HTPWBB 1: Flashback

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Calli's POV

Nakita ko naglalakad sa hallway si Dos papunta sa comfort room kaya bago pa siya makapasok ng tuluyan don ay tinawag ko siya.

"Babe!" Tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon siguro hindi niya ako narinig nilapitan ko siya para ma notice niya ako kinalabit ko siya.

"Babe?" Tumingin siya sakin ng blangkong ekspresyon sanay naman ako na 'yan ang tingin niya sakin.

"What?!" Irita niyang tanong   

"K-kamusta ka?" Tinago ko ang takot o kaba kong nararamdaman dahil baka mag away na naman kami at hindi niya ako kausapin ng ilang araw.

"I'm not fine ok?!" Tapos padabog siyang pumasok ng CR

May kung ano ang kumirot sa puso ko pero hindi ko parin pinansin 'yon baka umiyak lang ako.

Inantay ko siya hanggang matapos siya sa CR. Naririnig ko 'yung mga babae sa hindi kalayuan sa'kin na alam kong ako ang pinag uusapan.

Hays sanay naman ako...

"KAWAWANG girl bat niya pa kasi pinatulan ang dakilang Bad boy? Tapos ngayon ignore nalang siya kay Fafa?" Naririnig ko ang bawat bulungan nila.

Nung lumabas na si Dos sa Cr hindi niya pa din ako pinapansin kaya habang naglalakad siya sinusundan ko siya. Oo nagmumukha na akong aso kakabuntot sa kanya.

Dos nickname niya. Simula ng maging kami 'yan lang ang name na sinabi niya sakin. Hindi ko ba alam siguro alam niya kasing patay na patay ako sa kanya kaya pinagbigyan ako. At ako naman si Tanga na pumayag sa ganoong setup masisi niyo ba ako na ang matagal niyong hinahangad or gusto e mapapasainyo?

Lumapit ako kay Dos at sinubukang hawakan ang kamay niya nagulat ako ng kumalas siya sa kamay na pagkakahawak ko sa kanya. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa pagtaboy niya sakin o masasaktan.

"My ghad! Did you see that?! Dos refuse he's hand to that poor girl!" Napakagat ako sa labi ko at yumuko tsaka sumunod kay Dos. Pinipigilan ko lang ang luha ko ayokong makita nila akong umiiyak. Tapos sasabihin nilang weak ako? Oo! Napaka Vulnerable kong tao.

Hindi ako malakas katulad nila, hindi ko kayang pigilan ang emosyon na sobrang bigat. Hindi ko kayang makipag sabatan o makipag away.

In short mahina ako, isang mababang nilalang na babae and walang kwneta. Lahat ng gusto nilang nilait na saakin na.Parang pasan ko ang katangahan sa buong mundo?

Pero kahit papaano may nagmamahal sakin si Dos. Paano pa kaming naging kami kung hindi niya ako mahal diba?

"Babe" mahinahon na tawag sakin ni Dos na ikinagising ko sa reyalidad.

"B-bakit?" Pinilit ko ang boses kong hindi pumiyok dahil nasasaktan ako sa lahat ng inaasta niya sa akin.

"Ah... Wala... Mamaya dalhan mo ako ng pagkain sa condo ha" napangiti naman ako sa sinabi niya parang lahat ng lungkot ko nahawi bigla.

"Sige" masayang sabi ko ngumisi lang siya at tumalikod na siya. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti ko hanggang sa makapasok ako sa classroom. Nakita ko naman si Keisha nakatingin sakin nag aalala siya sakin kaya nilapadan ko pa ang ngiti ko para hindi siya mag alala.

"Don't smile like that" puna niya sakin kaya binawi ko ang ngiti ko.

"Napaghahalataan kang baliw at desperada, alam mo Prend? Hiwala--" bigla akong nag init sa galit at hindi siya pinatapos sa sinasabi niya.

"Yan na naman tayo eh! Bakit mo ba laging pinadikdikan sakin na hiwalayan siya? Mahal ko siya okay? at mahal niya ako! Sapat na ba yon para patunayan na hindi ko siya hihiwalayan" Napailing siya at nag kibit balikat.

"If you say so prend I'm just concern and I'm sorry if lagi kong pinipilit hiwalayan mo siya." napakunot ang noo ko at hinayaan nalang siya ayokong mag eskandalo sa classroom
Weak na warfreak ang isipin nila sakin.

***

Pagkatapos ng klase agad akong umuwi dahil paghahandaan ko pa si Dos ng pagkain for dinner. Excited na ako para mamaya magugustuhan niya kaya ang luto ko? Masasarapan ba siya at sasabihin "Thank you babe i love you" tapos mag so-sorry na siya sakin? Hay sana magustuhan niya luto ko.

Napatili nalang ako wala sa oras at pinagpatuloy ang pagluluto natapos ako mga ala sais kaya after kong magluto nag shower na ako. Pumunta ako sa walk in closet ang hirap naman pumili ng susuotin? Kung mag sleeveless nalang kaya ako?

Basta mag aayos ako minsan na nga lang kami magkasundo. Lagi kaming LQ kasi diniktahan ko siya noon na may babae kaya nainis siya sakin. Then tuloy tuloy na ang pag iinit ng ulo niya sakin.

Nag simpleng bestida lang ako at may curve naman ang katawan ko tinatago ko lang talaga ang shape ng body ko ayoko kasing pagtinginan ako.

I told you mahina confi ko.
Nang matapos akong makapag ayos kinuha ko na yung eco bag na nakalagay ang pagkain ni Dos.

Nag book na rin ako ng grab taxi, kaya mabilis akong nakarating sa condo ni Dos.

Nakasakay na ako ng elevator ng tawagin ako ng receptionist? 
Bakit kaya? parang iba 'yung nararamdaman ko kinabahan ako baka ano ang nangyari sa condo ni Dos?

Pagkahinto ng elevator ay lumabas na agad ako at malapit lang kasi sa elevator 'yung unit ni Dos. Konting lakad lang ay nandoon na ako sa pinto ni Dos. Hindi na ako kumatok dahil malakas ang kutob ko na.... pagpihit ko ng doorknob it is OPEN?!

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang pinasok ko dahan dahan halos manigas ako ng makita ko ang mga damit na naka kalat sa sahig.

Damit ni Dos at b-babae?

Ang daming tumaktabo sa isip ko at isa lang kung nasaan sila. Naglakad ako patungong kwarto and there they are making love.

Napatigil sa paghalik 'yung babae kay Dos dahil naka- ibabaw si Dos kaya hindi nakita ni Dos ang nakikita ng babae. Halos ang babaeng nakahubad ganun din si Dos nakaawang ang pinto kaya sigurado walang saplot si Dos.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko maramdaman yung katawan ko.

"F*ck!" Nasipa ng babae si Dos dahil sa pagbangon nito binalot niya agad ang kumot sa katawan niya.

Hindi ako makagalaw gusto kong umalis pero napangunahan ako ng luha kaya naglakas loob akong umalis  pero huli na narinig ko ang yapak niya at ngayon nakita na niya akong umiiyak dahil hindi ko na mapigilan traydor ang luha. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.

Bago pa niya ako lapitan at magsalita pinangunahan ko na siya.

"H-hindi mo na pala kailangan ng Dinner kasi, nakapag dinner kana masarap ba? Wala pala itong niluto ko." kahit naiiyak ako nakakapag salita pa rin ako kasi pinipigilan ko ang pag piyok dahil sa hikbi.

Kitang kita ko sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi ko siya magawang tignan sa ginawa niyang katarantaduhan sakin.

Parang milyon milyong karayom ang sumaksak sakin ng makita kong nag tatalik sila?

"Now, I understand e-everything the way you treat me like a dog and your toy." ngumisi ako sa kanya at patuloy parin 'yung luha ko na bumubuhos.

Biglang sumilip 'yung babae kita ko rin sa mukha niya na parang naawang pato ito 'yung malandutay na nakikita ko nuon. Hahaha nagbubulag bulagan pa rin ako bat diko naisipan 'yon? Kasi isa akong MALAKING TANGA.

Tumalikod na ako dahil hindi ko na kinakaya yung bigat na nararamdaman ko. Pero bago ako tuluyang umalis.

"Oh! I forgot to tell you nice game." ngumiti ako na para akong papatay kahit nakatalikod ako sa kanila. Inilapag ko yung pagkain na ginawa ko.

"Wag mo ng kainin 'yan baka malason kalang" sarcastic na sabi ko at tuluyan ng umalis

We will meet someday and if that day will come. It will be your worst nightmare.

And how can I bring him on hell and burn him turn into ash?

That would be easy if you move on...

The Good Girl gone turns into Playgirl honey!


To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro