Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Epilogue

VANNA


So, did we get our happy ending?

I remember that day, nung araw na nag usap kami ni Asul sa veranda ng tapsilogan and we decided to give ourselves a chance was one of the happiest day of my life. Para nga kaming tanga nun, eh. Kasi after ng tawanan at iyakan at kiss, bigla kaming na awkward sa isa't isa. Asul can't even hold my hand kasi nahihiya raw siya. Yes. Emphasize ko lang 'yung word na nahihiya, dahil nung sinabi niya sa akin 'yun, nabatukan ko talaga siya nang malakas.

After ko siyang batukan, hinawakan na rin niya ang kamay ko nun. Mukhang tanga nga eh kasi simula nang mahawakan na niya ang kamay ko, ayaw nang bitiwan. Nag punta kami sa mall para mag ikot ikot, nakahawak pa rin sa kamay ko. Pupunta ako noon sa girls restroom, sama raw siya kasi ayaw niya akong bitiwan. Binatukan ko ulit.

Ang saya lang nung araw na 'yun. Parang sinulit namin 'yung mga nag daan na taon na puro taguan lang ng feelings ang inaatupag namin.

Pero kahit pa ang saya saya ko nung araw na 'yun, hindi pa rin mawala sa isang parte ng puso ko yung mabigat na pakiramdam.

Kasi may hindi pa ako nasasabi kay Asul.

Buong araw, iniisip ko, paano ko ba sasabihin sa kanya 'yon? Dapat bago pa lang kami mag decide na maging kami, sinabi ko na, eh. But this day is too perfect. Ayokong sirain. Ayokong bawiin agad sa kanya ang saya na ibinigay ko.

Pero alam kong hindi ko dapat patagalin iyon. Ayokong maging huli ang lahat. That's why while we're walking home, and under that lamppost, a few blocks away from our home, hinarap ko si Asul and I dropped the bomb.

"We're migrating soon," I said. "Sa Singapore na kami titira. We're leaving in three months."

Silence. Hindi ko alam kung gaano katagal na katahimikan 'yun. A minute or more than? But it felt like a lifetime.

Hindi siya kumikibo, hindi nag sasalita. Nakapako lang ang tingin niya sa lupa nun na parang hindi niya alam ang sasabihin niya.

We've wasted so much time running away from what we truly felt for each other, and now, it's too late.

I've braced myself for the worst nung sinabi ko kay Asul yun. Inaasahan ko na magagalit siya sa akin, makikipag break siya, hindi na niya ako kakausapin at tuluyan nang mangyayari 'yung kinakatakutan ko.

But instead, after a minute or so of silence, Asul pulled me into a tight hug as he whispered, "one hour plane ride lang ang Singapore, wala rin time difference. We can make this work."

And right then and there, I started crying. Ramdam na ramdam ko kung gaano ko kamahal si Asul at kung gaano ka-tamang desisyon ang ginawa namin.

Yes, we will make this work.

Our last two months together, well, it's nothing extraordinary. Sem break began. I dropped out of university. Me and Asul spent most of our time together. Minsan kasama sina Anya and Uno.

Nakausap ko na rin pala si Uno. I sincerely apologized to him and he told me I don't need to say sorry kasi wala naman talaga siyang plan i-pursue ako. He only did that kasi napipikon na siya sa amin ni Asul. I'm thankful to him, to be honest. Kahit kay Anya rin. I tried na mas maging open pa kay Anya and I realized na I really like her and I know pwede kaming maging mabuting magkaibigan.

Two months became one. One month became one day. Nung araw ng alis namin, sumama si Asul sa airport para mag hatid. Seven in the morning ang flight namin kaya 5 A.M pa lang, nasa byahe na kami. Walang traffic. Sa loob ng thirty minutes, nakarating na agad kami sa airport.

Habang papasok ako sa loob, pinipigilan kong wag maiyak. I'm holding Asul's hand and I don't want to let go. Katulad nung unang araw na naging kami at ayaw rin niyang bitiwan ang kamay ko.

Pero nung oras na talaga para mag hiwalay, hinarap ko siya. He's smiling so I smiled back. We promised each other na he will send me off with a smile and I'll do the same kaya kahit gusto ko nang mag breakdown sa harap niya, hindi ko ginawa.

"Ingat sa byahe," he said.

"Ikaw rin. Message ka pag nasa bahay ka na."

"Message ka pag nasa Singapore ka na. Tsaka yung promise mong selfie kasama yung Merlion ha? Send mo agad sa akin," pagbibiro niya.

Tumango ako and he pulled me into a tight hug. I hug him in return.

"I love you, V."

"I love you too."

The whole ride going to Singapore, umiiyak lang ako.

Well, tinupad naman ni Asul yung promise niya. Araw araw kami magkausap. Sa gabi, nag F-Facetime kami. Updated sa ganap ng bawat isa. I even sent him the selfie with the Merlion that he requested.

While Asul is busy surviving his last sem on college, I was busy adapting to my new life here and it was not easy. Idagdag pa yung sobrang miss na miss ko na si Asul. Kahit lagi kaming magkausap, there's this big hole in my heart dahil wala siya sa tabi ko.

Mas ten times ang pagka homesick ko nun. I admit I handled it badly na pati kay Asul nabubuntong ko na. Pag hindi siya nakakatawag o nakakapag reply sa akin, nagtatampo ako. Dumagdag na stress din si Asul nun kaya pag nagtatampo ako, nagagalit siya. Hanggang sa nag aaway na lang kami. Hanggang sa mas madalas na yung magkaaway kami kesa magkabati.

Hanggang sa dumalang na ang mga messages namin sa isa't isa.

Hanggang sa eventually hindi ko na alam ang status namin. Kami pa ba o hindi na?

Three months. Three months na ganito kami. Yung dating oras oras nag m-message naging once a day na lang. Hindi ko na nakukuwento sa kanya ang nangyari sa buong araw ko. Ganun din siya. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya.

Hanggang sa nagtanong na ako, 'kaya mo pa ba? Ako kasi napapagod na sa set up na ganito.'

'Hindi mo na ba ako mahal?' he asked. And I break down because I know I still love him so much. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa yung ganito. Nakakapagod ang mga away namin. Nakakapagod yung kalungkutan na di ko siya mapuntahan para mayakap pag nag aaway kami. Nakakapagod yung magkahiwalay kami.

Nakakapagod.

But also, it made me realize na kahit pagod ako, mas hindi ko kaya na mawala si Asul sa akin.

Kaya sabi ko sa sarili ko, ilalaban ko.

Pero it was Asul who told me na wag muna kami mag usap. Kailangan niya rin mag isip. And he admitted na pagod na rin siya. Na nahihirapan na rin siya.

So I let him. I've waited for him.

Lumipas ang isang buwan, yet wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya.

Did we get our happy ending?

Hindi ko alam ang end, pero ang alam ko, that one year and a half that I dated him, I was happy. Sa kabila ng pag aaway o tampuhan, masaya ako. Kahit ang huli naming pagkikita ay yung hinatid niya ako sa airport, I was happy.

Did he message me again?

He didn't. I've waited and waited and waited for his answer, but he didn't message me.

Instead, he delivered his answer by himself.

It was one afternoon in Marina Bay. I was walking along the Helix Bridge while watching the sun goes down. I saw the sky burst in color and it was a sight to behold. How I wish he's here with me, I thought.

And when I look ahead, I saw him standing in front of me. Nung una akala ko hallucination? Akala ko kamukha lang? Akala ko imagination lang dahil sobrang miss ko na siya.

But he walks towards me at nakita kong napakamot siya sa likod ng ulo niya.

"Uhmm hi?" he said na parang nahihiya pa sa akin. "Sabi ng mommy mo dito ka raw dumadaan pauwi so inabangan kita."

Hindi ako umimik. Hindi pa rin nag s-sink in sa akin kung sino ang nasa harapan ko.

"Sorry hindi ako nakapag message sa'yo ng matagal. Inaayos ko kasi yung papers ko to work here in Singapore. Hindi ko sinabi agad sa'yo kasi pag hindi natuloy alam kong malulungkot ka," he explained. "You see, yung restaurant na pinagtatrabahuhan ko sa Pinas opened a branch here at ako na yung chef doon. So, yeah."

Hindi pa rin ako sumagot dahil hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Galit ka ba?" he asked. "Sorry na. Wag ka na magalit. Alam mo naman 'di ko kaya na makipag break sa'yo, eh."

At doon na bumuhos ang luha ko. Asul pulled me and enveloped me with a hug.

"Namiss kita," I said in between tears and I heard him chuckled.

"Namiss din kita."

So did we get our happy ending?

Not yet. Pero at least alam ko na no matter what happened, we will always find each other.

Asul beside me felt like home.

Yeah. I guess I'm home. 

End...

A/N


Thank you so much sa lahat nang nagbasa! I really hope you liked it. 

Sorry sa mga luha hahahaha. Alam ko medyo heavy angst tong story. Dama ko rin. Pero sana kahit papaano napasaya kayo nito. 

It's been a while since nakatapos ako ng medyo mahabang story dito sa Wattpad. Huhu. At medyo nangangapa ulit ako paano mag sulat nang maayos hahahaha. Thank you for being patient with me. Magsusulat ulit ako para sa inyo and sana basahin niyo pa rin.

I hope you can give me an honest feedback though. I'm open for it. 

Love you, Dreamers.

- Aly

#KathangIsipWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro

#alyloony