Kabanata 38

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 38]

Hindi na matigil si Juanito sa pag-iyak habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko dahil damang-dama ko ang sobrang bigat na nararamdaman niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito, ngayon ko lang nakitang umiyak siya ng todo.

Sa dami ng hirap, sakit at pagtitiis na naranasan niya mula nang mamatay ang kaniyang ama na si Don Mariano at ang kaniyang kapatid na si Sergio at ipatapon ang pamilya nila sa Bohol, hanggang sa namatay na din ang kaniyang ina na si Donya Juanita at ang kapatid niyang si Sonya... alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya at ang pakiramdam ng mag-isa.

Kung kaya't ang bawat luhang pumapatak sa kaniyang mga mata ngayon ay naglalaman ng mapapait na alaala na tinamo niya dahil sa muling pagkakasulat ng tadhanang ito.

Ilang sandali pa ay pahina na ng pahina ang kaniyang paghikbi pero nakayakap pa din siya sa'kin. sa mga oras na ito tanging yakap lang, pag-unawa at pagmamahal ang kaya kong ibigay sa kaniya upang gumaan ang pakiramdam niya.

"T-tumakas ka na" narinig kong bulong niya at damang-dama ko ang bibig niya sa tenga ko dahil nakayakap pa din siya sa'kin. dahan-dahan naman siyang kumalas sa pagkakayap sa'kin. hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

Magang-maga ngayon ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. "T-tumakas ka na Carmelita hangga't may oras pa" ulit niya pa. napailing naman ako at napayakap ulit sa kaniya.

"A-ayoko! Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama!" tugon ko pa, napahinga naman ng malalim si Juanito at rinig na rinig ko ngayon ang lakas ng tibok ng puso niya dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang yakap siya ng mahigpit.

"G-gustuhin ko mang makasama ka ngunit ayokong ilagay ang buhay mo sa kapahamakan... makatakas man tayo sa iyong ama, hinding-hindi naman tayo makakatakas kay Ca-tapang dahil patuloy ng dumadami ang mga nais sumama sa rebelyon, at hindi magtatagal ay mahahanap niya tayo" paliwanag ni Juanito, napapikit na lang ako sa inis dahil alam kong tama siya, mas magiging mahirap ang sitwasyon namin kapag pareho kaming tumakas na dalawa dahil ang panig nila Don Alejandro at ang panig ni Ca-tapang ay pareho naming magiging kalaban at pagtataguan.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin ng diretso sa mukha niya "P-pero paano ka? S-siguradong ipapapatay ka ni Ca-tapang sa oras na malaman niyang pinatay mo sila Carding!" nagpapanic kong tugon, napayuko naman si Juanito at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.

Tama si Carding, isa talagang malaking kataksilan sa kanilang kapatiran ang ginawa ni Juanito.

"M-magiging maayos naman ang lahat hangga't hindi ito nalalaman ni Ca-tapang... akong bahala" sagot ni Juanito. ngayon ko lang napansin na dumikit na rin pala sa pisngi at damit ko ang mga dugo sa kamay at katawan niya.

"Paano kapag nalaman niya? paano ka? paano kung----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nakatitig lang siya sa mga mata ko ng halos hindi kumukurap dahilan para bigla kong maramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa likod spine ko.

Napalunok na lang ako dahil narealize ko na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa kanina pa habang nag-uusap kami.

Biglang lumakas ang kabog ng puso ko dahil naalala ko ang tingin niyang ganun... ganiyan niya ako tinitigan noong hinalikan niya ako sa ilalim ng milyon-milyong alitaptap sa Bohol.

Dugdug! Dugdug!

Nanlaki ang mga mata ko at parang nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw nang bigla akng hinalikan ni Juanito sa noo.

"H-hindi na ako makakatakbo pa at mapapanatag lang ang kalooban ko kapag nakabalik ka na sa iyong ama dahil delikado ang buhay mo kay Ca-tapang, n-nakasisiguro naman akong poprotektahan ka ni Don Alejandro" tugon pa ni Juanito dahilan para mapaluha na lang ako, hindi ko akalaing maghihiwalay pa din kami. Pero alam kong tama naman siya, mas ligtas ako sa panig nila Don Alejandro.

"H-hinding-hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa iyo dahil sa akin... huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makita kita" patuloy niya pa at niyakap niya ako ulit. kahit pa magang-maga na rin ngayon ang mga mata ko at basing-basa na din ang pisngi ko dahil sa mga luha ko hindi ko pa din mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya na gagawa siya ng paraan para magkita kami.

"P-pangako yan ah?" tanong ko sa kaniya, napangiti naman din siya kahit pa namumugto din ang kaniyang mga mata dahil sa pagiyak.

"Pangako, kahit anong mangyari magkikita tayo" tugon niya habang nakangiti sabay thumbs up sa'kin. natawa tuloy ako at napa-thumbs up din sa kaniya. Bigla kong naalala na ito yung sign namin para sabihing okay ang isa't-isa. Hindi ko rin akalain na muli kong masisilayan ang matatamis na ngiti ni Juanito na matagal ko ding hinahanap-hanap.

Nagtaka ako nang biglang yumuko si Juanito at may pinulot siyang bato. "Anong gagawin mo diyan?" tanong ko sa kaniya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit sabay bulong sa'kin. "Sa bilang kong tatlo... tumakbo ka na"

"Ha? Teka! Bakit? N-ngayon na----"

"Isa... dalawa...Mag-iingat ka" nagulat ako dahil mabilis niya akong hinalikan sa labi, as in 2 seconds lang at bigla siyang nagsalita ulit "Tatlo!" tugon niya pa.

Aangal pa sana ako kaya lang bigla na niyang tinaas yung kamay niya at ibinato yung pinulot niyang bato sa di-kalayuan. Nagulat ako nang marealize ko kung saan bumagsak yung batong ibinato ni Juanito... sa grupo ng mga guardia civil na nagroronda medyo malayo sa amin pero matatanaw pa din ang mukha nila.

Agad tumama yung bato sa paa nung isang guardia civil dahilan para mapasigaw siya at mapalingon sa amin. "MGA REBELDE!" sigaw nung guardia civil dahilan para maalarma yung iba pa niyang mga kasamahan at dali-dali silang nagpaputok ng baril sa ere at tumakbo papunta sa amin.

Agad akong napalingon kay Juanito at napatingin sa binti niya ngayon na patuloy sa pagdurugo dahil sa natamo niyang saksak mula sa engkwentro nila ni Carding kanina. Hindi nga siya makakatakbo! At kapag hindi ako kumilos siguradong maabutan at mahuhuli siya ng mga guardia civil.

Kahit masakit sa akin... kahit ayokong iwan siya, alam kong sa pagkakataong ito kailangan kong tumakbo papalayo sa kaniya upang ilayo siya sa kapahamakan.

Dali-dali na akong tumakbo papasalubong sa mga guardia civil at kinaway-kaway ko ang kamay ko, napatigil naman ang ilan sa kanila nang makilala kung sino ako "¿Senorita Carmelita Montecarlos? ¿Eres tu?" (Miss Carmelita Montecarlos? Is that you?) gulat na tanong nung lider nila at agad niyang ipinag-utos na alalayan ako nung dalawa niya pang tauhan at ilayo doon.

"Señorita Carmelita? ¿Estás bien?" (Miss Carmelita? Are you alright?) tanong pa nung isa habang inaalalayan nila ako, napalingon naman ako sa likod at nakita kong patuloy na tumatakbo pa yung ibang mga guardia civil upang mahuli si Juanito dahil nakita nila ang mga nakahandusay na duguang bangkay nila Carding at ng iba pang rebelde na napatay ni Juanito.

Nakita kong paika-ikang tumakbo papalayo si Juanito, "Detener!" (Stop!) sigaw pa nung isang guardia civil na nangunguna papalapit sa kaniya at agad siyang pinaputukan ng bala pero hindi siya tinamaan. Natanaw ko din ang isang lalaki na nagulintang sa mga putok ng baril na pinakawalan ng mga guardia civil dahilan para mapatakbo siya pero napatigil siya ng makita si Juanito at agad niya itong tinulungan. Nakilala ko naman yung lalaking tumulong kay Juanito at ito ay si Bergilio.

Nadapa at nahulog naman sa hukay yung ilang mga guardia civil na pilit humahabol kina Juanito, ang mga hukay at mga lubid ay mga patibong dito sa kagubatan na inilagay nila Ca-tapang sa palibot ng kanilang kampo. Dahil doon ay hindi na nila nagawa pang mahabol sila Juanito at tuluyan na silang naglaho sa kagubatan.

Napamura na lang sa inis yung mga guardia civil dahil nabigo silang makahuli ng isang rebelde. At sa pagkakataong iyon, kahit pakiramdam ko ay nabibiyak ang aking puso dahil nagkalayo muli kami ni Juanito, nakahinga naman ako ng maluwag dahil alam kong nakaligtas siya sa kamay ng mga guardia civil.

"Sí señor, ella está aquí" (Yes sir, She's here) narinig kong tugon nung isang guardia civil na nasa labas at ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto. Nandito ako ngayon sa munisipyo ng San Alfonso, madaling araw na at dito ako dinala nung mga guardia civil na nakakita sa'kin kanina dahil kailangan muna nilang kumpirmihan na ako nga si Carmelita bago ako ihatid sa hacienda Montecarlos.

"Carmelita!" nag-aalalang tugon ni Leandro sabay takbo papalapit sa'kin at niyakap ako. "A-ayos ka lang ba? S-sinaktan ka ba nila? " sunod-sunod na tanong ni Leandro, napailing naman ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, sa totoo lang, ilang araw ko ng suot ang baro't saya na'to mula nang madakip ako ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang. gulo-gulo na ang aking buhok at puno ng dumi at mantsa ng dugo ang damit ko.

"P-paano ka nakatakas sa kanila?" tanong pa ni Leandro, bakas na bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala at halatang puyat na puyat at pagod na pagod siya. napayuko naman ako at hindi makatingin ng diretso sa mga mata niya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na niligtas ako ni Juanito dahil sa pag-ibig niya sa'kin.

Nagulat naman ako nang biglang hawakan ni Leandro ang magkabilang balikat ko. "A-alam kong pagod ka na, ihahatid na kita sa inyo" tugon niya. at inalalayan na niya ako papalabas sa munisipyo at pasakay sa isang kalesa.

Tahimik ang buong paligid, at ang lamig din ng ihip ng hangin sa gabi. May iilang mga guardia civil ang patuloy na nagroronda upang mapanatili ang kaayusan sa bayan. "Umidlip ka muna kahit sandali, gigisingin na lang kita pagdating natin sa bahay niyo" tugon pa ni Leandro, at isinara na niya yung bintana sa kalesa at tumabi sa akin. Nagulat naman ako nung bigla niyang hawakan ang ulo ko at pinasandal ako sa balikat niya. "Nagpapasalamat ako dahil buhay ka mahal ko, Ipinapangako ko sa iyo na walang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin" tugon pa ni Leandro. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, sa dami ng nangyari nitong mga huling araw hindi ko alam kung paano ko pa nakayanan ang lahat ng iyon. Medyo malayo din sa bayan ang hacienda Montecarlos at kailangan pa namin dumaan sa mga liblib na lugar kung kaya't nakasunod din sa amin ngayon ang mga guardia civil na tauhan ni Leandro.

Ilang minuto ko pa lang naipikit ang mga mata ko nang biglang tumigil ang kalesang sinasakyan namin. Agad dumungaw si Leandro sa bintana.

"Señor! ¡Alguien viene!" (Sir! Someone is coming!) tugon nung guardia civil na nakatutok na ngayon ang baril sa anino ng isang lalaki na tumatakbo papasalubong sa kalesa namin. "Espere!" (Wait!) utos ni Leandro at agad siyang bumaba sa kalesa.

Agad naman niyang pinapwesto yung mga tauhan niya, hindi ko alam pero sa mga oras na iyon sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. paano kung pinasundan na ako ngayon ni Ca-tapang? paano kung aatake na sila ngayon at patayin ako?

Napasilip ako sa bintana at natanaw ko nga yung anino ng isang lalaki na tumatakbo papalapit sa amin. Medyo madilim din kasi dito sa gitna ng gubat at bumabalot din sa paligid ang makapal na hamog. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tutukan ni Leandro ng baril yung lalaki.

Pero napatigil siya nang biglang kumaway-kaway yung lalaking tumatakbo at sumigaw ito "Heneral Leandro! Si Samuel po ito!"

"Baja las armas" (Put down your guns) utos ni Leandro sa mga tauhan niya nang marealize niya na kakilala pala niya yung tumatakbong lalaki na isa palang guardia personal sa kanilang pamilya.

Payat at medyo singkit si Samuel, pero matangkad siya at nakapusod ang kaniyang mahabang buhok. "Malalim na ang gabi, anong ginagawa mo dito Samuel?" nagtatakang tanong ni Leandro at ibinulsa na niya ang kaniyang baril.

Hingal na hingal na napadapa si Samuel sa tapat ni Leandro at nanginginig ito sa takot. "N-nakatakas po ang bihag! P-pinatakas po ng isa sa inyong mga kasambahay" nanginginig sa takot na tugon ni Samuel, nanlaki ang mga mata ni Leandro dahil sa gulat.

Hindi ko na narinig pa ang kanilang usapan dahil nagulat ako nang biglang may duguang kamay ang humawak sa'kin mula sa bintana ng kalesa. "B-binibini!" tugon ni Laura Isabella, parang biglang nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang kalagayan niya. may malaki siyang sigat sa noo at punong-puno din ng dugo ang kaniyang mga braso. sobrang gulo din ng kaniyang buhok at mukhang tinahak niya ang kakayuhan dahil may mga dahon at malilit na sanga ang sumabit sa kaniyang damit.

Magsasalita na sana ako pero sumenyas siya sa'kin na wag akong maingay. Napalingon ako sa paligid at napansin ko na wala pang nakakakita sa amin ni Laura dito sa kabilang banda ng kalesa dahil ang buong atensyon nung iba pang guardia civil ay na kay Samuel ngayon.

"A-anong nangyari sayo? halika! Gagamutin natin ang mga----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi napailing lang si Laura at napahawak ng mahigpit sa kamay ko habang patuloy na bumubuhos ang luha sa kaniyang mga mata.

"H-hindi na po kailangan Binibini... a-ang importante ay malaman niyo ngayon ang k-katotohanan" tugon niya pa, at napahawak siya sa tapat ng puso niya na nadudugo na din ngayon. MAY TAMA DIN SIYA SA DIBDIB?!

"M-mamaya mo na sabihin yan... kailangan mo munang magamot-----" hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko dahil mukhang desidido talaga si Laura na ayaw niya tumawag ako ng tulong.

"M-mag-iingat po kayo Binibini! H-hindi ko po alam pero biglang nagbago na po si Ginoong Leandro... hindi ko po akalaing magagawa niyang ipadakip si Angelito Alfonso upang mapilit si Juanito na sabihin sa inyo na siya ang nagplano ng pagkamatay ni Binibining Josefina!" tugon ni Laura. Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

ANO?

MAY KINALAMAN SI LEANDRO SA LAHAT NG ITO?

Bigla kong naalala yung narinig kong sinabi ni Samuel kanina, na nakatakas daw yung bihag nila dahil pinatakas ito ng isa sa mga kasambahay ng pamilya Flores.

Ibig sabihin... si Angelito ang bihag nila at si Laura ang kasambahay na tinutukoy ni Samuel na nagpatakas sa bihag nila.

Napatulala lang ako kay Laura at hindi ako nakapagsalita agad "P-pero bakit naman iyon gagawin ni Leandro? B-bakit niya gustong palabasin na si Juanito ang nagpapatay kay Josefina-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita si Laura.

"M-matagal na pong alam ni Ginoong Leandro na may relasyon po kayo ni Juanito, at nang mamatay po si Sonya, ipinadukot po niya si Angelito sa Bohol, at siya rin po ang nagbayad kay Mang Raul upang patayin si Binibining Josefina, binihag po niya si Angelito at sinabing papatayin ito kapag hindi inako ni Juanito ang pagkakasaksak kay Binibining Josefina" tugon ni Laura, parang biglang namanhid ang buong katawan ko at hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga nalaman ko...

Ibig sabihin... matagal na palang alam ni Leandro na may namamagitan sa amin ni Juanito, at nang pinatay si Sonya sa harapan ng munisipyo ginamit niya itong dahilan para palabasin na ang pagkamatay ni Sonya ang naging basehaan para magalit sa akin si Juanito at gantihan ang pamilya ko. nakumbinse ni Leandro si Mang Raul na saksakin si Josefina dahil may malaking galit din si Mang Raul kay Don Alejandro, nagsinunggaling si Mang Raul at sinabing si Juanito ang utak ng lahat. Wala namang nagawa si Juanito kundi akuhin na lang ang pagkamatay ni Josefina dahil papatayin ni Leandro si Angelito kapag hind niya ipagtapat sa akin na siya ang nagpapatay kay Josefina.

Kaya pala ayon kay Ginoong Valdez, wala sa plano ang pagpatay kay Josefina nung umatake sila sa plaza noong araw ng mga patay. Kaya nagulat sila nang sabihin ni Juanito na inutos niya kay Mang Raul na saksakin si Josefina.

Tama nga si Ginoong Valdez, may personal at may nais protektahan si Juanito kaya nagawa niyang akuhin ang pagkamatay ni Josefina dahil ang pagsisinunggaling niyang iyon ay makapagliligtas sa kapatid niyang si Angelito na bihag ngayon ni Leandro.

"N-nalaman ko po na ipinangako ni Ginoong Leandro na ibabalik ng buhay si Angelito sa oras na makasal na po kayong dalawa, ngunit dahil hindi po natuloy ang kasal niyo, mas lalo pong nalagay sa panganib ang buhay ni Angelito, palagi po siyang pinapabugbog ni Ginoong Leandro... at nang madakip po kayo ng mga rebelde ipinag-utos po niya na patayin na si Angelito kagabi, buti na lang po dahil dumating si Eduardo na halos isang linggo na din po nagmamanman sa labas ng bahay ng mga Flores, nagkaisa po kami na itakas si Angelito ngunit... agad pong nalaman ng mga guardia personal na nakawala na po si Angelito at pinaghahanap na po nila kami ngayon dito sa kagubatan, hindi na po ako sumama sa kanila dahil hindi ko na po kayang tumakbo pa... S-sobrang nagpapasalamat po ako dahil nakita po kita kanina Binibini na nakasilip sa bintana at napagdesiyunan ko pong sabihin sa inyo ang lahat ng kasamaang tinatago ni Ginoong Leandro" patuloy pa ni Laura.

Napatulala na lang ako sa kaniya, bigla kong naalala yung araw na ikakasal dapat kami ni Leandro at nakita ko si Juanito sa gilid ng simbahan, kaya pala wala na siyang magawa noon dahil hawak ni Leandro ang buhay ng kapatid niya. at kaya pala wala siyang ideya na aatake noon sila Ignacio sa kasal namin, dahil sa oras na hindi matuloy ang kasal namin ni Leandro mamamatay si Angelito.

Naramdaman kong biglang kumirot ang puso ko, hindi ko akaliang sobrang bigat na pala ng dinadala ni Juanito noong mga panahong iyon, si Angelito na lang ang nag-iisa niyang kapamilya at nalagay pa ang buhay nito sa panganib dahil gusto ni Leandro na maniwala at magalit ako kay Juanito.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat, kinidnap ni Leandro si Angelito upang magsinunggaling sa akin si Juanito at akuhin ang pagpatay kay Josefina na alam kong hindi naman niya magagawa. Ginamit din niya si Angelito upang maging panakot kay Juanito at tuluyan akong layuan.

Kaya pala hindi masabi sa'kin ni Juanito ang totoong dahilan nung tinanong ko siya kung bakit niya nagawang saktan ang pamilya ko, kaya pala kahit sabihin niyang wala na siyang pakialam sa'kin ay iba pa rin ang sinasabi ng kaniyang mga mata at ng kilos niya, kaya pala palagi ko siya noon nakikitang nakatanaw mula sa malayo kahit pa sinabi niya na galit siya sa'kin at lalayuan na niya ako...

Dahil ang totoo... hindi naman talaga siya tuluyang nagbago, hindi naman talaga tumigil ang tibok ng puso niya para sa'kin, hindi naman talaga nawala ang pagmamahal niya sa'kin at hindi niya naman talaga ako iniwan.

Nagawa niya lang ang lahat ng iyon dahil hawak ni Leandro ang buhay ni Angelito na nag-iisang pamilya na lang niya ngayon. Magsasalita pa sana si Laura kaya lang nagulat kami nang bigla naming narinig ang sigaw ng isang guardia civil na ngayon ay nakatutok na ang baril kay Laura.

"Heneral, Ella está aquí!" (General, She's here!) sigaw nung guardia civil. napabitaw naman si Laura sa'kin at agad apaluhod sa lupa. "S-sandali!" sigaw ko at dali-dali akong bumaba sa kalesa at hinarangan ko si Laura.

Agad namang naglakad si Leandro papunta sa likod ng kalesa kung nasaan kami at gulat siyang napatingin sa'kin.

"Baja las armas" (put down your gun) utos ni Leandro dun sa guardia civil na nakatutok na ngayon ang baril sa'kin. agad namang sumunod yung guardia civil at napayuko kay Leandro.

Sobrang lakas ng kabog ng dibidb ko parang sasabog na ito dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko ngayon para kay Leandro, hindi ko akalaing magagawa niyang ipapatay si Josefina!

"C-carmelita" tugon pa ni Leandro at inilahad niya yung palad niya sa tapat ko. bakas na bakas sa mukha niya ang matinding pagkagulat, napatingin siya kay Laura na ngayon ay naginginginig na sa takot at umiiyak. Agad niyang ibinalik ang tingin niya sa'kin, kitang-kita ko ngayon ang takot sa kaniyang mga mata dahil alam ko na ang katotohanan.

"C-carmelita, tara na umuwi na tayo" tugon niya pa, dahilan para mas lalong sumama ang loob ko at tingnan siya ng masama.

"Bakit mo pinadukot at sinaktan si Angelito? Wala siyang kasalanan sayo!" galit kong sigaw sa kaniya. Dahilan para lumaki lalo ang mata niya, alam kong hindi siya makapaniwalang magagawa ko siyang sigawan ng ganun.

"A-anong sinasabi mo? Carmelita alam kong pagod ka lang kaya ihahatid na kita-----" hindi na niya natapos pa yung sasabihin niya kasi hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at agad ko siyang nasampal sa mukha.

Napatulala naman siya dahil sa gulat at hindi nakapagsalita agad. Maging ang mga tauhan niyang guardia civil ay nagulat din dahil sa ginawa ko sa kanilang heneral.

"N-nagtiwala ako sayo, H-hindi ko akalaing magagawa mong saktan ang pamilya ko!" sigaw ko pa, hindi naman kumibo si Leandro. Gusto ko pa sana siyang hampasin at sigawan ngayon dahil sa matinding galit na nararamdaman ko pero napatigil ako dahil biglang may kalesang paparating.

Agad tumabi sa gilid yung mga guardia civil nang makilala nila kung kaninong kalesa iyon... kay Don Alejandro.

Nakasunod sa kalesa niya ang ilan sa mga guardia personal ng pamilya namin. Ilang sandali pa ay tumigil na yung kalesa at dali-daling bumaba si Don Alejandro at naluluha siyang niyakap ako. "C-carmelita anak ko! Mabuti naman at buhay ka!" tugon niya pa habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi ko na rin mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. sa pagkakataong iyon, nagpapasalamat ako dahil dumating si Don Alejandro dahil alam kong hindi niya ako magagawang saktan.

Ilang saglit pa ay kumalas na si Don Alejandro sa pagkakayakap sa akin. "D-dumating sa akin ang balita kanina na nasa munisipyo ka na daw kung kaya't agad akong bumangon at magtutungo sana sa bayan, anak ko!" tugon pa ni Don Alejandro. bagaman alam kong galit siya noon sa'kin dahil sa pagkaamtay ni ina, sa tingin ko ay hindi naman niya kayang mawalan pa ng isang anak, ang nag-iisa niyang anak na nasa puder niya.

"P-paano ka pala nakatakas sa mga rebelde?" tanong pa ni Don Alejandro. hindi naman ako nakapagsalita, bigla namang nagsalita si Leandro na ngayon ay tulala na.

"Nasagip po siya ng mga tauhan ko sa gitna ng gubat sa kamay ng mga rebelde kaninang hatinggabi, ihahatid ko na po dapat siya ngayon sa inyong tahanan" tugon ni Leandro, agad naman akong napatingin sa kaniya. Nagsisinunggaling siya, kanina kinuwento nung lider ng mga guardia civil na nakakita sa'kin sa kagubatan kay Leandro ang lahat, sinabi nilang patay na yung pitong rebelde nang abutan nila at ako ang kusang tumakbo papunta sa kanila.

"Kung gayon, bukas na bukas ay dapat maparangalan ang mga guardia civil na nagligtas sa aking anak" tugon pa ni Don Alejandro. sasabihin ko sana na nagsisinunggaling lang si Leandro kaya lang biglang napatingin si Don Alejandro kay Laura na nakaluhod pa din sa lupa hanggang ngayon.

"Anong mayroon dito?" nagtataka niyang tanong. Napayuko naman si Leandro at mukhang nag-iisip pa siya ng idadahilan. Hindi naman siya natatakot na magsinunggaling kahit pa alam nung mga guardia civil na nandito ngayon ang tunay na nangyari dahil halos mga kastila sila at hindi nakakaintindi ng tagalog ang mga guardia civil na kasama niya.

"Pinaghihinalaang rebelde po Don Alejandro, ngunit huwag po kayong mag-alala ako na po ang bahala" diretsong sagot ni Leandro sabay tingin sa'kin. gusto ko sanang sabihin ang totoo kay Don Alejandro pero mukhang mas malaki ang tiwala niya kay Leandro at natatakot din ako na baka patayin ni Leandro si Laura ngayon.

"Bueno, Maraming Salamat sa pagprotekta niyo sa anak ko... mauuna na kami, Magandang gabi Heneral Leandro" paalam ni Don Alejandro at inalalayan niya ako pasakay sa kalesa niya. hindi ko naman maialis ang tingin ko ngayon kay Leandro, seryoso na ang itsura ng mukha niya habang nakatingin din ng diretso sa mga mata ko.

Sa pagkakataong iyon, unti-unti ko ng nakikita ang totoong kulay niya, nababasa ko rin sa kaniyang mga mata ang galit at panibughong nararamdaman niya.

"S-sandali lang! p-pwede ko po bang isama si Laura?" tanong ko kay Don Alejandro, nagtaka naman yung itsura niya at napalingon kay Laura na nakaluhod pa din hanggang ngayon. 
"Hindi maaari, ang pinaghihinalaang rebelde ay hindi maaaring makalapit sa ating pamilya" sagot ni Don Alejandro, nakatingin pa din ngayon ng seryoso sa amin si Leandro. Sa totoo lang, sobrang natatakot ako dahil sa tingin niya.

Agad akong napahawak sa kamay ni Don Alejandro, "P-pero hindi po siya kasama sa mga rebelde... ang totoo po niyan, tagapagsilbi siya ni Natasha at Helena" tugon ko pa, at umaasa na mapapayag ko si Don Alejandro. mas mataas naman kasi ang katungkulan niya kay Leandro kaya umaasa ako na maisama ko si Laura para mailayo kay Leandro.

Tiningnan naman ni Don Alejandro ng mabuti si Laura "Kung gayon, paano kung kasapi nga siya ng mga rebelde? At ngayon mukhang nagawa nga niyang magtaksil sa sambahayang Flores... paano ako makakasiguro na hindi niya magagawang pagtaksilan ang ating pamilya?" tanong ni Don Alejandro. napatingin ako kay Leandro na mas lalong naging seryoso ang mukha. Malakas ang kutob ko na magagawa niyang saktan si Laura dahil si Laura ang dahilan kung bakit nalaman ko ang lahat ng tinatago niya.

Gustong-gusto ko na sabihin kay Don Alejandro na si Leandro ang totoong nagpapatay kay Josefina pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hindi niya ako paniniwalaaan. Lalo na ngayon na kuhang-kuha na ni Leandro ang tiwala niya.

Kaya ang tanging paraan lang ay malayo ko si Laura kay Leandro!

"At bukod doon, ang pagpapanatili sa kapayapaan ay trabaho ni Heneral Leandro hindi ko dapat pakialaman ang kaniyang tungkulin" tugon pa ni Don Alejandro, at pinaupo na niya ako sa kalesa. Parang kumikirot ang puso ko habang pinagmamasdan si Laura na nakaluhod at nanginginig sa takot ngayon.

"Tara na" tugon ni Don Alejandro at pinag-utos na niya sa kustero na paandarin na ang kalesa. Sa huling pagkakataon halos walang kurap akong nakatingin kay Laura, napatingala naman siya at napatingin sa akin at ngumiti siya ng bahagya. Parang sinasabi niya na tanggap na niya ang mangyayari sa kaniya.

Naramdaman ko na lang na patuloy na tumutulo ang mga luha ko, hindi ko akalaing magagawang isakripisyo ni Laura ang buhay niya para kay Angelito at para sa akin. Bakit? Bakit pati ang ninuno ni daddy ay nadadamay sa trahedyang ito.

Unti-unti nang natakpan ng makapal na hamog ang paligid at hindi ko na sila matanaw dahil malayo na kami. Ilang sandali pa, parang biglang nadurog ang puso ko nang umalingawngaw sa buong kagubatan  ang isang putok ng baril.

Agad akong napalingon sa bintana at gusto ko sanang sumigaw. Hindi maaari!

"Sinasabi ko na sayo Carmelita... ang mga rebelde ay hindi makakatakas sa kamay ng batas" narinig kong tugon ni Don Alejandro, at sa pagkakataong iyon, alam kong alam na niya ang mangyayari kay Laura.

Alam kong alam na niya na papatayin ni Leandro si Laura pero hindi siya gumawa ng paraan para iligtas ito dahil... hindi niya kayang kalabanin ang mga Flores.

Pagdating sa hacienda Montecarlos, parang hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. hindi ako makapaniwala na patay na din si Laura. Naalala ko pa yung pag-uusap namin noon, may malaking utang ang kaniyang ama sa pamilya Flores at upang mabayaran ang kanilang utan kailangan niyang magsilbi sa kanila at iwan ang kaniyang pamilya.

Alam kong isa sa mga kapatid ni Laura ang magiging ninuno ni daddy dahil dala-dala pa din niya ang apelyidong Isabella.

"Binibining Carmelita!" narinig kong tawag ni Esmeralda na nakatayo ngayon sa pintuan ng bahay namin. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. "Maraming Salamat at nakaligtas ka" tugon niya pa, buti na lang kahit papaano ay may kakampi pa rin ako sa tahanang ito.

"Magpahinga ka na Carmelita" tugon pa ni Don Alejandro at tinapik niya ang balikat ko saka nagtungo na sa kwarto niya. Inalalayan naman ako ni Esmeralda papunta sa kwarto ko at naghanda din siya ng pampaligo at mga gamot.

"Binibini? Matagal ka pa ba?" tanong ni Esmeralda. Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala ako nakababad dito sa paliguan habang tulala at isa-isang inaalala ang lahat ng sinabi ni Laura.

Pakiramdam ko ay wala pang ideya si Don Alejandro na kagagawan ni Leandro ang lahat dahil magkaibigan pa rin sila ni Gobernador Flores. At imposible namang hindi nalalaman ni Gobernador Flores ang pagbihag ni Leandro kay Angelito. Iniisip ko tuloy, paano kung malaman niya na si Leandro ang nagpapatay kay Josefina?

Sigurado akong magagalit siya at kakalabanin niya ang mga Flores, at kapag nangyari iyon siguradong matatalo lamang siya dahil mas mataas ang posisyon ni Gobernador Flores at mas marami itong koneksyon, at malapit din si Gobernador Flores sa gobernador-heneral.

Natatakot ako na baka baliktarin nila si Don Alejandro at masira ang pangalan ng mga Montecarlos. Ano na lang ang mangyayari sa future? Anong mangyayari sa mga ari-arian ng mga Montecarlos at sa mansyon na ito na sobrang pinapahalagahan ni lola Carmina.

Kailangan kong gumawa ng paraan! Tama si Don Alejandro hindi dapat ako padalos-dalos sa desisyon ko. kailangan kong makaisip ng paraan para mabunyag sa lahat ang kasamaan ni Leandro nang hindi madadamay si Don Alejandro at ang pangalan ng pamilya Montecarlos.

At hindi ko rin pwedeng sabihin kay Don Alejandro ang lahat dahil sa dami ng kasalanan at pagsisinunggaling ko sa kaniya, mukhang hindi naman niya ako paniniwalaan.

Bigla kong naalala yung yakap niya at labis na pag-aalala sa'kin kanina nung makita ako ulit. Posible ding maniwala siya sa'kin diba? Kahit papaano ay pinaniniwalaan pa din niyang ako si Carmelita at anak niya ko kung kaya't posible ding maniwala siya sa'kin.

"Nakatulog ka na ba diyan Binibini?" tanong pa ni Esmeralda. At dahil dun umahon na ako sa tubig at nagbihis na saka lumabas ng banyo.

"Akala ko nakatulog ka na Binibini" sabi niya pa at inalalayan niya ako maupo sa kama. Agad niyang nilabas yung mga gamot at ginmot ang mga galos at sugat na natamo ko nung nabihag ako ng mga rebelde.

"Binibini, alam mo ba halos hindi na umuuwi ng bahay si Don Alejandro upang hanapin ka noong nadakip ka ng mga rebelde, muntikan na siyang atakahin sa puso noong nakita niyang hinampas ka nung isang rebelde at nawalan ng malay sa gitna ng labanan ng mga rebelde at guardia civil sa plaza, madalas ko ring marinig siyang umiiyak sa kaniyang kwarto nitong mga huling araw dahil natatakot kami na baka may masama nang nangyari sa iyo sa kamay ng mga rebelde" panimula ni Esmeralda. Napa-aray naman ako nung nilagyan niya ng gamot yung sugat sa noo ko.

"T-talaga? Ibig sabihin... hindi na siya galit sa akin?" tanong ko, napangiti naman ng bahagya si Esmeralda, baka nasasabi niya lang yun kasi medyo may katandaan na siya kaya mas nauunawaan na niya ang lahat ng bagay.

"Sa tingin ko ay hindi naman sayo galit si Don Alejandro, marahil ay nagtampo lang siya at nasaktan dahil mas iniisip mo ang kapakanan ni Juanito kaysa sa iyong pamilya" tugon pa ni Esmeralda. Napaisip tuloy ako ng malalim. Naging makasarili ba ako?

Mas lalo tuloy bumigat yung dibdib ko, pakiramdam ko ay patuloy akong lumulubog dahil sa problema. Hindi ko magawang pumili sa pagitan ng pag-ibig ko kay Juanito at sa misyon ko na iligtas siya sa kamatayan laban sa responsibilidad na pangalagaan ko ang pamilya Montecarlos.

Hindi ko na alam ang gagawin ko! mababaliw na ata ako!

"Palagi mong tatandaan Binibini na ikaw na lang ang tanging kakampi ngayon ni Don Alejandro, nawa'y huwag mo din siyang talikuran at iwan" patuloy pa ni Esmeralda. Hindi naman ako nakapagsalita. Alam kong may kasalanan din ako kung bakit nahihirapan din ngayon si Don Alejandro, dahil sa akin nagsimula ang lahat ng problema niya.

Kung hindi ako gumawa ng oplan tigil kasal, hanggang ngayon sana nakatakda pa din kami ikasal ni Juanito at ang kailangan ko lang gawin ay alamin kung sino ang papatay sa kaniya para pigilan ito.

Sa madaling salita, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Kinabukasan, tanghali na ako nagising at medyo gumanda na rin ang pakiramdam ko dahil sa gamot na pinainom sa'kin ni Esmeralda kagabi. nagtaka ako nang maabutang sobrang busy nila sa kusina at sa salas.

"Maligayang Pasko Binibining Carmelita!" bati sa'kin nila Esmeralda at ng iba pang mga kasambahay. At dahil dun biglang nanlaki ang mga mata ko. Omg! Pasko na!

Kaya pala sobrang busy nila at ang daming palamuti dito sa bahay. "Mamaya na po ang noche buena, ano po ang mga pagkain ang nais niyong iluto namin?" tanong nung isang kasambahay na sa tingin ko ay pinakabata sa kanila, kayumanggi ang kaniyang balat at mataba ang kaniyang pisngi.

Noche Buena? Ibig sabihin December 24 pa lang ngayon.

"K-kahit Kaldereta na lang" sagot ko, napangiti naman siya. at agad na silang bumalik sa kani-kaniyang trabaho. Naabutan ko namang pababa na ng hagdan si Don Alejandro at bihis na bihis siya ngayon.

"Pinaalam ka na sa'kin ni Esmeralda kanina, maaari kang dumalo sa misa mamayang gabi basta kasama mo siya at si Leandro" tugon ni Don Alejandro. papalabas na sana siya ng pinto pero napatigil siya dahil tinawag ko siya.

"A-ama"

Napalingon naman siya, bakas pa rin sa mga mata niya ang labis na kalungkutan dahil dadalawa na lang kami ngayong mag-cecelebrate ng pasko. "Ano iyon?" tanong niya. napahakbang naman ako papalapit sa kaniya at napalingon sa paligid. Walang tao dito sa salas dahil halos lahat ng kasambahay ay abala sa kusina.

"M-maaari ko po ba kayong makausap sandali?" tanong ko. napatingin naman si Don Alejandro sa kuwintas na orasan niya.

"Tungkol saan ba iyan? Kailangan ko na kasing umalis dahil may pagpupulong kami nila Gobernador Flores sa bayan" tugon niya. at mukhang nagmamadali nga siya pero ayoko ng palagpasin pa ang pagkakataong ito na malaman niya ang kasamaan ng mga Flores.

"A-ama, makinig po kayo sa sasabihin ko... hindi po totoong may kinalaman si Juanito sa pagpatay kay Josefina at si Juanito rin po ang nagligtas at nagtakas sa akin sa mga rebelde" panimula ko, napakunot naman yung noo ni Don Alejandro, umaasa pa din ako na maniniwala siya sa'kin dahil anak niya ako.

"Anong ibig mong sabihin? Carmelita! Tigilan mo na ang pagtatanggol kay Juanito" seryosong tugon ni Don Alejandro. agad naman akong napahawak sa kamay niya.

"A-ama, totoo po ang sinasabi ko, wala po talagang kinalaman si Juanito sa lahat" patuloy ko pa. nagtataka pa rin ang itsura ni Don Alejandro.

"Kung hindi si Juanito? Sino ang nagpapatay kay Josefina? Si Ca-tapang? posibleng alam iyon ni Juanito dahil kaanib din siya sa mga rebelde" diretsong tugon ni Don Alejandro. napailing-iling naman ako.

"Hindi po, at hindi niyo rin po aakalain kung sino ang totoong nagpapatay kay ate Josefina, Ama! Kailangan niyo pong makinig sa'kin, kailangan po nating gumawa ng paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ni ate Josefina, pero kailangan po nating magplano ng maayos para hindi nila tayo mabaliktad" tugon ko. kumunot naman ang noo ni Don Alejandro at parang naguguluhan siya sa sinasabi ko.

"Ano ba talaga ang gusto mong sabihin Carmelita? Sino ang totoong tao na tinutukoy mong nagpapatay kay Josefina?" seryosong tanong ni Don Alejandro. alam kong masakit din para sa kaniya ang muling banggitin at alalahanin ang pagkamatay ni Josefina.

Napalunok naman ako at hanggang sa mga huling sandali ay nagdadalawang isip pa din ako sabihin kay Don Alejandro ang totoo, natatakot ako na baka hindi siya maniwala sa akin lalo na ngayong seryoso na ang itsura niya.

"Carmelita?" tugon niya pa. napahinga naman ako ng malalim bago magsalita. "A-ang totoong nagpapatay po kay Josefina ay s-si... Leandro" tugon ko.

Hindi naman nakapagsalita agad si ama at mas lalong nagtaka ang itsura niya. "Paano mo naman nasabi yan?" tanong niya. napahinga naman ako ng malalim.

"S-sinabi po sa'kin ni Laura ang buong katotohanan" sagot ko. napaisip naman ng malalim si Don Alejandro.

"Carmelita... alam kong nais mo lang takasan ang kasunduan kong ipakasal kay Leandro para maging malaya kayo ni Juanito" seryoso niyang tugon at dahil dun mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya para maniwala siya sa'kin.

"Ama! Maniwala po kayo! Nagsasabi ako ng totoo! si Leandro talaga at ang mga Flores ang nagpapatay kay Josefina!" pagpupumilit ko pa. napapikit naman sa inis si Don Alejandro.

"Tumigil ka na Carmelita! Batid kong ginagawa mo lang ang lahat ng ito upang hayaan ko na kayo ni Juanito! mula ngayon ay ayoko nang marinig pa ang pangalan ni Juanito mula sayo! at ayokong gumagawa ka ng kwento at kasiraan sa pamilya Flores para lang maputol ang nakatakdang kasal niyo ni Leandro!" galit na tugon ni Don Alejandro. agad na siyang tumalikod at lumabas na ng pinto.

Napaupo na lang ako sa sahig. Mukhang mas mahihirapan ako nito, dahil sa pagsuway ko noon kay Don Alejandro nawala na tuloy ang tiwala niya sa'kin. at para sa kaniya lahat ng sasabihin ko ay kasinunggalingan na.


Kinagabihan, agad inihanda ni Esmeralda ang isang napakagandang baro't saya na kulay pula dahil magsisimba kami ngayong gabi sa simbahan ng San Alfonso sa bayan. Dumating naman si Leandro kaninang hapon upang makausap ako at samahan sa simbahan gaya nga ng bilin ni Don Alejandro na papayag lang siyang makalabas ako ng bahay kapag kasama ko siya at si Esmeralda, pero ayoko pa talagang makita at makausap ngayon si Leandro lalo na dahil Christmas eve ngayon.

Kaya hindi na nagpumilit pa si Leandro at umalis na lang siya pero nag-iwan siya ng note para sa akin.

Mahal kong Carmelita,

Nais kong makausap ka at makapagpaliwanag sa iyo, pakisaup pagbigyan mo na ako. ayokong masira ang relasyon natin dahil lang sa hindi pagkakaunawaan.

Nakikusap,
Leandro

Dahil sa galit agad kong nilukot yung papel na iyon at pinagpupunit pa. pakiramdam ko tuloy nagmukha akong tanga kakaisip noon na baka pwede kong turuan ang puso ko na mahalin siya. kaya siguro kahit anong gawin niya ay ayaw mahulog ng puso ko sa kaniya dahil hindi pala totoo ang kabutihan at pagmamalasakit na pinapakita niya sa'kin.

"Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang araw ng pagsilang ni Maria sa ating Panginoong Hesus..." tugon nung pari. nandito kami ngayon sa kalagitnaan ng misa. Kasama ko ngayon si Esmeralda at natanaw ko naman si Leandro kasama sila Gobernador Flores at Natasha sa kabilang upaun. Hindi naman nakasama ngayon si Don Alejandro dahil nagtungo siya sa kabilang bayan para sa negosyo namin.

Kanina ko pa nararamdaman na nakatingin sa'kin si Leandro pero hindi ko siya pinapansin. Alam kong alam niya na galit pa din ako sa kaniya kaya nagaalinlangan din siyang lumapit sa akin. Buti na lang dahil sobrang ganda ng aura dito sa loob ng simbahan. Napapalibutan ng makukulay na palamuti ang bawat sulok ng simbahan at may malaking belen din sa gilid na kung saan pinapakita ang imahe ni Maria at Jose habang tuwang-tuwa na nakatingin sa bagong silang na si Hesus na nasa sabsaban, nandoon din ang tatlong hari at ang tala na nasa itaas.

Biglang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa mga nakikita ko ngayon. Nakakatuwang isipin na hanggag sa modern world, dala-dala pa din ng mga Pilipino ang tradisyon ng Pasko sa Pilipinas. sayang nga lang dahil hindi ako nakapagsimbang gabi dahil kaninang madaling araw ang huling araw ng simbang gabi.

Pagkatapos ng misa, agad lumapit si Leandro sa akin pero hinarang siya ni Esmeralda. "Ginoong Leandro, mas mabuti po kung hahayaan niyo po muna si Binibining Carmelita mapag-isa" narinig kong tugon ni Esmeralda. Napayuko na lang at hindi naman na nakapalag pa si Leandro. Nakatalikod ako ngayon sa kanila at tinatanaw ko ang mga taong naglalabasan na ngayon sa simbahan. Hindi ko akalaing makakasama ko ngayong magsimba ang mga taong ito na nabubuhay sa panahong ito.

Katulad nila, ang bongga din ng suot ko ngayon, kanina ko pa din napapansin na napapatingin sa akin yung mga tao dahil pulang-pula ang aking baro't saya. Nilagyan din ni Esmeralda ng pulang gumamela ang buhok ko na nakapusod ngayon sa likod. Kanina ko lang din narealize na hindi ko pala naisuot yung kuwintas na gawa sa kahoy na bigay ni Juanito nung ibinalik iyon sa akin ni Mercedes dahil masyadong naging mabilis ang lahat at nung gabi ding iyon pinag-utos ni Ca-tapang na pugutan na ako ng ulo sa gitna ng kagubatan, kaya nawala na rin sa isip ko kung saan ko nalagay yung kuwintas huhu.

"N-naiinitindihan ko... ngunit maaari bang ipaabot mo na lang kay Binibining Carmelita ang aking regalo para sa kaniya at pakisabi na rin na binabati ko siya ng Maligayang Pasko" narinig kong tugon ni Leandro, alam ko namang nais niyang iparinig sa akin yun pero natatakot lang siya na sabihin iyon sa'kin ng diretso dahil baka hindi ko siya pansinin.

"Masusunod po Ginoo" sagot ni Esmeralda, naramdaman kng kumapit na siya sa braso ko. "Tara na Binibini" tugon ni Esmeralda at ngumiti siya ng bahagya sa'kin. napangiti na din ako, at lumabas na din kami ng simbahan. Pero napatigil kami nang bigla naming makita si Gobernador Flores at Natasha na naghihintay sa labas ng simbahan. Gusto ko sanang magtago sa kanila pero nakita na ako ni Natasha. At siguradong magtataka sila kapag hindi ko sila binati.

Napahinga na lang ako ng malalim at naglakad na kami papalapit sa kanilang dalawa.

"Feliz Navidad mi nuera" (Merry Christmas my daughter-in-law) nakangiting bati ni Gobernador Flores halata namang pinaplastic niya lang ako. wala naman akong nagawa kundi ngumit ng konti at nagmano sa kaniya.

"Nasaan si Maria? Ahh! Oo nga pala, sumama siya sa nobyo niyang pulubi" sarcastic na tugon ni Natasha. Hindi naman siya sinaway ni Gobernador Flores at mukhang natuwa pa siya dahil inalipusta ni Natasha ang kapatid ko.

Magsasalita na sana ako at konting tiis na lang masasabunutan ko na siya pero biglang dumating ang iba pang mga opisyal na kaibigan ni Gobernador Flores at nagbatian sila. Umalis na lang kami ni Esmeralda dahil wala naman na kaming gagawin dun.

"Ayos ka lang ba Binibini? Nais mo bang mamasyal muna?" tanong ni Esmeralda nang makalayo na kami. Parang biglang napawi yung inis ko kay Natasha at Gobernador Flores nang marinig ko ang sinabi ni Esmeralda na mamasyal daw kami.

"T-talaga? Pwede tayong mamasyal ngayon? Pero pumayag ba si ama na mamasyal ako ngay----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi sinuway ako ni Esmeralda.

"Ssshh... sikreto lang natin ito Binibini, hindi alam ng iyong ama na papayagan kitang mamasyal ngayon" nakangiti niyang tugon at dahil dun napangiti din ako.

"Yeyy! Salamat talaga! Tara na!" tugon ko pa, at agad akong humawak sa braso niya. pero napatigil ako kasi hindi naman siya umalis sa kinatatayuan niya.

"Bakit? Pangako! Hindi ako magpapasaway" tugon ko pa. pero napangiti lang si Esmeralda.

"Medyo may katandaan na ako, hindi ko na kaya pang maglakad-lakad ng malalayo lalo na ngayon sobrang dami ng tao dito" paliwanag ni Esmeralda. Hindi pa naman siya ganun katanda ah, pero malapit na siguro siyang mag-50 yrs. old.

"Huh? edi ako lang mag-isa mamasyal?" tanong ko, natawa naman si Esmeralda. At hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ka mag-iisa Carmelita... may sasama sayo" nakangiting tugon ni Esmeralda sabay lingon sa kaliwa. At dahil dun napalingon din ako kung saan siya nakatingin ngayon.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Juanito. parang biglang bumagal ang takbo ng buong paligid, napatulala lang ako sa kaniya habang nakatayo siya ngayon sa gitna ng madaming tao na naglalakad sa iba't-ibang direksyon. Parang biglang nabuhay ang puso ko at nagsimula itong tumibok nang mabilis nang magtama ang mga mata namin ni Juanito. Nakangiti siya ngayon sa akin at kitang-kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata.

Dugdug! Dugdug!

Bigla kong naalala yung sinabi niya noon sa akin nung nasa pa-despedida kami nila Kapitan Corpuz.

Kahit saan at kahit kailan... nandito ako para samahan ka.

Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin, nakaputi siyang polo ngayon at nakasuot din ng sombrero, mukhang may naitabi pa siya sa mga mamahalin niyang damit noon. Parang nakalimutan ko tuloy na hindi na pala siya mayaman ngayon dahil maayos ang kaniyang pananamit at hindi ko na din maalis ang mga mata ko sa kagwapuhan niya.

"Maligayang Pasko Binibini" tugon niya nang makalapit na sa amin. Napatulala na lang ako sa kaniya dahil sa ngiti niya, Gosh! ang ngiti pa lang niya ay perfect na perfect na Christmas gift na para sa'kin! kyaaahh!

Ang aliwalas din ng itsura niya ngayon, lalong-lalo na ang kaniyang labi, gustong-gusto ko na siyang halikan at yakapin pero naalala ko na nandito pala kami sa public place. Ayoko naman malagay sa history bilang kauna-unahang PDA.

"Sige, maiwan ko na muna kayo, hanggang alas-otso lang Juanito ah! Ibalik mo dito si Carmelita sa simbahan, dito ako maghihintay" bilin ni Esmeralda. "Maraming! Maraming Salamat po dahil pumayag po kayong makasama ko si Carmelita ngayong gabi" nakangiting tugon ni Juanito kay Esmeralda. Tinapik naman ni Esmeralda ang balikat ni Juanito.

"Walang anuman, ito lang ang magagawa ko para sa inyo" sagot ni Esmeralda sabay ngiti. Nagulat ako nang biglang may nilabas na puting balabal si Esmeralda at itinaklob niya iyon sa ulo ko. "Kilala na ng mga guardia civil ang itsura mo lalo na nung hinahanap ka nila Don Alejandro... at bagay talaga sa iyo ang balabal na ito na gawa ng iyong ina para sayo" tugon pa ni Esmeralda.

Napatingin ako dun sa balabal na suot ko na ngayon. Bigla kong naalala na ito yung balabal na nilagay ni ina sa leeg ko nung sinugatan ni hukom Fernandez ang leeg ko, at ito rin yung balabal na tinatahi noon ni ina nung nagising ako noong dumaplis yung bala sa tenga ko. ibig sabihin, ginawa talaga ni ina ang balabal na ito para sa'kin...

"Oh! Bakit ka lumuluha? Ako pa nga ang dapat mag-alala dahil baka itanan ka ni Juanito, siguradong malalagot ako kay Don Alejandro" biro pa ni Esmeralda at dahil dun umurong yung luha ko at natawa na lang kaming tatlo.

"Sige na, mamasyal na kayo, tumatakbo ang oras" tugon pa ni Esmeralda at nagpaalam na siya samin. Parang nakahinga na ako ngayon ng maluwag dahil suot-suot ko ang balabal na gawa ni ina para sa'kin.

At ngayon hindi ko naman maitago ang ngiti ko nang marealize ko na masosolo ko na ngayon si Juanito! Kyaaahh!

MY GOSH! Carmela! Dalagang Pilipina dapat! Relax ka lang... switch to mahinhin mode na. omgee! Wag mong ipahalata na kinikilig ka ng bonggang-bongga!

Napaiwas ako ng tingin nang tumingin na muli sa'kin si Juanito. Gosh! wag kang bibigay agad Carmela! Pakipot mode muna, pero... kapag nag-request siya ng kiss.... BIGAY MO NA AGAD! Haays! Sayang ang opportunity! Grab it!

"Feliz navidad mi amor" (Merry Christmas my Love) tugon ni Juanito at nakangiti siya ngayon ng todo, nagulat naman ako nung bigla niyang hawakan yung kamay ko. teka! Binati lang naman niya ako ng Merry Chirstmas diba? Pero bakit todo-todo ang ngiti niya? may iba pa ba siyang sinabi, haays! Bakit kasi nag-eespanyol siya, di ko tuloy maintindihan.

"Saan mo gusto pumunta?" nakangiti niyang tugon. Hindi ko alam pero kinikilig ako dahil sa tingin at ngiti niya. parang matutunaw ata ako waaahh!

"Kahit saan, basta kasama ka" ayy shocks! Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala yun dahilan para mas lalong mapangiti si Juanito. My gosh! ang corny ko na huhu.

"Talaga? Kung gayon, kailangan kong gawin ito para hindi ka malayo sa akin" tugon niya sabay hawak sa kamay ko as in magka-lock yung fingers namin, yung holding hands ng mga mag-syota sa luneta waahh!

Dugdugdudgdugdugdug!

Nagsimula kaming lumibot sa tapat ng simabahan, napakadaming tao ngayon dito at halos lahat ay masayang sinasalubong ang bisperas ng pasko. Nakasuot naman ng sombrero si Juanito at nakataklob din ako ng balabal kaya hindi na nila kami makikilala. Ang daming mga kumikinang na parol na nakasabit sa buong paligid at nagkalat din ang mga tindahan ng bibingka at puto bongbong sa labas ng simabahan.

Bumili ng puto bongbong at bibingka si Juanito at kinain namin yun habang naglilibot sa buong paligid with matching holding hands while walking pa. wala na kaming pake kung napapatingin sa'min yung ibang mga conservative na magkasintahan, at wala na rin ako pake kung malagay ako sa history na nakikipag-PDA haha!

Pakiramdam ko ay safe na safe ako habang hawak-hawak ni Juanito ang kamay ko. at parang nakukuryente din ang buong katawan ko sa tuwing hahawakan niya ang waist ko para itabi ako sa mga papasalubong na tao na naglalakad. My ghaaawd!

Napatigil naman kami sa grupo ng mga batang kumakatok sa bahay-bahay at nag-cacaroling. Hindi ko naman mapigilang mapangit habang pinagmamasdan sila, nakakatuwa na hanggang sa modern world uso pa din ang pangangaroling.

Nagbigay naman ng barya si Juanito sa mga batang iyon at kinantahan din nila kami ng Christmas song in Spanish. Kahit pa hindi ko maintindihan alam ko naman na ang kantang iyon ay naglalaman ng diwa at saya ng pasko.

Ilang sandali pa, napatigil na kami sa paglalakad at umupo sa isang upuan malapit sa tapat ng simbahan. Mas mabuti kasi kung dito lang kami magagala dahil madaming tao dito at para hindi na kami mahirapan pa bumalik dito sa simbahan mamayang 8 pm.

Hindi pa rin binibitawan ni Juanito ang kamay ko kaya hindi din naaalis ang mga ngiti sa labi ko ngayon. Gosh! bakit ba sobrang kakaiba ang kilig na nararamdaman ko ngayon sa panahong to? siguro dahil sa hindi pa uso ngayon ang galawang breezy kaya kapag nahawakan ka lang ng lalaki parang makukuryente na ang buong katawan mo! kyaahh!

Pinagmamasdan namin ngayon ni Juanito ang dalawang batang babae at lalaki na naglalaro sa tapat namin habang ang nanay at tatay nila ay bumibili ng bibingka.

"Tingnan mo sila, masayang-masaya at parang walang problema" narinig kong tugon ni Juanito habang nakangiting pinagmamasdan niya yung dalawang cute na cute na bata na sa tingin ko ay five years old lang.

"Oo nga, sana maging bata na lang ulit tayo para wala na tayong problema" tugon ko, at hindi ko rin mapigilan mapangiti sa tawanan at saya nung dalawang batang iyon.

"Sana nakilala na kita noong mga bata pa tayo" narinig kong tugon niya, parang bigla namang napawi yung ngiti ko at napatingin sa kaniya. Kung bata pa lang ay nagkakilala na si Juanito at Carmelita, siguradong wala ako ngayon dito.

"Bakit kasi palagi kang nagkukulong sa iyong kwarto kung kaya't hindi ko nasilayan ang iyong ganda" patuloy pa ni Juanito. kung alam lang niya na sobrang lakwatsera ako, kung alam lang niya na nag-tatantrums ako noon sa tuwing na-grogrounded ako ni daddy sa paggagala kapag may bagsak ako at kung alam lang niya na hate na hate ko ang makulong sa kwarto.

Pero syempre hinding-hindi niya malalaman yun, hinding-hindi niya malalaman na hindi ako nagmula sa panahong to.

"Kung sabagay, mas mabuti na lang din magkulong sa kwarto kaysa harapain ang magulong mundo sa labas" dagdag pa ni Juanito at tulala na siya ngayon. Alam kong masakit pa rin para sa kaniya at hindi niya pa tanggap ang pagkawala ng mga mahal niya sa buhay.

Napasandal naman ako sa balikat niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? bakit sinarili mo ang lahat ng problema?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya nakapagsalita agad. medyo kaunti lang ang tao dito sa inuupuan namin, at halos abala naman ang lahat sa pagtatawanan at pagsasaya dahil pasko ngayon. Sa totoo lang, sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil kasama ko siya ngayon. hindi ko siguro alam ang gagawin ko at kung paano ko icecelebrate ang Christmas kung wala siya dito.

"Alam ko na ang lahat... at hindi ko akalain na nakayanan moa ng lahat ng iyon nang mag-isa" patuloy ko pa. naramdaman ko namang isinandal din ni Juanito yung ulo niya sa ulo ko.

"Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa iyo ang totoo, patawin mo ako dahil pinaniwala kita sa isang kasinunggalingan at pilit na tinaboy papalayo sa akin... nagawa ko lang naman iyon dahil ayokong madamay ka at ang pamilya mo" sagot ni Juanito at dahil dun napatingin ako sa kaniya, napayuko siya at napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"A-alam ko namang hindi mo ako magagawang saktan o ang kapatid kong si Josefina... Gusto ko din malaman mula sa iyo ang lahat ng nangyari" tugon ko. napatingin naman ng diretso si Juanito sa akin, kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit na nadarama niya. marahan niyang hinawakan ang kamay ko at napahinga siya ng malalim.

"Nang ipatapon ang pamilya namin sa Bohol, Pinapangako kami ni ina na hinding-hindi kami maghihiganti pa sa mga taong sumira sa pangalan namin at magsisimula kami ng bagong buhay doon, makalipas lamang ang isang linggo dumating din doon sila tatang Caloy at may mga kasamahan siya, nagpakilala sila bilang mga dayo mula sa Leyte, at pinahiram niya kami ng mga bangka sa pangingisda, makalipas pa ang isang linggo hindi ko inaasahang makikita kita sa Cebu nang magtungo kami sa palengke ng kabilang isla upang ibenta ang mga isdang nahuli namin, gustong-gusto kita yakapin nang mga oras na iyon pero alam kung kapag ginawa ko iyon ay mas lalo kang mapapahamak, at ayoko nang maugnay pa sa iyo dahil ayokong kalabanin mo ang iyong ama para sa'kin" panimula niya. bigla kong naalala yung araw nay un kung saan hindi ko inaasahang makita si Juanito sa Cebu.

"Pero hindi ko inakala na susundan mo ako sa Bohol, totoo ang sinabi noon ni Ignacio na pinalitan namin an gaming apelyido upang hindi kami matunton ng rebeldeng grupo ni Ca-tapang dahil ayaw ni ina na masangkot kami sa gulo at gusto na niya ng mapayapang buhay, nang panahon iyon ay wala talaga kaming ideya na si tatang Caloy ay si Ca-tapang, nang mamatay si ina ibinilin niya sa akin na huwag ko daw pigilan ang nararamdaman ko para sa iyo at nabanggit din sa akin ni Angelito mula kay Theresita na kaya raw kayo nasa Cebu ay dahil pinayagan ka ni Don Alejandro na magbakasyon muna at palipasin ang sama ng loob mo dahil hindi man lang niya pinagtanggol ang aking ama at ang pamilya ko nang palayasin kami sa San Alfonso at upang paghandaan din ang nalalapit niyong kasal ni Leandro, pero huli na ang lahat dahil pagpunta ko sa tinutuluyan niyong kumbento sa Cebu sinabi ni madam Ofelia na bumalik ka na daw sa San Alfonso, alam kong kasalanan ko kung bakit bumalik ka na sa San Alfonso dahil itinaboy kita papalayo" patuloy pa ni Juanito, hindi ko namalayan na tumulo na ang mga luha ko, at nagulat ako nung pinunasan ni Juanito ang mga luha ko gamit ang kamay niya. naalala ko yung araw na iyon, sobrang nadurog ang puso ko dahil ayaw na niya akong makita pa.

"Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumyahe na papunta sa San Alfonso, hindi ako makapapayag na makasal ka kay Leandro kung kaya't ibinigay ko ang lahat ng naipon kong pera sa tagapangasiwa ng barko papuntang San Alfonso para hindi niya ako isumbong sa mga opisyal dahil ang hatol ng hukuman sa pamilya namin ay hindi na maaari pang makatuntong muli sa San Alfonso, agad naman akong tinulungan ni Eduardo makapasok sa hacienda Montecarlos at laking tuwa ko ng makita ka muli, lahat ng sinabi ko sa iyo sa lawa ng luha ng araw na iyon ay totoo, ang pag-ibig na ipinagtapat ko sa iyo ay totoo" tugon pa ni Juanito, dahilan para mapaluha ako ng tuluyan dahil sa saya na nararamdaman ko na totoo pala talaga ang mga sinabi niya sa akin noong araw na iyon.

"Sobrang saya ko nang sinabi ni madam Olivia na hindi ka maaaring ikasal kay Leandro dahil balak mong mag-madre sa Cebu, hindi rin matatawaran ang saya na nadarama ko nang makasama kita sa aking kaarawan at noong handugan mo pa akong ng awitin at syempre... noong makita ko ang saya sa iyong mga mata nang ipasyal kita sa ilog ng Abatan kung nasaan namamalagi ang milyon-milyong mga alitaptap" sabi pa niya at nakangiti na siya ngayon, para kaming ewan kasi nakangiti kami ngayon pero may namumuong mg luha sa aming mga mata, ito na siguro yung tinatawag nilang tears of joy.

"Akala ko ay hindi na matatapos ang saya na nadarama ko noong mga panahong iyon, ngunit hindi ko inaasahan na bigla ka na lang nawala at ibinalita sa akin ni Theresita na nagpadala daw ng sulat si Eduardo at ibinalita sa inyo na ipapakasal daw si Maria kay Gobernador Flores, sa pagkakataong iyon malakas ang kutob ko na papayag ka na lang magpakasal kay Leandro para sa iyong kapatid, hindi ko alam ang gagawin ko noong panahong iyon, at nang matanggap ko ang iyong sulat na pinadala ni madam Olivia, sobra akong nasaktan, alam kong kailangan mong gawin iyon upang iligtas si Maria at ang pinagbubuntis niya ngunit naniniwala ako na ang pagpapakasal kay Leandro ay hindi solusyon sa problema kung kaya't nakaisip ng paraan si Ignacio na itakas ka namin at si Maria, nalaman din kasi namin na ipinakulong ni Don Alejandro si Eduardo, nang araw na iyon ipinagtapat ni tatang Caloy na siya si Ca-tapang, sinabi niyang tutulungan niya kaming itakas si Maria, Eduardo at ikaw, ngunit hindi niya ako pinilit na sumapi sa rebeldeng grupo nila, si Ca-tapang din ang nagbigay ng bangkang masasakyan namin ni Ignacio papunta sa San Alfonso, labis naman ang saya ko nang pumayag ka na sumama sa akin, ngunit hindi ko inaasahan na magkakahiwalay tayo noong araw na iyon nang mahuli tayo ng iyong ama at nila Heneral Seleno" patuloy pa ni Juanito, parang isang bangungot din sa akin ang nangyaring iyon. Akala ko ay makakatakas na kami pero hindi namin akalain na malalaman nila Don Alejandro ang pagtakas namin.

"Hindi ko akalaing itutulak ako ni Ignacio upang hindi ako mahuli ng mga tauhan ng iyong ama, ang muli naming pagtungtong sa San Alfonso ay katumbas ng kamatayan dahil sinuway namin ang hatol ng hukuman, agad akong nakalangoy sa ilalim ng tubig at nakapagtago sa isang maliit na kuweba nang gabing iyon, buti na lang ay agad akong napuntahan ni Bergilio at tinulungan ako, agad kaming bumalik sa Bohol kahit pa hindi naiwan si Ignacio at Eduardo sa San Alfonso, nagising na lang ako na wala na si Sonya at nabasa ko ang iniwan niyang sulat para sa'kin na nagsasabing susundan niya si Ignacio sa San Alfonso at makikiusap siya kay Don Alejandro na palayain ito dahil naging malapit naman siya kay Don Alejandro noong mga bata pa kayo" tugon pa ni Juanito at bigla siyang napayuko. Napatulala din ako nang maalala ko ang pagkamatay ni Sonya, parang gumuho din ang mundo ko nung nangyari iyon.

"Kung hindi lang ako nawalan ng malay ng ilang araw napigilan ko sana si Sonya, sa totoo lang, inaamin ko na noong araw na malaman kong sumang-ayon si Don Alejandro na patayin si Sonya naghari ang galit sa puso ko at halos mabaliw na ako noon dahil hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa aking kapatid, nang araw na iyon napagdesisyunan ko na sasapi na ako sa mga rebelde upang bigyang hustisya ang pagkamatay ni aking mga magulang at kapatid, sinabi naman ni Ca-tapang na nanganganib na ang buhay ni Ignacio at Eduardo kung kaya't kailangan namin silang itakas sa araw ng mga patay na kung saan hindi inaasahan ng mga opisyal na aatake kami, nang makarating kami sa San Alfonso agad kaming nagtayo ng kampo sa gitna ng kagubatan sa taas ng mga kabundukan, doon ay sumapi na din sa amin si Mang Raul" patuloy pa ni Juanito. parang tumahimik na ngayon ang buong paligid at pakiramdam ko ay tanging kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa lugar na ito.

"Ako ang nagplano ng lahat, mula sa pagatake sa plaza at sa pagsugod sa kulungan nila Ignacio at Eduardo sa bayan, dumating din noong araw na iyon si Ginoong Valdez at alam niya na wala sa plano ang pagpatay kay Josefina dahil ang totoong plano ay dadakpin namin sila Gobernador Flores at Heneral Seleno pero nagulat kami nang biglang saksakin ni Mang Raul si Josefina" tugon pa ni Juanito. napatulala naman ako sa kawalan, sa totoo lang hindi pa din naghihilom ang sugat sa puso ko dahil sa pagkamatay ni Josefina.

"Nalaman ko na lang na sinabi ni Mang Raul sa inyo na ako ang nagpapatay kay Josefina, nang gabing iyon balak ko sanang magtungo sa iyong kwarto upang magpaliwanag sa iyo ngunit nang makarating ako sa likod ng hacienda Montecarlos, biglang may lalaking nakataklob ang mukha at umatake sa akin, napakagaling niya sa pakikipaglaban kung kaya't at nabali niya ang braso ko, akala ko ay mamamatay na ako noong gabing iyon pero nagulat ako dahil hindi niya tinuloy, hindi rin ako makapaniwala na ang lalaking iyon na umatake sa akin ay si Leandro" patuloy pa ni Juanito. parang biglang kumirot ang dibdib ko dahil sa sama ng loob, hindi ko akalaing magagawa iyon ni Leandro. Bigla kong naalala yung time na nakita ko si Juanito sa tapat ng paggamutan, napansin kong nabali ang kaniyang braso, si Leandro pala ang may kagagawan niyon.

"Ipinakita sa akin ni Leandro ang damit at kuwintas na orasan na pagmamay-ari ni Angelito, ipinadakip niya si Angelito upang mapilit ako na magsinunggaling sa iyo at sa inyong lahat, gusto niyang paniwalain kita na ako ang nagpapatay kay Josefina upang magalit ka sa akin at magpakasal na sa kaniya, sinabi din niya na ibabalik lang niya si Angelito sa oras na makasal na kayong dalawa kung kaya't masakit man sa akin, wala na akong nagawa pa kundi gawin na lang ang gusto niya" tugon ni Juanito at tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya at dahil dun niyakap ko siya.

"B-bakit kasi hindi mo agad sinabi sa'kin? maiintindihan ko naman iyon at matutulungan pa kita" bulong ko sa kaniya, hindi ko na rin mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko habang yakap-yakap siya.

"H-hindi maaari, dahil sa oras na malaman mo ang katotohanan magagawang baliktarin ni Leandro ang sitwasyon at maaaring ibintang niya kay Don Alejandro at sa pamilya niyo ang lahat ng kasamaang ginawa nila, maaring ilaglag nila si Don Alejandro at madadamay ka doon Carmelita at ayokong mangyari iyon, ayokong maranasan moa ng hirap na nararanasan ko ngayon" tugon pa ni Juanito. parang mas lalong bumigat ang dibdib ko, hindi ko akalaing sinalo ni Juanito ang lahat ng hirap para sa akin.

"I-ibig sabihin... alam mo na kasabwat ang aking ama sa kasamaan nila Gobernador Flores at Leandro?" tanong ko sa kaniya, napatango naman siya at napatingin ng diretso sa mga mata ko.

"i-ibig sabihin... alam mong si ama ang sumira kay Don Alejandro, kay Sergio at Kapitan Corpuz?" gulat kong tanong sa kaniya. Napatango naman siya. "P-pero bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi ka gumanti kay ama?" tanong ko sa kaniya, hinawakan naman niya ang mukha ko at pinunasan muli ang luha ko.

"Dahil alam kong masasaktan ka kapag ginantihan ko ang iyong ama, at ayokong masaktan ang iyong kalooban dahil mahal kita" sagot niya na mas lalong nagpadurog sa puso ko dahilan para mapahagulgol na ako sa iyak. Hindi ko akalaing nakayanan niya ang lahat ng iyon para sa'kin, nagawa niyang kalimutan ang sarili niya para sa akin.

"S-sinabi sa akin ni ama na si Don Alejandro ang pumilit sa kanila ni Kapitan Corpuz na magpalagay ng marka ng ekis sa likod bilang tanda ng kanilang pagbabati at pagkakaibigan, may sulat na iniabot sa akin si ama noong itatakas dapat natin siya sa Fort Santiago, ipinagtapat ni ama sa akin ang lahat sa sulat na iyon at sinabi niyang huwag ko na daw ibunyag ang pagtataksil na ginawa ni Don Alejandro sa pamilya namin dahil ayaw niyang masira ang pamilya niyo, labis na pinapahalagahan pa din ni ama ang pagkakaibigan nila ni Don Alejandro" pagtatapat pa ni Juanito, parang mababaliw na ako, ibig sabihin matagal na pala niyang alam ang kasamaan ni Don Alejandro pero hindi niya ito ibinunyag sa lahat ng tao at sa ma kasamahan niyang rebelde dahil ayaw niyang matanggal sa pwesto si Don Alejandro at masira ang pamilya namin.

Parang naguiguilty tuloy ako, ikinahihiya ko maging kadugo si Don Alejandro.

"Ako, si Ignacio at si Theresita lang ang nakakaalam na binihag ni Leandro si Angelito at noong umatake sila Ignacio sa kasal niyo ni Leandro wala talaga akong ideya sa kanilang plano, naglalakad na ako noon papalayo sa simbahan nang marinig ko ang putukan ng mga baril at nagkakagulo ang mga tao, kung kaya't agad akong bumalik sa inyo at naabutan kong nakaluhod na kayo sa harapan ni Ignacio, bago siya mamatay ay ipinagtapat niya sa akin na nagawa niya iyon upang mapaghiganti ang pagkamatay ni Sonya at ng tatay niya at ginawa rin niya iyon upang hindi matuloy ang kasal niyo ni Leandro dahil gusto niyang ipaglaban ko ang pag-ibig ko sa iyo" patuloy pa ni Juanito.

"Alam mo ba parang gumuho ang mundo ko nang makita kong tinamaan ka ng bala sa tenga at bumagsak ka sa pintuan ng simbahan, gustong-gusto ko tumakbo papalapit sa iyo noong mga oras na iyon pero nabihag na ako ni kolonel Santos, ilang gabi akong hindi makatulog ng maayos at pinagdadasal ko na nasa maayos ang kalagayan mo, laking tuwa ko nang makita ka noong dinala ka ni Don Alejandro sa kulungan ko sa Fort Santiago habang pinaparusahan nila ako, parang nawala ang lahat ng sakit at hapdi ng mga sugat ko sa katawan nang makita kita noong araw na iyon dahil nasigurado ko na maayos na ang kalagayan mo" tugon niya pa. bigla kong naalala yung araw na iyon kung saan naabutan kong nakalambitin siya at pinaparusahan ng mga guardia civil. napayuko na lang ako dahil ayoko ng maalala pa ang bangungot na iyon.

"Nagulat ako nang bigla kayong dumating nila Donya Soledad at Madam Olivia noong araw na iyon, hindi ko akalaing ililigtas niyo ako, gusto ko sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari sa iyong ina, hindi ko akalaing ihaharang niya ang kaniyng sarili upang hindi ako tamaan ng bala, Binibining Carmelita, alam mo ba may sinabi si Donya Soledad sa akin bago siya bawian ng buhay noong gabing iyon" patuloy pa ni Juanito, napatingin ako ng diretso sa mga mata niya.

"A-anong sinabi ni ina?" gulat kong tanong, hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan.

"Sabi niya, huwag ko raw sayangin ang pagkakataong makasama ka, huwag ko raw sayangin ang mga nalalabi mong oras" sagot niya. nanlaki ang mga mata ko at hindi agad ako nakapgsalita, binigyan ni ina ng clue si Juanito dahil noong mga oras na iyon ay alam na niya ang totoong pagkatao ko at ang misyon ko sa panahong ito.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako ng diretso sa mata "M-may malubha ka bang karamdaman Binibini?" tanong niya at bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi pwede! Hindi niya pwedeng malaman na pansamantala lang ako sa panahong ito, at dapat kong mapagtagumpayan ang misyon ko.

"Uh—w-wala naman" yun na lang yung nasabi ko, hindi ko alam ang gagawin ko. napangiti naman ng bahagya si Juanito at hinawakan ang mukha ko para tumingin ako sa kaniya.

"Mabuti naman, alam mo ba araw-araw akong binabagabag sa sinabing iyon ni Donya Soledad, inakala kong may malubha kang karamdaman at labis akong nagaalala sa iyong kalagayan kaya nga noong umatake kami sa plaza upang iligtas si madam Olivia at patayin sila Gobernador Flores at Leandro, labis ang pag-aalala na naramdaman ko nang nakita kong hinampas ka ni Julio at nawalan ka ng malay, agad akong tumakbo papunta sa iyo noong mga oras na iyon upang ilapit ka sa panig nila Leandro dahil alam kong hindi ka magiging ligtas sa kamay nila Ca-tapang ngunit pero naunahan ako ni Carding at agad ka niyang binuhat papalayo upang gawing bihag" patuloy pa ni Juanito, so ibig sabihin hindi si Juanito ang nagdala sa akin sa mga rebelde dahil alam niyang mapapahamak ako doon.

"Binantayan kita buong gabi at tinanaw sa malayo noong napunta ka sa aming kampo, gustong-gusto kita yakapin at kausapin noong mga oras na iyon ngunit maghihinala sila Mercedes at Carding kung kaya't kahit masakit sa akin ay tiniis kong hindi ka lapitan at pagmasdan ka na lang mula sa malayo, nais ko nan gang itakas ka noon bago pa tayo maarating sa kampo nila Ca-tapang pero alam kong hindi iyon magiging madali dahil nagkalat na sa paligid ang mga kaanib sa rebelde, Halos mabaliw ako at hindi ko alam ang gagawin ko noong pinag-utos ni Ca-tapang na dalhin ka sa kaniyang silid, gusto ko mang umalma at ipagtanggol ka ngunit hindi iyon mabisang paraan, magagalit lang lalo si Ca-tapang at papalayasin niya ako, kung kaya't agad akong gumawa ng paraan at lumabas sa kampo noong mga oras na iyon, tinulungan naman ako ni Bergilio dahil nag-aalala din siya na baka may gawing masama sa iyo si Ca-tapang, saktong naabutan namin ang grupo nila Kolonel Santos, apat lamang sila noon at agad namin silang sinugod ni Bergilio, hindi nila kabisado ang kagubatan kung kaya't madali namin silang natalo, pinatakas ko na si kolonel Santos dahil dalawang guardia civil lang naman ang kailangan namin upang palabasin na sinunog nila ang bandang likuran ng kampo, pero ang totoo kami ni Bergilio ang nagsimula ng apoy at pinaniwala namin ang lahat na umaatake ang mga kalaban upang hindi ituloy ni Ca-tapang ang binabalak niya sayo" paliwanag ni Juanito. napatulala naman ako dahil sa nalaman ko, ibig sabihin kaya pala biglang nawala noong mga oras na iyon si Juanito dahil gumagawa na siya ng paraan para maligtas ako kay Ca-tapang.

"Pero kinausap lang naman ako ni Ca-tapang, wala siyang masamang balak sa akin" tugon ko kay Juanito dahilan para mapakamot siya sa ulo. "Masyado lang siguro akong nag-alala noong araw na iyon, hindi ko sinasadyang husgahan si Ca-tapang" nahihiya niyang sagot. Kung sabagay, akala ko rin gagahasain ako ni Ca-tapang noong panahong yun.

"Ako nga ang dapat mag-alala eh, nahuli ko kayong naglalandian ni Mercedes" reklamo ko pa sa kaniya, pero nagulat ako kasi natawa lang siya.

"Nag-seselos ka ba?" natatawa niyang tanong at dahil dun tiningnan ko siya ng masama. "Hindi ba dapat ako magselos?" pagsusungit ko pa. nagulat naman ako nung bigla niyang inilagay yung kamay niya sa waist ko at hinila papalapit sa kaniya. Waahh!

"Mag-kaibigan lang kami ni Mercedes" sagot niya at mukhang kilig na kilig siya ngayon kasi nagseselos ako. nako naman huhu.

"Eh bakit pinapahawak mo yung abs mo sa kaniya?" reklamo ko pa, bigla namang napakunot yung noo niya. "A-abs?" nagtataka niyang tanong. Shocks! Ano bang tagalog ng abs? waaahh!

"Uhh! Ang ibig kong sabihin... bakit mo pinapahawak ang katawan mo sa kaniya" reklamo ko ulit, pero sa totoo lang kanina pa nagwawala yung puso ko dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Ahh... ginagamot lang naman niya ako, wala namang masama doon diba?" pang-eecheos niya pa. napa-whatever look naman ako. "Huwag ka ng manibugho, ikaw lang ang laman nito" sabi niya sabay turo nung puso niya. hindi ko naman mapigilang mapangiti. Haays! Carmela! Bakit ang dali mong bumigay?! Kyaaahh!

"Teka! Oo nga pala, nalaman ba nila Ca-tapang na pinatay mo sila Carding?" tanong ko sa kaniya, bigla naman siyang napayuko. Para na talaga kaming ewan ngayon dahil pareho kaming umiiyak kanina tapos namamaga na mata namin tapos mapapangiti na lang kami tapos kanina lang inaasar niya ko tapos ngayon napatahimik naman kami.

"Ang pagkakaalam ni Ca-tapang, ang mga guardia civil ang pumatay kina Carding" sagot ni Juanito, naniwala kaya talaga si Ca-tapang? o baka nagpapanggap lang siya na hindi niya alam ang ginawa ni Juanito?

"Pero naabutan kayo ni Bergilio? Hindi ba nagtaka si Ca-tapang kung anong ginawa mo doon?" tanong ko pa, napailing naman si Juanito.

"Hinahabol na ako ng mga guardia civil nang dumating si Bergilio, at nang gabing iyon isa din ako sa mga nakatalaga na magbantay sa paligid ng kampo kung kaya't hindi na sila nagtaka pa kung bakit nasa labas ako ng kampo noong mga oras na iyon" sagot niya. at dahil dun nakahinga naman ako ng maluwag dahil ligtas pa rin siya hanggang ngayon.

Magsasalita pa sana ako kaya lang biglang sumulpot na si Esmeralda sa tapat namin at nagulat siya dahil nakaakbay si Juanito sa'kin at magkahawak kamay kami. Shocks! Oo nga pala! Hindi normal ang mag-landian sa panahong to huhu.

Agad naman kaming napatayo ni Juanito dahil sa gulat. Gosh! baka hindi na ko payagan ni Esmeralda na gumala kasama si Juanito dahil sa nasaksihan niyang landian moments namin huhu.

"Oras na para umuwi, Maligayang Pasko sa iyo Juanito" tugon ni Esmeralda at mukhang dineadma na lang niya yung nakita niya, napalingon naman ako kay Juanito. sa totoo lang ayoko pang umalis, gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal. Haays kung pwede lang pabagalin ang oras eh.

"Sige na, umuwi ka na, huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan para magkita tayo muli" sabi pa niya, napasimangot naman ako, gusto ko sana siya yakapin kaya lang nakatingin sa amin ngayon si Esmeralda. Kaya hinalikan na lang ni Juanito ang palad ko at nagpaalam na siya.



Pagdating sa bahay, parang ang lungkot nang buong paligid. Tulog na daw si Don Alejandro kahit pa ang aga-aga pa lang, hindi siguro siya sanay na kaming dalawa na lang ngayon ang mag-nonoche Buena dahil wala na si ina at Josefina at hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung nasaan si Maria.

Nagtungo na lang ako sa kwarto ko at nagsulat sa diary. Kinuwento ko doon ang lahat ng nalaman ko mula kay Juanito, sana lang may diary din siya at gusto kong mabasa ang lahat ng nangyari sa buhay niya.

Lumipas pa ang ilang araw, nasa loob lang ako ng bahay, palagi namang wala si Don Alejandro, at bawat araw ay umaaasa akong pagdungaw ko sa bintana ay makikita ko si Juanito pero hindi siya dumating, halos araw-araw din bumibisita si Leandro pero nagkukulong lang ako sa kwarto dahil ayoko nang makausap pa siya.

Nakatanaw lang din ako sa bintana nang salubungin namin ni Esmeralda ang new year. Pinagbawal naman ni Don Alejandro na magpaputok sa hacienda Monteacrlos dahil natatakot siya na baka may makapasok na armas o bomba. At hindi na rin kami naghanda ng media noche dahil wala namang kakain.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil hindi naman ako napuyat kagabi. nagulat ako nang biglang pumasok si Esmeralda sa kwarto ko at may inabot siya sa'king maliit na papel. Sa tingin at ngiti niya pa lang alam kong galing na iyon kay Juanito! kyaahh!

At dahil dun agad kong binuklat yung papel at binasa ito...

Mahal na prinsesa, maaari ba tayong magkita sa lawa ng luha? Hihintayin kita dito.

Agad akong napatalon sa kilig at dahil dun naweirduhan sa'kin si Esmeralda. Gosh! hindi pala dapat obvious ang pagkakilig ko kyaahh! Pero hindi ko na matago pa eh huhu.

Dali-dali akong naligo at nagbihis, hindi na ako nag-almusal pa dahil sa sobra akong excited na makita siya. nalaman ko naman na madaling araw pa ay umalis na daw si Don Alejandro at nagtungo sa kabilang bayan, halos puyat naman ngayon ang mga guardia personal ng aming hacienda dahil naginuman sila kagabi. at halos tulg din yung mga kasambahay dahil tuwang-tuwa sila sa mga paputok na pinanood nila sa labas ng hacienda. Kaya madaling nakapasok si Juanito dito ngayon.

Pagdating ko sa lawa ng luha, nakita ko na siya agad. nakatayo siya doon sa ilalim ng puno, nakadamit magsasaka siya ngayon at nakasuot din siya ng malaking sombrero na gawa sa banig. Agad siyang napangiti nang makita ako at nagulat ako nung bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako papapunta sa dulo ng pader ng hacienda Montecarlos sa likod.

"T-teka! Saan tayo pupunta?" nagtataka ko sa kaniya habang tumatakbo kami ngayon, bihis na bihis ako ngayon kaya nahihirapan ako sa pagtakbo. Putting baro't saya na may bulaklak na burda sa palda ang suot ko ngayon.

"Malalaman mo din" nakangiti niyang tugon, at agad siyang lumusot doon sa isang maliit na butas sa gilid ng pader. "Tara" tugon niya pa at inilahad niya yung palad niya sa tapat ko. gosh! kawawa naman ang damit ko ngayon, ang aga-aga sasabak ako sa mga obstacles huhu. Pero okay lang as long as kasama ko si Juanito okay lang sa'kin kahit lumublob kami sa putik o magtampisaw sa kumonoy haha!

Paglabas namin doon sa butas, nagulat ako nang makita ang isang malawak na lupain at sobrang ganda ng kapaligiran. Gosh! hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito sa likod ng hacienda Monteacarlos. Napalingon naman ako sa paligid at halos walang katao-tao.

"Huwag kang mag-alala bihira lamang dumaan ang mga tao dito dahil ito na ang dulo ng lawa ng luha" sabi pa niya, agad napanganga na lang ako nang makita na kadugtong na pala ito ng karagatan. agad hinawakan ni Juanito ang kamay ko at naglakad kami sa gitna ng naglalakihang mga puno habang dahan-dahang bumabagsak ang kulay dilaw na bulaklak nito. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize na mga puno pala ng narra ang nasa paligid namin ngayon. Gosh! ito yung punong tinuro sa akin noon ni madam Olivia!

Maaliwalas ang kalangitan habang umiihip ang sariwang hangin, hindi ko naman mapigilang mamangha sa ganda ng paligid ngayon lalong-lalo na ang pagbagsak ng mga bulaklak sa puno ng narra. Itinaas ko na lang ang mga kamay ko at pilit na sinasalo ang mga dilaw na bulaklak na naglalaglagan ngayon. gosh! sa totoo lang mas maganda pa ito sa mga cherry blossom kyaaahh!

~Di na gumising.
Magmula nang ika'y naging laman nitong panaginip.
O, biglang tumigil
ang oras magbuhat nang Ika'y natala sa'king isip~

~Nandito na ngunit hindi maamin.
At hanggang sa aking muling pag idlip~

~Laging mananatili sa labi.
Mga ngiting naiwan.
Nang sandaling masilayan ka.
Sa puso'y mananatili~

Napatigil ako nang marealize kong kanina pa pala nakatingin si Juanito sa akin, nakangiti siya ngayon at parang ang ganda-ganda din ng gising niya. dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko "Alam mo ba na ang puno ng Narra ay sumisimbolo sa katatagan at kalakasanag malagpasan ang anumang pagsubok sa buhay" panimula niya habang nakangiti. Napatulala naman ako sa kaniya, teka! Parang narinig ko na ang mga salitang iyon ah.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang baywang ko at hinila ako papalapit sa kaniya. Dugdug! Dugdug!

"Ang punong ito ang magiging saksi ng ating pag-iibigan... na malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok sa buhay natin at magiging matatag tayo kahit anong mangyari" patuloy niya pa. ramdam na ramdam ko ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon habang nakatitig sa kaniya.

"je t'aime... ich liebe dich... te amo" tugon niya at dahil dun nagtaka naman ako.

"H-huh?"

"Tatlong magkakaibang lenggwahe pero iisa lang ang ibig sabihin nito... Mahal kita" nakangiti niyang tugon. Parang nakukuryente na ngayon ang buong katawan ko at hindi na maawat sa pagtibok ng todo ang puso ko.

Iba pa rin pala talaga pag sinabi sa iyo ng diretso ng lalaking gusto mo na mahal ka niya kyaaahh!

Hindi ko naman mapigilang ngumiti at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "I Love you too"

sa buong buhay ko, first time ko lang sasabihin ang salitang iyon. Ang salitang dati ay kinatatakutan ko at ngayon ay hindi ko akalaing masasabi ko  sa harap ng lalaking tanging nilalaman ng puso ko.

napangiti ng todo si Juanito at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, ipinikit ko na din ang mga mata ko at napayakap sa kaniya at buong puso kong tinanggap ang matamis niyang halik na habambuhay tatak sa alaala ko.

Dear Diary,

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito, ika-1 ng Enero ng taong 1892.

Dahil sa araw na ito nasabi ko na din sa kaniya na... mahal ko siya.

Nagmamahal,
Carmela

****************
Featured Song:
'Mananatili' by Marlo Mortel and Janella Salvador


https://youtu.be/Kg5Tgsm_Hw8

"Mananatili" by Marlo Mortel and Janella Salvador  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro