Kabanata 39

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Kabanata 39]

Je t'aime (French)
Ich liebe dich (German)
Te amo (Spanish)
I Love you (English)

Paulit-ulit kong sinusulat ang mga salitang iyon sa diary at ewan ko ba kasi mukha na akong baliw na todo ngiti dito habang sinusulat ang mga iyon. Gosh! di ko akalain na dito ko pa mararanasan ma-inlove sa panahong to. iba pala talaga ang feeling kapag inlove ka, parang ang saya-saya ng buong paligid, napakaganda ng sikat ng araw, humuhuni ang mga ibon sa labas, ang lamig ng simoy ng hangin at kahit anong gawin ko hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko kyaaahh!

Tanghali na at halos nagsisiyesta na ang lahat, nandito na ulit ako sa kwarto ko at kahit dalawang araw na ang lumipas matapos ako halikan ni Juanito sa ilalim ng puno ng Narra habang ang buong paligid ay nakikisaya sa aming nadarama pakiramdam ko ay fresh na fresh pa din sa'kin yung halik niya. Kyaahh!

Agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan ko ang sarili ko, nanlaki yung mata ko nang mapansin ang isang rare na specie sa noo ko. Gosh! Carmela bakit may pimple ka na?

Dahil ba inlove ako kaya sumulpot ang pimple na'to? Omg! Wapakels! Kahit pa tadtarin ako ng pimples basta di lang mawawala ang feelings na'to kyaahh!

Napatigil ako nang biglang kumatok si Esmeralda sa pinto at sumilip siya. "Binibini, Churva ek ek" tugon ni Esmeralda at dahil dun napangiti ako ng todo at agad inayos ang sarili ko. Omg! Nakumbinse ko kasi si Esmeralda kahapon na dapat may code siyang sasabihin kapag naghihintay sa akin si Juanito sa labas. At dahil wala akong maisip na unique words, sinabi ko na lang sa kaniya na 'Churva ek ek' ang code namin, naweirduhan siya nung umpisa at tinanong ako kung anong ibig sabihin nun pero sinabi ko na lang na isa yung dayuhang salita hahaha!

"Saan daw?" excited kong tanong habang tinatali ko ng maayos yung buhok ko. at sobrang nagmamadali na ako kasi baka mainip si Juanito Waahh!

"Sa palengke ng kabilang bayan" sagot ni Esmeralda. At dahil dun nanlaki yung mata ko, Whut? Hindi ako papayagan ni Don Alejandro pumunta sa palengke lalo na sa kabilang bayan pa.

"Ha? Paano ako----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi naweirduhan ako kay Esmeralda na nakangiti na ngayon. tapos nagulat ako nung pumasok siya sa kwarto ko at nilock niya yung pinto sabay abot nung isang damit pangkasambahay.

Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya. Gosh! mag-didisguise ako as kasambahay?

"Siguradong hindi ka mapapansin ng mga tao dahil hindi magarbong damit ang iyong suot" tugon ni Esmerlada. TAMA!

At dahil dun napayakap ako sa kaniya sa sobrang tuwa. "Binibini, sige na magbihis ka na, ako na ang bahala dito, sasabihin ko na lang na masama ang iyong pakiramdam at ayaw mong lumabas ng kwarto" sabi niya pa. napatango naman ako at agad tumakbo papaunta sa banyo para magbihis.

Simple, medyo luma at kulay brown na baro't saya ang suot ko ngayon, may malaking kulay green na tela din ang nakapalupot sa baywang ko, para akong nagtitinda sa palengke. At may malaking tela din na kulay green ang nilalagay sa ulo.

Paglabas ko ng banyo napangiti si Esmeralda. "Kahit pa mag-damit kasambahay ka Binibini, bagay pa din sayo" tugon niya, sabagay fashion conscious pala talaga ang mga tao sa panahong to.

"Binibini, kailangan nandito ka na bago mag-takipsilim, iiwan ko ang iyong damit sa likod ng pader ng hacienda, magpalit ka doon ng damit bago pumasok dito sa mansyon" tugon pa ni Esmeralda. Napatango naman ako, bumaba na kami at sa likod kami ng kusina dumaan. Halos wala namang katao-tao dahil tanghaling tapat na at nagsisiyesta ang karamihan. Inabot na rin niya sa akin ang isang bayong at dalawang piso.

Nanlaki yung mga mata ko sa barya na hawak ko ngayon, Seryoso? 2 pesos? Pambili ko lang to ng candy eh.

Ahh! Oo nga pala, malaking halaga na ang dalawang piso sa panahong to. kung nakapagdala lang sana ako ng 1000 pesos sa panahong to siguradong mayaman na mayaman na ako. nahihiya kasi akong humingi kay Don Alejandro, hindi ko rin alam kung ano yung mga appropriate words na dapat sabihin kapag manghihingi ng pera sa panahong to. kapag nanghihingi kasi ako kay dad sasabihin ko lang na 'Dad where's my baon' and bibigyan na niya agad ako. haays.

Sinamahan naman na ako ni Esmeralda papalabas sa Hacienda Montecarlos at sinabi niya sa mga guardia personal na inutusan akong mamalengke, nakayuko lang ako at mukhang hindi naman nila ako nakilala.

Pagbalik ni Esmeralda sa loob, naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang marealize ko na... HINDI KO PALA ALAM KUNG PAANO PUMUNTA SA PALENGKE NG KABILANG BAYAN! WAAAHH!

My gosh! Carmela naman kasi! Bakit hindi mo tinanong kay Esmeralda? Masyado kasi na-occupied ni Juanito yang utak mo! huhu!

At sa tingin ko, kampante naman si Esmeralda na marunong ako pumunta mag-isa sa palengke. Hindi niya alam na hindi naman ako taga-dito sa panahong to huhu.

Napalingon ako sa malaking gate ng hacienda Montecarlos pero agad akong napatalikod nang lumingon din sa akin yung guardia personal na nakabantay. Shocks! Hindi na ako pwedeng bumalik doon.

Nakakainis naman huhu. Nagsimula na akong maglakad papalayo, at mag-aabang na lang ako ng kalesa at magpapahatid na lang ako sa palengke sa bayan kahit pa mahal ang ibayad ko kaya lang bigla akong mapatigil sa paglalakad kasi may narinig akong sumitsit.

"Pssst"

Agad akong nagpalingon-lingon sa paligid pero wala namang ibang tao akong kasabay maglakad. Nasa mahabang kalsada ako ngayon na napapalibutan ng madaming puno sa gilid. tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ulit.

"Pssst..."

Napatigil ako at napalingon ulit sa likod. Shocks! Uso na ba ang mga manyakis na nang-cacatcall sa panahong to? waaahh!

Agad akong tumalikod at nagsimula nang maglakad ng mabilis pero nagulat ako nang makita si Juanito na biglang sumulpot sa likod ng puno at natatawa siya. ABAAAAA!

SO PINAGTITRIPAN NIYA AKO?

Nakahawak na siya ngayon sa tiyan niya at tawa siya ng tawa. Gusto ko mang magalit sa kaniya kasi mukhang siya yung nangtitrip at sumisitsit sa'kin kanina pero ewan ko ba kung bakit parang bigla na lang lumambot yung puso ko nung makita at marinig kong tumawa siya.

Nawala na yung kunot sa kilay ko at natawa na lang din ako. kung sabagay, mukha din naman siguro akong shunga kanina na nagpapanic at kung ano-ano ang iniisip haha!

Nung mahismasan na siya sa kakatawa naglakad na siya papalapit sa akin. Naka-damit pang-kutsero naman siya ngayon at may suot siyang malaking salakot sa ulo. "Pasensiya na Binibini, gusto ko lang na pasayahin ka" tugon niya pa. talaga? Mukhang siya nga yung sumaya eh haha!

Napatulala naman siya sa'kin at tiningan ako mula ulo hanggang paa tapos bigla siyang napangiti "Kahit ano pa ang suotin mo nangingibabaw pa din ang iyong kagandahan" nakangiti niyang tugon, napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya kasi ramdam na ramdam kong konti na lang matutunaw na ko sa tingin niya. at bukod dun baka mahalata niya na namumula na ngayon yung mukha ko kyaaahh!

Bakit ba ang benta sa'kin ng mga cheesy lines niya! kyaaahh! Kung sa bagay sa panahong to diretsahan talaga sinasabi ng mga kalalakihan ang totoong feelings nila at with matching talinhaga words at wala ng paligoy-ligoy pa.

Ilang saglit pa nagulat ako nung kinuha niya sa kamay ko yung bayong na dala-dala ko at itinapat niya sa'kin yung bisig niya, napatingin naman ako sa kaniya at nahawa na lang sa mga ngiti niya na kanina pa hindi napapawi.

Napahawak na ako sa bisig niya "Teka! Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit. Diba magkikita kami sa palengke sa kabilang bayan? Anong ginagawa niya dito?

"Sa palengke sa kabilang bayan" nakangiti niyang sagot. Napatulala naman ako, Ah! So ibig sabihin sabay pala kami pupunta sa palengke sa kabilang bayan! Kaya pala hindi tinuro ni Esmeralda sa'kin kung paano pumunta dun kasi susunduin naman pala ako ni Juanito! Kyaahh!

Nakalimutan ko na hinahatid at sinusundo pala talaga ng mga kalalakihan ang mga kababaihan sa panahong to, Omgg!

Hinawakan na ni Juanito ang kamay ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang kalesa na nakatigil sa ilalim ng puno. Omg! So kaya pala nakadamit pang-kutsero siya kasi isa to sa mga sideline niya.

Agad akong hinila ni Juanito papalapit doon sa kalesa niya at tinapik-tapik niya yung kabayo niya "Binibining Carmelita... siya nga pala si Carmela" tugon ni Juanito sabay turo sa kabayo niya, napanganga naman ako. WHUT? SO CARMELA ANG PANGALAN NG KABAYO NIYA?

MUKHA BA KONG KABAYO?

"Carmela... siya naman ang aking kasintahan si Binibining Carmelita" sabi ni Juanito dun sa kabayo niya na kulay brown at ang kintab ng buhok at buntot. "Oh! Wag kang mag-selos, magkaibigan lang kami ng alaga ko" biro pa ni Juanito. tiningan ko naman ng matalim yung kabayo niya na Carmela pala ang pangalan.

"Hindi ka ba nasisiyahan makilala si Carmela?" nagtatakang tanong ni Juanito sa'kin, napahinga naman ako ng malalim, masyado lang siguro akong na-shocks kasi kapangalan ko ang bestfriend niyang kabayo.

"Bakit kasi Carmela ang pangalan niya?" reklamo ko pa, napangiti naman si Juanito. okay so bumalik na naman ang pang-aasar niya sa'kin.

"Gusto ko lang ihango ang pangalan niya sa pangalan mo, para lagi kang parte ng araw-araw na buhay ko" sagot niya. hindi naman ako nakapagsalita, bakit ganyan mga sagot niya? hindi ko maitago ang kilig kyaaahh!

Talo na ko!

Hindi ko na makontrol ang mga ngiti sa labi ko. haays! Bakit ba kasi hindi ko magawang mag galit-galitan kay Juanito haays.

Napatingin na ako sa kabayo niya at hinawakan ko ang mukha nito, "Nagagalak akong makilala ka Carmela" sabi ko sa kabayo niya, nakita ko namang napangiti si Juanito at inilahad na niya yung palad niya sa tapat ko at sa pagkakataong iyon alam kong sisimulan namin ang araw na ito ng masaya.


Tinuruan ako ni Juanito mag-patakbo ng kalesa, hindi naman ako makapag-concentrate sa sinasabi niya kasi nasa likod ko siya ngayon at nakakulong ako sa bisig niya kasi hawak niya yung tali sa kabayo habang nagsasalita siya at tinuturo sa akin kung paano ko papalikuin o papatigilin yung kabayo, ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko habang nagsasalita siya. Kyaahh!

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at parang nakukuryente yung buong katawan ko, amoy na amoy ko rin ang buhok niya na amoy sampaguita. Ugh! Kagigil.

Buti na lang nakarating agad kami sa bayan at iniwan niya yung kalesa sa isang malaking bahay, nalaman ko na hindi pala si Juanito yung may-ari nung kalesa at pagmamay-ari ito ng isang matandang babae na may karinderia. Inuupuhan lang niya si Juanito para ipasada yung kalesa.

Nagpunta na kami sa dulo ng isang ilog na kung saan may mga taong nakapila sa mga bangka. Omg! Naalala ko na ang lugar na to, sinama ako noon ni ina dito nung pupunta kami sa palengke sa kabilang bayan. Sasakay kami ng bangka at tatawid sa lawa ng luha. Parang biglang kumirot ang puso ko nang maalala si ina, parang kelan lang ang saya-saya namin nung pumunta kami dito pero ngayon... wala na siya.

Nakayuko lang kami ni Juanito sa buong byahe sakay nung bangka kasi baka may makilala sa amin. Buti na lang abala yung mga tao sa pagkwekwentuhan, samantalang umiidlip naman yung iba. Makalipas lang ang kalahating oras narating na namin ang kabilang bayan.

Agad akong inalalayan ni Juanito pababa sa bangka at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko nung dumating na kami sa palengke. Hindi ko naman mapigilang mapangiti kasi sobrang saya at ang daming palamuti sa buong paligid. Nalaman ko na fiesta pala dito kaya ang dami-daming palamuti at ang dami ding tao.

Namalengke na din kami at si Juanito din ang pumili ng mga gulay, prutas at isda. Palagi niyang tinatanong kung anong gusto kong kainin at kung gusto ko ba yung isda na yun? o yung prutas na yun? o yung gulay na yun? mukha naman akong aso na pang-display sa kotse na tango ng tango sa kaniya, hindi ko rin maaalis ang mga ngiti sa labi ko kasi kahit abala siya pamimili ng mga bibilhin namin hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.

Pasimple ko naman siyang sinusulyapan habang abala siya sa pagtingin sa mga pagkain, Grabe! Bigla ko tuloy naimagine na ganito kaming dalawa kapag naging mag-asawa na kami, yung tipong kahit mahirap lang kami sabay naman kaming mamalengke at pagkakasiyahin lahat ng pera para sa pamilya tapos ipagluluto ko siya at masaya siyang uuwi sa bahay pagkatapos niya magtrabaho at sasalubungin ang mga anak namin Kyaaahh!

"Binibini, Ayos ka lang?" nakangiting tanong ni Juanito at dahil dun natauhan ako, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya habang nakangiti ng todo. Shocks! Masyado akong nadala sa imagination ko huhu, Nakakahiya.

"Huh? ah—ehh Oo naman! S-saan na tayo pupunta?" pag-iiba ko ng usapan. Napangiti naman si Juanito at inlilagay na niya yung binili niyang gulay sa bayong na hawak niya, natawa na lang ako kasi nahihirapan siyang ilagay yung gulay sa bayong kasi yung isa kamay niya ay nasa kamay ko.

Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak sa kaniya para malagay niya ng maayos yung gulay sa bayong pero nagulat ako kasi hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko "Kahit anong mangyari, kahit mahirap, hindi kita bibitawan" tugon niya sabay ngiti. At sa wakas nalagay na niya yung gulay sa bayong.

Napatulala naman ako sa kaniya, at paulit-ulit na nag-play sa utak ko yung sinabi niya...

Kahit anong mangyari, kahit mahirap, hindi kita bibitawan.

Pakisapak naman ako please oh! Kinikilig ako kyaaahh!

Pagkatapos namin mamalengke ay sumakay kami sa isang kalesa, tinanong ko naman sa kaniya kung saan kami pupunta pero ayaw niya sabihin at ngiti lang siya ng ngiti. Gosh! pag di ako nakapagpigil pipisilin ko yung magkabilang pisngi niya eh kagigil kyaahh!

Carmela chill lang... maweweriduhan sayo si Juanito kapag ginawa mo yun, baka isipin niya na aggressive at haliparot ka! hahaha!

Ilang sandali pa, bumababa na kami sa kalesa at naglakad ng konti papunta sa isang maliit na baryo. Halos abala ang lahat ng tao dahil fiesta ngayon sa nayon nila. Hawak pa rin ni Juanito ang kamay ko at nakayuko na siya ngayon, kaya nakayuko na din ako.

Maya-maya lang ay tumigil kami sa isang maliit na bahay kubo sa dulo ng baryo at may malaking sakahan sa likod nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Angelito na nagsisibak ng kahoy sa labas. Agad namang napalingon sa amin si Angelito at napangiti ng todo.

"Kuya!" sigaw niya sabay takbo papalapit kay Juanito at yumakap siya sa kaniya. Tiningnan naman ako ni Angelito mula ulo hanggang paa "Binibining Carmelita?" tanong niya, napangiti naman ako at napatango, hindi ko rin mapigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Anong nangyari? Ipinatapon na rin ni Leandro at Gobernador Flores ang pamilya niyo?" gulat niyang tanong. Agad naman siyang hinawakan ni Juanito sa balikat.

"Nagpapanggap lamang na kasambahay si Carmelita upang hindi niya makuha ang pansin ng mga tao dito" paliwanag ni Juanito sabay tingin sa'kin. napatingin naman ako sa kaniya, hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang biglang kumirot yung puso ko nung marinig ko mula sa kaniya ang salitang 'Nagpapanggap'

Kung alam lang niya na nagpapanggap lang naman talaga ako, nagpapanggap ako na bilang Carmelita, nagpapanggap na Montecarlos at nagpapanggap na nabubuhay sa panahong ito.

Natauhan ako nang biglang yumakap sa'kin si Angelito "Nagagalak akong makita ka ate Carmelita!" masaya niyang tugon, at niyakap ko din siya pabalik. Napansin ko na pumayat siya at ang dami ding mga sugat sa kaniyang braso at mukha.

"Mas lalo na ako, namiss kita" sagot ko habang yakap-yakap siya. nagulat naman ako kasi biglang nagtaka yung itsura niya at ni Juanito. Shocks! Nakalimutan ko na di pa uso ang 'I miss you' sa panahong to waahh!

"Uhh—ang ibig kong sabihin bumili kami ng manaMIS-naMIS na mga prutas para sayo" palusot ko pa. napangiti naman silang dalawa. Whew!

Pagpasok namin sa loob ng maliit na bahay kubo, nagulat ako nang makita doon si Theresita, agad siyang napangiti at tumakbo papalapit sa'kin sabay yakap. Omg!

"Binibini! Patawarin mo ako! hindi ko ginustong sungitan ka, hindi ako makakalapit sa iyo at paghihinalaan ako ng iba pang mga rebelde kapag kinausap kita ng maayos noong mga araw na iyon" tugon pa ni Theresita. Bigla kong naalala yung sinabi ni Juanito na tanging siya lang, si Ignacio at Theresita ang nakakaalam na dinakip ni Leandro si Angelito.

"Sinabihan ko rin siya na huwag masyadong lumapit sa iyo dahil paghihinalaan siya ng mga rebelde na espiya mula kay Don Alejandro at bukod doon nangangamba ako na hindi niya mapigilang sabihin sayo ang katotohanan" paliwanag naman ni Juanito. napatulala na lang ako sa kanila, kaya pala ang cold din ni Theresita sa'kin noong nadakip ako ng mga rebelde dahil kailangan niyang kontrolin ang sarili niya na hindi sabihin sa'kin ang totoong pinagdadaanan ni Juanito.

Napaluha naman ako at napayakap ng mahigpit kay Theresita "Akala ko tuluyan ka nang nagalit sa akin, wag mo na ulit ako susungitan ng ganun ah" biro ko pa, pero sa totoo lang sobrang saya ko ngayon dahil nakita ko ulit si Theresita at Angelito, at hindi naman pala talaga sila galit sa'kin dahil sa kadugo ko si Don Alejandro.

Sa tagal at lalim ng pinagsamahan namin ni Theresita para ko na rin siyang kapatid. "Pangako, Binibini hindi ko na muli gagawin iyon" tugon niya at naiiyak na din siya. Gosh! sobrang sarap sa feeling ang ma-reunite sa mga dati mong kasama.

Nalaman ko na ang maliit na bahay kubo na ito na tinutuluyan ni Angelito pansamantala ay pag-aari ni Padre Orlando isang pari sa San Alfonso na dugong Pilipino o indio. Mabait si Padre Orlando at handa siyang tumulong sa lahat. Kakilala ni Eduardo at Juanito si Padre Orlando at nang itakas ni Eduardo si Angelito mula sa hacienda Flores sa tulong ni Laura, pinakiusap ni Eduardo na itago muna si Angelito. Bumisita lang din ngayon dito si Theresita dahil sinabi ni Juanito na dadalhin niya ako dito. Kasalukuyang nasa kampo pa din ng rebelde ni Ca-tapang namamalagi si Theresita.

"Nasaan na si Eduardo? Kasama niya pa din si ate Maria diba?" gulat kong tanong, napatango naman silang lahat. Nakaupo na kami ngayon sa maliit na mesa nila na pabilog at gawa sa kawayan.

"Nasa Catanduanes ngayon nagtatago si Eduardo at Maria, doon din dapat kita dadalhin noong magtatanan tayo" sagot ni Juanito. naramdaman ko namang biglang uminit ang mukha ko. Shocks! Seryoso yung usapan diba? Bakit iba yung epekto sa'kin nung sinabi ni Juanito kyaahh!

Noong magtatanan tayo.

Agad naman akong uminom ng tubig para mabawasan ang kaba ko sa dibdib. Hindi ko kasi mapigilang maimagine na nasa Catanduanes din kami ni Juanito ngayon at binubuo na namin ang sarili naming pamilya kyaaahh! Carmela! Stop it! Nababaliw ka na!

"Binibining Carmelita... ayos ka lang?" nagtatakang tanong ni Angelito. Napansin kong medyo naweweriduhan na rin sila sa'kin ngayon. Gosh!

"Ah—Oo naman! Nauhaw lang ako, ang haba din kasi ng nilakad namin kanina, napagod ako" palusot ko pa. nagulat naman ako nung biglang hinawakan ni Juanito yung kamay ko dahilan para mas lalo akong ma-praning kyaahh!

"Dapat nagsabi ka, binuhat sana kita para di ka napagod" tugon ni Juanito habang nakatingin sa mga mata ko, bakas sa mukha niya ang pag-aaalala.

Binuhat sana kita para di ka napagod.

Waaahh! Seriously? Bakit ba ang tindi ng epekto mo sa'kin Juanito! My gosh! kyaahh!

Magsasalita pa sana ako kaya lang bigla ng nagsalita si Angelito "Nakita ka rin namin noong gabing tinakas ako ni Eduardo at Laura na nakasakay ka sa kalesa ni Leandro, wala na kaming nagawa noong tumakbo si Laura papunta sa inyo at sinabi sayo ang lahat, nakita rin namin na binaril siya ni Leandro sa ulo noong sinundo ka na ni Don Alejandro at nakalayo na kayo" tugon pa ni Angelito. Hindi ko tuloy mapigilang malungkot nang maalala ko ang pagsasakripisyo na ginawa ni Laura. Nang dahil sa kaniya nalaman ko ang kasamaang tinataglay ni Leandro.

"Paano pala nalaman ni Eduardo na nabihag ka ni Leandro?" tanong ko kay Angelito. Bigla naman siyang napatingin kay Theresita. Oh Shocks! Bakit may sparks sa kanilang mga mata ahem!

"B-batid ko po na naiipit ngayon sa sitwasyon si Ginoong Juanito, gusto po niya kayong iligtas ngunit mapapahamak naman po ang kapatid niyang si Angelito, kung kaya't humingi na po ako ng tulong kay kuya Eduardo" sagot ni Theresita at medyo nag-bublush siya.

Oo nga pala! Siguradong alam niya kung nasaan nagtatago sila Eduardo at Maria, dahil kapatid niya si Eduardo.

"Bakit mo naman ginawa iyon? Naglakbay ka mag-isa papunta kina Eduardo para humingi ng tulong na iligtas ang kapatid ko" tanong ni Juanito kay Theresita at parang nakakahalata na din siya.

Namula na din ang mukha ni Angelito at hindi na rin siya mapakali ngayon, pasimple naman silang nagtitinginan ni Theresita pero biglang mapapaiwas ng tingin.

OMG! SINASABI KO NA NGA BA! MAY SOMETHING NA SA KANILA!

"Angelito... magpaliwanag ka" mahinahong sabi ni Juanito kay Angelito. Napayuko naman si Angelito at hindi makatingin ng diretso sa kuya niya. kahit anong mangyari, si Juanito pa din ang nakakatanda sa kaniya at silang dalawa na lang ang natitirang Alfonso ngayon, kung kaya't si Juanito na ang tumatayong pamilya at ama niya.

Napatulala lang ako kay Angelito at Theresita na magkatabi ngayon, pareho silang nakayuko at mukhang guilty.

Magsasalita pa sana si Juanito pero nagulat kami nang biglang hawakan ni Angelito ang kamay ni Theresita at lumuhod siya sa harapan namin. "K-kuya! Patawad po kung hindi ko nasabi agad sayo na... kami na po ni Theresita" pag-amin ni Angelito, gulat na gulat din si Theresita at wala na siyang nagawa kundi lumuhod na din sa tapat namin.

Shocks! Feeling ko mga magulang nila kami kyaahh!

"A-ano? P-paano? K-kailan pa?" gulat na tanong ni Juanito, hindi niya siguro akalain na dati pa pala may karelasyon ang kapatid niya. #FeelingBetrayed

"M-magdadalawang buwan na po, naging kami po noong nasa Bohol pa tayo" sagot ni Angelito at nakayuko siya ng todo. Napatingin naman ako kay Juanito na gulat na gulat din dahil sa nalaman niya #FeelingSuperDuperBetrayed

"P-patawad kuya... sasabihin ko naman dapat sayo kaya lang nagtungo ka na sa San Alfonso upang itanan dapat si ate Carmelita" tugon pa ni Angelito, ako naman yung napa-what-the-heck-face. so kasalanan pa pala ni Juanito kung bakit di niya nalaman haha!

Napatahimik naman saglit si Juanito at ilang sandali pa inalalayan na niyang tumayo ang kapatid niya at si Theresita "Patawarin mo rin ako, hindi dapat kita iniwan mag-isa doon" sagot naman ni Juanito, agad namang napayakap si Angelito sa kaniya.

"Ayos lang iyon kuya! Basta ayos lang din dapat sayo na magkita kami ni Theresita ng madalas" nakangiting tugon ni Angelito. Napatakip naman ng mukha si Theresita dahil sa kilig. Magtakip lang din kaya ako ng mukha pag kinikilig kay Juanito, mukhang effective naman bagay sa kaniya, bagay din kaya sa'kin ang mahinhin look? Argh! Never mind.

"Sige na! Sige na! Ano pang magagawa ko? basta bawal maghawakan ng kamay, bawal din ang yakap, bawal ang akbay at bawal na bawal ang paghahalikan... Entendido?" (Undestood?) bilin ni Juanito. halata namang dismayado ang mukha ni Angelito at Theresita.

"Bakit kayo pwede?" reklamo ni Angelito. Bigla namang nanlaki ang mga mata namin ni Juanito at nagkatinginan kami. Omaygash! Nakita ba nila kami nag-kiss?

Tinuro naman ni Angelito yung mga kamay namin ni Juanito na magka-holding hands ngayon. nakahinga naman kami ng maluwag kasi yung holding hands pala yung tinutukoy niya. Whew!

"S-syempre malalaki na kami, pwede na namin gawin to" paliwanag pa ni Juanito na mukhang kinabahan din. "Mga bata pa kayo... hindi pa nga dapat kayo nagliligawan, ngunit ayoko namang hadlangan ang pag-iibigan niyo, basta alam niyo lang ang mga limitasyon niyo sa isa't-isa" bilin pa ni Juanito, napatango naman si Angelito at Theresita.

Haays, kung nasa modern world lang si Juanito siguradong sasakit ang ulo niya sa mga makikita niyang PDA at landian moments ng mga kabataan na wala pa sa wastong edad haha!

Tulong-tulong kami nagluto at sabay-sabay din kami nagkwentuhan. Syempre yung masasayang karanasan at araw ang pinagkwentuhan namin ayaw muna namin ng bad vibes. Nalaman ko na yung aso pala ni Juanito na si Sampaguita, na naging dahilan kung bakit nahulog ako noon sa bintana ng dormitoryo na tinutuluyan ko sa Maynila ay binigay niya kay Padre Orlando dahil pinag-utos ni Don Mariano na ilayo yung asong iyon noong gabi ng fiesta sa San Alfonso na kung saan sa mansyon nila kami nag-hapunan. Naalala ko pa na kaya nahulog yung adobo sa plato ko at napasigaw ako nung gabing iyon dahil nasa ilalim ng mesa si Sampaguita at dali-dali siyang tinakas ni Juanito. nagpalusot pa ako noon at hindi ko sinabing yung aso niya ang dahilan kaya nag-panic ako, kaso nga lang nakita nung mga bantay yung bakas ng paa ng aso sa sahig kaya nagalit si Don Mariano.

Parang na-konsensiya tuloy ako, dahil sa'kin nalayo sa kaniya si Sampaguita. Pero nagulat ako kasi biglang sumulpot yung aso niya sa tapat ng pinto. Waaahhh!

Hawak-hawak ito ng isang payat na matandang lalaki na kakaunti na lang ang buhok, medyo kayumanggi ang kaniyang balat at bilugan ang mga mata. Naka-damit pang-padre siya at may rosary sa leeg, sa panahong ito, kulay brown ang damit ng mga pari.

"Padre Orlando, Tuloy po kayo" masayang bati ni Juanito nang makita niya yung matandang lalaking yun sa tapat ng pinto, dali-dali silang tumayo ni Angelito at Theresita at nag-mano dun sa pari. tumayo na din ako at nagmano sa kaniya.

Nagtaka namang napatingin sa'kin si Padre Orlando "Ikaw ba si Binibining Carmelita Montecarlos? Anong ginagawa mo dito? At bakit ganyan ang iyong suot? ---- Ah! Ibig sabihin totoo ang usap-usapan na may relasyon kayo ni Juanito?" dire-diretsong tanong ni Padre Orlando. Napalunok na lang ako at napatingin kay Juanito. Shocks! Hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin sa dami ng tanong niya. waahh!

Nagulat naman ako nung biglang hinawakan ni Juanito yung kamay ko, at nakangiti siyang tumingin sa'kin, parang sinasabi niya na ayos lang ipagtapat namin kay Padre Orlando ang lahat.

"Tama po kayo Padre, nagmamahalan po kami ni Carmelita" sagot ni Juanito. Gulat akong napatingin sa kaniya. Dugdug! Dugdug!

Gosh! hindi naman sa assumerang frog ako. pero kasi parang kinakasal na kami ngayon ni Juanito sa harap ni Padre Orlando, at nagsasabihan ng I Do's, kulang na lang nasa simabahan kami at naka-damit pangkasal Kyaaahh!

"Bueno, ang pag-ibig na pinagkaisa ng Diyos ay hindi dapat hinahadlangan ng tao, walang mayaman at mahirap pagdating sa pag-ibig... at suportado ko ang relasyon niyo" nakangiting tugon ni Padre Orlando. At tinapik niya ang balikat namin ni Juanito dahilan para mabitawan niya yung pagkakahawak niya sa tali ni Sampaguita Waaahhh!

Agad tumakbo si Sampaguita papunta kay Angelito na kanina pa pala siya tinatawag. Tuwang-tuwa naman si Angelito at Theresita at niyakap-yakap si Sampaguita. Ilang sandali pa, napalingon si Sampaguita kay Juanito at bigla siyang kumaripas ng takbo papunta kay Juanito OMAYGASH!

Ang aggressive niya!

Natawa naman si Juanito kasi sobrang aggressive talaga ni Sampaguita at dina-dilaan siya. Nanlaki naman yung mga mata ko habang pinagmamasdan sila. Anong kataksilan ang nakikita ko ngayon? Juanito! explain it to me!

Ilang saglit pa, napatingin naman sa'kin si Sampaguita... parang biglang dumaloy ng mabilis yung dugo ko dahil sa gulat. Takot talaga ako sa aso huhu!

Tatakbo sana sa'kin si Sampaguita pero buti na lang nahawakan agad siya ni Juanito. "Espera, Sampaguita, mi amor te tenía miedo, te lo presentaré más tarde a ella" (wait, Sampaguita, my love was scared of you, I'll introduce you later to her) nakangiting tugon ni Juanito sa aso niya. napa-Arf! Arf! Naman yung aso niya. Omg! Buti pa yung aso niya nakakaintindi ng Spanish psh.



Hinandaan na din nila Theresita ng pagkain si Padre Orlando, nagkwento naman si Padre Orlando tungkol sa mga aktibidad ng simbahan. Madalas din siyang napapatingin sa akin at ewan ko ba kung bakit parang pamilyar siya sa'kin. nagkita na ba kami dati?

Bigla akong natulala nung marealize ko na siya pala yung pari na pinagkumpisalan ko noon bago ang nakatakdang kasal namin ni Leandro. Omg!

Hindi ko man nakita ang buo niyang mukha, naaninag ko pa din sa maliliit na butas yung buhok niya at sobrang pamilyar din sa'kin nung buhok niya. Gosh! bigla kong naalala yung adivice niya sa'kin na minsan daw mas nakakabuti kung gagamitin ko din ang utak ko dahil hindi mabisa kung puro puso lang ang pinapairal ko.

Siguro ngayon alam na niya na si Juanito talaga ang tinutukoy kong laman ng puso ko noong nag-compisal ako. waahh!

Pagkatapos ng tanghalian, si Theresita at Angelito ay nagpaalam kay Juanito na mamasyal lang muna sa bayan. Fiesta naman ngayon at walang ring karapatan mangialam si Gobernador Flores o si Leandro dito sa kabilang bayan dahil hindi na nila ito nasasakupan.

Nasa labas naman si Juanito at nag-bobonding sila ng aso niya, binabato niya yung maliit na kahoy sa malayo at game na game naman si Sampaguita habulin at saluhin iyon.

Naupo lang ako dito sa labas ng bahay nila at pinagmasdan kung gaano kasaya si Juanito ngayon "Nagkamali siguro ako, marahil ay tama nga sila, iba pa rin ang nadudulot na saya kapag puso mo ang sinunod mo" narinig kong tugon ni Padre Orlando na nakatayo na pala ngayon sa likod ko. nakatanaw din siya kay Juanito at Sampaguita na naglalaro ngayon.

Shocks! Nakilala nga niya ako. at mukhang naalala din niya yung confession ko.

"Masaya akong makita na nanumbalik na muli ang mga ngiti at saya ni Juanito... natatandaan ko pa nooong una ko siyang nakita, ako ang nagbinyag sa kaniya" tugon niya pa at umupo na din siya sa tabi ko. Whoa.

"Ibig sabihin kilalang-kilala niyo na po si Juanito?" tanong ko kay Padre Orlando. Napatango naman siya at nakatanaw pa din si kinaroroonan nila Juanito.

"Kilalang-kilala ko na ang batang iyan... naalala ko pa ang sinabi sa akin noon ni Donya Juanita na si Juanito ang nagdala ng swerte sa kanilang pamilya, lalo na noong pinanganak siya sa barko sa gitna ng bagyo at matatas na alon sa karagatan, alam mo bang nais ni Donya Juanita na maging pari ang anak niya... ipapasok niya sana noon sa seminaryo si Juanito noong siyam na taong gulang pa lamang ito pero kinausap ko siya ng mabuti at sinabi kong ang pagpapari ay hindi dapat pilit, kusa itong nararamdaman ng taong nais maglingkod sa Diyos" paliwanag ni Padre Orlando. Hindi ko naman mapigilang mamangha at ma-inspire sa mga sinasabi niya.

"Batid ko na isang matalinong bata si Juanito at malayo ang kaniyang mararating lalo na dahil hilig talaga niya ang pagbabasa ng mga libro tungkol sa panggagamot, magaling din siya mag-pinta, ako ang naging guro nila noon sa pagpipinta noong elementarya pa lang siya, at estudyante ko rin noon si Leandro sa klaseng iyon" patuloy pa ni Padre Orlando at napatingin siya sa'kin nung binanggit niya ang pangalan ni Leandro at dahil dun napawi yung ngiti ko. tsk!

"Binibining Carmelita... gusto ko ding malaman mo na mabuting tao rin si Leandro, kung kaya't nasabi ko rin sayo noon na buksan mo ang puso mo para sa kaniya" tugon pa ni Padre Orlando. Hindi naman ako nakapagsalita agad. alam kong hindi niya alam ang ginawa ni Leandro kay Juanito at kay Josefina. Hindi ko rin naman masabi sa kaniya ang totoo dahil ayoko ng pag-usapan pa iyon. At kapag kumalat ang balitang iyon siguradong gagantihan nila Gobernador Flores ang pamilya Montecarlos.

"Pero sa pagkakataong ito, batid ko na kayo talaga ni Juanito ang itinadhana, hindi naman mangyayari ang lahat ng ito at hindi rin naman kayo magkakasama ngayon ni Juanito kung hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa" sabi pa niya at tinapik niya ang ulo ko. parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya.

"Dahil ang tunay na pag-ibig ay kayang malagpasan ang lahat ng problema kahit gaano man ito kabigat" dagdag niya pa at tumayo na siya. napatayo na din ako.

"Aalis na ako, may misa pa ako mamayang hapon" paalam ni Padre Orlando at ngumiti siya ng bahagya sa'kin.

"Maraming Salamat po Padre" pasalamat ko naman sa kaniya, napatango-tango naman siya. at ilang sandali pa napalingon sa amin si Juanito at agad siyang tumakbo papalapit sa amin kasama si Sampaguita waaahh!

Agad naman niyang hinawakan si Sampaguita bago tuluyang makalapit sa amin para hindi ako dila-dilaan o dambahin ng aso niya. Gosh!

"Aalis na po kayo? Kakarating niyo lang po Padre" tugon ni Juanito. tinapik naman ni Padre Orlando ang balikat niya.

"Bibisita na lang ako sa susunod na araw, at dadalhin ko rin palagi si Sampaguita para hindi malungkot si Angelito" sagot naman ni Padre Orlando. Napatingin naman si Juanito sa aso niya at mukhang ayaw niya pa itong paalisin.

Umupo siya at hinimas-himas niya yung aso niya. "Huwag kang magpapasaway ah, matanda na si Padre Orlando wag mo na siyang bigyan pa ng problema" bilin ni Juanito dun sa aso niya. hindi ko naman maalis ang tingin ko sa kaniya. Grabe! Kahit takot ako sa aso, hindi ko pa rin mapigilang mamangha kay Juanito, totoo pala talaga yung sabi nila na nakaka-inlove ang mga lalaking mapagmahal sa mga hayop lalo na ang mga dog lover. Gosh!

Nagulat naman ako nung napatingin sa'kin si Juanito. agad siyang tumayo at dinala si Sampaguita papalapit sa'kin. Omg! Omg! Omg!

"Gusto mo bang subukan hawakan si Sampaguita? Gusto kong makilala mo siya ng lubos" nakangiting tugon sa'kin ni Juanito. napatingin naman ako sa aso niya na nagpapa-cute ngayon sa'kin. napatingin ulit ako kay Juanito na nakangiti ngayon, ayoko namang ma-offend siya o ma-hurt kapag tinanggihan kong lapitan ang pinakamamahal niyang aso.

Napalunok na lang ako at napahinga ng malalim, kung alam mo lang Juanito na gagawin ko to para sayo baka mamatay ka na diyan sa kilig haha! Char!

Napaupo na ako at nagka-eye to eye contact kami ng aso niya. puting-puti at medyo malusog si Sampaguita, isa siyang 'Aspin' or Asong Pinoy. Itinaas ko na yung kamay ko at dahan-dahang hinawakan ko ang ulo niya.

Mas lalong napa-cute si Sampaguita at parang sarap na sarap siya kapag hinihimas-himas siya. parang unti-unting naglaho ang kaba ko at naging komportable na ang pakiramdam ko habang hinimas-himas si Sampaguita.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti nung nakita kong nakatitig sa akin si Juanito at hindi maaalis ang mga ngiti niya sa kaniyang labi. "Nagagalak ako makitang hinarap mo ang pagkatakot mo sa aso" tugon niya at napangiti pa siya ng todo. Uhmm... so para pala kaming nasa isang psychotherapy, para maalis ang phobia ko sa aso.

Sa totoo lang, hindi ko akalain na kailangan ko pang mapunta sa panahong ito para lang marealize ko na hindi naman pala dapat katakutan ang mga aso. Dahil sa oras na hindi natin nilabanan ang takot natin, patuloy itong maghahari sa buhay natin.



Mag-tatakipsilim na, nandito na kami ngayon ni Juanito sa likod ng pader ng hacienda Montecarlos yung malapit sa lawa ng luha at nadaanan din namin yung mga puno ng narra kung saan niya ako hinalikan noong isang araw. Kyaaahh!

Gusto ko pa sana tumigil doon at umasa na hahalikan niya ulit ako kaso nagmamadali na kami kasi baka dumating na si Don Alejandro sa mansyon at hanapin ako.

"Mag-iingat ka" tugon ni Juanito at kitang-kita ko sa mga mata niya na ayaw niya pa akong papasukin doon sa maliit na lagusan papasok sa hacienda Montecarlos. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Napangiti naman ako, ayoko makitang nalulungkot siya ng ganyan kaya hinawakan ko ang mukha niya. "Kailan ulit tayo magkikita?" tanong ko. at dahil dun napangiti na siya.

Napaisip naman siya "Bukas? Mamaya?" nakangiti niyang tugon.

"Agad-agad?" tanong ko, pabebe mode ako ngayon haha! At dahil dun natawa siya.

"Bakit hindi? Kahit pa araw-araw akong pumunta dito ayos lang basta makita kita" nakangiti niyang sagot. Kyaaahh! Dugdug! Dugdug!
Bigla namang uminit yung mukha ko. Shocks! Carmela baka makita ni Juanito na nag-bublush ka! nakakahiya huhu.

Nagulat naman ako kasi bigla niyang tinapat yung noo niya sa noo ko. halos maduling ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kyaahh!

"Alam ko nahihirapan ka din tumakas sa inyo, at ayokong magalit muli sayo ang iyong ama... siguro babalik na lang ako matapos ang sampung gabi" tugon ni Juanito. naramdaman kong pinulupot niya yung mga kamay niya sa baywang ko para itulak ako lalo papalapit sa kaniya. Kyaaahh!

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko kaya lang nagulat ako kasi bigla niya akong hinalikan sa ilong. Whaat? Kyaaahh!

"Sige na... magpahinga ka na, alam kong napagod ka sa lakad natin" sabi pa niya at humiwalay na siya sa'kin. naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko at natulala. Dugdug! Dugdug!

Gosh! hindi ko akalain na sobrang romantic pala kapag hinalikan ka sa ilong. Omgeee!

Naglalakad na siya paatras papalayo sa'kin pero nakangiti pa din siya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko. magsasalita pa sana ako kaso narealize ko nab aka pag nilakasan ko yung boses ko may makarinig na guardia personal sa amin.

Sumenyas siya sa'kin at itinaas niya ang sampu niyang daliri sa kamay. "Sampung gabi" iyon ang gusto niyang sabihin. Sakto namang may papadaan na kalesa kung kaya't agad siyang nagtago sa likod ng isang puno. Wala naman na akong nagawa pa kundi agad pumasok doon sa lagusan dahil baka makita ako nung kutsero ng kalesa na paparating.

Sinilip ko pa sa huling pagkakataon si Juanito sa pinagtataguan niya at nakita kong nakatakbo na siya papalayo. Whew!

Nakita ko naman na agad ang isang kahon na gawa sa banig itinago ni Esmeralda sa isang malaking bato sa gilid ng pader, laman niyon ang magarbo kong damit. Nagpalingon-lingon ako sa paligid at napansin kong wala namang tao kung kaya't dali-dali akong nagbihis at nagpalit ng damit. Inilagay ko na din doon sa kahon yung damit pangkasambahay.

Buti na lang dahil madali akong nakarating sa likod ng mansyon at sa kusina ako dumaan. Napalingon naman sa akin yung mga taga-luto. "Binibining Carmelita, ano pong ginagawa niyo dito?" tanong nung isang kasambahay na medyo maliit at payat.

"Ha? Ah—ehh wala lang, namasyal lang ako sa lawa ng luha" sagot ko. napatango-tango naman sila. Dali-dali na akong lumabas sa kusina, paakyat na sana ako ng hagdan kaya lang napatigil ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses ng babae mula sa likod ko.

"Kanina pa kita hinihintay, wala ka naman pala sa iyong silid" tugon ni Natasha. At nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. What the heck? Anong ginagawa niya dito sa teritoryo ko? ha!

Tinaasan niya ako ng kilay at naka-crossed arms pa siya saka dahan-dahang naglakad papalapit sa'kin "Sabi sa akin may sakit ka raw, pero mukha namang maaliwalas naman ang itsura mo ngayon" dagdag pa niya at tumigil siya sa tapat ko. hindi naman ako nakapagsalita dahil sa gulat. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at tumaas din yung kilay niya nung napatingin siya sa hawak kong kahon na gawa sa banig.

Kukunin niya sana yun sa'kin pero umatras ako. "A-ano ba kasing ginagawa mo dito?" pagtataray ko sa kaniya. Nagulat naman siya dahil sa ginawa kong pagtataray sa kaniya kaya mas lalong sumama yung mukha niya at tingin niya sa'kin.

"Binalaan na kita dati na huwag na huwag mong sasaktan ang mga kapatid ko, pero anong ginawa mo? nang dahil sa iyo lumayo si Helena! nang dahil sa iyo labis na naghihinagpis ngayon si Leandro!" galit niyang tugon. Hindi ko namang mapigilang mainis lalo kasi siya pa ang may ganang magalit sa akin ng ganyan kahit pa ako naman dapat ang magalit sa kanila dahil pinapatay nila si Josefina!

Hindi na ako nakatiis pa at lumapit din ako sa kaniya para tapatan siya. "Malaki ang kutob ko na alam mo rin ang lahat ng ginagawa ng kapatid mong si Leandro, hindi ba?" banat ko sa kaniya. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at sa pagkakataong iyon, kitang-kita ko sa reaction niya ang matinding takot dahil alam ko na ang totoo.

"Kaya mag-iingat ka sa akin... dahil hindi mo talaga ako kilala" banta ko pa sa kaniya. Totoo naman eh, hindi niya talaga kilala ang totoong ako, hindi niya alam na hindi ako si Carmelita na hindi kayang kumalaban sa kaniya.

Bakas sa kaniyang mga mata ngayon ang inis at galit. "¡No termino contigo !, ¡te arrepentirás de esto!" (I'm not done with you!, you will regret this!) galit niyang tugon at nakita kong nanginginig ang kamay niya ngayon sa galit. Kahit pa hindi ko maintindihan yung sinabi niya, malakas ang kutob ko na sinumpa niya ko.

"I don't care...Bitch!" banat ko naman sa kaniya. Napataas lalo yung kilay niya, akala niya siya lang ang marunong magsalita ng foreign language diyan ah!

Mga ilang segundo din kami nagtitgan doon, para kaming mga manok na magsasabong. Pero ilang sandali lang, napatingin siya sa ulo ko. "Mentiroso!" (Liar!) sabi pa niya sabay talikod na at umalis na siya.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko, haays! Grabe! Hindi ko akalaing may nag-eexist na katulad ni Shae sa panahong to. nako!

Ilang sandali pa, nakita kong pababa na si Esmeralda sa hagdan at nagmamadali siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Umakyat ka na sa kwarto, baka maabutan ka pa dito ng iyong ama" nag-aalala niyang tugon. Napatango naman ako, aakyat na sana ako sa hagdan kaya lang bigla niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako, at iniharap niya ako sa kaniya.

"B-bakit po?" nagtataka kong tanong. Agad namang napatingin si Esmeralda sa ulo ko at kinuha niya yung kulay green na tela na nakalagay sa ulo ko. Waaahh!

Shocks! Hindi ko napansin na suot ko pa din yung pampatong sa ulo na tela na iyon na sinusuot ng mga kasambahay. Halaaa!

Bigla kong naalala na tumingin si Natasha kanina sa ulo ko bago siya umalis. Hindi maaari! Nakita niya siguro na suot ko ang telang iyon!

Hindi ako makatulog buong gabi, bukod sa kinikilig ako sa date namin ni Juanito kanina, sobrang binabagabag din ako nung pag-uusap namin ni Natasha at natatakot ako na baka kung anong isipin niya dahil nakita niyang suot ko ang panlagay sa ulo ng mga kasambahay haays!

Bakit kasi ang careless mo Carmela! Huhu

Lumipas ang siyam na gabi, wala akong natanggap na balita mula kay Juanito. palagi lang ako nakatanaw sa bintana at nakatitig sa lawa ng luha at umaasa na matanaw ko siya doon. Akala ko nagbibiro lang siya na sampung gabi ko pa siya hihintayin, yun pala totoo. hindi ko mapigilang malungkot at mainis kasi namimiss ko na siya.

Ngayong ay ang ika-sampung gabi, nandito ako ngayon nakaupo sa hardin ng hacienda Montecarlos habang tinatanaw ang buwan, sa tingin ko bukas ay full moon na.

Nakakadagdag din sa liwanag ng gabi ang milyon-milyong nagkikislapang bituin sa langit. Sana nandito ngayon si Juanito at sabay naming pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan.

Napatigil ako at napalingon sa likod nang maaninag ko ang isang anino ng lalaki na nagtatago sa likod ng mga bulaklak. Agad akong napatayo at napangiti, ngayon na ang ika-sampung gabi, ang pangako ni Juanito na magkikita kami.

Napangiti na lang ako at inayos ko na rin ang sarili ko, talagang pinaghandaan ko ang gabing ito, nag-ayos ako ng todo, nagbihis ng bonggang-bongga at naligo pa sa pabango. "Lumabas ka na diyan, wag ka ng magtago pa, alam kong ikaw yan" tugon ko pa at nag-galit-galitan mode ako, syempre para suyuin niya ko haha!!

Pero biglang napawi ang ngiti ko nang lumabas na sa likod nung mga bulaklak yung lalaking nagtatago doon kanina at narealize ko na hindi pala siya si Juanito.

"M-magandang gabi Binibini" bati ni Leandro. Shocks! Anong ginagawa niya dito?!

Nagpalingon-lingon naman ako sa paligid, baka biglang dumating si Juanito dito at makita niyang kasama ko si Leandro, baka kung anong isipin niya Noooo!

"Mahal ko, pakiusap kausapin mo naman ako, handa kong kalimutan ang lahat magkabalikan lang tato" pakiusap niya pa pero hindi ko siya pinansin. Aalis na lang sana ako kaso biglang lumapit sa'kin si Leandro at hinawakan niya ang kamay ko pero agad akong kumalas sa pagkakahawak niya at hinarap siya. "Ayoko nang makausap ka! umalis ka na!" seryoso kong tugon sa kaniya. Napayuko naman siya at hindi nakaimik agad.

"Leandro... tama na! tapusin na natin to, kahit pa anong sabihin mo hindi na tayo magiging tulad ng dati" dagdag ko pa at napapikit na lang ako sa inis. Dahan-dahan naman niyang inangat ang ulo niya at napatingin ng diretso sa mga mata ko, napansin ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Bakit bigla kang nagbago Carmelita? Bakit parang hindi na ikaw ang dating Carmelita na kilala ko? Bakit kahit anong gawin ko at kahit itaya ko ang buhay ko sayo hindi mo pa rin magawang makita ang pag-ibig ko?" reklamo niya, at tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.

Naiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga gustong i-turn down siya ng ganito pero ito lang ang tanging paraan para hindi na niya ipilit ang sarili niya sa'kin at tigilan na niya ako.

"Tama ka, hindi na ako ang dating Carmelita na kilala mo, at hindi ko magagawang suklian ang pagmamahal mo" seryoso kong sagot. Napatulala naman siya habang patuloy pa din bumabagsak ang mga luha niya.

"H-hanggang ngayon ba hindi mo pa rin matanggap ang pag-alis ko noon? Akala ko ba naiintindihan mo na kaya ako umalis noon ay para tuparin ang pangarap ko na para rin naman sa ating dalawa kapag nagka-pamilya na tayo" tugon pa niya. napatingin naman ako ng diretso sa mga mata niya.

"Nagkamali ka Leandro, nakamit mo man ang iyong pangarap at nakuha mo man ang pinakamataas na posisyon... hindi na natin maibabalik ang dati dahil nagbago na ang lahat" sagot ko. masakit man tanggapin at harapin, gusto kong marealize ni Leandro na wala na siyang magagawa pa sa mga nangyayari ngayon.

Napapikit naman sa galit si Leandro at galit siyang napatingin sa mga mata ko "Nagbago na ba ang lahat? o nagbago lang talaga ang laman ng puso mo?" galit niyang tugon. Napayuko naman ako at hindi nakapagsalita agad.

"Alam kong may pagtingin ka kay Juanito! Alam kong siya na ngayon ang tinitibok ng puso mo! hindi ako bulag Carmelita!" sigaw niya pa. napatigil ako at gulat na napatingin sa kaniya, kasabay niyon ay biglang may alaala ni Carmelita na pumasok sa isipan ko...

Dito rin sa hardin na ito, huling nagkausap si Carmelita at Leandro, gabi na at palihim na nagtungo si Leandro sa hacienda Montecarlos para makausap si Carmelita sa tulong ni Josefina.

Dalawang linggo na lang bago ang nakatakdang kasal ni Carmelita at Juanito, at halos ilang buwan din nagpaparamdam si Leandro kay Carmelita pero hindi siya pinapansin ni Carmelita. Sariwa pa din sa puso ni Carmelita ang pag-iwan sa kaniya ni Leandro papuntang Cuba.

"Nagbago na ba ang lahat? o nagbago lang talaga ang laman ng puso mo?" galit na tugon ni Leandro. Hindi naman mapigilan ni Carmelita ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mga mata. At hindi rin siya makatingin ng diretso kay Leandro.

"P-patawad Leandro... pero hindi na dapat tayo magkita pa, nakatakda na akong ikasal kay Juanito... kaya lubayan mo na ako" pagsusumamo pa ni Carmelita. Napapikit naman sa galit si Leandro at pinagsisipa niya yung mga bulaklak sa tabi.

Hindi naman maawat si Carmelita sa pag-iyak at pagmamakaawa kay Leandro na tumigil na ito. Agad pinigilan ni Carmelita si Leandro na nagwawala na dahil sa galit. Pero napatigil siya nang bigla siyang tiningan ni Leandro at nanlilisik ang mga mata nito.

"Alam kong may pagtingin ka kay Juanito! Alam kong siya na ngayon ang tinitibok ng puso mo! hindi ako bulag Carmelita!" sigaw ni Leandro. Napatulala naman si Carmelita dahil hindi niya inaasahan na sisigawan siya ng ganun ni Leandro.

"Hindi ako tanga para maniwala na magpapakasal ka lang sa kaniya dahil sa utos ng iyong mga magulang! Alam kong ikaw ang nakiusap sa iyong ama na ikasal ka kay Juanito! Noong una ay inakala kong ginawa mo lang iyon upang kalimutan ako, pero napagtanto ko na kahit nandito na ako muli at nakikusap na magkabalikan tayo... palagi mong sinasabi na ayaw mong suwayin ang iyong pamilya... hindi ako tanga Carmelita! Alam kong nahulog na ang loob mo kay Juanito kaya gusto mong matuloy ang kasal niyo!" galit na galit na sigaw ni Leandro. Natanaw naman nila si Josefina na sumesenyas mula sa malayo na huwag silang maingay dahil baka may makarinig sa kanila, pero hindi ito pinansin ni Leandro.

Agad napaluhod si Carmelita sa tapat ni Leandro at napahawak siya sa kamay nito "L-leandro... patawad, h-hindi ko sinasadyang m-mahulog kay Juanito..." pagsusumamo pa ni Carmelita at humahagulgol na siya sa pag-iyak at pagmamakaawa kay Leandro.

Agad namang kumalas si Leandro sa pagkakahawak ni Carmelita at tiningnan niya ito sa huling pagkakataon, ang kaniyang mga tingin ay puno ng galit, poot, hinanakit at sakit.

"Pwes! Hindi ako makakapayag na maging maligaya kayo hanggang sa huli!... una mo akong minahal Carmelita, at sisiguraduhin kong ako rin ang iyong huling mamahalin... dahil akin ka lang!" seryoso niyang tugon at agad na siyang tumalikod.

"H-huwaaag! Leandro!... huwag mong sasaktan si Juanito!" pakiusap pa ni Carmelita pero hindi natinag si Leandro, at umalis na siya sa lugar na iyon dala-dala ang matinding galit at selos sa kaniyang puso.


Napatulala na lang ako kay Leandro at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko. "Bakit hindi ka makapagsalita ngayon Carmelita? Matagal ko ng alam na may relasyon kayo ni Juanito! akala mo siguro magagawa mo akong lokohin habambuhay, at ang tanga-tanga ko kasi umasa ako na kahit desidido ka noon na makipag-tanan kay Juanito ay baka sakaling magawa mo akong ibigin muli" banat pa niya. napahawak na lang ako sa bibig ko, tama nga si Laura, matagal ng alam ni Leandro na may namamagitan sa amin ni Juanito.

"Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang kataksilan mo? sinabi sa amin ni Heneral Seleno ang lahat, kahit pa binayaran siya ng iyong ama upang manahimik, ang katapatan ni Heneral Seleno ay nasa amin pa din!" sigaw pa ni Leandro. Napatulala na lang ako, ibig sabihin bago pa ang nakatakdang kasal namin ni Leandro ay alam na niya ang lahat tungkol sa amin ni Juanito. bigla kong naalala yung araw na itatanan sana ako ni Juanito kasama sila Ignacio, Eduardo at Maria pero hindi iyon natuloy dahil naabutan kami nila Don Alejandro, Maximo at Heneral Seleno.

Ibig sabihin matapos ang pangyayaring iyon, sinabi agad ni Heneral Seleno kina Gobernador Flores, Leandro at Natasha ang lahat. pero kahit alam na nila ang katotohanan, pinagpatuloy pa rin nala ang pagpapakasal sa amin ni Leandro.

Bigla ko ding naalala yung araw na humarap ako sa hukuman laban kay hukom Fernandez, sinabi ni hukom Fernandez ang lahat tungkol sa pakikipagtanan ko noon kay Juanito at hindi naman nag-react sila Gobernador Flores at Leandro.

Tinulungan pa nga ako ni Leandro makausap si madam Olivia sa kulungan, dahil umaasa siya na mapapaibig niya muli ako. pero ngayong alam ko na ang lahat, alam niyang hindi na niya makukuha ang puso ko.

"Hindi ka na muling malalayo sa akin Carmelita... at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin!" seryoso niyang tugon.

"At kung si Juanito lang ang magpapaligaya sa iyo, Hindi ako makakapayag na maging maligaya kayo hanggang sa huli!... una mo akong minahal Carmelita, at sisiguraduhin kong ako rin ang iyong huling mamahalin... dahil akin ka lang!" sigaw niya pa. biglang nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa tapat niya. hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko at parang binabalot ako ng matinding lamig at takot.

"W-wag! Leandro... p-pakiusap wag mong s-sasaktan si Juanito" pagsusumamo ko pa at napahawak ako sa kamay niya pero agad siyang kumalas sa pagkakahawak ko. tiningan niya ako ng masama sa huling pagkakataon siya tuluyang umalis nang may galit sa puso.

Hindi ko akalain na hanggang sa ikalawang pagsulat ng tadhana sa kwento ni Juanito at Carmelita... mapapaluhod lang din ako at magmamakaawa kay Leandro na wag niyang ituloy ang balak niya.

Bigla kong naalala yung clue na sinabi noon ni madam Olivia sa'kin tungkol sa taong nasa likod ng pagpatay kay Juanito.

ang taong iyon ay nasa paligid mo lamang,
palagi ka niyang minamanmanan
at ang bawat kilos mo ay kaniyang inaalam

palaging nasa tabi ko si Leandro, kahit minsan nasa ibang lugar siya alam niya pa din ang mga nangyayari sa akin at sa pamilya namin...

Parang biglang tumigil ang mundo ko nang marealize ko na...

Si LEANDRO ANG PUMATAY KAY JUANITO!




Tulala at nanginginig ako sa takot nang bumalik ako sa kwarto ko. agad kong binuklat yung diary, at sinulat doon lahat ng nalaman ko. bakit hindi ko agad naisip na dahil sa labis na pagmamahal ni Leandro kay Carmelita ay magagawa niyang patayin si Juanito. hindi rin mahirap sa kaniya ang pumatay ng tao dahil sa kaniyang propesyon.

Kailangan kong gumawa ng paraan! Kailangan kong mailigtas si Juanito sa kamay ni Leandro! Pero paano?

Halos buong gabi ako nag-isip ng plano, pero kahit anong gawin ko ay walang ideya na pumapasok sa isip ko. sinubukan ko ng kausapin si Don Alejandro at sabihin sa kaniya ang katotohanan noong isang araw pero hindi pa din siya naniwala sa akin. Bakit pa nga ba siya maniniwala sa akin eh madalas ko siyang suwayin at labagin ang utos niya.

Sana nandito si madam Olivia ngayon para sabihin sa'kin kung anong dapat kung gawin.

"Binibining Carmelita, ang aga ng gising mo ah" nagtatakang tanong ni Esmeralda, nakasilip siya ngayon sa pinto ko at naabutan niya akong nakaupo sa mesa ko at nakaharap sa bintana habang tulala at nag-iisip pa din kung anong gagawin ko.

"Hindi ako nakatulog" sagot ko. agad naman siyang pumasok sa kwarto ko at lumapit sa akin. Napailing-iling naman siya nang makita ang itsura ko ngayon. napalingon ako sa salamin sa gilid at narealize ko na ang gara nga ng itsura ko, sobrang lugmok ng mata ko at namamaga pa. at ang putla-putla din ng mukha ko.

"Bakit hindi ka nakatulog Binibini? Hindi ka ba natunawan?" nagtataka niyang tanong. Bigla naman akong napatingin sa kaniya at napahawak sa braso niya.

"A-anong gagawin mo kapag nalaman mong may papatay sayo?" diretso kong tanong. Mas lalo namang nagtaka ang mukha ni Esmeralda. Nabigla din siya sa tanong ko.

"B-binibini... may banta ba sayong buhay? Umaaligid baa ng mga rebelde sa paligid?" gulat na tanong ni Esmeralda. Napa-iling naman ako, at binitawan ko na siya. mukhang hindi din naman ako matutulungan ni Esmeralda mag-isip ng plano.

"Kailangan niyo mong ipagbigay alam iyan sa inyong ama, paano kung sundan nila si Juanito at makitang magkasama kayo? Siguradong dadakpin ka muli ng mga rebelde at baka ituloy na nila ang plano nila sayo, lalo na ngayong malapit ng ipataw ni Gobernador Flores ang polo y servicio" dagdag pa ni Esmeralda. Nabalitaan ko nga rin na kahit sa gitna ng tensyon ng pamahalaan dito sa San Alfonso at sa mga rebelde, walang balak tumigil sa pagpapatupad ng polo y servicio sila Gobernador Flores dahil sa paguudyok ni Don Alejandro.

"Huwag mo na itong sabihin kay ama, siguradong mas lalo siyang maghihigpit sa pagpapabantay sa buong hacienda at sinisigurado naman din ni Juanito na walang ibang nakakaalam ng pagkikita namin" sagot ko. tumango na lang si Esmeralda at tinapik ang balikat ko.


Dumaan ang buong araw pero wala pa din akong maisip na magandang plano, hindi ko sigurado kung paano papatayin ni Leandro si Juanito sa pagkakataong ito kasi naudlot na ang nakatakdang kasal namin ni Juanito kung kaya't hindi niya mapapatay si Juanito sa simbahan.

Pero Paano? Saan? At Kailan niya papatayin ngayon si Juanito?

Wala akong ideya sa kung ano ngayon ang tumatakbo sa isipan niya. Paano kung pinadakip na pala niya ngayon si Juanito kaya hindi na siya nakarating sa tagpuan namin kagabi?

Paano kung nalaman na niya kung nasaan ngayon si Angelito at gamitin na naman niyang panakot laban kay Juanito?

Mababaliw na ako!

Gabi na, pero buong araw na nagkulong lang ako sa kwartong ito, dinalhan na lang ako ni Esmeralda ng pagkain pero hindi rin ako nakakain ng maayos dahil binabagabag pa din ako ng mga posibleng gawin ni Leandro kay Juanito!

"Magpahinga ka na Binibini baka magkasakit ka" tugon pa ni Esmeralda. At may dala siyang isang baso ng gatas. Tama nga siya, kailangan ko munang magpahinga at irelax ang sarili ko para makapag-isip ako ng maayos.

Inabot na niya sa akin yung gatas at ininom koi yon bago humiga sa kama. Ilang sandali pa ay pinatay na niya yung gasera at umalis na siya. pero lumipas na ang ilang oras hindi pa rin ako makatulog. Narinig ko na rin ang tilaok ng manok, ibig sabihin madaling araw na.

Bumangon na lang ako at binuksan ko yung gasera, siguro kailangan ko ng sariwang hangin mula sa labas para makapag-isip ako ng maayos. Kaya nagtaklob ako ng balabal dahil mahamog sa labas, kinuha ko na rin yung diary dahil plano kong sa hardin na lang ako magsusulat. Binitbit ko na din yung gasera dahil madilim pa sa labas. Alas-kwatro pa lang ng umaga ngayon at madilim pa ang paligid.

Nandito ulit ako sa tapat ng hardin at pinagmasdan ko ng mabuti yung diary.

Carmelita... alam kong nandiyan ka, kung naririnig mo ako, tulungan mo akong iligtas si Juanito, hindi mo man napigilan si Leandro, ipinapangako ko sayong gagawin ko ang lahat para pigilan siya.

Napapikit na lang ako at sumandal sa upuan para damhin ang malamig na hangin at irelax ang utak ko pero ilang sandali lang nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. agad akong napalingon sa likod at nakita ko si Esmeralda na gulo-gulo ang buhok at mukhang nagmamadali.

"Binibini... Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, akala ko kung ano nang nangyari sa iyo" nag-aalalang tugon ni Esmeralda.

"Bakit? Ang aga mo naman akong puntahan sa kwarto?" tanong ko sa kaniya, hinahabol pa din niya ang kaniyang hininga.

"Nasa labas ng hacienda si Juanito, hinihintay ka niya" sagot ni Esmeralda at dahil dun napatayo ako bigla.

"Talaga? Nasaan si ama? Nakaalis na ba siya?" tanong ko, sobrang lakas ng kabog ng puso ko, hindi na ako mapakali, gustong-gusto ko na makita si Juanito.

"Opo Binibini, nakaalis na si Don Alejandro kanina pa" sagot niya. nito kasing mga huling araw, palaging madaling araw umaalis si Don Alejandro upang maabutan niya ang unang byahe ng barko sa daungan, siya na kasi mismo ang namamahala ng personal sa mga bigas, gulay, prutas at karne na pinapadala niya sa barko papuntang Maynila. Wala na kasi si Maximo na dating nangangasiwa sa aming negosyo.

Agad kong dinampot ang diary at sinamahan naman ako ni Esmeralda papunta sa pader sa likod ng hacienda Montecarlos. Ayoko namang iwan sa kaniya yung diary kasi baka basahin niya, at wala na akong balak pa bumalik muna sa kwarto para iwan yung diary dahil kanina pa pala naghihintay si Juanito sa labas.

"Bago magliwanag kailangan mo nang makabalik dito Binibini, hihintayin na kita dito" tugon ni Esmeralda, napatango naman ako at lumusot na ako sa lagusan. Napayakap na lang ako sa sarili ko at sa diary nang makalabas ako sa hacienda Montecarlos.

Ang lamig ng buong paligid at kitang-kita pa ang makapal na hamog na dahilan kaya hindi ko masyadong makita ang nilalakaran ko. may dala naman akong isang gasera ngayon, pero kulang pa din yung liwanag na binibigay nito. Ilang sandali pa, natanaw ko na ang mga puno ng narra na nakahelera sa gilid ng kalsada. Napansin ko na nalaglag ang mga patay na dahon sa mga puno at kumakalat ito sa sahig.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang may kakaiba akong nararamdaman. Naghahalong takot, lungkot at pighati ang nararamadaman ng puso ko. Pero kahit ganun, kailangan kong magpatuloy, kailangan kong sabihan si Juanito na layuan niya si Leandro at magtago muna siya.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa bung paligid, napatingala din ako sa langit at naghahari ngayon ang kabilugan ng buwan. Makapal din ang ulap sa kalangitan kaya natatakpan nito ang mga bituin.

Ilang sandali pa nagulat ako nang biglang may kamay na tumakip sa mga mata ko. at dahil dun agad kng siniko patalikod yung taong nasa likod ko ngayon at tinulak siya papalayo. Waaahh!

"A-raay!" narinig kong tugon ni Juanito na ngayon ay napaupo sa kalsada. Omg! At dahil dun agad akong lumapit sa kaniya. "Ayos ka lang? masakit ba?" nag-aalala kong tanong. Nakahawak siya ngayon sa sikmura niya kung saan nasiko ko siya. Omg!

"Bakit kasi nanggugulat ka? alam mo namang nakakasakit ako pag nagugulat" reklamo ko sa kaniya, nagulat naman ako nung bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya at niyakap niya ako. at dahil dun natumba ako sa ibabaw niya. Kyaahh!

"J-juanito..." magrereklamo pa sana ako sa kaniya pero nakita kong nakapikit na siya at nakangiti pa habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Omg! Paano kung may mapadaan dito ngayon? anong iisipin nila kapag nakita kaming nakahiga ngayon dito sa kalsada at magkayakap. Waahh!

"Dahil sa yakap mo parang nawala na lahat ng sakit ng sugat ko" nakangiti niyang tugon. Dugdug! Dugdug!

Hindi ko naman mapigilang mapangiti, Shemay! Ano baaa Juanito! Kyaaahh!

Ilang sandali pa, bumangon na siya at inalalayan din niya ako tumayo. Sa totoo lang gusto ko pa sana siya mayakap ng ganun katagal. Kyaahh! Ang landi mo Carmela!

Nagulat din ako nung may dinukot siya sa kaniyang bulsa at ipinakita sa akin yung kuwintas na gawa sa kahoy na binigay niya sa akin noon.

"Nakita ko ito sa silid ni Mercedes... wag mo ng iwawala ito ah" bilin niya pa, napatango naman ako. naalala ko na binalik sa akin ni Mercedes yung kuwintas pero hindi ko na nagawang isuot pa kasi dumating na si Ca-tapang at pinag-utos niya na pugutan ako ng ulo.

"Maaari ko bang isuot muli sa iyo ito Binibini?" nakangiti niyang tugon. Napangiti din ako at tumalikod sa kaniya para masuot niya sa'kin yung kuwintas. Napahawak naman ako ngayon sa kuwintas na nasa leeg ko na. sa totoo lang, parang nawawala lahat ng problema ko at gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing suot ko ang kuwintas na ito.

Hinawakan na niya ang kamay ko at dinala niya ako sa ilalim ng isang puno ng narra at sumandal kami doon. Nakaharap kami ngayon sa malawak na sakahan at nakatanaw sa kabilugan ng buwan.

"Pasensiya na kung natagalan ako sa pagdating... ayoko kasing maghinala si Ca-tapang dahil madalas na akong umaalis mag-isa, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makaalis sa kampo dahil binigyan niya kaming lahat ng isang araw para puntahan ang aming mga pamilya bago kami bumyahe mamayang gabi papunta sa Bulacan" tugon ni Juanito at dahil dun napatingin ako sa kaniya. Aalis siya?

"A-anong gagawin niyo sa Bulacan? Gaano kayo katagal doon?" tanong ko. hinalikan naman ni Juanito ang kamay ko. at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Hindi ko pa alam, pero sa tingin ko dalawang linggo kami mananatili doon, matindi rin ang pagpapahirap ng mga kastilang opisyal at prayle sa mga mamamayan ng Bulacan at nais gamitin ni Ca-tapang ang pagkakataong iyon upang makumbinse ang mga tao na kalabanin ang pamahalaang Espanya" tugon ni Juanito. bigla kong naalala na ang Katipunan ay naitatag noong July 7, 1892. At nagsimula ang himagsikan sa taong 1896.

Taong 1892 na ngayon, at ilang buwan na lang malapit na mabuo ang isang samahan na magwawakas sa ilang siglong pagpapahirap at pananakop ng mga Espanyol.

Inalapag ko na muna sa gilid ng puno sa tabi ko yung diary at napasandal ako sa balikat ni Juanito. "May sikreto akong sasabihin sa iyo" sabi ko sa kaniya. Naramdaman ko namang sumandal din siya sa ulo ko at nakatanaw kami ngayon sa kalangitan.

"Magkakaisa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila, hindi magtatagal ay makakamit din natin ang kalayaan laban sa mga Espanyol, ngunit may panibagong dayuhang bansa ang magkakaroon ng interes sa Pilipinas at sasakupin muli tayo, halos apat na dekada rin sila mamumuno hanggang sa dumating ang isa na namang panibagong bansa at sasakupin muli tayo, halos tatlong taon lang sila mamumuno sa ating bansa pero sa loob ng maikling panahong iyon ay makakaranas ng labis na abuso at hirap ang mga Pilipino, pero muli tayong makakalaya sa kanila dahil magbabalik ang pangalawang dayuhang bansa na sumakop sa atin ng apat na dekada, at hindi magtatagal ay tuluyan na tayong makakalaya sa lahat ng mananakop" tugon ko pa tapos napatingin ako kay Juanito na ngayon ay naweiwerduhan at nakangiti dahil sa mga sinabi ko.

"Isa ka bang manghuhula? Pero sana nga magkatotoo ang hula mo, sana makamit na natin ang kalayaan" tugon niya, maaliwalas ang mukha niya ngayon, napansin ko din na gumaling na ang mga gasgas at sugat sa pisngi niya at sa braso niya.

Hindi ko naman mapigilang matawa kasi pinagkamalan niya akong manghuhula, hindi ko naman masabi sa kaniya na hindi ako nanghuhula dahil totoong mangyayari ang lahat ng sinabi ko. makakalaya ang Pilipinas sa mga Kastila sa tulong ng mga Amerikano, pero magkakaroon din ng interes ang mga Amerikano sa Pilipinas at sasakupin din nila tayo, sa pagsapit naman ng World War II, darating ang mga Hapon at pataksil nilang bobombahin ang Pearl Harbor at lumipas pa lang ang sampung oras ay masasakop din nila ang Pilipinas at matatalo ang mga Amerikano. Sa loob ng tatlong taong pamumuno ng mga Hapon ay makakatikim ng labis na pang-aabuso at hirap ang mga Pilipino lalo na ang mga kababaihan. pero muling magbabalik ang mga Amerikano at matatalo nila ang mga Hapon.

Walang ideya si Juanito na lahat ng iyon ay malapit ng mangyari. at ang lahat ng iyon ay nakatala sa mga aklat ng kasaysayan na sa pagdating ng makabagong panahon ay unti-unti ng naglalaho dahil hindi na masyadong nabibigyang pansin ng mga kabataan.

"Sa tingin mo, ano na ang itsura at kalagayan ng Pilipinas sa paglipas ng isang daan at dalawampu't apat na taon?" (124 years). Tanong ko. napaisip naman si Juanito.

"Kung hindi magtatagumpay ang pag-aalsa namin laban sa mga Kastila malamang ay sakop pa din nila tayo hanggang sa panahong iyon" sagot ni Juanito. napatitig naman ako sa kaniya, hindi ko akalain na 124 years pala ang layo namin sa isa't-isa.

"Maraming Salamat sa inyo" sagot ko. napatingin naman sa akin si Juanito.

"Bakit ka naman nagpapasalamat?" nagtataka niyang tanong. Yumakap na lang ulit ako sa kaniya.

"Sa mga tulad niyo na matapang na lumalaban at isinakripisyo ang buhay para sa kalayaan ng Pilipinas, gusto kong pasalamatan kayo dahil sa inyo makakatikim ng maginhawang buhay at kalayaan ang mga Pilipino sa pagdating ng makabagong panahon" tugon ko. niyakap din ako ni Juanito ng mahigpit.

"Maraming salamat din dahil pinapahalagahan mo ang aming paghihirap at pagsasakripisyo" tugon niya. hindi ko naman mapigilang maguilty, dahil kung hindi ako napunta sa panahong to, siguro hanggang ngayon binabalewala ko pa din ang gating kasaysayan.

Sandali muna kaming napatahimk, gusto ko muna damhin ang tibok ng puso niya na rinig na rinig ko ngayon dahil nakayakap ako sa dibdib niya.

"Oo nga pala, may importante akong sasabihin sayo" tugon niya at dahil dun bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Sa oras na magtagumpay ang misyon namin sa Bulacan, nais ni Ca-tapang na magkaroon ng malawakang pag-aalsa at gusto niyang umpisahan iyon dito sa San Alfonso" tugon ni Juanito. napatulala lang ako sa kaniya.

"Kaya tumakas na kayo ni Don Alejandro, magtago na muna kayo dahil batid kong uunahin ni Ca-tapang pugutan ng ulo ang mga opisyal ng gobyerno dito sa San Alfonso" patuloy pa ni Juanito. hindi pa man nangyayari pero malakas ang kutob ko na magtatagumpay nga sila.

Bigla akong napahawak ng mahigpit kay Juanito nang maalala ko ang dapat kong sasabihin sa kaniya ngayon. "M-may importante din akong sasabihin sayo" panimula ko at tiningnan ko siya ng diretso sa mata, gusto kong makinig siya sa lahat ng sasabihin ko.

"Kailangan mo ring umalis muna dito sa San Alfonso at kahit anong mangyari wag na wag kang magpapakita kay Leandro, isama mo na rin si Angelito sa ligtas na lugar" tugon ko. nagtaka naman yung itsura ni Juanito.

"Hindi ako makakapayag na saktan niya muli ang kapatid ko, hindi ko uurungan si Leandro" tugon ni Juanito at mukhang desidido talaga siya na kalabanin si Leandro. Napailing naman ako.

"P-pero mas makabubuti kong lumayo na muna kayong dalawa... lalo ka na, hindi titigil si Leandro hangga't hindi siya nakapaghihiganti sa iyo" tugon ko pa. hinawakan naman ako ni Juanito sa magkabilang balikat.

"Alam kong hindi talaga titigil si Leandro hangga't hindi ka napapasakaniya, gagawin niya ang lahat para magkahiwalay tayong dalawa, pero hindi ako makakapayag na mangyari iyon, Hindi ako natatakot sa kaniya! Ipaglalaban kita hanggang sa huli!" tugon ni Juanito. napahinga na lang ako ng malalim at ginagawa ko ang lahat para makinig siya sa'kin.

"Juanito... sa pagkakataong ito, walang ibang makakapigil kay Leandro, hindi mo siya mapipigilan" sagot ko. biglang nagbago ang expression ng mukha niya.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya at bakas sa mukha niya na na-hurt siya sa sinabi ko. Halaa! At dahil dun hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. paano ko ba sasabihin to? paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya na hindi niya mapipigilan si Leandro dahil ako lang ang nakatakdang magligtas sa kaniya. Ako lang ang makakapigil kay Leandro.

"Malaki ang tiwala ko sayo Juanito, pero kasi-----"hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang umalingangaw ang putok ng isang baril at napasigaw si Juanito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumudugo na ngayon ang binti niya. "Unang bala para hindi makatakbo" narinig naming tugon ni Leandro na nakatayo sa di-kalayuan. Parang biglang nalamig ang buong katawan ko!

Hindi maaari!

Paano niya nalaman na nandito kami?!

Agad akong tumayo at hinarang ko ang sarili ko kay Leandro na ngayon ay namimilipit sa sakit dahil sa tama ng bala sa kaniyang binti at nakasandal siya ngayon sa puno.

"T-tumigil ka na Leandro" pakiusap ko sa kaniya. Pero ilang sandali lang ay biglang may ilang mga guardia civil ang nagmamartsa sa likuran niya. agad akong lumingon kay Juanito at inalalayan ko siyang tumayo.

"S-sa pagbilang ko ng tatlo... t-tumakbo ka na ah... i-isa---"hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi binaril ulit ni Leandro si Juanito sa balikat. Dahilan para mapahawak si Juanito sa puno at mapasigaw sa sakit.

Nanginginig na ako ngayon sa takot at parang mababaliw na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. hindi na makakatakbo pa si Juanito dahil sa tama ng bala sa kaniyang binti at balikat.

At dahil dun niyakap ko na lang siya ng mahigpit para palakasin ang loob niya at hindi na siya barilin pa ni Leandro dahil nakaharang ako.

"Tama nga ang kutob ni Natasha na palihim kayong nagkikita ng lalaking yan!" galit na tugon ni Leandro. Hindi naman ako makapagsalita, parang namamanhid na ang buong katawan ko, hindi ko na rin mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko habang yakap-yakap ng mahigpit si Juanito.

"A-ayos lang ako, h-huwag ka ng umiyak" nanghihinang tugon ni Juanito at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya. kitang-kita ko kung gaano niya tinitiis ngayon ang sakit ng mga balang tumama sa katawan niya. napansin ko din na may namumuong luha sa mga mata niya pero nagagawa pa din niyangg ngumiti sa akin para tumahan na ako.

"K-kahit a-anong mangyari... w-wag kang mamamatay... w-wag mo akong iiwan" pagsusumamo ko sa kaniya, at isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya. hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak, parang masisiraan na ako ng bait.

"Conseguirla!" (Get her!) narinig kong utos ni Leandro sa mga tauhan niya at agad nila akong hinila papalayo kay Juanito.

"WAAAAG! SANDALI! PAKIUSAP!" sigaw ko pa pero agad nila akong tinulak paluhod sa tapat ni Leandro. At agad nilang hinila si Juanito at itinulak sa gitna.

Napaupo naman si Leandro at tiningnan ako ng mabuti, "Ikaw ang nagpahamak kay Juanito, kung kaya't huwag mo akong sisihin sa gagawin ko sa kaniya ngayon... kahit anong mangyari, isa pa rin siyang rebelde, at ano ang ginagawa namin sa mga rebelde na kumakalaban sa pamahalaan?" tugon ni Leandro. Gulat lang akong napatulala sa kaniya, Hindi! Hindi! Hindi!

Ilang saglit pa nakita kong dumating ang iba pang grupo ng mga guradia civil at kasama nila si Natasha. Nakatingin siya sa'kin ngayon at mukhang natutuwa siya dahil nahuli na kami.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita yung tela na nilalagay sa ulo ng mga kasambahay, at ilang saglit pa may dalawang guardia civil na dumating at hila-hila nila si Esmeralda na bugbog sarado na ngayon at hinang-hina na.

Ibig sabihin... naghinala nga si Natasha nung nakita niyang may suot akong tela na nilalagay sa ulo ng mga kasambahay, at dahil dun pinasundan na niya ako.

Ibig sabihin... ang dahil sa'kin natunton nila kami ngayon dito. Nang dahil sa akin, mapapahamak si Juanito!

Hindi naman ako nakagalaw nung lumapit sa akin si Leandro at bumulong sa tenga ko "Ang totoo niyan... rebelde man siya o hindi, papatayin ko pa rin siya, sinabi ko na sayo... hindi ko hahayaang maging maligaya kayo hanggang sa huli" seryoso niyang tugon, kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na galit.

At dahil dun agad kong hinawakan ang kamay niya at lumuhod ako pauli-ulit sa tapat niya. "P-pakiusap wag mong gawin ito... Leandro nakikiusap ako parang-awa m-mo na" pagsusumamo ko pa sa kaniya. Pero nagulat ako nung bigla siyang tumayo at kumalas sa pagkakahawak ko.

"Noong nakiusap ako sa iyo na magkabalikan tayo... nakinig ka ba sa akin?" galit niyang tugon. Napatulala naman ako at hindi na ako makahinga pa dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi diba? Kaya may karapatan din akong hindi makinig sa pakiusap mo" diretso niyang tugon at agad siyang humarap sa mga tauhan niya, at sinenyasan niya ang mga ito. Agad namang sumaludo sa kaniya yung mga tauhan niya at pinalibutan nila si Juanito.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, agad akong napatayo at tatakbo sana ako papunta kay Juanito pero agad akong pinigilan nung dalawa pang guardia civil at hinawakan ako sa magkabilang braso.

Sinubukan namang bumangon ni Juanito at agad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo na nakaipit sa damit niya. habang ang isa namang niyang kamay ay nakahawak sa balikat niya na hindi na maawat ngayon sa pagdudugo.

"LUMAYO KAYO!" sigaw ni Juanito at agad niyang winasiwas sa ere ang kutsilyo na hawak niya para hindi siya malapitan ng mga guardia civil na nakapalibot ngayon sa kaniya. Agad namang lumapit sa kaniya yung isang guardia civil na nasa likod niya at sinakal siya gamit yung mahabang baril.

"WAAAAG! TAMA NAAAA!" sigaw ko pa, ginagawa ko ang lahat para makawala sa pagkakahawak nung mga guardia civil sa'kin pero hindi ako makawala sa kanila. agad namang pinaghahampas, pinagsusuntok, at pinagsisipa ng mga guardia civil si Juanito dahilan para mapasuka siya ng dugo.

Hinampas nung isang guardia civil sa mukha si Juanito dahilan para mapabagsak si Juanito sa lupa. "TUMIGIL NA KAYO! TAMA NA YAAAN!" sigaw ko pa, hindi na maawat ang pagbagsak ng mga luha ko sa mata. Halos mapaos na rin ako sa kakasigaw na tumigil na sila pero parang wala silang naririnig, patuloy pa rin nilang binubogbog si Juanito.

Nakita kong napatingin sa akin si Juanito, habang nakadapa sa lupa, duguan na ang kaniyang buong mukha at katawan, hindi na rin niya maimulat ng maayos ang kaniyang mga mata. Sa pagkakataong iyon parang unti-unting nadudurog ang puso ko habang pinagmaamsdan ang kalagayan niya. halos namnhid na din ang buong katawan ko at sobrang nanginginig na ako ngayon dahil sa takot na mawala siya.

"Disparale!" (Shoot him!) narinig kong utos ni Leandro kay kolonel Santos na nasa tabi niya ngayon, nagulat naman si kolonel Santos at napatingin kay Juanito. dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Juanito at tinutok na niya ang baril niya kay Juanito.

"HINDI! WAAAAG! PAKIUSAP!" sigaw ko pa, mukhang kabado din naman ngayon si kolonel Santos at bakas sa mukha niya na hindi niya kayang barilin si Juanito. at dahil dun napamura sa inis si Leandro at itinulak si kolonel Santos papalayo.

"Wala kang kwenta!" sigaw niya kay kolonel Santos. Parang bigla namang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang binubot ni Leandro ang baril niya at itinapat iyon kay Juanito. sinubukan naman ni Juanito na bumangon sa huling pagkakataon at hinarap si Leandro.

"Ahora puede descansar en paz" (You may now rest in peace) galit niyang tugon at bigla niyang pinaputukan ng tatlong beses si Juanito.

~Yakapin mo ako ng mahigpit, bago ka umalis
Hawakan mo ang aking kamay at muli mong hagkan, bago ka lumisan.
Maari bang sabihing muli. Na ako lang ang 'yong mahal
At wala nang ibang hahadlang
Sa ating pagmamahalan~

~Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik
Nandito lang ako ano man ang mangyari
Baunin mo sa'yong pag-alis mga ligaya ng nakaraan
Maghihintay ako~

"WAAAAAG!" sigaw ko pa at biglang nanghina ang mga tuhod ko, binitawan naman na ako ng mga guardia civil dahil para mapabagsak ako sa lupa.

Agad bumagsak sa lupa si Juanito, parang bumagal naman ang buong paligid ko at wala ng boses na lumalabas sa lalamunan ko, hindi ko na mapigilan ang walang humpay na pagbuhos ng mga luha ko habang pinagmamasdan ngayon si Juanito na nakahandusay sa lupa.

Sa huling pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ni Juanito, nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin, sinubukan naman niyang itaas ang kaniyang kamay para abutin ako pero hindi na nangyari iyon dahil bumagsak na sa lupa ang kaniyang kamay at unti-unti na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Kasabay ng pagpikit ng kaniyang mga mata ay natanaw ko ang biglaang pagkasunog ng diary ni Carmelita na nasa tabi ng puno.

Parang biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ako nagtagumpay sa misyon.
Hindi na ako makakabalik. At ang pinakamasakit sa lahat ay ang katotohanang... Wala na si Juanito.


*******************
Featured Song:
'Maghihintay Ako' by Jona


[Dapat mayroong isang GIF o video dito. I-update na ang app ngayon upang makita ito.]

"Maghihintay Ako" by Jona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro