Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng




Jade

Sobrang nagulat ako sa lahat nangyari sa pagbisita ko sa bahay ng magulang ko, hindi ko akalain na magkikita kami ni Simon. Hindi lang iyon, alam niya na siya ang ama ni Dame at higit sa lahat ay inalok niya ako ng kasal. I'm feeling mixed emotions right now, it is because I never imagine myself marrying him. Not once that I dream of it, because before I already knew that he will never look in my way. But now here I am thorn on a situation because he wants his child.

Alam ko naman na dahil lang sa bata kung bakit gusto niyang magpakasal, pero pati iyon ay ikinagulat ko. Hindi kasi si Simon ang tipo ng tao na tatanggapin nalang na may anak siya at magpapakasal nalang sa ina nito, kilala ko siya. He bedded a lot of women but he never settle for anyone except for her.

Napaupo nalang tuloy ako sa kama ko at hinilamos sa mukha ko ang aking palad, sobrang gulo na ng utak ko. Kaya naman iniwan ko na muna sa magulang ko ang anak ko at umuwi na muna dito sa bahay namin ni Sky. At isa pa ito, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay Sky.

Napabuntong hininga nalang tuloy ako at nagsimula nang mag-empake ng gamit namin ng anak ko. Napagdesisyunan ko kasing doon na muna kina mommy tumuloy, habang nag-iisip pa ako. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang biglang bumukas ang pinto ng silid. Natuod ako sa kinatatayuan ko, pero nang makabawi ako ay pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng gamit.

"Jade, please talk to me." His soft voice makes me want to look at him, but I am too hurt to even look at him. I can't bear to look at Sky, it's because of him that I am in this situation right now.

Inignura ko ang buong presensya iya at naglagay na ng mga damit sa suitcase ko, pero nagulat ako nang pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko mula sa aking likuran. Naestatwa ako at agad napakagat sa aking labi upang pigilan na umiyak.

"Jade, I'm sorry. Please forgive me, Jade. " Ani niya, pero dahil sa sinabi niya ay umusbong ulit ang galit ko sa kanya. Buong lakas kong tinanggal ang pagkakayakap niya at humakbang palayo.

Nanatili akong 'di tumitingin sa gawi niya bago ako nagsalita. "Andito na, wala na akong magagawa. Akala ko kasi susuportahan mo ako hanggang huli, hindi pala. Ayos lang naman, kasalanan ko. Kasi pinilit lang kitang pakasalan ako."

Bago pa mabasag ang boses ko ay tinakpan ko na ang bibig ko ng aking palad, hindi ko na kaya. Sadyang tumulo nalang ang luha ko at 'di ko na mapigil iyon.

Wala naman akong nagawa nang hilahin ako ni Sky paharap sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat ko saka matamang tumitig sa mata ko.

"Jade, wala kang kasalanan. Ako lahat ng ito, kasi naging duwag ako. Duwag ako dahil hindi kita kayang panindigan hanggang sa huli, naduwag ako nang maisip na hindi ko kaya maibigay kay Dame at sa iyo ang pamilyang gusto mo. Jade, bakla ako. Kahit anong gawin kong patigasin ang personalidad ko, bakla pa rin ako. Darating ang araw na 'di ko matatago kay Dame iyon at kayo lang din ang magiging kawawa. People will laugh at you for having a gay as a husband and a father to your son. Jade, I don't want Dame to feel that way. I love you both so much that I can't let that happen."

Agad kong naikuyom ang palad ko dahil sa paliwanag niya, mas lalong bumuhos ang luha ko at 'di ko na mapigilan ang galit ko. Pinagsusuntok ko ang dibdib niya at hinayaan kong umiyak na ang sarili ko.

"Wala akong pakialam sa sabihin ng iba! Sky, ikaw ang pinili kong pakasalan kasi alam kong magiging masaya ako sa iyo! You are the one that I chose because I knew that you love me, that you will never hurt me or my son! I don't care what others think, I just want to have a happy family with you!"

Napatitig ako sa mga mata niya at nakita na rin ang pagkawala ng mga luha rito. Pinigilan niya ang kamay ko sa pagsuntok at ang isang kamay niya ang humila sa akin upang mayakap niyang muli.

"Jade, Jade, my Jade. I love you bestfriend, but loving each other as best friend isn't enough to raise the child. Jade alam nating pareho na darating ang araw na hahanapin niya rin ang tunay niyang ama at alam nating may karapatan si Simon na malaman ang totoo."

"Wala akong pake sa karapatan ni Simon! Sky, wala namang Simon sa pagitan natin e! Wala akong balak na ipaalam pa sa kanya kahit kalian! Sky take back all your words, please stay with me and my son! "

"No, Jade. I knew you love Simon since we're in College. Jade magiging masaya kayo, alam ko iyon. Hindi ka sa akin sasaya, Jade tanggapin mo nlang ito."

"No! No! Ba't mas marunong ka pa sa akin? Hindi ako sasaya kung hindi ikaw!" Napabuntong hininga naman siya dahil sa pamimilit ko.

"Jade, all I wish is your happiness and Dame's. Please don't make it hard. Sumang-ayon ka nalang, kasi nahihirapan rin ako. Mahal ko kayo, pero ito ang tama."

Umiling lang ako at mas humigpit ang pagkakayakap sa kanya. "No, don't. Please stay with me. Please, Sky."

Nagmamakaawa na ako sa kanya, pero 'di na siya umimik. Matapos ang ilang minute naming sa ganoong posisyon at walang nagsasalita ay bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at tumitig sa mga mata ko. Pero 'di katulad kanina, wala na akong mabasa na kung ano sa mukha niya. Lumakas agad ang tibok ng puso ko, naging matigas kasi ang ekspresyon ng mukha niya.

"Jade, listen."

Sinunod ko naman siya at nanatiling nakikinig. Pero mali pala, mali ang ginawa ko.

"Jade, ang selfish mo kasi! Sabihin na natin na pwede tayong mamuhay na masaya na tatlo. Ni minsan ba inisip mo kung masaya ako? Naitanong mo ba kung gano'n nga ba ang buhay na gusto ko?"

Parang unti-unting dumagundong ang kalooban ko, natatakot ako sa susunod niya pang sasabihin. "Anong ibig mong sabihin, Sky?"

"Jade, I tried to be happy with you. Yes, because I love you as a friend. Pero Jade may plano rin ako sa buhay ko at aaminin ko na hindi ka kasama roon. Gusto kong mamuhay ng malaya at alam ng lahat na bakla ako kahit husgahan pa nila ako, pero kahit na gano'n magiging masaya ako. Kasi malaya kong magagawa ang gusto ko!"

His words hit me to the core. I couldn't move nor utter any word. All I can do is cry and look in to his eyes. His eyes that is cold as snow and blank as the darkness. All this time, I made him feel this way. All this time, I made him bear with me for so long.

Gusto kong sigawan ang sarili ko at sabihing ang tanga ko, sa sobrang tagal ng panahon na magkasama kami. Ni minsan hindi ko man lang naramdaman na nahihirapan na pala siya, ni minsan hindi ko pinakinggan man lang ang gusto niya . Ang tanga ko, ang sama kong kaibigan.

Tumalikod nalang ako at tuluyan nang nag-impake. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya, masyado ko na pala siyang nasasaktan ng hindi ko alam.

"Just send me the annulment papers after 3 years; let's say that the marriage will be unconsummated. That will be the ground for annulment and then my family lawyer will take the rest. "

Iyon lang ang huling sinabi ko at saka ko na inilabas na ang mga gamit namin ng anak ko. Inilagay ko iyon sa sasakyan at alam ko namang wala na siyang balak pang ihatid ako. Kasi katulad kanina ay mahihirapan lang kaming pareho. Sumakay na ako sa sasakyan at bago ko pa man pinaandar ito ay lumingon muna ako sa bahay.

I smiled bitterly remembering how I planned to have Dame grow on this house, but now it will end up just a plan. Because it will be impossible to happen. I just guess this is goodbye.

"Goodbye, Sky."


Agad akong sinalubong ni Simon nang makarating ako sa bahay nila mommy. Tinulungan niya akong ibaba ang gamit namin ng bata. I guess I have to answer him now. There will be no turning back now.

Habang inaayos niya ang pagkakalagay ng luggage ko sa gilid ng kama ay kinulbit ko siya, kaya agad siyang napabaling sa akin.

"Simon, about your proposal." Panimula ko, nanatili lang siyang nakatitig sa akin at may nerbyos at kaunting pag-asa sa mukha . Kaya naman 'di ko na pinatagal pa at tumango.

"I am accepting it, I'll marry you." Pagkasabi ko no'n ay agad siyang napabuga ng hangin at ngumiti na abot hanggang tenga.

"Really?" He asked, that why I nodded again. This time he hugged me. I stiffened remembering that this is the second close contact we had after that night.

Inignura niya lang naman ang reaksyon ko at bumitaw saka hinawakan ang magkabilang balikat ko at tumitig sa akin.

"Thank you, Jade! Akala ko hindi ko na makakasama ang anak ko, maraming salamat! I promise to be a good father and husband to you! I will not be mad easily; just don't take my son away from me."

Pilit nalang akong ngumiti sa winika niya, katulad niya ay kapakanan nalang rin ng anak ko ang iisipin ko. Kasi katulad ng dati, alam kong hinding hindi magakakagusto sa akin ang isang Simon Rioja. There was never been a Simon and Jade. It will also just be an illusion, so that my son will grow in a complete family.


Napangiti ako nang mapagmasadan ko ang paligid, hindi ko akalain na tatlong taon na kaagad ang lumipas. Wala pa ring pinagbago ang Pinas, still the polluted country.

"Babe," I heard someone called from behind. I smiled looking at him while he's holding hands with my son, who's already 4 years old now.  Nakakatuwang isipin na mas lalong naging magkamukha na ang mag-ama ko. Pati ang tangkad ni Simon ay nakuha rin ng anak ko, no wonder he is his dad.

"Mommy!" Agad tumakbo ang anak ko palapit sa akin sa exit ng airport. Kakauwi lang kasi namin galing New York after 3 years. The 3 years that I needed to settle everything for my son.

"Baby, don't run! Baka madapa ka niyan." Alam ng anak kong magtagalog, kasi nakasanayan na naming magtagalog kahit nasa ibang bansa kami. Bumosangot lang naman ang anak ko at ngumuso.

"Mommy, 'di naman ako madadapa e. I'm a big boy na po." I smiled on his remarks, ginulo ko nalang tuloy ang buhok niya at binalingan ang ama niya.

Itong isa naman, nakangisi lang habang dala dala ang maleta namin. Nang makalapit na siya sa amin ay agad ko siyang tinapik sa braso at nagpresintang tulungan na siya. "Ako na ang magdadala sa iba, mukhang hirap ka na e."

Nginitian niya lang ako ng pagkatamis-tamis at 'di hinayaang makuha ang dala niya.

"No babe, I can handle. Anything for you and my son. " He winked at me after saying those that is why I laughed at him. On our first year of being together, I was not used on him getting all clingy and sweet. But just then I remembered, the Simon I knew and I fell in love with is this sweet and caring guy. That side of him made me fall for him, despite of him having a lot of woman. His charm never change, he's the same Simon Rioja all these years.

"Oo nalang, hala sige! Tara na at inaantay na tayo nila mommy." Inakay ko na ang anak ko papunta sa susundo sa amin. Excited na akong makita ang mga magulang ko, hindi katulad ng dati. Maraming nagbago nang dumating si Dame, kaya sobrang laki ng pasasalamat ko na binigyan ako ng Diyos ng anak. Dahil doon unti unti kong nabuksan ang puso ko sa magulang ko at sa nagdaang mga taon ay naramdaman ko ang kaligayahan ng dulot ng pagmamahal nila.

Napukaw ako sa pag-iisip ko nang umakbay sa akin si Simon. Tinanggal niya ang shades niya at ngumiti saka nagsalita.

"It's time already. Are you ready to become Mrs. Rioja, babe?"

Isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. Tama siya, it is time. Oras na mapawalang bisa na ang kasal ko kay Sky at oras na para magsimula akong muli kasama siya.





OTOR's note:

Naiinis na ba kayo sa akin? Or may nag shi ship rin kay Jade at Simon? Hahaha

Okay, again

VOTE

COMMENT

FOLLOW ME

GreatPretender04(Jodie)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro