One

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Gusto mo ba ng bahay, kotse, lupa?"


Natatawang tanong ni Axel sa 'kin, anak ni Ma'am Chloe, may ari ng Swift's Treats. Nag-a-arrange ako ng pastries habang siya ay nanggugulo. Wala pa masiyadong customer dahil maaga pa.


Lagi nga akong kinakausap nitong lalaking 'to! Feeling close, amp.


I didn't even turned his gaze to him. He sighed dreamy, "Hindi ko 'yun kaya pero kaya kitang bigyan ng magandang lahi."


I rolled my eyes, "Sungit." He chuckled.


Siguro kung si Matmat lang ang nagsasalita ngayon kanina pa ako kinilig!


I scoffed. Masungit?! I badly want to shout at him but I can't! Anak siya ng may-ari ng pinagtatrabahuan ko, baka ma-fired pa ako! Edi nganga!


I work in Swift's Treats since it's still vacation. And, also to earn money for savings. Malapit lang ang cafe sa amin kaya walking distance lang.


Ma'am Chloe told me that she's a fan of Taylor Swift so she named the cafe after her idol's last name. How cute!


Ma'am Chloe went to us holding a tray with new baked cheesecake on it. Kinuha ko iyon at inilagay sa glass display counter.


"Anak, naman, baka umalis agad si Aemour dito sa cafe natin dahil sa pangungulit mo." Lumapit siya sa anak na nakasandal sa counter at mahinang kinurot ang braso.


Axel's wearing a black plain shirt and maong shorts. He looked like his mother. He actually had that look that girls dreamed of. But, my eyes belong to someone else, and that's not him.


Pwede ko naman siyang i-add sa lists ng mga crushes ko pero ngayon, gusto ko na maging loyal.


And it's a new thing I found on myself! Kaya kong magpaka-loyal sa crush ko!


I stuck my tongue out when his eyes met mine. He glared at me and pointed me using his index finger. "Ma, tignan mo nga!" Napailing na lang ako sa kanya dahil mayroon na akong customer na papasok.


"Aemour, ikaw na bahala, ha?" Ma'am Chloe said, cheerfully before going out. May lakad kasi siya ngayon.


My customer is now in front of me. She looks young even she's wearing an eyeglasses. Her hair is in high ponytail and wearing a brown puff sleeve partnered with maong skirt and sneakers.


I smiled at her widely, "Good morning po, Ma'am."


She gave me a shy smile. "Isang wintermelon milktea po at..." nagtingin siya ng idadagdag sa menu. "Dalawang spanish bread po," she softly said.


Tumango ako at tinanong kung may dagdag pa ba siya ngunit wala na raw. I told her the price and she paid. Kumuha na ako ng spanish bread it inilagay iyon sa brown paper bag. Si Axel ay parang manager na pinapanood ako.


"Paki-antay na lang po 'yung milktea,"I uttered, smiling. Kumuha ako ng sticky note. "Uh, name po?" I asked her.


"Primrose po," she replied. I nodded and she went near a two seater table.


Sinundan ako ni Axel hanggang sa gumawa ako ng milktea. "Layuan mo nga ako," reklamo ko.


He tsked. "Bakit naman?"


I rolled my eyes, "Ayaw ko sa 'yo."


While working, I suddenly missed Ate Sydney's grumpy face. Gustong-gusto niyang mag-bake sa bahay at ibenta ito online.


Hindi niya alam na nagtatabi rin ako ng kaonting pera para sa dream bakeshop niya.


Si Papa at Mama ay hiwalay na. Si Papa ay muling kinasal sa ibang babae samantalang si Mama ay piniling magtrabaho sa ibang bansa at nagpapadala sa amin monthly.


Axel poked my cheek. I glared at him.He pointed the mixer. Oo nga pala, may customer ako. I sighed and continued working for the next hours.


Hindi ako tinantanan ni Axel. He even ate with me during lunch!


Hanggang sa gumabi na ay sinamahan niya lang ako. Takang-taka pa nga si Ma'am Chloe dahil magmula umaga ay narito siya.


"Ma, hatid ko lang si Aemour sa bahay nila," paalam niya habang ako ay nag-aayos ng gamit sa counter.


Si Ma'am Chloe naman ay nagbibilang ng pera. "Mag-ingat, ha?" she stated and looked at me.


I smiled at her.


Isinabit ko ang tote bag sa braso ko. I whispered, "Kaya ko nang umuwi mag-isa, Axel." I said.


Inakbayan niya lang ako hanggang sa makalabas ng glass door. Ang kulit talaga! Hindi ko kasi sinasadyang makwento na nakatira lang ako sa malapit. Dinadaldal kasi ako!


Malayo pa kami sa bahay pero nakita ko sa hindi kalayuan ang crush ko! May street lights kaya kitang-kita ko ang masungit niyang pagmumukha, parang inip.


He's walking towards our direction. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya. He's wearing his pambahay clothes.


"Hoy, bakit ka tumigil?" takang tanong ni Axel sa gilid ko.


I turned my gaze to him. Bago pa ako magsalita ay may tumikhim sa harapan namin. My lips parted when I saw Matmat in front of us.


He coldy look at me. "Sabi ng ate mo, sunduin daw kita." He said, not smiling.


Nakita ko pa siyang tinignan si Axel saglit bago muling bumaling sa 'kin. Hindi ko nga pala siya napapakilala sa kanya. "Uh, siya si Axel!" I said trying to light the atmosphere.


"I'm not even asking his name," he uttered, nonchalantly. My forehead creased, bakit ganyan ang asal mo ngayon, crush, huh?!


Bumaling ako kay Axel na masamamg nakatingin kay Matmat. I pulled his sleeve, then, he looked at me. "Una na kami, ha?" I said.


Muli pa siyang lumingon kay Matmat bago tumango sa akin. Ginulo pa ang buhok ko! "Ang sama mo!" I complained. Likod na lang niya ang tanaw ko dahil naglakad na siya paalis.


"Ang haba naman ng name mo, Flynn Alejandro Matthew Escobar," nags-scroll kasi ako sa Facebook at ni-like ang freedom page ng university at nakita ang pagmumukha niya. Ang tahimik niya kasi! Hindi effective ang paglalandi ko!



#USBFreedomWall

hello sayo Flynn Alejandro Matthew Escobar! hehe ang gwapo mo po kuya, til next eye to eye!


Ang picture niya ay mukhang stolen shot lang. Buwan ng February ini-post ang picture. Sa library ang area kung saan siya kinuhanan ng litrato. Kahit nakakunot ang kanyang noo habang nagbabasa ng libro ay ang gwapo niya! Mag-isa lang siya sa mesa at parang walang alam na kinukuhan na siya ng larawan.


Ha! Nalaman ko rin ang pangalan niya! Wala talagang nakakatiis sa isang Ophelia Aemour! Nagsinungaling pa siya sa binigay niyang name! Ayaw ko sa liar pero kung pagpapakipot niya lang 'yon, aba bakit naman ako aayaw?


One year ang gap naming dalawa. Akala ko ka-age ko lang siya. Hmp, one year lang naman ang tanda niya pero crush ko pa rin siya.


Akalain mo 'yon same school kami ng school? Sa University of San Bernardo ako mag-aaral and I'll take AB-FDM, Bachelor of Arts in Fashion Design and Merchandising.


Nilingon ko si Matmat na diretso lang ang tingin sa daan at mukhang walang paki sa sinabi ko habang naglalakad. Ni-lock ko ang screen ng phone bago ibinalik sa tote bag. "Anong mga pangarap mo?" tanong ko sa kanya na nakapamulsa habang naglalakad kami pauwi.


"Marami," simpleng tugon niya lamang nang hindi lumilingon sa 'kin.


"Tulad nga ng ano?" Bahagya kong binilisan ang lakad para mahabol siya dahil sa haba ng mga binti niya. Tangkad!


Tumigil siya kaya napatigil din ako. Binalingan niya ako. "Gusto ko maging pediatrician balang araw, mabigyan ng magandang buhay sila Mama at Papa, magkaroon ng sasakyan..." Umiwas siya ng tingin.


I smiled while nodding, "Kasama rin ba ako sa mga pangarap mo?" I scrunched my nose.


Tumawa lang siya at nauna na ulit maglakad.


Tumawa siya! Ang masungit niyang mukha ay napalitaan ng ka-anghelan!


"Oy, hindi mo pa sinasagot," nakangiti akong tumakbo at tinaas sa magkabilang gilid ko ang pareho kong kamay para harangan siya sa daan.


"Kasama ba ako sa mga pangarap mo?" I repeated.


Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Anong gagawin niya?


Tumigil siya sa harap ko at bahagyang yumuko, "Hindi," matabang na sagot niya. Binaba ko ang magkabilang kamay ko at nginiwian siya.


Nawala na ako sa mood kaya naka-crossed arms ako habang naglalakad. Nauna na ako sa kanya, dahil nakaka-badtrip siya!


"I-uncrush na kita," inis na bulong ko sa sarili ko.


Nakarating na kami pareho sa tapat ng gate ng aming bahay. "Dito na ako. Salamat," cold na sabi ko at hindi na siya nilingon bago pumasok.


Manigas ka!


I entered the house. "Good evening, Ate Sydney ganda!" I greeted her, smiling. She's watching kdrama on tv. Well, it's her favorite thing to do aside from baking.


"Kain ka na," she said without laying her eyes on me. Si Song Kang lang naman kasi ang pinapanood niya! Hmp, ang scene ay naghahalikan sila ng babae sa may countertop ng kitchen! Grabe! Parang gusto ko silang tanggalan ng kusina!

I answered, "Mamaya saglit, ate. Pahinga muna ako." Bago ako dumiretso sa kwarto ay muli akong umikot at hinarap siya. "Ate, 'wag mo na akong ipasundo kay Matmat kapag uuwi ako." Inis na saad ko.

Her brows frowned, "Huh?" She asked, confused.

I sighed, "Wala. Sabi ko, hindi kayo bagay ni Song Kang. Mas bagay kami," I laughed when I see her deadly glare. Mag-ate nga talaga kami.

Pumunta akong kwarto at humiga at tumitig sa ceiling, "Hindi ako kasama sa pangarap mo, edi 'wag."

Well, sino ba naman ako?

Four days ko pa lang siyang nakikilala at ganito na ako kabaliw sa kanya!?

Tapos kanina, 'yon lang ang ikalawang beses na nag-usap kami!

Pero napatawa ko naman siya!

Pero ang sama niya! Parang ayaw niya talaga akong maging kaibigan man lang. Tapos ginanoon niya pa si Axel. Hmp, ekis na.

Umikot-ikot ako sa kama sa sobrang inis. "Hindi na talaga kita crush... Kahit kailan, hindi na!"

***
07/28/21

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro