Kabanata 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

One More Pain

Hindi halos makapagsalita si mama nang sabihin kong hiwalay na kami ni Yohan. Si Ate Maricel din ay hindi makapaniwalang maghihiwalay pa kami ng pamangkin niya gayung maayos naman ang lahat sa amin. Wala rin akong sinabing dahilan. Hindi ko nga rin alam kung talagang naghiwalay kami ni Yohan. Nagkahiwalay lang yata kami ng lugar.

"Ano na ang balak mo ngayon? Wala na si Yohan," sabi ni Mina habang kumakain ng siomai.

"Single ka na ba ulit? Nag-break ba kayo o lumayo lang siya?" tanong ni Mina na umiinom naman ng buko juice.

"Hindi ko alam. Basta ang alam ko mahal pa namin ang isa't isa." Ngumiti ako.

Kumunot ang noo nila at nagkatinginan pa. Siguro ay nagtataka sila kung bakit mahal ko pa rin si Yohan at wala halong galit ang tono sa kabila ng ginawa niya sa akin. Sa totoo lang, hindi naman malaking bagay sa akin na kasama ako sa laro nila. Parte ng buhay ng isang tao ang minsang mapaglaruan, maisipan ng mapasa, at maipahamak. Kung mabibigo tayong intindihin kung paano gumugulong ang buhay, mabibigo rin tayong hilumin ang mga sarili natin kapag nasubsob na tayo sa putikan. Nasabi ko na noong una na hindi perpekto ni Yohan, I already expect the worst. Siguro nagulat ako sa mga nangyari. Nagular ako na nakakaya pa lang ng isipan ng tao ang gaanong pag-iisip.

Sana, sa paghihiwalay namin ng landas ay mas maging malawak pa ang isip namin tungkol sa mga bagay-bagay. Iyong mga bagay tungkol sa isang malalim na relasyon. Kailangan mas matutunan kong patatagin ang tiwala ko at mas lalong maging bukas ang pandinig ko. Nakalimutan ko ang sinabi ni Yohan na dapat ay sa kanya lang ako makikinig at sa sarili tungkol sa relasyon namin.

Marami nang nanghusga kahit noong nagsisimula pa lang kami. Maraming gustong sumira ng tiwalang binubuo pa lang namin sa isa't isa. Nagtagumpay ang ilan pero hindi kailangang palaging ganoon. Nabigo akong pakinggan si Yohan, nabigo siyang ipaintindi sa akin ang lahat. Sa huli ay pareho kaming nasaktan.

Napangiti ako nang magpadala siya ng litrato sa akin sa email account ko. Pareho na naming hindi binubuksan ang FaceGram account namin. Mas gusto namin ang ganito. Ayaw na naming may mangialam pa na iba sa relasyon namin. Mas mabuting marami na lang silang tanong at puna kaysa i-satisfy namin ang kagustuhan nilang makakuha ng atensyon

Flying...once again, sugarpie.

Iyan ang kalakip na mensahe ng litrato ng kamay niyang nasa nakalululang mga button.

Eyes on the clouds, my captain.

Alam kong hindi na niya iyong mababasa dahil abala na siya. Gayunpaman, mas maganda na ang ganito. Sa pangarap niya siya mag-focus. Ang kailangan ko namang pagtuonan ng pansin ngayon ay ang trabaho ko para mabayaran ko na ang bahay at lupa ko. Para rin makabili na rin ako ng gamit. Sa oras na nakabalik na si Yohan, hindi na namin kailangan pang matulog sa sahig.

Kinausap ko rin ang mga magulang ko na baka hindi muna ako makapagbigay sa kanila ng pera. Naisip ko kasi na kaya ako nahihirapan ay pinagsasabay-sabay ko ang mga bagay na hindi naman dapat. Kung tutuusin ay dapat sobra ang sahod ko para sa akin, pero palagi na lang nasasaid at minsan ay nagkukulang pa. Sinabi ko sa kanila na uunahin ko munang bayaran ang bahay at lupa ko kasabay ng pagpapalago ko ng pera sa savings account ko. Sa pagkakataong ito, sarili ko muna ang uunahin ko. Magiging makasarili muna ako kahit sa konting panahon.

"Daddy, napabisita po kayo?" tanong ko sa daddy ni Yohan nang madatnan ko siya sa labas ng bahay ko pagkauwi sa trabaho.

Inabot niya sa akin ang isang kahon na katamtaman ang laki. "Galing 'yan kay Yohan. Pasalubong niya sa iyo dahil galing siya ng Singapore last flight niya," sabi niya.

"Salamat po, sana hindi niya na kayo inabala. Pwede namang ipadala niya lang ito gamit ang courier," sabi ko at tiningnan nang mabuti ang kahon. Ano kaya ang laman nito? Hindi naman niya sinabi na magpapadala siya.

"Sa totoo lang ay galing siya sa mansion. Gusto niyang personal ko 'yang iabot sa iyo dahil baka raw mahirapan na naman siyang umalis kapag nagkita kayo." Tinapik niya ang balikat ko. "Gusto kong ikaw ang makatuluyan ng anak ko. Nakita ko kung paanong nagkaroon ng direksyon ang buhay niya simula nang makilala ka niya. Hindi kagaya noon na puro barkada ang ang nasa isip. Minsan na nga siyang napahamak dahil sa pagbabarkada. Nang masangkot siya sa isang aksidente, hindi ko alam kung paano siya aalagaan." Umiling siya.

Nagtaas ako ng kilay. "Aksidente po?"

Tumango siya at hinilot ang sintido. "Siguro ay hindi pa nakukuwento sa iyo iyon ng anak. Bukod sa paghihiwalay namin ng mommy, iyon ang pinakamadilim na parte ng buhay niya. Napagbintangan kasi siya na dahilan ng aksidente na ikinamatay ng isa nilang barkada. Hindi ko naman siya pinabayaan, hindi ko naman hahayaang makulong ang anak ko. Isa rin siya sa lubhang napuruhan, maswerte nga lang at nabuhay."

Kinabahan ako. Bakit hindi masabi ni Yohan sa akin ang ganitong pangyayari sa buhay niya?

"Bakit siya raw po ang pinagbibintangan?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Siguro dahil siya ang driver. Ang nakapagtataka pa, ayon sa imbestigasyon ay hindi naka-seatbelt ang namatay. Kalaunan ay napalabas ding aksidente ang lahat. Walang may gusto ng nangyari. Hindi naman lasing si Yohan noong nagmaneho siya, iyong namatay ang nakainom." Tumingin siya sa langit na bahagyang nagdidilim na. "Sige, hija. Mauna na ako, malayo pa ang biyahe ko."

"Sige po, ingat po kayo. Salamat po."

Pumasok ako sa loob ng bahay na gulong-gulo ang isip. Marami pa nga akong hindi nalalaman kay Yohan. Binuksan ko na lang ang kahon na binigay niya. Wala akong ideya kung ano ang laman nito kaya ganoon na lang ang pagkagulat ko nang buksan ang maliit na box sa loob at makita ang isang diamond ring.

Kaagad kong tinawagan si Yohan gamit ang bagong numerong binigay niya sa akin.

"What is this?" tanong ko habang hindi makapaniwalang nakatitig sa singsing. Kumikinang iyon dahil sa liwanag na tumatawa sa mga diyamante.

"What?" tumatawang tanong din niya sa akin.

"Really, Yohan? A diamond ring? Isang buwan pa lang tayong magkahiwalay. Ano bang pumapasok d'yan sa isip mo?" Nagpamaywang ako.

"Nakita ko lang 'yan, accidentally. It was meant to be a gift because I remember you while looking at that ring. My co-pilot said that it was not a good gift for a friend especially if it is a girl. Saka ko lang nalaman na ganoon pa lang ang iisipin ng mga babae kapag binigyan sila ng singsing lalake." Huminga siya nang malalim. "I know we cannot yet marry each other because of our situation. I'll ask you the question after all of this. Please, keep the ring. I want you to make it safe while I am away."

"Okay, nagulat ako. Akala ko talaga ay nagmamadali ka na naman. You are still seizing your new role, captain." Gusto ko sanang itanong sa kanya ang tungkol sa aksidente pero hindi ko magawa. I don't want to ruin this moment. Minsan niya lang sagutin ang tawag ko.

Ang dahilan niya kung bakit niya iniignora ang mga tawag ko ay dahil mas lalo lang daw siyang mangungulila sa akin. Ako rin naman, nami-miss ko rin naman ang presenya niya rito sa bahay.

"Wala ka na talagang koneksyon kahit kay Cedric at Keila?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Yes, I can't be friends with them anymore. I was too blinded to notice the red flags. Hindi na ako babalik sa kanila. Ayoko na. Kung may babalikan man ako, ikaw na lang iyon."

Good thing that he thought of removing toxic people in his life. Natuto na siya ngayon na hindi mahalaga ang pagkakaroon ng maraming kaibigan. Kahit isa lang ang kaibigan mo basta, totoo siya sa iyo.

"Nakabili na ako ng kama, Yohan. Hindi na ako sa sahig matutulog," excited na sabi ko.

"Really? I miss sleeping with you. Iniisip ko palagi na ikaw ang unan na kayakap ko."

Tumango ako. "Ako rin, iyong unan mo dito hanggang ngayon ay amoy-Yohan pa rin. Ayokong labhan."

"You are lucky, while me, imagining your scent. I can't wait to see you again."

Natapos ang pag-uusap namin dahil kinailangan ko nang maglinis ng katawan at magluto pa ng hapunan ko. Sa pangangalkal ko sa damitan ko ng komportableng damit na masusuot ay nakita ko ang paper bag na noong New Year pa ibinigay sa akin ni Sir Emman. Hindi ko pa pala nabubuksan ito! Nakakahiya naman!

Ang regalo niya sa akin ay isang libro. Hindi lang iyon basta libro. Isang reviewer iyon for taking Psychologist Licensure Examination. I didn't know that Sir Emman is my believer. Naniniwala siya na kaya kong ituloy ang profession ko. Noon pa man ay alam kong isa na siya sa mga naniniwala sa akin.

I send him a message saying thank you for his wonderful gift. Should I push this? Kaya ko bang maging ganap nang Psychologist?

Ilang buwan din kaming hindi nag-usap ni Yohan. Hindi ko alam, basta isang araw na lang, hindi na kami nagpapalitan ng mensahe. Nawala na ang excitement tuwing makikita ko ang huling message niya na hindi nasundan pa. Naging busy din ako sa pagre-review na ginagawa ko tuwing matatapos ang trabaho ko.

"Feliz?" tawag niya sa akin. I miss him so much.

"Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam? Nainip ako kahihintay sa iyo, sa message mo." I don't want to cry.

"Sorry, I had a crush on someone. I'm so sorry, Feliz. But I know it's wrong--"

I cut him. "No, it's not. It's not wrong to like someone. It's part of moving on, Yohan. Maybe, you are forgetting me already."

"No! I can't do that! It is wrong because she looks like you. Magkaiba kayo ng ugali, she a narcissist, while you are a selfless woman. I had a crush on her because she looks like you. Damn! I miss you so much, sugarpie."

Akala ko talaga ay nagsisimula na siyang kalimutan ako. Ang unfair na naman sana sa akin dahil hanggang ngayon ay siya lang ang mahal ko. Parang ilegal kung titingin ako sa iba.

"Hindi ako maka-relate sa iyo. Wala ka kasing kamukha rito, eh. Masyado ka kasing gwapo. Ikaw lang ang hinahanap-hanap ng mga mata ko." Humalakhak ako kahit lumuluha ako. "Natakot ako, Yohan. Hindi ko pala kayang marinig na nahuhulog na ang loob mo sa iba. Ang sakit pala."

"I swear, if I sense that you are crying, I'll go straight to you. Aalis ako kahit alanganing oras na. Sa tingin mo ba makakaya ko rin na marinig na magmamahal ka ng iba maliban sa akin? I do what you said you wanted me to do, but I will just disappoint you if you push me to love another woman, to forget you. Hindi ko iyong gagawin, Feliz. Hindi ko iyon kayang gawin."

Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. We just need to be far away to know how much we wanted each other's love. Pareho naming sinubukang magmahal ng iba, sinubukan naming tumingin sa iba at kalimutan ang isa't isa, pero hindi namin magawa dahil sa pagmamahal na humihila sa amin.

Alam kong sa oras na makabalik na si Yohan ay hindi na kami mapaghihiwalay pa. O iyon lang ang akala ko...

"You what?" tanong ko sa kanya. It was already September. Naka-sched na rin ang Licensure Examination ko.

"I have a girlfriend, Feliz."

Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa panlalambot. Paulit-ulit ang pagdaanan ng sakit sa puso ko at hindi ko magawang umiyak dahil na rin siguro sa pagkabigla.

"Hindi mo na dapat sinabi pa sa akin," mahinang usal ko.

"Forget me, please. I think I fell out of love. Masyado ka kasing malayo. She filled the emptiness I am feeling everyday. Gusto ko ring panindigan ang nangyari sa amin sa hotel. Nagkamali ako, Feliz. Gusto ko nang gumawa ng tama ngayon. Sorry kung napaasa kita. Hindi na ulit kita tatawagan. Ito na ang huli. I wish for your happiness. 'Til next time, Feliz."

Hindi ko na hinintay na ibaba niya ang tawag. Ako na mismo ang nagpatay no'n. Nanghina ang tuhod ko. Nawala ako sa sarili ko ng ilang minuto. Tulala lang ako habang paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Yohan.

Habang unti-unting nagsi-sink-in sa akin ang lahat ay parang punyal iyon na unti-unting ding bumabaon sa puso ko ang sakit. Pinagkakabog ko ang dibdib ko hanggang kasi hindi na ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman.

Hanggang kailan ako masasaktan ng ganito? Hanggang kailan ako iiyak dahil kay Yohan?

Tama na! Hindi ko na kaya!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro