ang area ko," ani Alvaro.

Napatingin siya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa.

He then brought the license up. Natanto kong kanina niya pa nilalahad pero dahil nakatitig ako sa mukha niya, hindi ko napansin!

My face heated and received my license.

I swallowed hard and saw him going in front. Tiningnan niya ang nguso ng sasakyan.

Titig na titig ako sa kanya habang kunot ang noo na nakatanaw roon. When his eyes went back to the driver's seat, my heart jumped.

Bumalik siya sa tabi ng bintana ko.

"Pupunta ka ba sa kasal ni Aria?" si Soren.

Alvaro seemed bored. Bumaling siya sa likod. Napatingin din tuloy ako sa rearview mirror. May sasakyan na sa likod.

"Itabi mo muna," aniya sa akin.

I nodded like a puppy. Nalimutan ko agad paano nga ulit paandarin ang sasakyan na 'to? Matagal bago ko napaandar dahil sa kaunting panic. At nang naitabi ko na, binaba ko ulit ang bintana para sa eksplenasyon.

"Uh, babayaran ko 'yong nabangga ko."

Umiling si Alvaro. "Hindi naman napano. Nagasgas ang sasakyan mo sa harap."

"Ayos lang 'yan!" Sabi ko.

"Ano? Punta ka sa kasal ni Aria?" ulit ni Soren.

Tumango si Alvaro sa kanya.

"Kita na lang tayo, kung ganoon. May reunion ba kayo?"

"Wala pero baka sa barkada, meron."

His eyes drifted on me. Tinanggal ko agad ang titig ko sa kanya.

"Talaga? Kailan? Wala ba sa basketball?"

"Meron din," sagot ni Alvaro nakatingin pa rin sa akin.

Soren's phone rang. He raised his hand. "Sorry. Excuse me. Sagutin ko lang 'to."

"No problem," Alvaro said cooly.

May tinanggap ulit siyang papel. Nilingon ko iyon. Napansin niya ang pagtingin ko kaya bumaling siya sa akin. Nagkatinginan ulit kami.

"Uh... wala na bang problema... iyong pagkabangga?"

He shook his head.

"B-Bakit mo pinatabi?"

He pursed his lips and ignored the paper on his hand. His eyes drifted on Soren who's too busy talking to whoever's on his phone.

"Nag-kukumustahan kami ng boyfriend mo."

Umiling agad ako. Ni hindi ko alam bakit ko ginawa iyon. Ano naman ngayon? I'd like to think that I just want to maintain my honesty.

"Ah... hindi ko siya boyfriend."

Binaba na ni Soren ang tawag. Alvaro ignored what I said.

"Mauna na kami. Mamimigay pa kami ng invitation para sa kasal ni Aria."

He nodded and smiled. It was a different kind of smile, though. The kind that didn't reach his eyes.

"Sige. Ingat," si Alvaro bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Natahimik kami ni Soren nang umalis na. Akala ko dahil papunta na kami kina Sancha pero nang nagsalita siya, kinabahan ako.

"Mukhang mahihirapan ako nitong manligaw, ah?"

"H-Huh? Bakit naman?"

He smirked. Nasulyapan ko iyon. "Hindi ko nakakalimutan, Yohan. Hindi yata makakalimutan ng buong Altagracia iyon."

Umiling agad ako. "A-Ano?"

"Alam kong alam mo ang iniisip ko."

"Ah. Hindi na naman." I laughed it out. "Matagal na 'yon. At... may asawa na siguro 'yon."

Natahimik si Soren. Napabaling tuloy ako sa kanya. Tumawa ako nang nakitang titig na titig siya, parang binabasa ang nasa isip ko.

"Nabangga ka sa check point? Really?"

Umiling ako, hindi naniniwala sa iniisip ni Soren.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro