CHAPTER 29

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


MAYROONG malapad na ngiti sa mga labi ko nang bumaling ako sa kama para yakapin ang aking nobyo. Kumunot ang aking noo nang matagpuan ng mga kamay ko ang malamig na kumot sa'king tabi na walang laman.

"Professor?"

Kinakamot ko ang aking nakapikit na mga mata habang sinisipat ang malabong orasan sa gilid ng kama. Alas-onse ng gabi.

Nang tuluyang makadilat ay dahan-dahang namuo ang imahe ng propesor na nakatayo sa tapat ng pisara.

Nakasuot siya ng itim na pantalon at nagpatong ng mamahaling dark velvet robe na umaabot sa sahig ang haba at luwag. Ngunit ang pinakamagandang tanawin ay ang hubad niyang katawan na sumisilip sa pagitan ng mga telang iyon.

Napakagat-labi ako sa kaniyang kaguwapuhan.

Tumikhim muna ako bago magsalita. "Uhm, Xildius? Kanina ka pa ba nakatayo riyan? Ano'ng ginagawa mo?"

Saka ko lamang napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa mga salitang nakasulat sa pisara. Ang pangalang Professor Morelio Alfaros na ginuhitan nang maraming beses.

"Alam mo, maghapon ka nang nakatitig diyan. Magseselos na ba 'ko?"

Napangiti siya sa'king paghirit. Dahil do'n ay bumalik na siya sa kama para halikan ang pagitan ng magkasalubong kong kilay. Umakto akong tila nagtatampo na hinihila at pilit na tinatanggal ang kaniyang balabal.

"I want some XV," I told him with a lip bite.

He cupped my face and pushed my cheeks. "Why is my Salustiana acting extra cute, tonight?" said his deep baritone voice as he squinted his eyes teasingly.

"Eh kasi, nahuli na natin siya sa wakas... pero parang hindi ka masaya," nakayuko kong pag-amin. "At least tell me what's on your mind, professor."

"Alright..." He sighed out a long breath while tucking some loose hair strands behind my ear. "February 7, 2006. I can still remember that date clearly, Salustiana. That was the day my parents were killed."

Awtomatikong lumungkot ang aking mga mata nang marinig iyon. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at idinantay niya sa'king palad ang kaniyang pisngi.

"I clearly remember the date, but everything else is a blur," salaysay ng propesor. "I was ten years old during that time. Kung si Flick nga ang Morning Reaper, ibig sabihin ay nasa pitong taong gulang pa lamang siya noon."

"Pero hindi ba't napatunayan na natin sa kaso ni Yowan na kahit gano'n kabata ay maaari pa ring makagawa ng mga gano'ng bagay?" aking tanong.

Mula sa istante na malapit sa kama ay kumuha ang propesor ng isa sa kaniyang mga akdang libro. Binuklat niya ito at nagpatuloy sa kaniyang pagsalaysay.

"That's not the issue... What I'm confused about is the long gap between the years. Taong 2006 pinatay ng Morning Reaper ang mga magulang ko, pero ang sunod niya nang naging krimen ay taong 2016 na."

Pinakita niya sa'kin ang larawan ng mga naging biktima. "Why did the Morning Reaper wait for ten years before his next set of murders?"

Kinuha ko ang libro at sinuri ang mga pahina nito. "Baka may nangyari sa kaniya kaya siya napatigil?"

"I don't understand. Serial killers are different from other murderers because they enjoy the thrill of killing. Matagal ko na silang pinag-aaralan. One-time murderers usually have a strong reason to kill-like a grudge. But serial killers are different... they kill for the excitement they get."

"And the Morning Reaper isn't a one-time murderer, he's a serial killer..." dugtong ko habang binubuklat ang mga pahina. "The type who likes to play games."

"Kaya nagtataka ako kung bakit siya tumigil nang gano'n kahabang panahon." Nilingon ulit ng propesor ang pangalang nakasulat sa pisara. "And that name sounds eerily familiar. But I don't remember how I encountered it."

I brushed up his soft bangs using my fingers, trying to calm him down. "Alam kong hindi ka matatahimik hangga't hindi mo ito nalulutas. Ikaw pa. Gusto mo bang tawagan ko si Xantiel para tulungan tayo?"

His lips displayed a bittersweet smile. "Salamat, Salustiana."

***

"HAY nako. Ang ganda-ganda ng pinapanood ko sa Netflix tapos papapuntahin niyo 'ko rito," nakangiwing reklamo ng makisig na mekaniko.

"Dinala ko ang custom-built analog laptop ko na may anti-reflective coating at electronic ink, kaya safe itong buksan sa tapat ng propesor."

Sinilip ko ang screen ng laptop ni Xanti. "Ang galing! Laptop ba talaga 'yan? Para lang akong nagbabasa ng libro sa screen!"

The engineer winked and tightened his jaw. "Marami pa 'kong kayang gawin na ikatutuwa mo, Salustia—"

"Don't fucking call her that. Baka gusto mong sumunod kay Flick?" banta ni XV.

"Apelyido 'yon ni Fift! Iyon ang tawag sa kaniya ng mga teacher niya sa school! Damot mo naman. Magulang ka?!" angil ni Xantiel.

"Tawagan ko na rin ba si Xalvien para maging referee niyo?" napapakamot sa ulo kong tanong. Lagi na lang nagbabangayan ang dalawang ito!

Biglang tumunog ang telepono. Natahimik kaming tatlo at panandaliang nagtaasan ang mga balahibo ko. Si Flick kasi ang madalas na tumatawag kapag gano'n, kaya naman saglit akong kinilabutan.

"S-Sasagutin ko lang," I volunteered.

Papunta pa lang ako sa telepono, pero nagulat ako nang si Professor XV na mismo ang naunang nag-angat para sagutin ito. Pinindot niya ang speakers para marinig naming lahat ang nasa kabilang linya.

"P-Professor, si Officer Lildon ito. Ako ang warden sa presinto ni Flick. Gusto ka raw niyang makausap, pero ang sabi ko ay hindi—"

"Get him on the line," agad na pagputol ni XV sa kausap.

May ilang tahimik na segundo bago namin narinig ang pamilyar na boses ng aming dating kaibigang pulis.

"Xildius, Xildius, Xildius... ang paborito kong propesor," bungad ng nakakalokong boses ni Flick. "Kumusta, have you figured it out already?"

"Who the fuck are you really?!" galit na singhal ni XV.

"You don't know me, but I know you very well," Flick teased in a playful tone. "After all, I'm a fan."

Habang magkausap sila sa telepono ay nag-umpisa na si Xantiel na maghagilap ng impormasyon tungkol kay Professor Morelio Alfaros. Pinaliwanag sa'kin ng inhinyero na deep search sa invisible dark web ang kaniyang ginagawa.

Hindi lamang basta resulta sa mga limitadong search engines ang kaniyang kayang i-scan, ginagamit niya ang mga impormasyong hindi abot ng internet-pati ang mga private data mula sa iba't ibang mga computer na ginagamit ng mga tao.

After going through a series of algorithms and user-tracking, Xanti was able to filter out the connection between a certain Morelio Alfaros and Professor Xildius Vouganville.

"X-Xildius..." pagtawag ni Xantiel sa propesor. "Flick—no, Morelio Alfaros...was your student. He attended one of the pro bono community lectures that you conducted during 2016."

Narinig namin ang biglaang pagtawa ni Flick mula sa kabilang linya. "Mahusay! Mahusay ka, Xantiel! Oo, dati akong estudyante ng propesor."

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa magkahalong gulat at pagtataka.

"Fift, alam mo bang isa sa mga proyekto ni Xildius noon ay ang magturo nang libre sa mga batang may talento't talino, ngunit walang pang-aral?" direkta sa'kin ni Flick. "Villa Vouganville used to be a school for promising geniuses and young prodigies. Humanga ako nang lubusan sa kaniya kaya rin ako nagpasyang maging propesor."

"A-Ano?" Mas nagulat ako sa fact na nanirahan dito si Flick noon. Tila nangati bigla ang aking katawan nang malamang natutulog dati rito ang isang mamamatay-tao.

"I altered my face and changed my name so you wouldn't be able to recognize me. Saglit lamang ang proyekto mo noon. Tatlong buwan lang ang tinagal," paglalahad ni Flick. "But during that short period, what interested me the most are your lessons about the psychology of serial killers—particularly about the Morning Reaper."

"Don't fucking tell me..." Napanganga si Xildius at mukhang may namuo nang ideya sa kaniyang utak.

Tumawa ulit ang dating pulis. "Yes, Xildius. You finally figured it out."

Padabog na hinampas ni Xantiel ang lamesa at nahulog ang ilan sa mga kagamitan niya. "Imposible! XV, huwag kang maniwala sa kaniya! Isa siyang kriminal!"

Ako lang ba ang walang naiintindihan?

Lumapit ako kay Professor XV para hawakan ang kaniyang braso, kaya naman nagulat ang balat ko nang maramdaman kung gaano siya nanlalamig at nanginginig.

Pagtingala ay saka ko lamang napansin na sobra na siyang pinagpapawisan. Ganito ang nagiging hitsura niya tuwing tinatamaan ng kaniyang phobia. "I-Is there something wrong, XV?"

Flick whistled in a high tune before continuing. "I became obsessed with your books about the Morning Reaper, so I decided to become him."

Sinipa ni Xildius nang malakas ang telepono. Nahulog ito sa sahig ngunit hindi tuluyang nasira kaya naririnig pa rin namin si Flick.

"That's right, Xildius. You created a monster. All the lives that I took? They were all on you—because you gave me the idea, the method, the thinking. Ikaw ang dahilan kaya namatay ang mga inosenteng tao, Xildius."

Umiling ako at pinagtanggol ang propesor. "Hindi 'yan totoo! Pinaglalaruan mo lamang kami. Ikaw ang Morning Reaper at nahuli ka na namin!"

Flick started laughing hysterically from the other line. "Hahaha! Kaya nga tuwang-tuwa ako na nahuli niyo 'ko. My end goal was to actually get caught. I am a serial killer who likes to play games, right? And the game I was playing is called, 'What would XV feel if he found out that he gave birth to a serial killer?'"

"Xildius, huwag kang makinig sa kaniya!" hiyaw ni Xantiel sa propesor. "Sarili niyang desisyon ang pagpatay sa mga biktima niya! Hindi ikaw ang dahilan kaya sila namatay. Huwag kang magpaapekto kay Flick! Iyan ang gusto niyang mangyari!"

"Hahaha! Akala niyo ba ay kayo lamang ang magaling sa pag-arte? Hahaha!" pahabol ng baliw na pulis.

"X-Xanti... c-can you find out his whereabouts during F-February 7, 2006?" malalim na bulong ng propesor.

Agad na binuksan ni Xantiel ang kaniyang laptop. Naglabas siya ng dalawa pang mga laptop at pinagana ang lahat ng mga iyon. Mabilis siyang nag-type at sabay-sabay siyang naghanap ng mga impormasyon.

"Papadaliin ko ang buhay niyo, sa taong iyan ay nakatira ako sa isang bahay ampunan na may pangalang La Concordia Agustina," ani Flick.

"I-I don't want to fucking believe him, b-but he's right..." Naiiyak si Xantiel at nanginginig ang kaniyang boses habang inuulat ang nakalap. "Si Morelio Alfaros ay nasa bahay ampunan s-sa mga panahong iyon, Xildius."

"I didn't kill your parents, professor. Nakilala lamang kita noong 2016 sa edad na labing-pito," saad ng dating pulis. "Doon lamang ako nagsimulang pumatay ng mga tao. Inspired by your masterpiece books."

Unti-unti nang lumilinaw sa akin. Kaya pala walang naging biktima ang Morning Reaper mula 2006 hanggang 2016. Kung ganoon, ibig sabihin ba ay...

"If there was no Morning Reaper back then . . ." May luhang tumulo mula sa mata ni Xildius nang mapagtanto niya ang nangyari noong nakaraan. "It means, the one who killed my parents are . . ."

Si Xantiel ay nakasalampak na sa sahig at inis na humahagulgol. Si Flick naman ay panay tawa lamang mula sa kabilang linya.

Lumapit ako sa namumutlang propesor at sinubukang hawakan ang kaniyang kamay ngunit nilayo niya ito sa'kin.

"XV..." I whispered his name.

"D-Don't come near me, Salustiana..." humihikbing sabi ni Xildius kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. "It was me... I-I was the one who killed m-my parents..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro