Chapter 2: Roommate

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa ring pumupunta sa bahay ni Vejo upang maging roommate niya, ngunit hindi siya nawawalan ng pag asa na may darating din.

At sa lumilipas din na araw ay sunod sunod din ang patayan sa Di Arhelo, walang katapusang pagkamatay ng mga tao rito, nangangamba na siya sa kanilang lugar. Hindi niya alam kung bakit nangyayari ito gayong hindi naman ganito ang kaniyang lugar noon, it was peace before but now it wasn't...

“Seryoso ba talaga ang Eskwelahan na ito? People are in danger yet they still continued this Class?” Iyamot na saad ni Jufeo sa kanilang dalawa ni Khloe.

Kahit sila ay hindi makapaniwala, “You know what I'm done,” pagsuko naman ng iba niyang mga kaklase at nag si alisan at hindi pinansin kung mahuli man sila ng mga guro.

Lahat sila ay nangangamba sa nangyayari, lahat sila nangingilabot at wala na sigurong araw ang walang namamatay sa kanilang lugar tila wala na itong kataposan.

Sabay ulit sa pag uwi silang dalawa ni Khloe, “I'm excited Vego!” napakunot ang noo ni Vego nang tumingin siya sa dalaga.

“Bakit naman?” Tanong niya rito.

Sumilay sa labi nito ang matamis na ngiti, “Uuwi na kasi si Ate Catherine, e 'di ba nga nagtatatrabaho ito sa dubai,” napatango lang siya sa dalaga.

Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay may natanaw siyang isang lalaki sa harapan ng kaniyang bahay. Napakunot siya ng noo habang nakatingin rito kaya naman agad niya itong nilapitan upang tanongin.

“Uhm... excuse me?”

Sumilay sa kaniyang harapan ang isang nakasalamin na lalaki na may kulay apoy na buhok at may salamin. He looks young but he's handsome because of his color fire hair.

“Are you the owner of this house?” marahan siyang tumango rito habang lihim na sinusuri ang lalaki, “I'm here to rent one of your room, I saw your post so...” hindi niya maiwasang manlaki ang mata dahil sa sinambit.

Agad niyang pinapasok ang lalaki, pinaupo niya ito. “Where are you from?” bungad niyang tanong sa lalaki, masasabi niyang gwapo nga ang lalaki lalo't pa may suot itong salamin na nababagay sa style nito.

“Sa kabilang baranggay lang ako, I just need to move because something came up,” dahilan nito hindi niya maiwasang tingnan ang suot nito.

Ngunit naagaw pansin niyang ang nasa pants nito na nasa dulo, a color red, hindi niya alam kung ano iyon. “How old are you?” muling tanong niya rito.

“23.” tipid nitong sagot sa kanjya, naramdaman naman niyang naiinip na ito at mukhang pagod kaya naman agad na niya itong pinapili ng kwarto.

“Bali, tatlong room ang available rito. Ang isa ang katabi kong kwarto habang yung isa naman ay nasa harapan ko at ang panghuli ay ang nasa dulo. Malaki ang loob nito gano'n din ang ibang kwarto.” Pahayag niya sa lalaki, hindi pa niya natatanong ang pangalan nito dahil nakalimutan na niya at isa pa mukhang pagod ito.

Tumango naman ito sa kaniya, pinili nitong kwarto ay ang nasa dulo. Pinahinga na niya ito ngunit bago pa 'yon tinanobg muna niya ang pangalan nito. “By the way, what's your name?” tumingin ito sa kaniya. Medyo nakakatakot ang tingin nito ngunit nilakasan niya ang loob na titigan ito pabalik.

“Ami Algonquin or AA but you can call me Ami.”

Hinayaan na ni Vego na mag pahinga si Ami. He checked his phone if there's have a news about the crime that has been happened here.

“Fuck!”

Napamura si Day nang habulin siya ng mga aso sa kanto, hindi niya alam kung saan siya tatakbo dahil sa tatlong aso na humahabol sa kaniya. Ang suot niyang salamin ay paulit ulit na lumuluwag dahil sa pagtakbo niya kaya mas lalong nahihirapan siya.

Hindi niya inaakala na ganto ang bubungad sa kanyang pag apak sa Di Arhelo. “H'wag kayong lalapit sa akin!” Kausap niya sa mga asong hunahabol.

“Kung alam ko lang na ganito ang bubungad sa akin, I shouldn't bring things so much.”

Kausap niya sa kaniyang sarili dahil hindi siya makatakbo ng mabilis gayong marami siyang dalang gamit. Pambato siya ng kanilang campus sa running ngunit tila hindi niya magamit ang kaniyang skill ngayon dahil sa mga gamit niya.

Sa kaniyang pagtakbo, napansin niyang wala ni isang tao ang nasa labas, napakunot ang kaniyang noo dahil sa napansin niya sa lugar.

Sobrang tahimik ng kapiligiran tila walang nakatira rito. Napapagod na siyang tumakbo kaya naman wala na siyang nagawa kundi batohin ang mga ito ng dala niyang gamit na teddy bear.

He loves that teddy bear but he couldn't do anything because of that dog stopped chasing him. He saw how those dog eat his teddy bear.

“My teddy bear...”

Walang buhay siyang naglakad palayo sa mga tao. Nag palinga linga siya ng tingin sa kabahayan para tingnan kung meroon bang bakanteng bahay na pwede niyang matitirhan o 'di kaya hotel.

Sa paglalakad niya, napadapo ang kaniyang tingin sa malaking bahay na meroong naka paskel na ‘Wanted Roommate.’ Walang alinlangan siyang kumatok sa pintuan nito.

Sa kaniyang pagkatok bumungad sa kaniya ang isang binatang lalaki na may itim na buhok, “How can I help you?” Tanong nito sa kaniya, tinuro naman niya ang naka paskel sa pader tila ngayon lang pumasok sa isipan nito ang pakay niya.

Kaagad siyang pinapasok ng binata, hindi niya alam kung ito ba ang may ari ng bahay dahil medyo bata pa itong tingnan.

Hindi maiwasang tingnan ni Vego ang lalaking kakapasok lang sa bahay dahil mukhang maraming pinag daanan ito para maligaw sa kaniyang pamamahay.

“What happened to you? You look exhausted?” Inayos muna nito ang suot na salamin bago siya sagotin nito. “Dog chased me.” Hindi niya alam kung maawa siya o matatawa sa naging rason nito.

“Anyway, what's your name?”

His brown hair is messed, “Day, just day.” Napakunot ang noo nito sa weird na pangalan nito. Sino nga ba ang mag papangalan sa anak nila na one name lang at araw pa talaga ang pinangalan.

“I'm tired, may I already know where's my room?” Halata sa boses nito na pagod ito sa pagtakbo sa mga asong humabol dito.

Agad na niya itong pinapili ng kwarto at dahil nga sa pagod na ito ay yung katabi nalang niyang kwarto ang pinili. Sa pagbalik niya sa sofa ay may nakita siyang isang pirasong papel.

“Who I Am?”

Napakunot ang noo niya sa nabasa niya sa papel, “Sinong mang iiwan nito?” Tanong niya sa kalawakan habang may pagtataka at pagtatanong.

Bumilis ang kabog ng dibdib niya nang may nakita siyang isang anino ng lalaki sa tapat ng kaniyang bahay habang nakangisi sa kaniya. Hindi niya masyadong manaig ang mukha nito dahil sa natatabonan ang mukha nito ng hoodie. Sa mga ngiti nito ay bigla niyang nabitawan ang papel na hawak niya habang nakatingin sa anino. Natatakot siya sa lalaki, iba ang mga ngisi nito na inigawi sa kaniya.

“Knock Knock!”

Dahan dahan siyang lumingon sa may pinto habang ang puso niya ay kumakabog dahil sa kaba na nararamdaman. Hindi siya makaibo sa kaniyang pwesto.

“Knock knock!”

Muli niyang narinig ang boses ng lalaki, sobrang lalim ng boses nito na kahit sino ay makakaramdam ng takot. Dahan dahan siyang lumapit sa pinto. Pabilis ng pabilis ang kabog ng kaniyang puso habang lumalapit siya. Ang mga palad niya ay nagpapawis dahil sa kaba at takot.

At sa pag pihit niya sa doorknob ay siya namang pagdating ni Ami habang masama ang tingin sa kaniya. “Why you didn't  open the door?” Dahil don binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanilang dalawa ang isang lalaking may mala liwanag na rosas na buhok.

“Tsk. May tao naman pala e.”

Ramdam niya ang pagkainis nito, nakaramdam naman siya ng hiya dahil sa nagawa niya. “I'm sorry, I... just thought it was--” hindi na niya sinubokang ituloy ang sasabihin niya dahil baka praning lang siya at kulang lang sa tulog.

Hindi na niya sinubukang kilalanin ang huling roommate niya sa bahay at agad na niyang tinuro ang magiging kwarto nito.
Hanggang ngayon ay ramdam niya ang inis habang ang katabi niyang lalaki ay naka poker face lang at walang pake sa inasta ng kakadating na lalaki.

Bumalik na ito sa kwarto at iniwan siyang mag isa. Nanghihina siyang umupo sa sofa habang iniisip pa rin ang nakita niyang anino sa tapat ng kaniyang bahay. Hindi niya alam kung may alam ba ang mga ito sa nangyayari sa Di Arhelo dahil sa kaniyang pag o-obserba ay tila wala ang mga ito na alam.

“AHHHHH!”

Nakarinig silang tatlo ng sigaw sa may cubicle, boses ng isang dalaga na animo'y may nakitang hindi kaaya aya. Kaagad silang pumunta roon at sa pagdating nila ay nagtotompokan na ang mga estudyante sa may cubicle.

Sumingit sila rito para lang makita kung bakit tumili ang dalaga. Ngunit gano'n nalang ang paglaki ng mata nang masilayan nila ang dahilan.

Isang dalaga... nakasabit sa may pinto habang ang mga mata nito ay nakamulat pa rin na malapit nang malaglag sa sahig ang mga mata nito.

Ngayon lang nangyari sa loob ng kanilang campus ang ganitong trahedya. Ni minsan ay walang nangyari ganito, ngayon lang talaga. Kung iisipin niya, simula nang dumating rito ang dalawa niyang roommate ay tila nabago na ang lahat.

Marami na siyang napapansin na kakaiba sa kanilang campus, hindi lang sa loob ng campus ngunit kahit sa bahay niya. Ibang iba ang tension na kaniyang nararamdaman sa tatlong lalaki na 'yon.

“Hindi ba si Michelle 'yon?”

Rinig niyang bulong ng isang babaeng estudyante, tiningnan naman niya ang babaeng nakasabit at tama nga ang babae. Si Michelle nga, ang taga kabilang section. Minsan na niya itong nakausap at masasabi niyang mabait ang babae.

Hindi niya gustong pagbintangan ang dalawa niyang kasama dahil kakakilala lang naman niya sa mga ito. Ngunit hindi niya maiwasang pag isipan ng masama.

Lutang na umuwi si Vego, sa kaniyang pag uwi may nakasalubong siya na isang lalaki. Nagsitaasan ang balahibo niya dahil sa ngisi nito sa kaniya. Bumalik sa kaniyang alaala ang nakita niyang lalaki noong nakaraang araw dahil kahiwag niya ito kahit natatabonan ang mukha nito.

“Hi...”

Malalim ang boses nito, tila isang robot. Lalo siyang nakaramdam ng takot. Sa pag lampas nito sa kaniya ay tila mawawalan siya ng hininga dahil sa kabang nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro