Chapter Twenty Four

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Twenty Four

VANNA


"It's because of Anya... is it?"

Hindi ako umimik. We're both looking at each other's eyes. Nagpapakiramdaman.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang tamang i-sagot. Itatanggi ko ba o aamin na ako? Haharapin ko na ba with a risk na masira ang friendship namin o itatago ko na lang 'to hanggang sa hukay?

Ayokong umamin pero pagod na akong magtago.

That's why I didn't say a thing. I chose silence.

Asul is the first one to break the eye contact. Ibinaling niya ang tingin niya sa sisig na kinakain ko at kumuha siya doon.

"Hindi kaya enjoy 'to kainin mag-isa," sabi niya sabay subo. "Kaya dapat yayain mo 'ko."

Napaiwas din ako nang tingin at naki-kuha sa sisig.

"Hindi naman sa lahat ng oras available ka," sabi ko. "Kaya one way or another, dapat masanay na akong mag-isa."

Muli kong inangat ang tingin ko kay Asul and he's looking at me agad. For a sec, I thought I saw sadness in his eyes---na napalitan agad ng isang ngiti.

"May point ka doon," sabi niya.

At itinuloy namin ang pagkain ng sisig.

Habang kumakain, we talk about the most random stuff. Pero hindi ito 'yung katulad ng conversation namin na smooth sailing kahit gaano pa kawalang kwenta. Ngayon, halatang pilit. May magtatanong, sasagutin ng maikli.

"Laging sisig kinakain natin. Try naman natin ibang dish next time."

"Sige."

"Ang traffic kanina 'no?"

"Oo nga, eh."

"Buti huminto ang ulan."

"Kaya nga, eh."

"Nilalamig ka ba?"

"'Di naman. Ikaw?"

"Hindi rin."

Pero ang lamig. Ang lamig ng pakikitungo namin sa isa't-isa. At alam ko malaking parte nun ay dahil sa akin.

Nung matapos kaming kumain, nag yaya siya sa rooftop para tumambay ulit saglit at magpababa ng pagkain. Kaso nakita namin na close yung rooftop ngayon. Para akong nakahinga nang maluwag dahil gusto ko nang umuwi at umiyak kasi hindi ko maintindihan, ang bigat bigat ng pakiramdam ko na kasama ko si Asul. Wala naman siyang ginagawa pero nasasaktan na ako.

Kaya lang mukhang wala sa akin ang swerte ngayon kasi pinaakyat pa rin kami nung may-ari ng tapsilogan doon sa rooftop. Kilala na kasi kami na regular customer at alam na doon kami tumatambay dalawa pagkakain.

Ngayon, solo namin ni Asul ang rooftop habang nakatingin sa citylights.

Ayos. Walang istorbo dito. Pwede ko na siyang iyakan.



"Balita ko pinagalitan ka ni Tito?" tanong niya habang pareho kaming nakasandal sa may veranda.

Tumango ako, "oo, eh. Dami kong bagsak."

"Ano sabi sa'yo?"

Napahinga ako nang malalim, "ayun, hindi muna ako pwedeng umattend nang kahit anong band practices."

"Sayang naman. Kung kailan nanalo kayo." Bahagya niyang ibinangga ang braso niya sa braso ko. "Ang galing mo nung performance niyo."

Napayuko ulit ako, "thanks," I said half heartedly. Kasi paano niya naman ako mapapanuod maigi nung panahon na 'yun eh nasa iba ang focus niya?

"Kita ko nga kayo ni Anya sa audience. Sweet niyong dalawa ha? Kayo na ba?" tanong ko.

And I instantly regret what I said kasi hindi ko alam kung handa na ba ako sa sagot niya.

Pero inilihis niya ang topic.

"Kita ko nga rin kayo ni JT na umalis. Infairness sa kanya, iniwan niya yung family gathering para puntahan ka. Mukhang seryosohan na 'yan ah?"

I felt a stab of pain in my chest because of what he said. Ewan ko ba kung bakit grabe ako nasasaktan pag inaasar niya ako kay Uno.

Siguro kasi parang sinasampal na rin ako sa fact na hindi niya ako gusto.

Oo, tanggap ko na naman na. Nagising na ako sa katotohanan. Eto na nga, o, bibitiw na ako.

"Oo nga, eh. Bigla kasi ako pinauwi ni mommy nun kaya tinawagan ko siya para sunduin ako," sagot ko while trying my best to keep my voice from trembling kasi gusto ko na lang umiyak pero kailangan pigilan.

"Ayos. Naisip mo si JT nun eh nandoon naman ako para ihatid ka. Siguro siya na nga talaga unang pumasok sa isip mo 'no?" he asked bitterly kaya napalingon ako sa kanya.

He's not looking at me. He's staring ahead. At hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya.

But that didn't stop me from getting annoyed.

"Ayoko na kasing istorbohin ka. Busy kayo ni Anya, eh. Mamaya makasira pa ako sa moment niyo," sabi ko at hindi ko na maitago ang inis at hinanakit sa boses ko.

Napalingon din sa akin si Asul at nakita kong naka kunot ang noo niya.

"Kailan ka naging istorbo sa akin? Tsaka anong moment ang sinasabi mo?"

"Hindi ko nga alam na darating si Anya."

"Sumama siya kasi sabi niya gusto ka niyang suportahan!"

Napaiwas ulit ako nang tingin kay Asul.

"Okay. Edi thank you?"

Tinalikuran ko siya at gusto ko na talagang mag walk out dahil alam ko any moment iiyak na ako. Kaya lang bigla niyang hinawakan ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Bakit ka ba nagagalit, ha? Tsaka bakit mo 'ko iniiwasan? Anong nagawa ko, V?"

"Wala. Sige na gusto ko nang umuwi," sabi ko as I tried to remove his grip from my arm pero ayaw niya akong bitawan.

"V kausapin mo naman ako!"

"Ano bang gusto mong marinig, ha?!"

"Bakit ka nagagalit? Dahil magkasama kami ni Anya? Bakit ka nagagalit doon, ha V? Bakit? Nakita mo ba kami?" Iniwas ko ang tingin ko kay Asul at naramdaman ko nang nangingilid ang luha sa mata ko. "Did you saw her kiss me? Kaya ka nagagalit?"

Hindi ako nag salita. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha na tumulo sa mata ko.

"Why are you crying?" he asked. "V! Tell me!"

"Kasi gusto kita!" sigaw ko.

At sunod sunod na ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko ang pag loosen ng grip ni Asul sa braso ko at hinarap ko siya with my tearstained face.

"Gusto kita! At nasasaktan ako na makita ka na kasama ng iba! Pero ano bang magagawa ko, ha? Alam ko naman na mali 'to, eh. Alam ko naman na dapat pigilan ko 'to kasi ako gumawa gawa nang rule na wag tayo magkakagusto sa isa't isa. Pero oo na! Inaamin ko na ako ang unang sumira non at nahihirapan na ako Asul kasi para na akong sasabog! Hindi ko na alam kung saan ko pa ilalagay yung nararamdaman ko sa'yo kasi masyado nang mabigat at---"

I was not able to continue what I'm about to say dahil hinila niya ako papalapit sa kanya and the next thing I knew, his lips are on mine.

His right hand is at the small of my back while his left is at the back of my head. I felt my head spin as he deepened the kiss and his lips started to move. For a moment, para akong nawala sa sarili ko because I responded to that kiss. With force. But passionately.

I kiss him back like my life depended on it. Like we can't get enough of each other.



Then I snapped back to reality.

Why is he kissing me? Dahil naawa siya sa akin?

I took a step back at napadilat din si Asul. He looked at me with a shock expression. Na para bang sinasabi niyang hindi niya alam kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun.

"Wag muna tayong mag usap," I said.

And I run away from him as fast as I can. Para hindi niya na ako maabutan. Para hindi niya ako makaausap.

Kasi hindi ako handa sa kung ano ang sasabihin niya.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony