Chapter Eleven

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Eleven

"Pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito. Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo."


BLUE

Si Vanna.

We met each other when we were in third grade. She was eight and I was nine years old. Bagong lipat sila sa bahay na katapat ng bahay namin. Only child siya, madalas pang wala ang parents niya kaya yung yaya niya ang nakikita kong palaging kasama niya.

Summer nun. Dahil bago nga lang siya dito sa subdivision, wala pa siyang kalaro. Kada naglalaro kami kasama ng mga tropa ko, nakikita ko siya palagi sa may swing, mag isa lang na nakaupo doon habang busy naman sa isang gilid yung yaya niya na mag basa ng pocket book.

May isang time, habang palabas ako ng bahay namin at hila hila ko ang scooter ko, napansin ko grabe siyang makatitig sa akin kaya kinausap ko siya.

"Nu tinitingin tingin mo diyan?" tanong ko sa kanya.

Sumimangot siya pero hindi niya iniwas ang tingin sa akin. Itinuro niya ang scooter na kala-kaladkad ko.

"Bakit ka pa sumasakay diyan eh ang bagal mo naman magpatakbo? Sana nag lakad ka na lang."

Ayun ang una naming conversation dalawa.

Naalala ko nung araw rin na 'yon, hinamon niya ako magpaunahan papunta sa park. Ako—sakay ng scooter. Siya tatakbo lang. Sa isip ko, ang lakas naman nang loob ng batang babae na 'to kung makapag hamon. Eh ang liit liit niya.

Well.... mabilis siya tumakbo. Halos manalo nga siya, eh. Pero yun lang, nadapa siya. Kitang kita ko kung paano siya nag dive sa sahig.

At ang una kong ginawa nung nadapa siya?

Tinawanan ko siya. As in ang lakas ng tawa ko, habang tinuturo turo ko siya.

Nakita ko bigla ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at bigla siyang umiyak. Malakas na iyak. Natigil ako bigla sa pag tawa at nawala ang ngiti sa labi ko.

Dali dali akong lumapit sa kanya para alalayan siyang tumayo. Nakita ko rin na tumatakbo papalapit yung yaya niya. Itinayo niya agad ang batang babae at binuhat. Pilit pinapatahan. Tinatanong ako kung anong nangyari pero hindi ako makapag salita. Hanggang sa umalis na sila.

Hindi ko pa siya kilala nun. Ni hindi pa kami magkaibigan nun. Pero hanggang gabi bago ako matulog, naririnig ko yung iyak niya. Tapos hindi mawala sa isip ko yung itsura niya habang umiiyak.

The next day, nakita ko siya sa park, binilhan ko siya ng ice cream bilang peace offering. Pero sabi niya sa akin masama pa rin ang loob niya sa pagtawa ko sa kanya kaya nagpabili pa siya ng cotton candy.

After that day, we became inseparable. Until eventually, naging best friend ko na siya.

Si V.

Siya ang pinaka siga na babaeng nakilala ko. Ang liit liit pero ang tapang tapang. Para siyang chiuaua. Malakas mambatok. Hilig manapak sa braso. Minsan mo lang yan mapag susuot ng dress. Nitong college na lang din yan natutong maglagay ng make-up dahil sa mga gig nila.

Pero despite all that, she's still the sofest person I've ever known. I remember her crying the whole night because she saw a dead cat on the street. Naalala ko rin nung time na sapilitan niya akong pinapanuod ng rom-com, the way she said she wanted to experience that kind of love too is so soft and innocent. Yung pag down siya tapos sinabi kong ipagluluto ko siya, napapangiti na siya agad. Yung pag down ako at uupo siya sa tabi ko at kakantahan ako to make me feel better.

The little things.

A lot of people had been asking me---did I fall for her? Kahit once lang?

I always laugh it off at lagi kong sinasabi na parang kapatid ko na si V.

But who wouldn't fall in love with her?

I know a lot of guys did from our class did. Marami rami rin ang nagpapatulong sa akin noon na ligawan si V. And the funny thing is, V seems unaware how strong her charisma is to other guys.

Minsan naiisip kong bakuran na lang siya para akin lang siya.

Pero oo nga pala... sino lang ba ako? Best friend.

Naalala ko nung highschool, ang dami palaging crush ni Vanna. Lagi yan nag kukuwento sa akin ng mga type niya. Lagi nagpapatulong magpapansin. Lagi ko siyang sinasabihan na para siyang sira kasi hindi naman niya kailangan magpapansin.

Those guys are just stupid enough not to notice her. Swerte nga nila nakuha nila ang atensyon niya. Buti pa sila.


I don't let it bother me though. As long as V's happy then I'm okay to whoever she's liking. Syempre minsan nakakaselos, pero ano nga ba magagawa ko?

Then I remember that Howard guy. I remember how much V likes him to the point na she even made a song dedicated for him. Lucky guy.

Hindi ako madaling mainggit. My parents thought me to appreciate the things that I have. But for the first time in my entire life, sobrang inggit na inggit ako habang pinapakinggan ko yung kanta na sinulat ni V to the point na gusto ko na lang isigaw lahat. But I can't, so I remained quiet.

I was not aware of how I feel that time not until I saw V crying over Howard because he've hurted her. Hindi pa sila nun pero pinaiyak na niya agad si V. Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi sa akin ni V kung ano ang nangyari o kung ano ang ginawa ng gagong lalaking 'yon sa kanya para umiyak siya nang ganon. Pero alam ko lang, ilang beses ko nang pinatay sa imagination ko ang gagong 'yon sa tuwing nakikita kong malungkot si Vanna.

I remember that one time, I went over her house, she was alone and I saw her crying again. I didn't asked her what happened dahil alam ko naman na si Howard na naman ang iniiyakan niya. Tumabi lang ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.

How to make her stop crying? I had no idea. Yakap lang ang kaya kong ibigay. I'm lost for words. Naiinis ako kasi may nananakit sa kanya.

Kung ako 'yon, hindi ko siya sasaktan.

I hugged her tight as she cried in my arms. And before I could stop myself, I blurted out, "ako na lang kasi."

Nahinto siya nun sa pag iyak. Humiwalay siya sa pagkakayakap ko at tinignan ako with a shock expression on her face.

Maging ako, hindi ko alam ang dapat sabihin o i-react. It's a mere slip of a tongue but it's an enough validation to what I really feel for her.

Ang tagal kong tinakbuhan 'yon. Ang tagal kong ipinagsawalang bahala at hindi pinansin.

Kasi hindi pwede.

Pero sa apat na salita, lumabas lahat.

Nagulat ako sa kanya nang bigla siyang tumawa nun at pinunasan ang luha sa gilid ng mata niya.

"Nice joke, Asul," sabi niya. "Natawa ako doon."

Seryoso ako.

"At least kilala na natin ang isa't isa pag naging tayo," I told her with a laugh, trying to keep the mood lighter. The last thing I want is to make things awkward between us. I can't bear that.

"Gago wag. Paano kung 'di mag work out?" tanong niya. "Ayokong mawalan ng best friend, kaya wag na wag kang maiinlove sa akin. Pinky swear?" she said while raising her pinky.

Too late, V.

Too late.

Tinignan ko siya maigi, "agree ako basta wag mo nang iiyakan si Howard, kasi pag umiyak ka pa, maiinlove na talaga ako sa'yo, sige ka," I told her as I wipe the tears from her eyes. "Alam mo naman, gusto ko sa mga babae, iyakin," I smiled at her.

Napatawa ulit si V.

"Ang weird ng ideal type mo. Okay promise hindi ko na siya iiyakan."

Muli niyang itinaas ang pinky niya. I intertwined my pinky with hers.

"Then I promise I'll be your best friend for ever."

We both smile at each other. But deep inside, I want to cry because I realize what I am so afraid to lose.

I can't lose my best friend---that's why I should stop loving her.

Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa ibang tao. She continued being my best friend.

This is enough, I told myself.

Kuntento na ako sa ganito.

"Asul kanina ka pa tulala diyan! Okay ka lang ba?"

I snap out of my imagination nang tawagin ako ni V.

Nasa grocery kami, namimili ng ingredients for our second dry run. Hinatak nga pala ni Anya si V na sumama sa amin.

"Gutom na ako," sabi ko.

Bigla naman may sumagot sa gilid ko. "Kain tayo mamaya."

Pareho kaming napalingon ni Vanna sa nag salita and we saw Anya placing some products inside the cart

Napangiti ako.

Eversince that day I promised V that I'll be her best friend forever, I tried my best to bury all the romantic feelings I have for her.

Naalala ko ang tanong ni JT. What if V's also in love with me? Hindi ko alam kung totoo ba o kathang isip lang lahat nang 'to pero minsan iniisip ko baka nga meron. Posible? Ewan.

Pero lagi kong naalala yung sinabi niya sa akin.

No, we can't fall in love with each other. We can't.

It was not easy---lalo na halos araw araw ko siyang kasama. Wala na lang akong ibang ginawa kundi mag dasal nang mag dasal na sana may dumating na taong kukuha ng atensyon ko. Dahil nahihirapan na rin ako.

Baka hindi ko matupad 'yung pangako ko sa kanya

But then Anya came. It was unexpected yet it made so much sense.

Sa sadaling panahon ko siyang nakilala, I already felt this strong connection with her. For the first time, ibang babae ang laman palagi ng isip ko ngayon.

For the first time, may ibang babae akong gustong pasayahin bukod kay V.

And with Anya, I can love her freely without feeling guilty.

I can love her without being scared.

Suddenly, I feel lighter.

Dumating na siya.

To be continued....

#KathangIsipWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony