Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

           

Jade

Napabuntong hininga na lang ako nang makatungtong ako sa harap ng pinto ng bahay namin ni Simon. Iniwan ko muna kasi sa Yaya niya si Dame, tapos ay buong araw akong na-kidnap ni Sky. Nanguso na naman tuloy ako nang maalala ang itsura ko ngayon.

I got my hair in bob cut style, I am wearing red lipstick with light make up and he made me wore a very short shorts with a white big shirt and it only covers my butt. And a gladiator shoes to top it all. Idagdag pa pala na may bitbit akong sangkatutak na paper bag.

Ibinili lang naman ako ni bakla ng wardrobe change dahil lakas loob niyang tinapon sa basurahan kanina ang mga damit at dresses na ibinili ni Simon sa akin. Tsk tsk tsk!

Napabuntonghininga nalang ulit ako nang pumasok ako, saktong pag-angat ko tingin ko ay nakita ko ang napatulalang mukha ni Simon.

"Babe," I called him. Ibinaba ko muna sa sahig ang dala ko at nilapitan siyang nakatayo sa living area. He looked like he just came home, sabagay gabi na. At tulog na panigurado si Dame.

"Babe, you look---" Hindi ko siya pinatapos at sumingit na ako.

"I looked horrible? I mean, si Sky kasi. Sabi niya kasi mukha raw akong losyang, porket daw may anak na ako ay 'di ko kailangan magmukhang losyang. Na kesyo ganito na kesyo ganyan."

Naguluhan naman ako sa isinukling ngiti ni Simon at pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "Babe, calm down. You look stunningly beautiful."

And with that I went silent. Is that joke or another lie of his? Grabeng compliment kasi ang binigay niya, ang palagi ko kasing naririnig sa kanya ay ang sabaw na 'you are beautiful' with kasamang pekeng ngiti. Pero ngayon, Iba ang ngiti niya na may halong pagtitig pa.

Hindi kaya umeepekto ang sinasabi ni Sky?

"Maganda ba ang ganitong style?" I asked looking at my appearance too. Nagulat naman ako nang biglang hilahin ni Simon ang kamay ko at inilapit ako sa kanya. We're just inches from each other, kaya 'di ko maiwasang mailang at mapatingin sa ibang gilid.

"Babe, kahit anong isuot mo, you're always beautiful in my eyes." At 'yan ay bola na. Ngumisi tuloy ako at tinulak ko siya nang bahagya, para magka distansya kami. Delikado e, kahit naiilang ako alam kong iba ang tibok ng puso ko. Tsk.

"Sus, binola mo na naman ako. Sige na nga, magpahinga na tayo. Gabi na, paniguradong maaga ka na namang aalis bukas." Saad ko habang tinutungo ang mga pinamili namin kanina. I was about to pick my stuffs when I felt Simon's arms on my waist.

He was back hugging me, "Babe. Can I sleep with you tonight?"

Hindi ko napigilang mapakagat labi sa tanong niya. His voice is so husky that it was almost a whisper. I admit na naaalala kong may ginaganito rin siyang ibang babae, pero hindi ko mapigilang isiping matagal kong inaantay ang mga ganitong pagkakataon. How I dreamt for this to happen for so long, how I wished for it for so long and this reality here is just right in my grasp.

Napangiti ako, saka ko tinanggal ang kamay niya sa beywang ko para harapin siya. "Hmm, ba't kaya naglalambing ang babe ko?"

He smiled on my question and pulled me by my waist again.

"Namiss kita e," he said putting his face near my neck. Napabuntong hininga na lang ako at pinulupot rin ang braso ko katawan niya para yakapin siya.

"I miss you too, Babe."

Nagising ako sa umaga nang wala na si Simon at Dame sa tabi ko. Paniguradong kumakain na ang mag-ama ko sa baba. And yes, Simon slept with me and Dame last night. Sa totoo lang, we made out a lot of times, but we never did 'it'.

Hindi ko lang rin alam kung bakit, pero nakukuntento na kami sa gano'n. Siguro ay parehong may pumipigil sa amin, sa kanya. Pero wala na akong angal doon, kasi alam kong sa akin pa rin siya uuwi, sa amin ng anak ko.

I am not asking Simon's full attention and love, sapat na sa akin itong binibigay niya sa amin ng anak niya. Kasi kaya ko pa, kayang kaya para sa kinabukasan ni Dame.

Nang makababa na ako ng hagdan ay nakita kong kumakain na nga sa hapag ang dalawa. "Babe, baby."

Sabay silang napalingon sa pagtawag ko, kaya naman nagdiretso na ako at tumabi sa anak ko. Napagitanaan namin siya ni Simon ngayon.

"Good morning, had a goodnight sleep?" Simon asked. Napataas naman kaagad ang kilay ko nang nakitang nakatitig siya sa leeg ko. Napalingon ako kaagad sa salamin namin sa dining room, saka ko lang nakita ang iniwan niyang marka niya. This idiot, talagang sa leeg ko pa.

"You vampire!" I teased while scratching my neck where he left a love mark.

Napatawa naman siya at tumayo para makalapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Huwag kang mag-alala, hindi ko inubos dugo mo."

Napangisi tuloy ako at pabirong hinampas ko ang braso niya. "SIge na nga, kumain ka na at ako na magpapakain kay Dame."

Habang kumakain naman kami ay sumagi sa isip ko ang isa pang utos sa akin ni Sky. This one ay wala akong angal, kasi kahit ako ay gusto ko rin itong ideya niya.

"Babe, by the way. Gusto ko sanang magpaalam." Panimula ko

"Paalam saan?"

"Hmmm, kasi total malaki laki na si Dame, gusto ko sanang magtrabaho na ulit." Natigilan si Simon sa pagsubo dahil sa suhestyon ko at nilingon ako.

"Hmm, pwede naman. I can make a position to you in my company." Napailing ako kaagad.

" No, no need. Actually kasi, no'ng kinasal kami ni Sky ay nagtayo kami ng kumpanya. I have shares on that company at dahil si Sky lang ang nagpapalakad nito ng mga nakaraang taon ay gusto ko makabawi. Gusto ko sanang doon na muna magtrabaho."

He went silent for a bit, he kept on staring at me. Napag-usapan na namin noon na pwede na akong magtrabaho kung gusto ko kapag lumaki na si Dame. Pero 'di kasi kasama sa balak noon na sa iba ako magtatrabaho.

"Babe?" I asked. Napabuntong hininga naman siya.

"Okay, fine. Papayag na ako, pero kailangan ko munang makausap si Sky. Ayaw kong pahirapan ka niya roon," he mused. Napangisi tuloy ako.

"Ano ka ba, Babe? Parang baliktad, baka ako pag magpahirap sa baklang iyon. Hahaha"

Napangiti na naman rin siya sa wakas. "Pero kahit na ha, gusto ko pa rin siyang makausap. Do tell him,"

Tumango na lang ako, atleast pumayag na siya.

Kinahapunan ay kaagad dumating si Sky sa bahay. Kahit pa mamayang gabi pa ang dating ni Simon ay maagang dumating itong isa para sa usapan nila ni Simon.

"Aga natin ah?" I asked giving Sky some refreshments. Nasa sala kami ngayon habang naglalaro naman sa kwarto niya si Dame.

"Of course, makikita ko ang pogi mong jowabells!" He winked. Napangiwi tuloy ako bigla, itong baklang 'to! Lalaking lalaki siyang tignan sa pormal niyang White shirt at slacks, pero kapag nagsalita, 'wag na alng.

"Seryoso kasi, ba't ang aga mo?" Tumaas naman ang kilay ni bakla at ngumisi.

"Gusto kong e-check kung ginagawa mo ba ang assignment mo. At tama nga ako, hindi." Turo niya pa sa suot ko. Napatingin rin ako sa naisuot kong track pants at malaking T shirt.

"Anong mali sa suot kong pambahay?" Inirapan ako kaagad ni bakla at napatayo siya sa kinauupuan niya.

"Everything! Hali ka nga ditong bakla ka!" Hila ni Sky sa akin patungo sa kwarto ko.

Inutusan niya pang ibaba ng katulong si Dame, kaya kaming dalawa lang ang natira doon. Saka siya dali daling naghalungkat sa walk in closet ko. Naghablot siya ng tank top at denim shorts roon.

"Wear this," he commanded. Umismid ako agad.

"Ayaw ko, may suot na naman na ako. Sayang lang kapag magpapalit ako, kawawa ang labandera namin."

"Jadeyy, damn it! Isuot mo na lang kasi!" Matigas na turan niya. Mas lalo naman akong nagmatigas at umupo lang sa kama.

"No. No. No."

Naningkit naman ang mga mata niya at nilapitan ako. "Ayaw mo?"

"Ayaw," I answered. Napabuntong hininga naman siya at biglang mas lumapit sa akin.

"Ayaw mo talaga?" Tanong niya pa ulit, kaya naman umiling lang ako.

"Kung ayaw mong magbihis mag-isa, pwes bibihisan kita." And then he quickly grabbed the hem of my T shirt. I knew he's just teasing me. Lagi naman kasi siyang ganito, lalo na kapag ayaw ko ng mga damit na pinapasuot niya.

Nakasanayan ko kasi noon pa lang na siya ang pumipili sa dinadamit ko, pero minsan lang talaga ako umangal at ganito ang laging ginagawa niya. Kunwari ay bibihisan niya ako, pero 'di naman natutuloy.

"Sky, I know you wouldn't do that." I said, pero nginisihan lang ako at akmang hihilahin na pataas ang damit ko nang makarinig kami ng isang sigaw.

"Jade!"

Magkasunod kaming napalingon ni Sky sa sa pinto ng silid at natagpuang nakatayo roon si Simon.

"What are you two doing?" He asked. Saka ko lang naalala ang sitwasyon namin, kaagad naman napatayo ng ayos si Sky. At saka rin ako tumayo.

"Ah, babe. Kasi si Sky, ginagawa na naman akong Barbie. Gusto niyang ipasukat ang damit na binili namin, kaso tinatamad ako kaya nagkakalokohan kami." Lapit ko kay Simon, pero saka ko lang namalayan ang kakaibang galit na bumakas sa mukha niya.

"I knew you two are close, but please. Keep yourself check and don't cross the line." Simon's words were for Sky. They were hinted with anger at saka niya ako hinila palabas ng kwarto pababa sa hagdan.

"Babe," I called him, mahigpit kasi masyado ang pagkakahawak niya. Pero 'di siya bumitaw.

"Babe! It hurts," with that he quickly let go. Napatingin rin siya sa gawi ko, nauuna kasi siya ng isang baitang pababa, at ako ay nakasunod sa kanya.

"So-Sorry. I was just---" Napaiwas siya ng tingin. Kinabahan naman ako kaagad sa inasta niya, may problema ba siya o sila ng babae niya? Ba't badtrip 'to?

"Babe, it was just a misunderstanding. Alam mo naman kung pano kami ni Sky 'di ba?" I said capturing his hands with mine.

Napalingon siyang muli sa akin at alanganing ngumiti. "I was--- I was jealous. Hindi ko alam, siguro kasi unang beses kong makita kang may kalapit na ibang lalaki bukod sa akin. Kahit pa si Sky, hindi ko naman kasi alam na ganyan kayo ka-close. Oo naiku-kwento mo sa akin, pero 'di ko akalain na magseselos ako."

Napayuko pa siya matapos niyang sabihin iyon, kaya napatulala ako. Was he really jealous?

Hindi ko naman rin namalayan ang biglaang pagtulo ng luha ko, I don't know why. But I felt mixed emotion, I was happy because this felt so real and I am hoping it is real, pero sa kabilang banda ay naiisip ko paano kung hindi totoo 'to?

Nakakagulo lang, kasi ito ang unang beses na umakto siya ng ganito kagalit, nang dahil alng sa ibang lalaki. Though bakla si Sky.

"Babe," I called him after wiping my tear. Napatingin na naman siya sa akin at saka ko siya nginitian.

"Sorry. I--- I forgot na hindi ka sanay na ganito kami ni Sky. But sinisigurado ko sa iyo it's all a misunderstanding. Okay? We're friends; you knew there's nothing more to that. He's gay and he's my best friend."

Tumango naman si Simon at pinilit ngumiti saka ako niyakap. "I believe you. Nagulat lang siguro ako, pero sana sa susunod iwasan ninyo ang magkalapit ng gano'n. Iba kasi sa pakiramdam ko, pakiramdam ko may kahati ako sa'yo."

I mentally slapped my mouth. Ako nga may kahati sa kanya pero 'di ako nagrereklamo, pero iba. Iba rin pala ang pakiramdam na naririnig ko ang mga ganitong salita niya.

"I promise, 'di na mauulit 'yon. Sasabihan ko rin si Sky." Paghiwalay ko sa yakap niya, saka na kami dumeretso sa pagbaba. Naalala ko naman si Sky kaya nilingon ko ang hagdan. Nakita kong nakamasid siya sa amin at alam kong narinig niya kami.

And what bothers me is his face. He looked so hurt, but in an instant he smiled like nothing happened. Siguro namamalik mata lang ako.


Otor's note: I got inspired to write again because of the MIBF and Meet Up with some readers. Thank you guys ha, for always supporting me and my works!

BTW, what ya think of the situation?

GreatPretender04(Jodie)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro