Chapter Eighteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie's POV

Nasa school na kami ni Chloe and we're on our way to our room nang nagulat kami na biglang tumambad saming harapan si Andrew na may nakakalokong ngiti.

"What?" Tanong ko. Lumapit naman siya sakin at biglang inintertwine ang mga kamay namin.

"Nag trending tayo kagabi, sweetheart." Sabi niya sakin at itinaas ang mga kamay namin, "Perfect!" Dagdag niya habang pinagmamasdan ang kamay namin.

Napatawa nalang ako at binitawan yun.

"Baliw." Sabi ko at hinila na si Chloe papasok sa classroom namin.

Nagtawanan kaming tatlo habang pumapasok pero natigil ito dahil may humarang samin.

"Well, well, well," Sabi ni Lenny habang naka cross-arms, "Look who's here, ang malanding fake Debbie." 

"Obviously, like classroom ko 'to girl." Sabi ko at napairap. Duh! Bobita!

Napa shrug lang si Lenny at umayos nang tayo.

"Alam mo bang may fashion show kami mamaya? I would like to invite you." Lenny sabay bigay nang ticket sakin.

Napatawa nalang ako at napa cross arms.

"Busy ako, I'm sorry." 

With that, umalis na ako at dumeretso sa upuan ko. Ganun din ang ginawa nila Chloe at Andrew. 

"Busy ka sa alin?" Biglang tanong ni Adrian.

"Work." Sagot ko habang inilabas ang mga gamit na kailangan namin para sa first subject namin.

"Work or date?" 

Napatigil ako at hinarap siya, "Stop it, Adrian." 

"Stop what?" Tanong niya, halatang naiinis siya. Luh, dapat ako yung naiinis dito e!

"Diba sabi ko sayo TRABAHO?" Naiinis kong sabi.

Bumuntong hinga naman siya at bumalik na sa pagbabasa.

After our morning classes, sabay kaming nag lunch nina Chloe at Andrew, habang bumibili si Chloe nang pang round 2 niya hinarap ko si Andrew.

"Let's stop pretending." Sabi ko sa kanya.

Muntik naman siyang nabilaukan kaya binigyan ko agad siya nang tubig.

"What? Stop? Bakit?" Tanong niya nang naka kunot-noo.

"Na realize ko lang na parang naka trap ka sakin. E, single ka pa naman." Sabi ko at kumain nang salad.

"Ok lang nga sakin." 

"Hindi na ok sakin." 

"Bakit?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko, "Gusto mo na ulit siya?" 

Napatahimik ako sa kanyang sinabi at napayuko.

"Hindi yan, I think kailangan ko nalang talagang mag move-on and enjoy life without such limits." 

+++

"Wow! Debbie! Ang ganda naman dito!" Chloe habang pinalibot ang tingin sa buong lugar. Tapos na ang klase at nasa fashion house na kami ngayon.

That afternoon, hindi kami gaano nagkausap ni Andrew dahil sa sinabi ko during lunch.

"Ashbie!" Isang baklang photographer. Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti. "Tara na?" 

Tumango naman ako at pumunta na do', of course habang kinaladkad si Chloe dahil ayaw sumama dahil doon daw siya sa may mga lalake. Like seriously!? 

"Sige pose!" 

Nag pho-photoshoot na ako ngayon since Papa decided to move it for today for unknown reasons, last set ko nato and nasa gilid lang si Chloe nakikipagusap kela Papa. 

"Ok! Good!" Photographer.

"Thank you." Sabi ko at nagmadaling pumunta sa kanila.

"Debbie!" Sigaw ni Chloe noong nakalapit na ako. "May fashion show ka tomorrow! Fanmeet din!" 

"What?!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro