HTPWBB 2: Present

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


AFTER 3 YEARS

"Welcome back!!!" Maligayang salubong sakin ni Keisha

"Nice to see you again Prend" bati ko sa kanya.

"So how are you?"she ask and I smiled a confident smile.

"Confidently fine! Kaw prend?" Ngumiti naman siya 'yung ngiting alam niya na okay na ako.

"Oo naman as long as ayos ka" sabi niya tinaasan ko siya ng kilay.

"Duh! Of course i'm fine and already move on for my asshole ex" napailing nalang siya na hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Okay okay  Ibelieve mukhang oo na" ngumisi ako at niyakap siya how I miss this girl?

"Tara na naghihintay na ata si Tita sa bahay niyo." tumawa naman ako at tsaka sumunod sa kanya

***

"CALLIYAHHHHHH!!!!" Sigaw ni Manang mas excited pa si Manang kaysa kay Mom?

"Manang!!! Namiss kita" niyakap ko naman siya ng mahigpit. Grabe namiss ko sila sobra.

"Ang laki na ng alaga ko?" Napa ngiti naman ako

"Of course Manang I am no longer baby anymore." masaya na sabi ko

Sa totoo lang natatawa ako kasi sa tuwing nag fla-flashback ako sa noon? Naiinis ako sa mga katangahan ko.

"Uhh? Nag matured na ang alaga ko ay! Nako pumasok na tayo" nagtawanan naman kami sa eksena namin dito sa labas.

Grabe ang dami kong tong bahay lalo na 'yung kwarto ko at namiss isa kong namiss din ay ang traffic at usok ng Pilipinas.  HAHAHAHA it's an indication na nakatira ka sa Pilipinas that's why.

Kahit papaano naranasan ko na ulit makalanghap ng hangin ng Phil.

"Hunny!" Sinalubong ako ng yakap ni Mommy pati si Mommy namiss ko rin sobra. Si daddy kaya? Nasan?

"Mommy? Where's dad?" Tanong ko

"I'M HERE! WELCOME BACK PRINCESS" natawa ako sa salubong sakin ni Dad. Nagtatago pa sa pader eh hahaha.

"Dad!" Niyakap ko naman siya ng mahipit ganun din siya.

"Ay hara! Tara na at kumain nasan pala si Keisha?" Tanong ni Manang

"Nauna na po, kailangan daw po kasi siya sa bahay nila" napangiti naman silang lahat

"At least na sundo ka niya" nakakatuwa nga eh pero nakakalungkot hindi ko man lang nakasamang gru-maduate si Keisha ng Senior High School.

"Yup! Nakakagaan ng loob na kahit busy siya na take over niya pa ang time niya para sakin? How so sweet?" Malambing na aniya ko

"Ganun talaga ang batang 'yon kahit wala ka binibisita pa 'rin niya kami pati room mo pinupuntahan niya namiss ka na daw kasi niya." Para akong na touch sa sinabi ni Mommy na sinang ayunan ni Dad and Manang. Napaka sweet naman talaga ng one and only best friend ko.

"O siya! Tama na drama! Kumain na tayo at makapag pahinga ang Prinsesa natin" I smiled and chuckled, kapamilya narin namin si Manang sa tagal ba naman niyang inalagaan ako?

"Hunny! how's States? Nakita mo ba si Bry don?" That guy really help me how to move on and forget my past.

"Yup! He's totally kind and friendly" masayang sabi ko

"Hmmm? May something kayo noh?" Bigla akong nasamid sa sinabi ni Dad? Something?

"Iha okay kalang?" Tumango ako at ininom ang tubig

"Dad! Watch your words over him? He's just my friend... Walang something, walang malisya." Giit ko nakita ko naman ang ngisi ni Dad hays grabe.

"Defensive?" Natatawang singit ni Mommy. Pati ba naman si Mom tsk...

"Yes, Pinaglalaban ko ang totoo na walang kami okay?" sabi ko at mukhang hindi naman sila naniwala kasi napailinf nalang sila. Hays bahala sila kung ano isipin nila.

***
Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto ko at hinagis ko ang sarili ko sa higaan ko grabe sobrang namiss ko din tong higaan na to.

"Hunny?" sumilip si Mom sa pinto

"Yes Mommy?" Ngumiti naman siya bago umupo sa gilid ng kama ko.

"Wala ka bang lakad bukas? gusto mo samahan moko sa shop?" nabuhayan ako ng loob dahil sa wakas dahil sa pag tiyaga ko sa states ay naitayo na rin namin ang pangarap naming negosyo ni Mom.

"Sure Mommy!" masayang sagot ko, nakaka excite lang dahil hindi biro ang dugo at pawis na inalay namin maitayo lang 'yon.

"Alam ko naman kasing gusto mo na rin makita 'yung shop natin at kundi dahil sayo nak hindi matutupad lahay ng iyon." hinahagod ni Mom ang buhok ko habang sinasabi niya iyon.

Grabe parang gusto ko na magkinabukasan na e-excite na ako makita huhu.

"O siya anak pahinga kana at alam ko marami pa tayong pag uusapan okay" tumango ako at hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis ng kwarto ko.

"I love you Mommy." sambit ko bago pa siya tuluyan lumabas.

"I love you too sweetheart."

***

KINABUKASAN...

*ALARM CLOCK RINGS*

Bumangon ako agad nung narinig ko ng nag alarm. Naalala dati nakailang alarm 'yan bago ako tumayo HAHAHA.

Dumiretso ako ng CR para maghilamos at mag supilyo. Pagkatapos ay bumaba agad ako at pumunta sa kusina.

Nakita ko naman na nagluluto na si Mom ng almusal namin.

"Good Morning hunny did you sleep well?" malambing na bungad sakin ni Mom. Napangiti ako dahil ito rin ang namiss ko na 'yung usual morning routine namin.

"Yes mommy." masayang sabi ko at nag ayos na ako ng plato sa lamesa para makakain na kami.

And as usual si Dad namamalengke ayaw niya na kasi pinagpapalengke si Manang dahil nga may katandaan na din. Pero syempre ang gagawin nalang ni Manang samin ay 'yung pag maintain ng malinis na bahay.

"Salamat nak." ngumiti sakin si Mom at nakita kong sinasalin niya na 'yung lutong ulam sa mangkok.

My favorite breakfast sunny side up and tuyo with kamatis.

"Alam na alam mo talaga Mommy ang hinahanap hanap ko tuwing umaga" sabi ko na ikinangiti ni Mommy.

"Of course alam ko matagal mo ng gustong tikman yan." tumawa si Mommy at umupo na sa hapag.

Nagdasal muna kami ni Mom bago kumain.

After namin kumain ni Mom ay nag presinta na akong maghugas para makapaghanda pa siya.

"Sige nak after niyan mag ayos kana din ha." tumango ako at sinundan ko ng sagot na

"Opo Mommy!" syempre excited ako noh!

Pagkatapos ko ngang nag hugas tinakpan ko na 'yung pagkain ni Dad para pag uwi niya ay kakain nalang siya. Panigurado ay hindi niya na kami maabutan.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at hinanda ko na 'yung mga susuotin ko. Napansin ko ngang nag notif 'yung phone ko. Hindi ko pala pinansin kanina.

*1 New Message*

From: Keish

Prend! sabay tayo mag enroll sa CAMBRIDGE ACADEMY ha!

napatawa naman ako ng mabasa ko 'yung message. Napag usapan kasi namin once na nag release na ng announcement ang CAMCET ay sabay kami mag exam.

nag reply lang ako na oo at pumasok na ako sa cr para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nag ayos lang ako konti sa sarili ko at bumaba na din. Nakita ko na nag aayos ng gamit si Mom sa sala.

"I'm done mommy!" sabi ko

"Ayan, sige nak pakidala nalang ito sa kotse." utos ni Mom, kinuha ko na 'yung basket binuksan ko na ang kotse at inilagay ko sa back seat 'yung basket. Pumunta na ako sa shotgun seat at hintayin si Mom. Hindi na ako makapag hintay na makita yung Coffee Shop namin.

Yes, pangarap talaga namin magkaroon ng coffee shop since ang pinagtapos ni Mom ay Hospitality Management na dating Hotel Restaurant Management. Kaya ngayong darating na College ay 'yun din ang kukunin kong kurso.

Sideline business ni Mom ito habang hinihintay niya 'yung Visa papuntang US yes siya naman ang aalis dahil need ni Grandma na may mag manage sa restaurant sa states at dun ako pansamantala na pinagtrabaho ni Grandma habang nag aaral.

Pinaplano nila mag for good kami sa states. But there's still I have to do before I finally leave the Philippines.

Ang sabi ko kay Granny na magtapos muna ako ng college here before I finally immigrate in states.

and si Dad naman ay isang Bartender sa Fin and Claw Grill night shift si Dad kaya nagagawa niya pang mamalengke.

Kung magtataka kayo sino mag manage ng coffee shop kundi 'yung nag iisa niyang kapatid na si Tita Neri at syempre ako na tutulong tulong. Para pantulong na din sa pag aaral ko.

Hindi kami 'yung tipo na porket may kamag-anak sa ibang bansa ay aasa na kami. As much as possible we don't do that dahil lahat ay pinaghihirapan.

Hindi ko namalayan nasa harap na kami ng coffee shop. Dun na ipinark ni Mom 'yung kotse.

"Mukhang mahabang tulala ang nangyari sayo nak ha" natawa nalang ako sa sinabi ni Mom.

I-nopen na namin 'yung shop at nagsimula na kaming ayusin 'yung tables and other stuff na need para mamaya kapag nag official open kami.

Kung tatanungin niyo ay malapit ang shop namin sa highway para daanan talaga kami ng tao at estudyante.

We accept students who want to study here. and also 'yung mga nagtratrabaho din.

Nang ma finalize na namin lahat ni Mom ay pinalitan ko na ng Open 'yung signboard sa labas.

After few minutes ay dinagsa na kami ng mga high school students. Ako ang taga kuha ng order at si Mom ang taga prep. Dumating na din si Tita Neri at 'yung pinsan kong si Aniah. Kami kami ang nagtutulong tulong sa shop. Medyo may kalakihan naman kaya hindi nagsisiksiksikan ang lahat.

Nung wala ako minsan si Keish daw tumutulong din. Ayaw nga magpabayad eh basta coffee lang daw sapat na hays kalokang babaeng yon.

Nag-paalam ako kay Mom na may bibilin lang ako sa Mercury Drug. Habang naglalakad ako sa pedestrian ay may bumangga sakin na lalaki paglingon ko ay nakatalikod siya at nilagpasan lang ako. Kalokang 'yon hindi man lang nag sorry. Pasalamat siya nagmamadali ako.

Paglabas ko ng mercury drug ay bumalik narin ako agad sa coffee shop.

Mabuti naman ay medyo umunti ang customer kaya hindi na ganoon ka rush hour. Medyo nag li-lo muna si Mom. Bumili kasi ako ng gamot para sa pain killer ko. Madalas kasing sumasakit 'yung ulo ko ewan ko ba dahil to sa init.

Biglang may pumasok sa shop namin na lalaki at tumigil 'yung mundo ko nung nakita ko kung sino 'yon.

Bago pa siya tumingin sa pwesto ko ay tumalikod agad ako at pumunta sa storage room namin.

Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman pero halo halo. Mas nangingibabaw 'yung inis at galit ko.

Siya ang dahilan kung bakit hindi pa ako puwedeng umalis ng Pilipinas.

Hindi pa ako tapos sayo Dos.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro