Chapter Twenty Six

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter Twenty Six

VANNA

I remember my first performance ever on stage. Walang mapag lagyan ang kaba ko noon. That time, gusto ko na lang mag back out.

But I'm glad I went up the stage. Kasi after that, I craved for more. Alam ko na kung ano ang gusto kong gawin at makuha.

At 'yung kaba na naramdaman ko noon, ayun ang nararamdaman ko ngayon as I went up the stairs going to the veranda.

Sa totoo lang, nanginginig ako. Natatakot ako---hindi sa kung ano ang sasabihin sa akin ni Asul---kundi sa kung ano ang mangyayari sa amin after.

Paano kung mangyari 'yung matagal ko nang kinakatakutan? What if I lose my best friend?

Pero tama naman si Anya. One way or another, I'm going to lose Asul. Might as well pakinggan ko na rin kung ano man ang sasabihin niya.

Nung makaakyat ako sa veranda, I saw Asul na nakasandal sa may railings. Malayo ang tingin at parang malalim ang iniisip. Maya maya, tinignan niya ang oras sa watch siya. Siguro iniisip niya kung nasaan na ako. Naka abang?

And I'm right.

Dahil after niyang tignan ang oras ay lumingon siya sa may hagdanan kung saan ako nandoon.

As our eyes met, napaayos nang tayo si Asul at napa-iwas naman ako nang tingin.

"V..." tawag niya sa akin.

Naglakad ako papalapit sa kanya while avoiding his gaze. Pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya, I can feel his gaze at me at para akong na-conscious bigla.

"V..." tawag niya ulit sa akin nung makalapit ako. I didn't answer. Hindi ko rin inangat ang tingin ko sa kanya. Inintay ko yung susunod niyang sasabihin.

"V.." pag uulit niya.

I can't help but to roll my eyes and finally nilingon ko siya.

"Ano?!" irita kong tanong. "V ka nang V diyan. Wala ka na ba ibang sasabihin ha?"

Napakamot siya sa likod ng ulo niya and it's his turn para mapaiwas nang tingin.

"V... ano..."

Napa buntong hininga na lang ako.

"Ano?"

"Ano kasi V..."

"Ano nga?"

"Yung ano.. nung isang araw dito... yung ano.."

"Anong ano?" tanong ko kahit alam ko kung ano 'yung tinutukoy niya.

'Yung kiss.

Napaiwas din ako nang tingin kasi ramdam ko ang pag init nang mukha ko.

"Alam mo na 'yun," he said, almost whisper.

"Hindi nga," sabi ko at naiirita ako dahil ang liit din ng boses ko? Aware akong mukha kaming tanga ngayon.

"Di ko masabi," sabi ni Asul. "Gawin ko na lang ulit?"

Napa angat ako nang tingin sa kanya dahil sa gulat sa sinabi niya and I saw him leaning towards me. Kinaltukan ko siya sa ulo bago pa siya tuluyang makalapit.

"Aray!" he exclaimed habang hawak ang tuktok ng ulo niya.

"Uulit ka pa talaga?" irita kong tanong. "Eh hindi mo nga pinaliwanag sa akin bakit mo ginawa 'yon ha?"

Tinignan niya ako nang masama, "paano ako magpapaliwanag eh bigla ka diyan kumaripas nang takbo. Liit liit mo bilis mo tumakbo! Tapos ayaw mo akong kausapin!"

May point siya. Napayuko ako at tinitigan na lang ang sapatos ko. Napatingin din ako sa sneakers na suot ni Asul. Ayan yung regalo ko pa sa kanya three years ako. Sobrang luma na pero lagi pa rin niyang suot.

"Eh ngayon... gagawin mo ulit without explaining it to me."

"Kailangan ba 'yun, 'di pa ba obvious?" tanong niya.

Napa buntong hininga ako, "maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko why you did that. Dahil ba naawa ka sa akin? Dahil nadala ka lang sa moment? Dahil hindi mo alam paano ako irereject?"

Inangat ko ulit ang tingin ko sa kanya at nagulat ako na daliri niya sa sumalubong sa akin at pinitik ako sa noo.

"Aray ko ha!" I exclaimed at itinaas ko ang kamao ko at amba ko siyang sasapakin.

"Ikaw ang pinaka negative thinker na nakilala ko!" sabi niya. "Dami dami mo sinabi! 'Di ba pag hinalikan ka ibig sabihin gusto ka?"

"Hindi naman ako kasi assumera!" defense ko.

"Eh ako naman 'to so pwede ka mag assume kasi tama naman ang assume mo!"

"Na ano nga?!" gigil kong tanong.

"Na yun nga!"

"Ano nga yon ha?"

"Alam mo na kasi 'yon! Alam mo rin na ano.. kasi... hindi ako masyadong masabi nang ganun pero alam mo na yon!"

"Pucha Asul na i-stress ako diretsahin mo kasi ako!"

"I love you nga!" sigaw niya.

"Edi I love you too!" sagot ko.

Pareho kaming natigilan.

"Ano?" tanong ko sa kanya. "Weh di nga?"

Napasinghap na lang si Asul habang i-iling iling.

"Ngayon 'di ka maniniwala?"

"Eh kasi si Anya... tsaka nung battle of the bands... nakita ko kayo!"

"Siya 'yon hindi ako!" defense naman niya. "Gulat nga ako, eh. Wala na akong nagawa."

Parang lalong nag init ang ulo ko at pinag hahampas siya.

"Wala kang nagawa?" sabi ko sabay hampas.

"Wala nga—aray! Ba't ayaw mo bang maniwala ha? Tanungin mo pa siya! Gusto mo tawagan ko?"

Tinignan ko siya nang masama, "wag na!" sigaw ko.

Nakita ko siyang napangiti, "so... nag selos ka doon?"

Parang hindi na lang dapat ako umamin kasi nababanas na talaga ako sa kanya.

Hinarap ko siya at nginitian, "eh kay Uno nag selos ka?"

Nawala ang ngiti sa labi niya. Ha! Kala mo diyan.

"Bakit? Mas gwapo ako doon?"

Natawa ako, "hindi rin."

"O 'di doon ka na," sabi niya at tumalikod. "Wala na tayong pag uusapan. Ganyan ka naman, eh."

I chuckled. Nilingon niya ako nang nakasimangot.

"Saya ka? Pero ayaw mo pa rin maniwala?"

"Alam ko naman, eh," halos bulong na sagot ko. "Natatakot lang ako harapin."

Pumunta siya sa harapan ko at ipinatong ang magkabila niyang kamay sa balikat ko.

"Dahil ba akala mo hindi kita gusto?"

Naramdaman ko ang pangingilid nang luha ko.

"More than that," sabi ko. "Kasi baka gusto mo rin ako."

"Bakit ka naman natatakot? Hanggang ngayon ba ayaw mo pa rin maging tayo?"

"Paano kung hindi mag work?" tanong ko.

Napahinga nang malalim si Asul, "alam mo, worry ko rin naman 'yan, eh. Pero naisip ko, wala na, nasa dead end na tayo. I'm in love with you from the very start, V. I know maraming dumating na tao sa buhay ko. But it's always been you. And yes, right now, I'm willing to take that risk. Kung magiging tayo, I'll give my all to make it work. If we ends up losing each other, at least no regrets."

Tumulo ang luha ko sa sinabi niya as realization hits me. Asul saw it and he gently wipes his tear.

"Give me a chance, V. Give us a chance. Or you'd rather be with JT?"

Napatawa ako nang mahina.

"Kahit anong tanggi mo, alam ko para sa'yo mas gwapo pa rin ako."

Hinampas ko siya nang bahagya.

"Pero totoo ba 'yun? Na eversince ako na?" tanong ko.

Napakamot ulit siya sa likod ng ulo niya, "kulit ng lahi mo, 'no?"

"Double checking lang naman," I said with a pout.

"Stop," sabi niya. "Masyado kang cute. Sige ka ulitin ko ulit yung ginawa ko dito."

Napairap ako, "edi ulitin mo."

"Sabi mo 'yan ah?" he said as he leaned forward.

Hinawakan niya ako sa braso and he gently pulled me towards him. From my arm, inilipat niya ang pagkakahawak sa akin at the small of my back, pulling me closer to him. He leaned forward, dahan dahan, at wala akong nagawa kundi ipikit na lang ang mata ko as I anticipated his kiss.

"Teka lang," dinig kong sabi niya kaya napadilat ulit ako. "Di mo pa sinasagot tanong ko."

"Na ano?" frustrated kong tanong.

"Are you giving me a chance? I mean... anong status natin? Tayo na ba? Game na ba? Totoo na 'to?"

Napipikon na talaga ako. Gusto ko siyang sapakin.

Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya and I tiptoed as I pulled him near me and pressed my lips on his. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.


"Para saan 'yan? Bakit mo ginawa yun?" tanong niya.

I rolled my eyes, "seryoso? Kailangan ko i-explain pa? O mag o-overthink ka rin?"

Napangiti si Asul, "double checking lang."

He, again leaned towards me and gave me the sweetest kiss.

In that moment, parang nabura lahat nang ikinakatakot ko. 

To be continued...


Next chapter will be the epilogue :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony