Kabanata 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sweet Tongue

Nagkulong ako buong hapon at magdamag sa bahay ko. Alam ko kasing nand'yan lang siya sa labas at hinihintay na buksan ko ulit ang pinto. Keeps calling me and knocking on my door. I prevent myself to open it and answer his calls. Bakit hindi pa siya umalis? Pinapadali ko na nga para sa aming dalawa ang sitwasyon. I am letting him go. Masakit ang ginawa niya sa akin pero nakokonsensya ako na dahil naman sa akin ay hindi binitiwan niya ang pagiging piloto. Hindi ko siya maintindihan. Para sa isang kotse at sa isang babae ay magagawa niyang isakripisyo ang bagay na matagal na niyang pangarap? Siguro ay ganoon niya talaga kamahal si Keila.

"Umuwi ka na, Yohan," bulong ko habang nakatitig sa screen na pinapakita ang kuha ng CCTV camera mula sa labas ng bahay ko.

Kanina pa siya d'yan at hindi umaalis. Hindi ko rin siya nakitang kumain o uminom man lang. Papasok at lalabas lang siya ng kotse niya. Minsan ay kinakalikot ang cellphone at may tinatawagan. Iniiwasan kong panoorin siya dahil naawa ako. Ito ang ayoko sa sarili ko. Mabilis akong makalimot. Kapag hindi ko na nararamdaman ang sakit ay magi-guilty na ako sa nagawa ko at pakiramdam ko ay ako pa ang mali.

Nagluluto na ako ng hapunan ko nang marinig kong muli ang pagkatok niya. Pinatay ko ang oven at kinuha ang mga damit niya na ako na ang nagbalot para sa kanya. Lumiwanag ang mukha niya nang sa wakas ay buksan ko ang pinto. Bago pa niya ako mahawakan ay inabot ko na ang mga nakabalot niyang damit.

"Umuwi ka na, Yohan," sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan.

"Feliz, naman. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako. Gusto ko sabihin sa iyo pero naisip ko na hindi na iyon mahalaga dahil totoo naman ako sa iyo simula pa lang. Wala akong ginawang hindi totoo sa iyo. Patawarin mo ako, Feliz. Huwag tayong maghiwalay. Hindi ko kaya." Kinuha niya ang inaabot ko sa kanya pero hinila pa rin niya ako para mayakap. "Mahal na mahal kita, hindi mo ako paniwalaan. Mahal kita, totoo iyon. Kung kailangang suyuin kita, gagawin ko. Huwag lang tayong maghiwalay, gagawin ko lahat para sa iyo."

May naramdaman akong pumatak sa balikat ko. He sniffed and hugged me more. Ang yakap na hindi ako makakawala kahit pumiglas ako. Iyong klase ng yakap na parang ano mang oras ay mawawala na sa kanya kaya kailangan niya akong hawakan.

"Ang gusto ko lang gawin mo ngayon ay umuwi ka na. Magpahinga ka na."

I didn't expect this to happen. Hindi ko akalaing darating ang panahon na paalisin ko siya. Masyado na akong matanda para magkaroon pa ng plot twist ang buhay ko.

Kumalas siya sa yakap pero hindi lumayo ang katawan niya sa akin. Pinunasan akong luha niya gamit ang mga kamay ko. "Uwi na, Yohan."

Hinuli niya ang mga kamay ko at hinalikan iyon. "Mag-uusap tayo bukas. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ako papayag."

Sinara kong muli ang pinto. Ang pinakamasakit na ginawa ay hindi iyong pustahan kung hindi pagbitiw niya sa pangarap niya para lang sa isang laro. Kung iisipin ay parang napaka-romantic no'n pero para sa akin ay hindi. Para sa katulad kong marami nang naisuko, marami nang isinawalang-bahala dahil hindi ko naman kayang maabot iyon ay isang napakalaking pagsasayang ang ginawa ni Yohan. Sana naisip niya na pwede naman niyang makuha ang ibang bagay na iyon kahit hindi niya isuko ang pangarap niya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago narinig ang pag-alis ng sasakyan niya. Wala na akong ganang kumain kaya ni-ref ko na lang ulit ang iinit ko sanang pagkain.

Nang makahiga ako sa kama ay sinulyapan ko ang kama ni Yohan na tanging kumot at mga unan na lang niya ang nandoon. Hinawakan ko ang pendant ng locket na hanggang ngayon pala ay nakasuot pa rin sa akin.

Mahal ko si Yohan at sa tingin ko ay hindi na iyon maalis sa akin. Na-imagine ko na ang buhay na siya ang kasama ko sa hinaharap. Iyong mga pangarap na magkasama naming binuo at iyong mga pangarap ko na kasama ko siyang tutuparin. I even tried considering to have children. Kahit simple lang ang kasal naming ay maligaya na ako. Kahit hindi kami magpunta sa ibang lugar para sa honeymoon, dito lang sa bahay ko ay ayos na sa akin.

Tapos sa isang iglap ay malalaman kong hindi pala totoo ang mga pinakita niya sa akin. Ang mundong pinagdalhan niya sa akin ay pansamantala lang pala. Hindi rin totoo at walang kabuluhan.

I expected Yohan to curse us to death but he didn't. We never receive any death threats just yet.

Iyan ang mensahe sa akin ni Cedric na hindi ko na ni-reply-an. Nalaman ko na ang totoo, hindi ko na kailangan pang makipag-ugnayan sa kanila.

Sugarpie, babalik ako bukas. Huwag kang aalis at pupunta sa malayo nang hindi nagsasabi sa kahit kanino. Iyon kasi ang madalas na nangyayari sa pelikula at mga nobela.

Kung aalis ako, saan naman ako pupunta. Ito lang ang nag-iisa kong bahay. Siya ang kailangang umalis dahil hindi rito ang buhay niya.

Kahit na tumanggi ako sa pustahan, may kasalanan pa rin ako. Inisip kong paglaruan ka, na ayos lang na gawin ko iyon. Pero noong nakita kita kahit sa litrato lang, naisip kong hindi ko kaya. Ang sabi ko sa sarili ko ay susubukan kong magustuhan ka. Unang pag-uusap pa lang natin, nakuha mo na ako.

Muling tumulo ang luha ko. Umiling ako. Maniniwala pa ba ako sa kanya? O parte pa rin ito ng plano niya para makuha ako?

Sinungaling...

'Yan ang reply ko. Naiinis ko tuwing bumabalik sa isipan ko kung paano siya sumang-ayon sa mga kaibigan niyang kuhanin ako ng malaswang larawan at ipadala sa kanila.

Gusto mo lang ng sex kaya mo iyan sa sinasabi. Balak mo nga akong paluwangin at gawan ng porn, hindi ba? Libog na libog ka na ba? Bakit hindi mo na lang ako pinilit? Bakit nagpigil ka pa? Ano? Para makatotohanan ang pag-acting mo? Oo na, panalo ka na kasi paniwalang-paniwala ako.

Ngumiti ako nang mapait pagkatapos kong i-send sa kanya iyon.

No, I am telling the truth, sugarpie.

Ilang beses ko bang sinasabi sa iyo na pakakasalan muna kita bago tayo magsiping? Sa tingin mo ay hindi ako seryoso sa iyo kahit handa kitang pakasalan? Handa akong hindi na lang magkaanak para magkasama ka lang. Handa akong isuko ang buhay na mayroon ako sa Maynila para matupad natin ang mga pangarap mo. Yes, I want you but my respect for you is much greater than that.

Feliz, mahal kita. Mahal na mahal kita. Huwag tayong maghiwalay. Ayusin natin.

Hindi ko na binasa pa ang mga sumunod niyang text. Nakatulog ako nang hindi namamalayan. Siguro dahil na rin sa pagod at puyat. Maaga rin naman akong bumangon dahil kailangan kong pumasok. Hindi na ako pwedeng um-absent, baka matanggal na ako sa trabaho.

Napahinto ako nang makita si Yohan sa harapan ng bahay ko. Bihis din siya at mukhang handa na sa pagpasok.

"Hindi mo nabasa ang text ko na susunduin kita-- Feliz!"

Nilampasan ko siya.

"Feliz naman." Humarang siya sa daraanan ko.

"Ano ba, Yohan? Hindi mo ba naiitindihan na gusto ko munang malayo sa iyo. Hindi ko kilala ang sarili ko kapag galit ako. Kung ano-ano lang ang masasabi ko sa iyo." Tinulak ko siya pero hindi siya nagpatinag.

"Ayos lang! Hindi naman ako masasaktan," sabi niya at puno ng determinasyon ang mukha.

"Kahit pa sinasabi kong ginagamit lang kita?" wala sa sariling usal ko.

"What?" Ang determinasyon niya at napalitan ng kalituhan.

"Gusto ko ang pera mo. Pangarap kong makapag-asawa ng mayaman. Pangarap kong magkaroon ng maraming pera para makabili ng mga luho ko at makapunta sa mga gusto kong lugar. Pera mo lang ang gusto ko. Gusto ko rin 'yang kotse mo kasi hindi ko na kailangang mamasahe," sabi ko at ipinagpasalamat kong hindi ako pumiyok dahil kahit ako ay nasasaktan din sa mga sinabi ko.

May dumaang sakit sa mga mata niya at sandali siyang natahimik. Tumango siya.

"Sige, gamitin mo lang ako. Use me whenever and whatever you want. Iyong kotse ko, sa iyo na iyon. Lahat ng mayroon ako ay sa iyo na. Basta sa akin ka lang. Basta dito ka lang sa tabi ko. Kahit pera ko lang ang dahilan ng pananatili mo ay tatanggapin ko."

Suminghal ako. Akala niya ba ay makukuha niya pa ako sa mga matatamis niyang salita?

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya na ikinagulat niya. Namula iyon at kita pa ang bakat ng kamay ko.

"Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko sa iyo, Yohan. Namili ka na, hindi ba? Pinili mong wasakin ang tiwala ko sa iyo. Mahirap na iyong maibalik. Kahit anong salita mo pa ngayon, hindi ko paniniwalaan. Mas mabuting maghiwalay na lang tayo kaysa magkasakitan pa tayo. We started in a wrong way then we ended in a worst way possible. Yohan--"

He cut me off. "No, we can't break up. Hindi ako makikipaghiwalay sa iyo! Feliz!" Lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ang binti ko. "Patawarin mo ako, Feliz. Nagkamali ako, dapat sinabi ko na lang sa iyo lahat. Patawarin mo ako!" 

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng lalakeng ganito kababa ang pride. Ngayon lang din ako nakakita ng lalakeng ganito kagrabe umiyak. Umupo ako para magkapantay ang mukha namin.

"Yohan, maghihiwalay tayo pero hindi ibig sabihin ay kailangan na nating kalimutan ang isa't isa. We can grow apart." Niyakap ko siya at hinaplos ang pawisan niyang likod. "Gusto ko sa pagkikita natin ulit, ikaw na ang Captain ng sasakyan kong eroplano patungo sa bansang gusto kong puntahan. Habang malayo tayo sa isa't isa susubukan kong mabuo muli ang tiwala ko sa iyo. Hindi iyon ganoon lang kabilis. Mahihirapan ako kasi nandito na naman ang takot."

"Hindi ko mahal si Keila, Feliz. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang mamahalin ko. Huwag tayong maghiwalay." Mas mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.

Tumango ako. "Ikaw lang din ang mahal ko, Yohan. Pero hindi pa siguro ang panahon para sa pagmamahal natin sa isa't isa. May kaya ka pang abutin at hindi ko iyong pipigilan. May sakit ka pang naparamdam sa akin kaya hindi ko pa ulit kayang bumalik sa dati. Kapa nagkita tayo ulit at ganoon pa rin ang pagmamahal natin, hindi nagbago o nabawasan man lang, we can try again. Maiintindihan ko kung makahahanap ka ng ibang mamahalin pero hindi ako, hindi ko na yata kaya. Ikaw lang ang gusto kong magmahal sa akin. Kahit hindi ko alam kung totoo lahat ng pinaramdam mo sa akin, gusto ko iyon. Gusto ko lahat iyon."

Sinalo ko ang mga mukha niya gawin ang dalawang kamay ko. Pinunasan ko rin mga luha niya. Naghalo na ang pawis at mga luha, mapula na rin ang mga mata niya at ang mga labi niya. "Sorry sa mga nasabi ko sa iyo. Patawad kung namura kita at sa sinabi kong ginamit lang kita. Hindi iyong galing sa puso ko. Kahit hindi ka man maging totoo sa akin, totoo lahat ng pinakita ko sa iyo. Pati ang pagmamahal na binigay ko ay totoo." Pinakita ko ang kwintas na binigay niya na hindi ko mahubad. "Hanggang suot ko ito ibig sabihin ay nandito pa rin ang pagmamahal ko sa iyo."

"Feliz, ayokong umalis. Dito na lang ako," sabi pa niya at hinawakan ako na parang batang maliligaw kung sakaling makibitaw.

Inakay ko siya patayo. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at ginamit iyong pamunas sa mukha niya. "Yohan, hindi na tayo mga bata. Hindi na madaling mawala ang nararamdaman natin. Huwag kang matakot na magkahiwalay tayo. If our love is true then it will not fade even we are apart. Nandito lang naman ako. Dito mo lang ako babalikan pero gusto ko kapag bumalik ka na, I can call you my captain."

I looked at his swollen lips. Tumingkayad ako para mahalikan siya. I gave him last bitter-sweet kisses.

"Pagbalik ko, sasabihin ko sa iyo lahat. Hindi ko pa kayang masabi sa iyo ngayon dahil sariwa pa ang lahat sa akin. My friends didn't treat me as one of their friend. The loathed me because of one reason." Umiling siya at yumuko. "I'm sorry, I can't."

Napansin ko rin ang pagtayuan ng mga balahibo niya sa braso. What is happening to him?

"I'm sorry, Feliz. I promised I'll come back to you. Please, don't fall in love with Sir Emman." He let go of me and then turned his back.

Muli pa siyang bumalik para mahalikan pa ako ng isang beses. I savoured the taste of his lips because I know, matagal na naman bago ko ulit iyong matikman.

"I'll see you soon, sugarpie. I'll fix everything about me. Aayusin ko muna ang sarili. I'll free myself first from everything before I can fully surrender myself to you. Always remember that I never lied to you, I love you so much. I'm sorry for lying and hurting you. I'll do everything to be deserving of you once again."

He finally turned his back to me. He drove his car away...

Bye, Yohan. Be better for us. I'll be better for us...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro