Kabanata 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Trust Test

"Where are we going, Yohan?" tanong ko sa kanya habang nagsasapatos ako at siya naman ay sinusuot ang blue na shirt.

Tumingin siya sa akin. "Sa Pampanga, sa bahay namin." Kinapa niya ang likod ko. "Sigurado ka bang hindi na masama ang pakiramdam mo?"

I nodded. "Am I going to meet your father?" Bigla akong kinabahan.

"He is in Manila, doing some business. Wala siya roon ngayon. Solo natin ang buong bahay at field." He smiled at nilagyan ng mahabang bimpo ang likod ko.

Field?

Mabuti naman kung wala ang tatay niya roon. Hindi naman sa ayaw ko pang makita ang daddy niya, hindi pa lang ako ready at sabog pa ako ngayon dahil kagagaling ko sa sakit.

"Anong gagawin natin sa Pampanga, Yohan? Bakit ang layo naman yata nating magde-date?" tanong ko nang makasakay kaming pareho sa kotse niya.

"Trust test, sugarpie." He winked at me.

Kumunot ang noo, talagang papanindigan niya ang sinabi niya kagabi. Kahit wala naman 'yang trust test na 'yan ay magagawa ni Yohan ang buong tiwala ko dahil sa mga actions pa lang niya ngayon.  Hindi naman naging mahaba ang biyahe namin at nakarating na kaagad kami sa bahay, I mean, hacienda nila Yohan. Hindi naman niya ako na-inform na isa pala siyang haciendero.

Manghang-mangha ako habang pinapasok niya ang kotse sa loob ng bakuran nila.

"Dapat na ba kitang tawaging 'Don Yohan'?" tanong ko kay Yohan habang nakatanaw sa bintana ng kotse.

"Hindi bagay, sugarpie. Pero bagay ang 'baby' sa akin," sagot niya na ikinatawa ko.

"'Tsaka na kita tatawaging 'baby' kapag sinagot na kita. Huwag atat, Don Yohan," tukso ko sa kanya.

Natawa ako sa reaksyon niya, nakanguso ang mga labi niya at parang nagtatampong bata na umirap sa akin. Nang mai-park niya ang sasakyan sa garahe ay mabilis siyang bumaba at pinagbuksan pa ako ng pinto. Then again, he checked my back and pulled out the towel.

"Basa na," sabi niya at kinuha ang mga gamit namin sa back seat.

He offered me his hand that I gladly accept. Hindi ako lumingon sa paligid dahil baka mapagkamalan akong ignorante sa ganitong klaseng bahay. Minsan lang ako makapasok sa isang mansyon kaya hindi ko mapigilang mamangha.

"Kain muna tayo, sugarpie."

Sinalubong kami ng isang babaeng matanda na nakapang-maid na uniform. Ngumiti siya kay Yohan at mas lalo pang lumaki ang ngiti niya nang dumapo ang mga mata sa magkahawak naming kamay ni Yohan.

"Good morning, Sir Yohan. Mabuti at naisipan niyo nang bumisita," bati nito at bumaling sa akin. "Kasama niyo pa ang nobya niyo."

"Manang, this is Feliz, I am still courting her. Sugarpie, this is Manang Celia. You can ask her for anything inside the house."

"Magandang umaga po," bati ko sa matanda.

"Maganda, Ma'am Feliz. Halina kayo at nakahain na pagkain. Wala si Sir Jose pero nang malaman niyang bibisita ka Sir Yohan kasama ang nobya mo ay pinahanda niya ang buong hacienda. Nakahanda na rin ang gagamitin niyong eroplano, sir." Binuksan ni manang ang pinto nang dining room.

Napatingin ako kay Yohan nang marinig ang salitang eroplano. Hindi siya nakatingin sa akin pero ang mapaglaro naman ang mga ngiti sa labi. Anong gagawin niya sa eroplano at bakit may eroplano sila rito sa hacienda nila? Gaano ba kayaman ang isang Yohan Ansalone?

"Finish your meal, ililibot kita sa paligid pagkatapos nating kumain," sabi ni Yohan habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. Ang dami, parang hindi naman ako kumain ng ilang araw dahil sa mga nilagay niya.

Masasarap ang mga pagkaing nakahain kahit hindi sila pamilyar sa panlasa at paningin ko. Panay ang alok sa akin ni Yohan nang ulam kahit hindi ko pa nauubos ang nasa plato ko. Patatabain niya kasi ako at iyon ang main goal niya ngayon. Panay tubig na rin ang iniinom dahil nagagalit siya kapag sinasabi kong uminom ako ng softdrinks. Ang akala ko ay hindi ko na mahihinto ang pagka-adik ko sa coke, si Yohan lang pala ang makakapagpahinto sa akin.

"Pwede ako sa juice?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa baso ko na puno pa rin ng orange juice.

"One glass is enough then, drink water after."

Sa tingin ko ay nagsumbong sa kanya si mama. Hindi naman niya malalaman na panay ang inom ko ng coke kung hindi siya nasabihan. Pero sa totoo lang, gusto ko na rin namang tumigil dahil talagang masama na ang pakiramdam ko kapag umiinom ako no'n, ang problema, hindi ko kayang ihinto. Hinahanap-hanap na ng dila ko ang lasa. Mabuti na lang talaga at nandito na si Yohan.

Ang mga gamit namin ay nakarating na sa dati niyang kwarto rito sa mansion. Dahil matagal na siyang hindi nakatira rito ay katulad na lang din sa ibang mga kwarto ang disenyo pero ang mga gamit na naiwan ay buhay pa rin.

Napahinto ako at napangiti nang maaninag ang poster ng kpop girl group na Girls' Generation na nakapakat pa sa pader. Oh, he is a fan. This is my first time to meet a fanboy.

"Don't laugh at me. I was a fan," kaagad na sabi ni Yohan kaya humarap ako sa kanya. Iyong tono niya para isang malaking pagkakamali na fan siya ng girl group.

Kasalukuyan niyang inaayos ang mga dinala naming kaunting damit kasama na ang mga gamot ko para sa sipon at sore throat.

"Bakit kita pagtatawanan? Favorite ko rin 'yang girl group na 'yan kaya." Hinila ko siya para mapaharap siya sa akin.

Umiling siya. "My father thought I was a gay when he saw me listening to their songs and watching their music videos," he said, iniiwas ang mga mata sa akin.

"Girl groups are meant to market for male listeners and vice versa. Wala naman akong nakikitang mali sa pagkagusto mo sa Girls'Generation. It's okay, Yohan. Don't think about what your father said. Siguro nagandahan ka sa kanila. Sinong bias mo?" I smiled while caressing his shoulder .

"I like Taeyeon. I like her voice." He shrugged his shoulder. Kaya pala singer siya, ang ganda ng taste sa mga singers.

"Oh! I love Taeyeon too! Meant to be talaga tayo!" I am excited kahit matagal ko nang binitiwan ang kpop dahil nawalan na ako ng oras sa dami ng ginagawa at pinagkakaabalahan.

I saw him sigh. "I thought you are going to judge me too. Kaya nag-aalangan akong dalhin ka rito dahil diyan. I'm glad that you are a Sone too." I saw a hint of relief in his eyes.

It's okay for a man to listen to a girl's or girlie song. There's nothing wrong with it. Music is for everyone. There are no restrictions.

If not for you then, why can women like boy groups and boyish songs and we call them 'astig' while men can't like a girl group or girlie song because we easily assumed that they are gays? What's wrong with being gay, by the way?

He put his arms around my body. "Kahit matagal na tayong magkasama ay nagugulat pa rin ako sa laki ng pang-unawa mo. I know you are different but I didn't know that you are this different. Tanggap ko na may mga gusto tayong hindi kayang tanggapin ng iba, but you, you understand everything. Wala kang pinipiling paniwalaan. I love you, sugarpie." He kissed my forehead.

Pagkatapos kong uminom ng gamot ay dinala niya ako sa likod ng mansyon nila. Hindi ko alam kung paano ko ilalarawan kung gaano kalaki ang bukirin na pagmamay-ari nila, basta masasabi ko lang ay sakop nito ang isang maliit na bundok.

"This is all yours?" manghang-manghang tanong ko.

"My father's property. Not mine, but he is planning to give this to me. After what happened to him and my mother, he did everything to make my mother regret it. He expanded all of his business including livestock. He invested in different big companies, he made sure he will never get bankrupt. Sinubsob niya ang sarili niya sa trabaho. He made himself a millionaire, but that is not enough for my mother to come back and stay with him. I didn't know what really happened to them. Ang alam ko lang ay naging bisyo ni daddy ang pagnenegosyo. He is doing all of these to divert his attention, to not feel the pain my mother gave him. He loved mommy so much. Pagkatapos niya kaming iwan, hindi lang siya ang nawala sa akin, pati si daddy." Tumingin siya sa akin. "And now, I have you."

Tumango ako. "You have me."

Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila patungo sa isang nakahiwalay na gusali mula sa mansyon.  Ang harap nito ay isang napakahabang rampa na akala mo ay nasa airport ka. Hindi pa naman ako nakapapasok sa isang paliparan. Hindi pa rin ako nakasasakay sa kahit anong aircraft pero alam ko naman kung ano ang mga itsura no'n.

Napaatras ako kaya naiwan ako sa isang gilid habang si Yohan ay nagtutuloy sa paglalakad para mapuntahan ang lalakeng nagpupunas ng isang...

"How was sky?" tanong ni Yohan sa lalake.

"Doing great, sir. Natapos kong i-test drive kanina. Good as new." Nag-thumbs-up pa sa kanya ang lalake at iniwan na kami.

Kumunot ang noo ni Yohan nang hindi ako makita sa tabi niya. Bahagya siyang natawa nang mahagilap ako.

"Sugarpie, come on!" Binalikan niya ako.

Umiling ako. "Are you serious?"

Humalakhak siya at hinila ang kamay ko. Dinala niya ako sa harapan ng isang mini version ng airplane pero malaki pa rin ito. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag.

"Sugarpie, meet Cessna 172 Skyhawk. I named her Sky, though." He smiled.

"Are we going to ride her?" tanong ko. Hindi na ako makangiti dahil parang may humahalukay na sa tiyan ko.

"Yes, she is the major part of the trust test."

Umiling ako. "No, hindi pa ako nakasakay kahit minsan sa eroplano. I have fear of heights. I think I can't do it," pag-amin ko.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Then, I will be the first pilot who will fly you to the sky. You just need to trust me."

"Yohan..." I sighed. "Let's do this..."

Pinasuot niya sa akin ang isang headphone na tanging boses niya lang at isa pang boses ang naririnig ko. Siya pa ang nagkabit ng seatbelt ko na halos nakapalupot na sa katawan ko. There are so many buttons in front of me. I am afraid that if I move, I'll press something that will cause the plane to crash.

"Relax, sugarpie. I won't let anything happen to you. I am your pilot," he kissed the back of my hand.

Through this situation, I gave in. I give my whole life to his hands. Kahit ang lakas ng pintig ng puso ko ay hindi ko pinalampas ang pakakataong pagmasdan siya ngayong nasa himpapawid na kami. He belongs to the sky and to me. His smiles are very different while holding the controller of the plane.

"Are you enjoying flying with me, sugarpie?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.

"Yes..." I bit my lower lip. We passed a lump of clouds before the engine of the plane went silent.

The gravity harshly pulled us down. I started to panic. Sinulyapan ako si Yohan na mahigpit pa ring nakahawak sa controller.

"Yohan!" I shouted.

He just looked at me. Dito na ba kami mamamatay? Hindi ko pa siya sinasagot! Hindi ko pa nararansang magka-jowa!

"Yohan!" sigaw kong muli. Kung hindi pa siya gagawa ng paraan ay madudurog kami pabagsak sa lupa!

"Do you trust me, Feliz?" kalmadong tanong niya na parang walang nangyayari.

"I gave you my life before this plane left the ground, idiot! Do something!" Napapikit na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi kami sasantuhin kapag humalik na sa lupa ang sinasakyan namin.

Ang halakhak lang ni Yohan ang huling narinig ko bago muling bumalik ang ingay ng eroplano. Humiyaw siya at parang nagtagumpay sa misyon ang kaligayahan niya ngayon.

"Niloko mo ako!" sigaw ko.

"Part of the mission, sugarpie." He winked at me.

Lumapag ang eroplano at mabilis kong inalis ang seatbelt. Bumaba ako na sapo ang dibdib dahil sa sobrang kaba. Akala ko katapusan ko na talaga kanina.

"Are you okay?" tanong ni Yohan at inalalayan ako sa paglalakad dahil nanginginig pa ang mga tuhod ko.

"Asshole," bulong ko sa kanya. "Don't scare me like that again."

Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Lagi mong tatandaan na palagi at lagi kong ilalapag ang eroplanong ako ang piloto kapag ikaw ang kasama ko. I'll land you safe every time you choose to fly with me. I will never ever break your trust, Feliz. Mahal kita, Feliz. Araw-araw kong sasabihin iyan sa iyo kahit pa magsawa ka."

I smiled as waves of emotions struck my heart and the overwhelming sensation made my tears overflow in my eyes.

"Yohan, I...I didn't know how you did it. Hindi ko rin alam na posible pala na sa maikling panahon ay magmamahal ako..."

Nangungusap ang mga mata niya habang nagsasalita ako. Ito naman ang gusto noon pa, hindi ba? Ang makaramdam ng pagmamahal at magmahal din pagkatapos. I am very desperate to find true love back then, and now, it's here. He's here.

"Feliz? What are you saying?" tanong niya at bahagya pang nanginig ang boses.

"I..." I cleared my throat. "I love you, Yohan. Mahal na kita. Can you be my boyfriend? Please, say yes, baby!" Hinaplos ko ang mukha niya kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

"Bakit mo ako inunahan? Ako dapat ang magtatanong." Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ano?

But one thing I am sure about is that I saw a tear escape from his eye. A tear of joy, maybe.

"I am your boyfriend now, then. You are my girl, right?"

Tumango ako. "Your girlfriend. I am your girlfriend now, Yohan. I love you, baby."

Naghihiyaw siya kaya naalarma ang mga trabahador sa hacienda. Ako na ang nahiya pero hindi ko siya magawang bawalin dahil baka ganyan din ang ginagawa ko ngayon kung ako lang ang lalake sa aming dalawa.

"Advance Happy Birthday, Sir Yohan!" sabay-sabay nilang sigaw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro