Chapter 11: Zendric Adream Valamerio😑

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Janella Pov

Maaga akong bumangon para mag-asikasong pumasok.

"Mom? San po kayo pupunta? Papasok ka din po ba?" Bungad ni Aldrine pagkababa ko ng hagdan.

Tiningnan ko si Carlos na nakaupo sa tabi nya. Ngumiti lang ito sa akin.

"Ah yes baby."

"Mom can I come with you?"

Naupo ako sa tabi nya.

"Hindi pwede ei."

"Pleaseeee?"

Natahimik ako. Hindi ko nama kase alam kung anong sasabihin ko.

"Mom dali na ayoko pong maiwan dito. Pleaseeeeeee?"

"Tch! Fine but promise me na hindi ka magkukulit okey?"

Ngumiti sya ng malapad saka yumakap sa akin.

"I promise mom! Magpapakabait ako."

"Oh sya! Magbihis-----"

Tumayo sya at ngumiti sakin saka hinagod ang buhok nya.

"Nakabihis na ko Mom." Nakangising sabi nya.

"Panong-----"

"Pumayag na si Daddy eiii kaya nagpalit na ako."

"Jusmiyo! Bakit nagpaalam ka pa eiii ready ka na pala?!"

"You know Mommy......" Lumapit sya at yumakap sa braso ko. "....Syempre magpapaalam po ako kase baka mamaya magalit ka sakin tapos......" Nag-peace sign sya. "......tapos baka bugahan mo po ako ng apoy." Nakangiting sabi nya

"Tch!"

Sinimangutan ko sya.

"Labyuuuu Mom." Sabi nya pa.

"Tama na yan, baka ma-late tayo." Singit ni Carlos.

Bumitaw sya sakin at nauna ng naglakad palabas ng bahay.
Napailing na lang ako saka sumunod kame.

Tahimik lang kame buong byahe. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Seems like pare-parehas kameng tinatamad magsalita.

Pagdating sa school matapos mag-park bumaba agad kame at dumiretso sa loob ng school kase ilang minuto na lang mali-late na kame.

Paliko na kame sa isang hallway ng biglang may bumangga sa akin. Napaupo ako sa lapag.

"Misis!" Rinig ko ng sigaw ni Carlos. Akmang lalapit na sya ng tulungan ako nung lalake makatayo.

"I'm sorry! I'm so sorry! Nagmamadali----"

"Okey lang."

Nagpagpag ako saka tiningnan ko sya. Naningkit ang mata ko ng makilala kung sino.

"Zendric?!"

Tinitigan nya ako ng mabuti.

"Janella?"

Ngumiti ako ganun din sya.

"Nagkita ulit tayo after a long time."

"Maybe destiny?" Nakangising sabi nya.

"I bet it's not."

"Di parin nagbabago ei."

"Ehem! Mommy!"

Sabay kameng napalingon kay Aldrine.

"Who is he?"

Agad lumapit si Aldrine hila-hila si Carlos.

"Hello po! I'm Aldrine and this is my Dad, Carlos Montes. Mommy Janella's husband."

Lumingon sya sakin to confirm it. I just nod.

"Hi little boy. I'm Zendric."

"Kaibigan ka po ni Mommy?"

"Siguro...."

"What do you mean?" Singit ni Carlos na nakakunot na ang noo.

"She's my fiancé... I mean ex-fiancé. Anyway I have to go, nice meeting you guys." Humarap sya sakin. "Sorry ulit and see you around."

Tumango at akmang aalis na ng hilahin nya ako saka niyakap.

"Nga pala. I miss you."

Siniko ko sya kay binitawan nya ko.

"Whatever."

Tumawa lang sya saka luminayas.

"Let's go." Aya ko sa dalawa na kung makatingin sakin parang may mali akong ginawa.

Sumunod naman sila wala nga lang imik.

Pagdating sa room kinausap ko yung teacher namin na-makiki-seat-in si Aldrine.

The whole time, hindi talaga sila nagsasalita. Parehas silang naka-poker face at nakatingin lang sa pisara. Minsan kukunot ang noo pero mawawala din agad na para bang anlalim ng iniisip nila parehas.

Nung Lunch break biglang nawala silang dalawa.

"Nakita nyo sila Carlos?"

Napahinto sa pag-aayos sila Anna saka tumingin sakin.

"Nagmamadaling umalis ei. Magkasama yung dalawa." Sagot ni Jerome

Napakunot noo ako.

Ni hindi man lang ako hinintay?

Nagpaalam ako na hahanapin ko yung dalawa. Agad akong lumabas ng room at naglakad sa hallway.

Halos lahat na ng estudyante kanya-kanya na ng pinagkakaabalahan.

Ang iba naglalakad palabas ng building ang iba naman ay piniling manatili sa corridor at tumambay.

Maaliwalas ang panahon kaya ang iba ay sa mga bench sa grounds tumambay.

"Ba't mag-isa ka lang?"

Napapitlag ako ng sumulpot si Zendric.

"Nakita mo sila Aldrine?"

"Di mo kasama?"

"Obviously?"

"Di nagpaalam sayo?"

"Hahanapin ko ba kung nagpaalam?"

"Ba't ang sungit mo na naman? Can't over on me huh?"

"Can't over mo mukha mo. Lumayas ka na nga!"

Tumawa sya saka inakbayan ako at hinila palabas ng building.

"I saw them on the cafeteria. Maybe eating? Nagutom ata ang anak mo."

"Bitawan mo nga ako!"

"Ay sorry." Sabi nya saka bumitaw.

"Tch! Feeling close ei!"

"Ba't di ba tayo close?"

"Hindi!"

Sumimangot lang sya.

"Ganyan ka naman ei."

"Anong ako na naman?"

"Yan ganyan!"

"Anong ganyan?!"

"Masungit! Ni ayaw mong maging kaibigan ako!"

"Ayoko talaga!"

"Tsk! Kung di dahil sa matalino kong utak paniguradong ako ang asawa mo!"

"Kapal mo kahit ako ang nakaisip nun!"

"Bakit kung hindi ako pumayag paniguradong hindi mo magagawa yun!"

"Kahit ikaw ang mas nag-benefit!"

"Anong benefit ei hindi mo pa tinutupad ang pangako mo!"

"Hindi ko talaga tutuparin!"

"Kita mo hindi ka marunong tumupad sa usapan!"

"Pake ko?!"

"Excuse me po?"

"Ano?!" Sabay na baling namin ni Zav sa nagsalita.

"Aldrine?" Takang tawag ko.

"Yes Mommy it's me! May problema po ba?"

"Ah! Ito kaseng Mommy mo ayaw-------aray!"

Sikuhin ko nga ng malakas.

Nagtatakang nakatingin samin ang bata. Umiling ako.

"Wala. Nasan si Carlos?"

"Ayun po oh!" Sabi nya saka itinuro ang bench di kalayuan sa amin.

Nakatingin lang sya samin habang nakaupo doon.

Hinawakan ko si Aldrine at lumapit kame sa kanya.

"Hoy! Iiwan mo ko?!"

"Wala akong pake sayo!"

Nang makalapit kame binitawan ko si Aldrine.

"San ba kayo pumunta at bigla kayong nawala? Ni hindi man lang kayo nagpaalam!"

Tiningnan nya lang ako saka tumayo at naglakad palayo.

"Carlos!" Tawag ko pero ni hindi sya lumingon.

Bumaling ako kay Aldrine at kunot noong naupo sa bench.

"Kumain ka na?"

Tumango sya. Napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo na Mom, intindihin mo na lang nagseselos ei."

"Huh?"

"Isn't it obvious?"

"Alin?"

Sumimangot sya.

"Ang manhid mo Mom."

"Ano ba kase talagang nangyayare?"

"Nag------"

"Hi Jana!"

Ngumiti ako ng makita sya.

"Kamusta?"

"Same as old."

Naupo sya sa tabi ko saka pinisil ang ilong ko.

"Aray! Erick tantanan mo nga ako!"

Tumawa sya. "Nga pala nakita mo si Erich?"

"Hindi ei. Bakit?"

"Ah wala." Tumayo sya. "Sige hahanapin ko lang."

Tumango na lang ako.

Nang makaalis sya bumaling ako kay Aldrine.

"Ano nga ulit yun?"

"Mom makiramdam ka nga po."

"Ano bang sinasabi mo?"

"Mom ano ba? nagseselos si Daddy!"

"Eiii?"

"Yung kay Tito Erick pinipigilan nya lang kase alam nyang mahal mo si Tito Erick pero nung dumagdag yung Ex-fiancé mo, wala na hindi na nya kaya."

"Nagseselos sya kay Erick at Zav?"

Tumango sya. "Kaya Mom please lang tama na, nasasaktan mo sya."

Hindi ako nakaimik.

Nagseselos sya kay Erick at Zav

"Mom babalik na kame sa province. So please i-promise mo na pagbalik ko kayo parin ni Daddy ang magkasama. Promise me na kahit anong mangyare sya ang pipiliin mo. Promise me na hinding hindi mo sya iiwan."

Tumingin ako sa kanya.

Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin.
Inilapit ko sa kanya ang hinliliit ko saka ako ngumiti.

"Promise." Sabi ko

Ngumiti sya saka nakipag-pinky promise sa akin.

Pagkatapos nun bumalik na kame sa classroom.

Pagpasok namin nakita kong nakaupo na sya sa pwesto nya. Tahimik lang kameng naupo ni Aldrine. Nang pumasok ang Adviser namin nag-announce lang sya.

"Class may bago kayong kaklase. Mr. Valamerio, come in."

Bumukas ang pinto at pumasok si Zav na kung makangiti akala mo sobrang saya ng mundo at walang ka-proble-problema ang pilipinas.

"Introduce yourself Mr Valamerio."

Tumango ang lalake saka nagsimulang magpakilala. Tilian ang mga kaklase naming babae, bagong lalandiin na naman daw.

"Hi Janella!" Bati nya na nagawa pang kumaway sa akin.

Hindi ako umimik at tiningnan lang sya.

"Mr Valamerio seat beside Ms. Madrigal."

"Ma'am hindi po ba pwedeng sa tabi na lang ni Janella?"

"Hindi."

Kakamot kamot sya sa ulo na naupo sa tabi ni Shiella na akala mo nasa kabilang mundo ang utak. Lutang ata ei.

"Hi Ms." Bati nya kay Shiella pero hindi sya nito pinansin.

Nagsimula ng magturo si Ma'am.

"Can you please shut your mouth? I'm not interested on you." Rinig kong sabi ni Shiella. Umirap pa sya.

Kawawa tuloy si Zav, nakasimangot syang nakinig sa lecture ni Ma'am.

The whole discussion hindi sya umiimik o nagsasalita man lang. Ni hindi na nga nagawang ngumiti ei basta na lang nakaupo doon at parang nawalan ng energy.

Nang matapos ang discussion at uwian na, napabuntong hininga ako saka tumayo sa upuan ko.

"May kakausapin lang ako." Paalam ko sa dalawa saka lumapit kay Zav.

"Follow me." Bungad ko agad.

"Huh? Bakit?"

"Ah! Basta!" Sabi ko saka tumalikod at naglakad palabas ng room.

Pumunta ako sa may gilid ng room kung saan wala masyadong tao. Nang dumating sya di na ako nagpaligoy ligoy pa.

"Pumapayag na ako."

"Talaga?"

"Oo just make sure na malinis ang intention mo kundi ako ang makakalaban mo!"

Ngumiti sya ng todo.

"Yes naman! Promise!" Sabi nya saka yumakap sakin.

Pumiglas naman ako agad.

"Salamat! Promise hindi ka magsisisi! Salamat!" Sabi nya ng humiwalay sa akin.

"Whatever. Siguraduhin mo."

Tumalikod na ako sa kanya kaso nagulat ako ng makita si Carlos.

Nakatayo sya sa gitna ng hallway habang nakatingin sa akin. Tipid lang syang ngumiti saka tumalikod at naglakad ulit palayo.

Naman ei! Uso talaga déjà vu noh? Naulit na naman ei!

Agad akong sumunod sa kanya.

"Carlos saglit lang!"

Hinabol ko sya hanggang sa makarating kame sa grounds.

"Carlos teka lang naman!"

Huminto sya at nilingon ako. Nakalagay sa bulsa nya ang mga kamay nya, para din syang bored na bored habang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Kausapin mo naman ako oh."

"May dapat ba tayong pag-usapan?"

Napasimangot ako. Pakiramdam ko maiiyak ako sa coldness nya ei.

"Ba't ganyan ka?"

"Anong sinasabi mo?" Kunot noong tanong nya.

"Bakit ayaw mo kong kausapin? Wala naman akong ginagawang mali ah? Kung galit ka sakin sabihin mo hindi yung ganito!"

Tiningnan nya lang ako.

"Sana sinasabi mo hindi yung bigla ka na lang aalis."

Taenang mata toh ang iyakin ei.

Narinig kong sumaltak sya saka mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

"Sorry."

Inilayo nya ako sa kanya saka pinunasan ang mga mata ko.

"Ako dapat ang umiiyak dito hindi ikaw."

"Sorry na nga ei!"

"Misis.."

"Sorry...pero sana sinasabi mo sa akin hindi yung nilalayuan mo ako."

Hindi sya umimik.

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan sya.

"Nagseselos ka sa kanila di ba? Sabihin mo sakin lalayuan ko sila! Wag lang yung ganito. Ayoko nito."

"Misis..."

"Ayokong lumalayo ka...ayokong wala ka.."

Niyakap nya ako ng mahigpit nang bumitaw sya hinalikan nya ako.

"I'm sorry.." sabi nya pagkabitaw nya sakin. "Gusto ko lang muna sanang lumayo para mawala ito."

"Pero bakit? Ayaw mo na sakin? Ayaw mo na akong kasama? Nagsasawa ka na?"

Umiling sya.

"Gusto kitang makasama pero Misis mali ito. Ayokong dumating sa puntong maging possessive ako, Ayokong dumating sa puntong masakal kita dahil lang dito."

"Lalayo ka?"

"Magpapahinga lang siguro."

"Pero-----"

"I love you..." Putol nya sa sasabihin ko saka humalik sa noo ko at naglakad palayo.

Naiwan akong naeewan. Naiiyak ako. Taenang buhay toh.

Jam Pov

Ilang araw na ba ang lumipas? Tatlo na ata.

Mula ng umalis si Aldrine at umuwi ng probinsya. Ewan ko kung anong masamang hangin ang umihip at biglang natahimik yung dalawa ni hindi ko na nakikitang magkasama, kahit mag-usap hindi rin, ni hindi na rin na punta sa bahay si Carlos.

Malaki ang hinala kong nag-away sila. Pano ba naman balik pagsusungit na naman ang lalake. Ang tipid na naman magsalita at ni hindi na naman nakibo samantalang yung kapatid ko naman natatanga na ata at halos lahat ng test ibinagsak, tulala din madalas pag-nasa bahay.

"Iwan nyo muna kame." Sabi ko

Tumayo naman sila.

"Puntahan lang namin si Ms., baka mamaya binubunot na naman nun yung mga damo sa garden." Sabi nila.

Pano nahuli daw nila ang kapatid ko na nakaupo sa garden, tulala habang binubunot ang mga damo sa paligid nya.

Nang makaalis ang mga babae bumaling ako kay Carlos.

"Ano ba talagang nangyare?" Tanong ko agad.

Sumandal sya sa kinauupuan nya saka napabuntong hininga.

"Nilayuan ko muna sya."

"Ano?! Pare natatanga ka na ba?" React agad ni George

"Pano pag-naunahan ka ni Erick? Baka mawala sayo si Ms!" Sabi ni Kris

Lakas maka-sabi ng mga toh palibhasa wala dito si Erick.

"Ano bang iniisip mo?"

"Ayoko lang bakuran sya."

"Pero bakit?"

"Hindi kame."

"Ano naman? Dude wala sa label yan."

"Yun na nga wala kameng label, hindi ko sya pwedeng pagbawalan o bakuran."

"Bakit ba kase?" Tanong ni Winston.

Hindi sya umimik.

"Nagseselos ka noh?" Tanong ni Andrei.

Sumaltak lang sya.

"Sabi na ei!"

"Lumayo ako dahil ayokong dumating yung puntong maging possessive ako at masakal ko sya. Ayokong ng dahil doon mawala sya lalo sa akin."

"Tingin mo ba sa ginagawa mo hindi mo sya nasasaktan? Taena sa buong buhay ko ngayon ko lang sya nakitang bumagsak ng sunod-sunod sa lahat ng subject."

"Bumagsak?"

"Hindi mo alam?"

Umiling sya.

"Kinausap ako ng adviser natin. Bagsak daw sa lahat ng test si Janella, hindi nya na lang daw isinama sa announcement dahil nakakahiya sa reputation nya dito sa school."

"Sabi nila Princess madalas daw tulala ei." Sabi ni Kris

"Hindi ko din makausap ng maayos."

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zav.

"Bakit?"

"Nakita nyo si Janella?"

"May kailangan ka?"

"Magpapatulong sana."

"Wala, hindi ka nya matutulungan natatanga sya ngayon."

"Bakit anong nangyayare?"

Humila sya ng upuan at naupo.

Ikwinento sa kanya ni Kris.

"Ah kaya pala sinampal ako kahapon." Kakamot kamot sa ulong sabi nya.

"Sinampal ka?"

Bago yun ah? Mukhang nagiging babae na ang kapatid ko.

"Oo ei. Kinukulit ko kaseng tulungan ako kay Shiella. Nagulat nga ako akala ko susuntukin ako pero sinampal nya ako."

Napatingin sya kay Carlos na matiim na nakatingin sa kanya.

"Pre pasensya ka na mukhang nakadagdag ata ako sa away nyo. Nagpapatulong lang naman ako sa kanya kay Shiella, wala akong balak agawin sya sayo."

Hindi kumibo si Carlos.

"Carl ayusin mo na toh."

"I will." Sabi nya saka tumayo at umalis.

Napabuntong hininga na lang kame.

Naiintindihan naman namin sya, ayaw nya lang dumating sa puntong magalit sa kanya ang kapatid ko kaya sya lumalayo muna para mawala yung selos na nararamdaman nya.

Wala naman kaseng sila para magselos sya.

Ayaw nya ding pagbawalan kase ayaw nyang maramdaman ng kapatid ko na kinokontrol nya ei hindi nga sila.

Sya pa naman yung uri ng tao na kapag nagselos gusto nya layuan mo. Yung tipong as in bawal ka ng ganito ganyan, may pagka-possessive din kase sya pero wala ei wala syang magawa kundi pigilan ang sarili kase again inuulit ko wala nga kaseng sila.

Mahirap talaga ang sitwasyon ni pareng carlos, sumusugal sya kahit na walang kasiguraduhang mahalin din sya ng kapatid ko pero ganun naman talaga pagnagmamahal ka handa mong isugal lahat kahit sarili mong buhay para sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro