Fifteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Goodluck sa finals, Aemour. Don't pressure yourself, hmm?" Matmat told me while walking to upstairs, gusto raw niya akong ihatid sa room namin. Hindi alam kung bakit pero siyempre, gustong-gusto ko!

"Sa 'yo rin, Matmat. I'm always proud of you." I stopped walking and tapped his left shoulder. "Fighting!"

After finals, of course we had our Christmas break and I took advantage to work and make my products that I sell online.

"Five cinnamon rolls and two iced americano," order ng aking customer.

Nagb-bake sa workstation ngayon si Ate. 1PM hanggang 4 PM ang oras niya ng trabaho at mamayang gabi ang shift niya as a call center agent sa BPO. Napaka-hardworking talaga ni Ate! Namana namin ito kay Mama. Binilhan ko siya ng maraming vitamins at sinabihan na mag-exercise para hindi siya basta-basta magkasakit! Pati na rin ang pagiging hydrated dahil makakatulong ang tubig para mag-work ang mind natin.

I get my customer's cinnamon rolls and put it inside the paper bag and made her drinks. I told her to sit and wait for her order but she refused and waited in front of the counter. Wala namang problema dahil wala naman siyang kasunod sa pila.

She's crossing her arms and staring blankly at the floor. I cleared my throat to get her attention and she glanced at me. I smoothly pushed her order so she could reach it and told her the total amount.

"Keep the change," she told me before getting her order and leave the shop.

"Salamat..." bulong ko dahil diretso na siyang lumabas.

Tumunog ang chime, nangangahulugang may pumasok. Nakangiti akong lumingon pero bago pa man ako nakabati at tumabi na siya sa 'kin, naglagay ng barista apron. "Good morning," Axel greeted and gave me a wide smile.

My lips parted and my brows creased. "Bakit ka andito?"

He looked away, smile was still in his face while folding his sleeves. "I just want to see you," he replied.

I can't help but to roll my eyes. "Paano ba 'yan, ayaw kitang makita, eh." I joked before leaning against the counter.

Hinarap niya ako at ngumisi. "Shop 'to ni Mama, kaya kahit ayaw mo akong makita, wala kang choice." He chuckled and continued rolling his sleeves up.

Nakatingin ako roon, hindi ba siya marunong?! Napabuntong hininga ako at umalis sa pagkakasandal sa counter. "Ako na nga," presinta ko at inalis ang kamay niya sa sleeve at inayos iyon. Ang gulo-gulo ng pagkakatupi! "Hanggang sa siko ba?" tanong ko at tumango naman siya.

Pinaupo niya muna ako para siya na raw ang mag-aasikaso muna sa mga customers. Nagreklamo pa nga ako dahil para saan pang andito ako, tapos hindi ako pagtatrabahuin?!

Nag-scroll na lang muna ako sa Facebook at nag-reply sa mga message ng mga nagtatanong tungkol sa products ko. Napadaan sa feed ko ang isang post na naka-tag kay Axel at may caption na 'Next time Axel Sanchez sama ka na para kumpleto!' Teka, may outing sila ngayong araw? Tapos narito siya?

Sinilip ko kung anong ginagawa niya. Nagpupunas siya ng table. Napanguso ako at mahina siyang tinawag. Nang lumingon siya ay sinenyasan ko siyang lumapit. Tinaasan niya ako ng kilay. "May itatanong ako," I mouthed.

Lumapit din siya kaagad at sinandal ang braso sa counter, sa aking harapan. I showed him the posts of his friends. "May outing kayo?" tanong ko sa kanya.

"Yup," he answered nonchalantly.

Ibinaba ko ang phone ko at nagtataka siyang tinignan. "Ngayon?" tanong ko ulit.

He chuckled and nodded. "Oo nga." Hindi ko alam bakit siya napangiti.

"Bakit hindi ka sumama?" tanong kong muli sa kanya.

"To help you here." He shrugged. "Nag-text si Mama na nagtatrabaho ka ngayon kaya pumunta ako... Naisip ko na baka ma-bored ka rito kaya ayon."

Hindi na kami nakapag-usap nang dumami na ang customers at may nakausap akong estudyante raw, at dito ang lugar kung saan siya lagi tumatambay at nag-aaral. Ang ganda raw kasi ng interior at masasarap daw ang mga pagkain.

Dumating na rin si Ma'am Chloe. May meeting daw kasi siya kaya medyo natagalan. Wala naman akong problema roon dahil hindi naman ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Axel.

When I was younger, I wished to have a brother. An older brother. Gusto ko kasi na kapag may nang-aaway sa akin, pinagtatanggol ako. Kung may nananakit naman kay Ate, gusto ko, mayroon din siyang taga-protekta.

Si Ate Sydney ay 3 in 1. Hindi, 4 in 1 pala. She's my sister, brother, my mother and my best friend. Ayaw ko sa lahat ang nahihirapan siya. Pero, kahit anong sabi ko pa na tumigil mag-aral upang matulungan sila na kumita ng pera at 'di na mahirapan, ayaw niya. Gusto niya na masaya ako. Na masaya ako sa ginagawa ko. Dahil kapag masaya ako, ganoon din siya. She's selfless. That's why I strive harder, each day. In time, I will spoil my mother and sister with my income.

Sinamahan niya ako maglakad pauwi nang lumubog na ang araw. Gusto pa nga sana ni Axel na iuwi ako gamit ang kanyang kotse pero tumanggi ako. Mas gusto kong maglakad at i-enjoy ang malamig na ihip ng hangin na tumatama sa balat ko.

"Thank you, Axel, ha! Pakisabi rin kay Ma'am Chloe na salamat kasi kahit hindi ako daily na pumapasok kapag classes, hindi pa rin niya ako tinanggal."

He shifted his weight before pointing his right cheek. "Walang kiss?" Ngumuso siya.

Agad akong napangiwi. "Hindi naghahalikan ang magkaibigan!" eskeheradang sabi ko. Para ko na siyang kapatid kung ituring tapos biglang nanggaganyan!

Hindi ko alam paano ko siya nataboy! Nagluto na ako ng dinner namin ni Ate at nag-text siya na gagabihin daw ng uwi dahil may nag-birthday sa Swift's Treats.

"Inom tayo!" pag-aya sa 'kin ni Millie kinabukasan nang magising ako. Ring nang ring 'yung phone ko at 'yong tawag niya ang nagpagising sa akin!

"Huh? Saan naman?" I asked while scratching my eyes.

"Dito lang sa amin! Hindi na tayo iinom sa labas kasi kung anu-anong ginagawa mo last time na nalasing ka." Tinawanan pa ako!

Noong birthday ni Millie ay sa isang club ito ginanap kasama ng mga blockmates namin at dahil sa mababa ang alcohol tolerance level ko, nalasing ako agad! Nakailang shots pa lang ako!

Nakakahiya dahil para daw akong nakawalang aso! Sigaw raw ako nang sigaw sa pangalan ni Matmat at kung sinu-sino raw sinayawan ko! Muntik pa raw na may nag-take advantage sa akin dahil iniwan lang ako saglit ni Amara para sagutin ang tawag sa labas dahil sa ingay at nag-restroom naman si Millie, tapos, pagbalik daw nila, nawala na ako kung saan ang aming reserved table! Buti at nakita agad ako ng isa kong ka-blockmate at nilayo agad ako sa lalaking 'yon.

"Kailan ba?" mahinang tanong ko, inaantok pa.

"Mamayang gabi!" she answered excitedly. "Ite-text ko na lang ang time."

"Sinong mga kasama?" I asked her again.

"Tayong tatlo lang! Miss ka na namin agad!" Narinig ko ang boses ni Amara sa background.

"Punta ka mamayang gabi, ha!" Boses iyon ni Amara, paniguradong kinuha ang phone mula kay Millie dahil naririnig ko ang reklamo niya. "Huwag kang mag-alala. Tayong tatlo lang naman!"

"Nasabi ko na sa kanya! Roon ka na nga!" sigaw ni Millie sa pinsan. Mukhang nag-aaway na naman sila! "Hello?" Narinig kong tinaboy niya ang pinsan.

A soft chuckle escaped on my mouth. "Sige kayo, tataas blood pressure niyo niyan," pagbibiro ko dahil sa away sila nang away.

After the call ended, she Millie texted me the time. Sabi ay susunduin nila ako gamit ang sasakyan ng parents niya rito dahil ayaw nila akong mag-isang pupunta sa kanila, lalo na at gabi na, delikado na ang paligid sa panahon ngayon.

"Ate, hoholdap-in lang muna nami si Aemour!" sigaw ni Millie kay Ate Sydney habang hinahatak ako palabas ng bahay. Suot ko pa rin 'yung pambahay ko at nag-jacket lang.

"Ingatan niyo 'yang kapatid ko, ha!" Binitawan nila ako bago nilingon si Ate na nasa pintuan, naka-crossed arms habang nakatingin sa amin na papalabas na sa gate. She pointed at my friends. "Dapat buo pa siya pagbalik," she uttered firmly.

I glanced at my friends before eyeing my sister. "Hindi naman nila ako kakainin!" I let out a scoffed. "Bye, Unnie sungit!"

"Aalis na po kami, Ate. Iuuwi po namin siya nang buong-buo," nakangiting tugon ni Amara. "Iingatan namin siya. Aalagaan namin siya. Sa puso namin, siya ay mahalaga-" Hinila ko na ang buhok niya dahil baka maistorbo pa ang ilang kapitbahay sa lakas ng kanyang boses!

Nag-inuman kami sa rooftop nila, habang pinagmamasdan ang maliliit na liwanag na nagmumula sa mga bituin at ang buwan na pinapanood kami.

May mga halaman dito sa rooftop pero iilan lamag ang mga ito. We brought blankets, pillows and the drinks for us.

"Tada!" Nilabas ni Amara ang Cali na naka-can at inilahad sa akin.

I tsked. "Gusto ko 'yong hindi non-alcoholic!" reklamo ko at napangiwi sa kanya. Humiga ako sa blanket na nakalatag at ipinatong ang balikat sa ulo habang nakatingin sa langit.

Tumabi si Millie sa akin at niyakap ako. "Ay, so ako lang iinom, ganoon?" Tumawa kaming pareho ni Millie sa pagrereklamo ni Amara.

Sumiksik nga siya sa gita namin at napabuntong-hininga. "So this is rest," Millie said softly.

"Yup. Rest is to spend time with someone you love," Amara uttered and let out a heavy sigh.

I looked at her. "Okay ka lang ba?" mahinang tanong ko sa kanya.

Her eyes met mine and nodded before looking at the sky again. "Naiisip ko lang... na sana sa future natin, masaya tayo." I pressed my lips into a thin line. I hope too.

As of now, I want to enjoy the moments of my current life... I know that there will be a lot of typhoons ahead that will try to hinder my goals or plans, but least, I could say that I was the person who enjoyed my life with my friends and my family without dragging others down.

"In ten years, kapag wala akong magiging asawa. Talagang rich tita na lang ang role ko sa mundong ito," Millie said and let out a chuckle.

"In ten years kapag hindi pa rin kami ni Matmat, hindi ako papayag."

Malakas na tumawa si Amara. "As if naman na papaabutin mo pa ng sampung taon!" Napangiti ako sa kanyang sinabi. Takte, sa bagay totoo naman!

Millie yawned loudly. "Ay, biglang may amoy sisig," pagbibiro ko. Naramdaman ko na lang na may pumitik sa aking noo. Agad ko iyong hinawakan. "Aray, ha!" I glared at Millie but she just stick her tongue out.

I stood up and grabbed the pillow and hit her before running away. "Hoy!" Agad siyang tumayo at hinabol ako. Para kaming bata na naghahabulan dito sa taas!

"Sali ako! Ang daya niyo!" parang bata na saad ni Amara at nakihabol sa amin. Malaki ang rooftop nila at makikita mula rito ang mga ilaw ng bahay na nasa paligid nila.

Nang napagod kami at kumuha kami ng tag-iisang ready-to-drink cocktail. "Cheers!" Pinagdikit namin ang nga can at naglikha ito ng tunog.

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa amin dahil nagising na ako ng bandang tanghali. Ang sabi ni Ate through text ay hinatid daw ako ng dalawa kong kaibigan kaninang umaga.

Nag-text din sila kay Ate na hindi ako makakauwi kagabi dahil knock out ako agad. Paano ba naman, mayroong Johnnie Walker Black Label na nilabas si Amara at naglaro kami ng truth or drink! Nakatatlo lang naman ako na shots at 'di ko na agad kinaya! 'Yung dalawang magpinsan parang pro sa inuman!

Nakakahiya at hindi ako nakapasok sa Swift's Treats! I received Axel's text messages. He's asking if why I didn't came to work and I replied immediately.

One thing that I noticed after reading his messages was Matmat's three missed calls and one text.

From: Matmat

knock knock. time to wake up sleepy head. i cooked your breakfast :) enjoy

I was still in my room, staring at his message. Twenty minutes ago pa lang 'yon at ang tatlong tawag ay isang oras na ang nakalipas. Bagsak na bagsak ang aking katawan at 'di man lang namalayan 'yung tawag niya!

I went out to the kitchen with my phone and drink a bottle of water. Agad kong binuksan ang nakatakip na plato at bumungad sa akin ang scrambled egg, tocino at maliliit na pancakes. I sat down and replied.

To: Matmat

thank u so much lodi! 🤩 pinapasok ka ni ate? masyado mo naman akong sinasanay. sige ka baka di na kita pakawalan niyan >_<

Nagsimula na akong kumain habang nag-aantay sa kanyang reply.

From: Matmat

thanks to your sister i got to see your house again and of course you. please eat a lot aemour.

My eyes widened because of his message. I almost choked my food. Walanghiya!

To: Matmat

nakita mo ako?????? pinapasok ka ba ni ate sa kwarto?!

I wrote a lot of question marks because what if he saw me lying in the bed, hair were all ruffled, and probably my messy room

From: Matmat

😴- you

"Hah..." I scoffed. Nakita nga niya akong tulog!

Ilang araw ma ang lumipas at mas nagiging malapit na kami ni Matmat sa isa't isa. Mas naging komportable na siya sa 'kin at marami na akong bagay na nalaman sa kanya.

He likes croissants, chocolate cake, banana bread, and coffee. He loves to read books and volunteer on Red Cross or in clinics. He doesn't like attention from people.

Nagkaroon kami ng clean up drive sa street namin ngayong Sabado. Aba, siyempre, present ako dahil naroon din ang crush ko!

"Pawis ka na." Matmat handed me a white towel. May hawak pa akong walis tingting at pinupunasan ang mukha gamit ang likod ng aking palad.

I shook my head. Punasan mo ako! Hmp. "Huwag na. Kukuha na lang ako sa bahay," I uttered, trying to be shy. I was about to walk away but I turned around and squinted my eyes at him. He looked at me with confusion. "Pawis ka na, Matmat. Gusto mo bang punasan kita?" Bullets of sweats were on his forehead, and some were falling on his neck. Takte, kapag siya nagpawis, mas lalong gwapo, pero kapag ako, mukhang inengkanto!

"I can handle myself, Aemour," he answered in a low voice. He bit his lower lip to stop himself from smiling. "You should go. Uminom ka ng tubig at magpalit ka na rin ng damit. Ayaw kong magkasakit ka."

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro