Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHESKA

Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Nakahiga pa rin ako sa sofa sa bahay nila Tita Delta. Ang sakit talaga ng ulo ko kaya pumikit ako muli. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako pero may naaalala akong digmaan kinemerut. Bigla akong kinilabutan at pinakiramdaman ang paligid.

Ang dilim na ng paligid. Ang tagal ko bang nakatulog? Nakatulog na ata ako sa kahuhula ng password ng wifi nila. Nag-inat muna ako at kinapa ang cellphone ko sa bulsa ko. Bigla akong napabangon nang maramdamang wala ito sa aking bulsa. Medyo nahilo pa ako sa ginawa ko. Low blood problems.

Tuluyan akong napatayo nang may mahulog na butiki sa tabi ko. Nako! Buti nakabangon ako kundi sapol ako sa mukha niyan. Yikes! Ayoko maging first kiss ang butiki.

Hinayaan ko na lang ang butiki at nagpatuloy sa paghahanap ng cellphone ko. "Hoy, cellphone ko! Magpakita ka na!" napatigil ako sa paghahanap nang may kumatok. Bakit kakatok pa eh may doorbell naman?

Sumilip muna ako sa bintana at nakitang bukas na ang gate. Oh no! Bakit bukas ito? Baka pasukin ako ng magnanakaw! Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang isang di pamilyar na lalaki. Nakakagulat naman!

"Ah, pasensya ka na ah. Pumasok na ako kasi bukas ang tarangkahan." sabi niya. Infairness, cute si koya.

"Ay, sige po. Sino po kayo?" tanong ko na lang

"A-ako si Deniel. Kaibigan ko si Denzhell."

"Sorry po pero wala po sila rito. Nasa bakasyon."

"Ganun na? Sige. Ibigay ko na lang ito." sabi niya sabay abot ng isang maliit na kahon at lumabas na ng gate. "Mauuna na ako."

"Sige po! Ingat po!" Isasara ko sana ang gate nang may iabot siya sa akin "Ito ba ang hinahanap mo kanina?"

Nagulat naman ako nang iabot niya ang cellphone ko sa akin. "Ah, narinig ko kasi kanina na may hinahanap ka bago ako kumatok tas nakita ko ito sa may pasilyo este diyan sa may tarangkahan." Okay, this is getting creepy. Paano napunta sakanya or sa gate yung cellphone ko? Tsaka yung pananalita niya, ang weird.

"Opo, sige po salamat." kinuha ko na sakanya ang cellphone at sinara agad ang gate. Ni-lock ko pa ito. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko sa sobrang init na para bang na-overheat. Pagtingin ko rito ay full charge na ito.

Pinasok ko ito sa loob ng bahay kasama ng kahon na binigay sa akin nung nagpakilalang Deniel. Inilagay ko muna ito sa ibabaw ng mesa sa tapat ng sofa na kinahihigaan ko kanina.  Nakita ko sa orasan ng cellphone ko na mag-aalas-sais na pala kaya napagpasyahan ko nang magluto.

Nagsimula na akong magluto ng hapunan tutal gabi na. Dinamihan ko ang niluluto kong tinola para hanggang bukas na. Habang inaantay kumulo ang aking niluluto ay nagpahinga muna ako.

Pagbalik ko sa sala ay nakita kong umiilaw ang cellphone ko. May text pala pero kabog ah. 100% pa rin ito. Ano kayang ginawa nung Deniel dito? May lahi kayo yong charger?

From: Denzhell Whetty Spaghetti
Itago mo muna yung binigay ni Deniel sayo. Wag na wag mong bubuksan hangga't di ko sinasabi. Importante iyon. Wag na wag mong wawalain.

From: Denzhell Whetty Spaghetti
Dun wori nand2 lamangz sa tabi ng|

Ow shemay! Asan na nga pala yun?! Katabi lang yun ng cellphone ko ah!

Hinanap ko sa buong sala pero wala. Tiningnan ko ulit ang gate kung bukas ba ito at kung may nakapasok nanaman pero wala. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Bumalik ako ulit sa sala para tingnan ang cellphone ko kung may text nanaman ba mula kay Denzhell pero wala na. Isa pang pinagkakataka ko ay bakit 100% pa rin ito eh mabilis itong ma-lowbatt. Ano bang meron dun sa Deniel na yun? Tsaka anong meron sa kahon na binigay niya bakit ang importante iyon?

May naamoy akong nasusunog. Oh no! Yung niluluto ko!

Patakbo akong pumunta sa kusina at ganon na lang ang takot na nararamdaman ko nang makitang ang laki na ng apoy. Paano nangyari ito? Ang tagal ko bang iniwan 'to? Masusunog na ako dito!





─────♡;

Hmmm, parang may naaamoy akong sequel. Next is epilogue!

04-28-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro