Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

           

Jade

Ilang araw na ang nakakalipas nang mag-umpisa akong magtrabaho, kaya naman ramdam na ramdam ko na pagkakaiba ng oras namin ni Simon. Minsan kasi madaling araw na siya umuwi tapos maagang umalis o 'di kaya ay ako ang late na umuuwi at tulog na siya pagdating ko.  Pero kadalasan naman ay naabutan ko pa ang anak ko at ako pa rin ang nagpapatulog sa kanya.

Kaya nga siguro nagrereklamo ang isang 'yon, dahil na rin sa alam niyang mangyayari ito. Napabuntong hininga tuloy ako.

"Problem?" Sky asked. Andito kasi ako nakatambay sa opisina niya ngayon. Hindi naman sa wala akong trabahong ginagawa, sumasama rin ako kasi minsan kapag nakikipag-meet sa investors at nakiki-check ako sa mga proposals na pinapasa o tinitignan ko rin ang mga detalye ng mga on-going projects.

I must say nakakatulog naman ako kay Sky paminsan-minsan. I looked at the man on his desk. Araw-araw na alng ang pogi ng lalaki- este baklang 'to. Lalo na ngayon na hinubad niya ang coat niya at itinupi niya hanggang braso ang sky blue undershirt niya.

"Sky, I was just wondering. Hanggang kalian kaya ako makakatagal sa ganitong buhay?"

Napabaling naman siya sa akin at bahagyang ibinaba ang hawak niyang mga papel. "Anong ibig mong sabihin?"

"Ha? I mean--- 'yong plano mong pa-inlabin si Simon sa akin, alam kong malayong mangyari iyon. Kaya npapaisip na lang ako kung hanggang kalian ko kaya matatagalan ang sitwasyon ko."

Nang dahil sa sinagot ko ay tuluyang ibinaba ni Sky ang papel sa kamay niya.

"Jadeyy, trust me on this. Hindi ka naman chaka o chabelita (pangit o chubby), para ayawan ka kaagad ng jowabells mo. Kering keri mong akitin si Simon, kaya never give up lang dapat ang peg ha!"

Inirapan ko naman si bakla." Never? Kahit pa ang cheap ko nang tignan, kasi nakakakapit lang ako kay Simon dahil sa anak ko?"

Nalaglag ang panga ni Sky.

"Hoy! Anong cheap? Hindi ka chipangga (cheap)! Sa iyo may anak si Simon, kaya mas may karapatan ka sa babae niya. Getchi mo ba?"

Bumuntong hininga na lang ako at tumayo. "Oo na, babalik na ako sa opisina ko."

I don't want to argue. Sure kasi akong ipaglalaban ni bakla na mapapa-fall ko talaga si Simon sa akin. Sa walong taon na crush ko si Simon plus 'yong taon na magkasama kami sa ibang bansa, 'di ko pa rin napa-ibig ang lalaking iyon, anong kaibahan ngayon'di ba? Minsan talaga shunga shunga rin si bestfriend.


It's Saturday night at maaga kaming ntapason sa opisina, iyon pala ay para mag-office dinner. Welcome ceremony raw para sa akin.

Nag-reserba si Sky ng isang silid sa bar ng kakilala niya, para diretso inuman na pagkatapos ng kainan.

"Cheers to our beautiful and sexy Vice President, welcome to the company again!" Anunsyo ni Sky at inangat ang baso niya, dahilan para sumunod rina ng iba. Ang mga Supervisors at Directors ang kasama namin, kaya nagkasya kami sa issang silid lahat.

Magkatabi naman na kami ni Sky nang matapos kumain, dahil nag-umpisa nang mag-inuman.

Nagkukwentuhan sila sa mga pangyayari saopisina, hindi naman ako nabo-bored kasi nakakatuwa naman silang kasama. May iba ring babaeng kasama kaya 'di ako out of place, pati nasabihan ko na rin ang katulong na late akong makakauwi at siya na muna ang bahala kay Dame.

"By the way, Miss Jade. Single ka pa po ba?" Tanong ng isa sa mga director. I smiled widely on his question. Sasagot na nga rin dapat ako nang umakbay si Sky at inunahan ako.

"Sorry, pero kasal na si Jade." Nangunot kaagad ang noo ko at tinignan si Sky.

"Huy, anong—" Hindi ko natapos nang magsalita muli si bakla.

"I mean, ikakasal na pala si Jade." Pahayag ni Sky at nginitian ako. Parang nakuntento naman na ang iba at 'di pa nagtanong muli. Kaya napatango ako, hmmm. Namumula na ang mukha ni bakla, 'wag niyang sabihing napaparami na ang inom niya.

Hindi naman ako nakapagtimpi at binulungan siya. "Tipsy ka na ba?"

Umiling siya.

"Sure ka? Namumula ka na oh," dampi ko sa palad ko sa mukha niya. Naging dahilan naman iyon para mapuna kami ng iba.

"Mam Jade, si Sir Sky po ba ng fiancé ninyo?" Tanong ng isang supervisor. Alangang ngumiti ako, pero katulad kanina ay inunahan ako ni Sky na sumagot.

"No. Unfortunately no, best friend lang ako. Soon to be her best man. Right, Jadeyy?"

Napanganga na ako, ang daldal niya na. Paniguradong tinatamaan na 'to ng alak. Kaya naman hinarap ko ang nagtanong.

"I am engaged with someone else. Please don't misunderstand talagang close lang kami ng bestfriend ko."

"Aw, sayang naman. Bagay pa naman kayo, Ma'am." Sabad pa ng isa, kaya sabay kaming napalingon ni Sky rito.

"Hahaha! Bagay raw tayo Jadeyy oh, akalain mo 'yon may chemistry pala tayong dalawa? " Tawang saad ni Sky, kaya naman nginitian ko na lang ang mga empleyadong nagtawanan at binulungan ulit si bakla.

"Huy, nalalasing ka na ata. Gusto mong lumabas muna, just to sober up?" Nang tignan ko anmana ng mukha niya apra sa sagot ay namumungay na ito at mukahang tangang nakangiti lang sa akin.

"Shige, labas muna tayo. Ang init na dito." Angal niya, kaya naman nag-excuse muna ako s aiba at inilabas na muna si Sky. NAgpa-assist naman ako sa ibang staff kaya nakarating kami sa labas ng bar ng matiwasay.

Pinaupo ko na muna sa bench malapit sa entrance ng bar si Sky.

"Dito ka lang, bibili lang ako ng kape." Utos ko, pero 'di na sumagot si bkla atnanatiling nakayuko lang. Ang bilis talaga tamaan nito, ewan ko na alng. Laman naman siya ng bar at club, pero 'di pa rin siya nasasanay.


Nagpunta ako kaagad sa malapit na 7/11 para maghagilap ng kape. Bwisit na buhay naman oh, akala ko pa anman ako 'tong mawe-wasted ngayon. Hindi pala, kasi naunahan ako ni bakla. ANo ba kasing problema no'n at muhang naparami kaagad siya ng inom?

Nang matapos kong bumili ay bumalik ako sa kinaroroonan ni Sky. Pero patawid pa lang ako ay napatigil ako, kasi imbes na si Sky ang makita ko ay iba ang nahagip ng mata ko.

Dahil naka-go ang signal sa pedestrian ay nakahinto ang mga kotse na daraan. At doon ako napako sa kinatatayuan ko, kasi nakita ko ang sasakyan ni Simon. And not just that, he's with Eryll again. He is with his girl. Hindi tinted ang kotse niya kaya kitang kita ko kung paano nakapulupot sa braso ni Simon ang mga kamay ng babae. I felt struck by lightning, because I never once saw the smile Simon had in his face. Nakita ko pa na kung paano niya titigan si Eryll, ni minsan hindi ko siya nakitang tumitig sa akin ng ganyan, ni minsan hindi ko naramdaman paano tignan ni Simon ng buong pagmamahal.

I caught him a lot, but I never stayed a minute later. Pero iba ngayon, hindi ko alam kung dahil rin bas a nainom kong alak o dahil napapadalas kong isipin siya. Walang rason nanakatigil lang ako sa gilid ng kalsada at nanatiling nakatitig lang sa kanila. Hanggang sa umandar na ulit ang sasakyan nila ay hindi ko ito nilubayan ng tingin.

Bigla na lang rin akong napaupo at naibagsak koa ng hawak kong kape. I felt so tired all of a sudden.

Hindi ko naman napigilan ang pagtulo ng luha ko, kaya tinakpan ko kaagad ang mukha ko gamit ang palad. I need to get to use to this, bakit kahit hanggang ngayon parang tinataga pa rin ako sa dibdib. I knew already, I knew I was not his only one. Alam kong amy kahati ako, hindi pa nga kahati e, kasi nakikishare lang ako sa katiting na pagmamahal ni Simon. Alam ko 'yon, pero ba't ang sakit sakit pa rin?

"Jade." Napaangat ako nang tingin sa tumawag sa akin at saktong nakita ko si Sky na halatang alalang-alala.

"What happened? Ba't ang tagal mong bumili ng---" Hindi niya natapos nang tumayo ako at yakapin siya.

"Sky, sky, sky," I kept on murmuring his name and didn't stop crying.

Naramdaman ko na rin kaagad ang pagyakap niya sa akin pabalik.

"Hush, Jadeyy, tell me what happened." Unti-unti naman akong bumitaw, kaya nagkaharap kami. Kaya naman pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko.

"Sky, sakit. Ang sakit pa rin pala, na makita siyang kasama ang iba niya. Hindi ko kasi alam ba't ako napatigil at tinitigan lang sila the whole time. Ngayon—ngayon tuloy parang tinusok ng karayom dibdib ko. Ang sakit, tangina, masakit, Sky!" I cried again, kaya niyakap akong muli ni Sky.

This time, a moment became seconds and then it became minutes. Nanatili kami sa ganoo'ng posisyon.

"Jadeyy," he called. Hindi ako bumitaw, kasi pakiramdam ko ay bibigay ang mga tuhod ko sa kapaguran ko sa pag-iyak.

"Hmm?"

"Do you think, oras na para kalimutan mo na lang siya?" Kaagad humigpit ang pagkakayakap ko kay Sky.  I had always considered that, but what about Dame? He will grow with broken family, he will be lonely. Nanatili ako sa pagkakatayo ko at 'di umimik, kaya nagsalita siyang muli.

"I have seen enough, Jadeyy. I thought a t first na pwede pang ayusin ang sa inyo, but to see you hurting again and again for the same damn reason. Parang hindi na yata tama."

Hindi pa rin ako sumagot o nag-react. Kaya naman bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Sky at hinarap ako. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at tinitigan ako sa mga mata. What's up with him? He seemed so serious. Lalo pa nang magsalita siyang muli.

"Jade Lance Damien, I guess it's high time that I get you back. To stop the hurting, will you choose to be with me again?"

I was stunned. Different thought flooded my mind. I remembere how happy I was when I was with him. Naalala ko na kahit sa kanya, alam kong buong pamilya ang kalalakihan ni Dame. He loves Dame and he will never hurt me like Simon does. That's why I bit my lower lip and as my tears flow, I nodded in response.

"Yes, please. Take away the hurting, Sky. Take me away."

Masakit na ulo naman ang bumungad sa aking paggising, kaya 'di na muna ako nagmulat. Napabuntong hininga na alng ako sa sakit at kaagad ko pang kinapa ang side table ng kama para sana abutin ang cellphone ko. Kasi paniguradong late ako at nararamdaman kong may hang-over ako.

Pero nagtaka ako nang hindi cellphone ko ang nakuha ko nang magmulat ang mga maya ko, it was someone else's phone. Or more on, it was Sky's phone. Wallpaper kasi nito ang picture nila ni Dame, then it means.

Nanlaki kaagad ang mata ko nang makitang katabi ko si Sky and... And we're both naked under the sheets! What on earth happened last night? No way! Anong kagagahan na naman 'to?


Otor's note: Itutuloy ko pa ba 'to? Hahaha, hindi ko na alam ang pinatutunguhan ng kwentong 'to. Kaya please let me read your comments about the story, I accept creative criticism too. May nagbabasa pa ba nito? May nag-aantay pa rin pa kung sino kay SKy o Simon? O gawin ko nalang mag-isa si JAde hambangbuhay? *evil laugh* Chos!

VOTE

COMMENT

FOLLOW ME

GreatPretender04(Jodie)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro