Twenty-nine

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Gaga ka talaga."

Inuntog ko ang ulo sa pinto ng banyo nang matapos nang maligo. I just had a four-hour sleep. Bakit ba maging sa pagtulog ko, hindi ko siya maiwasan?!

Sa dinami ng tao, si Matmat pa talaga ang nakakuha kay Gido?! I was glad that Gido was found but... of all siya talaga?

He even offered me to treat my wounds?! Like, can't I treat my small wound, huh?! Bakit naman siya pa manggagamot, eh, marunong naman ako!

Tapos bakit parang... concern pa siya sa akin?! Wait, concern ba siya sa akin? I exhaled sharply in frustration.

Lumabas din lang ako roon at nagpalamon sa kama. Inis kong sinipa-sipa sa ere ang paa ko na parang tanga.

"Pediatrician na kaya siya?" I whispered to myself. I sighed in dismayed. Bakit ko pa rin ba siya iniisip?

"Tanda mo na. Makakalimutin ka na. Dapat magpakasal ka na, in short pakasalan mo ako, ganoon," sambit ni Axel, natatawa.

Naiwan ko kasi 'yong wallet sa kotse niya. Nagloko bigla 'yung makina ng sasakyan ko at sakto namang pumunta siya sa condo para ibalik iyon kaya sinabi niyang makisakay na lang ako sa kanya.

"Bakit ba single ka pa rin, huh? Ginagaya mo ba 'ko?" I let out a soft chuckle and drifted my eyes in him.

Nakangiti siyang nakatingin sa harapan habang nagmamaneho. "Para goals tayo," he replied.

I playfully rolled my eyes before crossing my arms. "Saan nga pala next flight mo?" I asked him, my eyes were on the road now.

"Hmm... Switzerland," he answered.

I nodded. "Alam mo ba na gusto na naman ni Rissa maging pilot dahil sa 'yo. Noong nakaraan gusto niya maging baker. Tapos minsan gusto niyang maging fashion designer, tapos ngayon, pilot na!" litanya ko. I heard him laughed softly. My gaze turned to him. "Seryoso nga."

"Bata pa naman siya. Ganoon talaga sila. Kung anong nakikita nila, o naoobserbahan, gusto rin nila ng ganoon. Try mo mag-anak," aniya at natawa.

My eyes widened on his last statement. "Try ko mag-anak?! Thirty na ako, 'no! At saka, wala akong balak mag-asawa..." Umiwas ako ng tingin.

"Aw, wala kang balak na asawahin ako?" he dramatically asked. "Kasi ako mayroon."

I hit him on his arm. "Siraulo!" I hissed.

I haven't seen Matmat for two months now. Hindi naman sa nanghihinayang ako kasi hindi naman talaga. Masaya nga ako, eh! Wala na akong iisipin! Kung saang lupalop man siya ng mundo, sana huwag na siyang magpakita!

"Pasensiya na talaga sa abala, Aemour," nahihiyang sambit ni Ate nang makasakay na sa loob ng kotse si Rissa. May lagnat kasi ang bata kaya ipapa-check up siya ngayon. Sakto naman na may birthday party na pinaghahandaan si Ate ngayong araw kaya ako na ang nagsabi na ako na ang bahala sa pamangkin.

"Sasama na lang ako," bawi niya rin, mukhang nag-aalala.

I gently shook my head and gave her an assuring smile. "I'll take care of my niece, Ate."

Nagpunta kami sa clinic na sinabi sa akin ni Ate. Kaya lang, pagpunta roon ay nag-out of town daw ang doctor ni Rissa at pediatric resident ang naroon. Napakarami rin na patient ang nasa waiting area. Nagbanggit sila ng pangalan ng isang clinic na hindi rin naman malayo roon at magaling din daw ang doctor.

Halos malagutan naman ako ng hininga pagkasabi ng pangalan ng clinic.

Escobar's Pedia Clinic.

Panay ang aking paglunok habang binabaybay ang daan papunta sa clinic na iyon. Sana hindi siya... sana hindi... Huwag sanang siya iyon... Marami naman sigurong Escobar 'di ba? Hindi lang naman siya ang may surname na ganoon... Sana nga.

I parked the car on the parking area of the clinic. Sa labas pa lang, makikita na ang sign na 'Escobar's Pedia Clinic'. Sa parking area ay napansin kong may BMW na sasakyan. Kanino naman kaya 'yon?

Kinuha ko na rin mula sa backseat si Rissa. Nakanguso siyang naglalakad papasok ng clinic at ginala ang mata sa lugar habang hawak ko ang kanyang kamay. May mga baby at mga batang kasing-edad lang siguro ni Charissa ang mga narito ma kasama rin ang kanilang magulang. Ang iba naman ay mukhang guardian ang kasama.

Pinaupo ko muna siya sa waiting area. "Huwag kang aalis dito, huh?" paalala ko. "Kapag nauubo ka, cover your mouth. May kakausapin lang ako saglit..." She nodded like a well-behaved kid and I gently pat her head. Itatanong ko lang muna sa medical secretary kung pwede bang magpa-check up kahit walang appointment.

"You don't need an appointment, Ma'am. Pwede po ang walk-in, but you will need to wait po. Since hindi naman po busy today si Doc. Escobar, mabilis lang po." Hmm, she looks young and fit, huh? Ganda naman ng kinuhang secretary.

We waited there and when my name has been called, I stood up and carried Rissa to take her with me, entering the doctor's office.

My knees almost trembled as I saw him. Again.

I gulped when our eyes met. Pucha, halos hindi na ako makagalaw.

"She can take her seat now," he told me. Ibinaba ko na ang bata.

Rissa sat down on thr chair, her eyes roamed around while her lips plastered a small pout. Matmat-- Doc. Escobar stood up to check her breathing and asked a few questions before jotting it down on his writing pad.

Nakita kong ngumiti ang bata sa kanya at gumanti naman siya ng malaking ngiti. Napalunok akong muli at umiwas na lang ng tingin.

He gave me a prescription afterwards. Our hands brushed when I was trying to get it from him that caused my heart to beat rapidly.

"Mumma, you look good together with that Doctor!" Charissa giggled after I buckled her seatbelt like she was not sick. Saglit lang kami roon at mukhang mas naging maayos pa si Rissa nang makita ang pedia niya. Para akong nagkasakit bigla.

"Isha," suway ko. Nakanguso siyang tumango.

Bumili ako ng gamot niya at pati na rin para sa sarili ko. Parang sumakit bigla ulo ko at sumama ang pakiramdam ko.

Bumalik ako sa bahay nila Ate at doon muna ako upang mabantayan si Rissa. Naroon din kasi si Mama, nagdala ng bagong halaman kasama si Gido.

Hindi rin nagtagal ay umuwi si Kuya Mon at nagbantay sa anak. Si Ate naman ay panay ang text sa akin. Sinamahan ko na rin magluto si Mama ng tinola habang ang Papa ni Rissa ay siyang nag-aasikaso sa kanya sa kwarto.

Nagkita ulit kami ni Matmat sa Landers grocery. Nagtama lang ang aming mga mata. Ako na ang naunang umiwas, siyempre. May tulak siyang push cart at ako naman ay kasama si Axel na bitbit ang basket lang dahil kaonti lang binili ko no'n.

Hanggang sa pag-uwi at pagsakay sa elevator sa condo ay sumabay siya sa akin. Tahimik lang itong buhat ang plastic ng pinamili ko. I could see our reflection from the door of elevator. We are the only ones here.

"Axel, are you okay?" I curiously asked and held his left arm.

He gave me a warm smile. "Yup. I was just thinking... of something..." he answered.

My tongue touched the side of my cheek. "Kanina ka pa tahimik," I told him and looked at him carefully. "Hmm? Magsabi ka lang."

"Thank you for making my years the best, Aemour. I'm happy and grateful that I met you..." biglang sambit niya, hindi sinasagot ang aking tanong.

My brows knitted on what he said. "Ano?" I chuckled. He was about to say more but it was halted by the elevator ding sounds.

Nauna na siyang naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng pinto ng unit ko. He drifted his eyes at me and smiled again.

"I like you."

"I like you too as my friend." I chortled.

He heaved a sigh before smiling again. But this time, it looked forced. "Not just as a friend. I actually liked you for years now... The first time I saw your eyes and your smile, I knew that my heart goes wild because of you."

Napanganga ako sa kanyang sinabi. "Nagjo-joke ka ba?!" Natawa ako. "Hoy, Axel, umayos ka nga!" Kinuha ko mula sa kanyang kamay ang plastic na pinamili ko bago ko siyang muling binalingan. He smiled at me sadly. Totoo nga...?

"Believe me or not, Aemour, I would never fake a confession... Gusto kita at totoo ang sinasabi ko."

I was too focused on someone that I didn't even noticed his feelings for me. I thought of him as my brother and my best friend. I never see this coming. We were friends for more than ten years, but I... didn't know.

"You don't have to like me back... Just please don't be awkward with me... Makasama lang kita, kontento na ako."

"A-Axel..." Hindi ako makapagsalita nang maayos. Wala akong masabi.

He ruffled my hair. "Pumasok ka na sa loob. Aalis na rin ako."

Matapos ang araw na iyon, halos ilang gabi na akong hindi makatulog kakaisip sa confession niya. So, ilang taon na niyang tinago iyon? Ni hindi ko napansin?

Bumalik na naman ang nanligaw sa akin noon. Matagal na iyon. Siguro noong bago pa lamang kami rito, umaligid na siya agad sa 'kin. Ilang buwan nang laging dumidikit sa akin si Conrad. Nanliligaw raw kasi siya kaya ganoon. Para sa 'kin, hindi naman ako pumayag, eh. Ang kulit niya lang talaga. Kahit noon, napakakulit.

"Why aren't you interested in love, Ophelia?" Suminghap siya. "Why aren't you interested in me?" he asked, pain was evident on his voice.

I was arranging the new arrived clothes on women's area. "Just because I don't believe in love anymore," I frankly answered, not looking at him. "Mas gusto ko munang pagtuonan ang sarili ko at ang pamilya ko..."

Ayaw ko nang magmahal kung hindi rin naman ito magtatagal at puro sakit lang ang maidudulot nito sa akin bandang huli. Because love is bound to end and maybe... I was really destined to be alone.

Maybe he felt that I wasn't really interested in him that's why he left eventually. Wala namang nangyaring bago sa lumipas na araw. Normal lang na routine ang ginagawa ko. Magja-jogging four times a week kasama si Gido, bibisita kina Rissa, pupunta sa boutique ko, nag-iisip ng mga bagong designs, quality time with my mother, and talked to my friends through video call or texts.

"Wow, BMW," manhang-mangha kong sambit pagka-park sa tabi nito. Narito ako sa parking lot ng RH Mall. My brows frowned, trying to remember where did I saw this car. Nakita ko na 'to, eh!

Naglakad na lang ako palayo roon dahil baka magasgasan ko pa! Habang naglalakad, hinahanap ko ang wallet ko sa loob ng aking bag at hindi mahanap kung saan. Bigla na lang may nakabunggo ng braso ko. "Ano ba 'yan," I hissed, slightly irritated. Wala ba siyang mata?!

My eyes almost widened when I saw him again. Again. Pucha, kailan ba kami paglalaruan ng tadhana?!

"Sorry," he uttered coldly. "Nagmamadali lang ako. Naiwan ko wallet ko sa kotse." Hindi ko naman kailangan ng explanation mo! Nilagpasan na niya ako pagkatapos at pumunta sa... Sa BMW na kotse! Napanganga ako. Sa kanya 'yon! Ang kapal pa ng mukha kong itabi 'yong second hand kong sasakyan sa kanya!

I just shook my head and walked away from him. Phew, buti naman nakalayo na. Dumiretso na ako sa store at nakahinga nang maluwag dahil sa nakalayo na ako roon sa lalaking iyon.

"Good morning po, Sir," dinig kong bati ni Terry, short for Terresa, isa sa employee ko at malapit siya sa akin, habang ako ay nag-aayos ng display kong mga accessories na nakalagay sa glass counter sa may cashier. "Kukunin niyo na po ba 'yung kanina?" tanong nito sa customer.

"Uh, yes..." A familiar voice caught my attention. Pota, andito na naman siya?! Napabaling ako nang tumugon ang lalaki. The hell?! Nahuli kong nakatingin siya sa akin at napatingin sa suot ko bago umiwas na ng tingin. Sa dinami-dami ng store, dito pa talaga?! Nakasuot ako ng beige crop top and shorts at naka-blazer din tapos leather pump heels.

I chose to put a carpet on my store so the customers or shoppers will have a quiet, serene experience in choosing their desired item. Cool white light naman ang napili ko sa lighting with decorative light. May cursive letter light na nakalagay 'Happy Shopping!' sa wall sa may gilid ng entrance. Para pagpasok ay makita ito ng shoppers.

Clothings were separated into categories. For instance, men's, women's, and kid's were sectioned or in specific groupings.

White and gray are the theme for the wall to convey a sense of cleanliness. My boutique also had a high ceiling with a mix of color of still, white and gray. There has a two fitting room inside. Lastly, four fabric sofa stool in the middle, the sitting or waiting area.

Matmat followed Terry to the men's pants area and picked more than five different trousers and sweatpants. I was confused when he also went to the kid's section. He was looking on a boy's dress. Hmm, does he have a kid? Ano naman pake ko?! Ampota. Wala akong pake! Curious lang! Ah, basta!

Nang magbayad na siya ay si Terry na ang nag-punch ng mga item na binili nito dahil lumayo ako kaagad. Nasaan na ang professional Aemour, huh?! Lumalayo sa ex!

I heard Matmat cleared his throat. "Is the owner still single?" I heard him asked Terry, using his croaked voice. I glanced at him. A small smile crept on his lips while his eyes were on me.

≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro