Chapter Seventeen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Debbie's POV

"ATE DEB!"

Gulat akong napabangon sa kakatulog at tinignan ang kapatid kong si Diane na super excited.

"Nandito na sila Dad!" Siya sabay yugyog sakin.

Narinig ko ang sinabi niya, pero yung katawan ko hindi sumasabay sa iniisip ko na dapat na akong tumayo para bumati kay Papa. Inaantok pa ako e!

"Debbie, may mga bisita tayo. Ayusin mo yang pagmumukha mo bago bumaba."

Napairap nalang ako at tinignan nang masama si Kuya.

"I hate you." Sabi ko at pumunta sa CR.

"I hate you too." Kuya bago kinaladkad si Diane palabas nang kwarto ko.

Kahit kailan, ang epal pa rin ni Kuya. Ano ba naman kasi yung nagustuhan ni Chloe sa Kuya kong asungot?

Nagmamadali akong naligo at inayos yung sarili tsaka bumaba. Maaga pa kasi masyado ngayon at may klase pa ko by 7:30 at 6:00 pa ngayon.

Pagbaba ko, laki tuwa ko nang makita ang mga taong may malaking papel sa pag ayos nang buhay ko.

"Chéri!" Mrs. Roberts sabay extend sa arms niya. Chéri is a french word for darling. I ran para e hug siya, ganun din ang ginawa ko sa iba, pero pagdating kay Papa syempre may halong kiss sa cheeks!

"We are so excited para makatrabaho ka ulit." Mrs. Lillies habang hawak ang dalawa kong kamay.

Ngumiti naman ako at tumingin kela Mama at Papa.

"Can I?" Tanong ko sabay pout. Please, gusto ko talagang gawin ulit.

"Sabi ko naman sayo diba, na sayo lang ang desisyon, Deb." Papa habang hawak-hawak si Mama sa bewang.

Tumango naman ako at hinarap ang mga taong tumulong sakin noong nasa Paris pa ako.

"Of course! I'm really honored!" Masayang sabi ko.

Nagyakapan naman kami and konting kwetuhan while nag bri-breakfast hanggang sa 7 AM na.

"I have to go." Sabi ko sabay tayo at kuha sa bag ko. "Masaya akong makita kayo muli." Dagdag ko sa kanila.

"Deb, if you don't mind. Tomorrow na yung shoot?" Mr. Andrews.

Napagisip naman ako, well, tomorrow's Saturday, no class. Definitely free!

"I'm fine with it!" Sabi ko at nag wave na sa kamay ko. "Au revoir!" Sigaw ko bago umalis sa bahay. Bye lang yun in english.

Paglabas ko, nakita ko ka agad ang kotse nila Chloe na naghihintay. Bumaba yung window sa passenger seat at nakita ko na ang pagmumukha nang best friend ko.

"Wow! Aga ah!" Pangaasar niya. 

Noon kasi, kung siya na yung susundo sakin, palagi akong nalilate dahil ang bagal ko masyadong kumilos.

Napatawa nalang ako habang umiiling at lumapit sa kotse nila.

"So what?" Sabi ko.

Binuksan na niya ang pinto nang kotse nila kaya'y pumasok na ako.

"Seryoso, ba't maaga ka?" Tanong niya nung umandar na ang sasakyan.

"Dumating sila Papa at yung mga friends niya. Mag sho-shooting ako tomorrow, sama ka?" Agad kong share sa kanya.

Lumaki naman ang mga mata ni Chloe at bigla akong nasapak sa braso.

"Shooting!? As in photo shoot para sa modeling mo?!" Chloe.

Napatawa naman ako at gumanti sa sapak niya.

"Yep! Sama ka?" 

"Sino ba namang hindi! Gurl~ lokaret mo! Ibang level ka na!" 

"Eiii, tigilan moko! Lalaki ulo ko nito!" Sabi ko sakanya.\

Heto na naman kami, unti-unting bumabalik kagaya noon. Yung mga biruan na kami lang tumatawa at masaya kaming dalawa. 

Nagiging masaya na rin ako sa sitwasyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro