Sixteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ano 'yon, sabi Christmas break pero may projects pa rin na hinahabol dahil sa deadline!" Amara grunted after ordering charamel macchiato and brownies here in Swift's Treats.

I was in the counter and packing her order. "Magrereklamo pero gagawin din naman." I chuckled and smoothly pushed the paper bag so it would reach to her.

She paid her order. "Siyempre, ayaw ko rin naman bumagsak!" nakangiting aniya. Siya ang pinakaunang customer ko ngayong araw. "Rito sana kami magd-date ni Tim ngayon kung hindi lang siya busy." I went the computer to check the bill before giving her the change.

"Buti na lang busy, ayaw ko makakita ng couple, sakit sa mata," natatawang sabi ko.

She laughed at my remarks. I brought her earrings that she wanted and she was giggling in happiness. "Wow naman. Bakit ba ang talented mo?" pamumuri pa niya habang tinitignan iyong gawa ko.

Axel didn't came today and I was with Ma'am Chloe the whole day. After my shift, nagpaalam na ako bago lumabas ng shop kaya lang, pagtulak ko ng pinto palabas, nakita ko si Matmat na nag-aantay sa gilid nito.

My lips automatically formed a smile. He's wearing a gray hoodie, and his hands were inside the pocket, and black jogger pants. He waved his left hand at me when his eyes met mine.

Naglakad kami palapit sa isa't isa. He cleared his throat and gave my head a light pat. "Tired?" he gently asked. I pouted before nodding. "Let's go home, then." He handed me his hand.

My eyes squinted at him. "Hindi ka naman siguro, nakainom, ano?" Bahagya ko siyang inamoy. Walang bakas ng alak. Hindi naman kasi siya ganito dati. Sobrang naninibago na nga ako sa kanya! Lagi niya akong inaalala sa tuwing magkasama kami!

He raised his both hands and chuckled. "I don't drink, Aemour." He puts his hands back on his pocket. Hindi ko binitawan ang tingin ko sa kanya. Namalayan ko na lang na binigay niya sa 'kin ang hoodie niya. "Suotin mo 'to. Mukhang nilalamig ka," mahina ngunit malinaw niyang sabi at isinuot sa akin ito. Totoong nillamig ako rito sa labas dahil sa simoy ng hangin at 'di ko alam na mapapansin niya iyon.

"S-Salamat," I uttered shyly. Napatingin ako sa kabuoan niya. Nakasuot siya ng manipis na shirt. "Paano ka?" Bumaling ako sa kanya.

He looked at me deeply. "I don't feel cold as long as you're here with me." He gave me a warm smile.

My face heated because of his statement. "Tara na nga!" Nauna na akong lumakad dahil nahihiya ako sa mga sinasabi niya. Kailan ka pa nahiya, Aemour?!

He followed me eventually and walked beside me, our shoulders were touching until we reached our house. "Ah, itong hoodie mo... Lalabhan ko muna bago ibalik sa 'yo, ha?" Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

"You don't have to return it. I am giving that to you," he muttered, it was almost a whisper. My lips parted in shock when he lowered his head, leveled to mine and smiled. Bakit ba siya ngiti nang ngiti?! Hulog na hulog na ako! "Are you seeing someone?" he asked out of the blue.

I quickly shook my head. "Siyempre, wala. Alam mo naman 'yon... Eh, ikaw ba?" diretso kong tanong, nakatingin sa mga mata niya.

He tilted his head. "I don't date someone if it's not you... And I date to marry."

I gasped inwardly. Shit! "H-Huh?" My eyes blinked. Napakamot ako sa batok. "Anong sinasabi mo?" I avoided his gaze. Bago pa man siya magsalita ay inunahan ko na. "Salamat pala rito sa hoodie!" I diverted the topic, trying to calm my heart.

He smiled. "I want to cross this border. Pwede ba kitang ligawan?" he asked, breathless. Takte! Halos mahimatay na ako! I quickly turned my gaze at him.

I gulped before pointing him. "Ikaw, tinatanong pa ba 'yan?!" Hindi ko mapigilang mapangisi. "Hindi mo na nga ako kailangang ligawan, eh." I bit my lip and swayed my body.

Umayos siya ng tayo at hinawakan ang kamay ko. Para akong nakuryente sa kanyang ginawa. Napatigil ako sa paggalaw ng marahan niya iyong pinisil habang nakatingin doon bago bumaling muli sa 'kin.

"Wala pa akong naliligawan sa buong buhay ko... Ikaw lang ang gusto kong ligawan, Aemour. Gusto kong gawin 'yung mga ginagawa ng mga nanliligaw sa taong gusto nila. Hindi dahil gusto mo ako ay hindi na ako dadaan sa panliligaw... I want to take things slowly with you, pwede ba 'yon?"

Napangiti ako at hinawakan ang kanyang kabilang kamay. Wala na akong pake sa sasabihin ng mga kapitbahay na nakakakita sa amin. Moment namin 'to at wala naman kaming ginagawang masama.

"How could I not fall deeper kung ganyan ka, hmm?" Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang malawak gayon din siya. Nakayuko at namumula ang kanyang mukha. Cute! "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" pagbibiro ko para tignan ang kanyang reaksiyon.

"I've never been this sure," he answered confidently, still smiling.

"Wala ng bawian, ah!" Napanguso ako. "So, gusto pala ako?" tanong ko, pinipigilang kiligin.

He cleared his throat and his cheeks were burning red! "Y-Yes," he replied. I squinted my eyes at him but he bowed his head to avoid my eyes. "Don't tease me for my tomato face."

I dropped his hands and tiptoed to cupped his face and looked at him. "Ang cute mo!" I uttered cheerfully. "So, kailan mo ako nagustuhan, hmm?" pang-aasar ko.

"Since that day," he cooed.

"Hmm?" Kumunot ang aking noo. "That day? Kailan?"

He held my hands on his face and caressed it. "That day," pag-uulit niya.

I chortled. "Thank you for making me happy, Matmat."

"You make me happier, Aemour."

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa araw na 'yon.

Kinabukasan ay nalaman ko na lang na nagpaalam papa si Matmat na ligawan ako kay Ate. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko! Sobrang biglaan lang 'yung nangyari pero grabeng kasiyahan ang idinulot nito sa 'kin.

"Talaga, Ate?! Nagpaalam siya sa 'yo?" Natutuwa ako kasi talagang humingi pa siya ng permission kay Ate na ligawan ako!

We're eating our breakfast together and of course, I brought up what happened yesterday. She nodded while busy chewing her food before gulping. I was waiting for her answer. "Nagpaalam pa nga sa akin kung pwede ka raw bang i-date sa food park!" She hissed. "Next time sabihin mo, ikaw ang kausapin, ha? Wala naman akong problema sa kanya. Sa sobrang bait na bata parang gusto ko na lang siyang maging kapatid."

I scoffed at her reaction. "Wow, so ayaw mo pala akong kapatid?!"

"Kumain ka na nga riyan," aniya, binalewala ang tanong ko.

I gently dropped the utensils and gave her a deadly look. She glanced at me and raised her brows. "Isusumbong kita sa manliligaw ko," pagmamayabang na saad ko.

Tumango lang siya at nagpatuloy kumain. "Basta huwag niyong pabayaan pag-aaral niyong dalawa," pagpapaalala niya. "Alam niyo na mga limitations niyo. Malalaki na kayo," dagdag niya pa.

Mabilis akong tumango. "Yes, boss!" I pretended like a soldier and salute her and continued eating.

Matmat and I spent our days together. Sa bahay namin kami ay madalas na magkasama. Binibigyan niya ako ng mga pagkain at may mga sticky notes na laging nilalagyan niya ng mga sweet messages or reminders for myself.

My wishes came true. Parang dati lang, sulyap lang at kapag nakakausap ko siya, sinusungitan pa ako! Pero ngayon, parang nahawaan ko siya sa mga kapilyuhan ko.

We celebrated Christmas, attended Simbang Gabi, and New Year together. Napagkakamalan ng ibang tao na kami na raw dahil sa madalas kaming magkasama. Hinay-hinay lang po kami at ine-enjoy ang moment na magkasama kami. Hindi ko alam kung anong ginawa kong kabutihan para biyayaan ng taong pinapaligaya ako sa mga simpleng bagay.

I have not told my friends about this yet. I want to cherish my moments with him, just me and him right now. Sasabihin ko rin naman pero panigurado sa pasukan ay mahahalata agad nila 'yon! 'Yun pang mga 'yun!

"I packed lunch for you," bungad ni Matmat, may hawak na Tupperware, pagkalabas namin ni Ate sa bahay.

Kahit ilang beses na niya akong bigyan o dalhan ng pagkain ay naninibago pa rin ako. Ang lalaking pinapangarap ako, nasa harapan ko, hindi bilang isang kaibigan at crush ko, kug hindi bilang isang manliligaw ko.

He greeted my sister. "Alagaan mo kapatid ko, ha?" sabi ni Ate. Mahina niyang tinapik ang braso ni Matmat at bumaling sa 'kin. "Ingat kayo, ha?" aniya.

Tinanguan ko siya at ngumiti. "Ikaw rin, Ate. Huwag masiyadong magpapakapagod."

Nakita ko na nakasakay na siya sa tricycle at bumaling na ako kay Matmat at tinanggap ang kanyang hinandang lunch para sa akin. "Thank you. Kakainin ko lahat ng 'to," I uttered with utmost sincerity.

Sabay kaming pumasok ng university at siya ang nag-offer na magbayad ng pamasahe. Hinatid niya pa ako sa aming room. "Mami-miss kita agad nito,'" bulong ko sa kanya habang naglalakad kami paakyat ng building.

Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya kaya lang, naalala ko ang sinabi niya na bilang manliligaw, hindi muna siya magiging touchy sa akin. Alam ko na gusto niya akong irespeto at sobrang saya ng puso ko dahil sa trato niya sa akin. Kahit na gusto ko siya at hindi siya nag-take advantage sa nararamdaman ko.

Other students drift their eyes to us but Matmat doesn't seem to care so as me. This is our life and we don't need others' validation to make decisions.

"Baka ma-late ka niyan," nag-aalala kong saad. Huminto na kami sa harapan ng room at nakita ko na ang mata nila Amara at Millie ay nakabaling sa amin.

He glanced at his watch. "I still have time." He looked at me. "See you later, then. Don't stress yourself too much, hmm?" Palagi niyang pinapaalala iyon sa akin.

I nodded. "Ikaw rin, ah. Fighting lang. Sabay nating aabutin ang pangarap nating dalawa, okay?" I gave him a warm smile.  "Go little rockstar," I cooed.

Siyempre, hindi ako tinigilan ng dalawa kong kaibigan at patuloy akong kinulit. "Ano, kayo na ba? Shyeteng malagkit! Ang lagkit niyo! Bakit ganoon?! Hindi ka nagsasabi, ha! Gaano na katagal?" sunod-sunod na usisa ni Millie sa akin bago pa man ako makaupo sa aking pwesto.

Napapagitnaan nila akong dalawa kaya pati si Amara ay 'di papaawat! "Nagkaroon lang ng panandalianh bakasyon, may ganoon nang nangyari?!" Hindi makapaniwalang saad niya. "Spill the tea, sis! Huwag babagal-bagal please lang!"

Hindi ko agad nakuwento sa kanila dahil nag-start na ang class namin. They both grumbled and I just chuckled at their faces. Para bang sinusumpa na nila ako dahil sa tingin nila!

Lunch break ko na nasabi lahat ng detalye sa kanila. Mukhang mas kinilig pa nga kaysa sa 'kin, eh!

"Akala ko kayo na talaga dahil sa sobrang tamis ng tinginan!" Amara giggled while we are here on the garden, sitting on a bench, under the shade of the trees. I ate the meal that Matmat packed for me. Ang galing niya talagang magluto. He probably cooks food with love.

"Doon din papunta 'yon." Napangisi ako.

"Can't wait!" excited na sabi ni Millie. "Saksi kami sa naging journey niyong dalawa!" Napatawa siya. "Parang kailan lang, ano?" She suddenly sighed. "I'm happy for the both of you." She glanced at me and Amara.

Magkatabi silang dalawa sa upuan at nasa harapan nila ako. Amara tapped her cousin's shoulder. "Darating din ang taong para sa 'yo, sis. Tiwala lang," pampagaan niya ng loob.

I smiled at Millie when our eyes met. "Hindi naman race ang paghahanap ng love. You don't have to seek love. Love will seek for you. Kusa 'yong dadating... In time."

Nag-text si Matmat sa akin na magkita raw kami sa garden ng university after ng klase. Sakto ay magkaparehas kami ng schedule ng uwian ngayon. I bit my lower lip after reading his texts. "Oh my gosh." Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Messages pa lang niya, ganito na ako, paano na lang kapag makikita ko ulit siya mamaya?!

My heart filled with excitement while walking to the garden. I sat down on a bench, closed my eyes, and deeply inhaled the air.

"Aemour..."

I opened my eyes when I heard his soothing voice. He was in front of me, handing me a hand picked flowers.

My lips automatically smiled and accepted it. I stared at the yellow flowers. Umupo na siya sa tabi ko, may konting agwat sa gitna namin. "Salamat, Matmat. Huwag mo naman ako masiyadong pakiligin, please lang." I chuckled.

"You did well today, Aemour."

Napanguso ako at umusog ng upo para magkadikit kami at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Ikaw rin, Doc. Can we stay like this?" I exhaled. "Nasanay na ako sa presensya mo. Huwag mo akong iiwanan, ha?" parang bata kong sambit sa kanya.

Alam kong hindi niya magagawa ang ginawa ni Papa. Malayong-malayo siya sa kanya. Hindi niya ako sasaktan katulad ng ginawa ng sarili kong ama kay Mama... at sa aming magkapatid.

"Hindi kita iiwan... dahil hindi rin kita kayang bitawan at saktan."


≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro