Chapter Twenty Five

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Twenty Five

BLUE


Gaano ko na ba katagal kakilala si V? Fifteen years? Sixteen years?

Kilalang kilala ko na 'yan. Isang tingin ko lang diyan alam ko na agad kung may problema o wala. Walang naitatago sa akin 'yan.

At kahit ako man, walang naitatago sa kanya. Sa lahat ng tao, siya ang pinaka nakakakilala sa akin. Minsan mas kilala pa niya ako kesa sa sarili ko.

Ganun kaming dalawa. Alam namin ang lahat ng bagay---maliban sa isa.

Namanhid na ba kami para hindi maramdaman ang pinaka mahalagang bagay?

O hindi nga ba talaga alam?

Napailing na lang ako habang nakatingala sa bahay nina V at tinitignan ang bintana ng kwarto niya. Ilang beses ko na siyang tinawagan, tinext at pinuntahan pero ayaw niya pa rin akong kausapin. Naka off ang phone niya kasi cannot be reached siya. Or maybe she blocked me, I don't know. I have no idea.

Hindi nga ba talaga alam? O pareho lang namin dinedeny ang possibility na gusto namin ang isa't isa. Sadyang takot lang kami mag take ng risk.

Hinayaan ko muna si Vanna ngayong araw. Buong araw na rin ako kumakatok sa kanila pero wala talaga. Siguro kailangan niya muna mag isip at huminga.

Pero sana kasi talaga bago siya tumakbo pinakinggan niya muna ako. I'm one hundred percent sure she misunderstood why I kissed her. Knowing her? V is cute and all and I love her so much pero alam ko kung gaano siya ka negative thinker lalo na pagdating sa sarili niya.

Malamang umiiyak siya ngayon sa kwarto niya dahil iniisip nun hinding hindi ko siya magugustuhan and the only reason why I kissed her is because I feel sorry for her. I'm one hundred percent sure ganun ang tumatakbo sa isip niya. At matitigil lang siya kung kakausapin niya ako at papakinggan ang sasabihin ko. Kaya ako na f-frustrate! Kasi kesa kausapin ako, iniiyakan niya ang mga maling hinala niya!

Hay V, napaka tigas talaga ng ulo mo tapos hindi ka pa marunong makinig. Ganyan ka na mula noon hanggang ngayon. Buti na lang mahal talaga kita.

At dahil alam kong useless ang pagtambay ko sa labas ng bahay ni V, dumiretso muna ako sa bistro na madalas kong puntahan para huminga at makapag isip. Kailangan kong pag isipan maigi kung paano ako kakausapin ni V. Kilala ko 'yan, eh. Matagal yan mag tampo. May isang beses na nag away kami dati nang malala tapos isang buwan ako hindi kinausap. Ayoko naman patagalin pa ng isang buwan 'to dahil gustong gusto ko na talaga umamin sa kanya.



I went to my usual spot in this bistro---doon sa stall near the bar area. I ordered my usual mojito and nachos and while waiting for my order to arrive, napatingin ulit ako sa phone ko.

Still no message from V.

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa frustration. I really want to talk to her. Bakit ba kasi tumakbo takbo siya agad. Tsaka seryoso talagang na misunderstood niya yung halik ko? 'Di niya ba naramdaman doon na gusto ko siya? 'Di ba ang mga babae magaling diyan sa gut feel o instinct o kung ano man? Bakit parang walang ganon si V?

"Problemado?"

Napalingon ako sa nagsalita and I saw Anya smiling as she took the seat beside me.

"Anya..."

"Itsura mo diyan parang gustong makipagsapakan," she said at napaiwas naman ako nang tingin. I can't look at her straight dahil sa huli naming pag kikita at yung mga bagay na sinabi niya sa akin.

"Dahil nanalo na tayo doon sa competition, hindi mo na ako kailangan?"

"Na misunderstood ko ba ang intention mo?"

"Kung sabagay. Lahat naman ng napapalapit sa akin, eventually lumalayo."

To be honest, nung panahon na 'yun, hindi ko masyadong naisip ang mga salitang binitiwan niya dahil ang isip ko na kay V. But the more I think about it, the more na para akong nilalamon ng konsensya.

I was not aware that Anya's already feeling that way. And I admit I gave her mixed signals which is very wrong of me.

"Remember this place and this spot?" tanong ni Anya sa akin. "Dito kita hinatak nun nung first time tayong mag meet. Tapos dito tayo sa same spot na 'to nakaupo. Dami rin natin napag usapan nung time na 'yun, ah?"

Napatango na lang ako at napalingon kay Anya.

"Anya, sorry.."

Nilingon ako ni Anya, "ba't ka nag s-sorry?"

"Kasi..." I trailed off.

"Kasi hindi mo ako gusto?"

Napayuko ulit ako at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Gago ko kasi. Yes I got attracted to Anya, I admit that. I even planned to pursue her. Hindi niya na misunderstood ang intensyon ko. Sadyang naging magulo lang ako at dahil doon may naiwan ako sa ere.

Kung pwede ko lang gulpihin ang sarili ko ginawa ko na.

Narinig ko ang pagtawa ni Anya kaya napalingon ako sa kanya.

"Itsura mo parang gusto mo na tumalon sa bangin," sabi niya habang pinapakalma ang sarili sa pag tawa. "Kung nakokonsensya ka, ilibre mo na lang ako."

"Anong gusto mo?" mabilis kong tanong sabay abot sa kanya nung menu na nasa tabi ko at muli ulit siyang natawa.

"Gustong gusto makabawi ah? Mojito lang din," sabi niya habang nakatingin sa order ko nakararating lang din.

"Boss, isang mojito pa," sabi ko doon sa bartender. Shinare ko naman yung nachos ko kay Anya.

"Wag ka na masyadong makonsensya, Blue. 'Di rin naman kita gusto," sabi ni Anya. "Pero bawal mo nang bawiin yung libre mo."

"Teka, totoo ba yan?" tanong ko.

"Na hindi kita gusto? Bakit? Masyado mo bang feel na feel na gwapo ka? Si Vanna lang ata nagkakagusto sa'yo kaya wag masyadong malaki ulo, ha?"

Napatawa na lang ako, "oo nga, eh. Pero sana alam din niya na gusto ko siya."

"May nangyari ba?" Anya asked as she take a sip of her mojito.

"She confessed she likes me---"

"Buti naman."

"But she didin't gave me a chance to confess that I like her back."

She snorted.

"Never ending na ba talaga ang taguan at habulan niyo? I mean lahat ng mga tao sa paligid niyo alam na gusto niyo ang isa't isa. Kayo na lang dalawa ang hindi aware."

Muli akong napakamot sa ulo ko, "well.. she thought I like you kaya ganun. Tsaka she saw the kiss..."

Natahimik si Anya sa sinabi ko at napapalo na lang din siya sa noo niya.

"Sorry..." sabi niya. "Uhm.. wag mo na ako ilibre."

Napatawa na lang ako, "okay lang. Dahil din naman doon kaya siya umamin."

"Gusto mo ako kumausap?"

Umiling ako, "hindi na. Gusto ko kasi sa akin unang mang galing yun."

"Kaso?"

"Kaso ayaw niya akong kausapin."

Pareho kaming napa buntong hininga ni Anya.

Then and idea hits me.

"Anya..."

"Hmm?"

"Pwede mo ba akong tulungan?

~*~

VANNA

I woke up with the sound of my alarm clock. Halos hindi ko ma-idilat ang mata ko dahil sa sobrang pamamaga nito. Non stop ba naman akong umiyak kagabi.

I check the time. It's already past two in the afternoon at kakagising ko lang. Paano halos six in the morning na ako nakatulog kanina.

My phone's on airplane mode since the night I'm with Asul. Hindi rin ako nag ch-check ng social media accounts. Sa totoo lang, ayokong makipag usap sa kahit na kanino.

But last night, my parents talked to me about their plans na nakadagdag sa ikakaiyak ko.

Bigla na naman pumasok sa isip ko yung sinabi sa akin ng parents ko kagabi at nangingilid na naman ang luha ko.

Sa totoo lang, alam kong kailangan ko nang harapin si Asul sooner or later. Pero ngayon kasi hindi ko na ma-absorb maigi yung nangyayari sa buhay ko.

Yung sa banda, kay Asul, yung kiss, yung pag amin ko, and my parents' plans for me.

Sabay sabay sila and it overwhelms me. Gusto ko na lang mag kulong sa kwarto hanggang sa matapos na ang lahat.

Pero mukhang sablay ang plano na 'yun kasi I heard a loud banging on my door followed by my mom's voice.

"Vanna ano ba! Mag kukulong ka na lang ba diyan! Dalawang araw ka nang nasa kwarto mo ha! Yung kaibigan mo nandito."

"Sabihin mo kay Asul umalis muna!" sigaw ko.

"Hindi si Blue!" I heard her say. "Open the door!"

At alam kong hindi matatahimik ang mommy ko kaya naman binuksan ko ang pintuan ko and I was surprised to see her with Anya.

"Anya?"

Anya smiled at me, "busy ka?" tanong nito.

"Bakit?"

"Kailangan mong sumama sa akin," sabi nito.

"Saan?"

"Sa doctor. I think I'm pregnant."

~*~

Pregnant? She thinks she's pregnant.

Halos mahilo ako habang nasa Grab kami papunta sa kung saan man magpapa check up si Anya. She didn't gave me the details. Ni hindi ko alam kung pregnant with whom siya.

With Asul?

Para akong nakalutang. Of course I can't leave her on her own lalo na nung sinabi niya wala siyang ibang malapitan.

Kahit na parang ako yung nasusuka sa kaba dahil sa laki ng possibility.

May nangyari sa kanila?!

Hindi ko alam kung maiiyak ako o masasaktan o maiinis?

Asul just kissed me two days ago tapos ngayon malalaman ko 'to? Just wow.

Nilingon ko si Anya. There's a small smile on her lips and her aura is, I dunno, lighter? Parang ang saya niya ngayon. Blooming siya kung tutuusin. Hindi tulad ng dati na parang ang gloomy palagi ng aura niya.

Shit. Baka nga buntis siya?

Teka, bakit nga ba kami pupunta sa doctor? Hindi ba pwede mag pregnancy test muna? Di ba may nabibili na nun sa mga drug stores? Or no?

Gusto ko siyang tanungin pero sa totoo lang hindi ako makapag salita dahil halos lumabas na ang puso sa dibdib ko dahil sa kaba.

Paano nga kung kay Asul yun? Teka, hindi pa tapos ang school year. Paano kung mag drop out si Asul? My goodness, sasakalin siya ng parents niya! Kaya ba niya bumuhay ng bata? Eh nung pinakalong nga sa kanya yung pinsan niya na baby itsura niya parang bomba ang nasa kamay niya na any minute sasabog na. Tapos ano? Saan siya kukuha ng pera na pang buhay doon sa bata?

Sumasakit ang ulo ko sandali.

Napalingon ulit ako kay Anya at nakita kong mas malawak na ang ngiti sa labi niya. Mukhang ang saya niya sa thought na buntis siya? Siya ba may pang buhay doon sa bata? I mean yeah it's a blessing but! Kaya! Ba! Nila! Panindigan?!

Na-i-stress talaga ako.

Ang dami tumatakbo na thoughts sa isip ko. Hindi ko na alam ang nangingibabaw. Yung pain na may nangyari sa kanila and posible na buntis si Anya? Yung thought na hindi na talaga kami ni Asul kahit na alam ko naman na noon pa lang wala nang patutunguhan 'to? Yung kaba ko para kay Asul na magiging ama na? Or yung bakit sa ospital agad ang diretso? Ba't 'di muna bumili ng PT sa drug store?

Sa sobrang daming thoughts, hindi ko na napansin kung saan kami papunta. Hanggang sa narinig ko na lang na nag para si Anya, doon ko lang nakita kung nasaan kami.

And everything makes sense now.

"Bakit tayo nandito sa tapsilogan?" tanong ko sa kanya.

She smiled widely, "tara sa loob."

"No," I said firmly. "Kinuntsaba ka ni Asul."

Tumango siya.

Huminga ako nang malalim at napatalikod. Hindi ko alam kung nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa realization na na goyo ako ni Anya o mas nakadagdag kasi na goyo niya akong makipag kita kay Asul.

"Uwi na ako," sabi ko at diretso akong naglakad paalis sa tapsilogan. Pero bago pa man ako makalayo, hinawakan ni Anya ang braso ko.

"Harapin mo si Blue."

Umiling ako.

"Pinakinggan ka niya. It's time na makinig ka sa kanya."

Napahinto ako bigla.

"You know you can't run away forever right?"

Huminga ako nang malalim. Sa totoo lang tama siya.

"Kung ano man ang sasabihin niya, might as well pakinggan mo na para makatulog ka na nang mahimbing sa gabi."

Nilingon ko si Anya.

"Di ka talaga buntis?" tanong ko.

Napatawa siya nang malakas.

"Gaga hindi. At hindi ko gusto si Blue wag kang mag alala."

For some reason, medyo nakahinga ako nang maluwag.

She's right. Papakinggan ko na siya para matapos na 'to.

I breathe deeply as I went inside. 

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony