Fourteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Oh, bakit ka namumula? Iniwan ko lang kayo roon, naging kamatis na ang mukha mo! Baka kung ano na pinaggagawa-gawa niyo ro'n sa labas!"

Napangiwi na lang ako sa sinasabi niya at dumiretso sa kwarto para maligo dahil babalik pa si Matmat mamaya! Excited na ako sa luto ng asawa ko... I mean ng crush ko!

Nag-oversized shirt lang ako at pajama. Magkaterno pa ang suot ko dahil wala na akong ibang pambahay, puro terno! Ayaw ko namang mag-shorts dahil malamig na ang Ber months!

I went out my room, towel is still in my head. "Terno," natatawang sabi ni Ate nang makita ako bago niya buksan ang ref para kumuha ng maiinom.

I rolled my eyes at her. Bakit ba?! Nayakap naman ako ni Matmat Gusto ko nga ulit, eh. Miss ko na siya agad. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin 'yung init ng yakap niya.

I slammed myself on the sofa. I groaned when I lay down. "Ang bilis ng araw," I mumbled.

Lumapit si Ate at nagpamaywang sa harapan ko. "Magsaing ka na," utos niya bago itinaas nang bahagya ang aking paa, umupo, ipinatong sa laps niya.

"Okay, Unnnie," I said and chuckled. Magbibiro pa sana ako, kunwareng magrereklamo pero baka magalit! Alam ko namang pagod siya sa pagtatrabaho buong araw kaya iniwan ko na siya sa sala para magsaing na.

Tahimik lang kaming dalawa at ang tanging naglilikha ng ingay ay ang phone niya na malamang ay nanonood na naman ng kdrama.

"Ate, mag-stop muna kaya ako mag-aral, 'no?" pasimpleng sabi ko habang hinuhugasan ang bigas sa kaldero.

"Tinatamad ka na mag-aral? Paano pangarap mo, huh?" sarcastic niyang tanong sa 'kin.

I heaved a sigh and shifted my weight. "Paano naman kayo ni Mama?" tanong ko pabalik.

The drama she was watching suddenly stopped, meaning she paused it. She scoffed. "Ano bang sinasabi mo, Aemour? Kayang-kaya namin ni Mama 'to atsaka laking tulong na kaya 'yung may pinagkakakitaan ka!" tugon niya. Sinukat ko ang lebel ng tubig para sa kanin gamit at daliri.

"Eh, kung hindi na kaya, pwede naman akong mag-stop, tapos kapag nakaipon na, babalik ulit ako." In-on ko na ang gas stove bago isinalang ng kaldero doon.

"Kaya mo bang i-give up 'yong nasimulan mo na?" I turned around to see my sister's face.

She exhaled hardly before standing up and went to my direction. She leaned against the countertop and crossed her arms. "Kaya ka naming pag-aralin. Kaya natin 'to, hmm?" Her eyes darted at me and gave me a small smile. "Kaya nga kami nagtatrabaho para sa 'yo. Kasi gusto ka naming nakikita na masaya sa ginagawa mo," litanya niya.

"Paano naman mga katawan niyo?" I sat on the table, facing her. "Gusto ko lang tumulong. Ayaw ko rin naman na nahihirapan kayo dahil sa akin," I stated, shrugging.

She shakes her head and looked up. "Kaya mo nga na napagsasabay-sabay ang paggawa ng crochet, pagpo-post online nito, pag-aaral, gawa ng patong-patong na projects, pumapasok ka pa sa Swift's Treats minsan imbes na nagpapahinga ka..." She looked at me again. "Kaya natin 'to basta magtulungan lang tayo. Girl power!" Itinaas niya ang braso at ngumiti.

Hindi ko na namalayan na lumipas na ang ilang minuto at natapos na ako sa gawain. Nasa kwarto ako at nagpabango ng konti. Tinanggal ko na rin ang towel sa buhok ko at nagsuklay na. Hanggang sa may narinig na akong kumakatok sa may gate namin.

"Andiyan na crush mo," sabi ni Ate, nakangisi habang kaharap ang screen, nanonood ulit. "Talagang nag-cologne pa! Kailan ka ba magbabago ng pabango?!"

"Loyal kasi ako." I giggled. "Andiyan na ang future brother in law mo, Ate." I jokingly flipped my hair. "Siyempre para fresh."

Nakangiti akong lumabas at pinagbuksan ng gate si Matmat. Kanina lang ang nalungkot ako kasi 'di siya nakapunta sa Foodquake Grill tapos ngayon para na naman akong tanga na nakangiti!

Pagbukas ko ay hindi bumungad ang lalaking inahasan ko. "Oh, nakangiti ka riyan. Excited ka bang makita ako?" Axel cheerfully uttered before he ruffled my hair.

Sumilip ako sa likod niya at wala si Matmat. Napansin ko naman na nakaparada ang kotse niya sa harapan ng bahay.

"May ramen akong binili!" he said, excitement filled his voice. I looked at him he lifted a paper bag.

I tilted my head. "Napadaan ka? Hindi ka ba busy?" nag-aalala kong tanong. He gave me a smile and flicked my forehead. "Aray! Ano ba?!" naiinis kong sabi at napairap.

"Sungit mo naman. Na-miss ko lang 'yang kasungitan mo," he stated and handed me the paper bag with the ramen inside. "Nag-take out ako para sa 'yo. Kainin mo 'yan, huh? Kayo ni Ate Sydney," he said and I gladly accepted it.

"Wow, thank you." I opened it and saw a two paper bowl inside the paper bag he gave me.

"Aemour..."

That voice made me glanced at him. Matmat! He's here, holding the dish plate! I smiled widely and waved my hand at him. He walked closer to us before clearing his throat and gave Axel a small smile.

Aabutin ko na sana ang plato pero bahagya siyang umiling. "Dadalhin ko na 'to sa loob. May bitbit ka," marahan niyang saad.

Kumunot ang noo ko. "Magaan naman 'to." Ipinakita ko ang paper bag.

I heard Axel coughed. "Mauna na ako," mahinang sabi niya at itinuro ang dala ko. "Kumain ka nang marami, ha!" Ngumiti ulit siya bago kami tinalikuran.

I waved my hand at him, smiling, when he entered on his car. "Bye! Ingat ka!"

"Tara na. Para makakain na kayo," he gently said and I nodded immediately. I let him entered the gate first because he's holding something. Nakita kong tinanggal pa niya ang tsinelas bago pumasok. "Good evening po, Ate Sydney," bati niya nang makapasok.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makapasok na rin ako at nakita kong marahan niyang inilapag ang plato sa sa mesa, para bang pinakaiingatan niya itong bagay.

"Thank you! Ikaw ba palagi nagluluto?" tanong ni Ate pagkatayo niya mula sa sofa at nagtungong kusina.

"Uh, opo... Welcome," he replied shyly.

My sister chuckled softly and crossed her arms. "Mag-isa ka lang ba sa inyo? Rito ka na sa amin mag-dinner!" pag-aya niya kay Matmat.

Matmat shakes his head slowly and smiled a little. "Kasama ko po 'yung pinsan ko... Wala po siyang kasama..." Napatango naman si Ate roon.

Habang nag-uusap sila ay kumuha na ako ng plato namin. "Ayaw mong ayain si Eleazar na kumain dito?" tanong ko habang kumukuha ng kutsara, nakatalikod sa kanila.

"Hindi na, Aemour." I turned around and placed the utensils beside our plates. His eyes met mine and smiled a little. "Mauna na ako," marahang sabi niya. Tumingin din siya kay Ate. "Enjoy your dinner po," saad niya, bahagyang yumuko bago umalis

Ate nodded. "Salamat sa ulam."

"Thank you, Matmat!" sigaw ko.

My sister pulled the chair and sat down. "Galing ng asawa ko magluto," kinikilig na saad ko nang umupo na sa harap ni Ate.

She tsked. "Asawa," naiiling niyang sambit. Napanguso na lang ako sa kanya.

After we finished eating, my sister went up straight to her room, probably to wash herself. "Goodnight, alipin!" she uttered before she shuts the door.

"Ang ganda ko namang alipin kung ganoon!" I fired back while washing the dishes and she opened the door again. Malapit lang sa kusina ang bedrooms kaya nakikita namin agad ang isa't-isa.

"Saan banda?" She looked at me from my head down to my feet and meet my eyes. "Wala naman." She stick out her tongue, closing the door.

I sarcastically chuckled. May sama ng loob ba siyang tinanim sa akin?! Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa hanggang sa natapos ko na lahat. Nagsara na ako ng mga bintana at pintuan bago pumasok sa aking kwarto.

Nagsusuklay ako ng buhok gamit ang kamay habang papunta sa kama, kaya lang, biglang nag-ring ang aking phone. I stood up again and answered the call. It's Amara!

"Napatawag ka, girl?" I asked her, laughing. "Miss mo ba ako?"

I heard her scoffed. "Miss mo mukha mo!" she exclaimed. I rolled my eyes and sat at the edge of my bed. "Gusto mo bang maging model ng clothing line ni Mama?" My lips parted at her question. What a great opportunity!

"Oo namam!" Tuwang-tuwa ako at hindi na mapigilang mapangiti. "Kailan ba?" tanong ko agad, excited na.

"Next week! Sa bahay ka na namin kukuhanan ng picture ng Tito ko. Sa may garden area. Free ka ba no'n?" Mahina siyang natawa. "Ang ganda mo kasi lalo na kapag mino-model mo 'yung designs mo! Pak na pak! Kaya naisip kita ng i-recommend kay Mama."

I jokingly rolled my eyes at her remarks as if she can see me. Kapag kasi kailangan ng photoshoot para sa mga designs namin ay sa bahay kami ni Amara nangunguha ng pictures gamit ang camera niya. Ang pinag-iipunan ko ngayon ay camera dahil magagamit ko ito para sa mga susunod na presentation or projects.

"Alam ko naman 'yon, eh," pagmamayabang ko. "Ako pa ba, Amara?" I lowly chuckled.

"Wow, biglang humangin, ha!" Narinig ko ang boses ni Millie, tinatawag siya. "Sandali lang!" tugon ni Amara sa kanya. "Aemour, inuutusan niya ako!" she complained like a child.

"Baka importante 'yung papagawa ni Millie sa 'yo. Update mo na lang ako kung kailan next week." Humiga na ako sa kama.

"Importante?! Inuutusan niya akong mag-polish ng nails niya" She hardly exhaled.

Kaya sila sa iisang bahay lang dahil sa malaki iyon at may dalawang floor. Nagkwento silang dalawa sa akin noon na kahit na sa iisang bahay pa sila, wala silang problema dahil mas masaya lalo na kapag kompleto sila. They grew up together in that house. Their house witnessed all their fights and how they helped each other. Their journey from being kids and now, a two strong and thoughtful women. I texted Matmat after the call has ended.

To: Matmat

thank you sa ulam ha ♡ ang sarap mo talagang magluto!
good night lodibabes! sweet dreams! sana mapanaginipan mo aq >_<

Nagulat ako nang nag-reply siya kaagad.

From: Matmat

i'm glad that you liked the food. good night din Aemour. let's meet in my dreams.

Para na naman akong tanga na napangiti! Saan niya ba natutunan ang ganito?!

Lumipas na ang isang linggo at saktong free ako sa araw ng photoshoot kaya pumayag na ako. "Be confident, nak, ha?" paalala ni Tita Evelyn, Mama ni Amara habang inaayos pa ng photographer, Tito ni Amara, ang kanyang on-camera flash at ang team niya ay pino-position ang reflector panels para itapat sa akin upang gumanda ang kuha ng larawan.

I had my light makuep on. Amara and Millie also helped me to straighten my hair. They are both excited to see me posing in front of the camera for Solomon's Apparel, business ng Mama ni Amara. Inayusan nila ako kanina sa kwarto ni Millie dahil siya ang kompleto sa mga gamit para sa pag-aayos ng mukha at buhok.

I heard Millie and Amara cheered at their balcony. I looked up to them and rolled my eyes. Mula rito sa garden ay nasa bandang itaas lang ang balcony nila.

I wore a shirt from their clothing line, Solomon's Apparel. It was a gray shirt with the embroidered word 'Extraordinary' in front and at the back, there's a small letter 'solomon' on the nape of the shirt.

Nang ready na ay lumayo na si Tita Evelyn sa 'kin at nag-start na akong mag-pose. I experimented new different poses so it would look good. I did a standing pose, pocket in hands, walks away from the camera and looks back to see the back features of the cloth, hands in my hips, crouching, to make it more cool and add a little punk, and more.

"Very good ang bagets na 'to, Evelyn, ah," pagpuri ng photographer habang tinitignan ang pictures na kinuha niya. "Effortless," dagdag niya.

"Salamat po," I shyly replied to him. I twisted my lips and looked at my friends who is still at the balcony. I caught them taking photos at me! "Hoy!" taas-noo kong suway. They both stick their tongue out. Magpinsan nga talaga! Minsan magkakampi, minsan magkaaway!

Next naman ay ang black colored shirt na may logo ng clothing line nila. They did a full body shots, close-ups to emphasize the quality of the product.

I wore seven shirts and two maong jackets and ended up at 2PM. Tita Evelyn prepared snacks for us. She offered me to have a lunch with them but I refused politely so she suggested me to eat a snack before going home. Nahihiya na ako dahil binigyan niya pa ako ng pera!

My friends hugged me before I left. Gusto pa sana nila ako makasama kaya lang, gagawa pa ako ng mga crochet at mayroon na rin akong bagong product na nilabas. Nagpasalamat din ako kay Tita Evelyn bago lumabas ng bahay.

I made accessories using resin art and beads. That's because days ago, I tried making minimalist moon keychain, pressed leaves necklace, floral earrings, and posted it online. Para sa akin lang sana iyon pero proud ako sa gawa ko kaya ipinost ko na. I was so blissful about the comments I had received and asking me to sell them.

"Bibili ako ng dalawang crochet. 'Yung bra, ha?" sambit ni Millie sa akin palabas ng bahay nila.

"Noted, girl," I uttered.

"Most productive girl 'yan? Ako gusto ko 'yong earrings!" Amara said, grinning. Sinamahan pa nila ako sa may labasan. I just flipped my hair at them, and thanked them before going home. Ihahatid pa nga sana nila ako sa amin pero tumanggi na ako at sabi ko ay sasakay na lang ako ng tricycle.

I was busy the whole day and I didn't realized that it was already dark outside. I went to the kitchen and washed my hands before drinking water. My phone on the sofa suddenly rang. I grabbed it and answered Matmat's call.

"Hello?" bungad ko, nakangiti.

[Can you open you gate?] he asked. His voice was filled with exhaustion.

"Oo naman!" Agad akong lumabas ng bahay at pinagbuksan siya ng gate. When his eyes darted in me, he ended the call and smiled weakly. "Okay ka lang ba?" I walked near him and tiptoed to reach his forehead, checking his temperature and I compared it to mine. "Hindi ka nilalagnat." I pouted. "Pagod ka ba?" I asked gently and he nodded like a kid.

He enveloped his arms on me, my head on his chest, sideways. I could hear his heart beating so fast and... so loud.

He took a deep breath. "Saglit lang, Aemour... Gusto ko lang ng yakap galing sa 'yo... I need to charge."



≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro