Two

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Axel Sanchez sent you a friend request.

I scowled after reading my notification. Ang sinadya ko talaga rito sa Facebook ay mag-friend request sa crush ko.

Hmp, crush? Hindi ko na siya crush.

Ano lang... Titignan ko lang 'yung laman ng feed niya, bakit ba?

I typed his name. Flynn Alejandro Matthew Escobar.

Takte, nakita ko agad ang profile niya. Bakit ganoon? Ang rupok ko agad.

Literal na napanganga ako sa profile picture niya! He's in the beach, topless! Nakatayo siya sa dalampasigan at ang kanyang paa ay natamaan ng tubig habang ang ulo niya ay naka-sideways. I looked at the date of when it is posted. It's posted just a month ago!

I zoomed the picture. Shit, 'yung katawan niya bagay sa 'kin!

Konti pa lang ang pandesal niya pero bagay naman sa kanya ang kanyang pangangatawan. Toned ang kanyang muscles! Paano na lang kung mas nag-workout pa siya, edi talagang mababaliw na ako!

My brows frowned when I saw a lot of likes and comments. Meron pa ngang 41 shares! Famous siya?

Well, the initials of his name stands for F.A.M.E.

So, hindi lang pala ako ang nagkaka-crush sa kanya? Hmp. I read almost all of the comments. Mas lalo lang akong nairita nang makitang halos babae.

'Can u be my sugar dadi? :^ hehe'

'paranas naman maging gf mo'

'sana ako nalang ung tubig dagat'

I bitterly scoffed. Akala niyo kayo lang ang mga matatapang na magko-comment, ha? Pwes, ako rin! Hindi ako pwedenf magpatalo, 'no.

I took a breath before typing a comment.

What I mean is, comments.

'mine!'

'siya nagbayad ng parcel ko, ble!'

'ur so hot, just like a hot pandesal, baby!'

'matmat is only for aemour'

I bit my lower lip while reading my comments. Takte, nababaliw na yata ako! Matmat, bakit ka ganyan, huh?

Nag-scroll pa ako sa feed niya at wala naman siyang masiyadong posts. Halos tags lang ng mga kaibigan niya or mga nagkakagusto sa kanya.

I smiled like an idiot when I saw some taghed photos from last year's male pageant. Siya ang representative ng department nila at siguro ito ang dahilan kung bakit siya naging kilala sa university.

Mas lalo akong naging mukhang tanga dahil nakita ko ang isang video na kumakanta siya habang naggigitara sa stage!

Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)
Wala nang hihigit pa sa 'yo


'Di naman ako bolero
Katulad ng ibang tao

Ang totoo'y 'pag nand'yan ka
Medyo nabubulol pa nga ako


Malangis lang ang dila n'yan
'Wag kang madala

Dahan-dahan ka lang
Baka pati ika'y mabiktima
'Wag naman sana


 Akin ka na lang (akin ka na lang)
Iingatan ko ang puso mo
Akin ka na lang (akin ka na lang)

Wala nang hihigit pa sa 'yo

Ang smooth ng boses! Nakakalaglag panty!

There's a lot of girls screaming on the crowd 'Akin ka na lang Alejandro!' and it makes me annoy. There's also, 'Akin lang siya, girl! 'Wag kang ano!'

I scoffed bitterly when I saw his hand waving while he's smiling on the audience and it makes the girls scream and giggle like an idiot.

Umalis na ako roon dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

Nagtingin pa ako ng ibang posts. Ang pinost lang niya ay mga profile picture na tatlo. Nag-react ako roon ng heart. Pati ang cover photo niya na quotes lang ay nag-react at comment din ako.

After stalking his Facebook, I accepted Axel's request. Agad siyang nag-chat sa 'kin dahil lumabas ang mukha niya sa chat head.

Axel Sanchez:
pst. may twitter ka? or ig?

Agad naman akong nagtipa ng reply.

Ophelia Aemour Raquel:
walang twitter. meron akong ig, y?

Meron akong Instagram pero 'di ako masiyadong active ngayon kumpara noong highschool ako. Sa Twitter naman ay wala akong account. Mas tambay ako sa Facebook.

Pero dahil sa reply ni Axel at parang gusto ko na lang lumipat ng tambayan!

Axel Sanchez:
nakikita ko sa school ung lalaki kanina. alam ko twitter nya at ig

My heart is throbbing in happiness. Na-excite agad ako sa sinabi niya! Napaupo ako sa kama at nakangiting nagt-type.

Ophelia Aemour Raquel:
mag dl muna ako twitter. sabihin mo ung username nya!

Kaya lang agad din ito napawi dahil sa sumunod niyang chat sa 'kin.

Axel Sanchez:
kunin ko muna number mo bago ko ibigay sayo

Sineen ko lang siya at nag-download muna ng Twitter. Pagka-download ay gumawa agad ako ng account.

Aemour
@aemourraquel

future ni M| freetea gorjuice| misis escobar

17 following - 1 follower

My forehead creased. I just made an account then someone followed me instantly!

I checked if who is it. It was Axel! Grabe naman 'tong lalaki na ito!

I followed him back and chatted him on messenger.

Ophelia Aemour Raquel:
hoy anong username nya? ikaw ha nakafollow ka agad.  halatang crush moko. hmp.

Axel Sanchez:
number mo nga muna :D
hindi kita crush. gusto ko lang ng number mo.

Ophelia Aemour Raquel:
number one hahaha

Axel Sanchez:
grabe naman :( nakakatawa ba un ha. di na kita bati. parang number mo lang naman e

I chuckled at his reply. He's eager to get my number. Why does he want it so bad? Hindi ko siya ni-replyan at nagsearch lang sa Twitter ng possible account ni Matmat.

I searched him using the keyword 'Matmat' kahit na alam kong malabo dahil maraming ganoong pangalan sa buong mundo! Ang hina ko na mag-stalk ngayon, ah. Pudpod na ang special talent ko. Samantalang dati ay easy lang ako sa paghanap ng mga accounts ng mga crush ko.

Nainip ako sa Twitter kaya napadpad na lang ako sa Instagram. I searched his name.

I smiled like an idiot when his profile appeared. Alam ko agad na siya 'yon dahil same lang ng profile sa Facebook.

I immediately followed him. He has seven posts. Most of them was scenery except his latest post that he's in the beach.

Of course, I liked all of them. I also commented three hearts in every pictures he posted. Famous talaga, ninety-one following tapos twelve thousand followers!

My eyes twinkled when I read his bio, 'twt: @m2escbr'

Agad akong pumunta sa Twitter para lang ma-follow siya. Sabi kasi nila ay follow your dreams. He's the man of my dreams!

Matmat
@m2escbr

19| live well| i don't reply on DMs

Konti lang tweets niya pero andaming nagre-reply sa mga tweets niya. Hmp, ang hirap naman mapansin nito!

Ang profile niya sa both Instagram and Facebook ay black and white naman dito sa Twitter. His header is plain black and white color too.

His latest tweet was four days ago!

Matmat @m2escbr
wrong delivery.

Woah, teka lang. I think he sounded mad when he tweeted this! Kasalanan ko ba kung nagmukhang 8 ang 3?!

I dozed off after stalking his accounts. I even had a good dream. Once in a blue moon ko lang mapanaginipan ang mga crush ko!

Siya pa rin.

I dreamed about me and Matmat that we're holding hands while walking on the beach! Sana true, 'di ba?

Ate Sydney is still sleeping so I cooked us breakfast. Nagtira ako para sa kanya at naligo na. I knot my white v-neck shirt so it will looks cropped with blue jeans and flat shoes. I also let my black and shiny hair down. Para naman mukha pa rin akong maganda sa mga customers ko. I put my red scrunchie on my wrist.

I left a note on the table for Ate. I told her that I'll go to my work in Swift's Treats. Ang layo ng trabaho ko sa future career ko pero wala rin akong choice dahil kailangan kong mag-ipon ng pera habang bakasyon. Iyon lang ang available na trabaho para sa akin ang meron sa lugar na ito.

I looked online for a job related to my dream career. I found some websites looking for styling assistant but it's too far from our place. I need to submit portfolios and must have experince before I'll get the job. Wala pa akong experience at ang alam ko pa lang ay mag-sketch at manahi. I still have a long way to go. Sumasagi rin sa isip ko ang paggawa ng crochet dahil uso ito ngayon, kaya baka maraming interesadong bumili kapag nakagawa ako nang maganda. Gusto ko rin mag-try na gumawa ng accessories kapag may mga gamit na ako.


Si Ate ang saksi sa pag-aaway nila Mama at Papa hanggang sa maghiwalay sila. She's a homebody and doesn't want to go with other kids so she only have me and ou mother. Kabaliktaran niya naman ako na mahilig makihalubilo sa tao kaya laging wala sa bahay at nakikitambay sa ibang bahay.

Naglakad ako papunta sa tindahan kung saan pwedeng magpa-load. My heart raced when I saw Matmat on the store. He can't see me because of our distance at bahagyang nakatalikod siya sa 'kin. Pero alam ko na siya 'yon.

Bahagya akong tumakbo para maabutan siya kaya lang nang nagbayad na siya sa tindera ay umalis na agad.

Nilagpasan lang ako! Hindi man lang dumapo ang mata niya sa 'kin!

Hmp, nakakampo naman, lodibabes.

Nagpa-load ako kay Ateng tindera at habang nagt-type ng number ko sa de-keypad phone ay may naisip akong tanungin.

"Ate, ano pong binili no'ng lalaki kanina?" I asked and returned her the phone.

"Nagpa-load din po," she answered, nonchalantly.

My light bulb turned on! I bit my lower lip, "Iyong number niya, Ate... Pwede ko po bang makuha?" pahina nang pahina kong tanong. Nababaliw ka na talaga, Aemour!

She scratched her head, "Kakilala niyo po ba?" nag-angat siya ng tingin. I nodded quickly. Tinignan niya pa ako na para bang hindi makapaniwala. "Nilagpasan lang po kayo kanina." Grabe, pinaalala pa talaga. Oo na, ako na 'yung 'di pinapansin ng crush!

I tilted my head to think of any excuses. "Nagtatampo lang 'yun!" I faked a laugh. "Baka kasi masuyo ko siya through text," I added. Nag-isip pa siya bago dahan-dahang tumango.

I received a text on my phone, 'yung load na singkwenta. "Andito na 'yung load, Ate." Nagbayad na ako at umalis siya, mukhang may kinuha at pagkabalik ay may bitbit na post it.

"'Yan po 'yung binigay na number niya kanina." She said.

I smiled, widely. "Salamat, Ate!" I beamed.

Hawak ko ang post it at phone ko habang naglalakad papuntang Swift's Treats. I grinned when I finished typing his number on my contacts.

Sana lang talaga sa kanya 'tong number at hindi sa kung sinong kasama niya sa bahay nila.

I texted him.

To: Matmat Lodibabes
hai fho koya. soafer fogi mo naman!

krass kita lodicakes

i mean lodibabes

***
07/29/21

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro