CHAPTER 11 THE WHITE BUTTERFLY

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jar of Hearts

CHAPTER 11

THE WHITE BUTTERFLY

SEBASTIAN’S POV

“Sirs and Madams, hanggang dito na lang po muna kayo. Wait the doctor here” sabi nung nurse.

Shit! Sana maging okay si Sarah. Tumungo kaming apat sa may lounge ng ospital at nagpahinga muna.

Walang ni isa sa amin ang umimik. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming lahat.

Ilang oras na kaming nandito, tinawagan na ni Alona ang mga magulang ni Sarah.

Makalipas ng ilang minuto’y dumating naman sila. Agad silang sinalubong ni Alona at pinaliwanag ang lahat.

Narinig ko namang umiiyak ang nanay ni Sarah at pinapakalma naman siya nung tatay niya

Ilang oras pa ang nakalipas, wala pa ring lumalabas na doctor

Hanggang sa...

Napatayo  kaming lahat ng sa wakas ay lumabas na yung doctor.

“Are you the parents of Ms Sarah Watterson?” tanong niya.

Tumango lamang ang mga magulang ni Sarah bilang pag sang ayon.

“Mister and misis, tatapatin ko na kayo ang pasyente ay nasa malubhang kalagayan. Maraming nawalang dugo sa kanya at napag alaman naming may leukemia pa siya. As for now, she’s comatose and let’s wait for at least 36 hours to recover. I’m sorry and please excuse me” at umalis na yung doctor.

Sa mga winika ng doctor, hindi ko mapigilang malungkot at kasabay nun ay ang pagbuhos ng mga luha ko.

Sa sobrang frustration nasuntok ko bigla ang pader kung kaya’t napatingin sila sa akin.

“Shit! Bakit ganito?” tanong ko na lamang sa akin sarili.

“Calm down” dinig kong sabi ni Eliza.

“Calm down! You say that I should calm down! Sa tingin mo makakaya ko yun! Ha! Eliza!” sigaw ko kay Eliza. Napayuko na lamang siya sa sobrang kahihiyan.

“Tama na yan” awat sa amin ni Jeff.

Dahil sa sobrang frustration, minabuti kong umalis na lang muna.

*lakad, lakad, lakad*

Ni hindi ko alam kung saan ako pupunt basta lakad lang ako ng lakad. Hanggang sa mapunta ako sa park.

Naalala ko ‘tong park na ito. Dito kami lahat nagkakilala.

Nagtungo ako sa swing kung saan natagpuan namin sila Alona at Sarah (refer to The Bucket List)

Kasalukuyan kong inuugoy yung swing at nakatingin lang sa kawalan. Hindi kasi mag sink in sa isip ko ang lahat. Yeah, same feeling ‘to nung nalaman kong may leukemia si Sarah.

Hayst! Bakit ba ganito ang mga nangyayari? Bakit lagi na lang lungkot at sakit ang mga nadadama ko?

Sana nama’y maging okay ang lahat.

Pagkatapos kong magpunta sa park, nagpunta ako sa isang chapel.

Sana naman tulungan Niya ako.

Pumasok naman ako sa chapel at nagpunta sa may altar.

Habang pinagmamasdan ko ang mga imahe ng mga santo, may isang babaeng lumapit sa akin.

“Ang lungkot ng mukha mo” sabi niya. Nabaling  naman ang tingin  ko sa kanya. Hindi ko na lang siya sinagot bagkus binigyan ko siya ng isang ngiti (pilit nga lang)

“Wag kang ngumiti kung hindi namang totoo na masaya ka. Anuman ang kinahaharap mo, makakaya mo yan lalo na’t kasama mo Siya” sabay turo dun sa imahe ng crucifixion na nakasabit.

Napatingin naman ako dun.

“S-sino ka?” sabi ko habang nakatitig pa rin sa imahe. Napansin kong antagal niyang sumagot kaya’t nilingon ko siya kaso bigla naman siyang nawala. Weird?

Nagdasal muna  ako at nagpunta ako dun sa tirikan ng mga kandila. Yung lugar kung saan magtitirik ka ng kandila tapos hihiling ka. Kumuha ako ng isang kandila at sinindihan iyon.

“Sana maging maayos na ang lahat. Di man perpekto pero sana lahat ng problema ay mawala na” sabi ko habang tinitirik yung kandila.

ALONA’S POV

Nandito pa rin kami sa maay ospital kaso si Eliza umuwi muna dahil kakausapin niya ang tatay niya tungkol sa pag cancel ng kasal nila ni Sebastian.

“Alona, umuwi muna tayo ” aya sa akin ni Jeff.

“No, I’ll wait for Sarah” sabi ko naman.

Pumasok muna kami ni Jeff sa kwarto ni Sarah.

Ni hindi ko kayang tignan ni Sarah ngayon. Naaawa ako sa kalagayan niya.

Bakit naman ganun Lord? Kung kelan magiging maayos na sila ni Sebastian, saka naman nangyari ito? Kontra po ba kayo sa pagmamahalan nila?

Hindi ko maiwasang sumbatan ang Panginoon, kaso kahit ano namang gawin ko’y hindi nito mababago ang mga nangyari na eh? Siguro dapat tanggapin ko na lang ito, kahit na masakit.

Nagtungo ako kay Sarah at hinawakan ko ang mga kamay niya.

“Sarah, lumaban ka. Makakaya mo yan” sabi ko’t tumulo na rin pala ang mga luha ko.

Pinunasan ko ito at may napansin naman akong white butterfly na dumapo sa kanang balikat niya.

Nang biglang…

NAG FLAT LINE SI SARAH!

“Doc!” tawag ni Jeff.

“Anak! Lumaban ka!” sabi ng mama ni Sarah.

“Bestie!” sabi ko’t umiiyak na rin ako.

Wag mo kaming iiwan Bestie. Lumaban ka, kaya mo yan. </3

(to be continued…)

A/N: Hello po! Sorry sa late update, sana’y nagustuhan niyo po nag update ko sa araw na ito. Gimme a vote naman po guys! Please? :3

 

And sorry din sa mga typo errors and mali maling spellings, tinatype ko po kasi ito sa MS Word tapos copy paste na lang.

 

Sana po’y magustuhan niyo ang flow ng story lalo na’t malapit na tayo sa climax. Opo, wala pa tayo sa climax ng story kung tutuusin malapit palang tayo sa pinaka climax ng Jar of Hearts.

 

And sooner or later makikilala niyo na ang new character, tanong villain kaya ito? Tsaka anong magiging ambag niya sa storya nila Sarah at Sebastian.

Keep on reading and suporting guys! I mahal you all! :) Till next time. (iamloid)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro