Chapter Twenty

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Heyyya! Thank you sa mga votes and comments!


Debbie's POV

Natapos na ang fan meet kaya nasa backstage na ako, kumakain sa gilid. Nakita ko naman si Chloe na tumakbo palapit sakin na may malapad na ngiti sa mukha.

"Oh?" Tanong ko nang makalapit na siya.

"May bisita ka." Nakangiti niyang sabi at tinusok yung tagiliran ko.

Luuh, anyare nito?

Napansin niya naman ang pagkaweird out ko sa kanya kaya umirap siya at agad akong itinayo sa pagkakaupo.

"Whaaaat?" Pag whine ko sa kanya.

"Basta!" Sabi niya at napa shrug, "Just follow me!" Dagdag niya at hinila na ako.

Nakapunta kami sa isang sulok at nakita muli siya.

Sheemay, akala ko umalis na siya!

"Congrats, Deb." Sabi niya at ibinigay ang bouquet of flowers. 

Nagdalawang-isip naman ako kung tatanggapin ko iyon pero tinanggap ko nalang. Sayang naman ang perang ginamit niya at effort para bilhin ito kung hindi ko ito tatanggapin.

"Salamat." Sabi ko na agad nasundan nang ngiti. 

"Debbie!" 

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nang boses at nakita sila Papa.

"Oh! Who are you?" Mrs.Lillies habang palapit samin.

Napakamot naman ako sa ulo ko at tumabi kay Andrew.

"Uh, meet my," Nagkatinginan naman kami ni Andrew, "friend." Sabi ko at tumingin kela Papa. 

Narinig kong napa-chuckle si Andrew pero hindi ko nalang ito pinansin at naghintay sa magiging reaksyon nang iba.

"Kaibigan nga ba?" Mr.Williams at tumingin kay Papa na napabuntong hininga.

"Pa." Annoyed kong sabi. Aba hindi ba naman ako paniwalaan!

"Kasi dear, may chemistry kayong dalawa." Singit ni Mrs.Roberts sa usapan.

"To be honest, you look good together." Mr.Andrews.

Pumalakpak naman si Chloe sa gilid at pinaglapit pa kami ni Andrew nang husto.

"Paaak! Bonga! Sabi ngang bagay kayo e!" Chloe.

Pinandilatan ko naman siya sa mga mata ko. Kung hindi ito titigil, hahampasin ko talaga siya sa pinakaunang bagay na mahahawakan ko!

"Di mo ba ako type?" Biglang sabi ni Andrew.

Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko sa katawan at agad ko siyang binigyan nang masamang tingin.

"Seriously, Andrew?!" Inis kong sabi at tinulak siya palayo sakin.

"Tsk, sayang. Type pa naman kita." Dagdag pa niya.

Agad namang nagsitilian ang mga taong nakarinig sa sinabi niya while ako naman pinipigilan ang sarili na itapon 'tong bouquet na ibinigay niya sa pagmumukha niya.

"Stop." Warning ko sa kanya.

Pero nag tongue out lang yung gag*! Hilain ko kaya yan!

"Uyyy, galit siya meaning may feelings siya." Pangungulit pa ni Chloe.

"DUH! ANGER IS AN EMOTION. Obviously, may feelings ako dahil hindi naman ako robot! Tao ako noh!" Galit kong sigaw sa kanya, pero tinawanan lang ako nang bruha.

"Ows," Andrew. 

"Manahimik ka dyan!" 

"Tao ka?"

Napairap naman ako, "Of course?" Pagtataray ko pa.

"Akala ko dyosa e." 

And again, nagsitilian naman ang mga tao dun. Ako naman ay namula na sa inis at sa kornihan niyang sinasabi.

"Kaibigan nga ba, Debbie?" Pangaasar ni Papa sakin.

"PA! PATI BA NAMAN IKAW?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro