Eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Uh, sorry if medyo magulo ang bahay," nahihiyang saad ni Matmat.

I stomped my feet on their dover white tiles. Ang linis!

Nahiya naman 'yung fake Havaianas slippers ko na nasa labas. Hindi pwedeng makapasok dito 'yon dahil ang dumi!

Tinuro ni Matmat ang light brown couch nila. Andaming cushion na naka-pile!

I shyly nodded and sat on the couch. Mayroong maliit na coffee table sa gitna. May mga medical books na nakapatong dito at picture frame.

Iniwan ako rito ni Matmat at pumunta muna sa kusina. "Eleazar, may bisita. Umayos ka nga," striktong saway niya sa pinsan.

I stared at the picture frame. There was a couple and a little boy, I think aged nine or ten, was carrying a baby while smiling a little. Matmat. Kahit noong bata, ang cute na. Beside the little boy which was Matmat, there was also another boy. Malaki ang ngiti nito, bungisngisin at mahahalatang si Eleazar.

I heard Eleazar laughed at him. "Gusto mo, sabihin ko na-" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil mukhang pinatahimik ito.

I put back the picture frame on where it was displayed.

I played my fingers. Ang cute nilang magpinsan.

Teka, may baby siyang karga, so does it mean, he has a baby sister? Or it was his cousin?

Nakarinig na lang ako ng tunog ng plato. Mukhang mapapakain ako ng free food nito!

Narinig kong mahina silang nag-uusap kaya 'di ko malaman lung tungkol saan ba. I scratched my ears while waiting for them.

As what I observed. Their house is neat and organized. Hindi man gaanong kalakihan ang loob ng bahay ay nagamit nang maayos ang available na space.

The color of their house is the same as what I've seen outside. It is painted with white and pale yellow combination.

Their television is mounted on the wall. The atmosphere inside is light and airy. Kahit ang mga bintana ay malinis kung titignan ito.

Lumapit ang dalawa sa akin at may bitbit na plato. "Medyo magulo sa kusina kaya rito na lang," sambit ni Matmat bago nilapag sa coffee table sa harapan ko ang plato na may sliced apple at naroon din ang aking binake na banana bread, naka-sliced din ito.

"Ito, señorita, juice," wika naman ni Eleazar at mahinang tumawa bagk nilapag ang baso ng juice sa table.

Pabiro na lang akong napairap. I tapped the space on my side so they could have a seat.

Nagulat na lang ako nang tinulak siya ng pinsan kaya napaupo siya ng pwersa sa tabi ko.

Agad kong sinaway si Eleazar. "Hoy, ang sama mo!" sigaw ko sa kanya at dinuro pa siya.

He pointed himself. "Tinutulungan lang kita, Ate. Atsaka..." Umayos ng upo si Matmat at mukhang nahiya tuloy. Bahagya siyang lumayo sa akin. Then, Eleazar pointed us. "Insan, Ate, enjoy kayo." He grinned and went out quickly.

My lips parted. What did just happened? Iniwan kami ni Eleazar! Kami lang dalawa!

Kinakabahan man ay 'di ko ito pinahalata. Kumuha na lang ako ng sliced apple para maibsan ang kaba.

Takte, nasa iisang bahay kami. Kami lang dalawa rito! Kasama ko ang crush ko!

"Aemour."

"Matmat."

We said in chorus. We both chuckled.

I noticed his ears were red at panay iwas siya ng tingin. Naiinitan ba siya? Ang presko nga sa bahay nila, eh!

"Ano nga pala sasabihin mo?" Pagbasag ni Matmat sa katahimikan.

I cleared my throat and met his hazel brown eyes. "Saan si Mama at Papa mo? Atsaka sino 'yung bata na karga mo sa picture?" Tinuro ko ang frame. "Kapatid mo ba? Talagang si Eleazar lang ba madalas ang kasama mo rito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

He plastered a faint smile on his face.

Takte, masyado yata akong naging insensitive!

I raised my both hands, nervous. "K-Kahit 'w-wag m-mo nang sagutin!" agap ko agad at kinakabahang tumawa.

Halos mahimatay ako nang bigla niyang isandal ang ulo sa aking braso. "My father passed away..." panimula niya.

I lowered my head and stroke his hair. "S-Sorry," I cooed.

"My mother works as massage therapist. Hindi siya madalas umuwi rito dahil sa Manila pa siya nagtatrabaho, para medyo mataas ang kita," stated gently. He breathed. "My younger sister, Finnley, she..." He paused.

"Matmat... Huwag mo nang ituloy... kung nahihirapan ka... Please, I don't want to see you hurting, hmm?" I uttered as I continued caressing his soft hair.

"Hindi ko alam, Aemour..."

"S-Sorry, m-masyado a-akong m-mausisa," I awkwardly said.

"Hindi ko alam bakit gusto kong ikwento sa 'yo..." My heart raced and felt tensed.. "Can we just stay like this? Just for a while?" he asked like a kid.

I nodded immediately. "Of course! Kahit 24/7 pa tayong ganito, sure!" Landi talaga, Aemour! Hindi. Sinabi ko lang 'yon para mapagaan naman ang atmosphere rito.

"Finnley died at a very young age," he continued. "Leukemia. That illness killed her... Si Papa naman... nag-drive pa kasi kahit lasing..." He exhaled hardly. I reached for his hand and squeezed it. "He was hit by a truck..." His voice cracked.

"My father, Finn Aleczander and my baby sister, Finnley, I missed them so much..."

Agad akong nag-panic nang makita ko siyang umiiyak. I hugged him without second thoughts.

A tear escaped from my eyes and my heart ached. He's been through a lot. He's such a strong man. At a young age, he lost two of his family members.

I bit my lower lip to suppress a cry. Ah, Matmat, I badly want to take care of you. I hugged him tightly. Hinagod ko ang kanyang likod.

Nang nahimasmasan na siya ay bumitaw na ako. Takte, naiiyak pa rin ako. Ako 'yung nasasaktan para sa kanya. Tumayo at pumunta ako sa kusina nila para kuhanan siya ng tubig. Maayos naman ang kusina. Actually, it's all cleaned.

Pagkabalik ko sa living room ay nilahad ko sa kanya ang baso ng tubig. "Uminom ka muna ng tubig, Matmat," mahinang wika ko. Agad din naman niya iyong tinanggap at muli akong umupo sa tabi niya.

He placed the glass on the coffee table after drinking. May tira pa roon kaya kinuha ko at uminom na rin. Tinatamad akong bumalik ulit para kumuha ng tubig. Wala namang masama mag-share, eh.

After drinking everything, I placed the glass on the table again. I turned my gaze to Matmat. His lips parted like he was schocked.

I raised my brows but he just shook his head.

"S-Sorry, brining-up ko pa ang tungkol doon." Bibig mo kasi, Aemour!

"Okay lang... Hindi ko nga alam bakit mas gumaan ang pakiramdam ko no'ng nakuwento ko sa 'yo," he uttered softly. I bit the insides of my cheeks. "I forgot to tell you my mother's name. Morgan... That's her name."

I smiled. "A-Ang ganda ng name ng Mama mo. Bagay sa beauty niya," I uttered with sincerity while looking at her face on the picture frame. My eyes went to his father. "Pati si Papa mo, carbon copy kayo." I smiled once again. "Your sister... she's a pretty angel... She's free from pain. Sigurado akong papagalitan nila ako kapag magkita kami sa langit dahil napaiyak kita," mahabang pahayag ko. I looked at Matmat and saw him staring at me.

He quickly looked away. "I-If s-sa l-langit ang punta m-mo," tunog alanganin pa siya.

My brows creased. "Grabe ka!" I acted like I'm in pain. "Marunong ka na ng ganyan, huh?! May ganyang side ka pala!" eskeheradang sabi ko. "Ganyan ka na ngayon. Hindi na ikaw ang Matmat na nakilala ko," patuloy na pagsasalita ko.

He laughed at me. Ano, tatawanan lang ako?

His smile and laugh warmed my heart. Grabe talagang epekto ng lalaking ito sa 'kin.

I just wished him a genuine happiness. He deserved the whole universe. Hmp, I'm willing to be that universe.

Days have passed and it's already Heart's Day. Kinabukasan pagkatapos namin magkasama sa bahay nila Matmat ay pumunta siya saglit sa amin para ibalik ang plato na pinaglagyan ako ng banana bread.

Inaya ko pa siyang pumasok pero tumanggi agad siya. Para nga kaming hindi nagsama ng ilang oras dahil halos 'di na naman niya ako pansinsin. Takte, para na naman akong invisible.

"Happy Valentine's Day, maghiyawan ang mga single!" sigaw ni Millie pagkapasok ng room.

"Manahimik ka nga, Rhemillie!" sigaw ni Amara. Rhemillie is Millie's real name.

"Bakit ba?! Edi ikaw na may jowa, Amariella!" ganti ni Millie. Amariella naman ang totoong pangalan ni Amara.

Amara stick her tonge out. "May date kami mamaya!" mayabang na sambit niya.

"Saan naman kaya kayo dadalhin ng date na 'yan, huh?" makahulugang tanong ni Millie.

I just shook my head and continued what I'm doing. I'm reading a fashion magazine while waiting for our next subject. Nag-text pala sa 'kin si Axel na mag-lunch kasama niya. Kami lang daw! Tumanggi ako dahil nahihiya na ako sa kanya. Palaging siya ang gumagastos kapag kumakain kami. Ni ayaw niya ako paglabasin ng pera! Pero bandang huli, pinilit pa rin niya ako. Wala raw akong karapatang mahiya dahil hindi naman ako mahiyain!

Konting kembot na lang ay second year na ako!

I can't wait to fulfill my dreams. To be in the fashion industry, build a store for Ate Sydney, let my mother go home and stay here in the Philippines, and lastly, in time, and in God's will, I'll be living with a happy family with him.

Second year college.

Another year of frustration, stress, lack of sleep, and many more.

Yup. Time flies so fast that I badly want to grab life by the shoulders and say that I'm tired of getting older.

Pero 'di naman pwedeng bumalik ka sa kahapon. Our life is moving forward not backwards.

Ang kailangan lang natin gawin, harapin ang ngayon at ang magiging bukas.

Throughout the semester we'll have to complete fabric testing, secure clothing manufacturers, create an advertising campaign, decide where out fashion brand will be sold and create a tangible product to be presented to the class. 

"Hoy, Aemour!" pagtawag sa 'kin ni Millie.

Napalingon agad ako sa harap ko. Nasa fast food chain kami at malapit lang sa inuupuang pwesto namin si Matmat. Sa isang buwan ng klase ay minsan na lang ako nakakasama kanila Millit at Amara dahil sa busy schedule at kapag free time naman ay pinipili kong magtrabaho sa Swift's Treats para makatulong.

"Naglalaway ka na naman sa crush mo," pang-aasar niya pa bago ngumisi. Paano ba naman kasi ay nahuli na naman akong nakatanaw sa crush ko!

Hindi namin kasama si Amara dahil may date sila ngayong lunch ng kanyang boyfriend. Their relationship is getting stronger and we, her friends, are happy for them.

I tsked. "Hindi 'no," pagtanggi ko kahit totoo naman.

Tanga. Halata ka, Aemour. Hindi ka talaga magaling mag-acting.

Matapos niya akong pakiligin ng ilang beses sa simpleng mga gestures at words niya, heto siya ngayon, hindi na naman ako pinapansin. Nagyakapan pa kami sa bahay nila! Tandang-tanda ko pa 'yung joke niya na trespassing daw ang ginawa ko!

So, ano 'yon nananaginip ako nang gising gano'n ba?!

Ano ba ako, hangin, huh? Invisible ba ako? Hindi naman, ah! Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Takte, linya pala 'yon ni Liza.

Nagkasama pa kami sa bahay nila! Nalimutan niya agad 'yon?! Madaya! Unfair!

"Want mo ba mag-try makipag-blind date?" biglang tanong nito sa akin.

I almost choked my food. "Hindi ako mahilig sa ganyan!" I declined quickly and wave my hands.

"Try lang naman!" pangungumbinsi niya. "Atsaka kilala ko 'yon at trusted siya. Hindi siya masamang tao, promise."

I creased my forehead and paused for a while to think. Then, I shook my head. "Ayaw ko talaga," final na sagot ko at ipinagpatuloy ang paghiwa ng burgersteak.

She chuckled. "Loyal ka talaga. Shyeteng malagkit ka talaga, girl." Hinampas niya pa ang mesa bago natawa. Tumawa na rin lang ako.

"Si bebeboy Axel, hindi ko na napapansing sinasamahan ka, ah." I smiled at her remark, remembering how Axel bombarded me with his text messages. He's sorry for being busy. There's nothing to apologized for, importante naman ang kanyang ginagawa, eh.

After our last subject, I went out to buy some dinner for Ate Sydney. Paniguradong pagod na naman 'yon at hindi naman kasi ako masarap magluto, marunong lang.

Tinitiis niya kainin ang luto kong minsan sobrang alat at kung minsan ay kulang naman ng timpla. Hindi ko siya narinig na nagreklamo sa bagay na iyon. Nahihiya tuloy ako dahil hindi ko man lang malutuan si Ate ng masarap.

Every Sunday, I spent time to make crochet.

I'm currently making a crochet 'n chill ruffle shoulder top in mix color of babyblue, dark jade and white made of crochet thread.

I actually finished three tops at pastel colors ang aking ginamit dahil maraming may gusto no'n.

I was planning to sell these to make my own fund so I won't depend on my mother and sister's money. Atsaka, mahal bumili ng mga fabrics at supplies lalo na at kailangang-kailangan ko 'yon. I try so hard to balance my time in studying and making my crochet tops.

It was past midnight when I finished it. I kept yawning so bad! Ni hindi ko na naayos ang mga gamit dahil bumibigat na ang talukap ng aking mata.

Wala namang pinagbago ang mga nangyayari sa mga araw ko.

Not until today.

Bumibili ako ng ice cream kay Manong dahil maaga natapos ang class namin ngayon. Siya rin ang tindero na pinagtanungan ko noon tungkol kay Matmat at sa kanya ko rin nalaman na hindi pala Herald ang real name niya.

"Manong, dalawang pong tig-ten sa baso," saad ng katabi ko. Boses pa lang ay alam ko na talaga kung sino siya.

I cleared my throat. "Manong, isang ten pesos po, sa cone," sabi ko naman sa kanya.

Mabilis na nagsalita si Matmat. "Manong, dalawa na lang po pala na tig-ten. Isa ay cone at isa naman po sa baso." Ramdam mong kinakabahan siya. Bakit naman? Ako lang 'to, ano ba!

"Ako na bahala, Aemour," mahinang sambit ni Matmat sa akin. Teka, 'di ko ma-process... Tinawag ang pangalan ko!

"Huh?" I asked, confuse.

He looked away. His ears were red! "S-Sa ice cream, ako na bahala roon," he answered gently.

Bumaling ako kay Manong na nags-scoop. "Manong, siya na raw po ang bahala sa akin." I laughed. "I mean sa ice cream po." I covered my face to suppress a laugh.

Manong nodded and started to scoop ice cream. "Naalala kita, hija. Ikaw 'yung dati... 'yung nagtatanong..." Hindi na natuloy ang kanyang sinasabi dahil napangiti na lang siya habang ginagawa iyon.

I scratched the back of my head. "Ah, opo." I laughed softly.

Namg makuha amg ice cream ay hinatid ako ni Matmat hanggang sa tapat ng bahay. "Ano kaya sa tingin mo kung makikipag-date ako?" wala sa sariling tanong ko.

"Don't ... Don't date someone else," he said, clenching his jaw.

Napangiwi ako. "Bakit naman hindi?" nagtataka kong tanong.

He exhaled hardly and looked away. "J-Just don't," mariing aniya.

I pouted. "Then, let's have a lunch tomorrow," matapang na pagyaya ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang napabalik ng tingin sa akin. His lips parted. "Sorry..."

I breathed and forced a smile. Sabi nga nga, eh. Tatanggi talaga siya. "Okay lang, ano ka ba! Immune naman na ako sa rejection mo, eh," I jokingly said. Hindi pa rin kasi talaga ako immune, eh.

He shifted his weight and asked me something that makes my heart raced.

"Uh... What about a date... the day after tomorrow," he said, smiling shyly.

10/15/21

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro