Kabanata 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Bet

It is my birthday.

February 13, I am now 36. Time flew so fast. The last time I celebrated my birthday, I was a little bitter, desperate, and mad. I can't tell that phase of me is not gone because for some reason, I started to doubt Yohan once again. Mahabang panahon na rin simula nang magbingi-bingihan ako sa bulong ng damdamin ko. Ilang beses ko ring itinanggi na may mali. Hindi ko magawang harapin dahil ayoko nang masira pa ang kasiyahang mayroon ako ngayon. Kuntento na ako kaya bakit pa ako haharap sa katotohanang maaaring makasira nito?

Pero totoo nga ang sinasabi nila, katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Ang katotohanang masakit pakinggan at mahirap tanggapin kaya pilit na iniiwasan.

"Happy birthday, sugarpie," bulong ni Yohan habang nagtatrabaho kami.

Katabi ko siya ngayon sa table dahil nire-renovate ang HR Office kaya inilapat muna kami pansamantala sa Accounting Office.

"Thank you. Kanina mo pa ako binabati. Hindi ka ba nagsasawa?" Natatawa dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong binati.

"Birthday mo pa rin naman hanggang mamayang 11:59 pm, walang masama kung batiin kita minu-minuto. Hindi natatapos sa isang pagbati lang ang lahat." Tumango-tango pa siya.

"Oo nga, samahan mo na rin ng regalo para happy na ako," biro ko.

Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Weird talaga nito minsan. Bigla kong naisip, bakit hindi ko na lang tanungin sa kanya mismo ang sinasabi ni Cedric? Sasabihin niya kaya ang totoo? O magsisinungaling lang siya sa akin?

Tinikom ko nang mariin ang bibig ko para wala nang lumabas pang salita. Gustuhin ko mang magtiwala ng buo sa kanya, iba naman ang sinasabi ng instinct ko at mga tao sa paligid namin. If Yohan will stop me from meeting his ex-girlfriend and his friend, anong ikinakatakot niyang malaman ko mula sa kanila? Bakit hindi niya na lang sabihin sa akin ang lahat? Ano ba kasi ang nangyari sa Manila?

"Happy birthday, Feliz!" bati ni Mina at Woni habang dala ang isang maliit na cake.

"Thank you, buti pa kayo may pa-cake." Tiningnan ko si Yohan na hindi man lang ako pinansin.

"Ay, naka-sale kasi 'yan two for 150 pesos. Amin 'yung isa, sa 'yo naman ito," sabi ni Woni.

Siniko siya ni Mina at saka bumulong. "Hindi ba sabi ko secret lang 'yon."

Napatakip si Woni sa bibig niya. "Ay! Oo nga pala. Sorry!"

Napailing ako. Ang mga bruhang ito, ang gugulo kahit kailan. Pero at least, may pa-cake sila. Itong si Yohan, nagtitipid yata. Sabagay kasi kaka-monthsary lang namin. Limang buwan na pala akong may boyfriend. Limang buwan na rin akong feeling blessed.

Uwian na nang batiin niya ulit ako. Napairap na lang ako. Oo, nage-expect talaga ako ng regalo o kahit pa-cupcake man lang pero wala, eh! Panay ang bati sa akin, hindi niya sabihin kung wala na siyang budget.

"Ang sungit mo naman, Ma'am Feliz." Humalakhak siya habang binubuksan ang ang pinto ng bahay ko.

Umirap ulit ako nagdiretso ng pasok sa loob pero kaagad ding natigal dahil mayroon na pala akong sala set na hindi ko alam kung kailan ko binili. May dalawang sofa iyon, isang mahaba at isang pang-isang tao lang. May center table at may lalagyan pa ng television na may flat screen t.v. na rin. Hindi lang ito basta sala set, ito rin ang sala set na binabalik-balikan ko sa mall na hindi ko mabili kasi hindi kaya ng budget ko.

"Happy birthday, sugarpie. Huwag ka nang magtampo. Hindi mo naman gusto ang cake kaya bakit kita bibilhan ng cake? Hindi mo naman kailangan ng bulaklak kaya bakit kita bibilhan ng bulaklak? This is what you want. I love you so much, sana piliin mo pa rin akong makasama hanggang sa mga susunod mo pang mga birthday." He hugged me from behind and put his arms around my waste. He kissed my cheek several times.

"Mahal kita, Yohan. Salamat dito. Thank you so much." Sa sobrang kasiyahan ay walang luhang lumabas sa mga mata ko kahit naiiyak sa tuwa ang puso ko.

"Akala mo wala talaga akong regalo, 'no? Pwede ba iyon? Hindi pwedeng walang pagkain," sabi niya at dinala ako sa kusina.

Nalula ako sa dami ng pagkaing nandoon. May litson pang maliit at lahat ng paborito kong pagkain ay nakikita ko.

"Gusto ko sana na tayong dalawa lang pero hindi naman natin ito mauubos. Tinawag ko na sina Wonina at Philomina para tulungan tayong ubusin ito. Nagpadala na rin ako sa mga magulang mo." Lumapit siya sa cake at kinuha iyon.

Sinindihan niya ang isang kandila at malumanay na kumanta ng Happy Birthday.

"Ano ang wish mo?" tanong niya pagkatapos kong hipan ang kandila.

Tumingin ako sa kanya sa mata. "Sana ganito lang tayo palagi. Sana walang makasira sa ating kahit na ano."

Kumuha ako ng icing at nilagay iyon sa mga labi ko. Hinuli ko ang batok niya at hinila ko siya papalapit sa akin para mahalikan ko siya. We ate the icing on my lips together. Kung wala pang kumatok ay hindi kami mahihinto sa mapusok na halikan. His soft lips are so addicting and he tastes so good too.

"Ako na ang magbubukas. Comb your hair," he said. His lips are so red, ako ang may gawa no'n.

Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang magulo kong buhok. Nagpalit na rin ako ng damit dahil iyong uniform ko ay nagusot na. Kung hindi lang ako araw-araw pinaaalalahanan ni Father Ferdinand at ng mga magulang ko na kasal muna bago ibigay ang perlas ng timog ay baka matagal ko nang naisuko kay Yohan ang bataan.

Akala ko ay si Woni at Mina lang ang darating, kasama rin pala nila ang mga boyfriend nila. May mga dala pang alak ang mga naging kaibigan na rin ni Yohan sa trabaho na kasama niya rin pa lang inimbitahan. Kinuha ko cellphone ko at nagpagdala ng mensahe kay Cedric.

Can we meet? Mamayang gabi mga alas dose ng madaling araw.

Kaagad niya iyong ni-reply-an ng okay. Sinabi ko na rin ang lokasyon kung saan kami magkikita.

Tumango sa akin sina Wonina at Mina pati na rin si Ephraim. Alam na nila ang plano kong gawin. Gusto ko lang malaman ang totoo mula sa ibang tao para matahimik na ako. Hindi na ako bata at mabilis lumipas ang panahon. Kung ipagpapatuloy namin ang relasyon namin at magsasama kami habang buhay, kailangan kong malaman kung anong buhay mayroon siya noon. Bakit ganito na lang kagalit sa akin ang mga kaibigan niya? Anong katotohanan ang ayaw niyang malaman ko?

Masyado naman yatang unfair para sa akin iyon. Halos buong buhay ko ay naikwento ko na sa kanya. Tuwing magtatanong ako tungkol sa buhay niya sa Maynila ay palagi niyang iniiba ang topic. Ayokong maduda sa umpisa dahil baka nga gusto na niyang kalimutan ang mga kaibigan niya roon pero hindi man malaking bagay ang pagsasabi kahit kaunting detalye para mas makilala ko pa siya. Wala akong alam sa kanya, sa totoo lang. P'wera sa mommy at daddy niya na naghiwalay sa hindi malamang rason, sa mayaman siya at nakapagtapos ng pag-aarala sa aviation school. Kahit pangalan ng eskwelahan niya sa Manila ay hindi ko alam.

"Okay lang malasing ngayon, program lang naman bukas. Walang masyadong gagawin, hindi ba, Ma'am Feliz?" Tumingin sa akin si Ephraim.

Tumango ako. "Sige, kayo na ang bahala muna kay Yohan. Magbabalot lang ako ng mga natirang pagkain."

I kissed Yohan's left cheek. "I'll see you later, baby."

Nagpunta ako sa kusina. Nandoon na si Woni at Mina. Nagbabalot sila ng kanya-kanyang pagkaing iuuwi. While me, I am bracing myself for what is waiting for me once I talked with Cedric.

"Sasamahan ka namin, Feliz. Kung ano man ang malaman mo sa Cedric na iyon, sana hindi kayo masira ni Yohan. Nakita ko ang pagbabago mo, napakalaki. Iyong dating parang matandang dalagang boss namin, ngayon dalaga na lang." Napatakip sa bibig si Woni pagktapos niyang sabihin iyon.

"Napapadalas ang pagkadulas mo!" Pabiro siyang sinabunutan ni Mina at pagkatapos ay tumingin sa akin. "Pero, syempre, depende pa rin iyon sa malalaman mo. Kung mababaw na bagay lang at pwede namang pag-usapan, huwag masyadong mataas ang pride. Minsan kasi iyong mga mababaw na problema ay napalalalim lang dahil sa pride."

Bumuntonghininga ako. "Kung pwede nga lang na hindi ko na lang malaman ang sasabihin ni Cedric pero hindi nila ako pinapatahimikin at hindi rin ako pinapatahimik ng sarili ko. Ilang buwan kong iniwasan iyon. Lumagpas na ang pasko at ang bagong taon, ngayon ay birthday ko na. Malapit nang mag-isang taon simula nang magkakilala kami at hanggang ngayon ay nangangapa pa rin ako sa pagkatao ng boyfriend ko. Parang may mali kasi. Parang may hindi tama. Hindi ako mapakali. May gusto akong malaman at masasagot lang iyon ni Cedric at ni Keila. Pakiramdam ko kasi, si Yohan, magsisinungalung lang siya sa akin."

Hindi ko kayang magtiwala sa kanya kung hindi niya rin naman ako kayang pagkatiwalaan. Bumabalik na naman ako sa umpisa at ayoko ng ganitong pakiramdam.

Bumabalik na naman ang mga pangamba ko na hindi naman totoo si Yohan. Na bakit siya magse-settle sa kagaya ko kahit napakaraming babaeng mas higit pa sa akin sa pinagmulan niya. Sabi ni Cedric, mali ang naging simula namin ni Yohan. Paanong naging mali?

Mahal ko si Yohan, alam ko iyon sa sarili ko. Hindi ko rin pinagduduhan ang nararamdaman niya para sa akin. Alam kong totoo lahat ng ipinapakita at ipinapadama niya ako. Ang ikinakatakot ko ay baka magbago ang lahat ng ito kapag narinig ko na ang sasabihin ng mga kaibigan niya.

"Yohan is out," Ephraim declared.

Tiningnan ko si Yohan na ilipat na sa kama ng mga kainuman niya. Wala na siyang malay at kahit anong gawin ay hindi na maistorbo ang tulog.

"Anong pinainom niyo?" tanong ko at tiningnan ang mga bote na pinag-inuman nila.

"Hindi pala matibay sa White Horse ang mga mayayaman. Sabi niya kasi beer lang at wine ang madalas niyang iniinom kaya ayan tumba!" sabi ni Ephraim.

Nagpaalam na sila at naiwan na lang sina Woni at Mina. Konting oras na lang naman ang hihintayin namin bago maghating-gabi. Malapit sa Police Station ang napili naming lugar para kung sakaling may gawin silang masama sa akin ay madaling makahihingi ng tulong.

Habang naghihintay ay inayos ko muna si Yohan na sabog ang itsura. Sabi ni Ephraim ay baka bukas na ito magising at may hangover pa. Pinunasan ko ng wet wipes ang mga kamay niya, mukha at ang leeg. Hinubad ko rin ang pantaas niyan damit at ang pantalon. Mas komportable kasi siyang natutulog kapag ganito. Tinabi ko rin sa kanya ang una na ginagamit ko para iyon ang mayakap niya kung sakaling wala pa ako sa tabi niya mamaya.

"Sana hindi ako masaktan sa malaman ko tungkol sa iyo. Sana makaya ko kasi masakit kung mawawala ka pa sa akin. Matagal kitang hinintay, matagal ako nagdasal sa pagdating mo. Matagal kitang hiniling. Naghintay ako kahit matagal. Kahit na-traffic ka." Niyakap ko siya at hinalik-halikan ang mga malalambot niyang labi.

He smiled. Ang akala ko ay magigising siya pero hindi. "Feliz," he whispered my name.

Humikbi ako at mas mahigpit siyang niyakap. I love him so much. Sana, sana talaga hindi ako magkamaling mas mauna akong makikinig sa mga kaibigan niya kaysa sa kanya.

"I love you," I whispered.

Pinatay ko ang ilaw sa kwarto. I wiped my tears and fixed myself. Kumuha ako ng manipis na jacket dahil malamig pa rin sa labas hanggang ngayon.

"Tara na ba? Malapit na mag-twelve," sabi ni Woni na naka-sunglasses pa kahit wala naman ng araw.

"Gaga, para saan 'yang salamin mo? Mamaya madapa ka pa d'yan," puna ni Mina.

"Props lang, ikaw nga nakakupya pa, para saan din ba 'yan?" bwelta ni Woni.

"Baka sipunin ako kasi malamig at mahamog."

Inunahan ko na sila sa paglabas dahil nag-text na sa akin si Cedric na nandoon na sila. Ang kaba ay ngayon ko lang naramdaman. Sana maayos pa rin akong makauuwi kahit ano pa ang malaman ko. May hangover si Yohan bukas, kailangan ko siyang maipaghanda ng mainit na sabaw. Valentine's Appreciation Celebration din bukas.

"Sila na 'yon, hindi ba?" tanong ni Mina at tinuro ang dalawang tao na nakatayo sa sa gilid ng Police Station.

Si Cedric na nga iyon at malamang ay si Keila iyon. Brunette ang babae kaya ito nga ang recent ex-girlfriend ni Yohan nag-cheat sa kanya.

Mabilis ang paglapit na ginawa ko dahil gusto ko na itong matapos kaagad. Pagod na ako para sa araw na ito at gusto ko na ring magpahinga.

"Ayoko na nang paliguy-paligoy pa. Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin dahil isang beses lang akong makikinig sa inyo," sabi ko sa kanila.

Nagtinginan muna sila bago nagsalita si Cedric. "Yohan is playing a game with his friends. You are the game and Keila and a Mercedes Benz are the prices."

Kumunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinasabi nila. "Ano?" Ngumiwi ako.

Si Keila ang sumagot sa akin. "Pustahan, Feliz. Pustahan na kapag napasagot ka ni Yohan at naikama sa loob ng isang taon ay babalik ako sa kanya at makukuha niya na ang kotseng matagal na niyang gusto. Sorry, Feliz. Yohan is not the Yohan you know."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro