Thirty-four

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

M A T M A T

I told myself not to fall in love to a girl who keeps on chasing me. Nanggugulo lang naman sila. Ginugulo nila ang payapa kong buhay.

Not until Aemour came.

"Insan, may bagong lipat sa 063!" Dire-Diretsong pumasok si Eleazar sa aking kwarto.

I'm reading a book. The Midnight Library. "I'm not interested," tamad kong sagot nang hindi siya nililingon. I rested my back on the headboard. Inayos ko ang specs ko dahil mahuhulog na ito. He jumped into my bed. Parang bata. For Pete's sake, he's in senior high school already.

"Maganda siya. Kaya lang, maliit kaonti. Tapos may red na hair tie siya sa wrist," sabi niya. Sumulyap ako sa kanya. Bumangon siya at napakamot sa ulo. Nakikinig lang ako at hinahayaan siyang magsalita.

"'Di ba may hinahanap kang babae dati na may gano'n?" dagdag niya. Ibinaba ko ang libro at napatingin sa kanya.

He was talking about the kid that I met after my younger sister died. One week after, Mama, Papa and I went to the beach. Tahimik daw kasi ako. Isip nila na baka kapag naroon kami, magiging masaya ako. No, I didn't. Not until the cute girl talked to me. Nakaupo ako no'n sa sand, nakamasid lamang sa dagat. Ayaw kong maligo. Hindi rin naman ako sasaya roon.

"Bakit mag-isa ka lang?" she asked and sat beside me. I didn't care that's why I just ignored her. "Aw, ang snob mo naman. Ngumiti ka rin!" She pinched my both cheeks at doon ko napansin ang scrunchie na red sa may wrist niya.

I never really forget that day. The way she touched my cheeks, it was magical. Napawi ang lungkot ko at wala sa sariling napangiti. And when our eyes met, I just found myself saying that "You're adorable."

"Maraming tao ang may ganoon sa mundo, Eleazar. Hindi ko na siya iniisip," I dismissed him. Actually, hindi talaga nawala sa isip ko ang batang iyon.

"Insan, gago! Nag-o-order ka pala sa Lazada?!" Eleazar, my cousin, exclaimed. I was doing some readings here in my room, kakatapos ko lang maglaba. Bigla-bigla siyang pumasok sa kwarto ko nang walang paalam. Hindi man lang kumatok ang loko.

My forehead creased. Ibinaba ko ang libro na aking binabasa. Order? I didn't ordered anything. I also didn't had a Lazada app on my phone.

"Wala akong ino-order," I replied and continued reading. Nakaupo ako sa kama at nakasandal ang katawan sa headboard.

I heard him heaved a sigh. "Meron nga roong lalaki kumakatok sa gate," aniya. "Dito raw ang address... Pero ibang tao naman ang nakapangalan." He shrugged.

Agad akong napatayo at iniwan ang libro sa kama. Sinamahan pa ako sa labas ni Eleazar at tinuro si Manong Deliverer na nag-aantay sa labas at mukhang inip na.

"Oh, 'di ba? Sabi ko sa 'yo, eh. Ano ba in-order mo?" ani Eleazar.

"Magkano po, Kuya?" I asked. Then, he told me the price. It wasn't expensive that's why I just paid for it. Nakita ko ang address na taga 063 pala. Pinuntahan ko at todo asar ang loko sa 'kin.

I didn't expect to be so nervous on front of a girl that I have never met! I even told her other name! Not my name!

"Tanga..." Mahina kong inuntog ang aking ulo sa study desk ko. Habang nagbabasa kanina, hindi ko maialis sa isipan ko kung bakit ganoon ang naging action ko kanina.

Seeing her, it felt magical. Parang 'yong nakita ko iyong bata noon. Pero imposible. Nilandi niya agad ako. Kaya lang, bakit ko hinayaan ko ang sarili na hindi man lang siya singilin? 355 pesos din kaya 'yon. Order niya iyon pero ako nagbayad?!

Hindi ko rin maintindihan bakit nagwala iyong puso ko nang magtama ang aming mga mata? Naisip ko na baka kakaaral ko nabaliw na ako. Naunang nabaliw puso ko kaysa sa utak?! Damn, what am I even thinking right now?

The first craziest thing I did upon arriving to our university on my first day as second year was to search for her. Nagpunta pa ako sa hindi naman building ng mga pre-med students pero hindi ko siya makita. Ang tanga lang, ano?

Mayroon pa akong hindi maintindihan na mga ginawa ko. Iyong inantay kong matapos ang shift niya sa Swift's  Treats tapos makikita ko lang pala na kasama niya iyong Axel daw!

Alam ko sa sarili na hindi ko priority ang pagpasok sa relasyon. Baka kapag sinisigaw na siya ng puso ko, at kung maging kami... baka ma-bored lang siya sa akin at magsawa.

I was never good at conversations. Siguro sanay lang talaga ako na simula pa ng bata, mag-isa na.

Laking pasasalamat ko na lang na mayroon akong makulit na pinsan at mga matiyaga kong kaibigan na si Levi.

When I heard from her that she was with Axel, the day that Amara's phone, her friend, was stolen, Axel was there to help them. And I was waiting for her that day. Hindi ko alam bakit, tapos napagsungitan ko pa siya nung umuwi siya. Hay, ang gulo ko rin, eh.

Pinili kong lumayo kasi hindi ko maintindihan na kapag nariyan siya, nagwawala ang puso ko. Natatakot ako na baka kapag malapit siya sa 'kin, marinig niya iyon at malaman niyang siya ang nagpapawala ng puso ko. Ayaw ko nitong nararamdaman ako... Ayaw ko 'tong lumala... at ayaw kong malaman niya.

I never knew that I was unconsciously smiling when I see her with her friends, laughing. Nalalaman ko na lang kapag nakikita ako ng kaibigan ko at inaasar ako.

I became addicted to her smiles. I always looked for her from afar. I couldn't tell her what I felt. I don't want her to know. She would always makes my heart raced, albeit she's not doing much of effort. Kahit nakatayo, nakangiti, tumatawa, nagsusungit, nagbibiro... lahat ng ginagawa niya gustong-gusto ng puso ko. Gustong-gusto ko siya.

My feelings for her grew pero lagi akong pinanghihinaan ng loob. Nagpaparinig siya sa Twitter tungkol sa akin kaya lang, baka kapag mas naging malapit na kami, magsasawa rin siya sa akin dahil boring akong tao.

"I'm a hopeless romantic, I know I am..." pagkanta ni Eleazar, pinaparinggan ako. "Memorized all the lines and here I am... Struggling for words, I still don't know what to say... What to say..." He laughed. "Ayan, nakailang practice ka na sa pagkausap sa kanya, hindi mo pa rin kaya!" pang-aasar niya.

I smirked. "Primrose, Primrose," asar ko pabalik. Iyon ang pangalan ng crush niya.

"Friends nga lang muna kami! Tsaka, okay na 'yon at least may label! I was labeld as a friend!" Natawa siya at binatukan pa ako. "Scam ka, insan! Hindi raw kailanman magkakagusto sa babae. Tsked."

My mind says to stop, but... my heart wanted to know her more.

I didn't know what to give for her birthday present. One thing I knew is that, she likes the color of red.

I bought a red cushion for her. Para may mayakap siya kung nalulungkot man siya. Gusto ko man siyang yakapin kapag malungkot siya, hindi ko kaya, baka hindi ko na siya bitawan kapag ganoon. Tapos, nag-research ako tungkol sa course niya. Hindi naman ako ganoon dati dahil naka-focus lang ako sa pag-aaral ko at sa pamilya ko. Nalaman ko na sobrang hirap ng ginagawa nila kaya napag-isipan kong bigyan siya ng massage coupon. Baka kailangan niya kapag stress siya.

Nahihiya akong ibigay 'to sa kanya. Napatingin ako sa bitbi. Hindi kamahalan at nagbigay pa ako ng free massage coupon kaya ibinaabot ko 'yon kay Levi, kaibigan ko.

"Sus, ikaw na lang kasi magbigay!" pamimilit nito sa akin.

Nahihiya akong umiling. "Sige na, Levi... Nahihiya talaga ako." Tinawanan niya ako sa naging aksiyon ko.

Sigurado kasi na kapag si Axel ang magreregalo sa kanya ay mamahalin 'yon at walang-wala sa 'kin. Hindi kasi ako lumaki na gumagastos ng libo para sa bagay...I can't afford those luxurious gifts.

But seeing how happy she was when she thanked me personally and even baked a banana bread for me... my heart throbbed in happiness. Crazy, I told myself. If this is what being crazy, I wanted to be crazier, then.

"Insan, saan ka?" nagtatakang tanong ni Eleazar nang makita akong lumabas. Alam niya kasing kahit na Christmas break ay hindi naman ako lumalabas ng bahay.

"Sisilay lang," maikling sagot ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Kay Ate Aemour?!" rinig kong eskeheradang tanong niya. Tinatanong pa ba 'yan? Natawa ako sa naisip. Gustong-gusto ko siyang masilayan.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro