Kabanata 17

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

New Life

"Yohan!" Kinalabit ko siya dahil ayaw niya akong harapin.

"Kung kakausapin mo lang ako tungkol sa ama ko, don't even try, Feliz." Mas lalo pa siyang nagtalukbong ng kumot.

Umirap ako. "Hindi naman kasi tungkol doon. Si mama maghahanda ng noche buena, pinapapunta niya tayo doon sa bahay pagkatapos ng Vigil Mass. Doon na rin tayo magpalipas ng gabi hanggang bukas," sabi ko at pilit na inalis ang kumot sa mukha niya.

"How about our gifts?" Tinuro niya ang maliit naming Christmas tree na may dalawang regalo sa ilalim.

Regalo namin iyon sa isa't isa dahil gusto niyang mag-exchange gift kami. Ang Christmas Party namin sa office ay sa 27 pa pagkabalik namin sa trabaho. Kaya kami raw muna ang mag-exchange gift.

"Dadalhin natin, doon na natin bubuksan. Ano? Game?" tanong ko at hinila siya patayo.

Wala naman siyang magagawa kung hindi ang pumayag kung hindi ay maiiwan talaga siya. At pagkatapos nga ng Vigil Mass ay dumiretso kami sa bahay. Nag-ambagan kami para may handa naman kami ngayong birthday ni Papa Jesus. Birthday din kasi ni papa ko kaya may handa kami palagi tuwing pasko. Si Yohan ay namigay pa ng tig-100 pesos sa mga anak ng pinsan ko at ng isa kong kapatid, at limang daan naman kay Froilan. Aba! Nakakarami na 'tong kapatid kong ito sa boyfriend ko.

"What is this?" natatawang tanong ni Yohan at tinaas ang regalo ko sa kanyang pitong pirasong boxer shorts na may mukha ko ang bawat isa.

"Para kung hubaran ka ng ibang babae, madi-disappoint kaagad sila dahil mukha ko ang mapapansin nila, hindi 'yang daks mong ano..."

Mabuti na lang at sa kwarto ko kami nagbukas ng mga regalo dahil ngayon ko lang na-realize na nakakahiya pala itong regalo ko. Tulog na rin ang mga kasama namin at mahinang ilaw na lang ang nakasindi sa kwarto ko para hindi sila maistorbo.

"Here." Binigay sa akin ni Yohan ang regalo niya. Mas liit iyon kaysa sa box ng regalo ko.

Binuksan ko iyon at napahinto nang makita ang dalawang silver na kwintas na may maliit na bilog na pendant. Kinuha ko ang isa at tiningnan nang mabuti.

"It's a locket, sugarpie." Kinuha ni Yohan ang isa at binuksan ang pendant na may litrato ko. "This will be mine and that one will be yours. I put a picture of you to mine and my picture to yours so, this way we can always be together. You will be with me and I'll be with you." He helped wear the necklace.

"Palagi naman tayong magkasama," sabi ko habang pinipigilan ang luha.

"I know but just in case na malayo ka sa akin nang matagal na panahon, kasama pa rin kita at kasama mo pa rin ako sa pamamagitan nito."

Tinulungan ko siyang isuot ang sa kanya. We both admired each other before ending the night with that sweet kisses, turned into passionate, then torrid kisses.

"Oops!" I pushed him. Umalis siya sa ibabaw ko at napakamot sa ulo.

Tinaas ko rin ang sando ko na bumaba na pala at nakikita na ang brassiere ko. Muntik na! Wala pang New Year ay magpuputukan na ako!

"Sorry," sabi niya at tumabi sa akin.

"Let us not kiss like that again. It's dangerous," I said.

Nagkumot ako at nilagyan ng unan ang pagitan namin. Mahirap na baka kung ano pa ang mangyari. Mahirap pigilan ang tawag ng laman at init ng katawan.

"You don't have to do that. Alam kong magpigil. I am doing that every day," he said then chuckled.

"What?!" Kinurot ko ang braso niya.

"Ouch! I am just kidding. Wholesome pa lahat ng thoughts ko sa iyo. Hanggang sa hindi mo pa ako binibigyan ng permission na pagnasaan ka, hindi kita titingnan nang may malisya at pagnanasaan." Hinila niya ako palapit sa kanya. "Now, let's sleep. Mamasyal tayo bukas."

We spent our Christmas with my family. May kanya-kanya kaming perang dala kaya walang problema. Nagsiksikan na lang kami sa sasakyan ni Yohan para hindi na kami mamasahe papuntang mall. Nang madaanan ko ang mga costume sa mall ay naalala kong Costume Party nga pala ang theme namin sa Christmas Party sa LGU.

"Ano ang napili mo?" tanong ni Yohan mula sa kabilang cubicle ng fitting room.

"Christmas tree!" sagot ko.

"Santa claus! As usual!" sabi naman niya.

"Bagay naman 'yan sa iyo dahil para kang Santa Claus kung makabigay ng regalo." Humalakhak ako.

Hindi ko na pinakita kay Yohan ang itsura ko sa Christmas Tree Costume na iyon. Hindi na rin naman niya pinakita sa akin ang Santa Clause costume niya. Alam ko naman na na hindi niya maja-justify ang Santa Clause na may malaking tiyan. Hot Santa ang magiging labas niya.

Kaya naman nang mag-ayos na kami para sa Christmas Party ay tawang-tawa kami sa mga itsura namin. Mukha akong nalantang puno at siya ay mukhang malnourished na Santa. Okay hindi naman siya ganoon, let's just say na Santa na natutong mag-gym.

Nag-pose pa ako nang sabihin niyang kukuhanan niya ako ng litrato.

"Cute," he commented.

"Patingin!" Kinuha ko ang cellphone niya at tiningnan ang kuha ko.

"Please, make that my screen's wallpaper," he said.

Tumango ako. Cute ko nga talaga dito sa picture na ito. Ang Christmas tree ko kasing costume ay may malaking butas sa gitna na kasya lang ang mukha ko. May lusutan na para sa dalawang kamay sa gilid at sa baba naman ay stockings na brown para magsilbing katawan ng puno. May star din ito sa taas.

"Gaga! Pasabog 'yang costume mo! 'Di kita nakilala," sabi Mina na Christmas gift ang costume.

"Akala ko kung sino kapag nakatalikod!" Si Woni ay elf naman ni Santa.

"Infairness, 'yung Santa ang yummy." Humigikgik si Mina at tumahmik na dahil nandyan na ang boyfriend niya.

"Reindeer naman si Ephraim," sabi ni Woni at tinuro ang nobyo na nakikipag-usap sa ibang katrabaho.

"Ready na ba sa presentation?" tanong ni Mina.

Tumango ako at nagpunta na sa gitna. Hindi naman ako nahihiya dahil hindi naman ako nakikilala sa suot ko. Wala nang hiya-hiya dahil cash prize ang nakataya rito. Pang-New Year din namin.

"I don't want a lot for christmas~~"

Si Mina ang nagsimulang kumanta at nagsigawan na ang mga tao. Ang pagsasayaw namin na p-in-ractice namin ng ilang linggo ay nauwi sa kabaliwan dahil nasunod at kung ano-ano na lang ginawa namin. Tawa na lang tawa ang mga nanood sa amin pati si Yohan na iniiwasan ko na nga ng tingin dahil nakaramdaman na ako ng hiya.

"You did great," bulong ni Yohan na hindi alam kung paano ako aakbyan dahil sa costume ko.

"Galing mo ring tumula kanina," biro sa pagkanta niya kanina.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Char lang. Ikaw na yata ang pinakamagaling kumanta para sa akin?"

Nagtaas siya ng kilay. "Really? Sabi ni Ate Gina si Sir Emman ang favorite mo."

Ngumuso ako. "Dati 'yon. Hindi pa kita nakikilala. Ikaw na ngayon. Tampo ka pa d'yan, ikaw naman ang boyfriend ko."

The day after New Year na kami nagkaroon ng maraming time dahil tinapos namin ang mga trabaho para hindi kami matambakan pagkatapos ng New Year.

"Yohan, ayaw mo pa ring kausapin ang daddy mo? Hindi ba at napaka-unfair naman sa kanya na hindi ka masaya para sa kanya. Ikaw na nagsabi na hindi naging maganda ang buhay niya pagkatapos kayong iwan ng mommy mo. Ito na siya, bumabalik sa dati. Ayaw mo ba iyon?" tanong ko sa kanya habang nagluluto kami ng dadalhin namin sa bahay ng mga magulang ko. Handa namin mamayang madaling araw.

Bumuntonghininga siya. "Nagtatampo lang ako sa kanya dahil hindi niya nakita sa akin ang kaligayahang magpapa-ayos sa kanya. Nahanap pa niya iyon sa iba gayung ako naman ang palaging nandito sa kanya. Ngayon, naisip ko na kung si mommy naging maligaya sa ibang lalake at nagawa pa akong iwanan, si daddy ganoon din, minahal at pinahalagahan kaya nila ako bilang anak nila? Paano nila nagagawang ipagpalit ang mayroon sila para sa iba? Hindi ko maintindihan, Feliz. Bakit parang ang dali sa kanilang talikuran ako?" He stopped stirring the spaghetti sauce and look at me.

"Hindi malinaw sa atin kung bakit naghiwalay ang mga magulang mo. Maraming posibleng dahilan. Maaaring pareho nilang ginusto iyon at kung ganoon nga ay wala tayong magagawa. Mahal ka nila pero hindi nila magawang mahalin ka ng sabay. Hindi mo pa nagawang makausap ang mommy mo pati ang daddy mo, iniiwasan mo na ngayon. Paano malalaman ang dahilan nila kung patuloy mo silang iiwasan? Nakahanap na ang daddy mo ng bagong katuwang, ikaw din naman, ah!" Kiniliti ko siya.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Inamoy niya ang leeg ko at hinalikan ang pisngi. "Ang bango ng sugarpie ko, amoy chicken curry." He inhaled my scent once again. "Thank you for making me feel good. Magulo ang isip ko sa bagay-bagay dahil nasasaktan ako. Pakiramdam ko kasi hindi nila ako minahal bilang anak nila."

"Hindi naman siguro. Ano? Ready ka nang makausap ang daddy mo? Pati ang future stepmother mo? Mukha namang mabait si Ma'am Grace. Matanda pala siya ng ilang taon kay daddy, parang tayo lang." Ngumiti ako at pinatay na ang kalan.

"What did you call my father?" Lumayo siya sa akin at pinaharap ako sa kanya.

"Daddy, sabi niya kasi ay iyon na ang itawag ko sa kanya. Wala namang problema." Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.

"I will marry you, sugarpie. Mababaliw ako kapag hindi." He kissed my forehead.

Bago rin kami nagpunta sa bahay ng mga magulang ko ay nagpadala ako ng mensahe sa daddy niya na okay na si Yohan na makausap siya. Ang sabi niya ay makikisalo siya sa amin ngayong New Year kasama si Ma'am Grace. Sinabi ko kung saan kami magnu-New Year.

Pagdating namin sa bahay para ibaba muna doon ang mga pagkaing niluto namin ay nagsisimula na rin silang mag-ihaw ng iba't ibang pagkain. Pupunta pa kami sa simbahan dahil may New Year's Eve Mass pa. Nabibingi na rin ako sa mga paputok na kada gumagabi ay dumadalas.

"Happy New Year, Feliz. Hindi tayo nagkita noong pasko dahil wala tayong schedule. Ngayon ko lang mabibigay ang regalo ko," sabi ni Sir Emman at inabot sa akin ang isang paperbag.

"Thank you, sir. Wala akong nabili pa akong para sa inyong lahat dito dahil sa susunod na linggo pa ako magiging maluwag." Na-guilty naman ako.

"Huwag mong alalahanin. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit nang maisip kong bigyan ka ng regalo. Merry Christmas and Happy New Year, Feliz. Be happy just like your name."

Umalis siya habang ako ay nilapitan na si Yohan na naghihintay sa sasakyan.

"Ano? Selos ka na naman?" pabirong tanong ko habang sumasakay sa kotse.

"Wala naman akong sinasabi." Tumawa siya.

Mabilis ang biyahe namin dahil nagpuputukan na mga kalsada. Grabe talaga ang nerbyos ko tuwing ganitong magbabagong taon. Kaya minsan ay hindi lang ako uma-attend sa misa kapag gabi.

"Para tayong nasa gyera kanina," sabi ni Yohan pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay namin.

Napahinto siya sa sandali nang mamataan ang pamilyar na kotse na naka-park din sa harap. Tumingin siya sa akin. Nag-peace sign ako at nauna na sa pagpasok sa loob.

"Yohan," tawag ko sa kanya bago kami tuluyang makapasok sa loob. "New year, new life. Don't waste the chance."

Hindi niya sinagot at nagtuloy lang sa pagpasok. Nadatnan namin doon ang papa ko at ang daddy niyang nag-uusap at umiinom ng alak. Si mama naman at Ma'am Grace ay hindi ko mahagilap. Malamang ay nasa kusina at naghahain.

"Yohan, Feliz, nandito na pala kayo," sabi ni papa.

Tumayo si daddy at nilapitan si Yohan.

"Mag-uusap lang kami ng anak ko, Feliz," sabi ni daddy sa akin.

Binitiwan ko ang kamay ni Yohan. "You will be okay," bulong ko sa kanya.

Umalis sila kaya hinarap ko ang papa kong panay na naman ang inom.

"'Pa, sabi mo hindi ka iinom ngayong New Year," sermon ko at dumakot ng chicharon.

"Wala pa naman, mamaya na lang ako hindi iinom." Uminom pa ng alak sa bote.

Pambihira!

"Hi, Feliz." Kumaway sa akin si Ma'am Grace.

Tama nga ako nagluluto sila ni mama. Sasali na sana ako sa kanila nang mag-vibrate muli sa cellphone. Binasa ko kung kanino galing iyon. Hindi galing kay Keila, ibang numero na naman.

Hi, happy New Year, Feliz. This is Cedric. You are not responding to Keila's messages well. I hope you can respond to mine since you already met me. You are a good person and my conscience couldn't take it to just let you with Yohan. I just want to tell you that you started the wrong way. You deserve to know the truth. He will be against it for sure so, don't tell me if you are going to meet me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro