CHAPTER 30

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


NOTE:

This is a work of fiction. Some facts that are stated in this chapter (marked with an asterisk*) do not reflect the current justice system in the Philippines.

***

"HAHAHA! Hahaha!"

Umalingawngaw sa buong silid ang malakas na paghalakhak ni Flick mula sa telepono. Napuno ng inis ang dibdib ko dahil habang umiiyak ang propesor ay siya naman itong tuwang-tuwa.

Sa galit ay kumuha ako ng vase para ibagsak sana sa ibabaw ng telepono nang biglang pinigilan ni Xantiel ang braso ko.

"Masusugatan ka lang sa gagawin mo, Fift..." naiiyak niyang sambit. Lumapit siya sa telepono at hinatak na lamang ang kurdon nito. "I'll change your number, professor. For everyone's peace of mind."

Tumingala si Xildius sa kisame at ipinikit ang kaniyang mga mata. Tumulo ang luha niya pababa sa kaniyang lalagukan na saglit na umakyat-baba kasabay ng malalim niyang paglunok.

"Xantiel..." his deep voice managed to speak. "Did you bring your car?"

Marahang pagtango ang naging tugon ng kaniyang kaibigan.

"Take me to him," mahinang sabi ni Xildius.

"S-Sigurado ka ba?" sagot ni Xantiel. "Alas-dose na ng gabi, baka gusto mo rin munang kumalma't magpahinga—"

"No. I need to talk to him now."

Hindi ko alam kung sino ba ang tinutukoy nila. Sumama na lang ako sa pagsakay sa kotse ni Xantiel.

Magkatabi lamang kami ni Xildius sa likuran, ngunit nasa malayo ang kaniyang isipan.

Pagkatapos ng mga tatlumpung minuto ay pumarada na si Xantiel, at nagulat ako dahil alam ko ang lugar na ito—nasa bahay kami ni Xalvien.

***

PININDOT ni Xanti nang tatlong boses ang doorbell, isang mabagal at dalawang mabilis. Siguro ay sikretong kodigo nilang tatlo iyon para alam agad ng isa't isa kung sino ang dumadalaw.

Napatingin ako sa relos sa'king kamay. Gising pa kaya si Xalvien nang ganitong oras?

Lumabas ang doktor na nakasuot ng ternong kulay lilang pajama na pinatungan ng puting doctor's coat. Humihikab pa ito at halatang bagong gising lamang.

"XV? Xanti? Fift? Bakit kayo napadalaw nang dis-oras?" tanong niya habang sinisipat ang aming mga silweta sa dilim.

Pagbukas ng gate ay agad siyang sinugod ni Xildius. Hinila ng propesor ang mga kuwelyo ni Xalvien na natanggalan bigla ng antok. "XV?! What's fucking wrong with you?"

"You tell me what's wrong!" angil ng propesor. "Sabihin mo sa'kin ang mga dapat kong malaman, Xalvien!"

Lumapit kaming dalawa ni Xantiel para pigilan sila. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ng propesor sa walang kinalaman na doktor.

"Xildius, kumalma ka lang!" usal ni Xanti. "Ikaw rin, Xalvien!"

Inayos ng umuubong si Xalvien ang lumuwag niyang kuwelyo. "Come inside, hopefully you'll calm down."

"Your fucking lavenders can't fucking calm me down!" singhal ni XV. "I need to know the whole fucking truth about me."

***

PINAPASOK na kami ni Xalvien sa loob ng kaniyang mansyon. Nilibot ko ang tingin sa paligid, at nagulat ako nang makita ang iba't ibang mga medalya, diploma, at sertipiko.

Isa sa mga ito ang bumihag sa'king atensyon. Lumapit ako para kumpirmahin ang nabasa ko—Attorney Xalvien Vouganville. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na abogado rin pala si Xalvien maliban sa pagiging doktor.

"XV..." panimula ni Xalvien nang makaupo na kaming apat sa kaniyang opisina. "Isa lang ang maaaring rason kaya bigla kayong dumalaw rito. Ibig sabihin ay nalaman niyo na."

Kumunot ang noo ko. Alam na ni Xalvien?

"Alam kong matalino kang tao kaya 'wag kang magbobo-bobohan," diretsahang sabi ni XV. "Kung may aaminin ka man sa'kin, sabihin mo na ngayon din."

Xalvien clasped his hands and rested his forehead on the tip of his thumbs. "I have a good reason for not telling you, XV."

The professor clenched his fist before slamming it on the arm rest. "You're the person who knows me the most, Xalvien. I'm your fucking patient! You've studied my mind and my behavior. Tell me your findings about me. Have you known all along that I have murderous tendencies?"

Seryoso ang mga mata ng doktor nang sagutin niya ito. "And I also care for you the most, XV. Kaya ko tinago sa'yo ang katotohanan. Oo, bilang doktor mo ay matagal ko nang alam ang tungkol sa'yong kundisyon."

Tumaas ang boses ni Xildius. "Tapos hinayaan mong tumira si Fift kasama ko?! Na kaming dalawa lang sa mansyon? Paano kung may nagawa akong hindi maganda sa taong mahal ko?! Hindi kita mapapatawad kung sakali!"

"Xildius, sa loob ng labing-anim na taon ay wala kang kinitil na buhay. Mahirap mang tanggapin ang nangyari noong nakaraan, pero nasaksihan ko ang pagbabago mo," paliwanag ni Xalvien. "Lalo na noong dumating si Fift sa buhay mo... naging masiyahin ka at gumaan ang loob mo sa mga tao. Kaya alam kong hindi mo siya magagawang saktan."

Naalala ko bigla ang mga iniwang salita sa'kin ni Xalvien noong kinonsulta ko siya. 'Kilala ko si XV, at alam kong ikaw ang makakabuti para sa kaniya.'

Kung gano'n, ito pala ang kaniyang ibig sabihin noon.

"So you knew about the Morning Reaper all along? You knew that Flick was a fake?" the professor confronted him with an irritated expression.

"Alam ko lang na hindi siya ang orihinal na Morning Reaper, pero wala na akong kinalaman sa mga kilos niya. Labas na sa'kin ang mga pagpatay niya."

Tumayo si Xalvien para kumuha ng mga papeles mula sa isang estante. Naglabas siya ng isang folder at pinakita sa'min ang mga laman nito. Sa harapan ay nakasulat ang malalaking letrang nagdala ng kirot sa'king puso.

Patient: Xildius Vouganville

Diagnosis by: Dr. Xalvien Vouganville

Findings:
The professor has a very hyperactive imagination. With an IQ of over 200, his brain has conjured the image of a killer which he believe actually exists.

He has been suffering from a post-traumatic disorder that led him to create false memories in his mind.

During our psychiatric sessions, he has confessed several times that he killed his own parents. The shock has altered his perception of the truth.

The patient is suffering from delusional psychosis—a mental illness where one cannot distinguish between what's real and what's imagined. He has a tendency to misinterpret certain events in his life.

His obsession on the existence of a serial killer has led him to see, hear, and feel things that are not there.

Huminga nang malalim ang doktor bago ibinunyag ang kaniyang nalalaman.

"There's no Morning Reaper, Xildius." Hindi mapigilan ni Xalvien ang pagpatak ng kaniyang mga luha. "He was just a villain that you created in your own mind so you have someone else to blame for killing your parents."

Mahina ang kaniyang boses, na sinasabayan pa ng malakas na paghikbi kaya halos hindi na namin ito marinig. Ngunit gaano man kahina, kahit gaano man kahirap tanggapin, nakarating pa rin sa'ming mga tainga ang mapapait na salitang iyon.

All four of us had a hard time swallowing the truth. Inuuntog ni Xantiel ang kaniyang noo sa dingding habang nagngangalit ang ngipin sa lungkot at galit. Si Xalvien ay nakasubsob ang mukha sa kaniyang mga palad habang umiiyak. Ako ay nakadilat lamang sa kawalan habang tahimik na tumutulo ang mga luha.

"Putangina, Xalvien..." humihikbing sambit ng propesor. "Bakit mo tinago sa'kin 'to? Alam mong walang Morning Reaper, alam mong ako ang pumatay sa mga magulang ko. Tapos putangina hindi ka nagsalita? Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan kong tao! I fucking entrusted my life in your hands as my doctor—and you hid the truth from me!"

"Dahil alam kong hindi mo mapapatawad ang sarili mo! Oo, hinayaan kong maniwala kang may Morning Reaper para bigyan mo ng tiyansa ang sarili mong sumaya, ang magkaroon ng maayos na buhay! Ang makatagpo ng taong mamahalin!" giit ng doktor. "Oo ako na ang masama, pero putangina ginawa ko 'yon dahil gusto kong mabuhay ka nang masaya, Xildius!"

"Alam mo ba ang tungkol dito, Xantiel?" tanong ng propesor sa isa niya pang kaibigan.

Tumingin sa sahig si Xantiel at umamin. "W-We both planned this, professor... Both Xalvien and I wanted to wait until... until someone like Fift to come into your life. Someone who'll provide you happiness that we can't give..."

Sumagi sa utak ko ang sinabi sa'kin ni Xantiel noon nang ihatid niya ako sa mansyon mula sa isang misyon. 'Fift, napakahalaga ng propesor sa'ming dalawa ni Xalvien. You can do something that both Xalvien and I cannot. Please, save him.'

"Putangina, kayong dalawa?!" Hindi makapaniwala ang propesor.

"Utang na loob naming dalawa ang buhay namin sa'yo, Xildius! Kung hindi dahil sa'yo ay wala kami ngayon..." paliwanag ni Xantiel. "Kaya gusto ka naming bigyan ng masayang buhay dahil alam naming mabuti kang tao. Oo, hindi man ito sa magandang paraan, pero gusto ka naming tulungan!"

"We waited for sixteen years to pass before revealing the truth to you, Xildius. It was all part of our plan," pag-amin ni Xalvien. "Our law has a statute of limitations, stating that a criminal can't be convicted for a crime that he has done sixteen years ago.*"

"Saktong labing-anim na taon na ang nakalipas simula nang mapatay ang mga magulang mo, pero dahil walang napatunayang kriminal sa loob ng labing-anim na taon, ikaw na ay malaya at hindi mahahawakan ng batas," dagdag ni Xantiel.

"You two are fucking geniuses, pero mga gagong henyo kayo." Napapailing na lamang ang propesor. "Sa tingin niyo ba ay hindi ako magagalit? Ano'ng gusto niyo, magpasalamat pa 'ko? Palakpakan ko kayo?"

"Wala kaming paki kahit magalit ka, ginusto naming gawin ito ni Xantiel para hindi ka makulong, Xildius."

"You can change the present, but you can't change the fucking past. I still killed my parents," diin ng propesor.

The lavender-scented room was filled with a heavy air of despair. What used to be a calming space is now carrying the heartaches of people that suffered over the years.

***

NAKABALIK na kaming dalawa ni XV sa Villa Vouganville. Walang nagsasalita sa'ming parehas.

Bakit ganito? Ang akala ko ay magiging masaya na ang lahat sa oras na mahuli na namin ang Morning Reaper. Pero bakit hindi namin magawang ngumiti? Bakit tila pinagkaitan kami ng tadhana na maging maligaya?

"Fift..."

Hindi makatingin sa'kin ang propesor. Nakatalikod niyang sinabi ang mga salitang dumurog sa'king puso.

"You shouldn't stay here anymore... It's no longer safe for you—"

"No! Don't say that!" agad kong pagputol sa sasabihin niya. "I will stay with you, Xildius! Pinangako ko 'yon!"

"You didn't let me finish my sentence... It's not about just the two of us anymore."

Dahan-dahan siyang humarap sa'kin. Kinakabahan ako sa kaniyang sasabihin. Halos hindi ko na marinig ang mga sinasabi niya sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko.

A tear fell from the professor's eye as he said, "It's no longer safe for you and our child."

*****
Knock, Knock, Professor is now a published book!

Enjoy special chapters and bonus content when you buy the book version, published under PSICOM. Available at National Book Store, Fully Booked, and officialpsicom's Shopee, Lazada, and TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro