Nine

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"D-Date?" I asked, baffled. Ano 'to, panaginip? "Tayo? Date?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

My lips parted.

All I can hear is wedding bells!

I pretended to be calm albeit my heart's pounding so loud! As if it wants to be free from the ribcage.

He scratched his head. "Yeah, uh... date as a friend."

Nganga.

"Ah..." I shifted my weight. "Oo nga naman, friends!" I faked a laugh. Tama naman siya, eh.

Oh, 'di ba? May label na kami. Friends. Karamihan, sa friends naman nagsisimula ang lahat. Kaya, take it easy.

"A-Ayaw mo ba?" pagkuha niya muli sa aking atensyon. Sasagot na sana ako kaya lang nagsalita siya agad. "S-Sa susunod n-na lang pala." He walked away immediately.

Lumaylay ang aking balikat. "Oks lang naman. Sino ba naman ako para yayain ng crush mag-date nang kasama siya?" I sarcastically whispered to myself.

I exhaled hardly before entering the house silently.

Inis akong umupo sa maliit naming sofa at tahimik na inubos ang ice cream. Napatingin ako sa wall clock at malakas na napabuntong-hininga.

Nakanguso akong tumayo at dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan namin ni Ate. Kaya lang, bigla akong may narinig na magri-ring na phone.

My brows frowned. "Akin ba 'yun?" tanong ko sa sarili. I went into my room and saw my phone on the bed. Ate Sydney is calling.

I picked it up answered her call. "Hmm?" bungad ko.

[Bumili na ako ng dinner natin. 'Wag ka na magluto.] She said. [Magsaing ka na lang diyan para pag uwi ko may kanin na.] Dagdag niya.

I smirked. "Yes, buti naman!" tuwang-tuwang sabi ko. "Bilisan mong umuwi, Ate!" I uttered, excitedly.

She tsked. [Sige na. Ibababa ko na.]

Binaba na nga niya agad. Napangiwi naman ako. Sungit talaga ng kapatid ko. Humilata ako sa kama at tinitigan ang ceiling. I remembered how Matmat acted a while ago. Sayang, bakit naman niya binawi? Eh, ang tagal ko na iyong inaantay.

I sighed and decided to text him but it was halted my Axel's message.

From: Axel
Ramen tayo bukas ng hapon! Libre kita :>

I smiled widely as I read the message. Alam niya kung paano ako papayag sa mga ganito. Hindi naman sa habol ko lang ay libre. Iniipon ko lang talaga 'yung mga pera ko for my own expenses.

I typed a reply.

To: Axel
okay dadi!

Mahina akong napatawa at umiling. Pinalitan ko ang ire-reply ko ng 'okay sure! 'dahil baka kung ano pang maisip no'n. Pumunta na ako sa kusina upang magsaing.

Narinig ko ang pagbukas ng tarangkahan at hudyat na narito na si Ate.

Lumabas ako ng bahay at sinalubong siya. Hawak niya sa kanang kamay ang supot ng pagkain. "Ate!" Napangiwi lang siya sa 'kin at mabilis na ginulo ang aking buhok bago pumasok sa loob. I scoffed before entering the house. Mabilis akong dumiretso sa kusina at naghanda ng mga plato, baso, at utensils. "Ako na bahala, Ate, upo ka lang diyan," wika ko habang nilalapag sa mesa ang mga ito.

"Ano na nga ulit pangalan ng crush mo?" tanong niya nang makaupo na.

I bit the insides of my cheek. "Si... Matmat," alanganin kong tugon. Sinalin ko sa plato ang binili ni Ate na ulam namin, ginataang kalabasa with pork and sitaw.

I looked at her as I sit on the chair. She grinned at me. "May boyfriend ka na, 'no?"

I faked a cough. "Ate, naman! 'Wag ka ngang magsasabi ng fake rumors! Baka marinig na kapitbahay," natatawang saad ko.

She laughed. "Hindi ko naman sinasabi. Tinatanong ko. Tinatanong ko, Aemour." She cleared her throat. "Lead the prayer." I nodded and bowed my head to start.

Patuloy pa rin akong tinatanong ni Ate tungkol sa crush ko. "Hindi ko pa 'yon nakikita," she said before sipping her water.

I tsked. "Basta, Ate, magugulat ka na lang, kami na."

"In your dreams." She stick out her tongue.

I lifted my eyebrow. "At least nagkaka-interact kami. Ikaw nga, 'di ka kilala ni Seo In Guk at 'yung iba pa!"

She scoffed and pointed me. "Kahit na nagkakausap kayo, walang level up na nagyayari." Sinagi ko ang kanyang paa sa ilalim. "Aemour!"

"Madami pa naman akong crush!" depensa ko. "Hindi lang naman siya," dagdag ko.

She looked at me sharply. "Maraming crush." She rolled her eyes.

My lips parted. Ano 'to pahabaan ng sungay?! Magkapatid nga talaga kami.

Tumayo na kaming dalawa para ligpitin ang kinain. And of course, duty ko na ang paghuhugas. Si Ate na ang nagpunas ng table namin.

"Kung pinapaasa ka lang no'n, makakatanggap talaga 'yon ng sapak," she mumbled.

I laughed at her remarks while doing the dishes. "Hindi naman..." I said gently.

"Matagal na rin simula noong sinabi mo 'yung tungkol sa kanya. Seryoso na ba 'yang nararamdaman mo?" rinig kong tanong niya sa akin.

I pressed my lips. I was never like this before. If I had a crush it will just last for weeks or a month. Happy crush, they say.

Pero ngayon, lagi ko siyang nakikita hindi lang bilang crush kung hindi bilang taong makakasama ko.

I wanted to give him love and comfort. His eyes... were lonely. Tapos sa nalaman ko sa pamilya niya... at ng umiyak siya sa akin... doon ko mas lalo napagtanto na handa akong maging kasama niya sa lahat. Sa problema man, sa mga achievements niya... pati na rin sa pagtupad ng mga pangarap niya. Gusto ko, naroon ako.

Takte, malala na nga 'to.

"Siguro nga, Ate..." I responded.

She went near me. Nakasandal siya sa countertop, ang tingin ay diretso lang. "Wala namang masama riyan... Kaya lang, 'di ba kapag sobra masama? Minsan hindi natin namamalayan na sa kakabigay natin sa taong 'yon, wala na pala para sa sarili natin ang naiwan." She heaved a sigh.

I unconsciously smiled. Hindi pa naman ako gano'n. Hindi pa. "Malay mo, Ate, worth it din ang pag-aantay ko." I saw from my peripheral view that she crossed her arms. "Hindi naman ako nagmamadali atsaka, Ate, baka hindi pa siya ready for relationship." I bit my lower lip.

Kung in a relationship kami. Friends na kami. Pero ang dami kong tanong. I don't have the determination to ask him if he has feelings for me too. Ano lang ba ako sa kanya? Kapag nakikita niya ako, natataranta rin ba siya?

Naiirita ba siya kapag lumalapit ako? Nami-miss ba niya ako kapag minsan ay hindi ko siya nilalapitan dahil natatakot akong mapahiya sa mga kaibigan niya?

She tapped my back "Don't hesitate to tell me anything, Aemour. Kapag sinaktan ka no'n makakatikim 'yon ng upper punch sa akin," mariing aniya bago umalis sa kusina.

Wait. Matmat's birthday is on October eight!

Was that the reason why he wanted me to have date as a friend with him? Does he want to celebrate his birthday with me?

From what I recalled. I greeted him last year through text and gave him a chocolate cake that me and my sister baked. I am not really into materials when it comes to giving a gift.

I dozed off to sleep afterwards.

"Hindi pa ako nakakapili ng tela para sa presentation!" nag-aalalang saad ni Amara habang palabas ng room. We're on our way to have a lunch together.

Millie chuckled. "Hindi lang ikaw, Amara." They give each other a high five. Magkatabi ang dalawa habang naglalakad at nasa likuran nila ako.

They both turned their head at me. "Aemour, halika nga rito!" My heart warmed when they pulled me in between of them.

"Ang tahimik mo, hindi kami sanay." Amara chuckled softly.

I started to play with my fingers. "Niyaya kasi ako ni Matmat makipag-date as a friend..." I trailed off.

"And then?" They both excitingly asked.

I heaved a sigh. "Binawi rin niya," I uttered with a sad voice.

Amara tapped my shoulders. I turned my gaze to her. "Baka nahihiya lang 'yun, kaya binawi rin." Dumiretso ako ng tingin sa daan. "Alam mo, hindi sa pinapaasa kita pero nahuhuli ko 'yon minsan na nakatingin sa 'yo." She shrugged her shoulders. "Baka naulanan lang ng katorpehan," she added.

I tsked. "Baka iba ang tinitignan no'n. Wala lang naman ako sa kanya, eh," I said, bitterness filled my voice.

Millie poked my cheek. "Girl, you liked him ever since before you entered this university. Its been more than a year. Wala naman siyang kinikitang iba or nababalitaang girlfriend." I slightly nodded. Palabas na kami ng building namin. "Sa dami ng nagkakagusto ro'n at lumalandi, wala naman silang palag."

"Parang ako," singit ko.

Millie pinched my cheek. I glared at her but she just smiled. "May narinig akong chika-" Amara halted her.

"Marites ka, girl?" she laughed.

"Manahimik ka nga!" she grunted at her cousin and pulled me away to Amara.

"Pinsan ba talaga kita?!" she exclaimed on our back.

"Ito nga nga. 'Yung chika na narinig ko ay may natitipuhan daw si papi Alejandro mo," pagtukoy niya sa sinasabi kanina.

My brows knitted. That's normal. Liking someone is normal, not until it turns into love. Loving someone is like a vaccine. Masakit kapag naiturok na pero kapag natapos ay mawawala na sakit at effects na lang nito ang mararamdaman.

Kailangan ko na bang tapusin ang nararamdaman ko sa kanya at harapin na lang ang magiging epekto nito?

May natitipuhan siya... sino naman kaya?

"Hindi ka namin iiwan sa laban na 'to, Aemour," marahang wika nito sa 'kin. "Hindi ka namin iiwan hangga't hindi na ka nagkaka-boyfriend... kapag hindi naging kayo ni..." She suddenly halted from talking.

Para siyang natulala sa isang direksyon kaya akin iyong tinignan. Papunta si Matmat sa aming direksiyon! Takte! Biglang hindi ko alam ang gagawin ko. Pasimple kong inayos ang aking buhok. Ni hindi man lang ako nakapag-ipit nang maayos!

I cleared my throat when he stood in front of us. Si Amara na nahuli kanina sa paglalakad ay umangkla sa kabila kong braso. Natigilan din sila. Siyempre, nakakagulat naman 'yung pinag-uusapan niyo lang 'yung tao kanina tapos ngayon nasa harapan na namin.

He is wearing their white button on round collar with left and right hip pocket together with his ID, white pants, and a black closed leather shoes.

Nakatingala ako sa kanya ngayon, gulat man ay 'di ko 'yon pinahalata.

He gave my friends a small smile and met my gaze. My heart raced. Lagi na lang ganito kapag nakikita ko siya... pero ang sarap sa pakiramdam. Ang saya-saya ng puso ko.

"Aemour..." Ramdam ang kaba sa kanyang pagsasalita.

Sumingit si Amara sa usapan. "Matmat, tip ko sa 'yo, be confident in front of her! Kahit ano pang sabihin mo, kilig na kilig 'yan sa 'yo!" pagtukoy niya sa 'kin. Agad namula ang aking tainga. Ano ba, Amara! Binatukan din siya ni Millie na nag-aantay rin ng sasabihin ni Matmat.

Matmat inhaled deeply before shifting his weight. "A-Are y-you available tomorrow? F-For my birthday-" I halted him.

"Payag agad ako! Ang tagal ko 'yang inaantay na marinig mula sa 'yo, Matmat," diretso kong tugon. "Hindi kita tatanggihan." I stomped my feet on the ground. "Basta... Walang bawian, ah?" paniniguro ko. My both friends giggled.

Ang ilan sa dumadaan ay napapatingin sa gawi namin at nakita ko ang iba na kumuha pa ng larawan. Artista ba siya para agawan ng privacy?! I even heard some gasps from some women.

He scratched his head and lowered his head. "Thank you, Aemour... Walang bawian..."

I tsked and crossed my arms. "Thanks for what?" natatawang tanong ko. He looked at me again and presses his lips to suppress from smiling before walking past the crowd. Lagi na lang niya akong iniiwang tulala!

I scoffed. Showbiz star ba ako, huh?! Narinig ko pa ang sabi ng iba na 'mas maganda ako' pero ano naman 'yang ganda mo kung hanggang picture ka lang sa kanya?!

Millie claps her hands gently. "Naks, ang papi Alejandro, nagsisimula na," she said proudly. I bit my lower lip. Pulang-pula na siguro ang aking mukha.

Amara chuckled. "Yes!" she said, smiling widely. Umalis na rin kami roon at kumain. Sinagi niya ang aking siko. "Excited yarn?" She chuckled.

"A good friend is worth ten boyfriends sabi ni Pyo Mi Seon sa Hometown Cha Cha Cha," I stated. I just heard those from my sister. "The best kayo," I muttered. "Napaka-supportive niyo sa lovelife ko." I chuckled lowly.

Sinundo ako ni Axel after ng class ko sa hapon dahil sakto rin sa schedule niya. He took aeronautical engineering for his program and planning to take licensure exam to be a pilot on PFAL, Philippines Fly Airline. At, ngayon na lang ulit kami kakain nang sabay.

Excited na ako bukas! Sino kayang mga kasama sa birthday ni Matmag? I giggled inwardly. Takte, sakto may ipon ako! Ano kayang magandang iregalo. I should ask Axel later to have an idea on what does men prefer when it comes to gift.

"Hoy, bakit ka nakangiti riyan? Para kang tanga," bungad sa 'kin ni Axel. Nakatayo ako rito sa labas ng university at inantay siya. Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang iniisip na makakasama ko siya sa kanyang birthday.

I met his gaze and scoffed. "'Yung binigyan mo ng kwintas ay tanga. So tanga ka rin!" I pointed him, frowning.

Ibinaba niya ang daliri kong nakaturo sa kanya at ginulo ang aking buhok. "At least gwapo," he uttered, grining.

I rolled my eyes. "Walang may pake!" Natawa na lang siya at inakbayan ako bago kami naglakad patungo roon sa Ramen In Your Area na bagong tayo, malapit lang dito sa university.

Nang nakarating doon ay nakahanap agad kami ng two-seater table at nag-order na. Habang nag-aantay ay roon ako nakahanap ng tyempo magtanong.

"Axel," tawag ko sa kanya kahit na nakatingin na siya sa 'kin kanina pa. "Ganda ko ba masyado?" I gritted my teeth.

He tilted his head. "Ganda mo pero... manhid," he said and smiled.

My brows frowned. What does he mean? Takte, ito na naman 'yung mga sinasabi niya na nagpapalito sa 'kin. Lagi ko siyang napag-iisipan na baka may crush siya sa 'kin, kaya lang, magkaibigan kami, eh. May limit, may boundaries .

I snapped my finger. "Ano kaya sa tingin mo ang pwedeng iregalo kay Matmat?" I asked, resting my chin on my palm.

He sighed and leaned on the chair. "How sad, I am with you... but you still think about him." He gave me a sad smile.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro