Twenty-eight

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Mumma!" Charissa, my baby girl said. "Thank you for these!"

She giggled after I gave her a We Bare Bear stuff toys, Grizzly, Panda, and Icebear from Miniso yesterday. Hindi na kasi niya ako naabutan nang ibinigay ko iyon dahil tulog siya. Ibinaba muna niya ang mga iyon at tumakbo patungo sa akin at niyakap ang binti ko. I unconsciously smiled and lift her up.

I heard Axel's dramatic gasp. "Rissa, baby? Si Mumma mo lang iha-hug mo?" nagtatampong saad ni Axel.

Axel was now a pilot. He is working on Philippines Fly Airlines and had his own Korean restaurant here in Taranquil City.

What a small world, indeed. I never expected to see him here. We bumped to each other on an open park when I was taking a short jog in the morning four years ago.

I didn't lose contact with my friends while I am here in Taranquil City. Paminsan-minsan ay pumupunta sila rito para maka-catch up sa kung anong latest sa buhay ko.

Naging madali lang ang pag-aadjust ko rito sa Taranquil City dahil sa mababait ang mga tao at friendly. Nag-stay kami dati ni Ate sa isang apartment. Siguro, mga dalawang taon din kami roon hanggang sa unti-unti na siyang nakapagpatayo ng bakeshop niya at hanggang sa nakilala ang kanyang asawa.

"Dudeski, hug din ikaw! Group hug!" Charissa giggled. With that, Axel hugged us too. His arms enveloped us like a family. Dudeski ang tawag niya sa kanya dahil sa napanood niya raw na cartoon. Pinagsama kasi 'yong Dude at Axel kaya ayan.

Rissa told me that it sounds friendly. Ewan ko sa batang 'to, hindi ko alam kung kanino nagmana!

Narito kami sa mansion nila Ate at ng kanyang asawa. Nang bumitaw si Axel, napabaling ako sa kapatid ko nang makita siyang pababa ng hagdan, nakahawak sa railings na glass. Mukhang kakaligo lang lang dahil sa towel sa kanyang ulo. "Ang reyna, pababa na," I joked, then, she jokingly rolled her eyes at me upon walking towards us.

Bumitaw si Rissa sa akin at lumingon sa Mama niya kaya ibinaba ko na. "Eomma!" She giggled and went to her mother. Binuhat na siya ni Ate at hinalikan sa pisngi. "Tita Aemour visited us!" masayang aniya.

"Nakakahiya naman na naka-park 'yung second hand na kotse ko sa labas ng mansion niyo!" I hissed and followed them to their kitchen.

"Ayaw mo kasing sumakay sa akin," Axel whispered beside me, nakasunod pala.

I tsked. "Ang bango masyado sa loob ng kotse mo, mas mabango pa sa 'kin," tugon ko, natatawa.

"Kumain na ba kayong dalawa?" tanong sa amin ni Ate, pinapakain na si Rissa.

"Kakakain ko lang, Ate," sagot ni Axel bago hinila ang silya upang umupo.

"Tapos na ako," tugon ko naman. "May apple kayo?" Tamad akong tumayo para buksan ang kanilang ref bago pa man siya sumagot.

"We have a lot there, Mumma!" Rissa answered for me. I chuckled because of her cuteness.

Ramon Hernandez, my sister's husband, owns a big mall here in Taranquil City, which had many branches already.

My little boutique, A-mora Boutique was located on his mall. RH Mall is one of the biggest and popular mall here in the Philippines.

My sister also had her own bakeshop that was named, Sydney's Cake and Pastries and had three branches nationwide.

My friends, Amara has her own familiy now, she has two kids and carrying their third child. Amara and Tim got married after thei graduation while Millie was married for five years and has her unico hijo.

Nakapag-settle down na silang dalawa at may pamilya. Rich Tita na lang ang role ko sa mundong 'to. Parang may yumakap sa puso ko nang makitang gaano katuwa si Rissa sa kanyang avocado toast.

I sat beside my niece and sliced the apple for her after washing it. Si Ate naman ay vini-video-han ang anak dahil tuwang-tuwa ito kay Rissa. Napaka-cute na bata!

Time flies so fast the she's already a mother now. Marami kaming pinagdaanan pero 'di naging hadlang ang mga ito para sumuko kami.

Ngayong may pamangkin ako, mas naging masaya ang buhay ko dahil may munting anghel na nagbibigay ng kaligayahan sa amin.

I was thankful for Him, because without Him, I won't be able to go far.

Loving, gaining trust to myself, and learning to move forward, and surrendering to Him, on those toughest times were the best thing I've learned and I did.

"Can we go po to the mall later, Eomma with Tita Mumma and Dudeski?" Rissa asked, pouting, trying to convince her mother while she was nibbling.

I pouted too. I wanted to bond with my niece too! "Sige na, Ate," malambing na pakiusap ko kay Ate na gumagawa ng panibagong avocado toast.

Lumabas muna si Axel at may tinake na tawag. "I can't today, anak..." Nilapitan niya ang anak and she pat her head gently, fixing her bangs.

Napanguso ulit ang bata. I placed my elbows in the table and entwined my fingers before resting my chin on my knuckles.

"Then, when are you available po?" tanong ni Rissa, tunog nagtatampo na.

Ate Sydney heaved a sigh and caressed her daughter's cheeks. She leaned forward and planted a soft kiss on her forehead.

Tahimik akong tumayo at ako na ang nag-asikaso ng avocado toast ni Charissa. Nagmo-moment pa sila, baka panira pa ako! Charot.

In the end, Rissa ended up being with me and her Dudeski. Dinala muna namin siya sa kid's playground gaya ng sabi ni Ate dahil maaga pa para mag-mall at para makapagpaaaraw.

My sister always reminds me not to buy a lot of toys for Rissa because eventually, she will grow up and won't need those toys.

Hindi ko naranasan 'yan noon, kaya ano ba naman 'yung mabigay ko lang siya ng ganoon, 'di ba? Kapag lumaki siya, pwede nama iyong i-donate. Isa pang paalala niya sa akin ay huwag ko raw pakainin masyado ng matatamis ang anak dahil kapag mag-hyper na naman 'to ay siguradong napakahirap patulugin at malikot!

"Restroom muna ako, Aemour," paalam ni Axel sa 'kin matapos kaming kumain sa isang fast food sa loob ng mall at nagpasyang bumili ng ice cream pagkatapos.

Habang inaantay ang ice cream ay biglang tumakbo palayo si Rissa. "Isha!" sigaw ko. Iyon ang tawag ko sa kanya kapag nagpapasaway siya. Bumaling ako sa nagtitinda. "Saglit lang po, Ate, ah." I ran after my niece.

I panicked when I saw him talking to a stranger! Agad akong lumapit. "Mumma, look at his teddy bear!" namamanghang ani ni Rissa na hindi maialis ang ngiti sa kausap.

I eyed the man and I was wrong for saying that he was a stranger. Takte, narito si Matmat! Uh, I mean him... Uh, my ex boyfriend.

My almost. My first heartbreak.

My feet froze when we met each other's eyes. My heart almost stopped beating. May hawak nga siyang stufftoy na malaki. Kasing size 'yon ni Charissa. I gulped so hard and tried to walk calmly to my niece. I sat down to level our height.

Rissa smiled at me widely. "It's so cute!"

"I can give it to you," Matmat offered. Pota, 'yung boses niya! Hala, bakit... bakit biglang nagwala 'yung puso ko?! Gago, wala 'to. Siyempre, 'di ba, ang pangit ng nangyari sa last time naming magkita noon. Siguro, nao-awkward lang ako...

I cleared my throat to caugh Rissa's attention. "You should not talk to strangers. 'Di ba that's what I always told you?"

She gave me a small pout. "But he looks mabait naman po," she reasoned out. Narinig ko pa ang pagsinghap ng lalaki sa likod ko.

I heaved a sigh. "Bibilhan na lang kit no'n, okay?" Pilit akong ngumiti. Nakanguso siyang tumango at tumayo na ako at hinawakan ang maliit niyang kamay bago umalis doon. Muntik na ako mahimatay roon, ah!

"Mumma, why are your cheeks red po?" Agad akong napatingin kay Rissa dahil sa sinabi. What?! Ako mamumula ang pisngi?!

"That's just... a makeup, baby." I awkwardly laugh.

Kita ko na naglalalad si Axel papunta sa aming direksiyon at kumaway pa ito gamit ang dalawang kamay. Muli na namang tumakbo ang bata papunta sa kanya at binuhat siya nito at pinaikot pa. Aba, parang matagal hindi nagkita samantalang ilang minuto lang naman siya nawala!

"Pula pisngi mo, Aemour. Hindi ka naman naglalagay ng makeup," bulong ni Axel, natatawa, nang sabay na kaming naglakad at bumalik sa ice cream na stall kanina, habang nasa gitna naming dalawa si Rissa, hawak ang parehong kamay niya.

Inirapan ko na lang siya at buti hindi narinig ni Charissa 'yong sinabi ng Dudeski niya.

"Don't tell Eomma that I ate ice cream, okay?" Rissa told us after buying her a chocolate chip ice cream in cone. We took a sit on a backless wood bench along the mall concourse for a short stop.

"Secret sealed," Axel uttered that made the kid giggle. Natatawa akong napailing sa kalokohan ng dalawa.

Naglibot pa kami saglit at binilhan ko ng stufftoy si Rissa na katulad no'ng kay... Sino na 'yon? Ano na ngang pangalan no'n?

Ah, basta.

Dinala ko muna sa condo unit ko si Rissa at si Axel naman ay papunta sa restaurant niya. Karga ko ang bata habang mahimbing siyang natutulog sa balikat ko. Napangiti ako nang silipin siya bago tinype ang password sa keypad door lock.

"Oh my God, Ma, golden retriever ba 'yan?" I asked in excitement upon walking inside as I saw a cute little dog here in my condo unit.

"Shh, si Rissa," sita nito sa akin dahil oo naman, baka magising ko pa ang cute na batang 'to! Sa kwarto ko muna pinatulog si Rissa. Marami kasi akong unan at mahilig siya sa malalambot lalo na kapag natutulog siya, kailangan ng kayakap ng unan or stufftoy.

Nagp-prepare si Mama ng lunch namin ngayon.  Magkasama kami rito sa unit dahil pinilit ko siya. Mag-isa lang naman ako atsaka ilang taon ko siyang hindi nakasama at nakita!

It was a unit with glass walls that could see the view of the city and has a high ceilings. Sa living room naman at may dalawang malaking couch, ang isa ay naka-L shaped at may coffee table sa gitna at TV na naka-wall. While on the kitchen, there's a dining table and mini bar.

I walked near the dog. Nasa tapat malapit siya sa dining table. I sat down so I could pat the dog on its head, smiling. It was just sitting like an obedient kid, tail was wagging. "Anong name niya, Ma?" The dog placed his left paw on my right lap. I held on it and gave him a handshake. His color is light golden and he really get along with me although it was his first time seeing me.

"Gido," sagot agad ni Mama.

"Hmm?" Napalingon ako sa kanya at tumayo muna para maghugas. Sinilip ko si Gido. Ang aso ay nagtungo na sa kanyang sariling higaan malapit sa may couch. Wow, sosyal naman na aso 'to!

"Pabaliktad na doggy kaya Gido," tugon niya, natatawa. "Doggy... Gido."

Pabiro na lang akong napairap. "Mama talaga!" Natawa na rin ako at . Brainy! Kaya pala ako rin, brainy! "Bakit mo naman naisipan mag-alaga ng aso, Ma. Kapag 'yan lumaki, mabalahibo! At saka kailangan ng pang maintenance."

"Nag-iisa lang ang apo ko. Tapos mag-isa lang ako rito madalas," pagdadahilan niya. "May pambayad naman ako!" aniya.

"Madalas ka namang pumupunta kay Rissa at madalas din naman siya rito, ah." Kumuha ako ng pitsel sa ref at inilapag ito sa mesa. "Gusto mo ba ng maraming apo, Ma?"

Mauuna muna kaming kumain dahil mukhang napagod ang bata kanina. Kailangan niya muna magpahinga. Kasi kapag inaantok 'yon at naistorbo, umiiyak! "Kung anong desisyon ng mag-asawa, rerespetuhin ko 'yon. Hindi ako ang magdadala ng bata at alam kong mahirap din 'yon. Pero siyempre... masaya ako kahit isa ilang apo ko pa 'yan. Mahal ko siya gaya ng pagmamahal ko sa inyong magkapatid."

The next days, I was glad that I never saw 'that' man again... Not until today.

I woke up at 5:30 AM and to jog outside, sa active park. I also decided to bring Gido with me so we can both exercise. Need din ng aso ang mag-exercise.

Nilagyan ko ng leash si Gido upang hindi siya mahiwalay sa akin. Pati na rin dog tag. May binili si Mama kahapon. Pangalan ko ang nakalagay roon dahil utos ni Mama. Mas kilala raw kasi ako kung sakaling magka-emergency at naroon ang contact details ko. Hindi rin kasi mahilig mag-phone si Mama. Makakatulong daw 'yon kung sakaling mawala siya at hindi mapagkamalan na asong gala. Mawawala siya?! Hah, ako pa ba?! Don't worry, Mama, safe and secured si Gido sa akin.

Paglabas ko ng unit ay saktong paglabas din ng isang lalaki sa katapat kong unit. 063 ang door number niya. The hell?! Bakit siya na ang nakatira diyan?! Lumipat na ba 'yong dating nakatira diyan?!

Bakit na naman kami nagkita?!

Nanuyo ang aking lalamunan nang nagtama ang aming mga mata. Mukhang mag-e-exercise din siya dahil sa suot niya. Nagji-gym ba siya? Parang lumaki ang katawan niya. Teka, ano bang paki ko?!

Takte, 'yung... braso niya pati kamay... His veins were penetrating... Damn it! Baka kapag ako maging pasyente nito, mahimatay ako! I slightly cough to clear off my mind.

Walang imik kong binuhat si Gido dahil mukhang napatitig din siya kay Matmat at inoobserbahan ito. Gido, ex ko 'yan, eh, bakit mo naman tinitignan gamit ang maamo mong mukha?

Hindi ko alam paano ako nakalabas doon. Phew, buti na lang nakaalis na ako roon. Kaya lang, hindi naman ako makapag-focus na mag-jogging. Ang ending, walking lang ginawa ko. Hawak ko si Gido at lumilipad ang isip. Sa dinami-dami ng condo, bakit doon pa?! Bakit magkatapat pa kami ng pinto?!

Bigla na lamang akong may narinig na sumigaw ng 'tabi!' at halos lumuwa ang mata ko nang may cyclist ang patungo sa direksiyon ko. Hindi ko na namalayan na palapit na ito sa akin hanggang sa bumalik ako sa katinuan at umiwas pero huli na.

Napatumba ako at gano'n din si Kuya na nagb-bike. Takte, ang shunga ko ba?! Or siya ang shunga?

"Hala, Gido!" Lagot ako kay Mama nito! Nabitawan ko ang leash Gido! "Sorry po!" mabilis kong sabi sa lalaki na pinagpag ang sarili. Nilibot ko ang paningin at napansin kong pinagtinginan kami. Naramdaman kong mag kung anong mahapdi sa tuhod ko.

May maliit akong sugat. Pero hindi na 'yon importante. Ang mahalaga ay mahanap ko si Gido. Nag-sorry din naman ang lalaki kaya lakad-takbo kong nilibot ang park. Hindi na ako nag-abalang makipag-away sa kanya dahil kailangan ko nang mahanap ang aso.

Napahawak ako sa tuhod bilang suporta habang hinahabol ang aking hininga. "Gido, saan ka na ba? Bumalik ka na please," I begged in whisper.

Napansin ko na lamang na may paa sa harap ko, nakatayo ito. "You should treat your wound, miss." His soothing voice sent shivers through my body. Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo na naman qng aming mga mata. Siya. Siya na naman. Nagkita ulit kami.

Umayos ako ng tayo. Karga niya si Gido na mukhang nagustuhan agad siya. "Ah, your dog's really nice, huh? Buti pa siya... mukhang gusto ako." He then, plastered a small sad smile on his lips.


≿━━━━༺❀༻━━━━≾

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro