Epilogue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Maging maingat sa pipiliing prinsesa. Ang unang babaeng makakainteraksyon mo ay siya na agad ang magiging prinsesa mo."

Dala-dala ang mga salita ni Diyosa Crishana, naglakbay muli si Prinsipe Darill sa mundo ng mga tao.

Naglalakad siya ngayon sa gubat gaya ng dati niyang nakagawian habang hawak ang kahong nakuha niya sa bahay ng mga Whetta nang bigla siyang bumalik sa dati niyang anyo. Ang sabi kasi ng diyosa, pag sapit ng gabi ay magbabalik siya sa dati niyang anyo at magiging butiki ulit pag dating ng umaga. May kung ano sa kahon na iyon na para sakanya ay hindi ordinaryo at tila ba naglalaman ng kasamaan na di dapat mabuksan.

Ilang oras siyang naglalakad nang may narinig siyang umiiyak. Isa itong batang babae at nang makita siya ay lumapit ito sakanya. Gusto niya itong layuan ngunit bigla siya nitong kinausap.

"K-kuya, tulungan mo ako. Naliligaw ako." sambit ng bata

Ayaw niya ito kausapin sapagkat pag nangyari iyon ay magiging prinsesa niya ito! Ayaw niya nang magkamali pa sa pagpili ng prinsesa. Isa pa ay bata pa ito at tila wala pang alam sa mundo!

"Baka hinahanap na akong ni mama!"

Tumalikod ang prinsipe sa bata at naglakad palayo.

"Claudia po pangalan ng nanay! Baka kilala mo siya!" patuloy pa rin sa paghabol ang bata sa prinsipe "Ako po si Cheska."

Napatigil ang prinsipe at nilingon ang bata. "A-anong sabi mo?"



─────♡;

Diyan na po nagtatapos ang Kiss At First Fall. Sana nagustuhan niyo. Thank you po sa mga sumubaybay at nag-aantay ng mga updates. Keep safe po sa lahat and bless you all!

KISS AT FIRST FALL
APRIL 2018 - APRIL 2020

04-30-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro