Kabanata 37

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 37]

"Carmela... anak, gumising ka na" narinig ko ang isang malambing na pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan ko.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata pero napapikit ulit ako dahil masyadong maliwanag ang paligid. "Ayos ka lang ba anak?" ulit niya pa, napatakip muna ako sa mata ko bago ko iminulat muli ito.

Nagulat ako nang makita ang babaeng di ko inaasahang nakangiti sa tapat ko ngayon.

"Ang laki-laki mo na anak... ang laki na rin ng pinagbago mo" nakangiting tugon ni Mommy Carmenia, napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata habang hawak-hawak na niya ngayon ang pisngi ko sabay yakap ng mahigpit sa akin. Napatulala na lang ako, hindi ako makapaniwala na yakap-yakap ako ngayon ni mommy.

"Talagang malaki ang pinagbago ni Carmela" narinig kong tugon ni madam Olivia na nakatayo na ngayon sa likod namin, dahan-dahan namang kumalas si mommy Carmenia sa pagkakayakap sa akin at inalalayan niya akong tumayo.

Ngayon ko lang narealize na nasa ilalim kami ng isang napakalaking puno na may kulay dilaw na mga bulaklak, sa paligid ay may isang malawak na lupain na kung saan ang ganda ng tubo ng mga berdeng damo at namumukadkad ang mga bulaklak ng sunflower sa buong lupain. Maaliwalas din ang kalangitan, At kapansin-pansin din ang malamig at mabangong simoy ng hangin.

Napatulala ako kay madam Olivia na nakangiti din ngayon, ilang sandali pa ay may apat na babaing nakaputi at limang lalaking nakaputi rin ang naglalakad papalapit sa amin. Nakangiti silang lahat sa akin at parang sabik na sabik na makita ako.

Napahawak na lang ako sa bibig ko nang marealize kung sino ang apat na babae at limang na lalaking iyon... si Donya Soledad/ina, Donya Juanita, Josefina, Sonya, Ignacio, Don Mariano, Sergio, Kapitan Corpuz at Ginoong Valdez.

Patay na silang lahat... ibig sabihin, patay na rin ako?

"Hindi ka pa patay Carmela" sagot ni madam Olivia, at dahil dun gulat akong napatingin sa kaniya, nababasa na niya ulit ang utak ko.

"P-pero bakit ako nandito? N-nasaan ba tayo?" tanong ko, silang lahat ay nasa tapat ko na ngayon. Maaaliwalas na ang itsura nila at parang wala na silang mga problema.

Itnuro ni madam Olivia yung malaking puno na nasa likod ko. "Ang punong iyan ay isang Narra, na sumisimbolo sa katatagan at kalakasang malagpasan ang anumang pagsubok sa buhay, hindi kayang pasukin ng anay ang kahoy ng Narra... kung kaya't walang sinuman ang kayang magpabagsak at pumuksa rito... gaano man kabigat ang mga problema at suliranin, ang taong nagtataglay ng katangian ng isang Narra ay hindi matitinag kailanman" tugon ni madam Olivia. Napalingon naman ako sa puno ng Narra na nasa likod ko, kasabay niyon ang pag-ihip ng malakas na hangin dahilan para maglaglagan ang magagandang bulaklak nito na kulay dilaw.

Anong ibig sabihin ni madam Olivia? Bakit inuugnay niya sa'kin ang puno ng Narra?

Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko habang pinagmamasdan ang punong iyon. Ilang sandali pa naramdaman kong hinawakan ni mommy ang balikat ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. "Malaki ang tiwala namin sa iyo anak... naniniwala kaming mapagtatagumpayan mo ang iyong misyon" tugon pa ni mommy. at binigyan niya ako ng ngiting nagpapagaan sa kalooban ko.

Isa-isa akong napatingin sa kanilang lahat, Napangiti at napatango din sa akin si Donya Soledad, Donya Juanita, Josefina, Sonya, Ignacio, Don Mariano, Sergio, Kapitan Corpuz, Ginoong Valdez at sa huli ay si madam Olivia.

"Adios, Carmela" (Goodbye, Carmela) halos pabulong na tugon ni madam Olivia at ilang sandali pa biglang umihip ang isang napakalakas na hangin at kasabay niyon ay ang paglipad ng mga bulaklak ng Narra na tumangay sa kanila papalayo sa akin.

Sinubukan kong sumigaw at tawagin sila pabalik pero walang lumabas na boses sa lalamunan ko. hanggang sa tuluyan nang magdilim ang buong paningin ko at pagkamulat ko ay nakahandusay ako sa malamig na lupa, habang nakatali ang magkabilang kamay ko sa likod at ang kaliwang paa ko naman ay nakatali din at nakapalupot ito sa isang puno na sinasandalan ko ngayon.

Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa puno habang kinukusot ko ang aking mga mata dahil medyo nanlalabo ang paningin ko. "Kailangan ko ng maligamgam na tubig at tela ngayon" narinig kong utos ng isang babae na nakasuot ng isang madumi at lumang baro't-saya. Nagmamadali siyang gamutin at pigilan ang pagdurugo ng isang lalaki na nag-aagaw buhay ngayon dahil sa malaking sugat sa sikmura. Agad namang sumunod sa utos niya ang ilang kalalakihan na may kaunting galos.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino yung lalaking nag-aagaw buhay, isa siya sa mga mangingisdang kasamahan ni Juanito at nakasama din naming magligtas kay Juanito sa Fort Santiago.

Teka!

Ibig sabihin nandito ako ngayon sa kuta ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang!

"Julio! Lumaban ka!" nagpapanic na sigaw nung babae habang inaagapan ang pag-aagaw buhay ni Julio. Nagsimula namang magsilapitan kina Julio ang ibang kasamahan nila at ngayon ay nakayuko sila, bakas sa kanilang mga mukha ang labis na pag-aalala.

Ilang sandali pa ay sumuka na ng dugo si Julio kasabay nito ay bigla siyang nangisay at tuluyang nawalan na ng buhay. Napatulala na lang yung babae at agad tumakbo papalayo dahil sa matinding pagdadalamhati.

Nilagyan naman nung isang lalaki ng puting kumot ang katawan ni Julio. "Dinadakila namin ang iyong katapangan, Hanggang sa muli kapatid" pagpupugay nila at sabay-sabay nilang inilagay ang kanilang mga sombrero sa tapat ng kanilang dibdib upang magbigay galang sa namayapa nilang kasamahan.

Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil may mga siga ng apoy sa bawat sulok upang magbigay liwanag sa kanilang kuta. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sa isang sulok ang tambak ng mga bangkay na nakabalot sa puting kumot, at ilang sandali pa ay inilagay na rin doon ang bangkay ni Julio.

Ang ilang mga sugatang rebelde ay ginagamot din ngayon sa tulong ng ilang matatanda at batang kababaihan. habang ang iba naman ay inaabutan ng pagkain at tubig. hindi ako makapaniwala na masasaksihan ko ngayon ang kalagayan ng mga pilipinong lumalaban sa mga mananakop na Kastila.

At hindi ako makapaniwala na bihag ako ngayon ng mga rebelde!

Napaisip tuloy ako ng malalim, ang huli kong natatandaan nagkagulo sa plaza dahil biglang umatake ang mga rebelde sa kalagitnaan ng pagbitay kay madam Olivia. Nabitawan ako ni Esmeralda dahilan para madapa ako at maabutan ng mga paparating na rebelde, hinampas ako ng isa sa kanila at nang bumagsak ako sa lupa ay nakita ko si Juanito na tumatakbo papalapit sa akin.

Ibig sabihin... naabutan ako ni Juanito, kaya nandito ako ngayon!

Agad akong napagpalingon-lingon sa paligid at hinanap si Juanito pero hindi ko siya masumpungan. "Gising ka na pala munting Binibini" narinig kong tugon nung babaeng gumagamot kanina kay Julio. Masama ang tingin niya ngayon sa'kin at mukhang kakatapos niya lang umiyak dahil hindi niya nasalba ang kasamahan nila.

Gulat akong napatingin sa kaniya at hindi agad nakapagsalita. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at kahit madumi ang kaniyang kasuotan ay nangingibabaw pa din ang kagandahan niya. ang ganda niya ay tulad ng isang palaban na purong dugong Pilipina.

"Hindi ka makatulog sa sitwasyon mo ngayon? Ahh alam ko na, hindi ka nga pala sanay sa kahirapan" sarcastic niyang tugon. At dahil dun napakunot yung noo ko, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya pero sinusubukan niya ang pasenisya ko.

"Ang mga tulad niyong lumaki sa karangyaan dahil sa korapsyon at kasamaan ng inyong mga magulang ang labis na nagpapagalit sa aming mga mahihirap" naiinis na tugon niya, at dahil dun tiningan ko siya ng diretso sa mata.

"Ikaw na rin ang nagsabi na ang mga magulang ko ang umaabuso sa inyo... bakit dinadamay niyo ako dit----" hindi ko na natapos yung reklamo ko kasi bigla akong sinampal sa mukha nung babaeng bitchesa na yun. Whuut?

"Baka nakakalimutan mo wala kang kakampi dito, wala dito ang nobyo mong Heneral, wala rin dito ang tatay mong gahaman, at hindi man ikaw ang umabuso sa amin, makakaganti pa rin kami sa iyong ama!" banat niya pa, gusto ko sana siyang sampalin kaya lang nakatali yung mga kamay ko.

"Hindi niyo naman ako kaaway... alam yun ni Ginoong Valdez" tugon ko sa kaniya. Totoo naman eh, alam ni Ginoong Valdez na handa akong tumulong sa kanila. napataas naman yung kilay nung babae.

"Wala na si Ginoong Valdez... paano mo papatunayan ang sinasabi mo?" pagtataray niya pa. at dahil dun tinaasan ko din yung kilay ko.

"Y-yung mga kasamahan ni Ginoong Valdez nung niligtas namin si Juanito sa Fort Santiago" sagot ko, napapikit na lang sa inis yung babae.

"si Ginoong Valdez at ang mga kabilang sa pinasama ng aming pinuno sa pagliligtas kay Juanito ay wala na rin" paliwanag nung babae, Napatingin ako dun sa nakabalot na bangkay ni Julio, kung napaaga lang ako ng gising at naabutan ko pa siyang buhay pwede niya sanang mapatunayan na hindi ak kalaban tulad ng iniisip ng babaeng to na mukhang inis na inis na sa'kin.

"Ah! Si Juanito! alam niya ang lahat... alam niyang tutol ako sa mga gawain ni Don Alejand---ng tatay ko!" tugon ko pa, napataas naman ng kilay yung babae, Ilang sandali kaming nagtitigan as in ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Kung nakakamatay lang ang tingin siguradong patay na siya ngayon dahil sa akin. Ha!

"Mercedes... tama na yan" narinig naming nagsalita ang isang lalaki na nakatayo na pala sa tapat namin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala na nasa harapan na namin ngayon si Juanito. may hawak siyang bao ng niyog at walang emosyon na nakatingin sa amin ngayon.

Padabog namang tumayo si Mercedes at tiningan ng diretso sa mata si Juanito "Batid ko ang nakaraan niyo, alam kong pinagkasundo kayo ng inyong mga magulang... pero ang nakaraan mo sana sa kaniya ay hindi makahadlang sa mga layunin at pinaglalaban natin ngayon" matapang na tugon ni Mercedes kay Juanito. at dahil dun napatingin naman ng diretso si Juanito sa kaniya.

"Alam ko" tugon ni Juanito. tiningan pa ako ng masama ni Mercedes sa huling pagkakataon bago siya tuluyang umalis. Nakakainis! Hindi ko akalaing makaka-encounter pa ulit ako ng isa pang bitchesa tulad ni Natasha haays!

Nagulat ako nang biglang naglakad si Juanito papalapit sa akin at inilapag niya yung bao ng niyog sa tapat ko ngayon. Ginataang saging at kamote ang laman nung bao ng niyog.

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya pero hindi siya nakatingin sa akin "Kumain ka na, maglalakbay pa tayo bukas ng umaga" tugon niya, parang biglang kumirot ang puso ko dahil sa tono ng pananalita niya ay parang hindi niya ako kilala.

Agad na siyang tumayo, aalis na sana siya pero napatigil siya nang magsalita ako "J-juanito sandali" tawag ko sa kaniya, pero nakatalikod pa din siya at hindi niya ako nilingon.

"N-nagpapasalamat ako... d-dahil buhay ka" tugon ko, at dahil dun lumingon na siya sa akin. "Wala kang dapat ipagpasalamat... kailangan kong mabuhay upang wakasan ang paghihirap na dinulot ng pamilya mo sa amin" seryoso niyang tugon, kitang-kita ko sa mga mata niya ngayon ang galit.

Magsasalita pa sana ako kaya lang naglakad na siya papalayo, naiwan naman akong mag-isa doon sa punong iyon habang dinadama ang lamig at hamog ng gabi.

Hindi ko maintindihan, Bakit nananatili pa din siyang malamig sa akin?

Tahimik na ang paligid at halos tulog na rin ang lahat, pinagdikit-dikit na dahon ng saging ang nagsilbing higaan nila ngayon, samantalang nakatali pa din yung paa ko sa puno. Naubos ko na rin yung ginataang saging at kamote na binigay ni Juanito sa kaniya at kanina ko pa siya nakikitang padaan-daan sa tapat ko at dinedeadma lang ako.

Gusto ko man siya tawagin pero hindi ko alam kung paano uumpisahan. Natatakot din ako na baka kung anong isipin ng mga kasamahan niyang rebelde.

Napasandal na lang ako sa puno at pinagmasdan sila ngayon na mahimbing ng natutulog. Habang ako eto nilalamok at hindi komportable sa sitwasyon ko. bigla ko tuloy narealize na sobrang hirap pala ng mga pinagdaanan ng mga taong lumalaban para sa kalayaan sa panahong ito, samantalang ako enjoy na enjoy lang sa kalayaan tinatamasa ko noon sa makabagong panahon. Ang mga paghihirap at pagsasakripisyo nila ngayon makamit lang ang kalayaan ay hindi na masyadong napapahalagahan ng mga kabataan sa modernong panahon.

Nakakalungkot isipin na kabilang ako sa mga kabataang hindi nagpapahalaga sa ating kasaysayan. At ngayon narito ako sa panahon kung saan nararanasan ko ang mapait at madilim na pangyayari ng ating nakaraan.

Kinabukasan, agad akong naalimpungatan ng maramdaman kong may humihila sa lubid na nakatali sa paa ko. "Gising na Binibini! Hindi mo hawak ang oras mo ngayon na kung saan ikaw ang masusunod kung anong oras mo gustong bumangon" narinig kong reklamo ni Mercedes na ngayon ay abala na sa pagtatanggal ng tali ko sa paa at kamay ko

Agad naman akong napahawak sa paa at kamay ko na ngayon ay namumula na dahil sa higpit ng pagkakatali nito kagabi. "Tumayo ka na!" utos niya pa. napapikit na lang ako sa inis, gusto ko sana siyang tarayan kaya lang out-numbered ako ngayon at sigurado akong pag napikon si Mercedes sa'kin reresbak din yung mga kasamahan niya. baka bugbugin pa nila ako... kawawa naman ako.

Napilitan na akong tumayo akala ko malaya ko ng magagalaw yung mga kamay ko pero nagulat ako kasi tinali ulit ni Mercedes yung magkabilang kamay ko sa likod ko. "A-aray!" reklamo ko pa sa kaniya pero mas lalo pa niyang hinigpitan, at dahil dun tiningan ko siya ng masama pero parang hindi naman siya affected sa pamatay kong mga tingin.

"Bilisan niyo... marahil ay dalawang pa tayong maglalakabay... hinihintay na tayo ng ating pinuno" sabi nung isang lalaki na malaki ang katawan, napadaan siya sa amin habang bitbit ang tatlong bangkay. Nakatingin siya ngayon sa akin at hindi ko alam kung bakit bigla akong na-creepyhan dahil sa mga tingin niya.

Ano? So ibig sabihin maglalakad kami ng dalawang araw?

"Handa na ba ang lahat, Carding?" tanong ni Mercedes dun sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa din inaalis ang tingin sa'kin.

"Carding?" ulit pa ni Mercedes at dahil dun natauhan na siya at ibinaling na niya ang tingin kay Mercedes na kanina pa siya kinakausap. "A-ah! Oo" sagot ni Carding, napayuko na lang ako dahil ayokong tingnan siya per kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam na ramdam ko pa din yung mga titig niya.

"Magsimula ka ng maglakad... huwag kang umasa na may magbubuhat sa iyo" reklamo pa ni Mercedes, nakakainis talaga!

Tumayo na ako at gusto kong ipamukha sa babaeng to na hindi ako pabebe gaya ng inaakala niya. pero nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sa akin at tinali ulit ang paharap ang magkabilang kamay ko. "Hindi naman ako tatakas, hindi ko kayang tumakas" banat ko sa kaniya, masyado kasi siyang segurista. At dahil kinalaban ko na naman siya tiningan niya tuloy ako ng diretso sa mata.

"Mabuti na ang sigurado... Ang mga katulad mo na nagtataglay ng dugong mapang-abuso ay hindi dapat pagkatiwalaan" buwelta niya pa dahilan para mas lalong mapakunot ang noo ko.

"Ano bang ginawa ko sayo o ng pamilya ko para magalit ka ng ganyan?" reklamo ko sa kaniya. Totoo naman eh, bakit yung ibang rebeldeng kasamahan nila hindi naman ako inaano. Siya lang talaga ang galit na galit sa'kin.

Hindi naman nakapagsalita agad si Mercedes habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, kitang-kita ko sa mga mata niya na may mapait siyang nakaraan dahilan para maging bato ang puso niya.

"Hindi mo na dapat tinatanong yan... alam mo ang sagot Carmelita" galit niyang tugon, kasabay niyon ay ang pagpatak ng luha niya sa kaniyang mata dahil sa matinding galit. Agad naman niya itong pinunasan at pilit tinago sa'kin na hindi siya umiyak sa harapan ko.

"Kumilos ka na, kung ayaw mong ipahila kita sa kabayo" tugon niya pa sabay talikod, kinuha na niya yung mga gamit niya at nagsimula nang maglakad kasabay nung iba pang mga rebelde na nauna nang naglalakad.

Napatulala lang ako habang pinagmamasdan si Mercedes na naglalakad ngayon papalayo, naramdaman kong kumirot ang aking puso at kasabay niyon ay ang pagpasok ng alaala ni Carmelita sa utak ko...

Halos limang taon lang noon si Carmelita at masaya silang nagtatakbuhan sa labas ng simabahan ng San Alfonso nila Maria at Josefina. Kasagsagan ng Fiesta sa San Alfonso nang araw na iyon at umaalingawngaw sa kapaligiran ang nakakaindak na tugtugin at ang daming palamuti sa buong paligid. Nagkakasayahan naman ang mga tao at ang iba ay abala sa pamimili ng mga kakanin at damit sa gilid.

Napatigil si Carmelita nang makita ang isang batang babae na madumi ang pananamit at nakatingin sa kanila, agad na lumapit si Carmelita doon sa batang babae at niyaya siyang sumali sa laro nila nila Maria at Josefina.

Napangiti naman yung pulubi at masayang nakipaglaro kina Carmelita, Maria at Sonya. At naging magkaibigan sila. Lumipas ang mga araw palagi silang naglalaro sa tapat ng mansyon sa hacienda Montecarlos dahil ang tatay pala nung batang pulubi ay nagtatrabaho bilang magsasaka sa hacienda Montecarlos, pero agad natigil ang kanilang paglalaro at pagkakaibigan nang maabutan sila ni Don Alejandro na naglalaro sa labas.

Agad pinagalitan ni Don Alejandro si Carmelita at sinabihang hindi dapat ito nakikipaglaro sa mga maduduming bata. At mula noon ay hindi na pinayagang makapasok yung batang babae sa hacienda Montecarlos. Ilang taon din silang hindi nagkita hanggang sa nagdalaga na sila at ang batang babaeng iyon ay si Mercedes.

Huli silang nagkita noong ika-labing dalawang taong kaarawan ni Carmelita, natanaw ni Carmelita si Mercedes na nasal abas ng gate ng hacienda Montecarlos, ipinagpaalam niya kay Don Alejandro na papasukin ito pero hindi pumayag si Don Alejandro, hindi naman na nakapag-explain si Carmelita kay Mercedes dahil hindi siya pinayagang lumabas ng bahay.

Umalis na lang si Mercedes at hinawakan na niya ang kamay ng dalawa niya pang kapatid na babae na kasama niya at tuluyan na silang umalis.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at napahawak sa puno na nasa tabi ko ngayon dahil hindi ako makapaniwala na ang isa dun sa dalawang babaeng kapatid na kasama ni Mercedes ay si... Cristeta.

Ibig sabihin nakatatandang kapatid ni Cristeta si Mercedes!

Bigla ko tuloy naalala yung kwento ni Cristeta noon sa amin kung paano pinatay ang buo niyang pamilya, sinabi niyang ginahasa daw muna ang dalawa niyang nakatatandang kapatid bago ito patayin... ang hindi niya alam ay nabuhay din ang kapatid niyang si Mercedes.

Bagaman buhay nga ngayon si Mercedes... habambuhay pa din niya dala-dala ang mapait na alaala ng panggagahasa at pangaabusong sinapit niya laban sa mga taong pumatay sa pamilya nila.

Si Mercedes at Cristeta ay anak ni Aling Trinidad at Mang Nestor na pinaniniwalaan ng lahat na pinapatay ni Don Alejandro dahil nagreklamo si Aling Trinidad ukol sa mababang pasahod ni Don Alejandro kay Mang Nestor bilang magsasaka sa hacienda Montecarlos.

Pero aminado si Cristeta na hindi si Don Alejandro ang nagpapatay sa pamilya nila dahil inutusan siyang ipagkalat na si Don Alejandro ang master mind pero hindi niya ito ginawa.

Hindi ko naman masabi kay Mercedes na hindi nga si Don Alejandro ang nagpapatay sa pamilya nila pero alam kong hindi naman siya maniniwala sa akin.

At ngayon malinaw na sa akin ang lahat kung bakit ganoon na lang ang lalim ng galit ni Mercedes sa akin. Kahit pa hindi naman talaga ako ang anak ni Don Alejandro... sa panahong ito ako pa din si Carmelita sa kanilang paningin.

Nagulat ako nang maramdaman kong biglang may humawak sa bandang baywang ko at sinalo ako sa likuran upang hindi ako tuluyang ma-out balance dahil sa pagkahilo... "M-magsimula na tayong maglakad" tugon ni Juanito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko at ganoon din ako sa kaniya, sa pagkakataong iyon ramdam na ramdam ko ang kuryente sa buong katawan ko dahil sa kamay niyang nakahawak ngayon sa baywang ko.

Bigla naman siyang napabitaw sa'kin nang marealize niya na hindi tama ang ginagawa niya. at napaiwas ng tingin at nauna nang maglakad sa akin. Napatitig lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papalayo.

Sa mga oras na iyon, parang bigla akong nabuhayan ng pag-asa... dahil malakas ang kutob ko na hindi ako tuluyang binabalewala ni Juanito at hindi talaga tuluyang nagbago ang tibok ng puso niya para sa'kin.


Napapikit na lang ako habang naglalakad kami sa gitna ng kagubatan, mataas din ang sikat ng araw kung kaya't tumatagaktak na ang mga pawis namin. Medyo mapahapdi na rin ang paa ko dahil kanina pa ako naglalakad ng naka-paa lang, mula nang magising ako kagabi wala na akong suot na panyapak o sandals.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko sa si kalayuan si Juanito na nahuli kong nakatingin din sa akin, habang bitbit ang iba pang bangkay ng mga kasamahan nilang namatay. Agad niyang iniwas ang tingin niya at kinausap ang kasamahan niyang naglalakad kasabay niya.

Talaga bang wala siyang balak pansinin ako?

Napayuko na lang ako habang patuloy na kinakayang ihakbang pa ang mga binti ko. ramdam ko na ang pagkulo ng aking sikmura kasi hindi man lang nila ako binigyan ng almusal kanina. Natanaw ko naman si Mercedes na naglalakad ngayon sa unahan namin habang akay-akay ang iba pang mga sugatang rebeldeng kasamahan nila.

Gusto ko sanang sumabay sa paglalakad sa kaniya at humingi ng pagkain pero hindi ko alam kung paano... never ako nanglimos sa buong buhay ko.

Nagulat ako nang biglang may dalagitang humarang sa daanan ko at may inabot siyang pares ng tsinelas na gawa sa abaca, at dahil dun napatigil ako sa paglalakad "P-para sa'kin?" tanong ko sa kaniya, tumango naman siya. "Pero paano ka?" tanong ko, hindi naman siya sumagot at iniwan na lang niya sa tapat ng paa ko na namamaga na ngayon at tuluyan na siyang umalis.

"S-sandali----"hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi dire-diretso na siyang naglakad pabalik sa likuran. Napansin ko namang may suot pa siyang pares ng tsinelas. Kanino galing ang tsinelas na'to?

Napaupo na lang ako at sinubukan kong isuot yung pares ng tsinelas sa magkabilang paa ko pero hindi ko masuot ng maayos kasi nakatali yung mga kamay ko sa likod ko. haays.

Pero ilang sandali lang nagulat ako nang biglang may lumapit na isang lalaki sa tapat ko at isinuot niya sa paa ko yung tsinelas. "Hindi lahat ng bagay ay magagawa mo mag-isa, matuto kang humingi ng tulong minsan" seryosong tugon ni Juanito habang sinusuot sa paa ko yung tsinelas.

Hindi ako makapaniwalang matititigan ko muli ng ganito kalapit si Juanito, napansin ko ang mga galos at gasgas sa kaniyang mukha, may puting tela din na nakabalot sa kanang braso niya. at kahit may mga bakas pa ng dugo at dumi ang kaniyang damit, hindi pa rin ito nakakabawas sa kagwapuhan niya. dugdugdugdug!

"P-paano ako hihingi ng tulong kung halos lahat kayo ay galit sa'kin" sagot ko, napatigil naman si Juanito at napatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Sa panahon ng pangangailangan magagawang isantabi ng sinuman ang galit upang tulungan ang nangangailangan" seryosong sagot ni Juanito. hindi ako sanay ng ganito, hindi ako sanay na hindi na niya nagagawa pang ngumiti.

Napatitig lang din ako ng diretso sa mga mata niya, pilit kong hinahanap ang mga sagot sa mga katanungan ng isipan ko kung tuluyan na ba talaga siyang nagbago.

"Juanito... g-galit ka ba sa'kin?" diretso kong tanong sa kaniya, hindi naman siya nakapagsalita agad at ilang segundo pa kaming nagkatitigan. Hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam ko ang nais na ipahiwatig ng mga titig niya. umihip din ang malamig na hangin na tumama sa mga balat namin.

"Walang karapatang magpahinga ang babaeng yan" napatigil kami at napalingon kay Carding na ngayon ay nakatayo na sa likod at seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Juanito. agad namang napatayo si Juanito at hindi na nakipagtalo pa kay Carding. Nilingon pa ako ni Juanito sa huling pagkakataon at binuhat niya ulit yung daladalahan niya at nagsimulang maglakad muli.

Pinagmasdan ko si Juanito na naglalakad na ulit ngayon habang buhat-buhat ang mabibigat na bangkay ng kanilang kasamahan. Napatulala na lang ako sa kaniyang paa nang mapansin ko na wala na siyang suot na tsinelas.

Bigla akong napatingin sa tsinelas na suot ko na ngayon... posible kayang sa kaniya ang tsinelas na ito?

"Hindi pa tayo maaaring magpahinga hangga't hindi pa sumasapit ang tanghalian" seryosong sagot ni Carding sabay alalay sa'kin patayo, hindi naman ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil natatakot ako sa kaniya. Buti na lang dahil iniwan na niya ako at nagsimula na din siyang maglakad ulit.

Lumipas pa ang isang oras ng paglalakad, medyo guminhawa naman na ang paa ko dahil may tsinelas na ako pero nauuhaw naman na ako ngayon.

"Bakit ba hindi na lang tayo dumiretso kagabi sa kampo?" narinig kong tanong nung isang rebeldeng nabalian ng braso at kausap niya yung isang medyo matandang lalaki na kalbo na. nasa bandang gilid ko lang sila kaya naririnig ko ang usapan nila.

"Malubha ang tinamong sugat ng ating mga kasamahan... tama din ang desisyon ni Mercedes na magpaliban muna tayo ng isang gabi bago tumuloy sa paglalakabay upang makapagpahinga tayo at kahit papaano ay magkaroon ng kaunting lakas" sagot nung matandang lalaki. Napatingin ako sa kanila at hindi ko maalis ang tenga ko sa pag-uusap nila... Ibig sabihin may mas malaki pa silang kampo.

"Nag-aalala lang ako na baka sundan tayo at maabutan ngayon ng mga kalaban" tugon nung binata.

"hindi tayo makakadaan sa dating ruta papunta sa kampo dahil binabantayan na ito ng mga guardia civil kung kaya't iikot tayo ngayon sa kagubatan para makarating sa kampo, medyo malayo nga lang ngunit mas sigurado naman tayong hindi natin masasalubong ang mga guardia civil" paliwanag nung matandang lalaki na kalbo na. "At sa tingin ko naman ay hindi mangyayari iyon dahil halos kalahati rin sa panig ng mga guradia civil ang napatay natin" dagdag niya pa.

Ang buong atensyon ko ay nakatutok lang sa pag-uusap nila. Bigla kong naalala na tinawag ni Leandro ang pangalan ko bago makalapit sa kanila ang mga rebelde at hindi ko na naalala pa ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

Hindi ko mapigilang mag-alala... baka may masamang nangyari kay Leandro!

"Sila-sila na rin mismo ang nagkakaaway-away... maging si hukom Fernandez ay balak sana barilin si Don Alejandro pero naunahan siya ng Heneral kung kaya't kung tutuusin hindi malabong sila-sila rin ang magpatayan para lang sa kapangyarihan" dagdag pa nung matandang lalaki, nagulat ako nang bigla silang mapalingon sa akin kaya agad akong napayuko kasi baka isipin nila na nakikinig ako sa usapan nila.

Hindi ko akalaing mas madugo pa pala ang mga nangyari mula nang mawalan ako ng malay nang araw na iyon. Ang huli kong natatandaan ay biglang sumulpot si hukom Fernandez at pinagbabaril niya si madam Olivia at Ginoong Valdez.

Plano rin pala niyang patayin si Don Alejandro, buti na lang dahil nabaril agad ni Leandro si hukom Fernandez. Talagang binalak ni hukom Fernandez na makaganti kay Don Alejandro at madam Olivia na nang-frame up sa kaniya.

"Tumigil na muna tayo dito" anunsyo ni Mercedes at dahil dun napatigil kami lahat sa paglalakad. Agad namang naghanap ng kaniya-kaniyang masisilungang puno ang mga rebelde at nagsimula silang magpahinga. Ang iba naman ay agad nagtampisaw sa maliit na ilog sa di-kalayuan. At nakita kong nagtungo din si Juanito sa ilog.

Nagulat ako nang biglang hilahin ni Mercedes yung lubid na nakatali sa kamay ko at agad niya akong isinama sa gilid at itinali yung lubid sa puno. Wala lang siyang imik habang tinatali ako. pinagmasdan ko siya ng mabuti at sa mga oras na iyon alam kong naging parte din ng puso at buhay niya si Carmelita.

"M-mercedes" tawag ko sa kaniya at dahil dun napatigil siya sa ginagawa niya pero hindi niya magawang tumingin ng diretso sa mga mata ko. hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kaya hindi na ako nakapagsalita pa.

"Ano?" masungit niyang tugon. At sa pagkakataong iyon, alam kong labag din naman sa kalooban niya ang sungitan at tarayan ako dahil hindi siya ganung tao.

Magsasalita na sana ako kaya lang biglang napukaw ang atensyon ni Mercedes sa nagkukumpulang mga rebelde sa gilid namin. At dahil dun agad siyang naglakad papalapit sa kanila. "Ano iyan?" tanong niya. napalingon naman sa kaniya ang lahat.

"Natagpuan namin ang isang isyu ng La Solidaridad sa mga gamit ni Julio" tugon nung isang rebelde at halos lahat sila ay interesado sa kung anong nakasulat doon sa dyaryo na halos kalahati na lang dahil gusot-gusot at punit na rin ang kalahati nito.

Bigla kong naalala yung lesson noon ni Prof.Hermios sa klase namin, ang La Solidaridad ay ang organisasyon at opisyal na pahayagan o newspaper na binubuo ng mga pilipinong ilustrado sa Espanya na sina Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal at iba pa. layunin ng La Solidaridad na magkaroon ng pantay na karapatan ang mga Pilipino at Kastila, pagkilala sa Pilipinas bilang bahagi o probinya ng Espanya, Pagkakaroon ng presentasyon sa Spanish Cortes ng Espanya, pagtatalaga ng mga Pilipinong paring secular sa mga parokya, Pagkilala sa mga karapatang pantao ng mga Pilipino at pagkakaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan.

Agad kinuha ni Mercedes yung dyaryo at tiningan itong mabuti "Mukhang napunit na ang bahagi ng dyaryong ito na kung saan nakasalin sa tagalog" tugon ni Mercedes at napailing-iling siya. "Sino ang marunong magbasa ng wikang Espanyol sa inyo?" tanong ni Mercedes, nanahimik naman ang lahat at walang umimik sa kanila. nagulat ako nang biglang mapatingin sa'kin yung matandang lalaking kalbo na nakikipagkwentuhan kanina.

"Marahil ay marunong magbasa ng wikang Espanyol ang anak ni Don Alejandro" tugon nung matandang lalaki. At dahil dun nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, agad naman silang napatingin lahat sa'kin. Whuut?

Oo nga pala, nakapag-aral si Carmelita at galing siya sa mayamang pamilya kung kaya't marunong talaga siya magbasa at makaintindi ng wikang Espanyol! Pero paano naman ako? paano ko ipapaliwanag sa kanila na hindi ako marunong mag-Espanyol?!

Tiningan akong mabuti ni Mercedes at naglakad siya papalapit sa'kin sabay abot nung dyaryo. "Basahin mo sa amin para may pakinabang ka naman" utos niya pa, gulat lang ako napatingin sa kaniya at sa dyaryong inaabot niya sa'kin ngayon.

"Oo nga pala... nakatali ka pa" sagot niya at tinanggal niya ang lubid na nakatali sa kamay ko. isa-isa namang naglapitan yung mga rebelde sa palibot ko para makinig sa babasahin ko. HALAAA!

Napalunok na lang ako at kinuha ko na yung dyaryo sa kamay ni Mercedes. Gosh! pano ko ba paninidigan to? haays! Bahala na nga!

Nanlalamig ang kamay ko at ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa noo dahil sa kaba "S-s-o-b-r-e... L-la----" hindi ko na natapos yung binabasa ko kasi biglang nagsalita yung matandang lalaki na nag-suggest na ako ang magbasa.

"Wala akong tiwala sa kaniya... isa siyang kalaban, malamang ay linlangin at ibahin niya ang pagpapaliwanag sa atin sa totoong nakasulat sa dyaryong iyan" tugon nung matandang lalaki at napasang-ayon naman sa kaniya yung iba sa kanila. at dahil dun nakahinga ako ng maluwag. Haays akala ko katapusan ko na yun ah!

Agad inagaw ni Mercedes yung dyaryo sa kamay ko "Tama ka... hindi talaga dapat pagkatiwalaan ang babaeng iyan" sarcastic niyang tugon sabay tingin ng masama sa'kin. alam kong puno pa din ng galit at hinanakit ang puso niya dahil akala niya tuluyan siyang iniwan ni Carmelita sa ere, pero sa totoo gustong-gusto ni Carmelita makausap siya kaya lang wala siyang magawa dahil pinagbabawalan siya ni Don Alejandro at dahil likas siyang masunurin sa kaniyang ama hindi niya ito magawang suwayin.

"Ako na lang ang magbabasa" narinig naming tugon ni Juanito na nakatayo sa likuran namin. At dahil dun napatingin kaming lahat sa kaniya, basa ang kaniyang buhok at mukhang kakatapos niya lang maligo sa ilog.

Napatulala naman si Mercedes sa kaniya at hindi ito nakapagsalita, sa totoo lang kahit ako napatulala din kay Juanito dahil... ANG HOT NIYA!

Bakat sa manipis niyang damit ang maganda niyang pangangatawan at ang abs niya. umaliwalas din ang mukha niya dahil natanggal na ang ilang dugo at dumi dulot ng pakikipagbakbakan.

Agad naglakad si Juanito papalapit kay Mercedes at kinuha ang dyaryo sa kamay nito. Napatingin naman ako kay Mercedes na ngayon ay tulala pa din kay Juanito... Teka! Bakit niya tinitingan ng ganyan si Juanito ko?

"Mabuti na lang at dumating ka... mukhang balak pa kaming lokohin ng Montecarlos na'to! mana talaga siya sa kaniyang ama" tugon nung isang rebelde, napakunot naman yung noo ko, Grabe! Ang judgemental naman neto, wala pa nga akong ginagawa eh... well balak ko nga talagang lokohin sila kasi hindi naman talaga ako marunong magbasa ng Spanish.

"Nailathala ang isyung ito ng La Solidaridad noong Hulyo, Agosto at Septyembre 1890... at sa tingin ko ang kopyang ito ay unang serye na inilathala noong Hulyo" panimula ni Juanito. ibig sabihin noong nakaraang taon pa na-ipublish ang newspaper issue na yun at series pala ito.

Nadismaya naman yung ibang mga rebelde na interesadong-interesado na makinig sa kaniya. "Pero huwag kayong mag-alala nabasa ko na rin ang magkakasunod na sanaysay na ito, ikwekwento ko na rin sa inyo" dagdag pa niya at napaupo na siya sa gitna.

"Ang pamagat ng akdang ito na isinulat ni Laong Laan ay 'Sobre La Indolencia De Los Filipinas" (The Indolence of the Filipinos), patuloy ni Juanito. bigla kong naalala na Laong-Laan ang pen name ni Jose Rizal, ibig sabihin ang babasahin ngayon ni Juanito ay isa sa mga naisulat niya sa La Solidaridad.

Grabe! Hindi ko akalaing nahawakan ko ang isa sa mga kopya ng La Solidaridad sa panahong to.

Sandali munang napatahimik si Juanito at binasa muna niya ang buong pahayag sa wikang Espanyol bago niya tri-nanslate sa tagalog.

Napatitig lang ako sa kaniya habang pinapaliwanag sa lahat ang laman ng dyaryong iyon, hindi ko mapigilang lalong humanga sa kaniya dahil ang talino at ang galing niyang magsalita sa harap ng madaming tao.

Bakas naman sa mukha ng mga rebelde ang labis na pagkabigla at matinding pagsang-ayon sa nilalaman ng essay ni Dr. Jose Rizal, kahit ako ay napapatango at sumasang-ayon din. Ayon kay Juanito, Ang Sobre La Indolencia De Los Filipinas o sa tagalog ay Ang Katamaran ng mga Pilipino ay isinulat ni Laong-Laan (Jose Rizal) upang ipaglaban ang maling bintang ng mga Kastila na tamad daw ang mga Pilipino. Ang nagdulot ng paghihirap ng mga Pilipino ay ang pananakop ng mga Kastila. ipinunto din ni Laong-Laan (Jose Rizal) ang ilan sa mga katibayan na nagpapatunay na hindi tamad ang mga Pilipino:

(1) Ang Galleon Trade ang sumira sa dating magandang ugnayan sa kalakalan ng Pilipinas, ng ibang bansa sa Asya at ng Middle East, (2) Ang sapilitang pagpapatrabaho ng mga Kastila sa mga Pilipino upang gumawa ng mga kalsada, tulay, barko at iba pa ay nagiging dahilan para hindi matutukan ng mga Pilipino ang kanilang mga taniman at hanapbuhay (3) karamihan sa mga Pilipino ay nagpalaboy-laboy at walang sariling lupain dahil hindi kayang ipagtanggol ng mga Kastila ang mga Pilipino laban sa mga pirata (4) ang Sistema ng edukasyon ay ay hindi nakakatulong sa paghahanapbuhay at pag-usbong ng teknolohiya dahil paulit-ulit na pagdadasal lamang ang ginagawa (5) Ang mga gawain ng Kastila ay masasamang halimbawa dahil ang mga opisyal ay hindi dumadating ng tamang oras sa trabaho at umaalis din ng maaga, Samantalang ang mga Babaeng Kastila naman ay palaging may tagapagsilbing mga alalay (6) Ang mga Kastila din ang nagdala ng mga sugal at sabong at nangunguna pa sila sa pagtalaga nito sa tuwing sasapit ang piyesta (7) Ang maling sistema ng pagtuturo ng simabahan na huwag ng magsikap at magtrabaho upang yumaman dahil ang mga mahihirap na tao ay madaling makapapasok sa langit (8) Ang napakataas na pagsisingil ng buwis sa mga Pilipino ay napupunta lamang sa bulsa ng mga opisyal at kaparian. Sa kabuuan, hindi talaga tamad ang mga Pilipino gaya ng pinaparatang ng mga Kastila.

Naghiyawan at lubos na sumang-ayon ang mga rebelde sa sanaysay na binasa ni Juanito. halos lahat sila ay galit na galit at pinagmumura ang mga opisyal at ang pamahalaang Kastila ngayon. Kitang-kita ko kung paano bumugso ang matinding galit sa kanilang puso, kulang na lang ay sugudin nila ulit sila Don Alejandro, Gobernador Flores at ang ilan pang mga mapang-abusong opisyal.

Napatingin ako kay Juanito na kanina pa pala nakatingin sa akin. Nababasa ko sa mga mata niya na maging ang puso niya ay nagliliyab na din ngayon sa galit dahil sa kalupitang sinapit niya sa kamay ng aking ama.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad matapos ang tanghalian, inihaw na saging at kamote ulit ang pinakain nila sa'kin. hindi ko tuloy mapigilang maawa sa kalagayan nila, tanging saging at kamote lang ang kinakain nila kahit pa kailangan nila ng madaming nutrisyon dahil nakikipaglaban sila.

halos lahat sila ngayon ay buhay na buhay na dahil naghari na naman ang pagiging palaban sa kanilang mga puso. Ang ilan sa kanila ay tinitingnan na ako ng masama at pinaparinggan ng kung ano-anong masasakit na salita. Nakayuko na lang ako habang naglalakad at sinusubakang hindi sila pansinin.

Kinagabihan, ipinagutos muli ni Mercedes na tumigil kaming lahat upang magpahinga at magpalipas na din doon ng gabi, agad akong tinali nung isa sa mga rebelde sa isang puno. At nagsimula na din silang mag-hanap ng kani-kanilang mapwepwestuhan para makapagpahinga na.

Nakita kong naghahasa pa ng balisong si Juanito sa di-kalayuan habang may kausap niya pa ang ilan sa mga kasamahan niyang rebelde. Hindi ko naman maialis ang mga mata ko sa kaniya, hindi ko akalaing aabot ang lahat sa ganito, parang kailan lang ay mga libro ang hawak niya... pero ngayon mga kutsilyo at armas na, na nakakamatay.

Sobrang pagod at sakit ng pangangatawan ang nararamdaman ko ngayon at dahil dun sumandal na ako sa puno at sinimulan ko ng ipikit ang aking mga mata. Pero bigla akong naalimpungatan nang biglang umambon at ilang sandali pa ay biglang bumuhos na ang ulan.

Dali-daling nagsitayuan yung mga rebelde at agad nagtaklob at sumilong sa ilalim ng malalaking puno upang hindi sila mabasa. Kahit ako ay nagulat din dahil sa biglaang pag-ulan, sobrang lamig ng tubig ulan na tumatama ngayon sa balat ko. agad kong siniksik ang sarili ko sa tabi nung puno kung saan ako nakatali ngayon pero dahil maliit at kakaunti lang yung mga dahoon nung puno nababasa pa din ako ng ulan.

Wala na lang akong nagawa kundi mag-paulan na lang. hindi rin naman ako makaalis doon upang sumilong din sa malalaking puno kasi nakatali ako dito at mukhang abala sila sa paghahanap ng masisilungan kaya hindi nila naalala na nandito din ako. sobrang dilim na din ng paligid dahil namatay na rin yung mga apoy na siga sa bawat gilid.

Napayuko na lang ako habang basing-basa na sa ulan. Naiiyak na rin ako kasi pakiramdam ko parang nag-iisa na lang ako ngayon dito sa gitna ng kagubatan. Ilang sandali pa, nagulat ako nang maramdaman kong hindi na ako nababasa ng ulan. Tumigil na ba yung ulan?

Agad akong napatayo at tumama ang ulo ko sa isang braso. at dahil dun gulat akong napatingin sa likod ko, naaninag ko ang isang tao na nakatayo ngayon sa likod ko at may hawak siyang malaking dahon ng saging sa itaas ng ulo ko upang hindi ako mabasa ng ulan.

"S-sino ka?" tanong ko, nanginginig na ako sa takot idagdag mo pa ang napakalamig na ulan dahilan para manginig din talaga ang buong katawan ko.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na humingi ka ng tulong" biglang nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko kung kaninong boses iyon... kay Juanito.

Naramdaman kong lumapit pa siya sa'kin at hinubad niya yung damit pang itaas niya at isinuot iyon sa akin, dahil nakatali yung kamay ko ipinatong na lang niya yung damit niya sa'kin. "Sumilong ka na muna dito sa dahon ng saging, pagtila ng ulan maglalaga kami ng mainit na tubig para makapag-painit ang lahat" tugon niya pa at tuluyan na siyang umalis.

Napatulala na lang ako sa kawalan. At napatitig sa dahon ng saging na inilagay niya sa ibabaw ng sanga ng puno upang makasilong ako. dugdugdugdug!

Dahan-dahan akong napaupo at napatingin din ako sa damit ni Juanito na suot-suot ko ngayon, medyo malaki sa'kin yung damit niya, hindi ko naman mapigilang mapangiti kasi kahit hindi pa uso ang mga sabon at fabcon sa panahong to, ang bango-bango pa din ni Juanito.

At mas lalong lumalaki ang pag-asa ko na nag-aalala pa rin siya sa'kin. Dugdug! Dugdug!

Halos isang oras din ang itinagal ng pagbuhos ng ulan at ang tumila ito, agad silang nagsindi ng mga apoy at sinigaan ito. Agad ko namang nasumpungan si Juanito na ngayon ay Topless habang abala sa pagpapakulo ng tubig.

Mga halos kalahating oras ko din hindi maialis ang mga mata ko kay Juanito, Hindi ko alam pero parang nababaliw na ata ako habang nakatingin sa napakaganda niyang katawan. Hindi pa uso ang gym ngayon pero sobrang ganda at perfect ng abs niya. Kyaahh!

Kakaulan lang pero parang pinagpapawisan na ata ako, nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin yung dalagitang nag-abot ng tsinelas sa'kin kanina. May inabot siyang bao ng niyog sa'kin at naglalaman iyon ng mainit na tubig. Agad naman niya akong tinulungang uminom kasi nakatali pa din yung mga kamay ko.

"S-salamat ah" sabi ko sa kaniya, napangiti naman siya ng bahagya at umalis na. tatawagin ko pa sana siya kaya lang baka isipin nung ibang rebelde na nakikipag-close na ako ngayon sa mga kasamahan nila. Nakita kong tumakbo yung dalagitang iyon papalapit kay Juanito at ibinalik dito yung bao ng niyog na pinag-inuman ko.

Bigla namang napatingin sa'kin si Juanito... Dugdug! Dugdug!

Parang biglang bumagal ang buong paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. sa mga oras na ito, siguradong-sigurado ako na... may parte pa din ako sa puso niya.


Kinabukasan, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Agad lumapit sa akin si Mercedes at tinanggal ang pagkakatali ko sa puno at sa paa.

Nagtataka siya ngayong napatingin sa puting damit na nakapatong sa suot kong baro't saya. At sa malaking dahon ng saging na pinagsilungan ko. napalingon siya kay Juanito na ngayon ay nagliligpit na ng gamit, may suot ng damit pang-itaas si Juanito.

Biglang ibinalik ni Mercedes yung tingin niya sa damit na suot ko tapos lumingon ulit siya kay Juanito. Alam kong alam ni Mercedes na tinulungan ako ni Juanito kagabi. at dahil dun kinakabahan na ako para kay Juanito.

hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay sobra akong kinakabahan dahil baka awayin ni Mercedes si Juanito at nagulat ako kasi tiningan lang ako ng masama ni Mercedes "Malapit na tayo kaya ihanda mo na ang sarili mo" seryosong tugon ni Mercedes at napatigil ulit siya nang makita ang kuwintas na suot ko yung bigay ni Juanito.

"Ngayon lang ako nakakita ng kuwintas na gawa sa kahoy... akin na muna to ah" tugon niya pa sabay hila sa kuwintas na suot ko. "Akin na yan!" reklamo ko pa sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at bigla na niya akong tinalikuran.

napatingin ako kay Juanito na ngayon ay nakatingin na pala sa amin kanina pa. gusto ko sanang sabihin sa kaniya na kunin niya kay Mercedes yung kuwintas na iyon pero bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin at binuhat na muli ang mga dala-dalahan niya.

wala na lang ba siyang gagawin? Wala na siyang pakialam kahit kunin ni Mercedes yung kuwintas na binigay niya sa'kin?!


Halos apat na oras ulit kaming naglakad sa gitna ng kagubatan, masama ang loob ko at nakasimangot talaga ako buong araw dahil wala man lang ginawa si Juanito para mabawi yung kuwintas kay Mercedes. ilang sandali pa ay natanaw ko na ang isang mataas na pader na gawa sa pinagpatong-patong na mga matatalim at patusok na kawayan at malalaking sanga ng punongkahoy at malalaking tipak ng bato. May maliit na lagusan sa gitna nito at ilang saglit lang ay may sumigaw na lalaki mula sa itaas nung pader na matalim.

"NANDITO NA SILA!" sigaw niya dahilan para magsitakbuhan yung mga tao na nasa loob at agad silang sumalubong at yumakap sa mga rebeldeng kasama ko ngayon, ang ilan sa mga sumalubong at mangiyakngiyak ngayon ay mga kababaihan at mga bata na kani-kanilang mga kapamilya. Ang ilan naman ay nag-iiyakan nang malamang hindi nakauwing buhay ang kanilang mga asawa at anak. Nabalot ng iyakan at kalungkutan ang buong paligid.

Ngayon ko lang din narealize na nasa gitna pa rin kami ng kagubatan na may patag na lupain na kung saan nakatayo ang ilang malilit na kubo sa gilid, nasa gitna naman ang mga lutuan at ilang mga niyog at prutas na nakaimbak. may malaking kumpol ng mga kahoy at bato sa buong palibot ng lugar na ito bilang depensa laban sa mga kalaban.

"Kamusta ang pinuno?" nagmamadaling tanong ni Mercedes sa isang matandang babae. "Ginising na siya ni Galdo" tugon nung matandang babae. Ilang sandali pa lumabas na sa isang kubo ang isang payat na matandang lalaki at may hawak siyang tungkod at ang lahat ay gumalang sa kaniya.

"Ca-tapang...Matagumpay po naming naisakatuparan ang pag-atake" tugon ni Carding dun sa matandang lalaki na may hawak na tungkod.

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung sino yung matandang lalaking iyon na ginagalang nila at tinawag na pinuno... si Tatang Caloy.

Si Tatang Caloy at Ca-tapang ay iisa!

Bigla kong naalala yung araw na unang beses ko siyang nakita, nagtatago kami noon ni Theresita sa likod ng puno sa Bohol nang sundan namin kung saan nakatira si Juanito. nahuli niya kami noon at sinabi niyang kabilang ako sa mayamang pamilya.

Ibig sabihin... nang mga panahong iyon, alam na pala ni Ca-tapang na isa akong Montecarlos!

Pero bakit hindi siya nagsalita? Bakit hindi niya ako dinakip o pinarusahan?

Bigla akong napatingin ngayon sa gilid kung nasaan nakatayo din ngayon si Juanito, bigla kong naalala yung sinabi niya sa akin na plano talaga niyang dalhin kami ni Maria kay Ca-tapang noong niyaya niya akong makipag-tanan sa kaniya.

Ibig sabihin noon pa man, nang makita ko siya sa Bohol... kasapi na talaga siya sa mga rebelde! At nagsinunggaling lang sa akin si Ignacio na iba ang ginagamit nilang apelyido nila Juanito nang mapunta sila sa Bohol upang hindi sila matunton ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang at hikayatin na umanib sa kanila.

Kaya pala ang ilan sa mga mangingisdang kasamahan niya noon sa Bohol ay kasapi din sa rebeldeng grupo ni Ca-tapang.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko na sobrang naninikip na ngayon dahil sa mga nalalaman ko... hindi ko akaling niloko lang pala ako ni Juanito!

Nagkamali kami ni Ginoong Valdez, totoong plinano din ni Juanito ang pagpatay kay Josefina at wala na talaga siyang pakialam sa akin dahil...
Hindi totoo ang halik na binigay niya sa akin sa gitna ng nagliliparang mga alitaptap.
Hindi totoo ang sinabi niya na mahal niya ako.
Hindi totoo ang pag-ibig na pinagtapat niya sa akin sa lawa ng luha.

Dahil ngayon malinaw na sa akin ang lahat na... nilinlang niya lang ako para makapaghiganti sa kasamaan ni Don Alejandro.

"Ikinalulungkot po naming ibalita sa inyo na hindi po nakaligtas si Ginoong Valdez at ang panig nila na nasa unang helera ng pag-atake ngunit halos kalahati din po ang napatay sa hukbo ng mga kalaban, Bagaman nakatakas po sila Gobernador Flores, Don Alejandro at si Leandro... hindi naman po nakatakas ang bunsong anak ni Don Alejandro sa amin" tugon pa ni Carding sabay turo sa akin, gulat akong napatingin sa kanila, at halos lahat sila ngayon ay nakatingin ng masama sa akin.

"Ang pagkamatay ng ating mga kasamahan ay lubos nating dadakilain at habambuhay na aalalahanin" tugon ni Ca-tapang, bakas sa kaniyang mukha na labis niyang ikinalungkot ang pagkamatay nila Ginoong Valdez.

Bigla akong hinila nung dalawa pang rebelde papalapit kay Ca-tapang at pinaluhod ako sa harapan niya. "Nagkita muli tayo Carmela" pang-asar na tugon ni Ca-tapang sabay tingin kay Juanito na ngayon ay hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Ca-tapang.

"Carmelita po ang ngalan niya" tugon ni Mercedes. Napatango-tango naman si Ca-tapang. "Alam ko... nais ko lamang banggitin ang pekeng pangalan niya" banat niya pa at nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko upang tumingin ng diretso sa kaniya.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang itsura mo Binibining Carmelita" dagdag pa niya at binitiwan na din niya ako.

"Magpahinga na kayo mga kapatid... Ngayon ay nararamdaman ko na malapit na nating makamit ang kalayaang hinahangad natin... Hindi tayo titigil hangga't hindi natin napapatalsik sa pwesto ang mga mapang-abusong opsiyal ng gobyrerno at hindi tayo hihinto hangga't hindi natin napapalayas sa ating lupain ang mga dayuhang mananakop!" matapang na sigaw ni Ca-tapang. Nakiisa at sumang-ayon din sa kaniya ang lahat habang nag-aalab ang mga galit at tapang sa kanilang mga puso't isipan.

Sa pagkakataong ito, gusto ko mang sumang-ayon sa kanila at sabihin na tutol din ako sa pagpapahirap ng mga nasa gobyerno at ng mga Kastila sa kanila... alam kong hindi naman nila ako maiintindihan dahil buo sa kanilang isipan na isa akong anak ng makapangyarihang opisyal ng gobyerno na nagpahirap sa kanila.

Ilang sandali pa nagulat ako nang bigla akong hilahin patayo nung dalawang rebelde "Ano pong gagawin natin sa babaeng ito?" tanong nung isa. Tiningan naman ako ni Ca-tapang mula ulo hanggang paa.

"Dalhin niyo siya sa aking silid" seryosong tugon ni Ca-tapang, biglang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at nagpumiglas ako sa pagkakahawak nung dalawang rebelde sa'kin. hindi ko alam pero sa mga oras na iyon... sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, natatakot ako sa mga posibleng mangyari!

"S-SANDALI LANG!" sigaw ko pa habang pilit akong kumakawala sa pagkakahawak sa akin nung dalawang rebelde na ngayon ay hinihila na ako papasok sa isang kubo. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Juanito pero wala na siya doon. Nauna nang pumasok si Ca-tapang sa loob ng silid. Nagsisisigaw na ako at pumipiglas sa kapit nila pero hindi ako makawala dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa akin at tinaggal na rin nila ang lubid sa kamay ko.

Nagpalingon-lingon pa ako sa paligid pero hindi ko masumpungan si Juanito hanggang sa itulak na ako nung dalawang rebelde papasok sa kubo ni Ca-tapang at agad nilang isinara yung pinto. Ramdam na ramdam ko ang sobrang panginginig ng katawan ko habang pilit na kinakabog at tinutulak yung pinto para makalabas doon.

Ilang sandali pa naramdaman kong hinubad na ni Ca-tapang yung damit pang-itaas niya. "TULONG! PALABASIN NIYO KO DITO!" sigaw ko pa, sobrang namumula na ang mga kamay ko dahil sa labis na paghampas sa pintuan pero ayaw pa din nito bumukas.

"Nagsasayang ka lang ng iyong lakas" narinig kong tugon ni Ca-tapang na ngayon ay nakaupo na sa kama at wala na siyang damit pang-itaas. Sobrang lamig na ng buong katawan ko at hindi na ako makahinga dahil sa sobrang takot at kaba.

Ilang sandali pa nagulat ako nang biglang tumayo si Ca-tapang at tumalikod sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang napakalaking peklat na marka ng ekis na sumakop sa buong likuran niya. mukhang sinunog ang balat niya sa likod at hinugisan ito ng ekis.

Napahawak na lang ako sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, sunog na balat at malalim na peklat na hugis ekis ang likurang bahagi ng katawan ni Ca-tapang.

"Marahil ay ngayon alam mo na kung bakit ekis ang marka ng aming samahan" tugon ni Ca-tapang, kinuha na niya yung damit pang-itaas niya at isinuot muli ito. "Ang sugat na ito ay habambuhay na magpapaalala sa akin sa kalupitang tinamo ko sa kamay ng mga Kastilang nagparusa sa'kin dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa... alam kong nais lang nila palabasin na nagnakaw ako upang mapagtakpan ang pangungurakot na ginawa nila sa mga nakolektang buwis ng aking amo" galit na tugon ni Ca-tapang. biktima rin pala siya ng kalupitan ng mga mananakop na Kastila.

"Huwag kang mag-alala hindi ko gagawin ang iniisip mo... hindi ako ganoong tao" patuloy niya pa. napatulala na lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. halos mamatay na ko kanina sa pag-aakala na i-rarape niya ko, pero ipapakita lang pala niya yung likod niya na sobrang hindi kaaya-aya ang itsura.

Naupo ulit si Ca-tapang sa kaniyang kama at napatingin ng diretso sa akin. "Pero huwag kang magpaka-kampante... kaya kong pumatay ng tao, lalo na kung dumadaloy sa dugo ng taong iyon ang dugo ng kalaban ko" seryosong tugon ni Ca-tapang. agad naman akong napahawak sa kamay ko na nanginginig ng todo ngayon. Alam kong hindi pa rin ako ligtas sa kapahamakan sa mga oras na ito.

"Ano na lang kaya ang mangyayari sa buhay ng iyong ama kapag ipinadala ko sa kaniya ang ulo mo?" dagdag pa niya. bigla akong napatigil sa paghikbi at napahawak sa leeg ko dahil sa kaba.

Tumayo naman si Ca-tapang at naglakad papunta sa isang nakasaradong bintana ng silid niya sa gilid. "Maramdaman kaya niya ang sakit na naramdaman ko nang walang awa niyang pinapatay ang kapatid ko at ang buong pamilya nito!" galit na tugon ni Ca-tapang at napasuntok pa siya sa mesa na nasa tapat niya.

Ano? May pinapatay pang pamilya si Don Alejandro?!

Gulat na gulat at halos walang kurap akong nakatingin ngayon kay Ca-tapang na naluluha na din dahil sa galit habang inaalala ang kapatid niya at ang pamilya nito.

"Balita ko ay humingi daw sa iyo ng tulong ang asawa ng kapatid ko upang ipagbigay alam sa iyong ama ang hirap na nararanasan nila dahil sa mababang pasweldo niya!" sigaw pa ni Ca-tapang. Hindi ako mapakapaniwala sa mga nalalaman ko...

Naalala kong humingi noon sa akin ng tulong si Aling Trinidad na sabihin kay Don Alejandro na taasan naman ang pasahod sa asawa niyang si Mang Nestor na nagtatrabaho sa aming Haicenda bilang magsasaka.

Ibig sabihin... kapatid ni Ca-tapang si Mang Nestor!

Napatay ang buong pamilya ni Aling Trinidad at Mang Nestor at tanging si Cristeta at Mercedes lang ang nakaligtas. Ibig sabihin pamangkin ni Ca-tapang si Mercedes!

"Ano? Natatandaan mo na? tama nga si Mercedes! Wala ka ring ginawa upang bigyang katarungan ang sinapit ng pamilya nila!" galit na tugon pa ni Ca-tapang at nanginginig na din siya ngayon dahil sa matinding hinanakit at galit.

"H-hindi ang ama ko ang nagpapatay sa pamilya nila Aling Trinidad!" banat ko pa sa kaniya. Pero tinaasan niya lang ako ng kilay, alam kong imposibleng maniwala siya sa'kin.

"Huwag mo nang ipagtanggol pa ang iyong ama... nagkakasala ka lang dahil sa pagsisinunggaling mo para sa kaniya" buwelta niya pa.

"Siguro nga dapat lang na mamatay ka na rin upang mabigyang katarungan ang trahedyang sinapit ng aming pamilya sa kamay ng iyong ama!" sigaw pa ni Ca-tapang. magsasalita pa sana siya kaya lang biglang may kumatok si Mercedes at nagpapanic na siya.

"Tiyong! Nasusunog ang likod na bahagi ng pader!!" sigaw ni Mercedes at dahil doon agad tumakbo si Ca-tapang papunta sa pintuan para buksan ito.

"ANO? SINO ANG MAY GAWA NIYON?" gulat na tanong ni Ca-tapang. at kahit hirap na hirap siya sa paghakbang ay pinipilit pa din niyang tumakbo.

"Naabutan po namin ang dalawang guardia civil na nakahandusay sa labas ng pader kasabay po niyon ay ang pagkasunog ng ating depensa, buti na lamang at agad silang napatay ni Juanito at Bergilio, nakatakbo naman po ang ibang guardia civil at hinabol na po sila ng ating mga kasamahan" dire-diretsong tugon ni Mercedes. Napamura naman sa inis si Ca-tapang at agad silang nagtungo sa likurang bahagi ng pader.

Napasilip naman ako sa labas ng pinto at nakita ko ang makapal na usok na bumabalot ngayon sa kalangitan. Nagkakagulo naman yung mga tao dito sa loob ng kampo sa takot na atakhin na sila ng hukbo ni Leandro.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon ay umaasa akong narito na nga sila Leandro upang iligtas ako. pero ilang sandali lang ay nakabalik na si Ca-tapang at mukhang napigilan nila ang pag-atake ng mga sundalo.

"Ikulong niyo na siya!" utos ni Ca-tapang sabay turo sa akin. Dali-dali naman akong hinila nung dalawang rebelde at dinala sa isang kubo sa likuran.

"Akala mo ay maliligtas ka na ng nobyo mo? pwes! Sisiguraduhin naming hindi ka na makakalabas pa dito ng buhay!" galit na tugon nung isang rebelde sa'kin sabay tulak papasok sa loob ng isang kubo na narealize kong kulungan pala.

Gawa lang sa pawid at kawayan yung kulungan nila pero pakiramdam ko ay hindi ko na magagawang makatakas pa doon. Napayuko na lang ako at napayakap sa sarili ko, hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at sa pagkakatong iyon ay umiyak na lang ako ng tahimik.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa kakaiyak at ngayon ay gabi na. Parang ang sakit din ng ulo ko at ng buong katawan ko. makailang-beses din akong napabahing, hinubad ko na yung damit ni Juanito na suot ko at siningahan iyon dahil baradong-barado na ang ilong ko dahil sa sipon. dahan-dahan akong napaupo at pinagmasdan ang buong paligid. Mas maliwanag na ngayon dito sa kampo nila dahil mas maraming mga apoy na nakalagay sa malalaking bato sa bawat sulok.

Halos abala naman ang iba sa pagkain at ang ilan ay nagkwekwentuhan pa. may mga batang masayang nakikinig sa mga kwento ng kanilang ama habang nakatanaw sila sa nagkikislapang bituin sa langit.

Napahawak naman ako sa tiyan ko na kumukulo na ngayon dahil sa gutom. Tama nga siguro si Juanito, dapat ko ng lunukin ang pride ko at matutong humingi ng tulong sa ibang tao. iginala ko naman ang aking mata sa pag-asang makakita ng taong dadaan malapit sa akin para makahingi sana ako ng pagkain pero napatigil ako nang makita si Juanito na nakaupo sa di-kalayuan at wala siyang damit pang-itaas dahil ginagamot ni Mercedes yung sugat niya sa kaniyang braso.

Parang unti-unting nadudurog ang puso ko at halos hindi ako makahinga habang pinagmamasdan silang dalawa ngayon. Dahan-dahang hinuhugusan ni Mercedes ng katas ng dahon ng bayabas ang sugat sa braso ni Juanito. ilang sandali pa ay pinunasan din niya ang pisngi at labi ni Juanito.

Sa totoo lang, sa bawat paghipo at paghawak na ginagawa ni Mercedes kay Juanito ay parang pinipiga ang puso ko.

"Matagal na silang ganyan..." nagulat ako nang biglang nagsalita ang pamilyar na boses ng babae sa gilid ko... si Theresita.

Bigla akong napangiti at yayakapin ko sana siya kaya lang napaatras siya at bakas sa mukha niya na hindi siya masayang makita ako. "Kumain ka na... Binibini" sabi niya pa sabay abot ng pagkain sa akin. Parang dalawang beses piniga ang puso ko ngayon dahil pati si Theresita ay mukhang galit din sa akin.

"Bagaman pinatay ni Don Alejandro ang tatay ko, alam kong wala akong karapatang magalit sa iyo Binibini dahil ang tatay ko rin naman ang dahilan ng pagkamatay ni Binibining Josefina... pero gaya nga ng sinabi sa akin ni Ginoong Juanito, lumayo na lang din daw ako sayo dahil kahit kailan ay hindi na rin naman na mababalik pa ang dating pagsasamahan natin" seryosong tugon ni Theresita. Napatulala lang ako sa kaniya at hindi na ako nakapagsalita pa.

Bakit?

Bakit pati si Theresita na tinuring ko na ding kapatid ay tuluyan nang lumayo ang loob sa akin?

"Binibini... huwag ka na rin umasa pa kay Ginoong Juanito dahil batid namin na nais ni Ca-tapang na maging asawa ng pamangkin niyang si Mercedes si Ginoong Juanito dahil si Ginoong Juanito rin ang magpapatuloy ng samahang ito" dagdag pa ni Theresita, hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko nang talikuran ako ni Theresita at umalis na siya.

Napatingin naman ako kay Mercedes at Juanito na nag-uusap at magkasama ngayon, kaya siguro hindi na niya kinuha pa kay Mercedes yung kuwintas dahil mahalaga sa kaniya ang damdamin nito. Siguro nga tama si Theresita...

ito na ang buhay ngayon ni Juanito. hindi ko na kailangan pang ipilit ang sarili ko sa kaniya dahil magdudulot lang iyon ng gulo sa aming dalawa. Dapat ko na lang siya hayaan sa piling ni Mercedes upang makasiguro akong hindi malalagay ang buhay niya sa panganib.


Hatinggabi na at hindi pa rin ako makatulog, nakahiga ako ngayon sa maliit na kulungang ito na gawa lang sa kawayan at pawid. Sira-sira na rin ang bubungan ng kulungang ito na gawa sa pawid dahilan para mapagmasdan ko ang milyon-milyong mga bituin na nagkikislapan sa kalangitan, at sinimulan kong kausapin ang mga bituin sa isipan ko...

Dad? Jenny? Emily? Lola Carmina? Naririnig niyo ba ako?
Hindi kayo maniniwala na nandito ako ngayon sa sinaunang panahon na kung saan binabalewala ko lang noon ang pag-aaral ng kasaysayan. Dad, pakisabi kina Jenny at Emily na mag-aral silang mabuti lalong-lalo na sa Philippine History para kahit papaano ay pahalagahan din nila ang kasaysayan ng ating bansa.

Dad, wag na wag mo ring papabayaan ang kalusugan mo ah? Wag ka na masyadong magpaka-workaholic, dahil sa pagiging busy mo sa trabaho hindi ka na tuloy namin nakakasama... sobrang namimiss na kita Dad, namimiss ko na ang yakap mo at ang boses mo. siguro kung nandito ka lang hindi ako matatakot at iiyak ng ganito. Pakiramdam ko kasi ay mag-isa na lang ako at wala na akong kakampi dito.

Oo nga pala, pakisabi kay Lola Carmina na sorry dahil binabalewala ko lang noon ang mga kwento niya tungkol sa ating pamilya. pakisabi sorry din kung hindi ko na maibabalik ng personal sa kaniya yung lumang diary.

Alam mo ba Dad, siguradong hindi ka matutuwa dahil hanggang ngayon ang shunga! Shunga! Ko pa din pagdating sa pag-ibig. Palagi na lang ako nasasaktan at naloloko, siguro ganito na talaga ang kapalaran ko. sana nandito ka ngayon dad para masabihan mo ako kung anong dapat kong gawin, nawawala kasi si Mariaa, wala na rin si Josefina, wala na rin si Sonya na naging tunay kong kaibigan, wala na din si Donya Soledad na tinuring ko na ring ina, at wala na rin si madam Olivia na naging gabay at ang tanging nakakaalam ng totoong ako sa panahong to.

Dad gusto ko din pong humingi ng tawad sa inyo dahil sa ugali ko at sa hindi pagsunod sa inyo... well, siguro madidismaya na lang din kayo dahil maging sa panahong ito matigas pa din ang ulo ko at hindi ako nakikinig kay Don Alejandro. pero lagi niyo pong tatandaan Dad na ikaw ang the best daddy in the world!

"Magigising ang mga duwende dahil sa iyong paghikbi" agad akong napabangon nang marinig na magsalita si Juanito na ngayon ay nakasandal na pala sa rehas na gawa sa kawayan na kulungan ko. anong ginagawa niya dito?

Napalingon naman ako sa paligid at halos tahimik na ang lahat. Nasa kani-kaniyang kubo na rin ang iba at mahimbing na natutulog na.

Magsasalita na sana ako kaso napabahing pa ulit ako ng tatlong beses sunod-sunod. Agad ulit akong suminga sa damit ni Juanito na hawak ko ngayon. Wala na akong pakialam kahit makita niyang sumisinga ako sa harapan niya at sa damit niya pa.

"May sakit ka?" tanong niya at ipinasok niya yung kamay niya doon sa rehas para abutin ang noo ko. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit niya ginagawa to? bakit niya ko niloko tapos ngayon tinutulungan niya ko?

pero bakit ganun? Bakit ayaw pa rin tumigil ng puso ko sa pagtibok dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya?

"May sinat ka" tugon niya at agad siyang tumayo at umalis. Samantalang ako natulala lang doon at napahawak din sa noo ko na kakahipo lang niya. Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko pagkagising ko, sinisinat na pala ako. siguro dahil nabasa ako ng ulan kagabi.

Ilang sandali pa nakita kong bumalik na si Juanito at may iniabot siyang bao ng niyog sa akin at may laman yung kulay itim na tubig. "Mabisa laban sa lagnat, sipon at sakit sa ulo ang halamang gamot na ito" sabi pa niya, napatingin lang ako doon sa gamot na inaabot niya sa'kin, kinuha ko na iyon sa kamay niya at ininom, pero napaubo ako pagkatapos kasi sobrang pait nung gamot. Ughh!

Hindi pa nga pala uso ang mga capsules ngayon kaya kailangan kong tiisin ang pait ng mga gamot sa panahong to.

"Makakatulong din ito upang guminhawa ang iyong paghinga" tugon pa ni Juanito sabay abot sa akin nung isang dahon na may napakabangong amoy. Napatitig lang ako doon at hindi ko kinuha sa kamay niya.

Naiintindihan ko naman na nakapag-aral siya ng medisina kaya madami siyang alam sa panggagamot kaya tinutulungan niya ako ngayon pero hindi ko mapigilang mas lalong masaktan sa tuwing naalala ko na nilinlang lang niya ako.

"Ilagay mo lang ito sa tapat ng iyong ilong----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi agad akong nagsalita at tiningan siya ng diretso sa kaniyang mga mata.

"Bakit mo ginagawa to?" diretso kong tanong sa kaniya, maging siya ay nagulat din dahil sa sinabi ko. Napatitig lang siya sa'kin at inilapag na lang niya yung dahon sa tapat ko.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" seryoso kong tanong sa kaniya. Napapikit siya bago magsalita.

"Tinutulungan lang kita" sagot niya sabay tingin ng diretso sa mga mata ko. napapikit na lang din ako sa inis at hindi ko na mapigilang maluha dahil sa matinding pagka-inis sa kaniya.

"Bakit mo pa ko tinutulungan? Hindi ba niloko mo lang ako? galit ka sa pamilya ko, galit ka sa'kin, tapos masaya ka na dito... masaya ka na kay Mercedes! Bakit mo pa ginagawa to? hindi mo naman ako kailangang tulungan! Dahil sa ginagawa mo mas lalo mo lang akong nililito! Mababaliw na ko! hindi ko na alam ang gagawin ko! kaya please tama na!" sigaw ko, wala na akong pakialam kahit magising pa yung mga tao dito basta maibuhos ko lang lahat ng bigat ng kalooban ko.

Nanatili namang nakatayo sa tapat ko si Juanito habang nakatitig lang sa akin, pinunasan ko na agad ang mga luha ko na hindi na maawat sa pagpatak ngayon. "Gabi na... matulog ka na" sagot niya at sa tono ng pananalita niya ay parang hindi man lang siya naapektuhan sa mga sinabi ko.

Nagulat ako nang bigla siyang tumalikod at akmang aalis na at dahil dun napasigaw na naman ako dahil sa inis. "Simula ngayon wag na wag mo na kong tutulungan! Layuan mo na ako!" sigaw ko pa sa kaniya, napatigil naman siya sa paglalakad at hindi muna kumibo ng ilang segundo.

Ilang sandali pa ay lumingon na ulit siya sa'kin at tumingin ng diretso sa mga mata ko "Hindi mo na pala kailangan ang tulong ko... makakaasa ka na hindi na kita guguluhin pa kung iyan talaga ang gusto mo" sagot niya. parang biglang nahati ang puso ko dahil sa sinabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Tama ba ang ginawa ko? tama bang pagtulakan ko papalayo si Juanito?

Hindi na ako nakatulog buong gabi dahilan para mas lalong sumama ang pakiramdam ko. nakatulong din naman sa'kin yung gamot na pinainom sa'kin ni Juanito pero dahil hindi ko mapigilang ang pagiyak ko buong gabi mas lalong lumalala ang sakit ng ulo ko.

Natanaw kong papaalis si Mercedes kasama ang ilang kababaihan at may dala-dala silang mga basket na may lamang mga duguang damit, mukhang maglalaba sila. Pinagmasdan ko ng mabuti si Mercedes, hindi imposibleng mahulog din ang loob ni Juanito sa kaniya. Kung tutuusin ay maganda talaga siya at napaka-respnsable pa, pareho din sila ng estado ng buhay ni Juanito at pareho din ang layunin nila sa buhay.

Siguro nga dapat maging masaya na lang ako para sa kanila. sigurado naman akong mamahalin din ng tapat ni Mercedes si Juanito.

Nakita ko si Theresita na nagiigib naman ngayon ng tubig, tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin. Pakiramdam ko tuloy isa akong outcast sa mga oras na ito. "Kumain ka na po" tugon nung dalagitang nakatayo na pala ngayon sa tapat ng kulungan ko at may dala siyang pagkain.

Napangiti naman ako ng bahagya sa kaniya at kinuha ko na yung pagkaing inabot niya "A-anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya at napahawak ako sa lalamunan ko na parang natuyo na ngayon.

"Emilia" sagot niya. napangiti naman ako at tinapik-tapik ko ang ulo niya. "Napakaganda ng iyong pangalan... sana wag mong awayin ang ate mo at wag ka ding mahumaling masyado sa pagbabasa ng libro" bilin ko sa kaniya, bigla namang nagtaka ang itsura niya.

"Po? Wala naman po akong kapatid at hindi rin po ako marunong magbasa" tugon ni Emilia at dahil doon napangiti ako lalo. "Pasensiya na may naalala lang ako dahil sa iyo" sagot ko. nahahawig din kasi niya si Emily kaya nakalimutan kong hindi pala siya si Emily.

Matapos ang tanghalian, nagkagulo ang lahat nang biglang nagsisisigaw ang ilang kalalakihan habang buhat-buhat ang mga tatlong babae na duguan ngayon. Bigla akong napaupo at napahawak sa rehas nang makita kong isa sa mga duguang babae ay si Mercedes!

Agad siyang pinasok sa isang kubo "Tawagin niyo si Juanito!" utos nung isang lalaki at nagsitakbuhan naman sila para hanapin si Juaito. Nakita kong patakbong nagtungo na din si Ca-tapang sa kinaroroonan ni Mercedes, at ilang sandali pa ay dumating na rin si Juanito at nagmamadaling pumunta kay Mercedes upang gamutin ito.

Hindi na ako mapakali, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa loob ng kubo kung nasaan ngayon si Mercedes. Sa totoo lang nag-aalala din ako sa kalagayan niya.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nung matandang babae sa isang babae na kasama kanina ni Mercedes na umalis. Umiiyak siya ngayon at mukhang na-trauma.

"N-naglalaba lang po kami sa ilog n-nang biglang mapadaan po si Don Alejandro at Heneral Leandro kasama ang kanilang hukbo m-mukhang naglilibot po sila sa buong paligid upang hanapin ang anak ni Don Alejandro n-na si Carmelita" tugon nung babae at nanginginig din siya ngayon sa takot. Napaupo sila sa di-kalayuan kasama pa ang ilang mga kababaihan at kalalakihan na nais malaman kung anong nangyari.

"Bakit duguan si Mercedes at ang asawa at anak ni Carding? Bakit naman kayo paghihinalaan nila Don Alejandro?" nagpapanic na tanong nila. Patuloy lang sa pag-iyak yung babae.

"T-tinanong po nila kami isa-isa at ipinakita ang iginuhit na larawan ni Carmelita, nagbabakasakali po sila na may ideya kami kung nasaan ngayon si Carmelita... sinabi naman po naming hindi namin alam, nakumbinse naman po namin sila, aalis na po dapat sila kaya lang nakilala po ni Heneral Leandro ang kuwintas ni Carmelita na suot po ni Mercedes.... Agad po nilang dinakip si Mercedes, buti na lamang dahil nakasunod po pala sa amin sila Carding at agad po nila kaming pinagtanggol, nakatakbo po kami papalayo pero nabaril po ni Don Alejandro si Mercedes at ang asawa at anak po ni Carding, samantalang nakadakip naman po ni Heneral Leandro ang ilan sa mga kasamahan natin, tanging si Carding at kami lang po ang nakabalik ngayon dito" tugon pa nung babae.

Ano?

Ibig sabihin si Don Alejandro ang bumaril kina Mercedes?!

Magtatakipsilim na nang marinig kong nakaligtas na sa kamatayan si Mercedes, ilang sandali pa nagulat ako nang makita si Theresita at Emilia na lumapit sa kulungan ko at binuksan ito.

"S-saan niyo ko dadalhin?" tanong ko sa kanila pero inilahad lang ni Emilia yung kamay niya sa tapat ko at hindi naman nagsalita si Theresita. "May nais pong kumausap sa inyo" sagot ni Emilia, napatingin naman ako kay Theresita na wala pa ding imik hanggang ngayon.

Lumabas na ako sa kulungan, at nagsimula na kaming maglakad. Medyo masama pa din ang pakiramdam ko kaya mabagal ang paglalakad namin. Ilang sandali pa ay napatigil kami sa isang kubo at narealize ko na iyon ang tinutuluyan ni Mercedes.

"Pumasok na po kayo sa loob, kanina pa po niya kayo hinihintay" tugon ni Emilia at umalis na sila ni Theresita.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at naabutan kong nakahandusay sa higaan si Mercedes at hinang-hina na siya, namumutla na din siya at hindi na niya maimulat ng maayos ang kaniyang mga mata. Napatigil ako nang bigla siyang mapalingon sa akin at ngumiti siya ng bahagya at sinenyasan ako na lumapit sa kaniya.

Humakbang na ako papalapit sa kaniya at umupo sa kama niya. hindi ko alam pero sa mga oras na iyon ay damang-dama ko ang pagkirot ng puso ko habang pinagmamasdan ang kalagayan niya. nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko at inilagay doon yung kuwintas na kinuha niya sa'kin.

"H-hindi ko akalain na malaki pala ang kabayaran ng pagkuha ko sa a-alahas mo" tugon niya at napaubo pa siya. "N-ngayon napatunayan ko na hinding-hindi ko makukuha ang bagay na hindi naman talaga para sa akin k-kahit gaano ko kagusto ang bagay na iyon" patuloy niya pa kasabay niyon ay ang pagpatak ng mga luha niya sa kaniyang mga mata.

"K-kahit sapilitan kong kunin ang puso niya sa totoong nagmamay-ari nito... kung hindi talaga siya para sa akin ay hinding-hindi ko siya makukuha" tugon pa niya. anong ibig niyang sabihin? Si Juanito baa ng tinutukoy niya?

"P-patawad Carmelita dahil kita trinato at kinausap ng maayos... naalala ko pa noong una tayong nagkita, ikaw pa mismo ang lumapit sa akin at nagimbita na makisali sa inyong laro... a-alam mob a sobrang saya ko noong araw na iyon dahil ikaw ang unang bata na nais makipaglaro at makipagkaibigan sa akin... pasensiya na kung hindi ko naintindihan ang sitwasyon mo, a-alam ko namang hindi mo naman talaga ako iniwan dahil ang iyong ama lang naman ang tutol na m-makipagaibigan ka sa akin" patuloy niya pa. napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay niya at hindi ko na rin mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Kahit pa wala akong kinalaman sa tampuhan at nakaraan nila ni Carmelita, alam kong responsibilidad kong humingi din ng tawad sa kaniya.

"A-alam mo ba... hindi ko akalain na makakaligtas pa ako nang araw na dakpin ang buong pamilya namin, hindi ko rin akalain na hindi magiging iba ang pananaw ng mga kalalakihan sa akin kahit alam nilang nahalay na ako, akala ko mamamatay na rin ako nang gabing iyon pero nagawa kong linlangin ang mga hayop na iyon nang itapon na nila ang mga katawan namin sa patay na ilog... buti na lamang at may nakakita sa akin kinaumagahan at tinulungan ako" paliwanag pa ni Mercedes.

"P-apatawad din kung nasaktan ka dahil sa nangyari... gusto ko rin sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari sa iyo at sa pamilya mo na kagagawan ng ama ko" tugon ko, at dahil dun napaiyak lalo si Mercedes.

"P-atawad din dahil hindi ko naintindihan ang sitwasyon mo Carmelita... m-maraming salamat dahil kahit papaano'y naging kaibigan k-kita" sagot pa ni Mercedes at nagulat ako kasi unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at dahan-dahan siyang napabitaw sa pagkakahawak sa kamay ko.

Sandaling tumahimik ang buong paligid... naramdaman ko rin ang biglaang pagkirot ng tenga ko. pero hindi ko namasyaod ininda iyon dahil hindi ako makapaniwalang... namatay ngayon si Mercedes sa tapat ko.

"MERCEDES!" sigaw nung isang babae na nakita kong nakatayo na sa pinto at dali-daling inalog-alog si Mercedes. "GUMISING KA MERCEDES!" sigaw niya pa. napatulala na lang ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko.

Wala na rin si Mercedes. Kahit ngayon ko pa lang siya nakilala hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.

Nagsimulang dumating yung ibang mga kasamahan nila at lahat sila ay nagulat din at napaiyak dahil patay na si Mercedes. Nakita ko si Juanito na kakadating lang din at gulat na gulat din dahil sa pangyayari.

Ilang sandali pa dumating na si Ca-tapang at bigla siyang nagwala at niyakap niya ang walang buhay na katawan ni Mercedes. "WAG MO KAMI IWAN MERCEDES!" paghihinagpis niya pa pero alam naming lahat na kahit anong gawin niya ay hindi na muling mabubuhay pa si Mercedes.

Hindi pa tapos maghinagpis at magdalamhati ang lahat nang biglang dumating ang isang lalaking hingal na hingal at may dalang papel. "Begilio? Bakit hapong-hapo ka?" tanong nung isa sa mga rebelde. Agad namang lumapit si Bergilio kay Ca-tapang na ngayon ay yakap-yakap pa din si Mercedes at naghihinapis pa din.

"Pinuno! Naglabas ng utos si Gobernador Flores na magpatupad ng Polo sa susunod na linggo at ipadala ang mga polista sa Ilocos upang magtayo ng mga istraktura" tugon ni Bergilio agad namang nanlisik ang mga mata ni Ca-tapang at kinuha ang papel na dala ni Bergilio.

"SINO ANG NANGUNA NITO? BAKIT ANG MGA MAMAMAYAN NG SAN ALFONSO ANG IPAPADALA SA ILOCOS?" galit na sigaw ni Ca-tapang. bigla kong naalala yung lesson noon ni Prof. Hermios, na ang Polo y Servicio o mas kilala bilang Sapilitang paggawa ay ilan sa mga kautusan pinatupad ng mga Kastila na kung saan ang mga kalalakihan na may edad 16 - 60 ay mag-aalalay ng 40 days para sa pagtatrabaho at pagsesrbisyo sa gobyerno ng walang bayad. Dahil sa Polo y Servicio napapabayaan ng mga Pilipino ang kanilang mga hanapbuhay at kung minsan ay sumosobra pa sa 40 days ang pagtatrabaho nila at naabuso pa sila. Maari namang makaligtas sa Polo y Servicio pero kailangang magbayad ng tinatawag na Falla upang hindi masama sa sapilitang paggawa, ang falla ay nagkakahalaga ng 12 reales at ang mga mahihirap at walang kakayahang makapagbayad ng falla ay wala ng nagagawa pa kundi maging isang polista, tawag sa mga taong nasa ilalim ng Polo y Servicio.

"Si Heneral Leandro po at Don Alejandro ang naglapit ng usaping ito kay Gobernador Flores... naniniwala po kaming nais nilang masiguro na ang mga kalalakihang masasali sa Polo ay mga kasamahan natin upang matibag ang samahan natin at madali nilang mahahanap si Carmelita!" tugon ni Bergilio. At dahil dun napatingin sa'kin si Ca-tapang, kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang nag-aapoy na galit.

"PWES! HINDI MATUTULOY ANG KANILANG BALAK! HINDI NA TAYO TATAHIMIK PA!" galit na sigaw ni Ca-tapang at agad siyang napatayo at hinarap niya ang kaniyang mga kasamahang rebelde.

"Ano ang gagawin natin pinuno?" tanong nila. Nagulat naman ako nang biglang mapatingin sa'kin si Ca-tapang.

"HINDI NA NILA MAILILIGTAS PA ANG BABAENG IYAN DAHIL HINDI NA SISIKAT ANG ARAW MAMAYA NA HUMIHINGA PA SIYA!" naguumapaw sag alit na sigaw ni Ca-tapang habang nakatingin sa'kin at tinuro ako.

Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"PUGUTAN NG ULO ANG BABAENG IYAN AT IPADALA ITO SA KANIYANG NOBYO AT AMA!" galit na sigaw ni Ca-tapang. napasigaw at sumang-ayon naman ang lahat sa kaniya. Bigla akong hinila nung dalawang rebelde at itinali.

"S-sandali! Wag!" pagsusumamo ko pa, sobrang lakas na ngayon ng kabog ng puso ko at parang biglang nag-mute ang paligid at bumagal ang galaw ng lahat.

Nagsisigawan pa din sila at pinagmumura ako habang yung iba ay pilit na hinihila ang buhok ko at sinasampal ako. hindi na ako makahinga, hindi ko na kaya ang ginagawa nila!

Napatingin ako kay Juanito na ngayon ay nakatingin din sa akin at maging siya ay puno din ng galit ang kaniyang mga mata. Gusto kong humingi ng tulong sa kaniya, gusto kong mabasa sa mga mata niya na tutulungan niya ako pero nagkamali ako dahil tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papalayo at iniwan akong mag-isa doon habang sinisigawan, minumura, hinahampas at sinasabunutan ng ilan sa mga kasamahan nila.

parang unti-unting nadurog ang puso ko habang tinatanaw siya papalayo... hindi ko akalaing iiwan niya ako sa ganitong sitwasyon.

"SA GITNA NG GUBAT PUGUTAN NG ULO ANG BABAENG YAN! HINDI AKO MAKAKAPAYAG NA MADUNGISAN ANG ATING TAHANAN" sigaw pa ni Ca-tapang habang nanlilisik ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin.

Parang biglang namanhid ang buong katawan ko, kasabay ng kaguluhan nila at malakas na sigawan at naguumapaw na galit ng lahat... alam kong sa pagkakataong ito ay wala na akong magagawa pa. mamamatay ako ngayon sa ilalim ng naguumapaw na galit sa kanilang mga puso.

At alam kong wala na ring tulong na darating dahil... iniwan na ako ng tuluyan ni Juanito.

Si Carding at ang anim niya pang kasamahan ang nanguna sa pagdala sa akin sa gitna ng gubat. Galit na galit silang lahat, kulang na lang ay pugutan na nila ako ng ulo agad-agad pero pinag-utos ni Ca-tapang na hindi dapat madungisan ang kanilang kampo.

Tulala na lang ako at hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko habang hila-hila nila dito sa masukal na gubat na'to. hindi ko akalaing ilang segundo na lang ay malapit ng magwakas ang buhay ko... malapit ng matapos ang lahat.

"Dito na tayo!" galit na utos ni Carding, agad naman akong binitawan at tinulak nung dalawa pang rebelde, habang yung apat pang rebelde ay pinalibutan ako. "Matagal ka na sana naming pinatay para hindi na nadamay pa ang asawa't anak ko!" galit na sigaw ni Carding at agad niyang itinaas sa ere yung matalim na itak na hawak niya.

Napapikit na lang ako at napayuko dahil sa takot nang biglang napatigil ang lahat dahil napasigaw yung isang rebelde na nasa gilid ko. "S-SINO YAN?" sigaw ni Carding, nagulat naman ako nang makita ang nakahandusay na katawan nung isang rebelde sa tapat ko, may maliit na balisong na nakabaon sa leeg nito dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Napalingon kami sa gilid at naaninag namin ang isang lalaki na naka-suot ng salakot. "LUMABAS KA DIYAN!" sigaw pa ni Carding at ang lima pa niyang kasamahang rebelde ay napahawak na din ng mga itak at armas.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko rin mailais ang mga mata ko sa taong nakatago sa likod ng punong iyon. Medyo madilim ang buong paligid pero dahil sa liwanag ng buwan, naaninag namin na may tao sa likod ng puno na sumaksak sa isang rebelde ngayon.

Ilang sandali pa ay lumabas na yung lalaking nakasalakot sa likod ng puno.

"JUANITO?" gulat na tanong ni Carding, maging ang mga kasamahan niya ay gulat na gulat din.

Maging ako ay hindi rin makapaniwala na nandito ngayon si Juanito... akala ko iniwan na niya ako.

"ISANG MALAKING KATAKSILAN YANG GAGAWIN MO JUANITO!" sigaw ni Carding. Inalis naman ni Juanito yung salakot na suot niya at pina-ikot-ikot yung matalim at mahabang itak na hawak niya.

"Kataksilan man kung tawagin ito... hindi ko hahayaang saktan niyo siya" seryosong tugon ni Juanito at napatingin siya sa'kin.

"Gusto mong iligtas ang babaeng ito at hayaan siyang makabalik sa pamilya niya? sa tingin mo makakapayag kami?" naiinis na tugon ni Carding. Tiningan naman siya ni Juanito ng diretso sa mata.

"Sinasabe ko na nga ba... tama nga si Mercedes, may pagtingin ka pa din sa babaeng yan! Hindi ko akalaing magagawa mo kaming talikuran para lang sa babaeng yan matapos ang paghihirap namin sa iyo!" sigaw pa ni Carding. Hindi naman nakapagsalita si Juanito.

"Ang pag-ibig na iyan ang magpapahamak sa iyo! Tandaan mo iyan Juanito!" sigaw pa ni Carding at agad siyang sumugod kay Juanito pero nakaiwas naman agad si Juanito sa pag-atake niya at nasaksak niya si Carding sa tiyan. Sabay-sabay namang umatake yung lima pang kasamahan ni Carding, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nasaksak nung isang rebelde sa binti si Juanito pero agad namang nahiwa ni Juanito ang leeg niya.

Sinipa at sinuntok niya rin yung isang rebelde at nasaksak niya sa likod. Sunod-sunod naman niyang binale ang leeg nung iba pa at ginilitan ito. Samantalang ang huling rebelde naman ay nasaksak niya sa puso.

Napatulala lang ako sa nakita ko at hindi ako makapaniwalang magagawang patayin ni Juanito ang pitong rebelde na kasamahan niya.

hingal na hingal na ngayon si Juanito at nagulat ako nang magtama na ang mga mata. Puno ng galos at sugat ang kaniyang mukha at katawan dahil sa tinamo niya laban sa panig nila Carding. Nakita ko ang pagdanak ng dugo sa kaniyang noo na sugatan na din ngayon.

Dahan-dahan akong napatayo at hindi ko mapigilan ang mga luha ko na walang humpay sa pag-agos ngayon. Ilang sandali pa sinubukan na din ni Juanito tumayo at kahit nahihirapan ay pinilit niyang makalapit sa akin.

Napatingin na lang ako sa mga kamay niya ngayon at sa itak niya na punong-puno ng dugo, dahan-dahan akong napatingin ng diretso sa mga mata. Napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata habang nakatitig din sa akin ngayon.

Hindi ko maintindihan. Dahil sa ginawa niya siguradong itatakwil na siya nila Ca-tapang. bakit niya binuwis ang buhay niya at reputasyon niya para sa'kin?

Sa pagkakataong iyon ay hindi namin magawang magsalita, pareho lang kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa. Agad ko namang hinawakan ang mukha ni Juanito at pinunasan ang luha niyang hindi na ngayon maawat sa pagbagsak.

~Nag-iisa at walang kausap
Nagtatanong kung mayroong bukas
Na darating sa buhay ko, pag-ibig na pinapangarap~

~Patuloy na dumadalangin
Na dumating na nga sa akin
Isang pag-ibig na wagas
Na kailanman ay di kukupas~

~Sa pag-ibig mo ay nabago
Naging makulay ang aking mundo
Muling mayroong liwanag na natatanaw ang puso ko
Sa pag-ibig mo'y muling mararating ang paraiso
Pagkat ngayon ika'y naririto~

Bigla niyang binitiwan ang itak na hawak niya at niyakap ako. niyakap ko din siya pabalik. Kasabay ng yakap sa akin ni Juanito ay ang matinding pagbuhos ng kaniyang mga luha dahil sa mga pangyayari. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya ngayon.

Alam ko kung gaano kabigat ang nararmdaman ng kalooban niya ngayon.
Alam kong masakit para sa kaniya ang patayin ang kaniyang mga kasamahan... para sa akin.

Dear Diary,

Sa pagkakataong ito, napatunayan kong hindi talaga tuluyang nagbago si Juanito.
Nagbago man ang lahat sa paligid namin.
Ang mga puso namin ay patuloy pa ring tumitibok para sa isa't-isa.

Nagpapasalamat,
Carmela

**************
Featured Song:
'Sa Pag-ibig mo' by Cheena Morales written by Veehnee Saturno

Source of Inolence of the Filipinos: http://ourhappyschool.com/literature/jose-rizal%E2%80%99s-essays-and-articles
Source of Polo y Servicio: http://en.wikipilipinas.org/index.php/Polo_y_Servicios


https://youtu.be/UvLn-XxwUkA

"Sa Pag-ibig mo" by Cheena Morales written by Veehnee Saturno  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro