Thirteen

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[Aemour! Ramen tayo bukas!] excited na bungad sa 'kin ni Axel nang tumawag.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. I was blushing the whole time. Kakapasok ko lang ng bahay at hawak ko pa sa kabilang kamay ang ube solo pack ice cream na bigay ni Matmat.

[Aemour, andiyan ka ba or multo na 'tong kausap ko? Hala, baka busy ka. Ibaba ko na.]

Bago niya ibinaba ay nagsalita agad ako. Masyado pa kasi akong amazed sa nangyari. "Hoy, andito ako," natatawang tugon ko. "Walang multo rito," sabi ko pa.

Axel chuckled. [Walang multo, kasi takot sila sa 'yo!] Uumpugin ko na talaga ulo nito! [Takot sila kasi mas nakakatakot ka tignan!] dagdag niya.

I scoffed in disbelief before sitting on our small couch. "Kapal mo! I-end ko 'tong tawag, kita mo!" I exclaimed.

[Ayan. Kaya hindi ka nilalapitan ng multo kasi ang sakit mo sa tainga.] Patuloy niya pa ring pang-aasar sa akin.

Napailing na lang ako sa mga sinasabi niya. Para siyang bata!

Napatingin ako sa ice cream na hawak ko at muling tumayo habang nasa tainga ko pa rin ang phone ko at inilagay ito sa freezer bago umupo sa dining table.

"Hahambalusin na talaga kita!" pabiro kong saad. "Hindi pala tayo makakapag-ramen bukas," I uttered, replying to his remarks earlier. "Sa susunod na lang..."

[Ay, marami ka bang gagawin?] He asked like a child. Gusto ko man na pumayag ay nakapagsabi na kasi ako kay Matmat. [S-Sige, n-next time na lang!] Pinasigla niya ang kanyang boses.

I inhaled hardly. "Sorry..." Umisip ako ng paraan para sana hindi siya magdamdam. Hindi naman siya 'yung tipong magtatampo kapag hindi ka sasama pero kasi nakasanayan na niya akong kasama.

I was about to tell him something but he already said goodbye and told me that he will study for their upcoming exam.

I just texted him.

To: Axel
sa lunch time pwede?

He immediately replied albeit he was busy.

From: Axel
hindi tayo sabay ng lunch time bukas :(
pero next time ah??
promise yan
dibale kapag pilot na ako bibili ako ng ramen restaurant tapos ikaw lang paborito kong customer
mag-aaral na ako para sa future natin ^-^

I inwardly gasped. Loko!

Hindi na ako nag-reply para hindi siya ma-distract at nagluto na lang ng dinner namin ni Ate. Nag-chat ako kay Mama at kinamusta siya habang pinapakuluan ang karne dahil nilagang baboy ang gagawin ko.

The cold breeze was entering our house by the windows. I also checked my twitter account . I haven't opened it for a month and I'm not the type of person to check my notifications.

Aemour @aemourraquel

thank u sa ice cream ♡

Hanggang sa lumipas na ang oras nang mabilis at dumating na ang pinaka-inaantay kong moment. Moment namin ni Matmat!

I told Amara and Millie about this and they were both excited for me. "Kaya pala nag-dress bigla. Eh, normally, naka-pants ka," Millie stated, grinning.

We're done about our presentation and our class ended early. Nasa garden muna kami ng university, mabagal na naglalakad, at nagtitingin ng mga punong nadadaanan habang nag-uusap.

It is such a good experience to be walking among the trees and listen to the endless chirping of all kinds of birds and to see the golden color of sun. It was also a nicle place to get some fresh air.

We decided to sit down on the green grass in front of the sun. We sighed in chorus after sitting down and laughed together.

Nakita kong kinuha ni Amara ang panyo niya at inilagay sa may binti ko. "Huwag ipakita ang treasure!" natatawang sabi niya.

We have lived moments together and created a lot of memories and that will remain throughout my life. Having them makes me enjoy with my life despite the challenges and the problem I had and will have. When I am with them, I could never ask for more.

Nauna na ang magpinsan nang malapit na mag 5 PM dahil ayaw raw kaming istorbohin sa 'date' namin ni Matmat.

Para silang mga tanga! Eh, hindi naman sinabing date 'yon... ano, kakain lang kami, ganoon. Friendly dinner.

Pero para sa 'kin, i-imagine-in ko na lang na first date namin 'to! Takte, totoo na talaga 'to, eh, wala ng atrasan. Atsaka hindi naman ako aatras!

Bumalik na ako sa harap ng room namin at nauna na ang magpinsan dahil ayaw raw kaming maistorbo ni Matmat sa 'date' daw namin.

Eh, hindi naman niya sinabing date 'yon. Kakain lang kami ng magkasama... ano, friendly date, ganoon. He never said he likes me. Hindi ko alam kung 'yung sinabi niya na 'Aemour, kaya nga niyayaya kita' ay indirect confession ba 'yon o biro niya lang.

Nakita pa ako ng prof namin sa merchandising, galing siya sa loob ng room at nagtataka kung ano raw ginagawa ko roon.

"Uh, may inaantay lang po rito," tugon ko sa kanya bago pilit na ngumiti. Mukhang hindi siya naniwala kaya nag-isip pa ko ng idadagdag. "Nagbebenta po kasi ako ng crochet, at 'yung buyer, dito raw po kami magkita."

She looked at me, raising an eyebrow. "Crochet Gawa mo?" she asked in a stern voice.

I nodded quickly. "Yes po, Ma'am." I showed her the pictures of my handmade crochet and her expression changed and it made her want to buy 5 pieces for her daughter.

"So did you brought with you your tops?" she suddenly asked.

I blinked. "P-Po?"

"Sabi mo ay magkikita kayo ng buyer mo so dala mo ba 'yung products mo?" tanong niya ulit, may konting bahid ng inis. "I just wanted to see the quality," dagdag niya.

Bago pa man ako makasagot ay biglang nag-ring ang phone ko. Itinaas ko ito at pinakita kay Ma'am bago ko sinagot. "Sa plaza na po ang location? Okay po. Sige. Papunta na po," sunod-sunod kong sabi at nagpaalam sa prof ko.

Si Ate Sydney ang tumawag kaya nagtaka tuloy siya sa sinasabi ko. [Sinasabi mo?] natatawang tanong niya.

I smiled inwardly. "Wala lang," tanging nasabi ko na lamang. Sakto ang tawag niya dahil wala akong mapapakitang crochet sa prof ko at sabihin pa akong nagsisinungaling!

Totoong nagbebenta ako pero nagsinungaling ako tungkol sa pagkikita namin ng 'buyer' ko instead na sabihin ko na si Matmat.

"Bakit ka pala napatawag, Ate?" curious na tanong ko habang naglalakad palabas ng campus.

[Ah, sa susunod ko na lang sasabihin. Tinatawag na ako.] she stated and ended the call. Ano naman kaya 'yon?

My feet brought me in front of the Foodquake Grill. I texted Matmat that I was already here and I am waiting for him.

Minutes have passed but he didn't replied yet. Baka may ginagawa pa...

Raindrops started to fell from the sky. The bright sky became gloomy in a span of twenty minutes while I was waiting for him. The guard of the restaurant called me to go inside so I would not bedraggle.

I shake my left hand at him. "Wala pa po 'yung kasama ko, Kuya," I uttered.

"Pwede mo naman siya antayin sa loob, hija, para hindi ka mabasa at magkasakit ka pa." He smiled at me genuinely. I nodded and thanked him before entering the restaurant and looked for a seat.

When I found a two seater table, I immediately took a seat and texted him again that I was inside.

An hour has passed and the rain stopped. I sadly grabbed my bag, stood up and went out the restaurant.

He never replied to my texts. He did not came.

While walking away from Foodquake Grill, a man suddenly grabbed my arms gently.

I looked at the person. "Wala akong pera na-" I paused from talking when I saw him. Siya ay nasa harap ko, suot pa ang damit na light blue at may nakalagay na 'volunteer' sa harap in black font color... Naalala ko noon, nakwento ni Tita Morgan nag-volunteer si Matmat sa baranggay health center.

"Binago kasi bigla 'yung schedule ko. I'm sorry... Kailangan daw kasi nila ako. Biglaan lang talaga. Wala kasi 'yung dapat na naka-schedule at this hour."

He was busy. He doesn't have time to text me. Gusto ko man mainis ay alam ko namang valid ang kanyang rason. Ang petty ko naman kung dahil lang doon, magagalit ako.

Hindi bale, hindi naman matagal ang isang oras. Parang lumipas nga lang, eh!

"O-Okay lang." I forced a smile. Sayang naman.

He ruffled his hair. "Sa Sunday, after ng mass, pwede ka ba?" he asked gently.

My lips parted before I shook my head. "Marami akong gagawin ng araw na 'yon," I responded.

"What about..." He paused for a while. "On Monday?" patanong niyang sabi.

"Hindi nagkakasundo schedule natin, Matmat. Siguro kapag..." I trailed off. "Kapag free time na talaga."

I heard him heaved a sigh. "Okay, then."

Sabay kaming umuwi. My shoulders are touching his so I cleared my throat to calm my heart.

Puso, naman, eh. Ang hina mo pagdating kay Matmat!

Wala kaming kibuan at para na naman kaming mga tanga! "Sorry talaga, Aemour," basag niya sa katahimikang mamamagitan sa amin.

"Okay nga lang," tugon ko, pinilit na pasayahin ang tono ng pananalita. Nilingon ko siya at kita kong bahagya siyang natigilan kaya nagsalita ulit ako. "Ayos nga lang kasi..." I avoided his gaze and darted my eyes on the road. "Baka may unfinished business ka pa kanina, ha?" I chuckled. "Oo pala, imposible namang iwanan mo 'yong ginagawa mo para pumunta ka sa akin."

"Aemour..." He sighed. "Please don't hate me, hmm? Next time, I will really make it on time."

I didn't respond until we're in front of our house. "Sige, pasok na 'ko." I tried to smile widely.

Matmat slightly nodded. "Pwede ba kitang tawagan mamaya?" dahan-dahan niyang tanong sa 'kin.

I touched the side of my cheeks using my tongue. "Maaga akong matutulog mamaya," pagsisinungaling ko bago tumalikod para i-open ang gate.

Baka kasi ang ending, aantayin ko na naman siya tapos malilimutan na niya... or busy siya.

Habang binubuksan ko ang gate mula sa labas ay bigla ulit siyang nagsalita. "M-Magluluto ako ng dinner mamaya. G-Gusto mo ba?" He shifted his weight. My heart raced suddenly.

The side of my lips rose up. "Sige."

His expression brightened. "Okay. Uh, what do you want?" he asked with a ghost of smile.

Ikaw. I shrugged. "Any meal would do. I am not picky in foods." Lalo na kapag galing sa 'yo.

"Nag-date kayong dalawa?"

I didn't noticed that my sister arrived! She looked at us, eyes are squinting.

"Hindi 'no!" pagkuha ko ng atensyon niya nang makitang tinignan niya si Matmat habang nakataas ang kilay.

My sister pointed him. "Eh, ano ginagawa niya rito?" she asked firmly, crossing her arms.

"Kasi..." I don't know what to say.

"Bakit hindi mo pinapasok?! Dito mo lang siya papatayuin?!" She signalled me through her hands to let Matmat in. I glared at her but she just went beside me, sinagi ang aking braso  "Diyan ka lang ba?" Baling niya kay Matmat. "Ayaw mo bang pumasok?"

My eyes darted to him. He was scratching his head, cheeks were turning red. Dahil sa street light ay kitang-kita iyon.

"Magluluto pa po ako." He awkwardly smiled. "Pupunta po ako rito mamaya at magbibigay ng ulam," marahan niyang saad.

"Wow, aantayin ko 'yan!" Ate Sydney chuckled and gazed at me. "Mauna na ako sa loob kung gano'n," paalam niya bago pumasok sa loob at iniwan kami sa labas. Akala ko ba pinagdududahan niya si Matmat para sa akin?!

Hindi na kami nakapag-usap nang maayos ni Matmat at pinauwi ko na siya dahil malamig na rito sa labas. "Mauna ka muna sa loob," he told me.

I tsked. "Uwi ka na. Malamig na!" pagpupumilit ko at kinawayan siya.

"Gusto ko munang makita na pumasok ka sa loob bago ako uuwi. Diyan lang naman sa amin." Minata niya ang bahay nila. Iilang bahay lang ang pagitan ng amin sa kanila.

I pouted, to stop myself from smiling. "Yakapin kita riyan, eh." That was supposed to be a whisper but I said it out loud.

My face heated! Takte, masaydong bulgar na 'yung feelings ko sa kanya! Hindi na makayanan pigilan!

My body froze when he embraced me with his warm hug. He ruffled my hair. "Huwag nang pasaway, Ophelia Aemour... Pumasok ka na sa loob at baka hindi na kita bitawan."

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro