Chapter Ten

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Ten

BLUE

"Ibang level na ang mga luto mo, chef. Parang dati lang pancit canton lang ang pinapakain mo sa amin, ngayon may pa ramen ka na," pang aasar ni JT sa akin.

Weekend. Nagkayayaan kaming dalawa na mag laro ng online games dito sa bahay. Naisipan kong ipakain yung ramen na niluto ko sa kanya. Pinag bantaan na kasi ako ng ate ko na kapag pinakain ko pa siya ng ramen, ipopost niya sa Facebook yung mga nakakahiyang baby pictures ko. Sobrang umay na niya kasi kada nag p-practice akong mag luto ng ramen para sa competition, sa kanila ko pinapakain.

Si JT, tropa namin ni V nung High School. JT, short Juan Timothy. Uno naman ang tawag sa kanya ni V noon. Kung ako Asul, si Juan ay Uno.

May katangakaran si JT. Maporma in terms of pananamit at maging sa mga babae. Ewan ko ba, nung Highschool never naging single ang gago. Pero nung tumungtong kami ng college, never naman siyang nagka girlfriend. Akala nga namin mas magiging malala siya. Buti naman at kahit papaano eh nag tino.

"Ayos ba lasa?" tanong ko sa kanya. "Ikakapanalo ko na ba yan?"

"Naman!" sabi niya habang tuloy tuloy na kumakain. "Pero teka, balita ko kay Vanna, chix daw yung kapartner mo sa cooking contest? Type mo raw?"

"Sinabi niya sa'yo?" gulat kong tanong. Napakamot na lang ako sa ulo. "Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang isang 'yon."

"Sus! Sasabihin mo rin naman sa akin," sabi ni JT. "Kanino ka pa ba mang hihingi ng advice pumorma?"

Napailing na lang ako habang bahagyang natatawa. Naalala ko dati, lahat ng pag porma ko doon sa nililigawan ko nung High School, si JT ang may pasimuno. Alam na alam nung gago kung paano magpakilig ng mga kababaihan. Praktisado, eh. Effective naman kasi sinagot ako ng nililigawan ko.

"Pero dude, akala ko talaga dati kayo ni Vanna magkakatuluyan."

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. Ipinako ko ang tingin ko sa bowl ng ramen na kinakain ko.

"Ba't mo naman nasabi?"

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi dati nung highschool may gusto ka kay Vanna. Tsaka 'di ba kaya kayo nag break ni---"

"Parang kapatid ko na 'yun si Vanna," pagputol ko sa sinasabi niya.

Bahagya kong inangat yung tingin ko sa kanya. Patango tango lang siya pero yung expression ng mukha niya halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Edi ayos, pwede ko siyang ligawan."

Halos mabitawan ko yung kutsarang hawak ko dahil sa sinabi niya.

"Gagu wag," mabilis kong sabi.

"Akala ko ba parang kapatid mo lang?"

"Ibig kong sabihin, alam naman nating di mo seseryosohin. Wag si V. Tropa natin 'yon. Pag nasaktan siya, masisira samahan natin. Tsaka gugulpihin kita," depensa ko.

"Eh paano kung seryoso ako?"

Napaangat ang tingin ko kay JT. He's looking at me seriously, and the way he said it is full of conviction.

A moment of silence.

For a second, I'm lost for words. I don't know how to answer that.

But by the end of the day, ano bang karapatan ko?

"Kung mahal mo siya at seryoso ka talaga at gagawin mo lahat para hindi siya masaktan, then sige, I'll support you dude."

He suddenly burst in laughter.

"Biro lang. Tropa ko lang yang si Vanna tulad mo at willing din ako pumatay ng kahit na sinong mananakit diyan."

Napahinga ako ng malalim at napangiti habang iiling iling. "Gago."

"Kinabahan ka ba?" tanong niya.

"Ulol ba't naman?"

"Wala lang," natatawa tawa niyang sabi. "Pero eto seryosong tanong, paano pag nalaman mong may gusto sa'yo si Vanna? Anong gagawin mo?"

Natahimik ako. Napaisip.

"Hindi ko alam..." halos pabulong kong sagot.

"Dahil may iba kang gusto?"

Tumango ako.

"Edi ma b-brokenhearted ang bespren mo."

Malungkot akong napangiti.

"Never din naman mangyari na magkakagusto siya sa akin," sabi ko.

"Malay mo. Walang imposible."

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Alam ko naman na walang imposible.

At alam ko... aware ako... best friend ko siya eh..

Pero isa lang ang sigurado ako. . . . pareho kaming walang plano na i-take ang risk na 'yun.

Hindi namin kaya.

~*~

VANNA

"Nakakalokaaaa!" matinis na sabi ni Dawn habang sabay kaming nag lalakad papasok ng university. Napatakip ako sa tenga ko. Alam niyo yung kaibigan niyong maliit pero matinis at malakas ang boses? Siya ang perfect example nun.

"Pwede kumalma mamshie," sabi ko sa kanya.

"Nakakaloka talaga!" yamot niyang sabi. "Gaano bang kamanhid yang si Blue ha at grabe siyang makapag open up ng ganyang mga bagay sa'yo? Tagal niyo nang mag best friend pero parang hindi ka pa niya kilala! Nakakainis!!" nang gigilaiti niyang sabi.

Ikinuwento ko kasi sa kanya yung pag o-open up sa akin ni Asul na gusto na niyang ligawan si Anya. As expected mas gigil ang reaction niya kesa sa akin.

Napangiti na lang ako. Iba pa rin kung may kaibigan kang babae na masasabihan ng mga ganitong bagay. I'm really thankful for Dawn. Pero minsan nag w-worry ako kasi g na g siya palagi.

"Magaling kasi akong magtago ng mga ganyang bagay, mamshie," sabi ko sabay hawi ng buhok.

Pinanliitan ako ni Dawn ng mata, "so proud ka na niyan? Feeling mo achievement yan? Di ka ba naaawa sa sarili mo na friendzoned ka na forevs?"

Nawala ang ngiti sa labi ko at sinimangutan ko siya, "grabe ka man realtalk ka? Hindi man lang mag hinay hinay?!"

"Ano pa ba ang i-s-sugarcoat ko? Masasaktan ka pa rin naman either way."

Napa pout ako, "may point."

"Pero nakakaloka yang best friend mo. Kay Anya talaga? I mean, not to be judgemental pero mukha siyang maharot!"

"That's being judgemental," sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig kasi tuloy tuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"Tsaka mas maganda ka doon! Mas mabait! Mas matagal mong kilala si Blue. Ginayuma niya yun. I sweaaar. Ginayuma niya yun!"

Napatawa na lang ako, "gaga ka! Hindi. Tsaka medyo gets ko naman kung bakit si Anya. Strong ang personality nun. MAdalas ma misunderstood ng mga tao but if you listen to her carefully, madalas naman siyang may point sa mga bagay bagay. Knowing Blue, ganung tipo ng babae siya na-attract."

Napairap si Dawn, "naiinis pa rin ako kay Anya! Sinisira niya ang ship ko!"

Malungkot akong napangiti, "hindi naman niya kasalanan na siya ang nagustuhan ni Asul."

Natigilan si Dawn at napaisip.

"Edi... edi kay Blue na lang ako maiinis!"

Napahinga ako nang malalim at pakiramdam ko may tumutusok sa puso ko.

"Hindi naman niya kasalanan na hindi niya ako mahal."

Narinig kong napabuntong hininga rin si Dawn.

"Knows ko naman 'yon mamshie. Pero dahil alam kong hindi ka capable na magalit sa kanila, ako na lang ang magagalit for you"

Napatawa ulit ako. "Gaga ka rin, eh 'no."

"Pero seryosong tanong, ganyan ka na lang forevs? Wala kang plano sabihin kay Blue at all?"

Umiling ako, "no. never."

"Eh what if the pain becomes unbearable na?"

Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Dawn. To be honest, ayun ang isang bagay na ikinakatakot ko.

What if sobrang sakit na? What if hindi ko na kaya? What if bigla na lang ako mag decide na lumayo na lang?

I'm thinking of Blue. What would he feel?

For sure ma g-guilty siya. For sure sisisihin niya ang sarili niya because that's the way he is.

To be honest, may times na gusto kong magalit sa kanya. Pero palagi akong dumarating sa point na bakit ako magagalit? Ano bang kasalanan niya?

Wala naman, eh.

Kasi never niyang naging kasalanan na hindi niya ako mahal. Na hanggang best friend lang ang tingin niya sa akin.

At kung sakaling may pagkakataon man na naramdaman niyang nagkagusto siya sa akin, I know very well he wouldn't risk it.

Kasi ganoon din ako. Kasi ayun din ang gagawin ko.

"Seryoso, ano bang ikinakatakot mo?" tanong ni Dawn sa akin.

Napahinga ulit ako nang malalim.

"Alam mo, me and Blue, we already have each other since we were kids. Kilalang kilala na namin ang isa't isa. Ilang beses na kami nag away niyan. May pag aaway pa nga kami noon na akala ko friendship over na talaga pero hindi, laging naayos. By the end of the day, hinahanap pa rin namin ang isa't isa."

Napahinto ako sa paglalakad and I look at Dawn. Nararamdaman kong medyo nagiging emotional na ako kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"Blue's my home," I said softly. "And I can't bear to lose my home. Kung nasasaktan man ako ngayon, edi tiisin na lang. Kinakaya ko pa naman, eh. Magdadasal na lang siguro ako na sana mag bago ang ihip ng hangin."

"Pero paano kung gusto ka rin niya?" tanong ni Dawn.

Natigilan ako bigla.

Kung gusto niya rin ako, hindi ko pa rin sigurado kung kaya kong mag take ng risk.

"Si Anya nga ang gusto, paano mangyayari 'yon."

"Baka sinasabi niya lang. O nabubulag lang siya."

Umiling ako, "kilala ko si Blue. And the way he talked about Anya, alam kong hindi siya basta nabubulag lang."

Napahinga nang malalim si Dawn at kita ko na naman ang frustration sa mukha niya.

"Note to self, hindi ako mag b-best friend ng pogi."

Napatawa ako sa kanya, "hindi naman pogi yung ogag na 'yon."

"Immune ka lang sa kanya!"

Pareho kaming napatawang dalawa.

"Uy V!"

At sabay kaming natigil ni Dawn sa pagtawa when we heard that voice.

Speaking of the dimunyu...

Sabay kaming napalingon kay Blue.

And voila! He's with Anya.

Okay lang naman ako. Hindi naman masakit. Tuloy pa rin ang buhay.

Pakshet na yan.

"Ay kasama yung epal," bulong ni Dawn. Siniko ko siya para manahimik.

"O Asul," bati ko nang makalapit sila. "Hi Anya," sabi ko sabay kaway.

Umubo si Dawn, "martyr."

Gusto ko siyang sakalin my goodness!

"V!!" dumikit sa akin si Asul and he enveloped me with a big hug. That's his usual greeting pag nakikita niya ako.

Bahagya ko siyang tinulak.

"Ang asim mo!" pang aasar ko.

"Seryoso?" Inamoy niya yung shirt niya, "hindi naman eh!"

Bigla niyang inipit ang ulo ko sa pagitan ng braso niya.

"Ayan, amuyin mo kili-kili ko!" sabi niya.

Nagpupumiglas ako at pilit ko siyang tinutulak.

"Ang baho! Eeewww!!! Bitawan mo ko! Kadiri ka napakadugyot mo!!"

Hindi niya ako pinakawalan at tinawanan niya lang ako. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya nabitawan niya ako.

"Aray!!" he screeched sabay himas ng tagiliran niya. "Amazona!"

"Dugyot!" I said while glaring at him.

"Sobrang close nila 'no?" dinig kong sabi ni Dawn kay Anya. "Kulang na lang maging sila na."

Nilingon ko si Dawn at pinandilatan ng mata.

Sasabunutan ko talaga ang babaeng yan mamaya!!!

Bigla naman natawa si Blue.

"Di namin type ang isa't isa. Tsaka may ibang crush 'to si V."

Nilingon ako ni Dawn, "mamshie???? May crush kang iba??? Sino yan??? Ipakilala mo sa akin yan?!"

Pinandilatan ako ng mata ni Dawn at mega sa OA ang tono ng questions niya. Gusto ko na talaga siya ilibing ng buhay!!"

"Hindi rin sinasabi sa'yo ni V?" tanong ni Blue. "Na-cu-curious na talaga ako ha. Sino yan Vanna?"

I was about to tell him na wag na siyang makielam nang biglang sumingit si Anya.

"Kung best friend ka talaga, malalaman mo kung sino."

Nagulat ako sa sinabi ni Anya. Maging si Dawn ay hindi makapag salita. Nakita ko naman ang confused look ni Blue at mukhang clueless siya.

"Ha? Di ko gets."

Napatingin ako kay Anya. She's looking straight at me. I can't seem to read her expression.

May alam ba siya?

"Anyway, mag g-grocery kami ni Blue, sama ka?" tanong ni Anya sa akin.

Napatingin ako kay Blue. I know that look. I know he's begging me not to join them para masolo niya si Anya.

That stings.

"Nevermind. I won't take no as an answer."

Napatingin na lang ako kay Dawn and she gave me a look na parang sinasabi niya ring sumama ako.

Before I could even react, hinila na ako ni Anya paalis.

What the hell was that?

To be continued...

A/N

Hello readers, I made a Spotify playlist for this story. You can listen to it habang nagbabasa para mas dama natin ang sakit... cheret.

I attached the link to the external link or you may search "Kathang Isip by Aly A." or "Alyssa Almario" on Spotify.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony