Kabanata 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Away

After his confession, he received a call from the airlines he is working with. Kailangan niyang lumuwas ng Maynila nang gabing din iyon dahil kailangan daw siya ngayon doon. Akala ko pa man din ay mananatili siya sa akin pagkatapos ng mga sinabi niya. Babawi na lang daw siya pagkauwi niya.

Wala naman akong nasabi pagkatapos niyang umamin sa akin. Basta na lang akong yumakap sa kanya, sa tingin ko naman nakuha niya ang ibig kong sabihin. Hindi ko pa kayang pantayan ang nararamdaman niya sa akin. Wala pa ako sa puntong mahal ko na siya. Papunta pa lang ako at alam kong malapit na.

Isang mahinang sabunot ang natamo ko kay Mina at isang tili naman ang pinakawalan ni Woni nang sabihin ko sa kanila ang nangyari noong Sabado. Lunes na ngayon at kailangan ko na namang magtrabaho at harapin ang dalawang ito na halos bugbugin na ako dahil sa kilig na nararamdaman nila. Parang walang mga sariling love life kung makaasta.

"I'm sure, pagdating no'n, lalanggamin kayong dalawa. Ganoon ang jowa ko noon pagkatapos umamin, parang naging kamag-anak siya ng asukal sa sobrang sweet," sabi ni Mina.

Noong hindi pa nga siya umaamin ay umaapaw na sa ka-sweet-an si Yohan, hindi ko na rin alam kung anong susunod sa amin n'yan. Nagbasa ako ng mga comments sa post niya noong Saturday, iilan lang ang nag-comment na kilala ko at karamihan ay puro mga friends na niya. Puro pangtutukso o kaya sana all ang comment doon pero may isang nakaagaw ng atensyon ko. Mula ang comment sa isang lalake na naka-uniporme ring pangpiloto.

Congrats p're. Panalo ka na. 💸

Hindi ko makuha ang ibig sabihin no'n pero maraming nag-react ng 'haha' at mayroon ding 'sad'. Madaming reply sa comment na iyon at ang pinakahuli ay kay Yohan galing.

Bro, stop.

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung para saan iyon. Muntik ko pang mabitiwan ang cellphone ko nang mag-vibrate iyon. Yohan is requesting for a video call. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at nagsuklay nang kaunti bago sinagot ang tawag niya. Pagsagot ko ng tawag ay nakita ko kaagad si Yohan na nakaputing sando at nakasandal sa headboard ng kama. Ang alam ko ay international flight ang trabaho niya ngayon. Nasa hotel siguro siya.

"Good afternoon there, sugarpie." His voice is a little raspy. Magulo ang buhok niya at isang puting unan ang yakap niya. His biceps are flexing too much. Nag-iwas tuloy ako ng tingin dahil naakit ako nang sobra.

"Good evening?" patanong na sabi ko dahil hindi ko alam kung anong oras naman doon.

He chuckled. "Almost, nasa trabaho ka?" tanong niya at humiga na sa kama.

Tumango ako. Sinandal ko ang cellphone sa folder holder para makapagtrabaho pa rin ako habang kausap siya.

"Hindi kita makakausap nang maayos ngayon, Yohan. Madami akong tinatapos na reports ngayon," sabi ko at sinulyapan siya.

Nakatagilid na ang higa niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin pero ang mata ko ay nasa screen ng computer.

"You are busy. Kahit hindi mo ako kausapin ngayon, titigan na lang kita."

Pinigilan ko ang ngiti ko at patuloy lang sa ginagawa. "Dapat matulog ka na, parang puyat ka."

"Ganto lang tayo hanggang sa makatulog ako," sabi niya at humikab.

Gusto kong tanungin sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng mga comment ng mga kaibigan niya sa post niya pero isinantabi ko na lang iyon. Saka ko na lang siya tatanungin. Nagpaalam ako sa kanya sandali dahil may ipapasa akong papel sa kabilang department. Iniwan ko ang cellphone ko roon at m-in-ute ko muna ang mic ko para hindi siya makarinig nang kung ano sa background.

Sandali lang ako nawala pero pagbalik ko ay nandoon na si Woni at Mina kasama ang boss ko. Kaway-kaway pa sa cellphone ko ang dalawang baliw. Tawang-tawa sila nang makita ako.

"Ang gwapo pala ng boylet mo, Feliz. Pwedeng maki-share?" sabi ni Ma'am Tan at saka tumawa.

Sinara ko ang pinto ng office bago sumagot, baka lumabas ang aircon. "Akin lang 'yan. Hindi pwedeng makisalo."

Nag-alisan si Woni at Mina nang pagtutulak ko si palabas. Tawa lang sila nang tawa at hindi ko maintindihan kung bakit. Mabuti na lang at naka-mute ang microphone ko. O akala ko lang...

Huli na nang ma-realize ko na in-unmute pa lang ng dalawang bruha ang microphone ko kaya rinig na rinig ni Yohan ang sinabi ko kanina. Kung paano ko siya inangkin at iimot. Ngiting-ngiti tuloy ang mokong kahit na halata sa mga mata ang puyat.

"M-Matulog ka na nga, Yohan." Umirap ako dahil sa kahihiyan.

"Kailan lang ay tinawag mo akong 'baby', ngayon, inangkin mo na ako. Hindi mo ba alam kung paano mo ako pinapaligaya sa mga simpleng mga salita mo. Gusto kong ulit-ulitin mo iyon pero ayoko namang pilitin ka. Mahal kita, sugarpie. Gusto kong ikaw ang makikita ko hanggang sa makatulog ako." He smiled.

Hindi ako nakapagsalita at kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko. Wala naman siyang reklamo kung hindi ako makasagot sa mga pagtatapat niya pero alam kong naghihintay din siya na may sabihin ako. Hindi ko pa kaya, wala pa akong lakas ng loob na buksan ang puso ko. Kasi hanggang ngayon, parang nananiginip pa rin ako. Parang imposibleng may Yohan ako ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nandito pa rin ang takot ko na baka sa oras na buksan ko ang puso ko ay sakit lang ang maramdaman ko.

Pinagmasdan ko siya habang nakapikit na ang mga mata niya, bakas sa malalim niyang paghinga na nakatulog na siya nang mahimbing. Hinaplos ko ang screen na parang hinahaplos ko rin ang pisngi niya. Bumuntonghininga ako at pinatay na ang tawag. Pinadalhan ko na lang siya nang mensahe na tawagan na lang ulit ako kapag kaya niya. Natapos ang araw ko sa loob ng trabaho na hapong-hapo ang pakiramdam ko, may sore throat pa rin ako at medyo masama pa rin ang pakiramdam ko.

Isang mensahe mula sa hindi kilalang account ang sumulpot sa message request ko. Tiningnan ko ang picture na tanging laman ng mensahe. It was Yohan talking and smiling with a brunette woman. He was wearing his uniform and the woman, I think, is a flight attendant. Nasundan pa ang litrato ng isang mensahe na mas lalong nagpasama sa loob ko.

Mas bagay sila, ma'am...(•‿•)

Tinitigan kong muli ang litrato na nasundan pa ulit ng isa pang litrato. This time, naglalakad sila patungo kung saan. Hindi ko alam, ayokong mag-overthink. Parang dinudurog ang puso ko.

Kahit nanginginig ang mga kamay ko at hindi na rin ako makakita nang maayos dahil sa mga naipong luha sa mga mata ko na hindi pa magawang bumagsak.

Sorry...

'Yan ang reply ko sa nagpadala ng litrato. Siguro ay kaibigan ito ni Yohan at sa tingin nila ay hindi ako bagay para sa kaibigan nila. Kung titingnan kasi talaga, hindi talaga kami bagay ni Yohan, sa edad pa lang, lalo naman na sa itsura. Wala akong panama sa babaeng kasama niya ngayon. Ang pinanghahawakan ko lang ay ang ideyang mahal ako ni Yohan. Sobrang hirap kong magtiwala. Gusto kong paniwalaan at tanggapin nang buo ang mga salita ni Yohan pero ang hirap...

Sinagot ko ang tawag ni Yohan, hindi ko na alintana kung sumisinghot pa ako rito dahil sa sipon.

"I didn't know what my friends do. Hinihintay lang namin kanina na matawag kami para flight namin pauwi. Lovely is an acquaintance," nagmamadaling paliwanag niya.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ang screen ng cellphone.

"Sugarpie, are you crying? I'm so sorry. Please, don't cry. Hindi ko kayang makipag-usap nang matagal. I need to drop this call soon. Please, tell me that we are okay," he sounded so worried. Kung magulo ang utak niya habang nasa himpapawid ay baka hindi maging maayos ang trabaho niya.

"Yohan," I sniffed. "Don't worry about me. Nandito lang naman ako. Hindi naman ako aalis. Mag-usap tayo kapag nakauwi ka na. Babalik ka pa rin naman sa akin, hindi ba?" The idea of him not coming back to me breaks my entire system. Hindi ko kaya.

"Of course, sugarpie. Babalik ako sa iyo bukas. Don't mind my friends. Deactivate your FaceGram account. Kahit tayo na lang ang mag-usap palagi," he said.

"Eyes on the clouds, baby. I'll see you tomorrow," I said then dropped the call.

Sinunod ko ang sinabi niya na i-deactivate na lang ulit ang account ko. Mas mabuti yatang hindi ko na lang ito in-activate ulit. Ang toxic na talaga ng social media ngayon. Nakasisira ng mental health. Tapos iyong mga tao roon kung makaasta parang kilala ka nila mula ulo hanggang paa. Kung husgahan ka at sabihan ng kung ano-ano ay parang napakalaki ng naiambag sa buhay mo, parang sila ang nagbigay ng makakain mo at ang hangin na kailangan mo. Kung papansinin mo talaga ay mababaliw ka lang tapos sila, akala nila ay napakalaki ng nagawa nila. Feeling proud pa at masaya kapag may napapaiyak o naba-block ng isang tao. Ganyan na lang ba kababaw ang kaligayahan ng mga tao ngayon? How come that ruining someone's confidence becomes satisfying?

When I studied AB Psychology, isa 'yan sa mga tinutukan kong topic. Hanggang ngayon ay iyan pa rin ang napakalaking issue. Hindi natatakot dahil social media lang naman, well in fact, napakaraming nasirang buhay at pag-iisip dahil sa isang mapanirang comment. I learned that when you chose to enter the world of social media, you need to prepare and condition your mind. Hindi lahat ng nakikita at nababasa mo ay totoo. Not all heart reacts are genuine. Not all positive comments are meant to lift you up. You should know how to filter what you will gonna believe.

It was 10 in the evening, dapat ay natutulog na ako pero stress eating ang ginagawa ko. Kanina pa ako kain nang kain. Katatapos ko lang kumain ng hapunan, kung ano-ano naman ang kinain ko pagkatapos.

Muli kong sinagot ang tawag ni Yohan, ibig sabihin ay nakalapag na ang eroplano niya?

"Kalalapag lang ng eroplano. Diretso na ako uuwi d'yan," he said without hesitation.

"What? Yohan, magpahinga ka naman," sabi ko at napaupo nang maayos sa kama.

"No, hindi lang ako makakatulog. You are crying a while ago. Kanina ko pa naiisip ang mga mata mong lumuluha. Hindi mo pa ako sinasagot, napaiyak na kita."

"Yohan, mas lalo naman akong iiyak kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo. Gabi na at pagod ka pa. Huwag matigas ang ulo, please." My voice is almost begging. Hindi naman siya ang nagpaiyak sa akin. Ewan ko, nagiging iyakin ako nitong mga nakaraang araw.

"I'll go home, uuwi ako sa iyo. I'm okay. Gising na gising ako at hindi ako pagod. Hindi ako mapapayapa hanggang sa hindi tayo nagkikita." Narinig ko ang makina ng sasakyan niya. Ibig sabihin ay uuwi talaga siya.

"Mag-ingat ka, hindi naman na kita mapipigilan. Hihintayin na lang kita rito." Binaba ko ang tawag at ininda ang sakit ng lalamunan.

Ang akala kong sipon lang dahil sa pag-iyak ay sipon pala talaga. Nag-text ako sa amo ko na baka hindi ako makapapasok bukas dahil sa sama ng pakiramdam. Alam naman niya iyon kanina pang nasa trabaho ako. Bahagya na rin akong giniginaw dahil sa mahinang buga ng electric fan. Wala pang tatlong oras ay narinig ko na ang sasakyan ni Yohan sa labas. Pinatay ko ang telebisyon at binuksan ang pinto pati na ang gate.

Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at sinalubong ako ng yakap. Panay ang halik niya sa ulo at sabi ng sorry kahit wala naman siyang kasalanan. Hindi naman kasalanan ang maging friendly at generous. Nakakaselos lang talaga.

Hindi kami nagtagal sa labas dahil ginaw na ginaw ako sa malamig na simoy ng hangin.

"May sakit ka?" tanong niya nang mapansin ang kanina ko pa pagbahing.

"Parang sisipunin ako, masakit din ang lalamunan ko," sagot ko.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kutson. Wala na siyang pang-itaas at boxers na lang din ang suot dahil naghahanda na kami sa pagtulog.

"Saan ka pupunta?" Tiningala ko siya.

Inabot niya ang t-shirt niya at muling sinuot iyon. "Ibibili kita ng gamot. Baka lumala pa iyan bukas."

Alam ko namang hindi ko siya mapipigilan kaya binalot ko na lang ang sarili sa kumot hanggang sa dumating siya at tinulungan pa akong uminom ng gamot. Hindi na rin niya binuksan ang electric fan at panay ang kapa sa likod ko kung may pawis na ba. Nasa ilalim kami ng iisang kumot. Kahit pa iisang saplot na lang tumatakip sa kanya ay hindi man lang ako naiilang, naka-boxer na lang siya kagaya kanina. My head is leaning on his naked chest. Ang isang braso niya nakapalupot sa akin katawan at ang isa ay ginawa kong unan. I really like our position right now. Kung dati ay naaasiwa kong makita ang katawan niya, ngayon ay hindi na.

"Feliz," tawag niya kaya tumingala ako.

Bahagya akong nahimasmasan sa gamot at gumaan na rin ang paghinga ko.

"From now on, you need to trust me. Sa akin at sa sarili mo ka lang dapat makikinig tungkol sa relasyon natin. Kung ano mang sabihin ng iba na hindi maganda, you should learn how to ignore them. To be honest, my friends don't like you. Masakit sa loob ko iyon dahil pakiramdam ko ay napaka-unfair ko sa iyo. Your friends and family welcomed me with open arms. Tapos itong mga kaibigan ko, nagawa ka pang paiyakin. I punched them on the face, isa-isa sila. Tinawanan lang nila ako sinabihang nahihibang na. Ano raw nangyari sa akin at bakit pumangit na raw ang taste ko sa babae? Malaki pa raw ang potential ko pero bakit ako nagse-settle sa bare minimum?"

Umiling siya at suminghal. "I don't get them, sugarpie. Hindi ka pa nila nakikilala nang lubos ay ganoon ka na nila husgahan. I can't stand them. I ended our friendship, hindi ganoong klaseng kaibigan ang kailangan ko. They are the bare minimum. I don't understand why I ended up being friends to those kinds of people. If losing them means having you, then I will gladly lose them. Hindi naman sila kawalan dahil sa mga asal nila." Hinaplos niya ang mukha ko. "Huwag kang makikinig sa kanila, Feliz. Una pa lang ay hinusgahan ka na nila. They don't deserve your attention."

Hinaplos ko ang dibdib niya. "They are not wrong in saying you have so much potential. But I have learned not to judge your choice. You know what you are doing. You know how to make choices for your own good. If you choose me over anything else, I will be happy to accept you. If you choose them over me, just give me a little time to process that then, I will let go of you."

Umiling siya. "You don't have to let go of me. I chose you already, wala nang bawian. It is always you over them. Tomorrow, I'll make sure you will give me your full trust before the sun sets."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro