Three

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

From: Matmat
sino 'to?

To: Matmat Lodibabes
future gf muh

gwafo ka na nga, talino mo pa. 2 in 1 pero may kulang pa. AKO!! para maging 3 in 1


Hindi na siya nag-reply kaya naman napabusangot ako sa pagpasok ng trabaho. "Oh, Aemour, goodmorming. Maaga pa ngayon, ah." Bungad ni Ma'am Chloe pagkabukas ko ng glass door. Nag-aayos siya ng mga upuan.


"Good morning po." I chuckled softly, "Maganda po ang naging tulog ko kaya napaaga ng gising." Uminit na naman ang pisngi ko nang maalala ang panaginip ko. I walked to the counter and placed my things. "Napanaginipan ko po ang crush ko, naka-holding hands daw kami tapos nasa beach!" pagmamalaki.


Buong araw lang akong nagtrabaho at dahil wala si Axel, mas payapa akong nagkikilos. Her Mom informed me na may lakad daw. Okay na rin, kapag kasi andito siya ay parang manager na sunod nang sunod sa 'kin. Palagi pa niya akong tinititigan at alam ko 'yon dahil halatang-halata naman!


Gabi na ngayon at dahil may mga customers pa ay nag-extend ako ng oras. Bakasyon naman kaya walang problema. Nagpupunas ako ng mesa at nakarinig ng tunog ng chime, senyales na may pumasok na customer.


I turned my gaze to see who it is. And, surprisingly, it was my crush! Agad kong pinunasan ang mesa nang mabilis at inayos ang upuan. Dali akong pumunta sa counter kung saan nag-aantay na siya.


I cleared my throat, "Uh, good evening, sir..." I tried to sound like a shy girl, damn it, halatang hindi mahiyain, eh!


Bago pa man ako makapagsalita ulit ay sinabi na niya ang kanyang order.


"Okay, dalawang croissants para kay Matmat." I said while getting the bread on the glass display counter using a small tong and put in on paper bag. Ginagawa ko 'yon habang ang kanta ng Cueshe ay pinapatugtog.


Cool! Akala ko ay puro Taylor Swift lang ang gustong kanta ni Ma'am, eh. Well, OPM, still my number one.


Mga mata mo'y nakakaakit
Ng ‘di sinasadya
Ngiti mo'y nagbibigay sigla
Ng ‘di mo alam
Maamo mong mukha pag nakikita
Ako ay natutulala
‘Di ko alam ano'ng gagawin

Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako



"Para sa 'yo 'yung kanta." I chortled while getting his order. I gazed him and he just gave me a puzzled look.


Galaw mo'y aking sinusundan
‘Wag ka sanang mawala
Nang ikaw ay lumapit
Pinagpapawisan sa sobrang kaba
Pilit kang mahawakan
Pero ‘di ko kaya
Sa iyo'y nahihiya
‘Di ko alam ano'ng sasabihin

Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo
Pansinin mo naman ako

Kaya pasens'ya na
Kung may pagtingin ako sa iyo
‘Di mapigilan bulong ng damdamin
Isisigaw ko para mapansin mo



Nakangiti kong inantay kong matapos ang part na 'yon bago before I totaled the price. He tsked. "Kung ibang customer ang pinag-antay mo, baka hindi na sila babalik dito." Masungit na sambit niya. Well tama naman siya pero, ito naman, kahit gabi, ang sungit! Hindi man lang pinansin ang sinabi ko! Buti rin talaga at kumakain iyong mga customer at walang bagong pasok.


I mentally cursed myself. I even thanked the situation where there's no customer that entered at this moment!


Marami namang kita ngayong araw. Atsaka, kailangan ko rin makausap ang crush ko, 'no. Hmp.


Tinanggap ko ang pera niya at nakangiting sinuklian siya. I gritted my teeth, "'Yung song na 'yun inaalay ko para sa 'yo." I uttered, giving him a shy smile. Ang pabebe, amp! I saw him shook his head. Sungit talaga! Kinuha na niya ang binili at lumabas. Hmp, ni hindi man lang siya ngumiti ngayon!


Natapos na ang work ko at magsasarado na si Ma'am Chloe. "Ako na ang bahala riyan," she uttered, smiling while I wiped the table. Pinilit ko siya na ako na dahil sinusuwelduhan ako para rito pero sabi niya ay okay lang daw dahil pagkatapos nito ay wala naman siyang gagawin.


"Ingat sa pag-uwi, Aemour!" she uttered before I left. She's always like that whenever I go home.


Bago pa man ako makalakad palayo ng Swift's Treats ay nagulat na lang ako nang biglang may humarang na lalaki sa harap ko.


It was Matmat.


Bitbit niya ang paperbag na pinaglagyan ko ng tinapay na binili niya. I gulped when I realized that he didn't went home after he bought croissants. He waited me... right?


"Tara na," he uttered softly that makes my stomach lurched. Kainis ka talaga, crush!


He's just silent beside me while walking. Mabagal lang kaming naglalakad. Pero gusto ko 'to, para kahit papaano ay makasama ko siya ng ganito.


"May crush ka?" I tried to open up a topic but he just answered me with his head, shaking. I nodded.


Hanggang sa nakarating na kami sa harap ng bahay ay hindi siya umimik. "Uh, salamat pala, Matmat." I cooed.


He nodded, "Pasok na. Malamig na rito sa labas." Nakakainis! Bakit ba tunog concerned boyfriend ka, huh?!


I smiled and winked at him, "Yes, baby." I chuckled. Tumalikod na ako sa kanya para buksan ang gate kaya lang may tanong na naman na pumasok sa utak ko.


Lumingon ulit ako. Hindi pa pala siya umaalis sa pwesto niya. I grinned and went near him. He raised his brows, "Bakit mo pala ako hinintay kanina, ha? Siguro nag-aalala ka sa 'kin, 'no? Or gusto mo lang talaga akong ma-solo at makasama?" Assuming na mga tanong ko.


I pressed my lips before I snapped my fingers. Pinanliitan ko siya ng mata, "You had a crush on me!" I pointed him, assuming.


His forehead creased and let out a ghost smile. "Why would I?" he said before turning away.


I scoffed as if he can hear it. He makes me feel the butterflies a while ago, yet he also makes me feel rejected!


Agad akong pumasok sa bahay at pasigaw na tinawag si Ate. "Ate Sydney!"


Nasa couch siya, nakaupo. As usual, nanonood na naman ng kdrama. "Ayaw sa 'kin ng crush ko!" niyakap ko siya at kunwaring umiyak na parang bata. Nilagay niya ang hintuturo sa ulo ko para matulak ako. Ang sama! But I love her for being like this.


"Ewan ko sa 'yo! Kumain ka na nga ng dinner. Bakit ka umabot ng ganitong oras, ha? Sabi ko naman sa 'yo na 'wag ka na masiyadong pagabi kahit na dagdag sweldo pa 'yan." Mahabang sabi niya. "Atsaka anong crush na naman?!"


"Hindi naman masiyadong gabi," pagdadahilan ko. "Si Flynn Alejandro Matthew Escobar. Diyan lang malapit sa atin, sa 068. Same kami ng university, kaya lang mas matanda siya sa 'kin ng one year. Pero okay lang naman 'yung kasi isang taon lang naman. Sinusungitan niya ako-" napatigil na lang ako nang makitang napangiwi si ate sa akin.


She rolled her eyes, "Kumain ka na nga. Hindi ka ika-crushback no'n!"


When my parents broke up, ate decided not to continue his medical course. The truth is, she really dreamed to become a successful baker, but our Papa doesn't want to. He wants her to become a Doctor, ang pangarap na hindi niya naabot noon kaya gusto itong makita sa anak.


Ever since he remarried another woman, he didn't bothered to call us. Kahit mangamusta man lang ay wala.


Kaya madalas akong tambay sa Facebook dahil doon ako nakakakuha ng update tungkol sa bagong pamilya ni Papa.


Even it hurts so much, I still choose to hurt myself more.  I thought the scar of my past was healed. But, here I am again reopening my old wounds.


Alam mo 'yung feeling na nagbabakasakali ka lang naman. Na kapag makita mo na masaya ang Papa mo ay sasaya ka na rin pero hindi, eh. Masaya siya sa ibang pamilya na ilang taon niya lang nakasama.


It's been two months since my college journey starts. Part-timer na lang ako ngayon sa Swift's Treats at ni-recommend ko si Ate kay Ma'am Chloe at pina-try ang mga gawa niya. Dahil masarap ang mga gawa ni Ate, ay nakuha na siyang baker doon.


May mga kaibigan na rin ako rito. Our professor in fashion designing introduced us the fashion illustration and elements of textiles. 


Nagkaroon din kami ng fashion orientation nung mga naunang araw ng pasukan. Nakaka-enjoy dahil ginagawa mo 'yung bagay na nagpapasaya sa 'yo. Iyong kung ano talaga ang gusto mo at hindi ng ibang tao.


Sila Millie at Amara ang mga naging kaibigan ko. Pareho silang masiyahin na dalawa. Actually, magpinsan sila.


I shared to the both of them that I had a crush on Matmat. They both agreed that he's totally the apple of the eye in our campus.


They both called them Alejandro. "Shyeteng malagkit ka, girl. Mukhang ang cold naman ni papa Alejandro mo," Millie stated, pouting.


We're here in the canteen and I saw him entered. His eyes laid on mine but he immediately looked away, na para bang 'di ako kilala. Lagi ko siyang kinukulit. Tuwing uwian ay inaantay ko siya sa room nila at inaayang kumain ng street foods pero lagi niya akong tinatanggihan!


Lagi niyang kasama kapag uwian ay 'yung mga kaibigan niya. Naaabutan at naririnig pa nila ang mga sinasabi ko kay Matmat kaya inaasar tuloy siya sa 'kin.


Amara chuckled. "Ay, kung ako 'yan, ie-ex ko na siya sa mga crushes ko!"


Millie and I both tsked. "Baka nakakalimutan mong may boyfriend ka?" Millie said while pointing Amara. Magkatabi kami ni Milli at si Amara ay nasa harapan nakaupo.


I actually have my highschool bestfriend before but we lost contact. Andami nang nagbago simula nang mangibang bansa ang mga kaibigan ko.


The reason why I stopped contacting my old bestfriend because he's the daughter of my Papa's new wife. Mas tinuturing pa niya itong anak kaysa sa amin ni Ate. My bestfriend chose her own happiness more than our friendship. Ni hindi niya sinabi sa 'kin ang tungkol dito.


I just thought that it was so unfair that the person I've trusted will hurt me. The person whom I thought that will never lie to me, caused me pain. Pakiramdam ko sinampal ako ng kapalaran.


Hindi ko alam na siya na pala ang binibigyan ni Papa ng baon sa school. Hindi ko alam na siya pala ang niregaluhan imbes na ako. Ako, na anak naman niya. Ako na tinuruan niya mag-bike. Ako na sinasamahan niyang umakyat sa stage kapag moving up ceremony.


Si Mama ang pinangakuan niya sa harap ng Diyos pero bakit ngayon iba na ang nagbibigay ng kasiyahan niya? Iba na ang mahal niya. Hindi na kami.


One month after I graduated in my senior year, Ate Sydney and I immediately moved out of our rented house. Iyon ang bahay na nakasaksi ng lahat, kaya lang kami na lang dalawa ang naiwan. At kapag andoon ka, maaalala mo lang kung paano nabuo at nawasak ang pamilya niyo roon.


"Bawal bang magka-crush kahit na may jowa, huh? Crush lang naman, eh." Amara defended and glared at her cousin. I laughed at them. They always argue about things.


Millie suddenly shouted in a thin voice. My brows frowned and looked at her confusingly. May minata siya kaya napabaling ako roon. Campus crush din pala 'tong si Axel!


Axel is walking towards us! Sobrang bilis ng pangyayari dahil andito na siya sa table namin at nakitabi sa akin! Nilingon tuloy kami sa aming pwesto! May mga narinig pa akong nagsabi ng 'sana all' daw!


Millie voluntarily sat beside Amara and let Axel sat next to me! Amara cleared her throat. "Kayo?" she asked, halatang nang-aasar.


I quickly shook my head. Kami?! Paanong kami, eh, may crush nga akong 'di ako pinapansin!


I heard Axel chuckled and I felt his hand on my shoulder. I glared at him. "Ano ba?" pabulong na reklamo ko.


"Hindi ka ba masaya na andito boyfriend mo?" he grinned. Nagsitilian naman ang dalawa! Alam nilang loyal ako sa crush ko pero ito sila, shini-ship kami!


Tumayo rin siya at bumili muna ng pagkain. Nagkukuwentuhan lang kaming tatlo nang may biglang naglagay ng water bottle. "Salama-" pag-angat ko ng tingin ay nagkamali ako ng inalakala na si Axel 'yon.


Pero si Matmat ang naglapag ng bottle. My heart is throbbing in happiness. Amara and Millie both cleared their throat at nagpipigil kiligin.


Parang kanina lang ay kami ni Axel ang shini-ship, ah! Tignan mo nga 'tong mga 'to!


His cold eyes met mine. "Don't forget to drink water after eating junk foods," he uttered coldly, emphasizing the 'junk foods' before walking away.





***
08/01/21

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro