Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

           

Jade

Tumikhim ako nang sobrang tahimik kaming tatlo dito sa study room ni Simon. Nakaupo si Simon upuan niya samantalang nasa tabi niya ako at nasa tapat namin si Sky.

"About---" Magsisimula n asana si Simon nang unahan na siya ni Sky. Nakangisi ang bakla, kaya alam kong wala sa kanya ang tension na nangyari kanina.

"Ako muna magsasalita mga beshie ha, pasensya sa nangyari kanina. Nakita kong nagwarla *away* kayo ni Jade kanina Fafa Simon, ako na ang hihingi ng pasensya. Itong kagandahan ko na ang nagso-sorry ha at 'di na mauulit 'yon. Hands off na ako sa beshie Jadeyy ko, nasanay lang talaga akong ginagawang manika ko 'yan. Hindi lang ako sanay na may iba—I mean may boylet na siya."

Nagkatinginan kami ni Simon, kaya naman nginitian ko siya. Alam kong totoo ang sinabi ni Sky, pero hindi niya naman kailangan humingi ng pasensya. Kung ako ang tatanungin ay hindi ko naman siya kakausapin tungkol doon, dahil paniguradong wala nang madadatnan si Simon na gano'n. Kasi parati naman siya sa babae niya at alam kong wala lang talaga iyon sa kanya. Siguro nasagi ko lang ang ego niya sa unang pagkakataon, kaya ganyan siya umasta.

Tumango naman bigla bilang ganti si Simon sa sinabi ni Sky at ngumiting bumaling kay Sky. "Okay, apology accepted. And about Jade's work."

Nagsalita kaagad si bakla," it will be easy. Her work will be my vice president, she can stay sitting pretty all day she wants or tumulong siya. Siya ang bahala, sudems*never* ko naman siyang hahayaan mahirapan. She's my gir—I mean she's my partner, my bestfriend."

"Hmm, okay then. Sige papayagan ko si Jade. Pero sana magkasundo tayo na kapag gusto niyang umalis na pagtatrabaho ay papayagan mo rin siya?" Simon asked Sky. Ngumisi si bakla at tumango-tango.

"Of course, of course papayagan ko siya, shokot*takot* ko lang sa'yo 'no. So okay na?"

Simon stood up and offer his hand for a handshake, itong si bakla naman excited na inagap ang kamay ni Simon at mabilis na nakipagkamay. Kaso ang tagal niya nga lang binitawan, kaya tumikhim na lang ako.

"Let's have dinner na siguro?" I asked. They both nodded then.


Unang araw ko sa trabaho ngayon, kaya naman inihatid ako ni Simon. We're already in front of the building and Simon won't let go of my hand.

"Babe, kailangan ko nang pumasok." Anas ko pa, kaya naman nginitian ako ng pilit ni Simon at hinalikan ang kamay kong hawak niya.

"Kasi e, paniguradong pag-uwi ko sa bahay hindi ka na laging nandoon." He pouted a bit, that's why I smiled and kissed his cheek.

"Babe, wala naman akong pasok kapag weekends. We can always make time every weekends, okay na ba 'yon? "

Bumuntong hininga na lang siya at binitawan na ako. Mabigat sa loob niyang binuksan ang pinto niya saka pumunta sa gawi ng pinto ko para pagbuksan ako.

"Ingat ka mamaya pag-uwi ha? Hindi kita masusundo, kasi hindi ko alam ang tapos ko ngayon." He sadly looked at me. Kaya naman ngumiti pa ako lalo at niyakap siya saglit.

"Yes po, I will take care. Ikaw rin ha? See you later."


Saktong pagkaalis ni Simon ay narinig ko ang paglakpak ng kung sino sa entrance ng gusali. Si Sky lang pala, in fairness ha, aurang lalaki siya ngayon. He's wearing all-black business attire with white shirt underneath. Damn, sexy tignan ni bestfriend!

"Skyyyy!" I called his name as I walked towards him. But his royal face was frowning. Anong problema nito?

"Sabi ko na e, hindi mo talaga ako susundin 'no?" His deep voice made me swallow. Shet! Ang sexy talaga pakinggan ng boses ni bakla! Hahaha

"Bakit na naman ba?" Angal ko at nakitang nakatitig siya sa katawan ko. I was wearing a White long sleeve slim suit blazer with Black tank top underneath and white slim pants. Balot man pero masasabi kong kita pa rin ang kurba ng katawan ko.

"Hindi kita ipapakilala sa mga empleyado ng ganyan lang ka simple ang suot mo. Come with me." Hila niya pa sa akin. Pinag-uusapan naman kami ng mga nadadaanan namin ay walang pakialam si Sky. Sumakay pa kami sa exclusive elevator na para lang sa mga higher ups, kaya mas lalong lumalakas nag bulung bulungan.

Sakto naman nakaratin na kami sa 14th floor, wala masyadong tao roon at bumungad agad ang isang pinto malapit sa elevator. Kung sa kaliwang gilid kasi ay mga iilang desk pa, pero sa kanan ay isang pinto lang ang makikita mo. Siguro ay ito na ang opisina ni Sky.

Tama naman ako nang dalhin niya ako roon. Pagkapasok namin ay nakasarado na ang mga blinds kahit pa glass ang kalahati ng opisina niya, kaya walang sabi sabing inutusan ako agad ni Sky.

"Take off your pants now." Napanganga na naman ako. Anong pakulo na naman 'to ni bakla?

"Huy! Anong take off take off ka dyan? Nasa opisina tayo uy, ang halay mo!" Angil ko, pero mas lalong nangunot ang noo niya at lumapit sa akin.

"Jade, ikaw ang mahalay. Anong iniisip mo? And sinasabi ko ay ikaw ang magtatanggal ng pants mo o ako pa mismo?" Napataas ang kilay ko.

"Sky, sexy pa rin naman ako tignan sa suot ko ah?"

"Nope. It will be sexier if you're not wearing pants. At saka komportable ka pa d'yan sa suot mo? I bet your legs are sweating a lot right now." He smirked. Saka ako napaface palm. He knows me damn right.

Pawisin kasi ako, kaya kung maari ay ayaw ko ng ballot na ballot. Pero 'di na ako nagreklamo no'ng nasa ibang basna kami kasi 'di naman kasing init doon kumpara dito sa Pinas. Pero nitong mga nakaraang araw nga ay grabe ang pagpapawis ko.

"Oo na, huhubarin ko na. Buti may naka-cycling shorts ako. Pero seryoso, basa lagi kili kili ko bestfriend. Ang init pala talaga dito sa Pinas." Saad ko habang tinanggal ang suot kong pants. Naglakad naman papuntang pinto si Sky at ni-lock ito.

Nang matapos kong tanggalin at itupi ang pants ko ay pumunta ako sa malaking salamin sa tabi ng mesa ni Sky. Mabuti na lang rin pala at naka black high heels ako, hindi mahalay tignan.

"See, I told you that would look better." Puna kaagad ni Sky na nasa tabi ko na pala at binutones ang nag iisang butones ng blazer ko. Kaya mas lalong humapit sa katawan ko ang suot ko. Nang mahagip ng salamin ang repleksyon naming dalawa ay kaagad kong hinila sa tabi ko si Sky at ipinuluot sa braso niya ang braso ko.

"Now this is more perfect. The President and Vice President of the company." I smiled looking how perfect we look.

Ngumisi naman si Sky at saka nagsalita. "Perfect curves, big bust and booty, yeah, pwede nang hot Vice President."

Napatawa naman ako. "Hay nako, inggit ka naman sa katawan ko 'no? Magladlad ka na kasi para pwede ka nang magpalit ng kasarian."

Bumuntong hininga naman siya at tinanggal ang pagkakapulupot ko. Pumunta siya sa mesa niya at may kinuha sa drawer nito.

Nasa harap pa rin kami ng salamin, pero pumwesto siya sa likod ko at biglang inipitan ang buhok ko. He made it looked like a messy bun. "Final touch, we're ready to go."

I smiled looking at my entire appearance. I don't look like a mother; I looked so young and sexy again. How I missed dressing up like this.

"Thanks, Sky." I said before we face the employees.

Pinakilala ako ni Sky sa mga supervisors at directors ng iba't ibang departments. Ang mga desk pala kasi sa tabi ng opisina ni Sky ay ang mga directors at supervisor.

Halos lumuwa naman ang mga mata ng lalaking empleyado at ngiting ngiti naman ang mga babae sa akin. "She's Mrs., I mean Miss Jade Lancea, the Vice President of the company. Ngayon lang siya makakapag report sa kumpanya kaya ngayon ko lang siya napakilala. And I want you to welcome her, since she will be helping with my work from now on."

"Hello, nice meeting all!" I greeted and everyone greeted back. Nakipag shake hands pa ang karamihan sa kanila. Kaya medyo napagod ako nang makapasok kaming muli sa opisina ni Sky.

"Sky, san pala ang opisina ko?" I asked as he started to work. Nakaupo lang kasi ako sa visitor's chair niya.

"I'll take you there later. Inaayos pa kasi, kaya maya mo muna puntahan. Tumambay ka na muna dito." Saad niya at nagbukas na ng laptop.

Nainip na nakatitig lang ako sa kanya. So tototohanin niya ang sinasabi niyang magiging-sitting pretty alng ako rito? Tsk!

I grumbled. "Skyyyy! Nakaka bored naman, matagal pa ba 'yong pag-aayos? Hindi ko ba pwedeng silipin?"

Napahinto sa pagtipa sa laptop si Sky at napabaling sa akin. Ngumisi siya.

"Hindi ka talaga mapakali kahit ilang sandali lang 'no? Jadeyy, binabalaan kita, kapag ako nagbigay ng tatrabahuin mo, mahihirapan ka."

I pouted on his remarks. "Nagtatrabaho ako rito, Mr. Damien. Kaya tama lang na utusan mo ako."

Napabuntong hininga si Sky. Kanina ko alng napapansin, lalaking lalaki umasta 'to? Siguro ay dahil nasa opisina.

"Fine, bibigyan kita ng gawain. Pero 'wag mo akong tawaging Mr. Damien, Jadeyy. I don't like the sound of that in your mouth."

Napanganga ako. "Ha? Bakit naman? Oh my! 'Wag mong sabihing natu-turn on ka kapag tinatawag kitang Mr. Damien?"

Napabuga na naman siya ng hangin at tuluyang sinirado ang lapto niya.

"Jadeyy, it is not turning me on! For dick's sake, naiirita ako kasi lalaking lalaki pakinggan. Ikaw na nga lang may alam rito na hindi ako lalaki, tapos gano'n pa ang tawag mo sa akin! My gosh!"

And with that, I snorted. He looked so gay na.

"Fine, fine. Tsk. Bakla ka talaga ng taon! Ang arte!"

Ngumisi namana ng loko at binukan ang laptop ulit. " Ikaw ang bakla ng taon. Kung kita mo lang paano maglaway ang mga lalaki sa labas, paniguradong gano'n rin si Simon kapag nakita ka niyang nakaganyan. Hmmm, that sensual look. Fuck! Iyon ang nakakaturn on!"

Napatayo ako kaagad at pinalo ang mesa ni Sky. "Skyler Damien! Sinasabi ko sa'yo, pagnasaan mo na ang lahat, 'wag lang si Simon! Nakakadiri ha!"

NApatawa naman ang loka.

"Arte! Alangan naman ikaw pagnasaan ko? Mas kadiri iyon!" Ismid niya, kaya mas lalong nainis ako.

"Hoy! Itong katawan na 'to sinasamba ni Simon, kaya alam kong hindi ito kadiri ah."

Matapos kong sabihin iyon ay kaagad kong nakita ang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha niya. Napatahimik siya at napaseryoso.

"You and Simon are having sex? Kahit pa alam mong nakikipag---" Hindi ko siya pinatapos.

"No. We aren't doing it. We made out, like couples do. Pero hindi naman ako gano'n Katanga sa akala mo para ibigay ko pa ulit lahat sa kanya kahit pa alam kong may iba siyang kinakama."

Tinalikdan ko si Sky. Nainis ako, ba't ba kami napunta sa gano'ng usapan, below the belt 'yon e! Masakit!

Nagulat naman ako nang akbayan ako ni Sky. "Sorry. I hit below the belt. Libre na lang kita ng meryenda? Anong gusto mo?"

Nakangisi siya nang lingunin ko siya, kaya naman inirapan ko siya pero sumagot pa rin ako. "Libre mo ako ng meryenda not just today, pero for a whole month! Is that a deal?"

Napabitaw naman siya sa akbay niya sa akin at bilang sumaludo. "Aye aye, captain!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro